Ainah's POV
Hay... Nakaka stress... Buti naman at nakauwi na ako. Wala ngang halos client, madami namang paper works. Ka stress
Nilapag ko na yung bag ko sa table sa sala. Hay.
Nakakapagod talaga.
Nag ring ko yung phone ko. Dali dali ko namang binuksan yun. Si Lance pala, yung boybestfriend ko'ng kaaway lagi ni Chloe.
"Hello?" panguna ko.
"Ainah?"
"Napatawag ka?" tanong ko
"Nothing. Nangangamusta lang naman. Ahm, nga pala, free ka ba sa weekend?"
"Hmm... I don't think so... Bakit ba?" tanong ko
"Nag pla plan kasi kami nina Tasha na... Lumabas tayong anim"
"Anim?"
"Oo, Ikaw, ako si Chloe, Francis, Tasha, at James"
"Hm... I'll try... Busy kase ako eh... Oh siya bye..." sabi ko tsaka ko binaba yung phone.
Hay.
Umakyat ako sa kwarto para dumeretso sa cr. Tsaka naman ako naghilamos.
After that, humiga ako sa kama ko tsaka nagmuni muni.
Napaisip ako bigla. Who's that Iso kaya? Hay. I want to meet him, curious lang ako kung sino siya. Kung gaano siya kaimportante sa akin para maging sanhi bg amnesia ko.
Hmm...
_'_
*Kring kring kring*
Uhm... Hay... Umaga na pala...
Tumayo na ako sa kama ko at ginawa ang morning routine ko.
Ligo, check
Hay... Ano kayang magandang isuot? The white dress? Or the red one... Mas bet ko tong white.
Anong bag naman ang gagamitin ko? The Channel or LV? Hay... I'll go with Channel.
Ayan. Perfect! Teka! May kulang pa, accessories...
I took my gold heart necklace and earrings. Then sinuot ko na yung Rolex watch ko.
Sa office lang naman ako pupunta. But of course, kailangan kong maging maganda. Sino ba naman kaseng gustong pumanget?
Hay... Ayan... Perfect
Sinuot ko na yung high heels ko at dumeretso na sa kotse ko.
Atty. Ainah is on her way to work...
Dinrive ko na yung kotse ko papuntang office.
And as usual. Sinalubong nanaman ako ni Morganna.
"Good Morning Atty. Ainah" sabi niya.
"Good morning Morganna... Ano na pala balita? I mean... About kay Mr. Gonzaga" tanong ko habnag sabay kaming pumapasok sa office ko.
"Ahm... Pupunta daw po siya dito ng 10:00" sabi niya. Napa tingin ako sa relo ko. It's 8:00. Maaga pa pala.
"Oh... Okay..."
Saktong narating na namin yung office ko. Finally. Hay.
Pag upo na pag upo ko, bumungad sakin ang patong patong na paper works. Jusko!
"Bakit ang daming paperworks?" tanong ko.
"Atty. Ainah, di pa po ba kayo nasanay kay Mr. Clinton Davis? Ewan ko dun sa manliligaw niyo Atty" sabi niya niya.
"Sabagay..." Si Clinton Davis ang apo sa tuhod ng Founder nitong Law Agency na pinagtratrabahuan ko. Siya ngayon ang nag ma manage nito. And yes, nililigawan niya ako. But I don't like him
"I'll just help you with it nalang po..." sabi ni Morganna. Hay buti naman.
Tinulugan ako ni Morganna sa mga paperworks na nasa table ko.
Napatingin ako sa relo ko. 9:45 na.
"Morganna... 10:00 pupunta si Mr. Gonzaga diba?" tanong ko.
"Yes po Attorney" sabi niya.
Ay kaloka! Inayos na namin yung mga papers at sakto naman dumating na si Mr. Gonzaga.
"Mr. Gonzaga..." bati ko. Hutek bakit ang bilis.
"Atty. Silvestre..." sabi niya.
"Have a seat..." sabi ko.
"Ahm... I'm here with the evidences po..."sabi niya.
"Oh that's good... Pwedeng patingin?" tanong ko.
"S-Sure..." sabi niya tsaka inabot sakin yung brown envelope.
Laman nun ang screenshots ng conversation nitong Eliana at nung Kidnapper.
"Ahm... Atty. Silvestre, mawalang galang na but I have to go... May photo shoot pa po kase ako" sabi niya.
"Ahm... Okay sure, I'll see you tomorrow then..." sabi ko
"Oh, sure... By the way... The hearing will be on Saturday" sabi niya.
Saturday, today is Wednesday.
"Okay... Ahm... See you..." sabi ko.
Umalis na siya.
Tinignan ko uli yung brown envelope. I read the conversation. Hm...
[Unknown: Good morning Ms. Eliana... I'm your biggest fan po hehe...]
[Elianah: Hello... Ahm, who are you and how did you get my number?]
[Unknown: Oh my Gosh! You noticed me! Grabe! Fan mo po ako!]
As I continue reading theur conversation, iisa lang naman napansin ko. Puro kamustahan halos. Hanggang sa naounta ako sa part na...
[Unknown: Ms. Eliana, can I meet you in person po ba?]
[Eliana: Me? Oh sure... Sige]
[Unknown: Gosh! I'm excited]
Nag meet sila. Ang bilis naman. Ang rupok naman nitong Eliana. Aish Ainah! Utak mo.
Teka... This is a phone messege... It means, narecover yung phone. Possible ba yun? Kung na kidnap siya, dapat hindi na mare recover yung phone. Kase sino ba namang krimenwl ang ipapa recover yung phone ng victim niya. If mangyare yun, edi buking agad siya. Unless, pasadya toh...
"Morganna? Kindly call Mr. Gonzaga?" tanong ko.
"Now na po Atty?" tanong niya
"Yup, then papuntahin mo siya dito as soon as possible" sabi ko.
"Okay Atty..." sabi niya tsaka kinuha yung telephone.
Yun na din yung end ng conversation nung Eliana at nung unknown.
Hmm...
"Atty. Ainah, maya maya andito na dij daw po si Mr. Gonzaga..." sabi niya
"Okay... Good to know... Let's wait for him..." sabi ko.
Hay, naku naman. Na s stress yung beauty ko.
"Atty. Silvestre... Good day, my love" that voice. Gosh! Boses ni Clinton.
"Hello" pagbati ko.
"So... How's the new client?" tanong niya.
"Good naman, sanay na din naman ako sa mga ganitong case. So ano pong kailangan niyo, Mr. Davis?" tanong ko
"Wala... Nangangamusta"
"Oh... I'm good naman, we're good... Okay na ba ang pangangamusta mo?" tanong ko.
"Hay Ainah, di ka padin nagbabago. I have to go na. Have a great day" pagbati muli niya.
Ngumiti lang ako. That guy! Aish.
"Atty. Ainah, Mr. Gonzaga is here na po" sabi ni Morganna
"Okay... Papasukin mo" sabi ko.
Pumasok naman si Mr. Gonzaga, at may kasama siyang babae.
"Atty. Silvestre... Ano't napatawag kayo? By the way... This is my little sister Eliana, I'm sorry sinama ko pa siya. Delikado na kase eh" sabi niya.
"Okay I see, have a seat..." sabi ko. Maganda yung Eliana. Napatingin ako sakanya. May mga pasa siya sa kanang braso niya at naka hang yung kaliwa. Mukhang may pilay siya. "So pinatawag kita dahil may mga questions ako" sabi ko.
"Ano yun?" tanong niya.
"Una sa lahat, paano niyo nakunan itong screenshots? Ibig bang sabihin na recover itong phone?" tanong ko.
"Yes..."
Napayuko si Eliana.
"Ahm... Eliana... Pwedeng dun ka muna kay Ms. Morganna... Mag uusap muna kami ng brother mo" sabi ko.
Sinamahan siya ni Morganna at pumunta sila sa table niya. Halata kasing traumatized padin siya sa nangyare.
"Kelan?" tanong ko
"Nung ika-tatlong araw na nawawala si Eliana. Seven days siyang na kidnap."
"Paano na recover?" tanong ko
"Dahil sa isang friend niyang nagngangalang Vivien. Malapit siya dun sa lugar kung saan na kidnap si Eliana. Sabi ni Vivien, naglalakad daw siya dun sa bakanteng lote nung may nakita siyang phone. And that phone was Eliana's, kaya kinuha niya yun at dali dlaing pumunta sa bahay" sabi niya
"Hindi kaya sangkot siya dito?" tanong ko
"Yun din iniisip namin. But, kay Eliana na din nanggaling na walang kinalaman si Vivien dito"
"Nung na kidnap ba siya... Humingi sila ng ransom?" tanong ko
"Yup, Ransom Money na nagkakahalaga ng 2.5 million pesos"
"Okay... So ang kasong pwede nating isampa ay paglabag sa Republic Act. 1084 Section 267. Eto ay ang Kidnapping and Serious Legal Detention. Sabi mo 7 days siyang na kidnap at sa nakikita ko meron siyang serious physical injuries. Isa pa, humingi din sila ng ransom money. And by the way, may witness ba?" tanong ko.
"Yup, si Vivien..." sabi niya.
"Okay... So I think everything is well prepared, eh?"
"Yup"
Tumayo kaming dalawa at nagkamayan.
"Thanks for cooperation Atty. Silvestre..." sabi niya tsaka siya umalis.
I bet everything is okay. Kailangan ko lang ngayon ay mag prepare para sa hearing...