Simula

29 3 2
                                    


"Annicka, lumabas ka na diyan." mahinang sabi ni Mama sa labas ng kwarto ko.

Agad akong napatayo at napahawak sa dibdib ko. No, hindi ko pa kaya. Pinagpapawisan na ako dito sa kwarto at hindi alam ang gagawin.

"Basta tulog pa si Harry, lumabas ka na." si Mama.

Agad akong napatingin sa anim na taong gulang na anak ko. Mahimbing itong natutulog at yakap-yakap ang isang teddy bear.

His all features came to his father. Mata lang ang nagmula sa akin at ang natural nitong kulay na buhok, it was color brown. Lahi nanaming mga Grandesa ang kulay brown na buhok. Napalunok na lang ako.

"Pumunta ka na sa mansyon. Nandoon na ang mga magpipinsan. Hinahanap ka na rin nila. Nako itong bata na ito." si Mama, at narinig ko na ang mga yapak nito. Hudyat na umalis na siya.

Nandito na sila.

Nandito na sila sa Pilipinas.

Natulala muna ako habang nakatayo. Inaalala ang mga nakaraan. Matagal ng tagapaglingkod ang mga magulang ko sa mga Dela Vega. Malaki ang utang na loob namin sakanila, dahil nakapagbahay kami dito sa sarili nilang lupa.

Ang bahay namin, sa harapan nito ang mansyon na ng mga Dela Vega. Dito kami pinatayuan ng bahay para mas malapit daw.

Agad akong napabalik sa realidad ng may narinig nanaman akong katok.

"Annicka Mae Hilary. What the fuck are you doing here? Hindi mo ba kami na-miss? Labas!" isang tinig ang pumasok sa tenga ko.

Agad nanlaki ang mata ko at napatingin sa aking anak. Oh no, Nandito na sila, boses iyon ni Neville. Oh no.

Kumatok ulit sila sa pintuan kaya agad akong lumapit doon. Huminga muna ako ng malalim. Bahala na.

Binuksan ko ang pintuan at ngumiti sakanilang lima. Pero bago pa itulak ni Neville ang pinto, agad ko na itong isinara.

"Hi! Na-miss ko kayo!" sigaw ko sakanila at ngumiti ng matamis.

Totoo naman na na-miss ko sila. Akala ko hindi na sila babalik eh, akala ko sa America na sila titira.

"Hala, ang ganda mo pa rin Annicka!" masayang sabi ni Ron.

Ngumiti lang ako sakanya at yinakap ito. Ah, na-miss ko talaga sila eh. Yung mga bonding namin noon, yung prinoprotektahan nila ako, yung tinuturing nila akong kapatid.

Agad naman lumapit ang kambal saakin, si George at Jorgy. Hindi pa rin sila nagbago, ito pa rin yung mga paborito kong kambal.

"Wow, Annicka. Kung hindi ka pa namin pupuntahan dito, baka hindi ka na namin makikita." sabi ni Jorgy.

"V.I.P ang prinsesa eh." natatawang sabi ni George.

Tumawa na lang ako sakanila at yinakap din ang kambal. Magkamukhang-magkamukha  talaga sila. Malalaman mo na lang na si George ang kausap mo pag may dimple samantalang wala naman kay Jorgy.

"Hoy, ako wala man lang bang yakap?" inarte ni Neville.

"Huwag na." natatawang sabi ko habang kinakalas ang yakap ko sa kambal.

Ngumuso si Neville at tinignan ako ng masama.

"Gayshit, Neville." isang malamig na boses ang pilit kong iniiwasan.

Nawala ang ngisi ko at pinipigilan kong huwag lingunin ang lalaking iyon. Pero taksil ang utak ko eh. Liningon ko pa rin siya sa gilid ng kwarto ko.

Von Solemn Dela Vega. The man I want to forget, the man who broke my heart, the man who wreck every piece of me. Nagtagpo ang mga mata namin.

He looked at me darkly. He's building some ice again between us. Damn it. What did I do again? He clenched his jaw.

Naramdaman din siguro ng mga pinsan niya ang namumuong tensyon saamin ng pinsan nila, kaya agad akong hinila ni Neville at niyakap.

"B-Buti na lang lumabas ka eh. Namiss ka namin Annicka." pilit na tawa ni Neville para gumaan ang paligid.

Kunyari namang inubo ang dalawang kambal at ngumisi si Ron.

"Annicka, asan na ang pamangkin namin? After nine years makikita nanamin si Harry." biglang sabi ni Jorgy.

Para akong inilipad at ibinagsak sa lupa. Ito ang gusto kong iwasan eh. Iyong anak ko,

"Hindi ka ba pinanindigan nung gagong tatay?" natatawang sabi naman ni George.

Agad kong nilingon ang kambal at tinignan ng masama. Oo, hindi ako pinanindigan nung gagong tatay!

Nahagip ng mata ko ang tahimik na si Von. Umiigting ang panga nito sa naririnig sa mga pinsan.

Sasagot na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan sa likuran ko.

"Mama,"

Oh shit. Oh no,

Nanlaki ang mga mata ko at nilingon ang anak kong may hawak na teddy bear. Nakapang-tulog ito ng Spiderman. Napatingin ako sa relo ko sa kamay.

3:21 am.

"A-Anak, matulog ka muna sa loob. Maaga pa." tarantang sabi ko kay Harry.

Kumunot naman ang noo ng anak ko at tumango. Tinignan lang niya ang mga magpipinsan, at huli nitong tinignan si Von. Ngumiwi ang anak ko sakanya at pumasok na sa kwarto.

"What the duck?" si Ron.

"Parang may kamukha." sabat naman ni Neville.

Agad akong pumikit at nag-iisip na ng maaring isasagot sa mga itatanong nila ngayon. Narinig ko naman ang tawa ng kambal.

Napamulat na lang ako ng may humawak ng mahigpit sa braso ko. Nilingon ko ang taong iyon, si Von.

Galit na galit ang mga mata nito, umiigting ang panga, nakakunot ang noo. Sumasampal saakin ang mamahalin niyang pabango.

"Who's the father of that child?"

Humigpit ang hawak niya sa braso ko at agad akong napalunok. Nakita ko ang unti-unting pagbagsak ng panga ni Ron at Neville.

"K-Kamukha mo Von, yung anak ni Annicka." mahinang sabi ni Ron.

"Exactly!" sabay naman na sagot nung kambal.

Hindi ako makahinga sa lakas nang tibok ng puso ko. Na para bang gusto nitong lumabas at tumakbo.

"Answer me Annicka!" isang nakakabinging sigaw at katahimikan ang bumalot saamin ngayon.

Bumukas ulit ang pintuan ng kwarto namin at lumabas ang anak ko.

Nagulat ako ng dala nito ang laruan niyang baril-baril at itinutok kay Von.

"Why are you shouting my Mama? Don't touch her! My father is in America why are you asking?!" sigaw ni Harry habang itinututok ang laruang baril kay Von.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak na lang dito ngayon. Pero isa lang ang alam ko.

May ideya na siya kung sino ang ama.

"Damn. Like father, like son." panggagatong pa ni George.

Escaping From Dela VegaWhere stories live. Discover now