Strangers Got Married

By _marialyn

72 0 0

There was a woman who's run away always from her father. Month by month, she lives and travels to different c... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17

Chapter 18

1 0 0
By _marialyn


CHAPTER 18

Talks

"Ang sarap, hindi ba?"

Bago ko pa ipakita ang mukha ko na may pagtataka sa kanya ay nagsalita muli siya.

"Be honest."

Tumingin ulit ako sa pagkaing nasa harapan ko. Mga strawberry at tea ang nasa tray.

Tinikman ko ang lahat ng 'yon. Wala namang masama ang kumain ng ganito at masarap naman siya, ang pinagtataka ko ko lang nang bigla na lang akong puntahan ni Rayst sa loob ng bahay dala ang mga pagkaing 'to. Nakakapanibago dahil hindi naman siya ganitong tao na kilala ko--- namin.

"Masarap naman, bakit?"

Binaling ko ulit ang atensyon sa kanya na prenteng nakaupo sa isang upuan na nandito sa labas ng bahay. Malapit kami sa front door kung saan may lamesa at dalawang upuan.

"Wala lang. Gusto ko lang ipatikim sayo."

"Anong nangyayari sayo?"

Tumaas ang kilay nito, "Bakit? Anong nangyayari sakin?"

"Saan ka galing at ang dami mong dalang strawberry?"

Hindi ko din inaasahan na bibigyan niya ako ng mga strawberry.

"Isang basket lang naman 'yon. Ayaw mo ba?"

Umiling ako at umupo sa kaharap niyang upuan. Actually, gustong-gusto ko pero hindi ko maiwasan magtanong eh.

"You look pretty today."

Nakapalumbaba siya habang nakatingin sakin. Awkward akong ngumiti at lumingon sa paligid namin. Syet, ngayon ko lang nakita ang ngiting ipinakita niya sakin ngayon. Usually kasi ay ngiting friendly ang nakikita ko pero siya parang yung ngiting gustong makipaglaro sakin.

"Nasaan ang asawa mo? Hindi ko siya nakikita."

"Nasa trabaho niya.. Ayos ka lang ba?"

Pati ako ay pinagmasdan na din siya. Lumiit ang mga mata ko nang makita ang suot niya.

"Ngayon ka lang nagising?"

Alas-dos na kasi ng hapon. Naka-pangtulog pa siya kaya iniisip ko na baka ngayon lang siya nagising.

Ngumuso siya at tumango, "Oo, napasarap ang tulog ko eh."

Tumango-tango ako at napainom sa drinks na dala niya--- yung tea.

Nasaan kaya ang kasintahan nitong si Rayst, ano? Hindi ko nakitang magkasama sila kagabi. Sina Lola B din ay hindi ko pa nakikita mula kagabi. Ang alam ko ay umalis sila kahapon, hindi ko nga lang alam kung saan ang punta. Hindi ko din nakitang lumabas sila ng bahay nila.

"Yulimiara.."

"Yeah?"

Umangat ang tingin ko nang maramdamang huminto siya sa pagkain ng strawberry.

"Tumataba ba ako?"

Tumayo pa siya sa harapan ko para makita ang kabuuan niya.

"Oo sa tingin ko. Medyo mapula ang pisngi mo."

"Oo nga eh, wala akong nilagay dito ah."

Umupo ulit siya sa upuang nasa harapan ko. Pinagmasdan ko din siyang kuhanin ang phone niya at tinapat sakin ang likod non.

"Anong ginagawa mo?"

Kinuha ko din ang phone ko nang mag-vibrate ito. May message si Seriana.

From: Serya

Yuli, itatanong ko lang kung nasaan ang asawa mo? Katabi mo ba? O kaya ang ibang pinsan niya.

Dalawa na ang naghahanap sa asawa kong si Mav. Ano kayang meron? Hindi sa tinatamad akong mag-type ng message o magsalita. Hindi din naman sa ayaw ko silang kausap pero may isa pa silang choice, pwede nilang direktahin si Mav gamit ang phone nila, hindi ba?

Pero dahil maintindihin ako at magtatanong-tanong lang sa pagtataka ay sinabi ko pa din, dapat lang na sabihin ko.. tinatanong ako eh.

To: Serya

Nasa trabaho niya, Ser'.

Pagkatapos kong i-send ang apat na salita ay napatingin naman ako sa kasama kong humagikgik at nakatingin sa phone niya.

"Grabe, Yulimiara, ang cute mo dito oh!"

Pinakita niya sakin ang litrato ko. Bahagya akong nakayuko doon at medyo kunot ang noong nakatingin sa phone ko.

Okay? Eh di cute.

Pinagmasdan niya ulit ang litrato ko at humahagikgik pa. Napakamot ako ng noo habang nakatingin sa kanya.

Hindi ko na talaga alam ang nangyayari kay Rayst. Iba-iba ang pinakikita niya sakin na reaksyon pero puro masayahin naman, hindi ko lang talaga maiwasang pagmasdan siya sa pagtataka. Kung saan man siya nagpunta ay baka naiwan niya ang totoong siya doon.

From: Serya

Can you tell him right now that call me? I accidentally deleted the phone number of each guy i know here in my contacts. Salamat, Yuli!

Hindi ko na nireplyan si Serya at minessage na lamang si Mav. Naisip ko na baka hindi naka-silent ang phone ni Mav ngayon at busy siya. Sana ay hindi ako maistorbo sa kanya.

To: Mister

Call Seriana right now.

Sorry to disturb you.

Ibinaba ko ulit ang phone ko sa lamesa at tumingin ulit kay Rayst na katulad kanina ay ganoon pa din ang ginagawa niya. Tinitignan ang litrato ko habang kumakain.

"Tao po!"

Nabaling ang tingin ko sa gate ng bahay. Hindi iyon pinansin ni Rayst na paminsan-minsan ay humahagikgik.

Tumayo at nagpunta ako sa gate namin. Pamilyar ang boses na 'yon at hindi lang iisa ang naririnig ko sa labas.

"Sa tingin mo ay nadiyan siya, Rhyl?" Boses 'yon ni Lola B!

"Opo, Grandma. She told me she will visit Ate Yulimiara earlier."

Minadali kong buksan ang gate ng bahay at nakita ko nga ang may mga pamilyar na boses.

"Yulimiara, nandiyan ba si Rayst?"

Tumango at tinuro ko si Rayst na hindi pa din napapansin ang ibang miyembro ng pamilya nila.

"Tuloy po kayo."

Nang makapasok sila ay sumunod na din ako. Pagdating namin sa harapan ni Rayst ay humahagikgik pa ito at tila walang planong tumingin sa ibang miyembro ng pamilya nila na nakatayo katabi ko.

Hindi niya yata napapansin kaya tinapik-tapik ko na ang balikat niya.

"Hmm?" Hindi tumitinging aniya.

"Rayst! Bakit ba hindi ka nagpapaalam na lalabas ka?!"

Napaigtad ako pati na din si Rayst sa sigaw ni Lola B. Syet, hindi ako prepared.

"Bakit ba, Lola? Oh bakit nandito ka din?" Atsaka niya tinuro si Raspher na pawisan.

"Anong meron? May family reunion ba tayo? Late na ba ako? Ngayon na ba?" Inosenteng tanong ni Rayst.

Pasimple kong kinuha ang phone ko na nasa table habang nakatingin sa kanila.

"Nandito ka lang pala?" Mahinahong saad ni Raspher.

"Hala, wala ako dito, nandoon ako!" Atsaka siya may tinuro na kinailing ko, "Halata naman, hindi ba?" Atsaka muling binaling ni Rayst ang tingin sa phone niya at tinuloy ang pagkain.

"Umuwi na tayo."

"Ayaw."

"Hindi ka pa kumakain, Rayst! Gosh!" Nakapameywang na saad ni Lola B.

Napasapo ako ng noo at umiling-iling. Pumunta dito sa bahay si Rayst nang hindi pa kumakain ng tanghalian. Takte!

"Kumakain na ako, Lola. Tignan mo nga ako, oh, strawberry at tea."

"Tara na, Rayst." Aniya Raspher.

"Ayoko nga. Atsaka binibisita ko si Yulimiara, gusto ko siyang makita."

"Makikita mo naman si Yulimiara pagkatapos mo kumain ng tanghalian, hindi ba?"

Kakamot-kamot ng ulong bumuntong-hininga si Rayst at tumayo. Tumingin siya sakin ng may luha sa mata?

"Y-Yulimiara.."

Anong nangyayari? Kakain lang naman siya, hindi ba? Bakit siya iiyak? Syet!

"Shit! Bakit ka umiiyak?" Si Raspher na hinahaplos ang likuran ni Rayst.

"Paiyak pa lang ako 'no!"

"Makikita mo naman si Yulimiara, Rayst, huwag kang mag-alala."

Tumango-tango ako sa pagsang-ayon sa sinabi ni Lola B. Hindi naman ako mawawala eh, nandito lang ako sa bahay at pwede akong bisitahin.

"Okay." Tanging saad ni Rayst bago tumalikod at naglakad papunta sa bahay nila.

"Pagpasensyahan mo na, Hija."

"Wala po 'yon." Saad ko bago sila makalabas ng gate.

Sabi ko na eh, may nagbago kay Rayst, eh! Hindi naman siya emosyonal tuwing hindi ako nakikita pero kanina ay paiyak na siya. Syet, anong nangyayari sa kanya?

Iiling-iling akong kinuha ang dinala ni Rayst na prutas at pinasok sa loob ng bahay. Nang matapos kong ayusin iyon sa kusina ay lumabas ako ng bahay.

From: Mister

Alright.

Eh?

"Ate Yulimiara!" Si Rhyl.

Nasa tabi lang ako ng gate habang naglalakad siya papalapit sakin. Bihira lang kaming magkita at mag-usap nitong si Rhyl pero medyo mahaba-haba naman ang usapan namin.

"Oh, Rhyl!"

Nang tuluyang makalapit ay binigay nito sakin ang isang paper bag.

"Para sayo daw, Ate."

"Kanino galing?"

Ang kamay niya ay nasa short niya at aakalain mong nasa 20s na siya. Mukhang matured anf mukha eh. Nasa katorse yata o kinse ang edad niya ngayon, 'yon ang sabi ni Mav sakin nang minsang magkwentuhan kami.

"Kay Ate Rayst, dapat nga ay si Ate Rayst ang magbibigay niyan sayo ng personal kaso ang sabi ni Lola ay ako na daw dahil medyo mabigat iyan."

Oo nga, mabigat nga. Hindi ko nga lang alam kung bakit ito binigay sakin ni Rayst at hindi na ako nakapagtanong pa kay Rhyl nang magpaalam na ito na uuwi na sa bahay nila.

Bago makapasok sa gate ay nakita ko muna ang paparadang sasakyan sa harapan ko.

"What are you doing here? Who bought that paper bag you holding?" Baling ni Mav sa hawak ko.

"Si Rayst. Saglit ka lang pala?"

Tumango-tango ito at hinawakan ang pulsuhan ko papasok ng bahay.

"Yap, may tinignan lang naman ako don." Atsaka nita binitbit ang paper bag na hawak ko.

"Anyway, natawagan mo na ba si Seriana?" Pagsasalita ko habang papasok ng bahay.

"Yeah. Hindi niya daw makita si Qis kaya sinabi niya sakin."

"Oh? Ano pang nangyari?"

Umupo ito sa couch at nagpipindot-pindot sa phone niya.

"Hinahanap niya pa daw, minessage ko na din si Qis pero hindi pa nagrereply."

Kumunot ang noo ko nang makita ang emosyon ng mukha niya.

"Hindi ka ba nag-aalala?"

"Hindi."

"Bakit naman?" Naupo ako sa tabi ni Mav at sumandal.

"Alam niya kung paano umuwi, hindi 'yon mawawala o maliligaw. Alam niya lahat ng pinupuntahan niya, wala lang yata siyang load at hindi ako mareplyan."

Tumango-tango ako at handa na sanang buksan ang paper bag nang hindi sinasadyang makita ko ang tinitignan at nirereplyan niya sa phone.

Nean Stacy Golonia

"Who's Stacy?" Biglaang tanong ko.

"Huh? Hindi ko alam."

Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan siyang mag-type.

"Paanong hindi mo alam? Nag-uusap kayo oh. Ano, stranger din? Nagkakilala sa social media kaya hindi mo kilala? Talk to stranger, ganon?" Sarkastikong saad ko.

Nakatagilid siya sa akin pero kitang-kita ko pa din ang pinipigilan niyang ngiti sa labi. Oh ano naman bang nginingiti-ngiti niya diyan?

"Talk to stranger? Ano, katulad ng atin kaso ibang babae na ang kinausap mo at hindi na ako?"

Chance ko na 'to para magsalita.

Binigay nito sakin ang phone niya na kinatingin ko don. Anong gagawin ko dito? Itatapon?

Nang hindi ko ito kinuha ay sapilitang nilagay niya sa kamay ko ang phone.

"Ikaw na tumingin. If you're thinking that i deleted some conversation with that girl, then you are wrong. I'm faithful on you, Misis."

Hindi ko na ito pinansin at tinitigan lang ang huling mensahe ng babae.

"At huwag mong ikumpara ang atin dahil lang sa kinausap ko ang ibang babae na hindi ko pa masyadong kilala. Mas unique pa din kapag ikaw ang nakausap ko, talk to Yulimiara is one of the thing that make me smile."

Natigilan ako at napatingin sa kanya. Napahawak sa kwintas na suot ko at pinanatiling kalmado ang mukhang pinakita sa kanya kahit naghuhumerintado na ang puso ko.

"What?" Mahina kong saad at kaagad na umiling nang mag-akala na naman ako.

"Shh.."

Huminga ako ng malalim bago pinilig ang ulo. Kinalma ang sarili sa kaloob-looban at tinignan ang phone niya.

It's just a dinner, Vino. I want to celebrate a friendship with you. Huwag mong lagyan ng malisya 'yon.

"Kaibigan mo pala 'to eh!"

Binigay ko ulit sa kanya ang phone niya. Kaibigan niya pala tapos pinagseselosan---

"Iyon ang sinabi niya."

"Huh?"

Inagaw ko mula sa kanya ang paper bag na kinakalkal niya na. Tss. Ang gulo nitong si Mav, minsan ay hindi ko na siya maintindihan pero sinusubukan ko pa ding intindihin.

"Ang sabi niya ay magkaibigan na kami. Hinayaan ko na lang."

Ang gulo nitong lalaking 'to.
Iiling-iling akong nilabas ang gamit sa loob ng paper bag.

"Vino pala ang tawag niya sayo?"

"Yap!"

Palihim akong umirap dahil parang ang sigla ng boses niya nang sabihin 'yon. Tsk, panira ng mood.

"What's that?"

Isang beses pa akong umirap bago ko pinagmasdan ang dress na laman ng paper bag kasama ang isang bote ng wine at mini fan.

"Tha is sexy."

"What?"

May battery na ang mini fan kaya malaya ko itong nabuksan. Kahit maliit siya ay ang hangin niya pa rin. Yung hawakan niya ay portable.

"The dress that Rayst bought for you. Your cleavage may seen if you will wear that dress."

Nakuha ng atensyon ko ang sinabi ni Mav kaya kinuha ko ang hawak niyang dress.

Natawa ako ng mahina nang makita ang kabuuan niyon.

It was a sleep wear. Ang kalahati ng dress ay parang bra, there's nothing to worry about.

"What's wrong with that? Tuwing gabi lang naman ito susuotin."

Hindi makapaniwalang tumingin ito sakin.

"You mean to say.. you will wear that dress?"

Marahan akong tumango.

"No way." Mahinang saad niya pero rinig ko pa din.

Tumayo ako at tila sinusukat ang dress sa harapan niya.

"What's with the no way? It's just a dress. Look."

Tumingin ako sa isang salamin dito sa sala. Pinagmasdan ang kabuuan ko. Krema ang kulay nito at bagay sa silk na nasa dress.

"May makakita sayo diyan, Misis. Put down that dress and sit beside me."

Natawa ako ng mahina nang tinapik pa niya ang tabi niya. Wala naman akong ginagawang masama ah? Tinitignan ko lang naman kung bagay sakin itong binigay ni Rayst. Itong Mavino na 'to talaga akala mo naman may gagawin akong hindi kaaya-aya. Hmp!

"Tumigil ka, Mister."

"Do you hear that?"

Kumunot ang noo ko pero sa salamin pa din ang tingin, "Yung ano?"

"Footsteps."

Wala naman akong ibang naririnig kundi ang boses niya---

"Hala, Yulimiara! You look sexy!"

Pareho kaming napatingin sa front door at nakita ang kaninang kasama ko, si Rayst.

"Rayst! Sinabi ko na, hindi ba? Bawal kang tumakbo!" Rinig ko pang sigaw ni Raspher na nasa labas pa.

Binaba ko ang dress nang papalapit na sakin si Rayst.

"Syet! Do you like it?"

"Yeah---"

"Wahhhh! I knew it!" Napaigtad ako nang bigla ako nitong yakapin at nagtatatalon-talon na parang bata habang yakap-yakap ako.

"Ilang beses ko 'yang tinignan bago ko bilhin! Huhu, sabi na at magugustuhan mo eh!"

Hinawakan ko na ang bilikat nito para magtigil sa kakatalon pero hindi pa din ito tumitigil.

"Thank you for that. Pero Rayst, ano bang nakain mo?"

"Rayst! Damn it! I told you to not jump!"

Nang mahawakan ni Raspher si Rayst ay napatingin ako kay Mav. May pagtataka ang mukha nitong nakatingin kina Raspher at Rayst.

"What's wrong if she will jump?" Tanong ni Mav pero kahit ni-isa ay walang pumansin.

"I forgot eh."

Mas lalong kumunot ang noo ni Raspher sa sinabi ni Rayst na nakatingin pa sakin, "Nakalimutan mo din bang bawal kang tumakbo?"

Marahang tumango si Rayst at kumaway sakin, "I missed you, Yulimiara."

Hindi ko na talaga alam! Ang weird nitong si Rayst! Tumitindig ang balahibo ko sa mga sinasabi at titig niya sakin.

"E-Eh? Good Afternoon, Rayst. Are you okay?"

Tinanong ko siya at inaasahan ko sanang sasagot siya sakin nang bigla na naman ako nitong yakapin habang tumatalon-talon.

"Aww! You care about me!"

"Rayst! Are you also forgot that you are pregnant?!"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Takte.. buntis si Rayst?!

"Shut up, Raspher. I told you i'm the one who will tell to them that i'm pregnant! Look what you've done!"

Hindi makapaniwalang tinignan ko ang papalayong sina Rayst at Raspher. Putcha..

"What was that?" Mahinang saad ni Mav.

Oh gosh! She have a baby in her tummy!

"Ikaw yata ang pinaglilihian, Misis."

Wala sa sariling tumango ako at naupo sa tabi niya. Halata naman eh. Ilang buwan na kaya 'yon? Kaya pala puro loose shirts ang suot niya sa mga nagdaang linggo para hindi halata ang umbok ng tyan niya. Syet, malamang sa malamang ay kukunin akong ninang ng anak nila ni Raspher. Putcha, kaya pala.

"Sinong pinaglilihian?"

Nabaling ang tingin namin kay Grandma na nasa pintuan ng kwarto niya. Namumungay ang mga mata niyang nakatingin samin. Nagising ba siya sa ingay? Halata naman..

"A-Ah, si Yulimiara."

Lumiit ang mga mata nitong dumirekta ang tingin sakin, "Sino ang naglilihi? Sino ang buntis?"

Tinikom ko ang bibig ko sa tanong niya. Hindi ba dapat ay sina Rayst ang magsabi na buntis siya at hindi ako? Ayokong pangunahan sila.

"Sasabihin naman siguro sa inyo ng pamilya ng buntis, Grandma."

Tumango-tango ito at sinara na ulit ang pintuan ng kwarto niya. Grabe, ano kayang magiging reaksyon ni Grandma kapag nalaman na buntis si Rayst?

"Misis, get your things and go upstairs. No buts."

Napa-ismid ako at sinunod ang sinabi niya. Habang nilalagay ang mga gamit sa loob ng paper bag ay hindi ko maiwasang tumingin sa kanya na nakatingin sa phone niya.

Ang bilis makaget over ni Mav sa nalamang buntis si Rayst. Tsk, busy sa kakatingin sa phone niya eh.

Minadali kong niligpit ang mga gamit na binigay sakin ni Rayst at umakyat sa ikalawang palapag. Hinayaan ko si Mav na gumawa o mag-type ng kung ano-ano sa phone at hindi na inistorbo. Pinakialaman ko na lang ang gamit ni Rayst habang iniisip pa din ang pagbubuntis niya, syet, na-e-excite ako!

Dahil sa paglagay sa closet ng damit ay wala na akong magawa kundi mag-open ng account ko habang nanatili pa din sa kwarto hanggang sa maghapunan na at magdilim na ang kalangitan.


Nazrixaxa
  Finding a drummer.


Napailing ako nang makita ang bagong post ni Naz sa social media. Ano na naman kaya ang pinaggagawa nitong babaeng 'to habang magkakalayo-layo kami?


Natigilan ako. Magkakalayo-layo kami... si Dad.. si Mom.. at si Kuya. Hinahanap pa din kayo ako ni Dad? Ni minsan ay hindi sila nawala sa isip ko. Ano na kayang ginagawa nila ngayon? Kumain na ba sila? Pero wala akong makuhang sagot. Nakakamiss yung dati. Parang kailan lang ay nagtatawanan pa kami.. nagngingitian.. hanggang miss na lang ba ako ngayon?

Gusto kong tawagan si Dad pero kada naiisip ko yung dahilan kung bakit ako lumayo sa kanya ay binibitawan ko ang phone ko. Naiinis ako sa sarili ko, bakit ko ba pinipilit ang sarili ko na huwag siyang kamustahin?

"Dad.. i miss you.."

Si Mom, kamusta na din ba? Wala akong phone number niya maski si Kuya. Ano na bang lagay niya ngayon? Ayos na ba siya? Gumaling na ba siya sa sakit niya? Kung naroon lang ako sa tabi niya ay tiyak na hindi ako malulungkot ng ganito pero wala eh.. hindi alam kung nasaan siya.

Pinilig ko ang ulo ko nang may pumasok sa isipan ko na hindi kaaya-aya. Ayokong mag-isip na baka wala na siya mundong 'to.. na baka tuluyan niya na kaming iniwan.

Si Kuya ba? Siguro ay may asawa na 'yon ngayon.

Nakakaiyak isipin na yung dapat na pupuntahan mong ispesiyal na araw kasama ang mga mahal mo sa buhay ay hindi mo mapupuntahan. Nakakainis na nakakalungkot.

"Misis?"

Pinalis ko ang mga luha ko at napatingin sa pintuan ng kwarto. Nasa labas pa si Mav at hindi pumapasok kaya napanatag ako.

"Y-Yeah?"

Ipinikit ko ang mga mata ko nang makita ang imahe ng pamilya ko sa isipan ko.

Kahit man lang ngayong araw.. pwede bang huwag na muna akong dalawin ng lungkot? Kahit ngayon lang? Gusto ko lang matahimik ang isipan ko..

"Papasok ako.."

Inayos ko ang mukha ko at pinanatiling kalmado.

Nang makapasok siya at sa phone ang tingin ko. Ayokong makita niya na namumula ang mata ko.

"Why are you still awake?"

Hindi tumitingin sumagot ako, "Hindi ako makatulog."

Nakikita ko sa gilid ng mata ko ang hawak niya. Beers atsaka isang bote ng wine. Hindi ko na iyon pinansin at nagkunwaring may tinitignan sa phone ko.

Hindi ako nito sinagot at basta na lang hinagis ang beer na nasalo ko naman. Takte!

"Join me."

Napa-irap ako at umupo sa kama. Kinuha nito ang isang upuan na nandito sa loob ng kwarto at paharap saking umupo.

Ang tahimik ng paligid namin kaya inom ako nang inom na hindi naman niya pinigilan. Baka sakaling mawala saglit sa isipan ko ang lungkot.

"Anong iniisip mo? Can you stop for a moment? Ang dami na ng nainom mo."

Umiling-iling ako at bahagyang yumuko na hindi niya nakikita. Hindi ko na napigilan.. hindi ko na napigilan ang luha ko.. bakit ka pumatak?

"Misis.. what the--- shit, what's wrong? Did i do something wrong? I'm sorry."

Umiling-iling ako at napahawak sa bewang niya. Nakatayo ito sa harapan ko kaya malaya kong naisubsob ang mukha sa tyan niya.

"Misis, i'm worried."

"M-Mister.." Pati ang boses ko ay nauutal na.

Paano ko sasabihin ang dahilan kung bakit ako umiiyak? Paano ko sasabihin kung gusto ko lang na umiyak nang umiyak hanggang sa makatulog ako? Yung walang mararamdamang lungkot kahit saglit?

"I'm willing to listen.."

Humigpit ang hawak ko sa damit niya nang mapa-hikbi ako.

"Si D-Dad.. sina M-Mom at K-Kuya.." Para akong batang inaalo ni Mav sa situwasyong 'to.

"N-Nami-miss k-ko na sila.. n-naiiyak ako.. B-Bakit ganito?"

Yung pamilya ko.. yung pamilya kong hindi ko makasama. Sila.. sila yung gusto ko kahit isang oras lang. Yung kahit ibigay lang samin na maging masaya habang magkasama pero kasi.. ilang taon na akong naghanap.. ilang taon na akong naghintay pero wala pa din akong balita sa Nanay at Kuya ko.

Nakakasama ko nga ang tatay ko sa loob ng ilang taon na 'yon pero gusto ko pa ding maramdaman na buo ulit kami. Kahit man lang boses nila ang marinig ko, ayos na ako don.

"A-Ako yung u-umalis sa b-bahay namin p-pero b-bakit a-ako yung n-nangungulila?.."

Choice ko naman 'yon eh pero bakit parang bumaliktad ang situwasyon? Ako ang naghahanap sa Nanay at Kuya ko.

"Sina M-Mom at K-Kuya.. n-ni hindi ko m-mahawakan i-ilang t-taon na.."

Kahit boses nila ay hindi ko naririnig..

"K-Kaya ko n-naman eh.. pero yung l-lungkot na i-iisiping k-kahit man l-lng i-isa sa m-miyembro ng p-pamilya ko ang h-hindi ko k-kasama? M-Mahirap na.."

Ang sakit ng dibdib ko, gusto ko lang ilabas lahat nasa isipan ko pero bakit masakit pa din? Bakit kahit nasabi ko naman na ang gusto kong iparating.. hindi pa din maubos-ubos ang luha ko?

Napakagat ako ng labi habang sinasabi ang mga salitang..

"W-When is the d-day that m-my f-family and I-I will be c-complete? W-When? I-I'm h-hoping.. "

Humihinga ako ng malalim para mahabol ang hininga ko nang halik-halikan ni Mav ang noo ko.

"Someday, Misis.. I'm here, we're here to listen.. you are also part of the Prantiz Family but someday.. i know you and your family would meet.."

Bahagya kong tinagilid ang ulo ko at tumingin sa bintana kung saan ko nakikita ang kalangitan.

"Just cry until there's nothing will drip."


Continue Reading

You'll Also Like

664K 35.3K 20
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...
1.3M 32.9K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
175K 3.8K 25
"I only fuck girls who want to be fucked, flipped over and banged, Sunshine and..." "And that's what I want, daddy. Exactly what I want from you." * ...
4.1M 260K 100
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...