Unexpected Incidents

40 9 3
                                    

Xarlotte’s POV

Pagkalabas ko ng office ni Elisha ay dumiretso muna ako sa CR at do’n inilabas ang kanina ko pa pinipigilang tili o sigaw na yata ‘to. Sound proof naman dito kaya walang makakarinig sa’kin.

Grabeeee! Halo halo na ang nararamdaman ko ngayon. Hiya, saya, kaba, guilt, basta lahat na. Padalos dalos kasi ako eh. ‘Di na nag isip.

Pwede na ulit kami ni Lex!!!

Tanggap ako ng kapatid at pinsan niya. Argh! Ang awkward pa rin talaga isipin na pinagselosan at pinag isipan ko ng masama ang cousin ni Lex. Malay ko bang magkadugo sila.

Keep calm Xarlotte! Keep calm! Breath! Too much happiness could kill you. Inhale! Inhale! Inhale! Go exhale!

Ayos ng damit…

Tingin sa salamin…

Ngiti sa sarili…

Ready! Go back to work and act normal.

“Pssst! Ano’ng sinabi sa’yo ng Elisha’ng ‘yon? At bakit ganyan ka makangiti?” Usisa sa’kin ng bestfriend kong mukhang kanina pa ako inaantay at eto nga’t nakikichika na.

“Pwede huminga muna? Kakaupo ko pa lang po oh. Relax!” Galit galitan kunwari ako. Pa’no kasi, di pa maalis sa mukha ko ang ngiti at kilig.

“Ano na nga? Relax mo mukha mo.” Di tumalab ang drama ko.

“Basta mahabang kwento. Sa bahay na lang mamaya, baka mahuli pa tayo ni Ms. Chave rito.”

“Okay! Sinabi mo eh. So walang overtime overtime ngayon?” Nakangising tanong niya.

“Wala po! Kaya let’s start na at nang matapos na ‘tong mga tasks natin.” Sabay harap ko sa monitor ko.

“Good! And pwede ba, pakitigil tigilan mo nga ‘yang pagngiti mo at baka mapunit pa ‘yang labi mo jan! Mukha ka ng baliw eh.” Napatingin tuloy ako sa salamin ko’ng nasa gilid ko. Tinampal tampal ko pa ng mahina ang bibig ko para di na ngumiti pero ayaw papigil eh.

“Sorry naman!” Mas lalo lang din akong napapangiti.

“Tss!” Tanging sagot lang ni Yannie at bumalik na rin sa trabaho niya. May kasamang irap pa ‘yan ha? Eto talagang bestfriend ko. Ke liit liit pero ang taray.

2:30pm

“Xarlotte, pinapatawag ka ni Ma’am Famni.” Si Ma’am? Accounting Manager namin ‘yon. Bakit kaya.

“Okay po, coming.” At mabilis pa sa alas kwatro ako’ng pumunta sa office niya. Terror kaya ‘yon. Mabilisan lahat ng bagay.

<tok tok tok>

“Come in!” Dinig ko’ng sabi ni Ma’am kaya pumasok na rin akong kabado. Lagot na! Baka sisitahin ako sa lates ko at magiging employee of the month na naman ako.<ironic award po ‘yan>

“Good afternoon po Ma’am! And S-sir?” Bakit nandito si Sir Nard? Ang supervisor ko.

“Have a seat!” Instruct sa’kin ni Ma’am.

“Thanks po! Bakit niyo po pala ako pinatawag? May problema po ba? New project?” Diretsahan ko’ng tanong. Ayoko kasing patagalin pa. Baka di ko kayanin ang kaba ko at magcollapse ako rito. OA naman masyado ‘yon.

“This would be a bad news for you Ms. Shamt but maybe good news will follow.” Pormal na tugon ni Ma’am Famni. Tumango tango na lang ako. I want to hear it all bago pa ako sumagot.

Ilang Oras na Pag-ibigWhere stories live. Discover now