Alas Onse - Love at Fourth Sight_Xarlotte

361 28 8
                                    

10:48 am

Lumipas ang halos isang oras na tutok kami lahat sa trabaho. Pero medyo nawawala pa rin ang focus ko dahil sa biglaan at mabilisang pag-amin ni Lex. Hindi ko talaga akalain na may pagtingin din siya sa’kin.

Seryoso kaya siya sa mga sinabi niya kanina? Posible kaya na may patutunguhan kami kung sakaling sagutin ko siya? Naku, baka naman pinagtitripan lang ako nito’ng taong ‘to. Pa’no ko nga ba masasagot ang mga tanong na ‘to? Hmmmm.

“*clears throat* Excuse me ‘Lotte. Ito na ‘yong mga dinisburse ko oh. Pakicheck na lang. Thanks!” Lex. Nakakagulat naman ‘to.

“U-umf okay. Pakilagay na lang din jan.” Padeadma effect ko’ng sabi.

“Are you mad?” worried niya’ng tanong.

“Huh? Bakit naman ako magagalit? Busy lang po ako, okay?”

“A-ahh gano’n ba? Sorry, akala ko kasi dahil pa rin sa kanina.”

“Hahh? Hindi.” Sa tingin ko, namumula na naman ako dahil sa tinuran niya.

“Good! But are you okay. Namumula ka ahh. Masama ba pakiramdam mo?” lagot na. Eto na nga ba sinasabi ko eh.

“N-no. I’m alright. Don’t mind me.” Please naman ohh. Bumalik ka na sa pwesto mo.

“Are you sure?” at hinawakan niya ang noo ko. Ghad! Ang lambot ng kamay niya. Hmmm. Ang bango niya talaga. Ang sarap siguro sa pakiramdam na maging girlfriend siya at makaholding hands pa.

“Y-yes. I’m sure! I want to be your girlfriend.” Napatakip ako sa bibig ko. Xarlotte. Nababaliw ka na! Napatingin ako sa kanya at ang mokong, ang laki ng ngiti.

“A-are you sure ‘Lotte? So is that a yes?” naeexcite niya’ng sabi pero kinocontrol niya ‘yong boses niya para di mahalata ng mga officemates namin. Aaaaarg! Xarl! Napakacareless mo. Bakit mo nasabi ‘yon?

“N-no. I mean yes???” nagdadalawang-isip ko’ng sabi sabay yuko. Nakakahiya ako.

“Yes! Yohooh!” with action pa ‘yan ahh. ‘Yan tuloy, napalingon na sa’min ang lahat.

“Uy uy uy! Ano’ng ibig sabihin niyan ha?” Si Yannie. At kumikislap kislap pa ang mata.

“A-ano. K-kasi tama ‘yong mga dinisburse niya. W-wala siyang mali. Oo ‘yon nga. Di ba Lex?” Kinakabahan ko’ng pagpapalusot.

“Really?” di naniniwalang sabi ni Yannie sabay tingin no’ng folder na may vouchers galing kay Lex. “Ni hindi mo pa nga ito natitingnan at nachecheck ehh. Mga palusot mo Xarl! Hahahah!” Mabubuking ata ako agad nito ahh.

Sasagot na sana ako nang pigilan ako ni Lex.

“’Lotte. Pwede naman muna nating ilihim ‘to.” nag-aalala niya’ng bulong sa’kin. Ngumiti na lang ako sa kanya sabay hawak ng braso niya para ipakitang okay lang.

“Hoy! Ano’ng pinagbubulungan niyo jan? Sagutin niyo na ako.” Yannie.

“Yanz. Kami na!” *___* mukha ni Yannie.

“Oh! Em! Geeeeeeeeee---! Mmmmmmmmm!” tinakpan ko na lang ang bibig ni Yannie, baka magsisigaw pa ‘to ehh.

“Sssssshhhh! ‘Wag ka nga’ng maingay.” At binitawan ko na siya nang medyo kumalma na.

“Ghad Xar! Totoo ba ‘to?” tumango tango na lang ako habang pinipigilan ang ngiti ko.

“Hindi ko nga ineexpect ehh. Akala ko sobrang paghihintayin pa ako ni ‘Lotte.” Lex. Kitang kita sa mga mata niya ang tuwa.

“Hindi naman po kasi ang ligawan ang pinapatagal kundi ang relasyon.” Medyo nahihiya ko pa’ng sagot.

“Ayiiiieeeeee!!! Ikaw na Xarlotte! Ikaw na ang Lumalove life.”

“Tumigil ka na nga sabi ehh.”

“Ayiieeeeeee!” mga officemates ko.

“Siguro naman hindi ka na magiging late comer niyan. Hahahah!” Ritch, nang asar pa.

“Tsk. Bumalik ka na nga sa pwesto mo Yanz, sumali pa tuloy ‘yong iba at ‘yang boyfie mo. Ikaw din Lex. Mamaya na ulit tayo mag-usap at ichecheck ko pa ‘tong ginawa mo.”

“Aheheheh! Opo Ms. In Love! Heheheh!” Yannie sabay patakbong bumalik sa table niya.

“Yannie!”

“Opo. Eto na, babalik na nga po. Heheheh!” kumikindat kindat pa. Hay babaeng ‘to.  Napangiti tuloy ako nang di oras.

“At ikaw! Ano pa’ng tinat---“

“Yes My Angel! I’ll go back to work now.” Sabay balik sa pwesto niya. Ano raw tawag niya sa’kin? Ito’ng lalaking ‘to. Ang daming alam. Hahahah!

Ang saya ko! Ang bilis naman ng mga pangyayari. Sana magtagal pa ‘tong nararamdaman ko. Thank you, Lord! ^_^

(A/N: Nakzt. Akala ko si Papa Lex lang ang Speed dito, pati si Xarlotte “My Angel” din pala. Ahahahah!)

Ilang Oras na Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon