Ilang Oras na Pag-ibig

By duanelie

4.3K 354 108

In 7 hours, possible bang makabuo iyon ng love story? Maybe yes. Nangyari kina Xarlotte at Alexus ‘yan eh. Bu... More

Prologue
Alas Ocho - Crush at First Sight_Lex
Alas Nuebe - Crush at Second Sight_Xarlotte
Alas 'Dyes - Love at Third Sight_Lex
Alas Onse - Love at Fourth Sight_Xarlotte
Alas Doce - Love is in the Air
Ala Una - Lover's Quarrel
Alas Dos - Part Ways
Moving On
Lex's Side of the Story l
Lex's Side of the Story ll<fast forward>
Lex's Side of the Story Final
Moved on but He's back
Enlightening Fact
They Meet Again

Unexpected Incidents

40 9 3
By duanelie

Xarlotte’s POV

Pagkalabas ko ng office ni Elisha ay dumiretso muna ako sa CR at do’n inilabas ang kanina ko pa pinipigilang tili o sigaw na yata ‘to. Sound proof naman dito kaya walang makakarinig sa’kin.

Grabeeee! Halo halo na ang nararamdaman ko ngayon. Hiya, saya, kaba, guilt, basta lahat na. Padalos dalos kasi ako eh. ‘Di na nag isip.

Pwede na ulit kami ni Lex!!!

Tanggap ako ng kapatid at pinsan niya. Argh! Ang awkward pa rin talaga isipin na pinagselosan at pinag isipan ko ng masama ang cousin ni Lex. Malay ko bang magkadugo sila.

Keep calm Xarlotte! Keep calm! Breath! Too much happiness could kill you. Inhale! Inhale! Inhale! Go exhale!

Ayos ng damit…

Tingin sa salamin…

Ngiti sa sarili…

Ready! Go back to work and act normal.

“Pssst! Ano’ng sinabi sa’yo ng Elisha’ng ‘yon? At bakit ganyan ka makangiti?” Usisa sa’kin ng bestfriend kong mukhang kanina pa ako inaantay at eto nga’t nakikichika na.

“Pwede huminga muna? Kakaupo ko pa lang po oh. Relax!” Galit galitan kunwari ako. Pa’no kasi, di pa maalis sa mukha ko ang ngiti at kilig.

“Ano na nga? Relax mo mukha mo.” Di tumalab ang drama ko.

“Basta mahabang kwento. Sa bahay na lang mamaya, baka mahuli pa tayo ni Ms. Chave rito.”

“Okay! Sinabi mo eh. So walang overtime overtime ngayon?” Nakangising tanong niya.

“Wala po! Kaya let’s start na at nang matapos na ‘tong mga tasks natin.” Sabay harap ko sa monitor ko.

“Good! And pwede ba, pakitigil tigilan mo nga ‘yang pagngiti mo at baka mapunit pa ‘yang labi mo jan! Mukha ka ng baliw eh.” Napatingin tuloy ako sa salamin ko’ng nasa gilid ko. Tinampal tampal ko pa ng mahina ang bibig ko para di na ngumiti pero ayaw papigil eh.

“Sorry naman!” Mas lalo lang din akong napapangiti.

“Tss!” Tanging sagot lang ni Yannie at bumalik na rin sa trabaho niya. May kasamang irap pa ‘yan ha? Eto talagang bestfriend ko. Ke liit liit pero ang taray.

2:30pm

“Xarlotte, pinapatawag ka ni Ma’am Famni.” Si Ma’am? Accounting Manager namin ‘yon. Bakit kaya.

“Okay po, coming.” At mabilis pa sa alas kwatro ako’ng pumunta sa office niya. Terror kaya ‘yon. Mabilisan lahat ng bagay.

<tok tok tok>

“Come in!” Dinig ko’ng sabi ni Ma’am kaya pumasok na rin akong kabado. Lagot na! Baka sisitahin ako sa lates ko at magiging employee of the month na naman ako.<ironic award po ‘yan>

“Good afternoon po Ma’am! And S-sir?” Bakit nandito si Sir Nard? Ang supervisor ko.

“Have a seat!” Instruct sa’kin ni Ma’am.

“Thanks po! Bakit niyo po pala ako pinatawag? May problema po ba? New project?” Diretsahan ko’ng tanong. Ayoko kasing patagalin pa. Baka di ko kayanin ang kaba ko at magcollapse ako rito. OA naman masyado ‘yon.

“This would be a bad news for you Ms. Shamt but maybe good news will follow.” Pormal na tugon ni Ma’am Famni. Tumango tango na lang ako. I want to hear it all bago pa ako sumagot.

“Xarlotte I’m sorry but I am resigning from my job due to some important reasons. Ma’am Famni already know about it.” What? Resign? Si Sir Nard? Sino na magiging head ko?

“And he’s recommending you to be in his current position. So he will turn over all his works to you. You will be under evaluation for a month and a trainee for maybe 3 months.”

“Po? But I th---“

“We’re telling you this just to inform you Ms. Shamt, not to ask if you’ll agree or not. Because as what your performance Mr. Rox told me earlier, you fit with the position.” Ano? Gano’n gano’n na lang ‘yon? Di man lang nila tatanungin kung okay lang sa’kin?

“Pero Ma’am, Sir!” Hindi ko alam ano’ng idadahilan ko upang matanggihan ko ang offer nila.

“I guess you can start tomorrow. Thank you! You can go back to your work now.” Pag ignore sa’kin ni Ma’am Famni. Wow ha? Siya pa may ganang mangsnub.

“Thank you rin po Ma’am!” Pahuling sabi ni Sir at lumabas na sa office. Sumunod na lang din ako.

“Sir, bakit naman po gano’n kabiglaan? Tsaka bakit ako?” Pangungulit ko kay Sir.

“Sino ba ibang nararapat pumalit sa’kin? And as I’ve said, I have my reasons but that you don’t need to know.” Tuloy tuloy pa rin siya sa paglalakad papunta sa table niya.

“Eh sir marami naman po’ng mas matagal sa’kin dito. At bakit naman po di ko pwedeng malaman eh---“

“Malalaman mo rin ‘yan. Hindi lang ngayon. Hindi ko rin naman ginusto ‘to eh pero kailangan.”

“Sir pwede naman po nating masolusyonan ‘yan. Sabihin niyo lang po. Ako’ng bahala. Please ‘wag niyo po’ng gawin sa’kin ‘to.” Mangiyak ngiyak ko’ng sabi. Ayoko pa kasi talaga. Di ko pa kaya.

“You don’t know what you’re saying Xarlotte. Please just bear with us. This is all for you.” Seryoso niyang sabi.

“For me? Bakit na naman po? Sa attendance ko? Promise po Sir, aayusin ko na talaga starting tomorrow.” Nagmamakaawa na talaga ako.

“No, not that. Basta, you’ll understand soon. Go back to your area now and settle things for you to be prepared tomorrow.” Wala na. Wala na talaga akong magagawa. Kaya bumalik na lang ako sa pwesto ko at ginawa ang utos nila. Good news nga ba ‘to o bad news?

<fast forward>

Uwian na! Tapos ko na lahat. Pauwi na kami nina Yannie at Ritch.

“Oh, ba’t nakabusangot ka? Kanina todo ngiti ka ahh.” Lahat talaga, pinupuna ni Yannie. Can’t she just ignore me like how Ma’am Famni and Sir Nard do?

“Si Lex na naman siguro ‘yan. Lutang eh.” Ritch na nasa gitna namin ni Yannie. Lagi ‘yan eh. Para raw walang lumapit sa’ming mga lalaki.

“Ano’ng sinabi mo? Ako lutang? Lutang dahil kay Lex? Ha? Ha?” Pinagbentangan ba naman ‘yong taong nananahimik.

“Hey chillax! Hula ko lang naman. Makareact ha.” Makaakbay ha? Akala mo wala ang girlfriend.

“Tss. Sa bahay ko na ikekwento. Mahirap na, baka may makarinig pa rito. Tsaka pwede ba, pakitanggal mo nga ‘yang kamay mo. Nasa kabila po ang girlfriend mo.” At pwersahan ko’ng tinanggal ang kamay niya.

“Wag kang mag alala best, hindi naman kita pagseselosan eh.” Aba’t!

“Ahh gano’n? So pangit ako?”

“Luh! Wala akong sinabing gano’n ha? Ang point ko lang ay di ako dapat magselos dah---“

“Oo na oo na. Hahaba na naman ‘to. Tara na, bilisan na natin.”

“Aye! At nang maikwento mo na ‘yang mga dahilan ng change of face expressions mo. Hahahah!” At sumabay pa si Ritch sa pagtawa. Mga baliw ‘tong magsyotang ‘to.

Pagkarating namin sa bahay ay kumain muna kami. Di ako pwedeng magkwento habang kumakain at baka bugahan ako ng pagkain ng bestfriend ko’ng OA kung makareact. Isa ‘yon sa similarities namin. Over sa reactions.

After an hour ay nakapwesto na kami sa sala at kinwento ko na sa kanila ang lahat, mula kay Lex hanggang kay Sir Nard.

“Di ba ang hirap. Sino di matutulala niyan? Nakakainis lang, panira ng happiness.”

"Ikaw lang yata ang narinig ko’ng naiinis dahil sa promotion. Sarcastic ba ‘yan?” Yannie na busy’ng busy sa chichirya’ng binuksan ko. Akin ‘yon eh.

“Haler! 1 year mahigit pa lang kaya ako. Bakit hindi na lang kasi kayo. Baka pagdiskitahan pa ako ng mga taga Accounting.”

“Wala naman sa tagal ng pagsstay sa company ‘yon eh,though factor din ‘yon. Pero nakikita nila sa’yo na you’re the best for the position kaya ‘wag ka na mag inarte jan.”

“Huy! Hindi ako nag iinarte noh! Mali naman talaga ang desisyon nila eh.” Halos magdabog na ako sa inis. Bakit ba kasi ako.

“Kung ako sa’yo, magpahinga ka na lang at tanggapin ang mga nangyayari. Will ni Lord ‘yan so just be thankful and don’t question Him.”

“Oo na po Father.”

“Cause whatever happens, bad or good, only God knows.” Sabay naming sabi ni Yannie at nagtawanan na kaming tatlo. Laging line ni Ritch ‘yan eh. Narinig daw niya sa story ng isang Pastor. Ang ganda nga ng story eh. Masasabi mo talagang oo nga.

“Pero in fairness kay Papa Lex mo ha? Umeeffort! Heheheh!”

“Kinilig ka na niyan?”

“Ahy hindi, hindi. Ikaw nga kanina eh. Para kang timang na ewan habang nagtatrabaho. Akala ko nga nag efb o nagwawattpad ka eh.”

“Uy hindi naman ako gano’n tsaka wala kaya ako’ng access sa fb, at nagbago na ako noh, ‘di na ako nagwawattpad ng office hours. Hahahah!” Dati lang ‘yon. Hehe!

“Pero dati oo.”

“Sabi ko nga di ba?”

“Hindi kaya!”

“Bingi ka lang!”

“Di ba babes di niya sinabi ‘yon?” Naghanap ng kakampi.

“Sorry babes pero hindi ko sure eh.” Bleeeh! Mas bingi pala ‘tong isang ‘to eh.

“Ahahahah! Ano ka ngayon?” Sabay belat ko sa kanya at takbo dahil…

“Humanda ka sa’king babae ka!” At hinabol niya ako nang hinabol. Gano’n kami lagi, pareho kasi kaming pikon. Second common trait namin, pikunin. Hay, how I love this girl.

Nang mag 7pm na ay nagpaalam na ang dalawa. Kahit papano’y tanggap ko na ang mga nangyari. Thanks to the both of them.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...