SCHOOL OF THE KILLERS: Girl i...

By Cherryypinks

225K 12.6K 1.3K

•WARNING: This story may contain bloody/brutal scenes and violence, if you're sensitive don't read this story... More

SCHOOL OF THE KILLERS: Girl in Disguise
TEASER
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
EPILOGUE

CHAPTER 30

4.5K 272 25
By Cherryypinks

CHAPTER 30

Sakura Archer’s POV

Fvck! Alam ko kung sino ang tintukoy nila, pero paano nila nalaman?! Inalerto ko ang mga mata ko habang pinagmamaasdan ang mga lalake na hindi ko mabilang ang dami nila gamit ang mga mata ko.

“Your real name is Sakura Archer right? Our boss wants you.”

Napabaling ang tingin ko sa isang lalakeng may hawak na hand gun habang pinaikot-ikot niya ‘yun gamit ag hintuturo niya habang naka ngising nakatitig sakin.

Hindi ko alam kung paano nila nalaman ang tungkol sakin at baka si Thalia ang may kagagawan nito pero bakit naman siya magkaroon ng koneksyon sa mga kalaban! Naguguluhan ako kaya pilit kong mag concentrate dahil pinapaligan kami ng mga kalalakihan na alam kong hindi namin sila kayang talunin dahil alam pala nila na sila ang susunod na target.

“Don’t touch our girl.” Seryosong saad ni Zeth habang nakatutok sa kanila ang shut gun na hawak hawak niya.

Alam kong hindi gaano ka lalim ang sugat niyang tinamo kanina dahil nakakagalaw siya ng maayos ngayon.

“Matatanggap ko pa na si Kenzo ang kukuha kay Sakura pero kung ang mga gagong ‘to, dadaan muna sila sa mga kamay ko.”

Matigas na saad ni Tyler habang sinamahan niya si Kenzo para harangin ako kaya nasa likuran ako ngayon ng dalawa.

“Handa kong ibuwis ang buhay ko sa babaeng hinihintay kong mahalin din ako.”

Seryosong saad ni Kenzo, pero narinig kong malakas na humalaklak lang lalakeng nagsalita ngayon lang. Sa tawa palang niya, ang sarap na pugutan ng ulo.

Napatingin naman ako sa kwintas niyang may mga pendant na golden fang kaya naramdaman kong nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang katana ko dahil nakita ko nanaman ang kwintas ng kamatayan.

Gustong gusto ko siya sugurin ngayon pero masyadong delikado, hindi ako nagkamaling may kinalaman nga ang mission na ‘to sa pagkamatay ng mga magulang ko.

“What is this? Stop acting like heroes for that nice girl. Our boss wants her… kung hindi niyo siya ibibigay samin, dito na magtatapos ang buhay niyong apat!”

Sigaw niya habang tumawa nanaman ng malakas kaya mas lalong nangiinit ang mga tenga ko dahil naalala ko ang mga demonyong tawa ng mga nagbabalatkayong mga tao habang walang awang pinaslang ang mahal ko sa buhay kaya pilit kong kinakalma ang sarili ko para hindi gumawa ng kahit anong bayolenteng galaw dahil nandito ang mga kasamahan ko.

“You cannot have her dimwits, we’re ready to die—“

Hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni Kenzo dahil humakbang ako sa unahan sabay lingon sa kanila at pilit na ngumiti dahil gustong gusto ko makipagpatayan ngayon.

“Don’t worry, mabubuhay ako at babalik ako sa inyo.”

Mahinahon na saad ko pero makikita ko ang expresyon sa mga mukha nilang hindi nila gusto ang sinabi ko.

“What are you talking about Arix! We can’t leave you here! NEVER.”

Matigas na saad ni Zeth, sa tingin ko ngayon ko lang siya nakitang ganito siya kaseryoso.

“He’s right, hinding hindi ka namin pababayaan dito Sweet Heart.”  Seryosong saad ni Kenzo pero umiling ako.

“Tama… ‘yan nga… pag hindi ka sasama samin, PAPATAYIN KO ANG MGA KASAMAHAN MO!”

Sigaw ng lalake sabay tutok ng hand gun sa kinaroroonan namin kaya mas lalong tinutok ng mga kasamahan ko ang mga deadly weapons nila.

“SHUT UP YOU MOTHERFVCKER! I WILL SHORTEN THOSE TOUNGE OF YOURS!!!”

Umalingawngaw ang sigaw ni Zeth sa buong gubat kaya napatingin ako sa kaniya na nanginginig habang hawak hawak ang shut gun kaya naglakad ako sa kinaroroona niya sabay sauli ng katana ko sa tagiliran ko.

“Zeth, this place is not our final destination. We all die here together so please, go home.”

Nakita ko sa mga mata niyang gustong gusto niyang ipaputok ang baril niya kaya ginalaw ko ang kamay ko at binaba ‘yun.

“Arix… hindi namin kayang pabayaan ka dito. Sa kamay ng boss ka mapupunta kaya masyadong delikado. Isa pa, mission natin ‘to kaya hindi tayo pwedeng kumuha ng ibang team para tulungan tayo.” Sagot niya sakin pero hinawakan ko lang ang balikat niya sabay ngiti.

“Malapit na ang paghihiganti ko Zeth, pag hindi niyo ko sinunod mamamatay tayo parepareho dito.”

Mukhang ako nalang talaga ang gagawa ng mission na ‘to, pag hindi ako sumama sa mga gagong ‘to, mamamatay ang mga kasamahan ko. At hinding hindi ko hahayaang mangyari ‘yun.

“Sakura… pag may mangyayaring masama sayo hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.”

“Sweet Heart, it’s too dangerous.”

Malakas akong nagbuntong hininga sabay talikod at nag lakad ng ilang hakbang palayo sa kanila.

“I won’t let my comrades— I mean…. I won’t let my friends die in this stupid place. Sundin niyo ako.”

Seryosong wika ko pero narinig kong malakas na sumigaw si Kenzo dahil hindi niya siguro alam ang gagawin niya. Dapat silang mabuhay, kakayanin ko ‘tong misyon na ‘to dahil para naman talaga sakin at kung tutuosin, wala silang kinalaman dito.

“Go now, leave this place.”

Seryosong saad ko sabay lapit sa mga kalalakihan pero naramdaman kong naglakad silang tatlo para sundan ako kaya marahas ko silang nilingon.

“LEAVE NOW!! PLEASE!!!!!!!!!”

Awtomatiko silang napahinto at nakita kong napasabunot si Kenzo sa sarili niyang buhok habang rinig na rinig ko ang sunod sunod na mura nina Zeth at Tyler dahil hindi na alam ang mga desisyon nila. Pero isa lang ang dapat nilang gawin, ‘yun ay ang lisanin ang lugar na ‘to.

“Hintayin niyo ako sa hideout.”

Malamig na wika ko, sabay lakad sa lalakeng nagsalita kanina. Nakangisi siya sakin na ang sarap nilang paslangin ngayon pero kinakalma ko ang mga kamay kong kaninang kanina pa kating kati para pugutan siya ng ulo.

“’Wag niyong pagisipang iligtas ang babaeng ‘to dahil alam niyo na ang mangyayari mga hangal!”

Sigaw ng lalake sabay talikod para masabayan ako sa paglalakad pero ang ibang mga kalaban ay tinututukan parin ang mga kasamahan ko.

Sana mapatawad niyo ako Zeth… Kenzo… Tyler. Ginawa ko lamang ito para protektahan kayo dahil hindi ko gustong ito ang dahilan ng pagkawala niyo sa mundong ‘to.

Nakita ko naman ang ibang kalaban habang naglalakad na papalayo kaya sinundan ko dahil alam kong patungo sila sa hideout.

Hindi ako ako lumingon sa kinaroroonan ng mga kasamahan ko dahil mas lalo lang bibigat ang loob ko, oo masaya ako kung kasama ko sila habang nakikipaglaban pero hindi namin lubos akalain na muntikan na kaming ma-ambush. ‘Yan ang dapat kong alamin sa misteryong ‘to, bakit nila nalaman. Baka si Thalia ang may kagagawan nito? Kung siya niya, ibigsabihin traidor siya.

Tahimik lang ako habang naglalakad habang pinagmamasdan ko lang ang dinadaan ko dahil may simentong daanan na patungo nga siguro ‘to sa hideout ng master mind. May mga light bulb sa mga puno kaya ‘yun ang nagsisilbing ilaw para makita ko ang dinadaanan ko.

Hanggang ngayon, malakas parin ang buhos ng ulan kaya nakaramdam ako ng lamig pero hindi ‘yan ang iniintindi ko ngayon.

Napatingin naman ako unahan kong may naglalakad na mga kalaban at maging sa likuran ko na alam kong sinisigurado nilang hindi ako makatakas.

Sa totoo lang, gusto ko silang paslangin ngayon gamit ang katana ko pero masyadong delikado dahil ang daming matang nakamasid sakin.

“We’re here.” napahinto ako sa paglalakad ko nung matanaw ko ang isang malaking bahay dito sa gubat. Kapansin pansin ang mga bantay na naka aligid sa isang malaking gate.

Kaya huminga ako ng malalim bago ako humakbang ulit dahil ang sama sama ng kutob ko sa mangyayari. May kung ano sa dibdib kong parang kinakabahan na hindi ko maintindihan dahil nandito na ako sa bahay ng mga criminal.

Ilang taon ko ‘to hinanap, hinintay at inaasam kaya hindi ako dapat kabahan.

“Tara na pasok!” uminit ang ulo ko nung hinawakan ako ng isang kalaban sa braso kaya hindi ko na matiis ang kanina ko pang pinipigilan.

Hindi ko napigilang hugutin ang kaliwang katana ko at malakas ko siyang sinipa papalayo sakin. Dahil kaninang kanina pa ako kating kati sa pag patay, mabilis akong humakbang sa kinaroroonan niya at ginalaw ko ang katana ko para matanggal ang ulo niya sa kaniyang katawan.

Sumirit agad ang dugo habang nanginginig na bumagsak ang katawan sa lupa kaya napasinghap ang mga ibang kalabang umaaligid sakin. Kinulayan agad ng dugo ang tubig ulan na nasa lupa at naramdaman ko lang na tinutukan ako ng hand gun sa ulo ng lalakeng parang kanang kamay ng boss nila kaya kalmado kong sinauli ang katana sa lalagyan.

“She’s fast but this is your last day lady.”  Saad niya pero hindi ko siya pinansin at pumasok nalang sa malaking gate na pinagbuksan naman ako ng mga bantay.

“This is your last day too.”

Nakangising saad ko habang nakayukom ang mga kamao ko papasok sa isang pintuang bukas.

Napansin kong nanginginig ang buong katawan ko, hindi dahil sa lamig o takot. ‘Yun ay dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon, gustong gusto ko makita ang lalakeng kagagawan ng lahat.

Pag pasok ko sa loob, tumambad sakin ang dalawang lalake sa harapan ko at bigla nila akong sinuntok sa tiyan kaya napaupo ako sa sahig habang namimilipit.

“Ang utos ni Boss, itali ang babaeng ‘yan gamit ang kadena sa loob ng kwarto niya.”

Rinig kong sabi nila kaya marahas nila akong hinawakan sa magkabilang braso at kinaladkad sa isang bukas na pituan sa loob ng bahay.

Pag pasok ko, napalingon ako sa pader dahil may sagabal sa daan. Tumambad sakin ang malalaking dalawang kadena na nakadikit sa pader kaya tinulak nila ako ‘dun at ni-lock ang mga magkabilang pulsuhan ko gamit ang parang bakal na posas pero naka-attached ‘yun sa malalaking kadena.

Dahan dahan akong umupo sa sahig at inikot ko kaagad ng paningin ang laman ng kwarto.

Kapansin pansin ang isang malaking kama dito sa harapan ko pero malayo ang agwat sa kinaroronan ko. Isang Kamang nababalot ng kulay pulang tela sa paligid na ang tanging makikita ko lang ay ang mga paa ng kama.

“It’s been a while… Sakura.”

Nanlaki ang mga mata kong marinig ko ang napakapamilyar na boses sa loob kama kaya nanindigan ang lahat ng balahibo ko sa katawan habang napapakagat labi.

Nalasahan ko kaagad ang dugo sa sobrang diin ng pagkakakagat ko. Nung marinig ko ang boses na ‘yun, may pumasok na dalawang lalake at tumayo ng tuwid sa magkabilang gilid ng kama.

“Sakura… I’ve been secretly watching you..”

Mas lalo ko pang diniin ang pagkakakagad ko habang hinahabol ko ang sarili kong hininga at sinabayan pa ng mga kamao kong sobrang diin ng pagkakayukom dahil sa natuklasan ko ngayon. Hindi ako nagkamali dahil kilalang kilala ko ang boses na ‘yun.

Dahang dahang tinaas ang harang na tela sa kama ng dalawang lalakeng nakatayo sa magkabilang gilid.

Habang tumataas ang pulang tela, mas lalong literal na lumalabas ang mga ugat ko sa mga braso dahil sa sobrang pagkakayukom ng mga kamao ko.














“Tha…deus….. Sullivian……”













_

Hello Cherries!

Check my Facebook Account: Cherryypinks Uchiha

If you're my reader then you can join my group named: Miss Uchiha's Readers [Cherries Official Group]

Don't forget to vote and Follow me for more upcoming stories!



©cherryypinks

Continue Reading

You'll Also Like

280K 7.2K 60
Chishio Academy is a school for Devils. A school that is forbidden from ordinary human. A school from hell. A school that full of Devils. A school fo...
47.6K 965 131
First time ko po gumawa ng story na may gangster thingy.. Sana suportahan niyo po itong new story ko po na ito. ^__^)b ❤ Kamsahamnida!! Gangster Ser...
56.8M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
187K 4.7K 27
Samantha Lopez was describe by many people as dangerous, scary and heartless. According to them, she is the most dangerous person that they have ever...