Hurts so Good [βœ“]

Par selimwarrior

40.6K 1.1K 249

πŸ“– Read Jigsaw Hearts then Love Scars before reading this if you don't want to be spoiled πŸ“– [Labruska Twins'... Plus

SYNOPSIS
Author's Note
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 39
EPILOGUE
Author's Note

CHAPTER 38

789 21 9
Par selimwarrior

Chapter 38

Hurts so Good

Selim Warrior

Savi.

"Congratulations, Mr. and Mrs. Dylan Camello." Kunwari'y formal na bati ko nang makakuha ako ng tiyempo na malapitan sila Taylor at Dylan sa reception.

Sinimangutan naman ako ni Taylor at siniko. "Baliw ka talaga. Nagtatampo ka pa rin?"

"Medyo. Nakakainis ka kasi."

"Dapat sinama mo iyong kambal."

"Eh? Iniwan namin ni Lux iyong magpipinsan kila Daddy."

Natawa naman siya at napailing. "Anyway, salamat sa pagpunta. Sorry inunahan na kita. Ang bagal niyo kasi ni Deus."

Inirapan ko naman siya. "May boyfriend na ako."

Nanlaki naman ang mata niya. "Wow. Just wow. Nakuha mo ng mag-boyfriend kung kailan may anak ka? At sino naman ang malas na lalakeneng iyan?"

Sinamaan ko muli siya ng tingin. Grabe si Taylor. Kung kailan pa nagkaroon na ako ng pag-asa ay tiyaka naman nito nakuhang magbiro.

"Malamang si Deus."

"Kunwari hindi ko in-expect." Natawa siya sa akin at si Dylan naman ay naiiling na lamang habang pinapanood ang asawa.

"Tagal niyo rin bago kinasal. Sobrang nagpakipot si Taylor." Biro ko kay Dylan.

"Che, mas matagal pa rin ang pagpapakipot niyo ni Deus sa isa't isa. Inabot ng twenty seven years grabe!"

"Bakit may pag-atake?" Nakasimangot na sabi ko at kunwaring humawak pa sa dibdib ko at umaktong nasasaktan.

"Sorry, I'm late."

Naagaw ng pansin naming tatlo si Rion na kararating lang. Nakasuot ito ng tuxedo at kulay blonde na ang buhok nito ngunit bumagay sa kaniya dahil sa maputi niyang kutis.

"Andiyan na pala iyong pinsan kong artista." Naiiling na sabi ni Taylor.

Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Rion ngunit bago pa lamang siya makalapit ay may pumulupot ng kamay sa bewang ko.

"Care if I join with the chat?" Kaswal na bungad ni Deus at napailing na lamang ako dahil sa inakto niyang pang-aangkin sa akin maging ang bagong kasal ay nangingiti sa kaniya.

"Grabe simula nang maging sila, sobrang saya ng kambal." Ani naman ni Lux na kakalapit lang sa amin.

Magkahawak kamay silang dalawa ni Koko. Napangiti na lamang ako dahil kahit pinapalibutan ako ng mga married couples ngayon ay wala akong maramdamang inggit.

Kuntento na rin ako eh.

"Savi, hindi na masiyadong speed ang kalandian mo ngayon. Ganon ba kapag kumakalawang na?" Nang-aasar na tanong sa akin ni Taylor.

"Maybe she just learn to be happy in small things. Seriously, kuntento na kayo?" Tanong naman ni Koko.

Si Rion naman ay tahimik lang na nakangiti habang nasa amin ang atensiyon.

"If you don't still have a plan to tie the knot maybe I should go first?" Rion joked.

Lumapit si Taylor sa kaniya at pabirong sinikuan ito. "Maawa ka na kay Savi. Nilampasan na siya ni Lux, nilampasan ko pa."

"Wala namang problema sa akin. Meron ka na bang ipakikilala sa amin, Rion?" Makahulugan ko namang tanong sa kaniya at pilyong ngumiti ito sa amin.

"I can get any girl I want now."

"Kapal ng mukha mo." Masungit naman na sabi ni Taylor at natawa na lamang kami. Namiss ko lang rin iyong ganitong biruan namin na magkakaibigan dahil parehas na kaming mga busy sa kani-kaniyang buhay.

Mabilis lang natapos ang program sa reception at nagsi-uwian na rin kaming mga bisita. Nasa loob na kami ng sasakyan ni Deus nang tumunog ang telepono niyang nakapatong sa gilid ng manibela. Paalis na sana kami at pauwi na rin sa bahay.

Hindi nakawala iyon sa gilid ng mata ko at nabasa ko ang pangalan ng tumatawag sa kaniya.

Leana is calling...

Tiningnan ko siya at maging siya ay nagulat nang magtama ang paningin naming dalawa. Iyon tingin ko sa kaniya ay nanghihingi ng eksplenasiyon. Hindi ko inaasahan na may contact pa rin pala talaga silang dalawa.

"Should I just drop the call?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.

Ilang taon na rin ang lumipas. Akala ko ay okay na ako sa ganitong bagay. Akala ko kapag tumagal ay hindi ko na magagawa pang makaramdam ng selos at muling masaktan dahil kay Leana pero nagkamali ako. May kaunting kirot pa rin pala.

Hindi pa rin sinasagot ni Deus ang tawag at nanatili itong naghihintay ng sagot ko hanggang sa namatay ang tawag. Inabot niya ang palad ko at marahang pinisil iyon.

"Things are different now, Savi."

Hindi ako makapagsalita. Nahihiya ako kasi feeling ko bumalik ako sa pagiging immature. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Dapat iniintindi ko na lamaang siya dahil boyfriend ko na si Deus ngayon. Dapat pagkatiwalaan ko siya.

"Nagseselos pa rin ako sa kaniya, Deus."

Bumuntong-hininga naman siya ngunit hindi niya binibitiwan ang palad ko.

"Naiintindihan ko na hindi maganda ang nakaraan nating dalawa. Maliwanag rin sa akin kung gaano kita nasaktan nang sobra dahil sa pagmamahal ko noon sa kaniya pero Savi, trust me please. Noong araw na sinabi kong ikaw na, seryoso ako doon."

Unti-unti nang gumaan ang nararamdaman ko at maliit na ngumiti sa kaniya.

"Deus, when did you realize that it's already me?" Pagkuwa'y tanong ko sa kaniya.

"I don't know."

Napasimangot ako. "Bakit ba kasi ganiyan ka sumagot?"

"It sounds cheezy."

"Gusto namin ng cheezy. Hindi ka rin ba naging ganon kay Leana?"

"Stop comparing yourself with her. Hindi mawawala ang insecurities mo kapag ganiyan ka." Seryosong sabi niya sa akin kaya natigilan ako. Hindi ko talaga mapigilan eh.

"Leana is my first love, my ex. She might be the greatest girl that I've loved before but you know that you are my girl right now and that's the most important. I won't commit myself with you if I'm not sure about what I feel towards you."

"But you've never told those three words for me even before."

"Would that make you feel better?"

Hindi ako nakapagsalita. Iyon nga ba talaga ang makakapag-patigil sa akin sa pag-iisip ng kung ano-ano tungkol sa kanila ni Leana?

"Are words already enough for you?" Pag-uulit niya.

Bumuntong-hininga ako. "I don't know."

"Come closer."

Nagtataka man ay lumapit pa rin ako sa kaniya.

"Look at me."

Tinitigan ko siya at ayan na naman ang seryosong mukha niya na nakatingin sa akin. Dati ko ng alam na mas bata sa akin ng isang taon si Deus at ate lamang ang tingin niya nito sa akin pero hindi talaga mawala-wala sa kaniya ang nakaka-intimidate nitong aura na isa sa nagustuhan ko sa kaniya.

"You are Savi Labrusca, mother of our twins and my girlfriend right now. You are stronger than that. You have confidence and I promise to not cheat on you again."

"You are Deus Vergara, and you're only mine okay?" Nakasimagot na tugon ko sa sinabi niya. Natawa naman siya.

"Alright."

Inilapit niya ang mukha niya sa akin at mabilis akong dinampian ng halik sa labi. Marahan lamang iyon pero sapat na para dumaloy ang bolta-boltaheng kuryente sa katawan ko at magsiliparan ang mga paru-paru sa loob ng sikmura ko.

"I will rarely say these words for you but I want you to know that I love you, Savi."

Kumawala na ang ngiti ko at hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya. He finally said the magic words. I'm so happy.

"Mahal na mahal din kita, Deus. Mula noon, hanggang ngayon. Ikaw lang."

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
1M 33K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
382K 20.1K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.2M 44.5K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...