Hurts so Good [✓]

By selimwarrior

40.6K 1.1K 249

📖 Read Jigsaw Hearts then Love Scars before reading this if you don't want to be spoiled 📖 [Labruska Twins'... More

SYNOPSIS
Author's Note
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
EPILOGUE
Author's Note

CHAPTER 39

835 23 13
By selimwarrior

Chapter 39

Hurts so Good

Selim Warrior

Savi.

"Happy 29th birthday, Savi." Maligayang bati ni Luxury sa screen. Ka-video call ko siya dahil maulan ngayon at hindi sila basta-bastang makapunta ni Koko.

"Happy birthday rin. Kamusta si Koko?" Biglang tanong ko dahil tatlong buwan na siyang buntis sa pangalawang anak nila ni Luxury. Almost five years old din si Alisa kaya sinubukan na nilang sundan ito.

Seven years old na ang kambal pero kung masusundan pa ang mga iyon? Hindi ko alam. Sila Mom and Dad hindi na kami sinundan dahil ayaw ni Dad na mahirapan si Mommy lalo na may sakit ito sa puso. Anyway, healthy naman kami ni Lux.

Biglang nag-init ang pisngi ko. So iniisip ko na dagdagan pa namin ni Deus ang kambal?

"Okay lang naman. Actually wala talagang kahirap-hirap sa pagbubuntis si Koko. Sobrang lakas ng katawan niya. Iba talaga kapag athletic ang isang tao noh?"

Natawa naman ako. Na-imagine ko kasi si Koko na ayaw magpa-baby kay Lux dahil kaya niya naman halos lahat ng bagay. Marami siyang nagagawa na hindi kaya ng mga ibang babae.

"Pero nagiging moody siya ngayon na buntis siya kaya lagi niya akong sinusungitan?"

"Eh gaya ng?"

"Bakit daw ako nagluto? Siya daw dapat magluluto ngayong umaga dahil birthday ko. Tapos inis na inis siya dahil makalat daw sa kuwarto ni Alisa noong nagising siya. Damn, maliliit na bagay pero ang bilis uminit ng ulo niya."

"Oh? Ganiyan talaga kapag nagka-asawa na."

"Five years na kaming mag-asawa pero aaminin ko, minsan talaga nakakainis si Koko pero siyempre mahal ko siya kaya hindi ko rin siya matiis." Naiiling na sabi niya sa akin.

Sa hindi malamang dahilan ay bumigat naman ang dibdib ko sa usapan namin.

"Oy, 29 na ako pero ganito na lang siguro kami ni Deus." Nakasimangot kong sabi kay Lux. "Hindi niya pa akong binati ng happy birthday. Nakakainis naman."

Mula sa screen ng cellphone ko ay nakita kong humalakhak si Lux. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Naiinis na nga ako eh.

"Naiinip ka na ba? Andiyan ka na eh." Humupa na ang tawa niya nang magsalita siya.

"Ang tagal na namin."

"Kinikilala niyo kasi ang isa't isa. Sa pagsisimula niyo sa mali, gusto lang siguro ni Deus na palitan lahat ng mga malulungkot na memorya mong kasama siya."

Kung ganon ay halos limang taon na rin kaming ganito at maayos na nagsasama. Naiinggit lang siguro ako kay Taylor at Lux na kapwa masaya sa kani-kaniyang buhay mag-asawa. May isang taong gulang na anak na si Taylor na lalake.

"Remember, right time will come. Ilang years ko rin na hinintay si Koko, Savi. Alam mo iyan. Nadelay lang iyong sa'yo pero nandiyan na kaya susuko ka pa ba? Matiisin tayong mga Labruska."

Napangiti na lamang ako. Tama nga naman. Nadelay lang iyong sa akin pero nandito na so anong munumukmok ko? Darating rin siguro kami sa ganon ni Deus pero hihintayin ko na lamang siya kapag handa na kami parehas sa bagay na iyon.

Kung may bagay man na ikinatutuwa ko ngayon ay ang hindi na pagtatanong ng kambal sa kung anong meron sa amin ni Deus ngayon. Masaya na sila na makasama kami parehas.

"Anyway, see you later. Hindi ako tatantanan ni Mommy kapag hindi ako pumunta diyan ngayong birthday natin. Last year sa Japan kami nagcelebrate ni Koko ng birthday ko kaya dito naman ako this year."

Magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi ko namimiss si Lux na lagi ko lang nakikita dito sa bahay noon pero ano pa nga bang magagawa ko? May kani-kaniyang pamilya na kami ngayon at parehas na nag-aadjust sa buhay na meron kami kaya bilang kakambal niya ay susuportahan ko na lamang rin siya katulad ng suportang natanggap ko sa kaniya noong wala pa siyang pamilya.

"Bye. Take care, Lux."

Pagka-end ko ng tawag ay ang sunod-sunod na katok na nagmula sa pintuan ng kuwarto ko. Narinig ko ang hagikhik ni Tori kaya alam kong siya iyon at ang kakambal niyang si Lev.

Pagbukas ko ay naabutan ko si Lev na may hawak na bouquet of roses then si Tori naman ay may dala-dalang papel.

"Happy birthday, Mommy!" Sabay na sabi nilang dalawa kaya automatiko akong napangiti at sabay na ginulo ang buhok nila at yumuko para bigyan sila ng yakap.

"Thank you, Tori and Lev."

They sweetly hugged me back. "What do you want to do today, Mommy?" Lev asked as he handed me the roses so I get it from him.

"You can read my letter for you, Mommy!" Magiliw naman na sabi ni Tori.

"Teka pala, bakit nakaayos kayo?" Tiningnan ko sila na nagtataka. Si Lev ay naka- red polo shirt at maayos na pantalon pero si Tori ay naka-braid ang mahabang buhok nito at nakasuot ng red dress.

"It's your birthday so we dressed like this." Prenteng sagot ni Tori.

"She dragged me into this." Tukoy ni Lev sa mga damit nila.

Napangiwi na lamang ako. "Red is for the celebrant."

Namilog ang mata ni Tori. "I'll just change later then."

Napakamot ako ng noo. Si Lev naman ay sinimangutan si Tori. Madalas napapagalitan ni Lev si Tori dahil pasaway ito. Manang-mana talaga ito kay Lux sa pagiging istrikto at protective sa kakambal niya. Kapag sa pag-aaral naman ay parehas na seryoso ang dalawa at nasa rank 1 si Lev habang si Tori naman ay pumapangalawa sa klase. Madalas silang leader ng mga activities nila sa school. Minsan ay dito pa nila dinadala sa bahay ang mga kaklase nila.

Si Tori ang may maraming kaibigan. Si Lev ang ilag sa mga kaklase nila pero hanggang ngayon ay napakarami pa rin ng babaeng nagkakagusto sa kaniya ayon na rin kay Tori.

"Alisa will be here."

Nagnining naman ang mata ni Tori. "Should I prepare a room for them? Dito ba matutulog si Tita at Tito?"

Tori adores Alisa and treats her like her little sister. Kaya kapag nandito si Alisa ay may instant Kuya at Ate siya. Natutuwa rin ako na si Tori pa nag-alok ngayon na mag-ayos ng kuwarto para sa pinsan niya dahil kailan lang nang matuto itong mag-ayos sa bahay.

Si Lev ay tinuturuan ni Daddy na magluto. Si Tori naman ay lagi kong tinuturuan ng simpleng gawaing bahay para bata pa lamang ay may alam na sila.

"I guess you can fix a room for them."

"How about me?" Lev asked.

"You can do anything you want, Lev. You can help Tori if you want."

"Oh, just help me then." Ani ni Tori at hinila na si Lev habang hawak nito ang kamay ng kapatid.

Nang mawala sila sa paningin ko ay inamoy ko ang roses na ibinigay ni Lev at binuksan ang letter ni Tori sa akin.

Dear Mommy,

Thank you for being the best Mom for me and Lev. You always told me that I'm a Daddy's girl but I just love you as much as I love him. I just want to be with Dad all the time since we don't see each other a lot inside the house. I know we're not a normal family. You and Dad aren't still married and you two had a conflict with each other in the past. Lola told us to be a good kid so we won't hurt you. I love you, Mommy! Happy birthday! I wish you could find your happiness.

Hindi ko namalayan na may luha na palang pumatak sa mga mata ko matapos kong basahin ang simpleng letter ni Tori. Nahanap ko naman na iyong kasiyahan ko at sila iyon.

Bandang hapon na at humupa na rin ang ulan kaninang umaga nang dumating sila Lux na karga pa niya si Alisa samantalang si Koko ay dala-dala ang isang malaking box ng cake. Sinalubong ko naman na siya dahil ayokong masiyadong mapagot ito lalo pa ngayon na buntis siya.

"Pasaway ka talaga. Hayaan mo na iba-baby ka ni Lux kapag buntis ka." Naiiling na bungad ko kay Koko pero natawa lamang siya.

"Ayoko lang naman na iasa sa kaniya iyong mga bagay na kaya ko pang gawin. Asawa pa rin ako ni Lux at dapat may gawin ako kahit na buntis ako."

Napangiti na lamang rin ako dahil may katuwiran naman talaga siya.

"So nasaan si Deus?" Tanong ni Lux pagkababa ko ng cake na dala nila sa table.

"Parating pa---"

"Good afternoon." Biglang bungad ni Deus na may dala-dalang bulaklak.

"Why am I only seeing flowers? It's also my damn birthday." Sabi ni Lux kay Deus pero inilingan lamang siya nito. Ayan na naman si Lux sa pang-aasar niya kay Deus.

"What do you want from me, Labrusca?"

"I just want to tease you, Vergara. Anyway, I'm still expecting a gift from you. I want an expensive gift okay?"

Sinamaan ko naman ng tingin si Lux. "Hey, stop that."

Natawa na lamang si Koko at bahagyang siniko ang asawa.

"Loko ka talaga." Aniya rito.

Pagkababa nila Mommy at sinalubong nila sila Koko at Lux pati na rin ang apo nilang si Alisa.

"Happy birthday, Tita Savi." Cute na sabi ni Alisa sa akin at pinisil ko naman ang pisngi niya.

"Thank you, Alisa."

Yumuko ako sa kaniya at binigyan niya ako ng matunog na halik sa pisngi na ikinangiti ko. Such a sweet kid.

Umupo na kami sa kani-kaniyang upuan. Iyong mga bata ay magkakatabi na agad naman na nilantakan ang spaghetti na nasa table.

"Hey, don't eat yet. Let's pray first." Paalala ko sa mga bata at natigilan naman sila.

Dad lead the prayer and we happily eat together. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang busog. Ang daming nakahanda. Nilabas pa nila Mommy ang inorder nilang lechon at ang hindi mawala-walang pancit, fried chicken, chicken curry at mga inihaw na seafoods sa hapag-kainan namin. Sinamahan pa nang napakaraming putahe ng gulay at ang mga matatamis na desserts maliban sa cake.

Simple lang ang celebration namin ngayon dahil hindi namin naisipan na mag-organize ng party ni Lux dahil na rin siguro sa tumatanda na kami kaya para sa amin ay mas masaya na ang ganitong birthday celebration. Basta magkakasama kami, okay na.

"Any announcements?" Biglang tanong ni Dad. Napatingin naman ako sa pamilya nila Luxury dahil wala namang bago sa amin.

"Meron ba?" Takang tanong ko na naman. Lagi na lang talaga akong napag-iiwanan sa mga information.

Tumikhim si Deus kaya naagaw niya ang atensiyon naming lahat.

"Tita and Tito, will you allow me to take your daughter's hand?"

Naibaba ko ang kubyertos na hawak ko samantalang si Lux naman ay mukhang inaasahan na ang mangyayari. Si Dad at Mommy naman ay kapwa nakangiti sa aming dalawa.

"Why not? You've waited for this aren't you? You promised that you will change for the better and will prove yourself for years just to get our approval. You did enough, Deus."

Namuo ang luha sa mga mata ko dahil sa narinig ko mula kay Daddy. Wala akong alam na may ganong usapan sila ni Deus.

Tumayo si Deus sa kinauupuan niya. Ipinagilid niya ang upuan niya na nasa tabi ko at yumuko sa harapan ko. May inilabas itong maliit na box sa bulsa niya at doon ko nakita ang napakagandang diamond ring.

"Let's get married, Savi. Be my beloved Mrs. Vergara this time." He sweetly asked as my tears start falling from my eyes.

Ilang beses ko pa na pinangarap na mangyari ang araw na ito? Gaano katagal ba ako na naghintay? Sa oras na ito ay hindi ko na maalaala ang maliliit na detalye ng nakaraan pero alam ko ang sagot ko sa kaniya. Alam ko ang laman ng puso ko sa mga oras na ito at ang tanging isinisigaw nito ay ang pangalan niya.

"Of course, Deus. It's a yes."

I can still remember the pain and the happiness we shared together and all of my memories in loving you tell me how it hurts so good.

Tumayo na si Deus at inilagay sa palasingsingan ko ang singsing at hindi ko maiwasan na mamangha habang nakatingin doon. Nabingi ako sa sabay-sabay na palakpakan ng lahat ng nandito sa bahay at ang masayang hagikhikan ng mga bata para sa amin.

Continue Reading

You'll Also Like

60.7K 2K 44
COSTA ESTRELLA SERIES # 1 Being the only heiress of their family's legacy, Thalia Soriano is promised to marry a man that she never met for the sake...
1M 33K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
Loving Heart By MC

Teen Fiction

15.1K 358 63
[COMPLETED] Very hurt and sad, Victoria Elisha Villanueva chose to let go of the man she loves just for her sister, Vallerie Elise Villanueva. Pero h...
108K 1.3K 54
Maria Samantha Fontanilla x Primo Alonzo Russo Young couple who made naive decisions and actions resulting into break up. Years after, they met again...