Love at its Greatest (Love Se...

By FGirlWriter

503K 17.6K 2.7K

Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig na kinakalimutan na ng mundo? Written ©️ 2020 More

Le Début
Prologue: When is love the greatest?
Chapter 1: City of Love
Chapter 2: Changing Love
Chapter 3: Unacknowledged Love
Chapter 4: Persistent Love
Chapter 5: To be Loved, Love
Chapter 6: Returning Love
Chapter 7: Bruised Love
Chapter 8: Benevolent Love
Chapter 9: Tainted Love
Chapter 10: Beautiful Love
Chapter 11: Love and Intrigues
Chapter 12: Love and Secrets
Chapter 13: Love and Lies
Chapter 14: Love and Reputation
Chapter 15: Love and Revelations
Chapter 16: Love and Home
Chapter 17: Love and Doubts
Chapter 18: Love and Exposition
Chapter 19: Love and Chances
Chapter 20: Love and Strength
Chapter 22: My Love Trusts in You
Chapter 23: Your Love Chose Me
Chapter 24: My Love Begins With You
Chapter 25: Your Love Never Fails
Epilogue: Love at its Greatest

Chapter 21: Your Love Restores Me

13.1K 657 193
By FGirlWriter

PART FOUR

En Amour, On Pardonne

"In love, we forgive."

♥♥♥

Chapter 21: Your Love Restores Me

Year 2016.

TERRENCE and Minnah officially broke up.

Matagal na rin naman nilang tinapos ang relasyon. They still communicate with each other if they were not too busy. Ngunit, madalang nga lang ang mga pagkakataong ganoon.

At ngayong araw, nagdesisyon silang magkita at makapag-usap ng mas maayos.

He straightened his back when he saw Minnah entering the cafe they decided to meet at.

Ngumiti ito pagkakita sa kanya. "Terrence."

His heart hurt a little bit at her sight. Terrence felt disappointed with himself because he was not able to keep some of his promises to her.

Tumayo siya at pinaghila ito ng upuan.

"I'll get you some coffee and snacks," aniya rito.

Umupo ito sa upuang hinila niya, tiningala siya nito. "Libre mo, pastor engineer?" pabirong sabi nito.

Ngumisi siya at tumango.

Minnah is a sucker for burgers and anything that is made of potatoes. So, he ordered some fries and mojos, a cheeseburger, and a vanilla iced-latte.

Pagbalik niya sa lamesa nila ay dala niya na ang in-order para dito.

"Wow! Ang dami! Last supper na ba?" nakatawang sabi nito.

He chuckled and gave her the food he ordered. "Eat well. Nangayayat ka, eh. Masyado ka sigurong subsob sa trabaho."

"Nagsalita ang busy masyado!" anito at kumugat sa fries. "Mmm!"

Bumalik si Terrence sa sariling upuan at humigop ng in-order niyang capuccino kanina. Minnah's happily dipping her fries and mojos in catsup and mayonnaise. Masayang sinubo nito iyon nang magkasabay, at napapikit pa dahil siguro sa sarap.

Napangiti siya habang tahimik na pinapanood ito. Minnah's easy to please. She has simple joys that Terrence hoped no one would take away from her.

"How's life?" he gently asked her.

"Malapit na 'kong umalis papunta sa States," anito. "Tatlong linggo na lang. May kaunti pang inaasikaso sa working visa ko. Pero handa naman na ang mga gamit ko. Pati ang tutuluyan ko doon at ang naghihintay sa'king trabaho. Excited na 'ko sa snow!"

Mas napalawak ang ngiti niya. "You really want to work abroad. Iyon ang pangarap mo noon pa."

Tumango ito. Nagningning ang mga mata. "Napakagandang opportunity nga nito, Terrence. Sa isang accounting firm agad ako nakuha. Medyo mas mababa ang posisyon pero puwede naman akong magsikap para sa promotion. Makakapag-ipon ako ng sapat para mapagawa na namin ang bahay namin sa probinsya at saka para hindi na kailangan magtrabaho ni Tatay at Nanay."

Minnah's a certified public accountant. Madami itong pangarap sa buhay at para sa pamilya. Alam nito kung paano makakamit iyon. Aside from the fact that Minnah always trust the Lord and seeks God's will in her life, she has this undying determination and diligence in everything she does.

Kahit hiwalay na sila, hinding hindi mawawala ang paghanga at respeto niya dito bilang tao.

"Ikaw? Kumusta ka na?" tanong nito.

"May bagong construction projects ang Sagittarius ngayon. Nabanggit ko na rin yatang kaga-graduate ko lang din sa masteral degree ko in business, kaya may ilang office works na rin akong ginagawa."

Minnah clapped her hands. "Nakaka-proud ka talaga, Terrence! Isang araw malalaman ko na lang na 'yung kompanya niyo na ang leading construction firm sa bansa dahil ikaw ang engineer, ikaw pa ang CEO!"

"Parang matagal na matagal pa iyan kung sakali."

"Pero mangyayari!" Minnah enthusiastically said. "Naniniwala ako sa'yo. Malayo at mataas ang mararating mo, Terrence."

He smiled at her. "I believe the same to you, Minnah."

Gumanti ito ng ngiti at tumuwid ng upo. "Pasensya na, ha? H-hindi na kita masasamahan sa tutuparin mo pang mga pangarap."

Nakakaintinding tumango siya. "I should be the one to say sorry. Nawalan na 'ko ng oras sa'yo..."

Umiling ito. "Ako din naman. Mas iba lang talaga ang priorities natin. At aminado naman tayong dalawa na hindi natin kayang unahin ang pakikipag-relasyon ngayon."

Inabot nito ang kamay niya na nasa ibabaw ng lamesa. "Wala din ako palagi sa tabi mo. Iyon din ang kulang ko at hindi maibibigay dahil may mga pangarap din akong kailangan kong tuparin. Pero, alam mo, Terrence? Sobrang cool at selfless mong boyfriend. Kasi kahit kailan hindi mo 'ko pinigilang mangarap. Kahit kailan hindi ako nakarinig ng sumbat sa'yo kapag mas inuuna kong itayo ang mga pangarap ko kaysa magbigay ng oras sa relasyon natin. Mas lumakas ang loob ko kasi lagi kang nakasuporta sa'kin."

He held her hand back. "Promise me, you'll take care abroad."

"Oo naman! God will take care of me. Pinagdadasal ko din na sana makapag-serve ako doon. I also want to share Jesus to my future workmates. Dapat kasama pa rin ang Diyos sa mga pangarap!"

Tumango siya. Ito pa ang mas hinahangaan niya kay Minnah, her fervent compassion and mission to make Jesus known to those who needs Him.

"Thank you, Minnah, for the two years you chose to be with me. You are one of the reasons why I believe it's still good to try and love again, no matter the pain and heartbreaks."

"Salamat din sa'yo, Terrence. Kasi natupad ang prayer ko na magka-boyfriend ng pogi at Christian. Bonus na engineer ka at may brown eyes pa!"

Nagkatawanan sila.

Tumingin ito ng diretso sa mga mata niya. "Grabe, akala ko naman ma-drama 'yung mga ganitong closure. Naghanda pa 'ko ng isang rolyo ng tissue!"

"I have peace within me," he honestly said. "How about you?"

Tumango ito. "Ako din. Masakit no'ng una nating napagkasunduan na maghiwalay na, siyempre. Pero unti-unti, sa mga quiet times ko, may pina-realize sa'kin ni Lord sa relasyon natin.

"Our love... was beautiful together because we chose to honor Him and respect one another. It was beautiful because it was pure, fun, and very selfless. Masaya ako kasi posible pala na 'yung ideal relationships nagkakatotoo basta kasama si God.

"Terrence, 'yung klase ng love natin, eh, 'yung kahit hindi tayo sa huli, masayang balikan pero hindi masakit. Puwedeng maging magkaibigan ulit."

He can only agree.

She chuckled as she remembered something funny. "Nakakatawa kasi ang pinag-aawayan lang natin ay mahilig ako kumain sa fast food at masyado akong malakas kumain ng patatas."

She's silly but truly adorable.

He chuckled and raised her hand. He kissed the back of it. "I hope and pray you'll find your true love, Minnah. 'Yung hihigitan, lalagpasan kung anong naging mayroon tayo. Never settle for less."

Napangiti ito, matamis at masaya. "Lagi ko ring ipagdadasal kay Lord na makita mo na ang babaeng hindi ka na palalayain at sasayangin. Ipagdadasal kong makahanap ka ng babaeng ipaglalaban ka din. 'Yung pipiliing mag-serve kay Lord na kasama ka."

Unti-unti ay binawi ni Minnah ang kamay nito. "Terrence, kapag nahanap mo na ang true love mo, ipakilala mo sa'kin, ha?"

"I want to meet yours, too."

Tumango-tango ito. "Akala ko talaga mag-iiyakan tayo. Hanggang break-up, ang tino nating dalawa? Hay, thank You, Lord! Sana lahat."

Terrence smiled and gawked at this beautiful love he chose to let go.

God taught her through Minnah how to love a woman right. That physical intimacy could be set aside, if you really value someone the way God values them.

After Minnah finished her food, she said goodbye.

Habang pinapanood niya ang papapalayong pigura nito, huminga siya nang malalim. Hindi na ulit lumingon si Minnah sa kanya.

That's also the last time he saw her and heard from her. Madalas ay sa mga common friends na lang niya nababalitaan kung ano na ang buhay nito. Terrence was contented.

One day God will make him see why it never lasted with Minnah. Kahit tila napaka-compatible nila, mas magaling at mahiwaga ang mga plano ng Diyos para sa puso niya.

Because of work and other major responsibilities, Terrence took a little detour in his faith, again. Para siyang nag-lie-low. Nawalan na naman siya ng oras para mag-devotion. His prayers were too general and short. He still goes to church, but not serving.

Terrence was a lukewarm Christian when he met Rachelle, a year later.

"Good morning, Sir," magalang na bati nito sa kanya. "Mr. Arguelles is still on a meeting right now. Makakapaghintay po ba kayo?"

Rachelle was Ninong Johnny's new secretary. Simple lang ito, maamo ang mukha, at mabait ang mga ngiti. Parang si Minnah, hindi lang makuwela. But she knows how to appreciate a good joke and enjoys simple moments. Rachelle was prim and very feminine. Laging magalang at mabait. Her faith was also a point why Terrence got easily attracted to her.

Minsan napapatanong na rin si Terrence sa sarili niya kung bakit mabilis siyang umibig. At kapag nagkagusto na siya, he'll be too devoted.

Dahil naka-adjust na sa demand ng trabaho, marunong na siya bumalanse ng oras kaya naligawan niya si Rachelle.

Terrence was courting her for a year. Wala namang problema sa kanyang maghintay, dahil kahintay-hintay naman si Rachelle. Nararamdaman niyang malapit na siya nitong sagutin...

However, Eunice—Ninong Johnny's niece, the only Arguelles' spoiled princess, entered the scene.

And no matter how much he tried to hide that he got attracted to her at first sight (upang respeto na rin sa kung anong mayroon sila ni Rachelle), Eunice's sweet smiles kept on popping inside his head!

At kahit pilit niyang iniwasan, sungitan, at awayin... Eunice was able to come through his heart.

♥♥♥

Present time...

PAGKAALIS ng doktor ay kinumpirma lang nitong maayos naman ang asawa niya. Pagkatapos ay umalis na rin.

Pumasok siya sa loob ng kuwarto. "Baby, how are you feeling?" agad niyang tanong nang makitang nakaupo si Eunice sa kama at umiinom ng tubig.

Lumabi ito. "I'm sorry I scared you... But I'm physically okay. Nanghina lang talaga ako sa nalaman ko from Addie."

Umupo siya sa gilid ng kama at kinabig ito paloob sa mga bisig niya. While the doctor was checking on Eunice earlier, he contacted Lucien to confirm what Addie said.

Umamin naman si Lucien. Ang matalik na kaibigan nga ni Eunice ang mismong nanira dito. Nadama niya ang sakit kahit hindi sa kanya ginawa.

Eunice has been genuinely loving and praying for her friends. Betrayal is the most painful thing to happen between trusted friendships.

He can't imagine the pain his wife's dealing right now. He prayed for strength and comfort for her. Eunice gone through worst, although this hurt, she can come through.

"I'm sorry you have to know it this way..." Inaasahan niya nang baka umiyak ito. He prepared himself to listen and console her.

Pumikit ito at dumantay sa balikat niya. "Totoo ba ang sinasabi ni Addie?" mahina nitong tanong.

He heavily sighed. He hates to say it but, "I was able to talk to Lucien while I was waiting for you to wake up. Sadly, it was true."

Bago pa sila umalis ng Paris ay alam na ni Lucien, ngunit mas pina-imbestigahan pa nito si Soleil para mas makasigurado. Until it was confirmed in the last two weeks now. Hindi lang nito masabi sa kanila dahil alam din ni Lucien kung gaano kalapit na magkaibigan sina Soleil at Eunice.

His wife sighed and remained silent.

Niyakap niya lang ito nang mas mahigpit. After a little while, she's still calm.

"Terrence," Tiningala siya nito. "I want to set aside my problems in Paris until the holiday's over. I won't think of Addie and Soleil. Huwag mo na rin banggitin. I will deal with Soleil pagkabalik ko ng Paris," Eunice said with conviction. "May usapan naman kami ni Lord kung anong gagawin ko. Pero ngayon, oras natin 'to. I came home to spend more time with you and our family..."

Sobrang tatag ng boses ng asawa niya na ikinagulat niya, pero hinangaan rin.

Napakasinsero ng ngiting ibinigay nito sa kanya, kahit nababanaag niya ang kirot sa mga mata nito. "I don't want our time to get ruined. Don't worry about me, alright?" Hinawakan nito ang kamay niya. "I'm tougher than this."

Terrence lovingly smiled at her. "You are, Eunice. You are."

Mas naging matamis na ang ngiti nito, napalitan ng tapang at tatag ang emosyon sa mga mata. "I'll just stop communicating to anyone in Paris for a while. Sasabihan ko lang din si Tita Gena."

Tumango siya. "If that's what you need." Susuportahan niya ang paraan nito para mas patatagin ang sarili. Eunice really matured in handling situations like this. Her daily devotions to the Lord helped her to be wiser and stronger.

Alam niyang nasasaktan ito. But Eunice chose not to be overwhelmed by emotions. She wants him and everyone else around them to be at ease, and not spoil any celebration for Christmas.

Eunice learned how to respond well.

Terrence was greatly inspired by the growth of his wife, he wanted to love her deeper, purer, and more honest.

"Can you give me some time alone? I want to pray and then take a rest," sabi nito maya-maya. "Ituloy mo muna ang lulutuin ko sanang mojos tapos ipadala mo kay Minnah."

He nodded and kissed her temple. Nag-iwan din siya ng banayad na halik sa mga labi nito. "I'll be in the kitchen if you need me."

Tumango ito at ngumiti.

Lumabas na si Terrence at sinarado nang mabuti ang pinto. Bumalik siya sa kusina at sinunod ang favor ni Eunice. Wala naman siyang gagawin ngayong araw.

Inalis na lang din niya sa isip kung paanong nagawa ni Soleil na siraan si Eunice kung matalik na magkaibigan ang turingan ng dalawa. Iniwasan niyang manghusga.

Kung anong plano ni Eunice kay Soleil, hindi pa din niya alam. Basta ang sabi ni Eunice, gusto nitong huwag muna alalahanin iyon, kaya't hindi niya rin aalalahanin.

"Uy, ang sarap naman niyan! Pahingi!" narinig niya si Peter.

Napalingon si Terrence at nakitang nagpasukan sa kusina ang mga pinsan.

"Huwag niyong galawin iyan," saway niya agad sa mga ito. "Kung gusto niyo, magbalat at maghiwa kayo ng patatas, at saka natin lutuin."

"Ang trabaho naman," angal ni Jude at saka kumuha ng isang mojo. Mabilis nito 'yung kinain.

"Uy, baka para kay Eunice 'yan!" ani Andrew at kumuha ng patatas at kutsilyo. "Sandali lang naman magbalat ng patatas, effort-an niyo naman kung gusto niyo lumamon, guys."

Kumuha pa rin si Peter ng isa, ginaya si Jude. Pasaway talaga.

"Para kay Eunice 'to, Terrence?" tanong ni Titus na kumuha rin ng isang mojo, sinawsaw sa dip at saka kinain.

Napabuntong-hininga na lang siya. "Lahat kayong sumubo, magbalat kayo ng tig-isang mga patatas. Palitan niyo ang kinain niyo."

"Masyado namang maraming patatas ang kakainin ni Eunice. Is this her fave food?" James asked.

Ibinalik niya ang tingin sa niluluto. "Para kay Minnah iyan."

"Woah!" sabay-sabay na reaksyon ng mga ito.

"Bakit mo nilulutuan ang ex mo? Hindi ba nagseselos si Eunice?" tanong ni Jude.

"Kami na ang magseselos para sa kanya!" ang lakas ng boses ni Peter. "Bakit mo pinaglulutuan ang ex-girlfriend mo? Terrence, tandaan mo may asawa kang tao!"

He boringly looked at them. "Si Eunice ang nag-utos sa'kin. Lagi siyang pumupunta kay Minnah at nagdadala ng pagkain. They are having spiritual talks these past few days."

Nagbago bigla ang ekspresyon at tono ng mga ito.

"Hay, ang bait-bait talaga ni Eunice," ani Andrew. "Maganda na, maalalahanin pa. Close pa kay Lord."

"Stan Queen Eunice!" sabi ni Peter, na parang hindi siya inakusahan kanina.

"Nasa tamang fandom tayo, guys. Hindi tayo mali ng sinuportahan," ani Jude na nagbabalat na ng patatas.

"May fandom pala tayo?" tanong ni Titus. "Anong pangalan?"

"Monte Amor boys love Eunice!"

"Haba!"

Nagtawanan ang mga ito. Napapangisi na lang siya sa kalokohan ng mga pinsan.

Maya-maya'y lahat na ito ay nagbabalat na ng patatas. Kung hindi niya lang binanggit si Eunice ay hindi pa susunod ang mga ito!

Napailing-iling na lang siya at inahon ang nalutong mojos. Nagsalang ulit siya ng panibago para maluto.

"Nasaan pala si Eunice?" tanong ni Titus. "Kaya kami pumunta dito para makakita ng diyosa, eh."

"Nagpapahinga pa," simpleng sagot niya. Hindi na lang niya sasabihin sa mga ito ang nangyari kanina dahil ayaw ni Eunice na may ibang tao pang mag-alala para dito. "Baka mamaya pa siyang tanghalian lumabas."

"Ano bang makakain dito?" biglang sumulpot si Matthew at pumasok ng kusina.

"Uy, nakabalik ka na pala!" bati dito nina Peter.

Agad nahalata ni Terrence ang iritasyon sa mukha nito. "Anong mukha iyan?" tanong niya dito.

Padabog na humila ito ng upuan at umupo. "Hindi ako nakapasok sa sarili kong bahay. Ayaw akong papasukin ni Frances, pisti."

Tawa ang sagot ng mga pinsan nila. Mukhang aliw na aliw sa nangyari kay Matthew.

"Hindi pa rin kayo nagkabati?" usisa ni Terrence habang patuloy lang sa pagluluto.

Napahilamos ito ng mukha. Halatang frustrated na. "Terrence, alam ko namang mali ako sa pagtatago ng misyon at pagsisinungaling. Nag-sorry na 'ko, pinaliwanag ko na ang side ko, pero naiinis pa rin siya."

"After mong bayaran 'yung mga pinamili niya online?" tanong ni Titus.

"Ako naman ang nagbabayad niyon kesyo naiinis siya o hindi!"

Ang lakas ng tawanan nina Peter. Terrence tried to hide his smirks.

"Nag-sorry na 'ko, nilambing ko na, pikit mata ko nang binili lahat ng in-order niya, ako pa rin ang mali!" angal nito.

"Ikaw ang nagpakasal, bawal umangal," tukso pa dito ni Jude.

"Lipat ka na lang sa fandom namin."

"Anong fandom ba 'yan?" iritado pa rin si Matthew.

"Monte Amor boys love Eunice."

"Sige."

Ang lakas ng halakhak nina Peter.

Natawa na lang din si Terrence. "Matthew, ang number one rule kapag nagso-sorry sa asawa, huwag mong sasabayan ng rason. Basta mag-sorry ka lang. Kapag wala na sa mataas na emosyon ang babae, at saka mo unti-unting ipapasok ang reasons. Then, they will understand."

Napatingin sa kanya ang lahat.

"Kapag kailangan mag-sorry, sorry lang ang ibigay. Don't try to justify. Reasons can wait. People can't see and understand reasons while they are at the peak of their emotions. Kaya kahit anong paliwanag mo, hindi magpapatalo ang babae," paliwanag ni Terrence.

It's not always, though. Case to case basis pa rin. But that is the majority for most wives.

"Kahit kung ano-ano na'ng sinasabi ng mga asawa natin, tumango na lang muna tayo. They don't mean what they say, after all. It's just their emotions talking, so you don't have to take it personally."

Eunice was the one who told him that. Kaya kapag may argumento sila, hinahayaan niya lang mailabas ni Eunice ang galit nito. Nasasaktan siya minsan sa choice of words nito, pero ipinapaalala niya sa sarili na galit lang ang asawa. Once the anger is out, she'd calm down.

Mabilis lang maka-realize ng mga pagkakamali si Eunice ngayon, suwerte niya. Kaya hindi na tumatagal ang away o tampuhan nila. They'll pray about it, ask God for healing, and then they will be alright.

Mas minamahal nila ang isa't isa sa bawat away na nalalagpasan nila.

"Hindi mahalaga kung lagi tayong talo sa argumento sa mga asawa natin. We do not need to win a fight over our wives. We have to win them, instead. So just let them think they're right for the meantime. Mas lalo pa nila tayong mamahalin kapag napagtanto nila na tayo pala ang tama, all along, at hindi sila. They'll admire the humbleness we gave them during those fights.

"After that, ask each other to pray for one another. 'Ayan ang edge natin as Christian couples, we know Who to run to when we need healing and fixing in our relationship."

Napabuga ng hangin si Matthew. Napahalukipkip.

"Isa sa naman pong words of wisdom or WOW mula sa lover boy ng Monte Amor. Marami pong salamat, Pastor Terrence," sabi ni Jude at saka bumaling kay Peter. "Pagkatapos ng mga narinig mo, Pedro Jacobo, may gana ka pa bang mag-asawa?"

"Hindi na lang ako magpapakasal, 'oy! DMD!"

"Wala rin namang gustong magpakasal sa'yo. It's a tie."

Napuno na naman ng tawanan ang buong kusina. Even Matthew can laugh now.

"Seryoso, kailan ba kayo magsisipag-asawa?" tanong ni Matthew sa mga ito.

"Asawa agad? Wala pa nga akong girlfriend!" bulalas ni Peter.

"Pinakawalan mo kasi," ani Andrew.

"Awit!"

Tawanan na naman.

Pagkatapos magluto ni Terrence ng mojos na ipapadala kay Minnah, eksaktong lumabas ng kuwarto ni Eunice para kumuha ng tubig.

"Kaya pala maingay, nandito kayo," nakangiting sabi nito sa mga pinsan niya.

"Nagising ka ba namin? Sorry, ha? Maingay talaga kami kapag nagbabalat ng patatas," sabi ni Titus.

Her wife chuckled. "Kahit hindi naman kayo nagbabalat, maingay pa rin kayo."

"Our queen has spoken!"

"We stan!"

She just chuckled, enjoying the attention.

Pagkatapos ay lumapit ito sa kanya at humalik sa labi niya. "Can you prepare my vegetable salad for me?" malambing nitong tanong.

"Of course, baby. Tapos na rin naman 'tong mga mojos."

"Thank you. I love you!" Hinalikan pa siya nito ulit sa mga labi. Nagpaalam na ito sa kanila.

Sinundan niya ng tingin ang asawa hanggang sa makaliko ito ng pasilyo papunta sa mga kuwarto ng ancestral house.

Pagbaling niya sa mga pinsan ay nakatingin ang lahat sa kanya habang nakangisi.

"Ikaw talaga, Terrence, ang ipinagpala sa lahat."

"Amen."

Natawa na lang siya. "You continue to pray for and with your partners. Pagpapalain tayong lahat kapag kasama ang Diyos sa mga relasyon natin." Ibinigay niya ang dalawang plastic container na puno ng mojos kay Matthew. "Give these to Minnah. Tell her Eunice made them."

Tumango ito. Sumeryoso. "Nga pala, nakakita na 'ko ng paraan para maiuwi ang anak niya dito sa Pilipinas. But the expenses are too high."

"Magkano ang kailangan?" tanong niya.

Nagsabi si Matthew ng malaking halaga. Hindi na nakakagulat. It's nearing Christmas and international flights were doubling its price. Hindi rin naman mag-isa lang makakabiyahe ang bata papunta sa Pilipinas. They have to pay for the guardian, too.

"Willing akong mag-ambag," boluntaryo ni Peter.

"Same here," sabi ni Jude.

"Me, too!" James raised his hand.

"Game din ako," Titus, too.

"Sagot ko na ang pagsundo sa kanila sa siyudad papunta dito," ani Andrew.

Napangiti si Terrence. Thank God for his cousins. Makulit at maingay lang ang mga ito, pero mapagbigay ang mga puso.

"I'll pay whatever's left to complete the amount needed. Kami na lang din ni Eunice ang bahala sa iba pang kailangan ng bata kapag nandito na sa Pilipinas."

Hindi man niya kinakausap o pinupuntahan si Minnah sa safe house, he still wanted to support her in any way he can. Kahit dito man lang, maiparating niya sa babae na hindi nawala ang tingin niya dito bilang tao.

"Pupunta na 'ko sa safe house," ani Matthew. "Marami pa din akong kailangang tanungin kay Minnah, lalo na nasa kulungan na din ang asawa niya."

"Good job at catching the gang, Matt," he congratulated him.

Ngumisi ito. "Tristan Sullivan was sly. Pero malaking tulong ang mga sinabi sa'min ni Minnah. Totoo lahat ng kinanta niya sa'ming hideouts kaya hindi mahirap ma-corner." Tumayo ito. "Hindi ka ba sasama sa paghahatid ng pagkain kay Minnah?"

Umiling lang siya at ngumisi. "Kaya mo na 'yan. Malaki ka na." Gusto niyang samahan lang si Eunice sa bahay.

Pag-alis ni Matthew ay nanatili pa ang mga pinsan niya. Nagkanya-kanyang luto ng mojos ang mga ito. Habang siya ay ginawan ng vegetable salad ang asawa.

Kinabukasan, hindi na halata sa mukha at mga mata ni Eunice ang pagka-apekto sa nalaman nito tungkol kay Soleil. Seryoso talaga ito sa sinabi nitong ihihiwalay muna ang problema sa Paris para hindi masira ang Pasko nila dito sa Pilipinas.

"Terrence, lalabas kami ni Ruth. May bibilhin lang kami sa bayan. Tapos dadaanan namin si Minnah mamaya," sabi nito sa kanya.

"Gusto mong samahan ko kayo sa bayan?"

Umiling ito at ngumiti. "Huwag na. Ang alam ko may mga online meeting ka, hindi ba? Iyon na lang ang natitira mong responsibility, kaya huwag mo nang i-skip. I'll text you kapag pauwi na 'ko. Mabilis lang ako, promise." Inangat pa nito ang kanang kamay. Mapaglaro ang mga ngiti. "Pagkauwi ko, sa'yong sa'yo na 'ko."

Tumalon-talon yata ang puso niya sa pangako na 'yon. He chuckled and held her waist. "Mag-iingat kayo."

Eunice kissed his lips and called for Ruth. Nang naglalakad na paalis ang mga ito ay tinitigan niya lang ang asawa.

She's undeniably glowing and her smiles are cheerier. Hindi peke o pilit. Kahit may problema, basta may Diyos, walang makakapigil upang maging maligaya talaga.

Nakauwi si Eunice isang oras pagkatapos niyang matapos ang lahat ng trabaho at Zoom meetings.

"Terrence, tinanggap na ulit fully ni Minnah si Jesus sa life niya!" bungad agad nito pagkapasok ng bahay. Napansin niyang galing pa ito sa pag-iyak. "I'm so happy! She came back! She found her way back!"

Masayang niyakap siya nito. Eunice is like a happy little girl who completed her errands.

"God is so good, Terrence. He won't let any of His lost sheep to wander around any longer. I'm so happy for Minnah."

May kung anong uminit sa dibdib ni Terrence. He knew she'll come back to her first love—Jesus Christ.

"Great job for you, too, baby. You let God use you," he commended his wife.

Tumango ito. "You know, Terrence, I'll never lose hope for the people who once turned away. I'll keep on hoping and praying that more people would come to God, because no matter how rough life is, in the deepest part of our human hearts, we long for a savior." Kumislap ang luha mula sa mga mata nito. "As we continue to pray, people will soon realize they seek for someone to forgive them, to restore them... And that's Jesus. Hindi ako mawawalan ng pag-asa para sa kanila, Terrence, kahit sa mga taong may ayaw sa'kin. It does not matter anymore. The Lord is always waiting and pursuing... always ready to forgive them."

Tinitigan niyang mabuti ang asawa. More and more, his love for her keeps on growing. Eunice is not just glowing now but shining with a divine light!

Hanggang sa araw-araw, gabi-gabi, mas napapansin niya ang devotion ng asawa sa Diyos. Mas napapansin niya ang mahahabang prayer time nito. Pati ang laging excited na pagse-share sa kanya nito ng mga natutunan nito.

Eunice would spend time with her family. Intentionally bonding with Cyla and his close relatives. Pero ang pinakamaraming oras ay sa kanya.

Eunice would cook for him, prepare his bath and clothes, massage his head, and even comb his hair! She'll pray with him, listen to him, and dance and sing with him in all the gatherings  they've attended.

She'll sweetly make love with him, talk to him, joke and laugh with him.

His heart is floating on a cloud nine. Mahal na mahal na mahal niya ang asawa.

Baby, you've come so far. I love your transformation. I love your growth. I love your heart. I love you.

Praise God you're the because of all my whys before.

Thank You, God, you've been saving her for me. I don't ever deserve her. But You chose me to take care of her in this one lifetime you've given us.

Ibinaba ni Terrence ang ballpen pagkatapos magsulat sa journal niya. Lumingon siya at nakikitang mahimbing na natutulog ang asawa sa gitna ng kama.

He closed his journal and turned off the table lamp. Tinabihan niya si Eunice at hinapit sa baywang. Sana ganito palagi. Pero alam niyang pagkatapos ng bagong taon ay babalik na ang asawa sa Paris.

Huminga siya ng malalim. He has to make the most out of this time.

When tomorrow came, everyone was busy. Pati sila. Christmas eve na mamaya kaya abala sila sa pagluluto ng pagkain na ambag nila sa kasiyahan mamaya. Sabay-sabay na magse-selebra ng Pasko ang mga Lanza dahil kumpleto silang magpipinsan.

Even Terrence's father and mother went home. At ngayon ay katulong nila ang dalawa sa pagluluto.

"Hija, kakaiba ang ganda mo ngayon," narinig niyang sabi ng Mama niya kay Eunice. "Para kang buntis."

Tumawa si Eunice at napahawak sa magkabilang pisngi. "Thank you, Mama! Ang dami ngang nagsasabi na iba ang glow ko."

"Aba't ano bang rason maliban sa lagi mong pagkausap sa Panginoon?"

"Alagang Terrence po, Mama!"

Napatingin sa kanya ang Papa niya. "Huwag ka masyadong kiligin, anak."

Natawa siya at umiwas ng tingin. Hindi niya mapigilan ang malapad na ngiti.

He thinks it's the other way around. Siya ang magaling na inaalagaan ni Eunice. Araw-araw ay umaawit ang puso niya.

Pagdating ng gabi ay sama-sama na ang lahat. Maingay at magkabilaan ang batian at kumustahan. Masaya ang buong paligid.

Nagse-set up sina Terrence kasama ang mga pinsan niya ng maliit na platform para sa mga kakanta mamaya.

Mas lumalim ang gabi, mas nasisiyahan ang lahat na magselebra ng Pasko.

Kausap ni Terrence ang mga tiyuhin nang mapansin niyang dumating na si Eunice kasama si Minnah. Mukhang nahihiya ang huli pero mabilis itong nilapitan nina Ruth at Frances para siguro maging komportable.

"Terrence, kakanta na si Matthew tapos ikaw ang sunod."

"Handa na ba ang lahat?" makahulugang tanong niya kay Andrew.

Nag-thumbs up ito.

Nagpalakpakan ang mga tao nang tumapak si Peter sa ginawa nilang platform, may hawak na mic. "Maayong gabii sa tanan! Good evening to our big, big clan! Merry Christmas!!! Solid talaga tayo kaya naiinis sa'tin ang mga Valleroso."

Nagtawanan ang mga tao. The Valleroso clan is another major family clan in Monte Amor. Noon daw ay nagpapaunahan sa pagpaparami ng lahi ang mga Lanza at Valleroso. Hindi lang nila alam kung gaano katotoo. Naging inside joke na lang sa pamilya nila iyon. They are good with Vallerosos.

"Ang unang kakanta o haharana para sa'tin ay si Matthew! Palakpakan naman para sa magiting nating kapamilya na sumasalo ng bala."

Tawanan na naman. Umakyat si Matthew ng stage may dalang gitara.

"Wow! Daddy Matt is going to sing," Cyla exclaimed. "Daddy Matt! Daddy Matt!"

Naki-cheer sina Jude. "Daddy Matt! Daddy Matt!"

"Kakanta pala si Matthew?" narinig niyang tanong ni Frances kay Eunice.

Nagkibit-balikat lang si Eunice pagkuway tumingin sa kanya. Kinindatan niya ang asawa. Kumindat naman ito pabalik.

"Merry Christmas to our big, big clan, sabi nga ni Peter," sabi ni Matthew. "Hindi na po dapat ako kakanta. Pero gusto ko lang awitan ang asawa ko."

Napasinghap si Frances.

"Irog ko, patawarin mo na sana ako. I'm really sorry. Bati na tayo, please? Nami-miss na kita."

"Sana all, nami-miss!" sigaw nila Peter.

Napalabi si Frances.

"Pangako, hinding hindi na ulit ako magtatago kapag may misyon ako. Mas magiging tapat pa 'ko. Magdadasal na tayo nang magkasama para hindi tayo parehas na nag-aalala masyado para sa isa't isa."

Yumakap sa braso niya si Eunice. Napasinghot si Frances.

"I'm sorry, Frances. I'll treat this as a lesson for me to be a more honest husband to you and a better father to our triplets," madamdaming saad ni Matthew. "Mahal kita."

"Hoo! Sana all mahal!"

"Paghilom dira, Peter!" pagpapatahimik ni Matthew dito.

Nagkatawanan ang mga kamag-anak nila. Sumisinghot-singhot pa rin si Frances.

Matthew strummed his guitar strings and started to sing. Nagpalakpakan sila.

"Hey now, let me hold you.... It'll be okay. I will love you 'til they take my heart away..."

Mas lumapit si Frances sa stage. Hanggang sa matapos ni Matthew ang kanta.

"Sorry, Matthew!" sabi ni Frances. "Sorry, ang arte-arte ko! Sorry ginastos ko ang Christmas bonus mo. I'm really sorry! I love you, too!"

Natawa ai Matthew at tumalon mula sa mababang platform. Niyakap nito si Frances at pulos tukso sa mga kamag-anak nila ang inabot.

"At last, bati na sila!" natutuwang sabi ni Eunice. "Ang galing talaga ni Lord."

He kissed her temple. "I'll get ready. Tapos na ang romance. Si Lord naman ang magpapakilig sa'tin."

Pumalakpak si Eunice at niyakap siya. "Go, mon amour! Akong bahala kay Minnah," sabay kindat nito.

Tumango siya at tinawag na sina Andrew, Titus, at Jude para tumugtog.

"Front act lang po talaga si Matthew. Dito po tayo sa main event natin, ano po? Sabay-sabay po tayong kiligin sa tunay na gumawa ng pag-ibig para sa'tin," Peter announced.

Terrence held the mic and closed his eyes and prayed inside his head. Tumahimik ang mga tao. Nagsimulang tumugtog ang mga pinsan niya.

He slowly opened his eyes and started to sing. "Before I spoke a word, You were singing over me... You have been so, so good to me..."

He saw Eunice pulled Minnah at the back of the crowd.

"Before I took a breath, You breathed Your life in me... You have been so, so kind to me..." he continued singing.

Terrence slowly raised his hand to the heavens. "Oh, the overwhelming, never-ending, reckless love of God. Oh, it chases me down, fights 'til I'm found, leaves the ninety-nine..."

He turned to Minnah. Kahit malayo nakita niya ang pagbuo ng luha sa mga mata nito.

"I couldn't earn it, and I don't deserve it, still, You give Yourself away. Oh, the overwhelming, never-ending, reckless love of God..."

Nagpapasalamat si Terrence sa Diyos dahil isa siya sa mga nakaranas ng ganoong klase ng pag-ibig ng Diyos. He sinned and stumbled numerous times in the past, but still God welcomed Him with open arms because of Christ.

At ngayon kay Minnah...

"When I was Your foe, still Your love fought for me... You have been so, so good to me..." Itinapat niya ang kamay sa dibdib. "When I felt no worth, You paid it all for me... You have been so, so kind to me..."

Red appeared behind Minnah, carrying a little boy in his arms. Ibinaba nito ang bata. Tumakbo ito palapit sa ina nito.

"Mommy! Mommy!"

Lumingon si Minnah. "Jericho!" Tumakbo ito at sinalubong ang anak.

"Mommy!"

Napaluhod si Minnah, binuksan ang mga braso at mahigpit na niyakap ang anak. "My baby... I missed you! I miss you." Inulan nito ng halik ang anak.

"I miss you, Mommy. Grandma said I can stay now with you. We can be together forever, Mommy!"

Minnah's shoulder shook as she embraced her son tighter. Humagulgol ito nang iyak at napatingala sa langit. "Salamat po! Thank You, God! You heard me... Thank You!"

"Oh, the overwhelming, never-ending, reckless love of God... Oh, it chases me down, fights 'til I'm found, leaves the ninety-nine..."

Nagpalitan sila ng ngiti ni Eunice nang magtama ang mga tingin nila.

Iniwan muna nito ang mag-ina at mas lumapit sa platform.

"Mission accomplished," she mouthed.

This is why God used him to dwell with Matthew's mission... Because Minnah has to be saved, again. Physically and spiritually.

This is the real mission after all... To make her come back to her faith and be restored.

"And I couldn't earn it, and I don't deserve it, still, You give Yourself away... Oh, the overwhelming, never-ending, reckless love of God..."

Pagkatapos ng kanta ay maraming kamag-anak nila ang nag-request pa ng worship song. Terrence sang two more. Then, they all prayed when midnight came.

Everyone was greeting each other a Merry Christmas.

This celebration represented that 2000 years ago, a savior was born. The Lord humbly came down for them...

For Terrence, For Eunice, For Minnah... and for all the ones who need their souls to be saved and be reunited with God.

Nakita ni Terrence si Minnah. Nagkasalubong ang mga tingin nila. He smiled at her. She smiled back.

Oras na para lapitan niya na ito.

Kinuha niya ang kamay ng asawa. "Come, baby. I'll introduce you to someone."

"Oh, okay." Sumama sa kanya ang asawa at humawak din sa kamay niya.

He stopped in front of Minnah, she's carrying Jericho in her arms. Sa malapitan, at saka niya napansin ang banyagang dugo ng bata. Lalo na ang asul nitong mga mata.

"Minnah..."

Ngumiti ito.

"I like to introduce to you my true love," he said softly.

Napakurap ito. Kumislap ang mga mata at napangiti. Marahil ay naalala ang usapan nila noon. "Terrence..."

"She's Eunice. I know you already know her." Terrence turned to his wife. "Siya ang babaeng hindi ako pinakawalan. Pinili ako. Lumaban para sa'kin. And now, she's serving the Lord with me."

Eunice's eyes widened. Her cheeks became rosier.

Minnah chuckled. "Nice to meet you, Eunice," nakangiting sabi nito at saka muling bumaling sa kanya. "Terrence, I like you to meet my son. Jericho Sullivan... he's my true love."

Napangiti siya. May kayang humigit sa pag-ibig na naibigay niya noon dito. And that will only be her son's love.

"Hey there, little Jericho..." Terrence patted Jericho's curly brown hair. "Take care of your Mommy."

Tumango ito at nahihiyang ngumiti. Yumakap ito sa leeg ni Minnah.

Humilig sa kanya si Eunice. Masaya silang nag-usap na tatlo at sabay-sabay na nagsalo sa noche buena.

Nang mas lumalim na ang gabi at nabawasan na ng kaunti ang mga tao, iginala niya ang paningin.

Terrence looked at the women he loved before.

He saw Frances laughing with Matthew while they play with their children....

Then, he turned to Minnah who's happily feeding her son...

Hindi man niya inaasahan na makikita pang muli ang mga ito sa kasalukuyan, at kahit matindi at mahirap ang mga pinagdaanan ng mga ito sa buhay... Masaya at kontento ang mga ito ngayon. May Kristo pa sa puso.

Masaya siyang hindi kahit kailan nasayang ang pag-ibig niya dati sa mga ito.

Terrence turned to Eunice. She's smiling while braiding Cyla's hair...

Napangiti siya at lumapit sa mga ito.

Totoo pala talaga. Kahit kailan, walang sayang sa pag-ibig.

Nilapit niya ang tainga sa asawa. "Where's your Christmas gift to me?" mapaglarong tanong niya rito.

Ngumiti ito, mapaglaro din. "You have to answer my question first."

Hinaplos niya ang likod ng asawa. "What question?"

Sinalubong nito ng diretso ang mga mata niya.

"Do you still want me to go back to Paris?"

***

Song: Reckless Love by Cory Asbury

***

Let's get connected!

Official FB Pages: FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

510 200 24
This story about Christian youths na kahit magkaiba ang Religious sect and denominations ay hindi naging hadlang sa kanilang pag-iibigan na despite s...
3.2M 117K 33
More Trilogy Book 2: Hold Me More (2017) Mga taon ang lumipas at kahit siya ang nang-iwan, hindi alam ni Czarina kung bakit kay Bari pa rin siya buma...
2.7M 75K 82
"If tomorrow comes and I forget about this, and I forget about you, will you still love me?" Yesterday. Love. Nothing else matters to Lee Gabriel tha...
4.4M 134K 33
More Trilogy Book 1: Touch Me More (2016) Maria Clara Alba Flores. Almost 16 years of existence and Czarina can't learn to appreciate her name. Then...