Chapter 25: Your Love Never Fails

20.7K 729 171
                                    

Hello, readers! This is the last chapter. Thank you for coming again with me--with Eunice and Terrence, in this love journey.


***

Chapter 25: Your Love Never Fails

HEART check!

Ngayong araw ay magha-heart check ulit sina Terrence at Eunice. Not as a couple, but as a family. Kasama na nila si Cyla, habang ang six-month old na si baby David ay natutulog ng mahimbing sa mga braso ni Eunice.

Every month ay nagha-"heart check" silang mag-asawa para ma-discuss ng malaya ang mga misunderstandings at maging open sila sa mga suggestion for improvement sa pagsasama nila.

"Okay, sweetie, the rules are very simple," malumanay na paliwanag ni Eunice kay Cyla. "While someone is talking, we listen only. When it's your turn to talk, you can say anything that you have inside your heart. Lastly, just be honest. No need to lie to us. Don't be afraid that you might hurt Papa or me. We do this, so we'll know how to better love each other as a whole family."

Tumango si Cyla. "Okie dokie, Mommy!"

Si Terrence ang nakaisip na isali nila ang panganay na anak para maaga nitong matutunan ang pagiging open sa loob ng pamilya. This way, Cyla can feel that they listen to her, they appreciate her opinions, and her feelings matter to them. Hindi na nito kailangang hanapin ang self-worth sa labas ng bahay kung sa loob pa lang ng pamilya ay naibibigay na nila iyon dito.

Eunice thought it was a great idea. Cyla is growing up fast. They should be intentional in instilling Christian values and introducing Jesus to her. Cyla attends a Sunday school, of course. Pero iba pa rin kung mismong magulang ang nagtuturo dito. At hindi lang basta turo, pero m-ino-model dapat dito.

Kinakausap din nina Terrence at Eunice sina Matthew at Frances para masiguro na kahit magkaiba ng environment, hindi malilito si Cyla sa identity nito bilang tunay na anak ng Diyos.

Eunice prayed a short opening prayer.

"I'll go first, alright?" sabi ni Terrence sa anak pagkatapos nilang magdasal. "Para may ideas ka kung anong mga puwedeng sabihin."

Tumango si Cyla at ngumiti. "Papa, when I'm honest, you won't get hurt?

Umiling si Terrence. "Don't be afraid to say anything. Mas gusto kong honest ka sa'kin. This way, I know where to improve as your Papa."

"Okie dokie! Let's start!"

Kahit inaantok si Eunice ay pinilit niyang idilat ang mga mata. Pinigilan niya ring mapahikab. Sa totoo lang, mula nang ipanganak si David ay wala na siyang kumpleto at maayos na tulog. She can only nap when the baby's taking a nap, too. She can only sleep when Terrence gets home from work and takes over the baby care.

But David is kind of greedy for breastmilk. Kahit nandyan si Terrence, at nakapag-pump naman siya ng breastmilk, mas gusto pa ring sumama sa kanya ni David kapag nagugutom ito. Kaya hindi pa din siya tunay na nakakapagpahinga kahit nandyan si Terrence.

Their baby won't drink on a bottle, kahit gatas din naman ni Eunice ang nandoon. But according to her sister-in-law, Tanya, ganoon daw talaga. Most babies want to have milk with the warmth of their mothers' bosom. Nararamdaman daw iyon ng mga ito.

Anyway, Terrence started talking. Nangangalay na rin si Eunice sa pagkarga ng natutulog na anak, but she does not want to stop holding him. Parang sa kanya din nagmana ng pagka-"clingy" si baby David.

Love at its Greatest (Love Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon