The Devil's Son

Door Itst4sha

852K 11.6K 3.3K

"I don't care if I will fall in love with a devil .. as long as that devil will love me the way he loves hell... Meer

AUTHOR'S NOTE
CHAPTER ONE
DO NOT PROCEED
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
BASAHIN NIYO :)
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
I : Ang Anim na Kasalanan
II : Ang Anim na Kasalanan
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY-ONE
CHAPTER FORTY-TWO
CHAPTER FORTY-THREE
CHAPTER FORTY-FOUR
CHAPTER FORTY-FIVE
CHAPTER FORTY-SIX
CHAPTER FORTY-SEVEN
CHAPTER FORTY-EIGHT
OLD MESSAGES FROM MY READERS
UPDATE
CHAPTER FORTY-NINE
CHAPTER FIFTY
CHAPTER FIFTY-ONE
CHAPTER FIFTY-TWO
CHAPTER FIFTY-THREE
TO ALL THE TDS FANS/READER

CHAPTER THIRTY-FOUR

11K 160 35
Door Itst4sha

[STHEP’S POV]

Ilang linggo na din ang nakaraan simula nang iwan ni Damon si Kathy. At hindi lang basta literal na pag-iwan ang ginawa nito sa kaibigan ko kundi kinalimutan din nito ang huli na para bang hindi ito nag-exist sa mundo niya.

Simula nang mangyari yon, ni minsan ay hindi ko nakitang ngumiti ang bestfriend ko. Ni hindi ito nagsasalita. Kulang na lang ay hindi ito huminga. Kumbaga, nakakasama ko siya araw-araw pero daig pa niya ang zombie. She’s useless and helpless. Ilang beses ko na din siyang pinagsabihan pero hindi siya nakikinig. At tuwing makikita niya si Damon na dadaan sa harapan niya? Awtomatiko ang kanyang mga mata sa pagluha. Ang weird nang mundo ngayon. Nung una, sinabi ni Kathy sakin na isang demonyo si Damon tapos ngayon naman kung kumilos si Damon ay para bang ibang tao ito. Hindi kaya nasisiraan lang sila pareho nang ulo?

“Sthep ...”

Lumingon ako saka ngumiti. “Oh chum?”

“Late na ba ako?” Tanong niya. Her face was emotionless. Tulala lang siya sa kawalan.

Tumingin ako sa wrist watch ko. Alas siyete pa lang ng umaga. Sakto lang sa pagpasok nang isang estudyante. Dati kasi’y alas sais pa lang nandito na siya sa school. “Late saan?” Nagtataka kong tanong sa kanya.

“Dumaan na ba si Damon?”

Pinigilan ko ang bunganga ko sa pagsasalita. Alam kong may masasabi na naman akong masama tungkol sa lalaking yon at sa kagagahan niya ngayon.

“Oo. Kanina pa.” Pagsisinungaling ko. “Kaya halika na, tumaas na tayo.”

Hindi naman ako nahirapang kumbinsihin siya. Agad naman siyang sumama sakin sa itaas. Inihatid ko siya sa klase niya. Wala pang tao roon pero nagpaiwan siyang mag-isa.

“Chum, ngumiti ka naman. Para sakin ... please?” Pakiusap ko sa kanya.

Hindi naman niya ako binigo dahil unti-unti namang kumurba ang mga labi niya para ngitian ako. Ngumiti din ako kay Kathy bago ko siya tuluyang iniwan.

Kung nahihirapan siya ... mas nahihirapan ako. Hindi kasi ako sanay na makita siyang ganon ka-stagnant. Halos ayaw na niyang kumilos. Halos ayaw na niyang mabuhay. Naiinis ako – sa kanya at sa sarili ko. Naiinis ako sa kanya kasi bakit sa dinami-dami nang lalaking pwede niyang mahalin ... si Damon pa. At naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan kong mahalin nang bestfriend ko ang lalaking tulad niya. 

“Kumusta si Kathy?”

Hindi ko namalayan na may tao pala sa gilid ng hallway. Napaatras pa ako sa gulat.

“Ano namang paki-alam mo sa kaibigan ko?” Mataray kong sagot sa kanya. “Tigilan niyo na siya. Cancer kayo sa buhay niya.”

Pagkasabi ko noon ay lumakad ako palayo kay Erick.


[DAMON’S POV]


“Anak ...



... Damon.”

Isang tinig na tila ba nanggagaling sa ilalim nang lupa ang narinig ko.

“S-sino ka?”

“Anak ... huwag mong hayaang manaig ang kasamaan sa pagkatao mo. Hindi ikaw yan Damon. Hindi ikaw yan.”

“Ano bang sinasabi mo? Hindi kita kilala.” Hinahanap nang mga mata ko ang pinanggagalingan nang boses ngunit hindi ko yon makita.

Nasan ba ko?

“Wag mong hayaang mawala sa’yo si Kathy ... wag.”

“Damon ... Damon!”

Napapitlag ako nang maramdaman ang mahinang pag-ugoy sa katawan ko.

“Nananaginip ka.”

Nasapo ko ang aking noo. Sino ba ang Kathy na yon? Sino ba siya sa buhay ko?

“Siguro’y dapat ko siyang hanapin.” Pero paano? Hindi ko siya kilala.

“Ha?”

“W-wala. Maliligo na ko. I’ll be late for school.”

Nagmamadali akong tumayo ako para maligo. Naiwan si Julia na nakaupo sa kama.

Sino si Kathy? Isa ba siya sa mga babaeng lumapit at bumati sa akin noong isang araw? Sino siya? Hindi ko maalala ang mukha niya. Hindi ko maalala na nagkakilala kami. Pero kung sino man siya o kung ano man ang papel niya sa buhay ko, kailangan ko siyang makita at makausap.

“Papasok ka na?” Tanong ni Julia sakin.

Tumango lang ako.

“D-Damon?”

“Hmmm?”

“Bakit ang cold mo sakin? May nagawa ba akong hindi mo gusto?”

“Wala ... wala naman.”

“Bakit ganyan ka?”

Hindi ako sumagot.

“Damon ...”

“Ano ba? Sinabi nang wala eh!”

Kitang-kita ko ang pagkagulat ni Julia sa inasal kong yon. Hindi ko din alam. Parang nawalan ako bigla nang pasensiya sa kanya.

“S-sorry. Pasok na ko.” Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa noo. “Bye.”

There’s something in me that I need to find out.
At wala akong sinumang pwedeng pagkatiwalaan ng tungkol dito maliban sa sarili ko.

Habang nagda-drive ako ay bigla na lamang may kung anong bagay ang paulit-ulit na gumugulo sa isip ko.

“I don’t care if I will fall in love with a devil ... as long as that devil will love me the way he loves hell.”

“I don’t care if I will fall in love with a devil ... as long as that devil will love me the way he loves hell.”

“I don’t care if I will fall in love with a devil ... as long as that devil will love me the way he loves hell.”

“I don’t care if I will fall in love with a devil ... as long as that devil will love me the way he loves hell.”

“I don’t care if I will fall in love with a devil ... as long as that devil will love me the way he loves hell.”

Paulit-ulit iyon.

Madaming beses.

Hindi ko alam kung sino ang nagsabi noon o kung saang parte nang utak ko nanggagaling iyon. Ipinilig ko ang ulo ko sabay hampas sa manibela.

“ANO BA! TIGILAN MO NA KO!!!”

Pinaharurot ko ang kotse. Gusto kong makarating agad sa school. Hindi ko palalagpasin ang araw na ito nang hindi siya nakikilala.

“Kathy ... sino ka ba?”



[KATHY’S POV]

Natapos na ang klase ... tulala akong lumabas nang classroom. Iyon na yata ang magiging routine ko araw-araw. Gumising. Pumasok. Umuwi. Matulog. Unti-unti ko ng inaalis si Damon sa sistema ko. Hindi dahil sumusuko na ako kundi dahil hirap na hirap na ako. Hindi ko na kaya.

“I-Ikaw ba si Kathy?”

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses na iyon. Hindi ako nagkakamali. Hindi ako pwedeng mag-kamali.

“D-Damon?” Dahan-dahan akong lumingon.

Mangiyak-ngiyak ako habang pinagmamasdan ko siya. Naaalala na kaya niya ako?

“Ikaw ba siya?” Muli niyang tanong sakin.

“A-anong kailangan mo sakin?” Nagkakandautal kong tanong sa pagitan ng paghikbi ko.

“Pwede ba kitang makausap?”

Awtomatikong tumulo ang mga luha ko. Hindi ko na iyon naitago pa sa kanya. Iniisip ko pa lang na siya si Damon, yung lalaking nangako na sasamahan ako hanggang sa huli at hindi ako iiwan, ay sobra-sobrang sakit na kaagad ang nararamdaman ko. Nagpapanggap man siya o totoo na nakalimutan niya ako, parehong masakit para sakin. Sana’y pinatay na lamang nila ako.

“Kathy?”

Ipinikit ko ang mga mata ko saka ako huminga ng malalim. “Pasensiya ka na.”

Iniabot niya ang isang panyo sa akin. “I need to ask you things. And I need an honest answer.”

“S-saan tayo mag-uusap?

Kinuha niya ang mga librong hawak ko. “Sa kotse ko.”

Habang naglalakad kami patungo sa pinaparadahan ng sasakyan niya ay palihim ko siyang ninanakawan ng tingin. Oh, God knows how much I miss him.

“D-Damon?”

“Hmmm?”

“Hindi mo ba ... hindi mo ba talaga ako natatandaan?”

Huminto siya saka siya humarap sa akin.

“I really don’t remember you. Hindi ko alam kung bakit mo ako kilala. O kung bakit kilala ako ng mga tao sa paligid ko.”

“I’m sorry … sorry kung kinulit kita noong nakaraang nagkita tayo.”

“It’s fine. Do you mind?” Saka niya ako pinagpatuloy sa paglalakad.

Marahan naman akong tumango habang nakangiti sa kanya.

Nang makarating kami sa sa kanyang sasakyan ay agad naman niya akong pinagbuksan ng pintuan at pinapasok sa loob. Naupo siya sa driver seat at humarap sa akin.

“Matagal na ba tayong magkakilala?” Panimula niyang tanong sa akin.

“H-ha?”

He bit his lower lip before he looked away. “I just don’t understand what’s happening. I don’t know what happened to me. Hindi ko alam kung bakit napapanaginipan kita. Kung bakit palagi kang nasa isip ko.”

“D-Damon …”

“Now, you have to tell me the truth … who am I?”

Hindi ko na na-kontrol pa ang emosyon na naipon sa dibdib ko. Yung ilang araw kong pangungulila sa kanya. Yung mga araw na hindi ko siya nakita, nayakap … nakausap. Walang anu-ano’y niyakap ko si Damon. Mahigpit na mahigpit. Wala akong pakialam kung itulak niya ako palayo.

“Sana’y maalala na nang puso mo kung sino talaga ako. At kung sino ka talaga. Nakakalungkot lumaban mag-isa Damon.”

Lalo akong naiyak nang maramdaman kong unti-unti siyang yumakap sakin.

“Ako si Kathy Bernardo, Damon. Ako yung babaeng mahal na mahal mo.”



“KATHY!”

Itinulak ako bigla ni Damon palayo nang bulabugin kami ng sunud-sunod na katok mula sa labas. Inaninag ko kung sino ang gumawa noon. At laking-gulat ko nang makita ko si Sthep at si Erick na nakatayo sa gilid ng sasakyan ni Damon.

Isang sampal ang bumungad kay Damon mula kay Sthep nang bumaba ito ng sasakyan. Dali-dali akong lumabas upang pigilan siya sa maari niya pang magawa dito.

“Sthep!”

Tumayo ako sa pagitan nilang dalawa.

“Ang kapal din naman nang mukha mo, ano! Ang kapal nang mukha mo!” Galit na galit niyang sabi.

“Tama na!” Sigaw ko sa kanya.

“Tama na? Ikaw ang tama na!” Sabay duro niya sa akin. “Ilang beses mo pa bang gustong masaktan? Ha? Kathy? Ilang beses pa?!”

Sasagot pa sana ako kaso biglang nagsalita si Damon habang sapo pa rin ang pisngi niyang nasampal ni Sthep. “Hindi ko alam kung anong kasalanan ko sa’yo o kay Kathy. Kaya please lang ... wag mo akong akusahan sa kasalanan na kayo lang ang nakakaalam.”

“Umuwi ka na.” Sabat naman ni Erick.

Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang tatlo. Anong nangyayari?

“Napakagaling mo talagang manggago ng tao! Pero hindi mo ako maloloko, Damon. Wag ako!” Nanlalaki ang mga mata ni Sthep habang sinasabi iyon.

“Please Chum, tama na.” Pakiusap ko sa kanya.

Hinawakan ni Sthep ang kamay ko. “Halika na!”

Hinila niya ako palayo.

Wala akong nagawa kundi ang sumama sa kanya.

Simple lang ang salitang iniwan ko kay Damon. Simple, pero sana maramdaman niya iyon. Sana maalala niya ako. Sana’y hindi ako mapagod na ipaalala iyon sa kanya.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

174K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...