Dawning Dazed

De itoysakim

543 47 2

Ellea Felicity Mirañus was raised by loving parents in a family where God is at the center and generous in gi... Mais

Prologue
Dawning Dazed #1
Dawning Dazed #2
Dawning Dazed #3
Dawning Dazed #4
Dawning Daze #6
Dawning Daze #7
Dawning Daze #8

Dawning Daze #5

42 5 1
De itoysakim

Present

Naalimpungatan ako nang maramdaman ang panlalamig. Wala sa sariling nilingon ko ang orasan sa gilid. It's already seven o'clock in the morning.

Pumikit pa ako para makatulog ulit pero agad ding dumilat dahil kahit anong subok ay hindi ko na maramdaman ang antok. Nilibot ko ang paningin sa kwarto bago napagdesisyong tumayo na upang maghilamos.

Habang naglalakad ay napahikab pa ako. Bumungad sakin ang magulong buhok sa salamin. My expressive eyes look tired, and dark circles are visible. Mga mata na minana ko kay Mom. I smiled for my expression changed.

Matapos makapagsipilyo at makuntento sa ayos ay agad na akong lumabas. Nabaling ako sa pintong kaharap kung nasaan ang kwarto namin ni Vince. Alam kong hindi pa siya gising ng ganitong oras kaya naisipan kong gawin ang palaging ginagawa.

Bukas ang pinto at unang bumungad sakin ang malamig na kwarto. Hindi mo iisiping may tao kung hindi dahil sa aircon. Hininaan ko ang temperatura bago nilingon ang kama. Nakabalot siya ng kumot at nakatalikod sa gawi ko. Lumapit na ako sa closet para i-ready ang susuotin niya. Usually, Vince leaves before 9 am. That's why, every morning, before preparing our breakfast, I get his clothes ready.

Pumunta ako sa track ng mga suit niya. I chose his dark navy blue suit. His necktie also had blue with white stripes. When satisfied, I decided to leave but stopped when I noticed his hand hanging.

Lumapit ako para itaas ito. Kinabahan ako nang gumalaw siya pero nakahinga rin nang hindi naman nagising. After being married to him for 2 years, I've noticed how much of a heavy sleeper he is.

He looked peaceful with his dark, brooding eyebrows accentuating his deep eyes, along with his well-lined nose and lips. I noticed a faint crease in his forehead. Using two fingers, I gently separated it, easing away the hint of a frown.

Planted a kiss to his forehead...

Is what I wish to do, but I'm afraid waking him up. Habang tinitigan siya ay mas ginugusto kong gawin ang naiisip. Hindi ko na magagawa ito nang gising siya.

Sorry po. Ngayon ko lang po ito gagawin.

Pinigilan ko ang bigat at marahang dinampian siya ng halik sa kanyang noo. Agad rin akong tumayo sa takot na tuluyang magising siya at walang ingay na lumabas. Pakiramdam ko ay namula ako sa hiya. 'Asawa ko naman po siya' Pagtatalo ko pa sa sarili. Napahinga na lamang ako ng malalim bago tumuloy sa kusina.

I decided to cook bacons and fried eggs as our meal. Nagpainit na rin ako ng tubig para maipagtimpla ng kape si Vince.

I was cooking fried rice when I heard his footsteps. Mabilis kong pinatay ang stove para makuha na ang kanin. Saktong pagkalapag ko nito ay ang pagpasok niya.

Looking handsome to his navy blue suit, here he is.

My husband.

"Good morning, Vince!" I greeted with a cheerful tone, catching a whiff of his manly cologne as he approached. Resisting the urge to take in his scent, I pulled out a chair for him. Bago umupo ay nakita ko pa ang pagtitig niya sa pagkaing nasa lamesa. 

"Morning."

It may sounds stiff but it made me smile. Mabilis kong tinabi ang kapeng tinimpla ko para sa kanya. Natigilan siya sa ginawa ko. Black coffee, no cream but half spoon of sugar. Hinintay ko reaksyon niya nang humigop siya pero walang salitang binaba lang niya ito.

Umaasa ka ba, Ellea, na purihin niya ang timpla mo? Sinikap kong hindi mag-react at mas pinili na lang asikasuhin siya.

"Vince..." Pagtawag ko na siyang kinalingon niya pero bumaba rin ang paningin sa pinggan niya. "Uhm, Kahapon pala ay pumunta rito si Nana Slina para mangamusta at pinapatanong niya kung kailan daw pwede ka niyang makausap." Inabutan ko siya ng spoon bago maupo sa kaharap niyang upuan.

"Thank you for the meal." Mahinang bulong ko bago agad siyang pinaglagyan ng fried rice. Nang matapos ay hinayaan ko na siyang kumuha ng ulam.

Nakita ko ang pagkuha niya sa bacon na nagpangiti sa akin bago ulit magpatuloy sa sinasabi ko. "When are you free? Ako nalang magsasabi kay Nana."

Pinagmasdan ko ang pagnguya niya bago ako kumuha ng sariling pagkain para makaiwas sa nararamdaman. This is just breakfast, but it's already made my day.  Kasabay ko siya ngayon na bilang lang kung mangyari.

"I don't know." Humigop ito sa kape bago tumingin sa akin. "I'll ask Cleen first for my schedule or give me her number, I'll try to call Nana."

"Oh..." Tatango-tango na lamang ako at naisip na busy siya. "Sige, sabihan ko nalang si Nana." Tungkol saan rin kaya't bakit gusto makausap ni Nana si Vince?

"I'll go ahead."

Napatigil ako sa kinakain bago bumaba ang tingin sa pinggan niya. It looks like he only took three spoonfuls. Hindi ko maiwasang mapangiti ng mapait ganoon pa man ay tumayo na rin ako at agad kinuha ang lunch bag na hinanda ko.

Sumunod ako sa sala kung saan kinuha niya ang suitcase niya. Hinabol ko siya hanggang paglabas ng pinto at agad tinawag dahil dire-diretso lang ito patungo sa kotse.

"Wait, Vince!" Mabilis kong nilahad sa kanya ang baon. "Please, take this. Pinagbaon kita para sa lunch mo."

Bumaba ang tingin niya sa hawak ko bago napabuntong-hininga. "You are not obliged to make an effort for me."

For me?

Ramdam ko ang pagnginig ng labi ko pero hindi inaalis ang ngiti.  "Kusa kong ginawa ito para sa'yo. Just think it as a thank you meal." Please, get it.

Naiiling man ay kinuha niya na ito. Pinatunog niya ang kotse at walang salitang pumasok para makaalis na.

That's our usual days. Gigising siya para pumasok. May improvement ngayon dahil nagkasabay kaming kumain. Hindi man niya diretsyang sinabi pero nauunawaan ko ang gusto niyang ipahiwatig kanina.

How can you say I'm not obliged to make an effort, when I'm already willing to do it for you in the first place?

"Dito ko lang nailagay iyon, ah."

Napatigil na ako sa paglalakad para hanapin ang I.D ko. Male-late ako nito kapag umuwi pa ako. Kailangan ko pa naman iyon para makapasok sa trabaho. Hindi ko naman inaalis sa bag ko 'yon, saan ko ba nailagay? Wala sa sariling binuklat ko na ang bag ko para halughugin kung nasaan.

"What the-"

Hindi ko napansing may paparating kaya ang bitbit na bag ay nalaglag, siyang dahilan para kumalat ang mga laman nito.

"Omy, God, I'm sorry po." Mabilis akong umupo para pulutin ang mga gamit kong nagkalat.

Agad kong sinakop ang mga ito at hindi mapigilang makaramdam ng hiya sa nangyari.

"Ellea Felicity?"

Nalingon ko ang nagsalita at natigilan sa kaharap. Wearing a white polo and having messy brown hair, he looks like Edward Cullen of Twilight, with pale skin and...
yellow-colored eyes?

Tinapos ko ang pagliligpit bago tuluyang harapin ito. "Sorry? Do I know you?" Kunot-noong tanong ko dahil binanggit niya ang pangalan ko.

May tinaas siya sa kanang kamay niya at napatango na lamang ako. "Oh, yes."

"You are working in 'Green Bowl'" Pagbasa pa niya sa pangalan ng pinagtatrabahuan ko. Tumango naman ako bilang kumpirmasyon. "Could you show me the way there?"

Inabot niya ang I. D. ko na kanina ko pa hinahanap. Inabot ko agad ito at nagpasalamat.

"Yes, it's just over there." Turo ko pa kung saan doon naman ang punta ko. Kailangan lang namin tumawid para marating iyon.

"Salamat."

Nagulat man ay nag-umpisa na kaming maglakad papunta sa tawarin. "Marunong ka pala pong magtagalog." Napatigil ako sa sinabi ko. "Omg, I'm just amazed that you can speak Filipino."

Natawa naman siya sa reaksyon ko. " It's okay. Marami ring nagsasabi sa akin ng ganyan."

"You really look like a foreigner– A pure." He is! Hawig niya pa si Edward Cullen!

Sa unang tingin, mapagkakamalan mo siyang pure foreigner. His manly features define his face. His height also suits him. Papasa rin siyang modelo kung sakaling pagbabasehan mo ang magandang tindig nito.

"That's because my father is British-American and my mother is Spanish-American."

"Wow, paano ka natutong magtagalog?" Kuryoso kong tanong.

"My Nanay Rosa is a Filipina. Siya ang nag-alaaga sa akin mula pagkabata kaya natuto akong mag-tagalog."

Hindi ko mapigilang matuwa at mamangha sa narinig. Ang ganitong pagtanggap ng mga ibang kultura at bansa sa mga kababayan nating OFW ay isang palatandaan na dapat pinapahalagaan natin ang mga OFW's natin. Sila ang nagiging dahilan kung bakit maraming bansa ang bilib at hinahangaan ang bansa natin. They are our pride.

I walked with him to the entrance. Sarado pa ang store kaya binalingan ko siya. Minuto na lang rin naman kaya siguro hindi naman siya maiinip.

"Sir, upo ka muna rito. Magbubukas na rin naman po kami." Napababa ang tingin ko sa relo. "Ilang minuto na lang po ang bibilangin." Nilibot ko ang paningin sa mga lamesa sa labas at mukhang nalinisan naman na rin ito kaya magiging kumportable siya rito.

"Thank you, Felicity." Binalingan ko ulit siya at napaisip kung bakit ganito kaaga siya nandito ngunit sinawalang bahala na lang iyon dahil naalala kong late na ako.

"Sir, mauuna na po ako." Pagpapaalam ko. Nakita ko namang may kinuha siya sa wallet niya na... pera?

"Here take this as–"

Agad akong napailing sa narinig. Kita ko naman ang ang pagkunot ng noo niya sa naging reaksiyon ko.

"Why? Is it not enough?" Aambang kukuha pa siya pero mabilis akong nagsalita.

"Sir, a thank you is enough." Tinulak ko pabalik sa kanya ang inaabot na pera. "Why did you think of paying me?"

Mukha ba akong pera?

"That's a payment for helping me."

"Ha? What do you mean?" Gulat kong sabi.

"It's my first time in the Philippines. There's a girl help me earlier and said that I need to pay her for helping me, so I thought you are."

Nawala naman ang pagtataka ko sa narinig. Napahinga na lamang ako ng malalim. Kung anong pride ng bansa sa mga OFW, ito naman ang nakakahiya sa mga taga-sa'tin. They abuse other foreigners for the sake of their greediness.

"That's not me." Gusto kong tanungin sino iyon pero alam kong wala rin akong magagawa. Napabuntong-hininga na lamang ako bago muling sumagot. "Please keep your money. Not all people are like that. I'm helping you because I care, not because I need something from you."

Nakita ko naman ang pagtango nito bago tinago ang pitaka niya. Kung pwede ko lang pagsabihan lahat ng tao. Hay, nag-alaala tuloy ako na baka pag-iniwan ko siya ay may gumawa ulit ng ganun sa kanya.

"Sir, you may seat first." Tinuro ko ang malapit na upuan sa amin. "Papasok na po ako dahil late na ako. Please, don't talk to strangers. Baka magaya ka na naman doon sa babaeng nanghingi sayo."

"Sure, nandito na rin naman 'yong kaibigan ko." He said with a smile.

"Are you sure? Puwede naman bumalik ako–"

"No, no, don't mind me. Dito lang ako." Bumaba ang tingin nito sa cellphone na hawak, "She is here. Sige na, iwan mo na ako."

Nag-alala man ay tumango na lang ako. "If you need anything just go inside."

Natatawang nag-angat ito ng tingin pero tumango rin. "Thank you again and nice meeting you, Felicity. Good luck on your work!" with okay sign.

"Welcome and thank you, Sir." Gumaan naman ang loob ko sa ngiti niya. Yumuko pa ako bago tuluyang naglakad papunta sa likuran kung saan pumapasok ang mga staff.

Pinakita ko agad ang I.D. sa guard na siyang nagbabantay. Ilang minuto rin ang tinagal ko sa pila dahil sa daming pumapasok na ibang empleyado. Habang naglalakad papasok ay iniisip ko kung tama bang iniwan ko siya sa labas.

"Morning, Ellea!"

"Rizhelle," Agap kong bati pagkapasok. "Good morning, too." Nilapag ko ang dalang gamit sa sariling locker. Nilabas ko rin ang susuotin para makapag-umpisa ng magbihis.

"Si Chef Nedrian nakilala ko na." Nabaling ang atensyon ko kay Rizhelle nang magsalita ito.

"Chef Nedrian?"

"Yung new chef na sinasabi ni Ma'am Chane noong nakaraan." Naalala ko nga may sinabi si Ma'am Chane ang supervisor namin tungkol doon.

"Ah, oo nga pala may nasabi si Ma'am noon." Pinagpatuloy ko ang pagbibihis habang nakikinig sa kanya. "Ngayon na ba dumating?"

"Oo, at alam mo ba..." Natigilan ako sa ginagawa para tignan siya. "Ang bata pa! Ang pogiii, Ellea!"

Nailing na lang ako at natawa sa sinabi niya. She and her obssessity in "Pogi"

"Bakit mo ako tinatawanan?! Ang pogi kaya! Kung hindi ko lang alam na chef natin siya ay iisipin kong siya ang may-ari nitong restaurant."

Woah, grabe nga ang pogi nito para maging ganito si Rai. Sinara ko muna ang locker bago siya tuluyang harapin. "Rai, lahat naman ata sa'yo ay pogi. Hindi na dapat ako magtaka."

Pabiro lang ako nitong inismidan bago naunang lumabas. "Iba ito. Makikita mo rin ang sinasabi ko."

Natawa na lang ako sa sinabi niya bago sumunod. Naabutan ko ang iba naming kasama at nagbatian pa bago tuluyang humilera para makinig sa nasa unahang si Ma'am Chane.

"Naalala niyo ba nang nakaraan sinabi ko ay aalis na sa arin si Chef Rob?" Lahat ay sumagot dahil nasabi nga ito ni Ma'am nang huli naming meeting. "The decision to hire a new Head Chef was influenced by the retirement of our previous chef, who opted to explore opportunities abroad."

Lahat ay nalungkot sa pag-alis ng dating chef. Kahit ako ay napalapit na rin sa kanya pero naiintindihan din namin kung bakit mas pinili niyang magtrabaho sa ibang bansa. He gained a new opportunity and it's his chance for new experiences.

"Before we commence our day, I previously mentioned that we would have a new Chef. Allow me to introduce everyone to Chef Nedrian Rillo, our new Head Chef."

Lahat ay nagpalapakan. Sinundan namin ang tinitignan ni Ma'am Chane na papalabas sa kusina. Natigilan ako nang makilala ang tinutukoy na bagong head chef. Sinagi pa ako ni Rizhelle.

"I told you, pogi siya!" Mahina man ang pagkakasabi niya pero hindi nakatakas sa'kin ang impit niyang kilig.

Narinig ko rin ang iba't ibang bulungan ng mga kasamahan namin. Ako naman ay hindi makapagsalita dahil siya 'yung lalaki sa labas. Siya ang magiging new head chef namin?! Omyghad, nakakahiya naman.

Sana hindi niya po ako mamukhaan.

∆∆∆∆∆

A/n: Sorry late update, being college is hectic. Nag-aadjust pa rin ako, huhuhu. Anyway, this is it! Sana nagustuhan niyo 🤗

Don't hesitate to:

Vote.Comment & Follow me

Ciao! ʕ⁠っ⁠•⁠ᴥ⁠•⁠ʔ⁠っ

Continue lendo

Você também vai gostar

2M 110K 96
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
3.6M 287K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
1.4M 34.3K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...