Flipped

By NissinWafer

556 5 5

"Some people you love while they’re there, and some people you love forever, whether they’re there or not." More

Simula
1
2
3
4
5
Wakas

6

26 1 4
By NissinWafer

Hurt

Yannie’s POV

It’s been a week now simula nung  gumawa ng move si Gelo. At first hindi ko maintindihan, naguguluhan ako lalo na nung gabing makatanggap ako ng mensahe galing sa kanya.

From Gelo:

Hi Hannah, I know it’s too let pero kahit ngayon lang Allow me to show to you, how much I love you.

Nagulantang talaga ako habang binabasa ko yan, hindi ako nakatulog ng gabi habang nabasa ko yan. Kaya bangag pa ako nung papasok ako kinabukasan, 5 mins. Nalang mala-late na ako. Kinabahan ako ng marinig ko yung boses niya at the same time naiilang.

Hindi ko alam kung paano ko siya ia-approach kasi nakakahiya naman talaga. Pero sinabi niya na balewalain ko nalang yung sinabi niya, may konting parte sa puso ko ang kumirot.

No Hannah.

Pilit ako umiwas sa kanya but it’s futile, iisa lang ang circle of friends naming at sa ayaw at sa gusto ko makakasama ko talaga siya. Lagi ko siyang nakikitang sumusulyap sa akin kahit nakikipag-kwentuhan siya sa iba, ako naman itong biglang iiwas ng tingin kasi nahihiya at naa-awkwardan.

  

What now Gelo? Hindi ko na alam kung ano ang tumatakbo sa utak mo.

Hindi ko alam kung dapat parin ba akong maniwala sa mga ikinikilos niya, hindi ko alam kung papaniwalaan ko parin ba yung mga sugar coated words na sinasabi niya sa  akin. Inaamin ko I was inlove with him. But that was all in the past, I’m inlove with someone else.

People change and I moved on, hindi na siya ang tinitibok ng puso ko ngayon. Iniisip ko nga kung talagang minahal ko siya e, because I don’t think na may makakatalo pa sa pagmamahal ko ngayon kay Nile.

And then nalala ko iniyakan ko nga pala siya, so I did love him huh. But I did not love him enough to wait for him at magpaka-martyr, I’m not like that nasaktan na ako at wala na akong ibang gustong gawin kundi ang maging masaya.

Hindi ko na siya kayang tanggapin ngayon, hindi na. Ayoko na, Tama na yung nagkasakitan na kaming dalawa, my heart is broken beyond repair. Kung masisira ulit ito dahil sa kanya ay hindi ko na alam kung kakayanin ko pa.

I know it’s only his ego, hindi niya lang kasi matanggap na may mahal na akong iba. Hindi niya matanggap na yung atensyong binibigay ko sa kanya dati ay wala na at sa ibang tao ko na inilalaan.

It’s only his ego that matters to him.

  

“Ako na ang bibitbit sa gamit mo.” Offer ni Gelo ng matapos ang klase, magpo-protesta sana ako kaso.

“Please?” I sigh, paano ko ba siya itu-turn down ng hindi siya masasaktan?

It’s been one hell week, hindi ko alam kung bakit pumayag pa ako. Ganito lagi ang Gawain niya, dadalin niya ang gamit ko, siya ang bibili ng lunch ko, siya yung susundo sa akin sa bahay at sabay kami papasok. But I don’t know, wala na akong nararamdaman kahit ano sa kanya all I think is lahat ng ginagawa niyang ito ay pang-kaibigang gawain lang.

  

Alam kong pinapaasa ko na siya dahil hindi ko ma-reject lahat ng offer niya sa akin at nagu-guilty ako. Siguro kaya ko lang hindi matanggihan ay dahil tinitignan ko kung maa-apektuhan ba si Nile. Kung magse-selos ba siya. Shit! I know, Selfish ako kasi ginagamit ko lang si Gelo, pero iniisip ko nalang na sinaktan niya rin naman ako, pwede bang kabayaran nalang ito?

Pero hindi, hindi ko kayang gawin, hindi ako ganun nagu-guilty na ako at hindi ko na kayang ipagpatuloy pa ito.

  

I need to talk to him

“Gelo you don’t have to do this.” Sabi ko nang nakahanap na ako ng tyempo na kausapin siya. Gusto ko nang tigilan niya na to. I want him to stop all this insanity. 

 

“But I want to do this Yan.” Sabi niya na may halong sinseridad, yeah right Gelo napaniwala mo na ako niyan pero hindi na ngayon. 

 

“I don’t think tama pa to.” Sabi ko na may halong awa sa aking boses, kahit papaano kaibigan ko parin siya. 

 

“Bakit may mali ba sa ginagawa ko?” tanong niya, Oo! LAHAT TO MALI GODDAMIT! 

 

“We’re friends for God’s sake!” Sigaw ko sa kanya, halatang naiirita na.

 

 

“Bawal na bang ligawan ang kaibigan?” So he’s really courting me?

 

 

“Ah so, ngayon nanliligaw ka na? Bakit? Bakit Gelo, sabihin mo sa akin. Bakit ngayon lang? Alam ko namang pinaglalaruan mo lang ako e! Yun naman yung hobby mo diba? Ang manakit ng damdamin ng tao?! So tell me, bakit ngayon lang kung nung dati ang dami-daming pagkakataon pero sinayang mo lang!” Nalabas ko na, nailabas ko na lahat ng hinanakit na kinikimkim ko hanggang ngayon. Matapos ang dalawang taon?! Tell me kung bakit ngayon lang!

 

 He look down, pero hindi ko na pwedeng bawiin ang lahat na ng nasabi ko, tama lang iyon at kulang pa iyon!

 

“Mahal kita.” Yun lang ang tangin niyang nasabi, THAT IS BULLSHIT!

 

“Mahal?! That is Bullshit! Pagmamahal tawag mo dyan?! Anong magagawa nyan? Ang paglaruan ako?! Ang saktan ang damdamin ko?! Ayan ba ang klase ng pagmamahal mo ha?!” Gusto ko nang ilabas ito, tutal nag-uusap narin naman kami, gusto ko nang sagarin ito nang malaman niya at para gumaang narin ang mabigat sa dibdib ko.

 

Niyakap niya ako at pilit akong pumipiglas sa kanya, No! Hindi nito mabubura lahat ng hinanakit ko sayo. Hindi nito magagamot lahat ng basag-basag na parte ng aking puso. Hindi nito maiibsan lahat ng sakit na naranasan ko gabi-gabi habang umiiyak sayo. 

Pinagpapalo ko parin ang dibdib niya habang humahagulgol, I don’t care kung makita niya pa akong ganito ngayon, I don’t fucking care! I just want to release all of this.

“I hate you! I hate you! Pinaglalaruan mo lang ako. Pinaglalaruan mo lang ang damdamin ko. I hate you so damn much na hiniling ko na sana hindi nalang kita nakilala o nakita!”  Paulit-ulit na sinisigaw ko sa kanya, I hate him! No that’s an understatement, I loathe him! I loathe him to death! 

I know.” Niya sa lahat ng masasakit na salita na ibinabato ko sa kanya.

“I hate you! Bakit ngayon lang? Bakit?! Naapakan ko ba ang ego mo kasi hindi na ikaw ang gusto ko? Huh?! Masyado ko bang naapakan ito kaya ganito ka nalang sakin ngayon?! I know it’s all because of your goddamn ego! Gelo! You can’t fool me now, you really can’t!” Lahat na ng nasa utak ko nasabi ko na sa kanya, lahat ng hinala ko kung bakit niya lang ito ginagawa. At base sa ekspresyon niya tama nga ang hinala ko.

Nang unti-unting lumuwag yung yakap niya sa akin, ay agad akong tumakbo at tinalikuran siya. 

“Yannie!” Narinig kong tawag niya, pero hindi ko siya nilingon. Wala na Gelo, please tama na. I don’t want us to get hurt.

Continue Reading

You'll Also Like

25.8K 1.3K 31
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
2.8M 53.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
7.3M 303K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...