MARRIED At First Sight

By Brad_Poison_Ivy

29.4K 666 65

VICERYLLE STORY More

EXPLANATION
INTERVIEW
MATCHMAKING
THE WEDDING DAY
THE HONEYMOON ( 1st night)
1 WEEK HONEYMOON
7 DAY OF MARRIAGE (Rated SPG)
PAALAM NA!
5 YEARS AFTER
NICE TO MEET YOU....AGAIN!
MULING IBALIK
ANG PAGBABALIK
SPY VICE
THE TRAGEDY
#ALAMNA
NEW HOME, NEW LIFE, NEW BEGINNING
ASAR TALO!
BE PATIENT
ISTORYA
Selfish Alert
Happy Moments
-_- MALING AKALA -_-
MALING AKALA TALAGA
THE MAGIC WORD

PUSANG GALA!

889 21 0
By Brad_Poison_Ivy

"Ana Karylle! Gising!"

Ang malakas na tinig ni Vice ang nagpagising kay Karylle kinabukasan. Napabalikwas siya. Napansin niyang wala na ang kaibigang si Iza sa kanyang tabi. Binuksan niya ang nakasarang pinto ng tent. Nakita niya ang nakatayong si Vice na naka-paa lamang. Napansin niyang wala pang araw.

"Karylle! Labas diyan, bilis!"

"Bakit ba? Anong meron?" Pupungas-pungas niyang tanong. Nakalabas na siya sa kanilang tent. Hinagilap niya ng tingin ang kanyang tsinelas ngunit hindi niya ito makita.

"Basta! Tara 'don! May ipapakita ako sayo dali!" Natigilan si Vice nang makita ang hitsura ng bagong gising na si Karylle. Magulo ang buhok,may tuyong laway sa gilid ng labi at may nagmumurang muta sa magkabilang mata nito. Tama nga ang sabi ng matatanda, makikita mo ang kagandahan sa isang babae kapag bagong gising ito. Kapag siguro ibang tao ang nakakita sa hitsura ni Karylle ngayon ay pagtatawanan na ito pero iba siya. Hindi siya natatawa sa nakikita niya ngayon. Mas lalo pa itong gumanda sa paningin niya. Noong minsan silang naging mag-asawa ay hindi niya nakita ang bagong gising nitong hitsura. Lagi itong nauunang magising sa kanya. Nang minsang siya ang maunang magising ay maayos parin ang hitsura nito. Malayo sa nakikita niya ngayon.

"Teka bakit ba-" Hindi niya natapos ang sinasabi nang mapansin niyang napatitig sa kanya si Vice. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Bigla tuloy siya na-tense at nailang. Inayos niya ang sarili. Sinipat ang mga mata kung may muta o wala. Inayos rin niya ang magulong buhok.

"Ano bang problema mo, ha? Daig mo pa ang nasunugan kong makapambulahaw!" Pagtataray niya para pagtakpan ang pagkailang.

"Ahm, maganda ka pala...lalo na sa umaga" usal ni Vice.

Magkahalong emosyon naman ang nararamdaman ni Karylle nang matinig ang sinabi nito. Nako-conscious siya at tumatambol ang kanyang dibdib.

"Vice,alam kong maganda ako noon pa. Hindi mo na ako kailangan pang tingnan ng ganyan." Aniya na pilit tinatago ang pagkailang. "Ano bang meron? Baka matunaw na ako sa pagtitig mo"

Bago pa nakahuma si Karylle ay hinawakan na siya ni Vice sa braso. "Halika" sabay hila sa kanya.

"Ha? Saan? Tsaka nasaan silang lahat? Bakit parang tayo lang dalawa ang nandito? Napasunod siya dahil sa mahigpit na pagkakahawak ni Vice sa kanya.

"Wala silang lahat. Ang magnobyong sina Iza at Paolo pumunta sa bayan para mamili ng pagkain natin. Kasama rin nila si Kevin. Ang mga bakla naman,ayon,nandoon sa batis malapit lang dito." Patuloy parin niyang hinihila si Karylle.

"Nasa batis? Hindi pa nga sumisikat ang araw naliligo na sila? Ang lamig kaya"

"Hindi naman sila naliligo. Namamasyal lang sa paligid"

Nadaanan nila ang tree house. Paakyat na sila sa mataas na bahagi ng lupaing tinigilan nila.

"Teka lang, teka lang. Wala akong sapin sa paa. Baka matinik o mabubog pa ako" Awat niya.

"That's fine. Tinago ko talaga ang tsinelas mo para ma-feel mo ang hamog sa damuhan. Dont worry, sinigurado ko namang walang matatalas na bagay na nakaharang sa dinadaanan natin"

Huminto na sila sa paglalakad nang marating nila ang mataas na parte ng lupain.

"Really? Dahil lang sa hamog, nagkukumahog kang hilahin ako? Anong drama mo?"

"Look up" Anito na nakatingala.

Sinunod naman niya ang sinabi ni Vice. Napangiti siya nang makita ang matingkad na rainbow.

"Wow! Ang ganda!" Namamanghang bulalas niya. Matagal na rin siyang hindi nakakakita ng rainbow. Ngayon ay tanaw na tanaw niya ang bawat dulo ng bahaghari.

"Ayan ang dahilan kung bakit minadali kitang makarating dito. Nakita ko kanina habang naglalakad ako pabalik sa tent namin. Buti nga at hindi agad nawala. Alam mo ba kung ano ang kasunod nyan?" Masayang wika ni Vice. Tiningnan niya ang katabi.

"Ano?"

"Hintayin nalang natin. Maya-maya makikita mo rin." Umupo ito sa mga malalaking bato na nakausli sa damuhan.

Nanatili namang nakatayo si Karylle na enjoy na enjoy sa panunuod sa rainbow na unti-unti nang naglalaho. Pumikit siya. Huminga ng malalim. Ninanamnam niya ang malamig at sariwang hangin na humahaplos sa buo niyang katawan. Nanunuot ang lamig ng hangin sa suot niyang pantulog.

Kung nandito si Nathalie siguradong sobrang saya nya kapag nakita nya 'yong rainbow.

Pagmulat ng mga mata niya'y agad niyang nilingon si Vice. Nakita niya ang pagkakahawig ng kanyang anak dito. Namana ni Nathalie ang ilong at mata nito.

"Nakatitig ka" Sita ni Vice sa kanya.

Napangiti siya at iniiwas ang tingin kay Vice. Umupo rin siya sa isang bato sa tabi nito.

"Kung may lumabas na rainbow ibig sabihin kasunod nyan ay ulan di ba?" Ani Karylle.

"Mukhang hindi naman uulan. Tingnan mo, maliwanag ang langit. Pwera sa bahaging iyon." Itinuro nito ang nasa malayong lugar na may kulimlim sa kaliwang bahagi nila.

"Nandoon ang isang dulo ng rainbow kanina" Sagot ni Karylle.

"Oo nga. Doon siguro uulan. Pero dito sa lugar na ito ay hindi" segunda ni Vice.

Ilang minuto rin ang lumipas nang unti-unti nang nagpapakita ang araw.

"K, look over there! The sunrise is coming! Oh my gosh! Ang ganda" Excited na wika ni Vice saka tumayo.

Napatayo rin si Karylle at tiningnan ang bahaging nilalabasan ng haring araw. Napa-wow na naman si Karylle sa ganda ng kanyang nakikita. Muli niyang naalala ang anak. Kung sana lang ay nasa tabi niya ito ngayon. Nakikinita niya ang magiging reaksyon nito kapag nakakita ng sunrise. Minsan na silang nanuod ng sunrise noong umuwi sila sa kanilang probinsya nang pumanaw ang kanyang ama. Doon niya nakita ang pinakamasayang mukha ng kanyang anak.

Nilingon niya ang katabi na nanatiling nakangiti habang pinapanuod ang panutoy na paglabas ng araw. Iba pala ang pakiramdam kapag ang mahal mo sa buhay ang kasama mo sa panunuod ng mga magagandang bagay na nilikha ng Diyos.

Ibinalik niya ang atensyon sa pagsikat ng araw. Hindi pa ito masakit sa mata dahil hindi pa umaabot sa kanila ang sinag nito.

"Salamat nga pala ha?" Usal ni Karylle.

Humarap sa kanya si Vice. "Ako ang dapat magpasalamat sayo"

Kumunot ang noo niya. "Bakit?"

"Kasi ikaw ang kasama ko sa panunuod ng sunrise. Alam mo bang huli kong nakita ang pagsikat ng araw noong second year high school palang ako."

"Di nga? Totoo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Karylle.

"Yes! Nong time na 'yon, si Mama ang kasama ko. Nasa veranda kami ng bahay namin. Masaya akong nanunuod sa sunrise nang bigla kong makita si Papa na umalis sa bahay at iniwan kami. Nagtalo pala sila ni Lolo noon. Simula non, hindi na ako excited nakita ang surise dahil naaalala ko ang pag-iwan samin ni Papa." Blankong kwento nito.

"Im sorry kung naalala mo ulit ang Papa mo ngayon"

"Wala na sakin 'yon. Excited nga ako kanina di ba? Syempre. Ikaw kasama ko eh" Bumalik na ang ngiti nito.

"Ikaw talaga. Puro ka biro. Ibig bang sabihin nyan,napatawad mo na ang Papa mo?"

"Siguro. Hindi na rin naman kasi ako nakakaramdam galit kapag naaalala ko sya" Sagot ni Vice.

"Good for you. 'Wag kang magkimkim ng sama ng loob diyan" Itinuro ni Karylle ang kaliwang bahagi ng dibdib ni Vice. " Dapat puro pagmamahal ang nilalagay mo diyan para lagi kang masaya" Naaabot na sila ng sinag ng araw.

"Lagi naman akong nagmamahal. Over price na nga eh" Biro nito na nakatingin sa kanya.

Pinitik ni Karylle ang noo ni Vice. Naiilang siya sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. "Puro ka biro. Tara na nga, balik na tayo sa tent. Baka dumating na sina Iza at magtaka 'yong mga 'yon kapag madatnang walang tao doon." Iwas niya. Baka kung saan pa mapunta ang usapan nila.

"kumusta na pala ang paso sa braso mo? Patingin nga ako" Kinuha ni Vice ang kamay niya.

"Ok na. Hindi na sya masakit. Ginamot ko kagabi bago ako natulog" Mahinang sabi niya. Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang maramdaman ang pagpisil ng kamay ni Vice na nakahawak sa palad niya.

"Mabuti naman kung ganun. Nag-alala ako sayo kagabi" Sinsero nitong sabi.

"Bakit? I mean, nauunawaan ko kung mag-alala ka. Likas sa magkakaibigan ang ganun. Pero kagabi, daig mo pa ang nanay ko kung pagsabihan mo ako"

"Ganun talaga ako sa lahat ng kaibigan ko no. Ayokong nasasaktan ang mga kaibigan ko lalo ka na. Special ka eh" Kinindatan niya ito saka ngumiti.

Binawi naman ni Karylle ang kanyang kamay upang kuwaring ayusin ang pagkakasabit ng kanyang buhok sa tenga. Pinipigil niya ang kilig na nararamdaman sa sinabi ni Vice.

"Naiihi ka ba?" Tanong ni Vice kay Karylle. Napansin niyang tila may tinitiis ito.

Nagulat pa siya sa tanong ni Vice at inayos ang sarili.

"H-Ha?..ahm, ano..oo..oo,kanina pa nga ako naiihi. Ikaw kasi eh,hinila mo agad ako papunta dito. Tara na nga. Balik na tayo 'don" Palusot niya at nauna nang naglakad pabalik sa kanilang tent upang hindi mapansin ni Vice ang pamumula ng kanyang pisngi. Napakagat na lamang siya sa kuko ng kanyang hinlalaki.

Tahimik namang natatawa si Vice sa reaksyon ni Karylle. Halatang-halata kasi ito kapag nagsasabi ng totoo o hindi. Sinundan niya ang mabilis na paglalakad ng dalaga na hindi umiimik hanggang sa marating na nila ang kanilang mga tent.

Nadatnan nilang naghahanda na ng kanilang almusal ang mga kaibigang nanggaling sa bayan.

"Nandito na pala kayo. Kanina pa ba kayo dumating?" Agad na tanong ni Karylle pagkakita sa mga kaibigan.

"Mga five minutes palang naman. Saan ba kayo nanggaling at wala kaming nadatnang tao dito?" Ani Iza. Palipat lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa. "Naagawan ba kayo ng mga tsinelas?" Dagdag pa nito.

"May nakita lang kaming rainbow banda roon, saka pinanood na rin namin ang pagsikat ng araw" Sagot ni Vice.

"Pano itong baklang 'to. Paglabas na paglabas ko sa tinutulugan natin kinaladkad agad ako. Tinago ang tsinelas ko para raw ma-feel ko ang hamog sa mga damo" Sumbong ni Karylle.

"Hoy ya, nag-enjoy ka naman sa panunuod ng rainbow at sunrise ah" Pagtatanggol ni Vice sa sarili.

"Oh sya, tama na yan. Baka mamaya magkainlove-an pa kayo sa pagtatalo nyo eh" Awat ni Iza. Hinila nito si Karylle palayo kay Vice. "Excuse us, magpapatulong lang ako kay bestie sa paghahanda ng agahan natin" Paalam nito kay Vice.

Nang makalayo na sila kay Vice ay pasimpleng sinundot ni Iza ang tagiliran ng kaibigan.

"Ikaw ha. Kala ko nagtanan na kayo ni Vice" Tukso nito sa kaibigan.

"Ano ka ba. Baka may makarinig baliw ka" Natatawang sagot ni Karylle. "Hindi mangyayari 'yon no"

"Mukhang nagkakamabutihan na kayong dalawa ah. Ano na ba ang status nyo?" Mahinang tanong ni Iza.

"Ano bang pinagsasabi mo. Ganun lang talaga yong tao. Walang ibig sabihin 'yon" Dapensa niya.

"Mamatay man?"

"Wala nga! Ang kulit?" Inirapan niya ang kaibigan.

Napapangiting sinundan na lamang siya ng tingin ni Iza nang iwan niya ito upang tunguhin ang nasa labas na banyo na malapit sa bahay ng may ari ng lupa. Nakasalubong naman niya ang todo ngiting si Kevin.

Hindi ba 'to marunong sumimangot?

"Hi K! Here, this is for you" Iniabot nito ang dalang supot na may lamang kakanin na nabili nito sa palengke.

"Para sakin? Bakit?"

"Nabanggit ni Iza na paborito mo raw ang suman at puto with cheese. Saktong napadaan naman kami sa mga nagtitinda ng mga kakanin kaya binilhan na kita"

"Ako lang? Pano 'yong iba?"

"Dont worry. Syempre,bumili rin kami para sa lahat. That one is for you"

"Thanks! Sweet mo naman" Matamis niya itong nginitian.

"Basta ikaw. May pupuntahan ka?"

"Ah, Yup. Excuse muna ha? Salamat ulit dito"

"Welcome"

Pumunta muna siya sa kanilang tent upang iwan ang binigay ni Kevin saka dumiretso sa banyo.

SA kabilang banda ay kanina pa nag-ngingitngit si Vice dahil nakita na naman niyang masayang mag-uusap sina Karylle at Kevin. Halos ibaon na niya sa lupa ang hawak na kapirasong kahoy na napulot niya kanina sa daan habang naglalakad pabalik sa kanilang tent. Nakaupo siya sa damuhan at sinusundot-sundot ang mga damo.

Bakit kapag ang Kevin na 'yon ang kausap mo, umaabot hanggang tenga ang ngiti mo. Bakit sakin ang tipid-tipid ng ngiti mo! Pagmamaktol ng isip niya.

"Nakakaamoy ako ng masangsang na amoy ng pagsiselos" Mahinang bulong ni Buern sa likuran ni Vice. Bigla na lamang itong sumulpot mula sa kawalan nang hindi niya namamalayan.

Gulat namang napalingon si Vice sa kaibigang nagsalita.

"Hoy anong ginagawa mo dyan? May pagsa-kabute ka ba at bigla ka nalang lumilitaw sa likod ko?"

"Hindi mo ako namalayang dumating kasi nga busy ka sa pagmamasid kina Karylle at Kevin. Kanina pa ako sa likod mo. Pinagmamasdan lang kita" Anito.

"Wag mong sabihing binabantayan mo ako? Ay naku! Sinasabi ko sayo. Ay naku Buern! Ay naku!"

"Anong binabantayan ang sinasabi mo. Nauna na akong bumalik dito dahil wala pang balak magsipagbalikan ang mga bakla kaya iniwan ko na sila sa batis. Nagsi-selfie-selfie pa sila doon eh. Pero mabalik tayo sa ex-wife mo at sa gwapong si Kevin, baka maunahan ka na nyan kay Karylle." Pahayag nito. Mahina lang silang nag-uusap para walang makarinig.

Bumuntong hininga si Vice. "Sa tingin mo, posibleng pahulog ang loob ni K kay Kevin kahit pa sinabi na sakin ni Karylle na kaibigan lang ang turing niya kay Kevin?" Seryosong tanong ni Vice.

"Posible 'yon. Kaya wag kang babagal-bagal dyan. Baka isang umaga,ma-surprise ka nalang na sila na. Naku! Baka magsisi ka na  naman tulad ng dati"

Napaisip si Vice sa sinabi ng kaibigan. Totoo ang sinabi nito. Pinagsisihan niya noon kung bakit hinayaan niyang makaalis at iwan siya ni Karylle sa isla kung saan sila naghoneymoon. Kung pinigilan niya ang dalagang makaalis noon, siguro masaya silang nagsasama ngayon. Hindi man masasabing magiging perpekto ang pagsasama nila, pero sigurado siyang mananatiling buo ang pamilya na sana ay nag-umpisa noon pa. Ngunit hindi nangyari 'yon dahil pareho silang sumuko.

Tama! Hindi dapat siya babagal-bagal ngayon, sayang ang mga oras na lumilipas. Hinarap niya ang kaibigan. Malapad ang ngiting iginawad niya dito.

"Anong ibig sabihin ng ngiti mong 'yan?"

"Wala. Nagpapasalamat lang ako sayo. Matino ka rin pala kausap minsan no?" Biro niya.

"Basta seryoso ang usapan. Ok ako" Sagot nito.

◆○♤○♤•♡●♡●《●◇♡●》●♢●♢○¤•>•《•◇♢◇》》¤•¤•¤○》○》♢•》•》♢•《••¤○《○《●》◇♢◇♡◇◇¤♤○《●》°♡¤○♢○》•○•《○♡●

Tulad ng inaasahan, matapos silang makapag-agahan ay agad na gumawa ng 'Da moves si Viceral. May kanya-kanyang aktibidad na gustong gawin ang kanilang mga kaibigan. Siya naman ay naisipang yayain si Karylle na maglibot-libot sa Barangay na tinigilan nila. Napatagal pa nga bago niya napapayag ang dalaga na sumama sa kanya dahil kay Kevin. Gusto kasi ng lalaki na yayain si Karylle na umakyat sa bukid para matanaw raw nito ang tanawin sa buong Barangay. Buti nalang at naunahan na niya ang binata nang dalhin niya si K kanina sa tuktok ng parang pagkagising nito upang mapanood ang sunrise. Nakita na kasi nito ang buong kapatagan. Naalala naman niya na  naikwento ng caretaker ng malaking bahay na maraming pwedeng pasyalan sa lugar na iyon kaya naisahan na naman niya ang lalaki.

Vice - 2 points
Kevin - 0

Habang naglalakad ay kapansin-pansin naman ang mga pusang gumagala sa lugar na iyon. Bawat bahay na madaanan nila ay hindi maaaring walang pusa. Hindi lang sila ang naglalakad at namamasyal sa lugar na iyon. Marami silang nakakasalubong at nakakusap na pawang mga taga-Maynila rin.

"May napapansin ka ba habang naglalakad tayo?" Biglang tanong niya.

"Oo naman. Marami. Bakit?"

"Tulad ng?"

"Tulad ng mga bulaklak at malulusog na puno na nadadaanan natin. Kung ang lahat siguro ng mga bahay sa Maynila ay tulad ng mga bahay dito na maraming tanim na halaman sa harap ng bahay, ang saya siguro non. Kahit papano mababawasan ang polusyon"

"Iba ka talaga kapag tinatanong no? May kasama pa talagang paliwanag" Natatawang turan ni Vice. "Bukod 'don, ano pa?

"Yong mga nakakasalubong natin na halos mga taga Manila. At Marami pa. Bakit? Ano ba ang napapansin mo?"

"Akala ko ba animal lover ka? Wala kang napapansin?"

"Oo nga. Anong kinalaman non sa nadadaanan natin ngayon?" Sinuyod niya ng tingin ang bawat madaanan. Kung may makikitang hayop. Sakto namang may makakasalubong silang nangangabayo.

Napangiti siya. "Ikaw talaga!" Hinampas pa niya sa braso si Vice. "Ang dami mo pang satsat eh 'yong mga nangangabayo lang pala ang gusto mong sabihin. Bakit gusto mong mangabayo?" Natatawang sabi ni Karylle.

Napakunot-noo si Vice. Dumiretso siya ng tingin at nakita ang papalapit na nangangabayo. Napangiwi siya.

"Hindi yan ang ibig kong sabihin."

"Eh ano?"

"Yong mga pusa. Wala ka bang nakikitang pusa? Eh halos lahat ng bahay na nadadaanan natin may pusa na nakatambay sa harap ng bahay"

"Aahh...napansin ko rin 'yon. Bakit? May problema ka sa kanila?"

"Wala. Nagtataka lang ako" Sagot ni Vice.

Nagpatuloy pa sila sa paglalakad hanggang sa may madaanan silang waiting shed. Malayo-layo na rin ang kanilang nilakad kaya naman naisipan nilang magpahinga na muna. May baon silang sariling tubig kaya hindi na nila kailangang bumili pa ng maiinom.

Habang nagpapahinga ay marami silang nagpag-kwentohan. Nagiging-topic nila ang mga bagay-bagay na napapansin nila sa mga dumadaan. Nang may mapansin si Vice na gumagalaw na bagay sa di kalayuan sa likod ni Karylle. May sinasabi ang dalaga ngunit hindi niya iyon napakinggan dahil naka-focus ang atensyon niya sa nakita.

Tiningnan niyang mabuti kung ano ang gumagalaw na iyon. Bahagya itong natatakpan ng dahon ng ligaw na gabi na sumibol lamang sa tabi ng waiting shed. At nang mapagtanto kung ano ang nakita ay napanganga siya at lumaki ang kanyang mata.

Kanina pa nagkukwento si Karylle tungkol sa nakakatakot na experience niya sa hospital na pinagtatrabahuhan nang mapagtantong hindi na pala nakikinig ang kausap niya. Hindi kasi ito sa kanya nakatingin kahit magkaharap sila. Para bang gulat na gulat pa ito sa kung anong nakikita sa likuran niya. Akmang lilingon siya nang pigilan siya nito.

"Wag kang lilingon K!" Sigaw nito.

"Ha? Bakit?" Naguguluhang tanong ni Karylle.

"Basta,wag kang lilingon. May hindi kanais-nais kang makikita"

"Nanggu-good time ka ba? Ano ba kasi ang nakikita mo?" Aniya na hindi parin lumilingon.

"Hindi no. May milagrong nangyayari sa likuran mo"

"Ha? Anong milagro? 'Pag hindi mo pa sinabi,lilingon na talaga ako" Banta niya saka pumihit patalikod.

Mabilis pa sa ihip ng hangin na lumapit si Vice kay Karylle upang pigilan ito. "WAaaaagggggg!" Tinakpan ng mga kamay ni Vice ang mga mata ni Karylle na ngayon ay nakaharap na sa kanyang nakikita.

"Bakit ba kasi ayaw mong ipakita sa akin? Sasapakin na kita kapag hindi mo pa sinabi!" Naiinis na wika ni Karylle. "Isa!"

"Ahm..kasi....may...may..."

"Ano!?" Pagalit nang tanong ni Karylle.

"May nag-se-sex na pusa sa likod mo!" Mabilis na bitaw niya ng salita.

Pagkarinig sa sinabi ni Vice ay agad na inalis ni Karylle ang pagkakatakip ng mga palad nito sa mata niya. Inirapan muna niya si Vice bago pinunto ng tingin ang mga pusa na tinutukoy nito.

Nakita niya ang isang pusang may pinaghalong kulay puti at orange na nakasampa sa likod ng isa pang pusa na kulay abo. Kinakagat ng lalaking pusa ang bahaging batok ng babaeng pusa upang hindi ito pumiglas.

Matapos pagmasdan ang mga pusa ay sumilay ang ngiti sa labi ni Karylle. Hanggang sa ang ngiting iyon ay napalitan ng nakakalokong halakhak. Natatawa siya hindi dahil sa pusa kundi dahil sa naging reaksyon ni Vice.

"Hoy! para kang baliw sa katatawa dyan. Masaya ka pang nakakita ng pusang nag-se-sex?" Di makapaniwalang tanong ni Vice.

Pinahid muna ni Karylle ang lumuhang mata sa katatawa bago sinagot ang tanong ni Vice.

"Nakakatawa ka kasi..hahahaha....ngayon ka lang ba nakakita ng pusa na naglalabing-labing? Ang OA mo kasing magreak eh..hahahahaha...."

"Nabigla lang ako sa nakita ko no. Tsaka hindi pagiging OA 'yong naging reaksyon ko kanina. Ayoko lang talagang makita mo yong ginagawa ng mga pusa!" Pagtatanggol niya.

"Weeeehhhh??? Palusot pa more. Hello! Walang malisya sa mga hayop ang ginagawa nila. Maliban nalang sayo" Patuloy parin ito sa hindi maawat na pag-ngiti.

"Blah! Blah! Blah!!" Nakasimangot na turan ni Vice. Pinagtatawanan parin kasi siya ni Karylle. Wala na siyang maisip na sasabihin kaya natahimik na lamang siya at masamang tiningnan ang walang pakialam na mga pusa.

Pesteng mga pusang 'to! Pwede namang sa kanilang bahay nalang gawin 'yan. Bakit dyan pa sa gabihan! Pinagtawanan tuloy ako ng panget kong kasama!

♤○■♤○●♡●●♢♢●♢●○♤○♤○¤○¤•♡•♢♢●♢●♢●♧○♢○♤○¤■●♤●○○▪《•♤•●♤《○《○•♢●●♢}◇●¤○¤○♡•《○○♢[○[○》○♢•》○

TULAD ng nakaraang gabi, matapos kumain ng hapunan ang magkakaibigan ay kasalukuyan na silang nakaupo sa mga picnic mat na inilatag nila pabilog. Sa gitna nila ang mga snacks and beer in can na dala nila. Nagsilbing liwanag nila ang sinag na binibigay ng full moon.

Masaya silang nagkukwentuhan at nagtatawanan hanggang sa mapunta ang topic nila sa mga jokes. Unang nag-joke si Matt.

"Ano ang sabi ng kaliwang kili-kili sa kanang kili-kili?"

"Baskil ka?" Hula ni Archie.

"Wrong!" - Matt

"Ang baho mo!" - Aaron

Umiling si Matt. Sunod na sumagot si Buern.

"Lets party-party!"

"Mali rin" - Matt

"Magpaputok ka!" - Bernard

"Hindi rin" - Matt

"Eh ano?" Tanong ng lahat ng bakla maliban kay Vice.

"Eh di MORE POWER TO YOU! Boom!"

"Ang luma ng joke mo" Ani Vice.

"KJ mo naman. Support lang freind" Sagot ni Matt.

"Ikaw, may joke ka ba?" Singit ni Karylle kay Vice.

"Meron"

"Ano?" Tanong ng lahat.

"Saan natutulog ang kuba?" - Vice

"Ha? May ganun bang joke? Diba ang tanong don eh kung paano matulog ang kuba?" Usal ni Karylle.

"Eh iniba ko na ngayon para bago. Pakialamera ka talaga. Basta! saan nga natutulog ang kuba?" Sagot ni Vice.

"Alam ko 'yong sagot sa sinabi ni K. Padapa matulog ang kuba" Sabat ni Kevin.

"You're right men!. Tapos takpan ng planggana" Natatawang sagot Paolo.

Nagtawanan naman ang lahat.

"Kayo talagang magkapatid puro kayoo kalokohan. Nakapikit kaya matulog ang kuba" Ani Iza.

"Tama! Galing talaga ng bhabe ko" Suporta ni Paolo sa nobya.

"Excuse me? Pwede ko pa ba ituloy ang joke ko? Pinatay nyo na eh" Protesta ni Vice.

"Aww sorry. Go!" - Kevin

"Uulitin ko for the third times, saan natutulog ang kuba?"

"Sa kama na may butas!" - Iza

"Sa lubid ng kampana!" - Bernard

"Sa Duyan. Curved 'yon" - Kevin

"Mali ang mga sinabi nyo" Wika ni Vice nang wala nang sumagot.

"Saan!?" Tanong ng lahat.

"Edi sa lababo! Boom panes!"

One..two..three..

"Hahahahaha...nakakatawa 'yon" Halatang peke ang tawa ni Karylle.

Inirapan ni Vice si K. "Pano! Inunahan nyo na ako sa joke ko! Kaloka kayo!"

"Ok 'yon ah! Imaginin nyo nalang na sa paggising nyo sa umaga para maghilamos ay bigla nyo nalang makikitang may nakahigang kuba sa lababo nyo. Nakakatawa kaya 'yon!" Wika ni Archie.

"Isa ka pa!" Binato niya ng cornic ang Kaibigan.

"Sinuportahan na nga kita eh" Natatawang sagot ni Archie.

MADALING araw na ng magpasya silang lahat na matulog na. Isang masayang gabi na naman ang natapos sa kanilang lahat. Hanggang bukas na lamang sila ng hapon sa lugar na iyon dahil kailangan na rin nilang bumalik ng Manila. Sa ngayon, matutulog muna si Karylle na may ngiti sa labi. Sa isang araw na ang uwi ng kanyang ina at anak. Back to normal na ulit ang buhay niya.

Continue Reading

You'll Also Like

40.1K 795 53
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...
127K 2.3K 58
My isang babae ubod ng ganda sa probinsya ng bacolod na ma iinlove sa isang lalaking Mayaman Gwapo Na ang pangalan ay JOSE EZEKIEL 'ruru ' MADRID wha...
204K 6.3K 38
Date Started: June 15 2023 It's all about a playful heart,so if you don't want to cry then let go. -West
50.4K 946 16
Astrid Zain Teixera belongs to the elite society the next CEO of TCons,a perfectionist,strict and workalchololic never been inlove and will try to av...