Burning Desire (COMPLETED)

By AstraBela

194K 4.4K 509

A light story of Jared Vaine Cervantes and Rissy Cleine Nueva... [UNEDITED] More

Author's Note
Synopsis
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
EPILOGUE
His POV
Author's Message
Special Chapter

Chapter 3

4.9K 131 11
By AstraBela

    

CHAPTER 3

"Bakit mo ako dinala dito?!" galit kong tanong nang makarating kami sa condo niya. Sapilitan pa kanina ang paghatak niya sakin papasok.

Punyeta talaga.

"Ito lang ang lugar na alam kong kakausapin mo ako." he calmly said.

"Kakausapin? Really? Alam kong hindi usap ang gusto mo!"

Kumunot ang noo niya.

"Stop shouting, Ris." pumasok siya sa kusina. Galit naman akong nakasunod sa kanya. Hindi ako umupo kahit na ipinaghila niya ako ng upuan.

"Stop this already, Jared. Wala ako sa mood na makipag usap sa'yo."

I saw how he closed his eyes. Alam kong nagtitimpi lang ito kanina pa sa kotse.

"Did you really think that I brought you here just because I just wanna get laid?" sumandal siya sa sink at seryosong tumingin sa direksyon ko. "I just want to talk, Rissy. Talk."

I crossed my arms on my chest. "Then talk now 'cause I don't have enough time to listen to your shits."

Dumilim lalo ang mukha niya at umigting ang kanyang panga. Pinasadahan niya ng kanyang dila ang ibabang bahagi ng labi niya.

Huminga siya ng malalim at diretsyong tumitig sa mga mata ko bago bumitaw ng mga salita na pinagsisisihan kong marinig.

"We need to stop seeing each other, Ris. I want you out of my way."

Kumunot ang aking noo. "A-ano?"

"You heard me." walang emosyong aniya.

I laughed sarcastically. "Isang linggo kang hindi nagparamdam tapos iyan ang sasabihin mo?"

He smirked. "You know our deal, Ris. Wala akong pinangako sa'yo kahit na ano. Baka nakakalimutan mo na pumayag ka. Ginusto mo rin. Nasarapan ka nga diba."

I slapped him and I slapped him hard again.

Gago talaga siya. Alam ko naman ang deal namin. Friends with benefits? No. Just benefits, we're not even friends. Napatawa ako ng pagak sa aking isipan.

Wala siyang naging reaksyon sa pagsampal ko. All I see is just his blank expression.

"Ang tanga ko, akala ko naman may meaning na sayo 'yung ginagawa natin. You're still the jerk I know. Nothings change." I said in gritted teeth.

Muli ay sumilay sa mukha niya ang nakakainis niyang ngisi.

Tangina ka! Hintayin mong matanggal ko iyang ngisi sa pagmumukha mo.

"You think you're special eh?" nakapamulsa siyang humakbang palapit sa'kin.

"Ibinigay ko lang kung anong gusto mo. Una pa lang uhaw ka na sa'kin. Hindi ko naman inexpect na magtatagal tayo ng ilang buwan."

I blink twice. Nanggi-gitgit sa galit ang kaloob-looban ko.

Huminga ako ng malalim.

"Ikaw ang napaka walang kwentang tao na nakilala ko." galit kong turan sa kanya at binigyan siya ng isang ngisi.

"I don't care." simpleng saad niya at nilampasan ako. "Wag ka nang mag-abala na sabihin sa parents natin. Nasabi ko na sa kanila kahapon pa."

"Ginamit mo lang talaga ako." huminga ako ng malalim at hinarap siya.

Napahinto siya sa may bukana papuntang sala ngunit hindi niya ako nilingon.

"What do you think?" aniya saka dumiretso sa kanyang kwarto.

Mabilis akong napapunas sa aking pisngi ng maramdaman kong may tumulong luha.

Akala ko okay na kami. Sinabi niya pa na nagdi date kami. Bwiset.

Napakasinungaling mo!

Padabog akong naglakad palabas ng condo ngunit bago ako makalabas ay nahagip ko ang vase na bigay ko sa kanya noon. Siksikan na kasi ang bulaklak niya sa isang vase kaya naisipan kong bumili, hindi naman siya umangal noon.

Galit ko itong tinabig dahilan para mabasag sa sahig. Ang lakas ng impact no'n kaya bago pa makalabas si Jared sa silid niya ay lumabas na 'ko ng unit. Agad akong pumara ng taxi para balikan ang sasakyan ko sa resto.

Pinagastos pa ako pang-taxi.

"Fuck! Shit! Shit!" wala akong tigil sa paghampas ng aking manibela sa galit.

Hinayaan ko lang dumaloy ang mga luha sa aking pisngi habang nagmamaneho ako pauwi.

Hindi ako sa condo ngayon uuwi. Dumiretso ako sa mansyon. Sigurado akong andoon din sila mommy.

Inayos ko muna ang itsura ko bago lumabas. Sinalubong ako ni Nanay nang makita ako na papasok sa loob.

"Nanay!" excited kong sambit. Nanny ko siya mula nung bata pa ako. Kaya magaan ang loob namin sa isa't-isa.

"Cleine, hija! Napadalaw ka." aniya at mabilis akong hinagkan.

"Dito muna ako magi-stay pansamantala." iginaya niya ako sa kusina.

"Sweetie, you're here! Sakto nagpahanda ako ng meryenda." I hugged mom and kissed her cheeks.

"Dito muna ako mom. 1 week."

"Why? I mean it's okay, but is there something wrong?" she softly asked and held my shoulder.

"No wala po. Mas fresh kasi dito e. Stressful sa condo. Ako lang mag-isa." tumawa pa ako para makumbinsi siya. Kilalang kilala ako niya talaga ako. Alam niya kung may problema ako o wala.

"Okay, you can take a rest first in your room. Ipapatawag na lang kita kapag dinner na. Darating din mamaya ang daddy mo." Tumango ako at pumunta na sa aking kwarto.

Namiss ko dito. Nagsimula kasi akong humiwalay sa kanila nang naka graduate na ako sa college. Ngayon naman hindi ko pa kinukuha ang trabaho na offer sa'kin ni Daddy. Gustong-gusto na niya kasing itrain ako na maghandle sa company namin dahil ako lang naman ang magmamana pero ayaw ko pa muna ng stress.

Well I'm actually earning money even though I'm not working my ass off. Nag-invest ako sa clothing line ni Vanessa kaya hindi na ako pabigat sa mga magulang ko, but they still want me to handle our company.

Nakatulog ako dahil sa daming iniisip kasama pa ang nangyari sa'min ni Jared kaninang tanghali.

Buti na lang at chineck ko ang oras ng gisingin ako ni Nanay. It's 8:35 pm. Dinner time.

Naghilamos lang ako at bumaba na sa kusina.

"Sweetie, come here." mom said.

Nilingon naman ako ni Daddy at sinalubong.

"Cleine halina't kumain." I nodded and sat on mom's side.

"Cleine, Hija—"

"Stan don't." mababang boses na sabi ni mommy kaya napalingon ako sa kanila.

"Why?" and my forehead creased.

"May hindi ka ba sinasabi sa amin na namamagitan sa inyo ni Jared?" ibinaba ni daddy ang kubyertos niya at itinuon sa akin ang mga mata.

"Pwede ba, Stan? We're eating! Hayaan mo munang kumain ng mapayapa ang anak mo."

Naguguluhan na ako sa pinag uusapan nila kaya tumigil ako sa pagkain at nag-angat ng tingin sa mga magulang ko.

"Anong gusto mong gawin ko, Marycleine? Hayaan ang anak natin na nasa ganoon silang tagpo sa office tapos sasabihin ni Jared na wala lang sila?!"

"What do you mean, Dad?" hindi ko maintindihan ang paghataw ng aking dibdib sa kaba.

"Hindi gano'n, Stan. Pero pagpahingain mo naman si Cleine!"

"Isang linggo nang hinayaan ko iyon!"

"Hey, you two stop! Please tell me what happened?!"

"Itigil niyo na kung ano mang namamagitan sa inyo ni Jared. Sinabi niya sa akin na wala lang kayo pero nasa ganoong posisyon kayong dalawa?"

"D-dad," kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ang gusto kong sabihin.

My parents were both conservative. Damn.

"You tell me, Cleine." aniya sa seryosong boses.

"That's nothing, Dad. That was just accident. Sinalo niya lang naman talaga ako nung time na 'yun." Fvck! What a lame excuses!

Mom shot me a questioning look. I know she's not buying my excuses. Pero si Daddy lang ang dapat kong mauto ngayon. I'll just explain it later to her.

"Dad, I'm wearing my heels that time, madulas okay?! Kaya natapilok ako sakto na sa kanya ang bagsak ko dahil may inaabot sa gilid ng table niya."

"With your hands on his hair?"

"He's teasing me. I actually pulling his hair 'cause I'm irritated, okay." Hindi na siya umimik kaya bumalik kami sa pagkain.

What a bullshit! Sinabi talaga niya sa magulang namin. Then how he can explain it to Kuya Cloud na sinabi niyang 'We're dating'!

Nang mabusog na ako ay nagpaalam na akong aakyat sa kwarto. Wala ako sa sariling nagsarado ng pinto.

What a tiring day!

I did my night routine and laid on my bed. Nakatitig lang ako sa kisame nang maisipan kong buksan ang Instagram account ko.

Jared and I followed each other on Instagram kaya kita ko kung may mga stories siya. Pero wala naman.

Wala sa sarili kong pinindot ang stories ni Kuya Cloud. Nanlaki ang mata ko nang makita na nasa bar silang lahat.

Nahagip ng video si Vince na pinsan ni Jared at si Louie na kapatid ni Vanessa. Nagtagal pa iyon ng kaunti hanggang sa makita ko si kuya Cloud na may binubulong kay Jared habang si Jared naman ay nakaakbay ang braso sa babaeng katabi niya.

Wala siyang pakialam kahit hinahagod na ng babae ang kanang hita niya.

Ito pala ang gusto niya? Babaeng nadadala niya sa bar?

Biglang nanikip ang dibdib ko at uminit ang gilid ng aking mga mata.

Tangina talaga niya! Napakawalang kwenta niya talaga.

Binaba ko muna saglit ang phone ko at pilit na kinakalma ang aking sarili.

Umupo ako at inayos ulit ang aking higaan. It was already 11:56 pm. Ganun katagal akong nakatunganga lang dahil hindi makatulog.

Napagdesisyunan kong matulog na sana nang maisipan kong mag post sa IG ng picture ng kisame na kuha ko kanina. Hagip pa dito ang chandelier.

'Great! What a reclusive night.'

It was my caption. Nagstories pa ako ng text na 'Jerk'

Natawa na lang ako. As if naman may pakialam pa siya.

______________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

5.8K 221 38
Akala ni Amara, tama lang ang desisyon na ginawa niya para sa sitwasyon na kinakaharap niya, ito ang mas madali kaya bakit hindi na lang ito ang gawi...
124K 2.9K 22
He gave to me everything- a home, protection and expensive things but not his LOVE. Marco do his best to hide what we have from other people. While I...
24.2K 363 49
"we have known each other for years and now we've finally found each other" -Shawn ♥ Zel Let's witness how their love story works if they are both fi...
20.8K 320 43
Azariah Kieth Torres. She's wild, party girl. Untamed young lady. Definitely not his type. Luis Harold Montediragon. He's cold, silent, hates parties...