Chapter 14: Love and Reputation

9.9K 518 59
                                    

Chapter 14: Love and Reputation

"THAT'S the truth, Madame. That's all the truth behind those photos," mahinahong pahayag ni Eunice pagkatapos niyang i-explain isa-isa ang kuwento sa likod ng mga litrato.

"I went out with Lucien way before. But that was when my husband and I were separated because I thought we're getting an annulment. Alam ko pong kasal ako noon at mali po ang ginawa ko para lang makalimot. I was young and I didn't know better. I'm not even a believer at that time, Madame."

Tumatango-tango si Madame Lilou. Nakikita niya sa mga mata nito na naniniwala naman ito sa lahat ng paliwanag niya. She certainly trusts her.

"But when I came back here seven months ago, I never had an affair. Alam niyo ang kuwento ko, Madame. I became a Christian. Then, my husband and I lost a child... I came back here in Paris, not to rekindle an old flame and fool around. I came here to serve in church and returned here in GHC to gain more experience in the fashion industry."

"Yes, I know that. I was just surprise by these photos. And it's been circulating in the whole office for two weeks now. Two weeks! Bago pa ang vacation leave mo ay naipadala ito sa lahat ng email ng mga employees. At sabi mo ay wala kang napansin dahil wala kang natanggap..."

Napayuko siya. Remembering what happened around the office two weeks ago, kaya pala mas malakas ang loob ni Claudine na buskahin siya at paringgan, kaya pala natatahimik ang mga tao sa tuwing dadating siya, kaya pala may mga nagbubulungan sa tuwing dadaan siya... and the rumor she heard once was about her afterall.

Hindi niya naisip ang sarili na pinag-uusapan bilang babae na nagkaroon ng extra-marital affairs. Pero kalat na kalat na pala sa opisina ang mga larawan...

Nakuyom niya ang mga kamay. Did Soleil receive this one, too? Sino ang kumuha ng mga ganoong pictures nila ni Lucien? Sino ang nagpakalat ng ganoong klaseng paninira sa kanya na kaya nitong ipagkalat sa buong opisina?

"Mayroon ka bang kaaway na may intensyon para siraan ka ng ganito—" Nag-ring ang telepono ni Madame Lilou. Agad nitong sinagot iyon.

Napapitlag si Eunice nang magsimulang magmura ang boss niya. All the expletives in French were said. Napangiwi siya.

Galit na ibinagsak nito ang telepono. "This is not a work of a simple person! Nakaabot na ang email hanggang sa mga principal sponsors ng fashion show!"

Nanlaki ang mga mata niya. Nabuka niya ang bibig pero walang lumabas na mga salita mula sa kanya.

"This person could have connections that it can hack through our system!"

Mabilis na nag-isip si Eunice. Sino? Sinong gustong sumira ng reputasyon niya? Anong kasalanan niya sa taong iyon?

Bakit nangyayari ito nang hindi niya alam?

"May kaaway ka ba dito sa office?"

Si Claudine lang naman ang malinaw na may ayaw sa kanya. But the woman isn't that powerful to pull this kind of stunt. At sigurado si Eunice, alam naman ni Claudine na ito ang mapapahamak kung gagawa ito ng malinaw na atake sa reputasyon niya.

Nag-isip si Eunice. Hinugot niya ang kaunti pang kalinawan sa utak habang nakakapag-isip pa siya ng tama at hindi pa na-o-overwhelm ng mga nangyayari.

"The culprit won't make himself or herself obvious, Madame..." nasambit niya. "Kung i-isa-isahin ko ang mga taong may galit sa'kin, they aren't stupid enough to bait themselves by doing this. It's like suicide bombing."

Love at its Greatest (Love Series #3)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt