Escaping From Dela Vega

By soffythemanunula

107 11 7

Annicka Mae Hilary Grandesa is a simple girl with a simple life. She grew up with the Dela Vega cousins and t... More

Author's Note.
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5

Kabanata 6

9 0 0
By soffythemanunula


"Von, I have a good news!" sigaw ni Ron dito sa kusina.

Agad kong itinulak si Von at napakurap ako sa kaba. Ano ba itong pinaggagawa niya? Pero imbes na umayos ito nang tayo dahil nandito si Ron, hindi ito gumalaw. Tinitigan lang niya ako ng madilim at umigting ang panga nito. Umalis ako sa pwesto ko at lumapit sa mga lalagyan ng baso, inilagay ko doon ang mga nahugasan na.

"Oh, Annicka nandito ka pala." sambit ni Ron. Ngumiti ako sakanya at itinuro ang mga baso na hinuhugasan ko. Tumango naman ito at lumapit kay Von, na sinusundan pa rin ako ng tingin. Stop looking at me, Von!

Ron tapped the back of Von.

"Dadating si Fleur bukas. She'll study here!" masayang sambit nito sa pinsan.

Von removed his brooding eyes on me and he jerked his head to Ron.

"What did you say?"

"Fleur! She will study here, man."

Oh, ang kaibigan nila na taga-America. Heck, Fleur Magenda Reyes is so beautiful. I'm telling you. Nakita ko na iyon tatlong beses nung nagbakasyon sila dito sa Pilipinas. She's a family friend of Dela Vega.

Unang tingin mo pa lang sakanya para na itong modelo. Well actually I heard that they are offering her to be a model but she always refuse them. We aren't that close but we talk naman pag bumibisita siya dito. And she will study here? That's good though. Ano kayang kurso niya? Baka maging magkaklase kami.

"Okay." iyon lang ang sagot ni Von at tumingin nanaman ito sa akin.

Ron creased his forehead. Napalingon din tuloy ito sa banda ko. Umiwas ako ng tingin sakanila. Annicka, you're eavesdropping. Nakakahiya ka.

"Nag-aaway ba kayo?" Ron asked.

I immediately look at him. Umiling-iling ako sakanya at nagulat ako sa tanong nito.

"Hindi ah!" mabilis kong sagot.

Tumaas lang ang kilay ni Ron at tsaka ngumuso.

"Bahala na nga kayo diyan." sabi ni Ron tsaka ito tumalikod at umalis.

Gulat, hindi ko na alam ang gagawin ko. Naiwan nanaman ako kay Von at hindi ko alam ang gagawin at sasabihin. Parang nilubayan nanaman ako ng aking kaluluwa at bahala na kung ano ang mangyari ngayon.

Tumikhim ako at lumapit sa lababo. Mukhang nakuha naman agad ni Von ang aking gagawin kaya tumabi na ito. I silently washed the glasses without throwing a look to him. Though, I feel his stares. Hindi ba siya nagsasawa kakatingin sa akin? Bakit ba kasi hindi pa siya umalis dito.

"Treat me like how you treat them." his final words then he left me dumbfounded.

Anong gagawin ko? Ipagpipilit ko ba ang sarili ko kahit hindi ako komportable sakanya? Yes, I do respect him. Kasi amo pa rin siya ng mga magulang ko. Kasi sila ang tumutulong sa amin. I just, don't know why I feel like there's a wall between us. May harang, at parang bawal kong sirain ang pader na iyon. Pero pag sa apat, wala naman akong nararamdaman na ganoon.

And honestly, he makes my heart weird. As though I am being jinxed whenever I'm with him.

--

"Bilisan niyo, nakakahiya naman kay Miss Fleur kung may makita siya ni isang alikabok dito sa mansyon." saad ni Mama sa amin, kinabukasan.

"Nung pumunta kami sa mansyon nila noon, grabe ang linis. Nakakahiyang umapak sa sahig nila!" sigaw nanaman niya.

Napanguso na lang ako at ipinagpatuloy ang pag punas sa mga muwebles dito sa mansyon. Lahat ata kami ngayon naglilinis at ang iba namang katulong ay nagluluto, dahil dadating na nga mamaya si Fleur.

Ganito ang totoo naming buhay. Ganito ako sa katotohanan. Amo ko ang mga Dela Vega. Kasambahay lang nila ako. Pero hindi ko iyon ikinakahiya. Ang pagtratrabaho namin dito ay marangal at wala kaming inaapakan na tao ni Mama. Sadyang mabait lang ang mga Dela Vega sa amin.

Wala rin ang mga magpipinsan. Sinundo nila si Fleur sa airport. Syempre kaibigan nila ito.

"Oh, nandiyan na sila!" sigaw ni Ate Sabel.

Agad na nataranta ang ibang mga kasambahay. Habang ako ay tahimik na nakamasid sakanila.

"Annicka! Halika dito, salubungin natin si Fleur!" si Mama.

Agad akong lumapit sa tabi niya at naglinya na kami para salubungin ang bagong bisita. Pito kami ngayon na naghihintay dito sa sala ng mga Dela Vega.

"Welcome home, Mademoiselle Fleur!" sigaw ni Neville, pagkapasok nilang anim sa mansyon.

Sabay naman kaming yumuko bilang paggalang sa bisita ng mga Dela Vega. Yumuko din naman ng kaunti si Fleur sa amin kaya umayos na kami ng tayo. Sinenyasan ni Mama ang ibang katulong na buhatin ang mga dalang maleta ni Fleur na bitbit ni Von at ng mga kambal. Napatingin ako kay Von dahil naramdaman ko ang pagsulyap nito sa akin.

Pero lumipat agad ang tingin ko kay Fleur. Napaka-ganda niya. Wala ni isang mali sakanyang katawan. She's wearing a simple spaghetti white dress and a white stilettos. She's skinny too but it's still perfect. She's like a princess, really.

"This isn't my home. I'll go to mansion after one week. I'll just stay here for a while, and you know it Neville." natatawa nitong sabi kay Neville. Even her voice is too sweet.

"But you can still consider the Dela Vega mansion as your home, sweetie." malambing na sabi ni George.

Nakita ko ang pagnguso ni Jorgy sa likod at umirap ito sa kawalan. Problema nun?

"Ah, Manang Madelle. Nakahanda na ba ang mga pagkain sa kusina?" tanong ni Ron kay Mama.

Tumingin sa akin si Ron at ngumiti. Sinuklian ko naman iyon.

"Ah, oo Ron. Dali na, Halina kayo at makakain na si Miss Fleur." sabi namam ni Mama.

Napatingin ako kay Fleur at nakatingin na pala ito sa akin. Nagulat ako doon. Agad akong ngumiti sakanya, ngumiti rin ito ng pabalik at yumuko ng kaunti.

"Tara na." si Neville at naglakad na sila.

Sumulyap sa'kin si Von, bago sumunod sakanilang lahat. Tinitigan ko sila habang papunta sa kusina.

Napakaswerte nila at hindi sila lumaki sa hirap. Samantalang may mga tao na kulang ang kinakain. May mga tao na gustong magpagamot, pero walang pampagamot. May mga bata na nagtratrabaho sa murang edad, imbes na naglalaro, pera ang hinahanap. May mga nanay na walang pambili ng gatas dahil sa hirap ng buhay. At may mga tatay na pinapatulan ang mga trabaho, na kahit hindi sapat at tama ang sweldo.

Iba-iba tayo ng estado sa buhay, pero lahat naman tayo ay pantay.

Papasok na sana sa kusina si Jorgy pero bigla itong tumigil at nilingon ako. Ngumiti ako sakanya. Ngumuso ito at agad na naglakad patungo sa akin.

May problema ba ito?

"Bakit ayaw mo pa pumunta sa kusina?" tanong niya nang makalapit ito sa akin.

"Papunta na ako, may naisip lang." natatawa kong sagot.

Umirap ito sa akin at umambang yayakapin ako. I smirked. Dela Vega cousins and their rolling eyes.

Sinalubong ko ang yakap niya at tinapik ang balikat nito.

"So, anong problema?" tanong ko sakanya.

He shaked his head and he tighten his hug. Wala raw. I know them very well.

Except kay Von.

Hindi na lang ako kumibo at hinayaan kong yakapin niya ako. Wala man akong kapatid, pero meron naman sila. Nandito naman sila sa tabi ko.

Lumaki ang mata ko nang biglang lumabas si Von sa kusina. Nakatingin ito ng madilim sa amin. Suminghap ako at unti-unting tinanggal ang pagkakayakap ni Jorgy sa akin.

Umayos ng tayo si Jorgy. Pagod ang mga mata nito.

"Why?" tanong ni Jorgy.

Ngumiti lang ako sakanya at umiling.

"What are you two doing here?" malamig na sabi ni Von.

Jorgy smirked. Hindi niya nilingon si Von, kundi nasa akin pa rin ang mga mata niya.

"Oh, the jealous man." bulong ni Jorgy.

"Von, come on. Let's eat. What's happening here?" agad akong napalingon sa isa pang boses.

Si Fleur.

"And the jealous woman." Jorgy whispered again, but this time, there's coldness in his voice.

Continue Reading

You'll Also Like

376M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
351M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
291K 4.1K 33
Wala akong ibang ginawa kundi mahalin sya. Tinanggap ko lahat ng masakit na pagtrato sakin ng pamilya ko at niya. Pero bakit sa lahat ng titirahin ny...
73.1K 5.6K 16
Kenny Rae B. Sinclair is a fourth-year college student. Pretty handsome but aloof and prefers to be alone. She has only two friends at school and has...