Love at its Greatest (Love Se...

By FGirlWriter

503K 17.6K 2.7K

Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig na kinakalimutan na ng mundo? Written ©️ 2020 More

Le Début
Prologue: When is love the greatest?
Chapter 1: City of Love
Chapter 2: Changing Love
Chapter 3: Unacknowledged Love
Chapter 4: Persistent Love
Chapter 5: To be Loved, Love
Chapter 6: Returning Love
Chapter 7: Bruised Love
Chapter 8: Benevolent Love
Chapter 9: Tainted Love
Chapter 10: Beautiful Love
Chapter 11: Love and Intrigues
Chapter 12: Love and Secrets
Chapter 13: Love and Lies
Chapter 14: Love and Reputation
Chapter 15: Love and Revelations
Chapter 16: Love and Home
Chapter 17: Love and Doubts
Chapter 18: Love and Exposition
Chapter 19: Love and Chances
Chapter 20: Love and Strength
Chapter 21: Your Love Restores Me
Chapter 23: Your Love Chose Me
Chapter 24: My Love Begins With You
Chapter 25: Your Love Never Fails
Epilogue: Love at its Greatest

Chapter 22: My Love Trusts in You

14.3K 668 160
By FGirlWriter

Chapter 22: My Love Trusts in You

"DO YOU still want me to go back to Paris?"

Sandaling nagtaka si Terrence sa tanong ng asawa. More like, he's wondering where that question came from.

"Honest answer," pahabol pa nito.

"You know my answer," aniya. "Kung ako lang, ayoko, hindi ba? But it's the Lord's plan and not mine."

Kung may growth si Eunice sa pagkatao nito, marapat lang na mayroon din siya. As much as he despised long-distance relationships before, Terrence learned to appreciate the lesson.

Mas tumaas ang self-control niya sa katawan. Hindi siya mabilis nadadala ng mga hawak o haplos (basta't kay Eunice lang galing). He learned a higher tolerance in keeping himself pure.

At higit sa lahat, natutunan ni Terrence na sa puso niya, hindi puwedeng si Eunice ang numero uno. It should always be God.

Parang sa tingin niya nga, sinadyang ilayo sa kanya si Eunice para matutunan ni Terrence na hindi ang asawa niya ang tunay na makakapagligaya sa kanya. He's too devoted, he must admit. Muntik niya na yatang sambahin si Eunice.

It must always be God as the center of his worship. His true joy depends on Him alone.

His wife should be a bonus—a partner in worship, not the object of his worship. Iyon ang napagtanto ni Terrence sa mga nakalipas na quiet times niya.

Being far away from Eunice made him seek God's kingdom first and all His righteousness.

Tinignan siya ni Eunice ng mataman.

"What?" nagtatakang tanong niya rito.

Umiling lang ito at nagtali ng ribbon sa sariling buhok. "Okay. I am your gift."

Ah, ito ang gusto niya. See? There is blessing in obedience!

Niyakap niya ito at hinalikan sa gilid ng leeg. Eunice chuckled and embraced him. "Magpaalam na tayo sa kanila," bulong nito.

And so, they went home and made love. Until the Christmas morning!

Eunice was sweet and aggressive all at the same time. At hindi naman siya umaangal.

While his wife was sleeping inside his arms, Terrence watched her contently.

Isang linggo na lang at babalik na ulit ito ng Paris. Hinaplos-haplos niya ang buhok nito. Ito kaya, gusto pang bumalik ng Paris?

Hindi pa pala nila napag-uusapan ang tungkol sa gagawin nito kay Soleil. Ayaw naman tanungin ni Terrence dahil nangako si Eunice na pag-uusapan nila iyon pagkatapos ng bagong taon, bago ito bumalik ng Paris.

Kaya hinahayaan niya lang. Terrence trusts Eunice. Napakalaki na ng pinagbago nito kaya't naniniwala siya sa mga magiging desisyon nito.

Most of the times, he just wanted to keep her at arm's length and protect her. But he can't disregard the fact how strong Eunice now as a woman of God.

Sana lang din... "I hope you can finally let go of our little angel, baby..." bulong niya. "Once that happened, it's finally the time you'll come home to me."

He felt a little pinch inside his chest. Huminga siya nang malalim. Pinikit niya ang mga mata at mas hinapit ng yakap si Eunice.

He'll patiently wait for her.

♥♥♥

PAGKAGISING ni Terrence ay wala na si Eunice sa tabi niya. He turned and saw her at the study table, writing on her journal.

Napangiti siya at sinipat ang orasan. Alas-diyes na pala ng umaga. He yawned quietly and closed his eyes, again. Ayaw niyang ma-distract ang asawa sa devotion nito.

Nakabalik naman siya sa pagtulog at nagising ulit ng bandang alas dose ng tanghali. Wala na si Eunice sa loob ng kuwarto. Bumangon si Terrence at nag-inat. He went straight to their personal bathroom to take a bath.

Paglabas niya ng kuwarto ay eksaktong papasok si Eunice. Nagkagulatan pa sila.

"Terrence!" Napalabi ito. Ang mga mata ay namumugto mula sa pag-iyak.

Nag-alala naman siya. "What happened?" he softly asked her.

"Matthew and his team already took Minnah and his son back to Manila. Bukas na kasi ang hearing. I just feel sad, sabi kasi ni Matthew, makukulong si Minnah kapag sinama siya sa sasampahan ng kaso ng mga dating biktima ng gang." Napasinghot ito. "I cried because Minnah does not worry. Sabi niya sa'kin masayang-masaya na siya na nakasama niya si Jericho. Kahit makulong siya, lagi naman siyang dadalawin ng anak, magkikita pa rin sila. She accepts whatever consequence na matatanggap niya. She'll surrender to God everything now. I'm so happy!" Pero umiiyak ito.

Terrence hid his smirk. He embraced and gently swayed her. "Bakit ka ba iyakin kapag kay Minnah?"

Napasinghot ito. "Kapag nakulong siya, hindi na naman sila magkakasama ng anak niya. Kahit araw-araw pa siyang bisitahin, who will hug Jericho in the night? He will look for Minnah! Ganoon din si Minnah. I know how hard it is... 'yung hindi mo puwedeng mayakap ang anak mo sa gabi."

Napalunok siya. He continued to console her wife. Pumasok sila sa kuwarto at nanatili doon hanggang sa tumahan ito.

"Your emotions are too high, baby... Are you having your period?"

Tumigil ito saglit. Pero mas lumakas ang hagulgol maya-maya. Napangiwi siya. May mali yata sa sinabi niya?

"Oh, sorry. Sorry, baby," panghihingi na lang niya agad ng paumanhin. "I'm sorry."

"I'm sorry, I'm just overwhelmed." Tumahan na ito, nagpunas ng mga luha, at saka tumingala sa kanya. Ngumiti. "Kain na tayo?"

Napangiti din siya. "Okay, baby."

Ngumuso ito. He gave her a quick kiss and then they went out of the room to eat.

After three days in Monte Amor, they have to go home to Manila. They'll celebrate the New Year with Eunice's side of the family this time.

Habang nagde-devotion si Terrence ay nag-e-empake si Eunice ng mga gamit nila pauwi. Napakunot-noo siya habang nagbabasa ng Bible.

Ilang araw na'ng tungkol sa pagbubuntis ang nababasa niyang istorya sa loob ng Bibliya.

Una ay ang pagbubuntis ni Sarah kay Isaac, despite her old age. And then, the other day, it was when Hannah prayed so hard to God to have a child—that she'd offer to the Lord, kung bibigyan lang ito ng kahit isang anak. Then the Lord gave her Samuel.

Kahapon naman ay nabasa niya nang nabuntis si Elizabeth kay John (the baptist) kahit baog ang babae. And today, it's about the angel telling virgin Mary that she's going to carry the son of God, Jesus, through the power of the Holy Spirit.

It's all about a mother having a child in the middle of desperation and/or in the most impossible situations.

Sa totoo lang, hindi alam ni Terrence kung bakit iyon ang laging lumalabas sa Bible reading niya. He's asking about a different prayer, pero ito ang laging sagot sa kanya.

He closed his eyes and sought for God's voice. Lord, what is this all about? Please, tell me...

Mas naging tahimik ang buong paligid habang hinahanap ng puso ni Terrence ang tinig...

Trust me.

Napadilat siya at napalinga-linga. Was that... God?

Lumabas si Eunice mula sa banyo, hawak-hawak nito ang mga pinatuyo nilang underwears.

"Tapos ka na mag-quiet time?" kaswal na tanong nito at saka inilagay sa maleta ang bitbit.

Tumango siya. "Baby, what's been the topic of your quiet time lately?"

Napalingon ito sa kanya. "Iba-iba. Pero kanina, about Peter betraying Jesus. But still, Jesus forgave Peter and loved his disciples. Ang eksakto sa'kin! Madami akong natutunan."

Napatango-tango siya. Pasimple siyang sumulyap sa sarili niyang journal. "Mine's kind of confusing. Mula pa no'ng isang araw, it's about pregnancy..." Lumingon ulit siya sa asawa. "Buntis ka ba?"

Eunice chuckled. "Your devotions said what?"

Nagkibit-balikat siya. Hindi niya din talaga alam. But the bottomline of Sarah, Hannah, Elizabeth, and Mary's story was their submission to the Lord.

And God told him to trust Him. Saan ba? Hindi niya alam. Kaya nga magtitiwala sa Diyos, Terrence. Dahil Siya lang ang nakakaalam kung para saan.

Well. Point taken.

"Done packing our things!" masayang sabi ni Eunice at saka humarap sa kanya. "Terrence, let's go to bed na."

Napatingin siya sa orasan. "Eight PM pa lang, baby."

"Hindi naman tayo matutulog."

Ah, okay.

Ang bilis tumayo ni Terrence mula sa upuan at pabirong binuhat si Eunice. Napatili ito at kumapit nang mahigpit sa kanya. They laughed together and off to the bed.

It was a very steamy night, they could have fogged up all the windows. Bawat pagniniig, mas tumitindi ang pagmamahal nina Terrence at Eunice sa isa't isa.

Every lovemaking brought out the greatest from each other. Parang may ayaw magpatalo, nagpapahigitan ng pagmamahal. They always make love as if it's their last night together.

Kinabukasan, nagpaalam ang buong fansclub ni Eunice dito—a.k.a ang mga pinsan niya.

Tahimik lang si Terrence at pangiti-ngiti. His whole family and relatives love her wife. Well, he can't blame them. Imposibleng hindi ka mapapamahal kay Eunice.

"Eunice, bumisita ka ulit dito, ha?" sabi ni Andrew. "Magpapahanda kami kapag bumalik ka."

"Kahit ikaw lang. Huwag mo na isama si Terrence," sabi naman ni James.

"Kapag sinaktan ka ni Terrence, tawagan mo lang kami," sabi ni Jude. "Itatakwil namin siya sa pamilya para sa'yo."

"Sama mo kami sa Paris next time!" ani Titus. "Tayo-tayo lang, kahit wala si Terrence."

"But he's your cousin," natatawang sagot ni Eunice. "Masarap siyang kasama parati. And I love Terrence."

Humarap si Peter sa mga pinsan nila. "Let our response be..."

"Sana all," sabay-sabay pa ang mga kumag.

Nagtawanan ang mga ito at saka humalik sa pisngi ng asawa niya. Isa-isa ang mga ito. Then, they formed a group hug.

Napailing na lang siya at saka tinignan kung may nakalimutan pa sila. Hindi nila kasama sa pag-uwi si Cyla dahil gusto pa ni Frances na doon magbakasyon hanggang Bagong Taon. Nakapagpaalam naman na sila ni Eunice sa anak niya kahapon.

Nilapitan niya ang ina at ama na nagpaiwan din sa Monte Amor para mag-bagong taon. "We'll go ahead, Ma, Pa."

Niyakap siya ng ama at hinalikan siya ng ina sa pisngi. Lumapit din si Eunice at magalang na nagpaalam.

Nang masigurong wala na silang nakalimutan ay umalis na silang mag-asawa.

Kumakaway-kaway pa ang mga pinsan niya nang umandar na ang van. Humahabol sa van na parang mga bata. Natatawang binuksan ni Eunice ang bintana at kumaway sa mga "fans" nito.

After that, Eunice fell asleep their whole trip back to the city. Gumising lang ito nang nasa airport na sila at kumain ng lunch doon. Pagsakay nila ng eroplano pabalik ng Manila, tulog ulit ito. Pagkagising, kumain ulit sila sa isang restaurant hotel malapit sa airport.

Pagkauwi, bagsak agad ito sa kama. Si Terrence na lang ang nag-asikaso sa asawa. Mukhang ayaw kumilos nito. Kaya pinalitan niya ang damit nito ng pantulog at pinunasan ang mukha nito ng face towel. He tucked her to bed. Ang himbing na ng tulog nito.

Siya naman ay nagpalit lang din ng pantulog. After an hour or two of prayer and devotion, he joined Eunice to bed and fell asleep.

Mga bandang alas-dos ng madaling araw nang naalimpungatan si Terrence dahil kinakalabit siya ng asawa.

"Terrence, I'm hungry."

Dahil inaantok pa, hindi niya madilat ang mga mata. "I think you can cook something from the fridge..."

"I want bread," bulong nito. "My favorite baguette. Bili mo 'ko?"

Umungol siya at tumalikod ng higa dito. "Baby, wala tayong mabibilhan ng baguette ng ganitong oras."

"Pero gusto kong kumain..."

"There's food in the fridge..."

"Gusto ko nga ng baguette."

"Saan ako bibili? Sa Paris?" he sarcastically said. Natutulog naman kasi siya, bakit ba naghahanap ito ng wala?

Sinundot siya nito sa tagiliran. Napaigtad siya.

"Buy me some bread, Terrence," utos nito.

Nagtalukbong siya ng kumot hanggang ulo. "May pagkain nga sa ref, Eunice. Kung nagugutom ka talaga, kakainin mo kung anong mayroon."

"Gusto ko nga ng baguette..." she sobbed.

Hindi niya na lang ito pinansin. Panaginip yata 'to. Hindi naman gawain ni Eunice manggising ng ibang tao dahil lang nagugutom ito. Malayong-malayo na ito sa spoiled brat na una niyang nakilala noon.

Ah, this must be a dream.

Pero... bakit palakas ng palakas ang paghikbi?

Lumabas siya mula sa kumot at lumingon. "Eunice?"

Nag-unahan sa pagtulo ang luha sa mga mata nito. "Gusto ko ng baguette..."

Hindi pala panaginip!

Napapahikab na bumangon siya at umalis ng kama. "Hindi naman nakakaiyak iyan, Eunice."

"Ayaw mo kasi akong pansinin. Ayos lang sa'yo na mamatay ako sa gutom dito?!"

Mamatay agad sa gutom?

Napakamot siya sa ulo at kahit hirap siyang idilat ang mga mata dahil sa labis na antok, pinilit niyang magising. "Naglilihi ka ba?"

Mas lumakas ang iyak nito.

Tumayo si Terrence pero muntik nang madapa dahil nakapikit pa ang mga mata niya. "Baby, don't cry. Bibili na 'ko ng baguette..."

Ano bang sinasabi niya? Saan siya bibili? Hindi na siya puwedeng pumunta ng Paris ngayon. Late na.

Kinusot-kusot niya ang mga mata. "Gutom na gutom ka na ba? Gusto mong mag-bake tayong dalawa ng baguette?"

Biglang huminto si Eunice sa pag-iyak. "R-Really? We'll bake together?"

Tumango siya kahit nakapikit pa rin.

"Okay! I like that idea!" masayang sabi nito. "Wait, I'll search sa YouTube how."

Bumaba na sila sa kusina nang madilat niya na ang mga mata, at nakahanap si Eunice ng easy tutorial.

Nagsimula silang mag-bake kahit maliit lang na baguette. Siya ang nagmasa habang utos lang ng utos si Eunice ng gagawin base sa pinapanood nito.

Naiinis si Terrence sa asawa, pero ayaw niya ng away kaya sige na lang. Siguro, nalabas na lang niya ang gigil dahil namasa niya agad ng tama ang dough. Nang maporma na rin nila ni Eunice ang tamang hugis ng tinapay ay ipinasok na nila iyon sa pre-heated oven.

Humiga si Terrence sa sofa habang naghihintay na matapos ang baguette na yumanig sa magdamag nila ng asawa.

"I'm sorry..." bulong ni Eunice. Pilit itong sumiksik sa kanya sa sofa. Sumubsob sa dibdib niya. "I love you, engineer brown eyes."

Napangiti siya at umusod para mas bigyan ito ng space. Niyakap niya ito nang mahigpit. Naiinis siya pero mahal niya pa rin ang asawa. Kung anumang "trip" nito ngayon, minsan lang naman nangyayari kaya palulusutin niya na lang.

Nakatulog silang mag-asawa.

Nagising sila sa amoy nang nasusunog na tinapay.

At dahil umaga na, bumili na lang si Terrence sa labas. Naghanap ng bukas na'ng French Baker.

He bought two baguettes. Pag-uwi niya, Eunice was the happiest. "Thank you! Thank you, mon beau! I love you with all my heart!"

Hinalikan-halikan pa siya nito at saka maganang kumain ng tinapay nito.

Tinitigan niya ang asawa habang masaya itong kumakain. Parang hindi siya inabala at ininis kaninang madaling araw dahil lang nagugutom at gustong kumain ng pagkain na wala—

Natigilan siya nang may mapagtanto.

Now, he got the reason behind his devotions lately.

Wala talagang kahit anong maitatago sa Diyos.

♥♥♥

"THREE... two... one... Happy new year!!!"

Lumiwanag at naghalo ang iba't ibang kulay sa madilim na langit para sa pagsalubong ng bagong taon.

The women blew the horns loudly while the guys popped the champagne open.

Nagsalin si Terrence ng champagne para sa bawat isa. They clinked their glasses and cheered for the new year.

Tumingkayad si Eunice at inabot ang labi niya. "Happy New Year, Terrence! My prayer this year, we'll grow deeper with our relationship with the Lord."

Inangat nito ang baso ng grape juice na tanging iniinom nito.

"I pray the same..." Pinagtama nila ang mga baso. "I also pray that we obey on God's will in our lives, again and always."

Napangiti ito at malambing na yumakap sa kanya. Kung makalambing parang hindi siya inabala at inaway ng sunod-sunod na madaling araw. Naghahanap ito ng pagkain na sa Paris lang yata available 24/7.

A sweet and slow music started to play after the fireworks. Hinila ni Tanya si Eugene sa gitna ng malaking garden para magsayaw. Heart danced with her grandfather, Ninong Johnny. Then, the Arguelles' long-lost heir, Dylan danced with his wife, too.

Eunice grabbed his hand and joined them. Napangiti si Terrence at isinayaw ng mabagal ang asawa.

Yumapos ang mga braso nito sa leeg niya at tumingala sa kanya. "I guess, I'm back to reality," ani Eunice at saka napabuntong-hininga. "Let's have a 'heart-check' talk tomorrow?"

"Of course..." Kinintilan niya ng halik ang sentido nito.

Terrence has been ready to tell Eunice the things he learned for the past year. Handa na rin siyang ipagtapat dito ang mga bagay na mukhang hindi napapansin ng asawa sa sarili nito.

For sure, Eunice wanted to start the year with a clean slate like him.

Gusto niya na ring malaman kung anong plano nito sa kaibigang si Soleil.

Hindi naman "fake" ang saya ni Eunice buong holiday. She chose to set aside personal issues for a while that's why her happiness was genuine all through out. Pero hindi ibig sabihin na hindi ito nagde-dwell doon. Terrence was sure that during his wife's quiet times, she's praying hard to know what to do next.

Terrence prayed to God before going to sleep. He prayed for wisdom and courage to say things that he was not sure how to tell Eunice before. Alam niyang baka masaktan ang asawa, pero mas mabuti nang malaman nito ang sasabihin niya.

Pa-tanghali na nang magising si Terrence kinabukasan. Wala na si Eunice. Siguro ay ginawa ang morning exercise nito. When he's done with his morning routine, Eunice entered the room. All sweaty from jogging.

Nagpunas lang ito ng pawis at nagpalit ng bagong damit. They ate their brunch together. Pagkatapos ay umakyat si Eunice para mag-shower. Terrence washed the dishes and cleaned the dining and kitchen.

He's just mopping the floor, when Eunice came down. Tapos na itong maligo. "Let's have a heart check together, engineer!"

Tumango siya. "We'll talk here?" Ibinalik niya na ang mop sa loob ng utility cabinet sa likod ng kusina.

"Yes." Umupo ito sa high stool ng counter. Siya naman ay sa kabilang panig ng counter umupo, katapat nito.

"Rules," anito at inangat ang isang daliri. "No holding hands. No haplos. Basta no touch. Marupok tayong dalawa diyan."

Nakagat niya ibabang labi upang mapigil ang ngiti. "Okay..."

She raised two fingers. "Let's finish each other's talk. Bawal ang violent reaction. Questions after."

"Seems fair," Terrence agreed with the rules.

Tatlong daliri na ang nakataas. "Colossians 3:9. Do not lie to one another..."

Tumango siya. Wala naman siyang plano magtago ng kahit ano sa pag-uusap nilang 'to. Sana ito din.

Ngumiti ito. "Okay. Let's pray!" Pumikit ito. He did the same. "Dear Heavenly Father, may You humble our hearts today. Give us the courage to be able to say what our hearts need to say. We hope this talk will make Terrence and I love each other better. In Jesus' name..."

"Amen," magkasabay nilang sambit kasaby ng pagdilat ng mga mata.

"Alright, I'll start." Tumuwid ito ng upo. Tumingin ito ng diretso sa mga mata niya. "Cyla told me something. I don't know how true it is. Sabi niya... she heard you one time, crying..."

His forehead creased. What? When?

"Narinig niyang hirap na hirap ka na daw kasi... nasa malayo ako."

Pilit inalala ni Terrence ang sinasabi nito. Kailan 'yon? Parang wala siyang matandaan.

"Kausap mo daw si Matthew. She heard you crying. Kaya ang prayer ni Cyla, magka-baby na lang daw tayo para hindi na 'ko aalis papuntang Paris," kalmadong pagpapayahag nito.

Si Matthew ang kausap niya? Umiiyak siya?

Oh.

Napakurap siya nang maalala ang siguro'y sinasabi nito. Terrence will deal later with his daughter's nosiness.

"Totoo ba 'yon?" maingat na tanong ni Eunice. May pag-aalala sa mga mata nito.

"I wasn't crying because you're far away. Totoong ilang beses akong nahirapan, oo. It's my first time to have a long-distance relationship. Sa asawa ko pa. But later on, I was able to handle that issue with myself."

Tumingin ng mataman sa kanya si Eunice. "So, what are you crying about then?"

Napahugot siya ng hangin. Hindi akalain ni Terrence na kaagad niya palang sasabihin dito ang nasa pinaka-ilalim na parte ng puso niya...

Maybe it's really long overdue.

"I know you went to Paris to serve the Lord, Eunice. Dahil kulang nga ang volunteers ng Filipino church doon, plus GHC wanted you back. Pumayag ako kahit ayoko dahil ayaw kitang pigilan sa mga pangarap mo at sa kagustuhan mong mag-volunteer. I won't also fight against the Lord if He called you in Paris. But..."

"But?"

"Eunice, I also let you go because I felt like... you want to run away from here for a little while."

Napakurap-kurap ito. "W-What...?"

Huminga siya ng malalim at sinalubong ang tingin nito. Here it goes...

"You wanted to heal from our daughter's death. But you don't want to heal... with me." Kumirot ng bahagya ang puso ni Terrence.

Eunice was frozen.

"You want to go to Paris for a new environment, because in here... In the Philippines, in this house..." Nilibot niya ang paningin sa bahay nila mula nang pinilit silang ipakasal noon. "You've been hurt so much."

Napalunok ito. Lumamlam ang mga mata.

"Dinala mo ang ilang gamit na binili natin para kay Love dapat... Dinala mo sa Paris. Because you wanted to keep her..." pagpapatuloy niya.

Terrence contained his emotions. Pinili niyang maging kalmado at kalkulado.

"I know you're moving on from what happened. And I know you love me so much, too. But when you went to Paris, I felt like... I felt like you were silently telling me that you'd heal, but without me, Eunice... You want to heal alone," matapat niyang sabi.

Napasinghap ito. Umiling-iling.

"It's fine with me now, baby..." Masuyo niyang nginitian ito. Pinigilan niya ang mga kamay na abutin ito dahil sa 'rules'.

"Noon, gusto kong magalit. Because what about me? I want to heal, too. I want to move on and I want you beside me. I want us to heal together.

"Siguro sa unang dalawang buwan na wala ka, gusto kong magmakaawa sa'yo na bumalik ka na lang dahil malungkot. Our daughter died, then you went away... How about me?"

Napayuko siya nang bahagya. "'H-How about me?' I asked God. Why did He allowed you to go and why He made me stay here? Alam kong kung ayaw Niya, kahit payagan kita, hindi ka Niya hahayaang makaalis... But He let you leave... and in our calls, you were so happy...

"Ang saya mo, Eunice... You found a small group with Tita Gena, you were given tasks in the church that you love doing, you got a great work as a fashion designer... You said you missed Paris so much. It was your haven..." Napangisi siya. "I remember I wanted to selfishly ask you, am I not your haven, too? Why is your comfort far away from me? Don't you love me the way I love you? That love that wanted to be close to you always?"

Natawa siya. "Ang babaw ng basehan ko ng pag-ibig natin sa isa't isa kung nagpatuloy ang ganoong thinking ko. I dwelled with that personally, because no matter how I prayed you'd come back, you enjoyed Paris so much. Kahit ako naniwala na'ng para ka talaga doon... At hindi dito kasama ko.

"I prayed so hard for you to come home, but God did not change the situation... Until I realized He is changing me instead, Eunice. He changed my perspective. He changed my heart. He taught me how to truly love... To faithfully love Him, to purely love myself, and to rightfully love you..."

She sobbed.

"Later, I also realized that you need to find yourself, again. At hindi ibig sabihin na ayaw mo 'ko sa tabi mo, hindi mo na 'ko mahal. Hindi ibig sabihin na gusto mo ng breathing space, hindi na 'ko importante sa'yo. You were young, and our marriage has been tough already from the very start. Sa akin na yata umikot ang mundo mo noon... Then, our daughter died...

"You need to find and complete yourself again. At masaya ako, Eunice. You're made complete and found yourself in Christ."

"Terrence!" iyak nito at saka napasubsob sa counter top.

"I'm sorry, baby, I wasn't able to tell you all of these before. Sa tingin ko kasi noon ang selfish kapag pinauwi kita pagkatapos kitang payagan. At alam kong uuwi ka dahil mahal mo 'ko. But it's not our time to be together physically, at least. I don't want to selfishly use my authority as a husband to satisfy myself."

"I didn't know, Terrence..." Tumingala ito. Napupuno ang luha sa gilid ng mga mata. "I'm sorry... I was secretly mad at you, kasi akala ko ang bilis-bilis lang sa'yo na maka-move on sa baby natin. Pero nilabanan ko rin 'yung gano'ng feeling dahil alam ko, nasaktan ka din. Hindi ko din sinasabi dahil alam kong selfish. I'm sorry, I was overconfident that you're strong enough to handle Love's death alone. Kasi ikaw na 'yung matagal na Kristiyano sa'tin. Kaya akala ko mas close ka naman kay God, kumpara sa'kin na nagsisimula pa lang...

"I look up to you so much, Terrence," she admitted. Pumikit ito at mas tumulo ang mga luha. "Ang lakas-lakas mo. Na sa paningin ko, gagaling ka kahit wala ako sa tabi mo... And I was not aware that I'm running away. I'm sorry...

"I thought I was just answering God's call to me. Pero... baka nga. Baka nga gusto kong tumakbo palayo sa'yo. Baka nga gusto ko nga noon, ako na lang muna mag-isa... kami lang ni Love... I'm sorry..."

He softly smiled at her honest confession. "Even so, I don't love you any less, baby. I learned to love you deeper and greater every single day."

Pinunasan nito ang mga luha. "So, you're really not strongly against our set-up? Bakit sabi ni Minnah, nina Peter..."

"Eunice, kung may binago sa'yo ang Panginoon, may binago din sa'kin sa malamang. It's still sad that I'm not always with you when you're in Paris, but it does not mean I have no joy seeing you bloom out there.

"I'm just afraid of long-distance relationships before because I thought distance would make us grow apart. Na baka may makita kang iba, may makilala kang iba... But, Eunice, we kept our communication open... Araw-araw na video call? Daily update ng devotions? We were accountability partners. You are my best friend. I'm your best friend...

"Baby, this set-up made me see that our love is greater than my fears," Terrence emotionally admitted.

"Because I have loved several women from the past, but it's only you that I fully trust."

She smiled amidst the flow of tears. "Wait. Iwe-waive ko na 'yung unang rule." Tumakbo it paikot ng counter, papunta sa kanya. He opened his arms for her.

Yumapos ito sa kanyang leeg at hinalikan siya nang mariin sa mga labi.

"I love you so much, Terrence. I love you with all my heart..." she murmured between their kisses.

And the kiss does not end with just a kiss. They've gone further, deeper, higher... whatsoever.

Hindi na nila natapos ang "heart check" talk. They just let their bodies talk for them instead. Nawala na sila sa mga dapat pang pag-usapan...

Terrence and Eunice passionately made love the whole first day of the year. Parang walang kapaguran. Walang katapusan. It goes on and on and on...

Hindi lang sila titigil saglit kung hindi nagutom at kumain ng hapunan.

"What are you going to do with Soleil?" he finally asked her.

Ngumiti si Eunice. "Forgive her. But, I don't think we can continue being friends for now."

Nakakaintinding tumango siya. Terrence reached her two hands and kissed the back of each.

They had a devotion and prayer time together after eating.

Before going to sleep, they made love one last.

"You're pregnant, aren't you?" Terrence asked Eunice when they both decided to rest.

Humikab ito at sumiksik sa katawan niya. Pumikit at halata ang pagod. "Yes..."

She hid it, but the Lord told Terrence. Napangiti siya. Bukas na lang siya sisigaw sa saya. Gabi na, eh.

He held Eunice closer to him, skin to skin. Thank You, God, for the gift of physical intimacy.

Making love has always been glorious, because God designed it for marriage. God made it for Eunice and Terrence, and the other husbands and wives who vowed in front of Him.

Pinikit niya ang mga mata at sobra pa sa pagiging kontento ang nararamdaman. Nasabi niya na ang lahat sa asawa. He felt so free. Sana ito din...

Nakangiti siyang nakatulog habang yakap si Eunice. Napagod siya buong araw kaya naman napakalalim ng tulog niya.

When he woke up, the sun was brightly up!

And Eunice... Napabalikwas ng bangon si Terrence nang maalala na ngayon ang flight ni Eunice pabalik ng Paris!

He wore his robe and searched her around the house. He tried to call her phone, but it was turned off.

Sandali... hindi nila napag-usapan kahapon ang tungkol sa pag-alis nito!

Was he expecting her to stay?

Pero buntis ito... Ang usapan nila noon, kapag nabuntis ito...

Napasipat siya sa orasan. She must be inside the plane right now.

Sinadya siya nitong pagurin kahapon. Sinadya ni Eunice na hindi siya gisingin bago ito umalis...

Nahagip ng tingin niya ang isang yellow card na nakapatong sa Bible niya. Kinuha niya iyon at binasa.

I'm sorry I have to go back to Paris. I'll talk to you after a week.

I'll take care. I'll take care of our baby.

I love you, Terrence David Aranzamendez.

Please, continue to trust me.

Always praying for you,

Eunice.

Ugh! That sneaky woman!

♥♥♥

ONE whole week without talking to Eunice and just listening to her everyday voice recording in Akuou... Alright. Terrence will give her that.

Pero hindi pa rin maitatago ang kaunting tampo niya sa asawa dahil sa basta lang nitong pag-alis. Tomorrow marks the seventh day. Kapag tumawag na ito at saka niya ito pagsasabihan.

Napabuga ng hangin si Terrence at huminto sa pagguhit sa blueprint.

Bigla niyang naalala na may meeting pala siyang kailangan puntahan. Agad siyang lumabas ng opisina at pumunta sa conference room.

He mentally took note that he needs to go back to HR. Wala na siyang sekretarya ulit at kailangan niya ng bago. Ipa-follow up niya kung may bagong applicants na. Nahihirapan na siya sa pag-aayos ng sariling schedule.

Terrence was quietly waiting for the meeting to start when Ninong Johnny entered with his nephew—Eugene Arguelles.

Ninong Johnny is retiring. At si Eugene—ang kapatid ni Eunice at bayaw niya, ang magmamana ng posisyon.

Dapat ay si Terrence, ngunit magalang niyang tinanggihan. Mas gusto pa rin niya ang trabaho ng engineer at on-site works, kaysa ang magpatakbo ng isang buong kompanya.

The whole room fell into silence. Ninong Johnny introduced Eugene to the executive and board members. Sa susunod na buwan ay si Eugene na ang magiging bagong Presidente nila. And then, the meeting proceeded with his brother-in-law talking about his future plans for their company and employees.

Pagkatapos ng meeting ay nilapitan at binati si Eugene ng mga tao. Terrence needs to go back to work kaya nagtanguan na lang sila ng bayaw.

Pagbalik niya sa opisina ay nag-focus na ulit si Terrence sa ginagawang blueprint para sa panibagong project na inaasikaso. Dale will fully supervise the De Sauveur's project. Habang siya naman ay pinalipat na para sa isang mas malaki pang proyekto.

He kept himself busy. Mas bumibilis ang araw at maganda iyon para makausap niya na si Eunice.

Kumusta na kaya ito? Nakapagpa-check up na ba ito sa OB-GYN? Bumalik na sa trabaho nito sa GHC? Nakausap na nito si Soleil?

Did Eunice consider what he said about her healing process from their late daughter? Was she finally letting go of baby Love, now that they were blessed with another one?

Kailan nito planong umuwi? O may plano ba itong umuwi? Kailangan niya pa bang pilitin o utusan ito na umuwi?

Base sa naririnig niya sa mga voice recordings nito, her reflections were general. Pero mukhang maayos naman ang lagay ng asawa. Payapa naman si Terrence. Marami lang siyang naisip na itanong oras na tumawag na si Eunice bukas.

Katok sa pinto ang nagpatigil sa pag-iisip ni Terrence.

"Come in."

Marahang bumukas ang pinto. It's his brother-in-law.

He smiled. "Congrats, bro," bati niya rito at nakipagkamay.

Inikot ni Eugene ang paningin nito sa buong opisina niya. "I heard my future VP was a very busy engineer. Kaya ako na lang ang pumunta sa'yo. How are things going for you?"

"Working on a new client project," sabay turo sa ginagawang blueprint. "Hindi na 'ko natagal sa meeting kanina. I'm maximizing my time at work. Susunduin ko pa si Cyla mamaya."

Tumango ito. Inalok niya itong maupo. "Tumawag na ba sa'yo si Eunice?" tanong niya rito.

Eugene sat on the visitor's couch. "Not yet. I think, she needs that one week alone for herself. She'll be fine. Nag-aalala ka ba?"

Napaupo na lang din siya sa tapat nito. At saka napahilot sa noo. "Hindi naman masyado. Madami lang akong gustong itanong, pero alam kong makapaghihintay. Ayoko na lang sana maulit na bigla siyang aalis."

Ganoon din ang ginawa nito noong unang taon ng kasal nila. Umalis at nag-iwan ng annulment papers. Nang nagising siya last week, parang binalik siya sa ganoong pakiramdam.

Hindi alam ni Terrence kung matatawa o sasakit ang ulo dahil kahit malaki na ang pinagbago ni Eunice, may ilang bagay na hindi naman mabilis na nawala dito—that's for her being sneaky.

"That girl," ani Eugene, nakangiti na parang may inaalala sa nakaraan. "Since she was a little girl, she could find a way to do or to get what she wants. She's strategic and bright. Aware din si Eunice sa charm niya, kaya nagagamit niya kapag convenient."

Terrence chuckled.

"Pero sobrang malaki ang pinagbago niya mula nang makilala ka niya, Terrence. I do believe we meet people that will inspire us to change for the better. Hindi man maganda ang naging umpisa niyo, hindi kayo tumigil doon."

Tinignan siya nito ng diretso. "I have said this a couple of times before, but I'll say it once again. Thank you for introducing the greatest love to Eunice, Terrence. Iyon ang lagi kong dasal na mahanap niya at ang ipinangako ko sa puntod ng mga magulang namin na mararanasan ni Eunice.

"Our parents' tragic death was too much for a five-year old. Isama pang kailangan kong mag-college abroad. I failed once in giving Eunice that kind of love. But here you are. You are God's answered prayer to my prayers, brother. Thank you for loving and trusting my sister the way she should be loved and trusted."

"I just want to honor the Lord through loving her right, Eugene. No need to thank me." Napailing siya. "At bakit ito ang pinag-uusapan natin?"

Kasama niya ang bayaw sa discipleship group kaya kahit hindi halata, malapit naman sila sa isa't isa. Spiritually. They would exchange suggestions how to treat their wives better. Kasama si Dale.

Parehas na rin silang ama kaya mas may connection sila ni Eugene sa ganoong usapin. Eugene's just a very quiet person. But he is a man of actions.

Bahagyang umangat ang gilid ng labi nito. "I just want to let you know that because of your love and trust to Eunice, especially her faith in Jesus, she became the woman that my parents envisioned her to be.

"Nang ipininganak si Eunice, laging sinasabi sa'kin nina Mom and Dad that they named her, 'Eunice Cerys', because they have faith that God would make her like the meaning of her name."

"What's the meaning of her name?" he curiously asked.

"'Eunice' means 'victory'. 'Cerys' is associated with the meaning of 'love'," ani Eugene. "Ipinangalan sa kanya iyon. Because our late parents believed Eunice will be victorious in love someday."

Napalunok si Terrence. Suddenly a warmth feeling enveloped his heart, went up to his throat and eyes...

"And I want to believe that because of Jesus, that 'someday' our parents expected for was happening right now. Wala na sila, ngunit nandito pa rin ako para masaksihan ang buhay ngayon ng kapatid ko."

Napayuko siya. Yes. His lovely wife is indeed victorious in love. She has been victorious since she accepted Christ in her life and decided to follow His ways.

"Minsan nagkakamali-mali pa rin siya. Pero hindi na takot matuto at mapagsabihan," dagdag pa ni Eugene. "Maybe I'm also saying these to remind myself that she's a completely different person now. Sa walang paalam niyang pag-alis at paghingi ng isang linggong palugit, we can say that she didn't do it out of selfishness, anymore. We can trust that she did it for something greater."

Napatango si Terrence. He needs that reminder also.

"Thanks, Eugene. I love Eunice and I pray every day for her. For the Lord to continuously give her wisdom, protection, and courage. That God would reveal Himself to Eunice more. Alam kong ganoon din ang ipinagdadasal ng asawa ko para sa'kin... Maybe, I'm just a little bit worried because she's carrying another baby..."

Mukhang nagulat si Eugene dahil napakurap ito. "She's pregnant, again?"

Tumango siya. Oh. Mukhang silang mag-asawa pa lang ang nakakaalam. Napakamot siya sa kilay. "That's why I'm waiting for her call. Maselan siya sa pagbubuntis. Baka lang anong mangyari...

"But you're right. I trust her. Alam kong hindi siya gagawa ng ikasasama ng baby. I trust in the Lord, as well. I don't need to stress myself."

"Ikaw pala dapat ang binabati ko ng congratulations." Mas naging maluwag ang ngiti ng bayaw at kinamayan siya. "Another baby. That's a blessing! Wala iyan sa plano niyo, hindi ba?"

Tumango siya. "But I guess the Lord has different plans..." Napangiti siya. Mas lumuwag ang paghinga ngayon ni Terrence. Laging maganda ang diskusyon nila ni Eugene sa tuwing nagkakausap. He gained a reliable big brother in him.

"If you want, we can pray together for Eunice now. Para maging maganda din ang pag-uusap niyo bukas sa pagtawag niya."

Agad na pumayag si Terrence. Eugene lead the short prayer. After that, he had to go to finish touring around the whole company.

Iniligpit na rin muna ni Terrence ang ginagawang blueprint. Maghahanda na siya para sa pag-alis. Susunduin niya pa ang anak sa school nito.

Lumabas siya ng sariling opisina at saka dumaan sa HR department.

"Engineer, may bago nang mga aplikante na pasok sa final interview niyo para bukas," sabi sa kanya ni Mrs. Suatengco. "I'll leave the CVs on your desk first thing in the morning tomorrow."

Ah, that's good news. "Thank you so much, Ma'am. I'll expect them tomorrow. Ingat po. God bless!" paalam niya at saka tumuloy na.

He fetched Cyla from school and they had a great bonding night together. Tumabi ang anak sa kanyang matulog at madami daw itong kuwento. Like the usual, it's just about Frances and Matthew.

Nasa isip ni Terrence, siguro si Cyla ay "kinukuwento" din sila ni Eunice kina Matthew. Oh, his lovely darling spy...

Kinabukasan, gumising ng maaga si Terrence. Nakahanda na kung anumang oras tumawag ang asawa niya. Siguro ay mamaya pang hapon. Six hours ahead ang Pilipinas kaya sa malamang ay tulog pa ito sa Paris.

He did his usual routine. He did his quiet time first. Pagkatapos ay saka nag-ayos para sa trabaho. He woke up Cyla and his daughter's independent enough to fix herself to school.

Nagluto lang siya ng agahan nila at baon nito. He dropped her at school. He got to work.

Dapat matapos niya ngayong umaga lahat ang pag-interview sa magiging susunod na sekretarya niya. Para pagdating ng tanghalian, kahit anong oras tumawag si Eunice ay hindi wala na siyang masyadong ginagawa.

Pagpasok niya sa opisina ay may tatlong babae agad ang nakapila sa labas kasama si Mrs. Suatengco. He was introduced to them. Magalang na bumati siya sa mga ito.

"Good morning, Engineer," bungad ng unang aplikante pagpasok ng opisina niya.

"Good morning, Miss Monsale. Please take a seat."

The interview started right away. Hindi na namalayan ni Terrence ang oras dahil lahat nang nakausap na aplikante ay pawang magagaling lahat.

He was able to interview four women in the morning. May dalawa pa daw sabi ni Mrs. Suatengco. Hindi na siya nag-lunch break para mabilis matapos.

Pero patingin-tingin na siya sa cellphone. Baka tumawag na si Eunice...

"Lord God..." bulong ni Terrence at bahagyang napatingala. Katatapos lang ng interview sa panglimang aplikante. Hindi pa rin tumatawag si Eunice.

Maghihintay pa rin ba siya? O siya na ang tatawag? Isang linggo siyang naghintay at hindi nangulit. Ginalang niya ang gusto ng asawa...

Matagal pa ba? Hindi pa ba ito gising? Nag-exercise pa? Experiencing morning sickness?

"Engineer, the last applicant just arrived," the HR head said.

"Let her in. Thank you."

Hinanap niya kung nasaan ang resume ng susunod na applicant. Wala sa desk niya. Nakalimutan ba ibigay ni Mrs. Suatengco?

Narinig niya ang pagbukas ng pinto at pagsara.

"Good morning, Engineer brown eyes."

Napahinto si Terrence sa hinahanap. His hand froze, but his head immediately turned up.

What...

Eunice sweetly smiled and sat on the chair opposite to him. "Here's my credentials, Engineer."

May inabot ito sa kanyang folder.

Napalunok siya. Hindi siya makapagsalita sa gulat! Bakit ito nandito? Hindi ba nasa Paris ito?

Kinuha niya ang inabot nitong folder. Binuksan at nakitang resume nga ng asawa niya ang nandoon...

Ganito niya na ba ka-miss si Eunice? Ginusot-gusot niya ang mga mata. Pagtingin niya ay si Eunice pa rin ang nasa harap niya!

May mapaglarong kislap sa mga mata nito. Ang ngiti ay walang kasingtamis...

Isang linggo lang pero mas dumoble ang ganda at liwanag nito...

Tila kakapusin ng hangin si Terrence.

Jesus, is this true?

Napatikhim siya at binasa ang resume nito. "Why are you applying for the position, Mrs. Aranzamendez?"

"So, I can be closer to my husband, Engineer."

Nakagat niya ang ibabang labi. Terrence kept his eye on the resume. "You won't go back to... Paris?"

"I'm here to stay... for good."

Napapikit siya nang maramdaman ang pagpuno ng saya sa dibdib. Naririnig niya ang pag-awit ng puso.

"For good...?"

Eunice smiled and held her still, flat tummy. "We're home, Terrence. Thank you for waiting."

Tuluyan nang sumabog ang puso niya.

Tumayo siya at sinugod ito ng yakap. He raised her chin and kissed her fully on the lips. Eunice giggled and threw her arms around his neck.

My Lord God, You made this come true! Thank You! Praise You! Salamat po. Maraming maraming salamat po!

Ito ang hindi na kailangang hingin ni Terrence. Ibinigay na agad ng Panginoon.

Hindi niya na kailangang sabihin kay Eunice na umuwi. Ang Diyos na ang kusang nagpauwi dito!

Now more than ever, mas ipinakita sa kanya kung anong kapalit ng pagtitiwala ng buo sa Panginoon.

"I love you, Eunice...," he emotionally said, a little sob escaped his mouth. "I love you with all my heart..."

Her eyes turned misty and nodded. "Siguro sapat na ang eight months ko sa Paris para mag-move on from our daughter. I'm done running away. We can serve the Lord here together now."

Hinayaan na ni Terrence na umalpas ang emosyon sa mga mata niya. Tears freely flowed...

Hinaplos nito ang mukha niya. Pinalis ang mga luha niya. "Paris is my haven. But my home.... My home is always you, Terrence."

Niyakap niya muli ito. He rained tiny kisses all over her beautiful, radiant face...

"Welcome home, baby..." bulong niya dito kasabay nang mahigpit na pagyakap dito.

"Ouch!"

Bigla siyang napalayo dito. At saka niya napansin ang benda sa kaliwang braso nito. Nanlaki ang mga mata niya. "What's that?"

Napangiwi ito. "Ahm... ouch! Terrence!" saway nito nang inangat niya ang braso nito para mas titigan ang benda nito.

"Eunice, what's this?" takang-taka pa rin siya, kalakip ang pag-aalala.

"Gently, please..." Her smiles are apologetic now. "I got a stab from a knife. But it's nothing serious."

What?! Huminto ang nagkakantahan sa dibdib niya.

Tinignan niya ito nang mataman.

Napalabi ito. "My last one week in Paris was crazy! But I'm safe. The baby's safe. I'm here with you already."

Sumingkit na ang mga mata niya.

Mas napalabi ito. "Okay, okay... I'll tell you everything..."


***

Let's get connected!

Official FB Pages: FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

6.8M 123K 27
What is love? Written ©️ 2014
997 122 17
Mahirap mahalin ang isang tao lalo na kung sa umpisa pa lang alam mo nang ibinigay na niya nang buong-buo ang puso niya sa iba. Sa bawat aspeto ng re...
509 200 24
This story about Christian youths na kahit magkaiba ang Religious sect and denominations ay hindi naging hadlang sa kanilang pag-iibigan na despite s...
3.7M 88K 19
Saan dadalhin ng twelve years age gap ang pagmamahal ng mapaglarong si Haley sa respetadong vice-mayor na si Gideon? Written ©️ 2014 (Published 2017...