Kabanata 3

6 0 0
                                    

World

"Annicka, catch!" sigaw ni Neville.

Agad kong sinalo ang puting tuwalya na hawak niya tsaka siya ngumiti.

"Galing naman pala sumalo ni Annicka. Ewan ko ba kung bat may natotorpe dito." halakhak ni Jorgy.

Tumingin ako sakanya at pinagtaasan ng kilay. Ano bang ibig niyang sabihin?

"Gago ka Jorgy. Gusto mo bang mabugbog mamaya? Gusto mo bang may unggoy na magalit mamaya?" si George na lumalabas ang dimple at tumawa nanaman silang dalawa.

Nakatingin kaming apat sa kambal at hindi ko maintindihan ang pinagsasabi nila. Kambal nga talaga.

"Tangina niyo, pinagsasabi niyo?" inis na sabi ni Ron.

Napatingin ako sa gilid ko ng tumabi sa akin si Von. Napakurap ako at umiwas ng tingin. Ewan ko kung nakita ba ng mga pinsan niya ang pagyakap nito sa akin kanina o ano. Hindi ako nakasagot sakanya at natahimik na lang. I didn't move that time as though I was being petrified and jinxed by the sea monsters.

"Tanga nitong si Ron at Neville, bro. Buti na lang matalino tayo." sabi ni George.

Ngumiwi ako sa sinabi niya.

"Ang gulo niyong kambal." ani ko at tumalikod na para magbihis sa malapit na C.R dito.

"Annicka, payakap nga." biglang sabi ni Jorgy na ikinatigil kong maglakad.

Lahat na ata ng dugo ko tumaas at napunta sa pisngi ko. Nakita nila, nakita nila! I jerked my head to them then I saw the twins doing a back hug to each other. George is whispering something to Jorgy and they are imitating what was happen a while ago!

Lumaki ang mga mata ko. My gaze went to Von then he's already staring at me, smirking!

Lumunok ako at agad na lumakad papalayo sakanila. Urgh!

"Napakamanhid niyo naman Neville, Ron at Annicka!" isang sigaw ang narinig ko mula kay Jorgy bago ko isinara ang pintuan dito sa C.R.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ano ba itong nangyayari.

-

Umuwi kami ng tanghalian nung araw na iyon. Kay Von pa rin ako sumakay at hiyang-hiya na ako dito.

"Alis na 'ko. Punta muna ako sa bahay." sagot ko sa mga Dela Vega at tumalikod na sakanila.

Nakita ng kambal ang pagyakap sa akin ni Von kanina. Parang ayaw ko munang magpakita sakanila ng ilang araw.

"Mama, nandito na po ako." bati ko kay Mama.

Lumingon ito sa akin at ngumiti. Mukhang may hinahanap.

"Oh sige iha. Hinahanap ko yung cellphone ko. Nagluluto kami doon sa mansyon." ani niya.

Agad akong umupo sa simpleng sofa namin at tinitigan si Mama na hinahanap ang cellphone nito.

Ang ganda pa rin niya kahit nasa 40's na siya. Nakakalungkot lang dahil wala na si Papa. Namatay si Papa noong Grade 10 ako dahil naatake ito. Lahat ng iyon, sinagot ng mga Dela Vega.

"Nga pala anak, ano nakuha ka na ba sa Unibersidad na gusto mo?" tanong ni Mama.

Agad akong tumango at ngumiti.

"Oo Ma, pasado ako sa Education. Mag ma-major in English ako."

Bata pa lang ako, pangarap ko ng maging guro eh.

"Buti kung ganoon, anak. Makikiusap ako sa mga magpipinsan na samahan ka sa enrollment para hindi ka mawala sa paaralan." sabi ni Mama.

Ang Unibersidad kung saan nag aaral ang mga Dela Vega ay doon din ako mag-aaral. Iyon din ang sinabi ni Tito Marcus.

Escaping From Dela VegaМесто, где живут истории. Откройте их для себя