Love at its Greatest (Love Se...

By FGirlWriter

504K 17.6K 2.7K

Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig na kinakalimutan na ng mundo? Written ©️ 2020 More

Le Début
Prologue: When is love the greatest?
Chapter 1: City of Love
Chapter 2: Changing Love
Chapter 3: Unacknowledged Love
Chapter 4: Persistent Love
Chapter 5: To be Loved, Love
Chapter 6: Returning Love
Chapter 7: Bruised Love
Chapter 8: Benevolent Love
Chapter 9: Tainted Love
Chapter 10: Beautiful Love
Chapter 11: Love and Intrigues
Chapter 12: Love and Secrets
Chapter 13: Love and Lies
Chapter 14: Love and Reputation
Chapter 15: Love and Revelations
Chapter 16: Love and Home
Chapter 17: Love and Doubts
Chapter 18: Love and Exposition
Chapter 19: Love and Chances
Chapter 21: Your Love Restores Me
Chapter 22: My Love Trusts in You
Chapter 23: Your Love Chose Me
Chapter 24: My Love Begins With You
Chapter 25: Your Love Never Fails
Epilogue: Love at its Greatest

Chapter 20: Love and Strength

12.5K 600 153
By FGirlWriter

Chapter 20: Love and Strength

MY MIGHTY FATHER, God of Heaven,

Give me wisdom and strength.

Today marks the first month since the email that circulated around the office tainted my name and shamed my reputation. Sa totoo lang po, I'm still curious who did it and why someone is so strongly against me. You know, Lord, that at the first few days since I found out about it, I'm crying in anger. I was thinking that once the culprit was unmasked, I don't know if I can forgive.

Pero nitong mga nakaraang araw, Panginoon, sa nangyaring mission na kasama si Terrence, hindi ko akalain na kaya po pala naming patawarin si Minnah. Actually, Lord, I never felt anger towards her... kahit no'ng under surveillance pa siya. I didn't feel any fear that she can harm or seduce my husband. Aside from I have confidence in Terrence as a man of God, I didn't feel being jealous with Minnah even though they were in love in the past once.

Nagtataka na nga rin po ako kung bakit wala akong threat na naramdaman. But I know one thing's for sure, I have that unbelievable peace because of You, God. You gave me strength to ignore my doubts, be more trusting in You to be able give compassion and grace, instead.

Is this character development for me, my Lord? Oh! I want to believe so. I know that not all women can be this secure when it comes to their love lives, but thank You, Lord. Knowing you and having a personal relationship with you (bonus na pong pati si Terrence ay sa'yo lang din nakakapit), I was able to understand where my real security and strength to be confident lies—sa Inyo lang po.

Terrence's faithfulness gives me peace, as well. His lifetime commitment with me is his lifetime commitment to You. Kaya po tapat ang pagmamahal niya sa'kin dahil unang-una pong tapat ang pananampalataya niya sa Inyo.

And I never thought I'll say this but that's the true kilig I would always want to feel.

Sana po mas marami pang lalaki ang lumapit sa Inyo, Panginoon. That once they received Jesus in their lives, You can empower them, give them the wisdom and strength they need to be a faithful man of God.

Alam ko pong sa panahon ngayon, mas maraming lalaki ang kailangang mag-stand to glorify your name, Lord. Alam kong mas maraming lalaki ngayon ang kailangan ng tamang gabay mula sa inyo, to be a good example of an honest leader—sa pamilya nila, sa mga asawa nila, sa trabaho nila, at kung saan Niyo pa po silang planong gamitin.

Last night, Terrence shared his devotion highlight to me. I was refreshed with the word You reminded him;

In 1 John 2:15, "Do not love this world nor the things it offers you, for when you love the world, you do not have the love of the Father in you."

In my current social status and wealth, Lord, it is easy for me to seek revenge against the person/s behind the email. In this world, I have all the right to get angry and punish all the people who believed in that rumor and persecuted me easily. Who would not love that? To get even?

But this verse struck so hard. I can't love revenge. I can't love the rights that this world dictates. I can't love my pride and anger.... Because I already love You.

You are the love that patiently waited for me to come back to You. Your lovingkindness must reflect in me if I truly love You.

You're not just a god that I worship, but You are the God that I have a deep relationship with.

I know You hate how the world twisted Your words, but still, You continued to love and forgive them through Your son, Jesus Christ. Who am I to love what You hate and to hate what You love?

The ones who can truly forgive are the ones who have a personal relationship with the Lord.

Because we know You deeply and intimately, we must understand first-hand why is it essential to forgive, no matter how hard and difficult it is.

For the ones who defamed me, I'm now ready, Lord. Kung sino man po siya o sila, magpapatawad po ako. I hate what they did, but I don't have to necessarily hate the person/people. I was reminded that You only hate the sin, but not the sinner.

Since you have given me enough strength to show compassion and grace, instead of anger and hate towards Minnah, I know You will do it again once the culprit was named.

There's just too much love that is overflowing in my heart from Yours, Lord God. Help me to extend this love, even to my enemies, more.

Your love is stronger than anything. Therefore, with You, I will be at my strongest!

Help me remember that you allowed these things to happen, not just for me, but for the benefit of the people who were involved as well.

I will be strong to forgive. Again, and again. Because I have been forgiven by You, Lord. Again, and again.

Amen!

Eunice smiled as she finished writing on her prayer journal. Nagbo-voice record pa rin naman siya sa Akuou. But this prayer is more personal and specific, kaya naman mas mabuting isulat at gawing pribado. Lalo na ngayong alam ni Eunice na maraming tao ang naka-follow sa kanya sa naturang app. Hindi na lang si Terrence ang nakikinig, pero mas marami pang tao.

As the days went by, Eunice can't deny that she also enjoyed sharing some of her personal reflections—the general ones, to people in Akuou. At least, she can share her testimony and faith this way. She can still serve the Lord, kahit sa ganitong paraan. Technology is a blessing, basta talaga nagagamit ng tama.

She put down her pen and closed her journal. Tumayo siya at sumilip sa labas ng bintana. Unti-unti nang sumisikat ang araw, sinasakop ng liwanag ang dilim...

The view of the sunrise will always be the best representation how Jesus can overcome every darkness, and that God's mercies are new every morning!

"You look very happy," Terrence commented. Magkasabay silang kumakain ng breakfast na hinanda ni Ruth sa kanila bago ito lumabas para mamalengke.

Napabaling siya sa asawa. Mas naging maluwag ang mga ngiti. "Really?"

Tumango ito at mas tinititigan siya. "You're glowing, too."

"I just had a great devo earlier! It was a great conversation with God," sabay kindat dito. "Patagal nang patagal, mas humahaba na rin ang oras 'ko to spend time with the Lord. Para ngang bitin pa."

Hinaplos-haplos nito ang mahaba niyang buhok. "That's good to know, baby. I am happy seeing you this happy with your relationship with the Lord. Hindi ako nagseselos."

Natawa siya. "Dapat talaga, hindi. Ako rin hindi nagseselos sa relationship niyo." Sinundot niya ang pisngi nito. "Kaya huwag ka na ring masungit kay Minnah. Secured naman ako. Kahit ngitian mo siya, may peace of mind naman ako."

"Hindi naman ako masungit."

Inubos na ni Eunice ang vegetable salad. "Hindi daw!" She reached for her vitamins. "Huwag ka na masungit kay Minnah. Be nice, pastor engineer."

Napangisi ito. "Tawag niya sa'kin iyan dati."

She's drinking her orange juice. "Tawag nino?"

"Ni Minnah. When we were younger, she playfully calls me 'pastor engineer'. Then, everyone was rooting for me to be one. Lalo na daw siya."

"Kahit ngayon naman, we are rooting for you!" She cupped his face. "I won't mind if you start to get a proper education na in a Bible School or seminary."

Nagkibit-balikat ito. "I'll pray and fast for that. Though, my small group leader was asking me to try."

"Go for it! If you're looking for a sign, this is it."

Natawa ito at napailing-iling. "What's your plan for today?" he asked. Terrence will bond with his cousins today, hence, she's going to be left alone in the house. Wala din si Ruth dahil may mga inaasikaso ito.

"I'll try to contact Soleil, again. Madam Lilou informed me na nakabalik na si Sol sa trabaho, so I want to know how she's doing. Kung kumusta na puso niya. Then, I will also send a message to Addie. Kukumustahin ko lang din siya." Kahit hindi naman mababasa 'yon ng kaibigan. But still, it's not bad to still try. Hindi naman napapagod si Eunice. Addie and Soleil are her best friends; therefore, she'll always love and care for them.

"Magvi-video call din kami ni Tita Gena for a Dgroup session and bible study." Hmm... Lahat pala ng iyon ay magagawa niya bago magtanghalian. "Siguro, for the afternoon, pupunta na lang ako sa beach! Para din makadaan ako kina Frances. I can help her with Cyla and her triplets. Hmm... ano pa ba? Oh! Can I visit Minnah? Gusto ko lang din siya kumustahin."

Tatlong araw na ang lumipas nang huling makausap nila ito. Terrence asked Eunice to give Minnah time to be alone and reflect on her own.

Terrence shrugged. "Ikaw ang bahala."

Lumabi siya. "Huwag ka naman ganyan kay Minnah, sabi mo, maganda naman ang pinagsamahan niyo. Sa kanya ang pinaka-pure na relationship, saka clean break-up."

He suspiciously looked at her. "Is this a trap?"

"Huh?"

Sumingkit ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. "Inaabangan mong may magandang sabihin ako tungkol sa ex-girlfriend ko, tapos bigla mo 'kong aawayin. Hindi ba ganoon kayong mga babae?"

Nanlaki ang mga mata niya at nahampas ito sa braso. "I'm not like that kaya!"

Ngingisi ito at hinalikan siya sa kamay. "I'm kidding. Do whatever you want. As long as you're safe, I'm also okay with that."

Niyakap niya ito at hinalikan sa pisngi. "You're the coolest husband ever! I love you!"

Pagkatapos sunduin ni Peter si Terrence ay nagpatuloy si Eunice sa mga dapat niyang gawin sa araw na iyon.

Hello, Soleil! How are you doing?

You haven't return any of my emails yet. I guess, you're too busy with work now. How's everybody treating you? I hope no one's bullying you around there anymore.

How's your heart? If you want someone to talk to, call me! I'm always here, ready to listen!

Anyway, just reply anytime you're available. I miss you, mon ami! A bientot!

Always praying for you, xoxo.

After sending, she wrote an email for Addie, too.

Hi, Addie! Soleil and I miss you. I hope you're safe and sound, and happy wherever you are with Caelan. Sana magkita-kita na tayo nina Sol ulit. Kahit kailan mo gusto. Ikaw lang naman ang hinihintay namin. At palagi ka naming hihintayin na bumalik.

We love you! Always praying for you. xoxo.

She prayed before sending the message. Sana mag-reply na ito.

Tita Gena started a video call later on. Biglang na-miss ni Eunice ang mga kasamahan sa discipleship group nang makitang sama-sama ang mga ito. Madaling araw ngayon sa Paris at nagdesisyon ang small group na magkaroon ng dawn watch at prayer time.

After two to three hours, natapos na ang session at nagpaalam na si Eunice kina Tita Gena. Mabuti na lang at walang internet interruption kaya walang naging abala sa session nila, praise God!

Tama ang kalkulasyon niyang matatapos ang lahat ng plano niya nang kalahating araw lang. Kaya naman pagkatapos makasalo si Ruth sa tanghalian ay inaya niya itong lumabas. Pero tumanggi ito dahil madami pa daw itong gagawin.

"Sumakay ka lang ng isang jeep at isang tricycle papunta sa dalampasigan. Basta sabihin mo sa bahay ni Matthew, alam na iyon ng mga driver dito."

"Alright! Thanks, Ruth. I'll see you later."

Sinunod niya lang ang sinabi ni Ruth. Wala pang twenty-minutes ay nakarating na siya sa dalampasigan. May dala siyang beach bag at may panligo siya doon.

"Frances!" tawag niya sa babae nang makita niya itong nagsasampay sa labas ng bahay.

"Eunice! Buti nakarating ka ngayon." Kumikinang ang mga mata nito. "Tignan mo, dumating na 'yung automatic washing machine na in-order ko online."

Sumilip siya sa gilid ng bahay at nakita ang medyo malaking washing machine. "Wow! That looks nice."

"Totoo! Ang dami kong nalabhan ngayon."

"You look happy," nakangiting sabi niya. "Kumusta na kayo ni Matthew?"

"Sa pagbalik niya dito at saka ko siya kakausapin nang masinsinan. Pero sa tingin ko hindi ako inis sa kanya ngayon. Siya ang nagbayad nitong washing machine."

Natawa si Eunice. "How much it cost him?"

"Eighteen thousand plus shipping fee!" ang laki ng ngisi nito.

Wow. Natatawa na lang siya habang napapailing. "May matutulong ba 'ko sa'yo?"

"Maybe you can play with the kids inside. Tapos saka tayo magtampisaw sa beach."

"Sure?"

Tumango ito at masayang bumalik sa washing machine. Inilagay lang nito ang mga itim na damit sa loob. Then there are two small compartments. Ang isa ay nilagyan nito ng detergent powder, ang isa ay fabric conditioner. Sinara nito ang washing machine at saka may pinindot na mga buttons.

"Ang dali lang, hindi ba? Pagkatapos nito, diretsong sampay na!" Humarap ito sa kanya. "Maghihintay lang ako ng 45 minutes. Dapat siguro bumili na rin ako ng dryer para nasabay sa binayaran ni Matt."

"Ikaw talaga." Natatawa na lang si Eunice at saka pumasok sa loob ng bahay. Nadatnan niya si Cyla na nanonood ng T.V. habang binabantayan ang mga kapatid nito.

Binigyan niya ng tig-isang halik ang mga bata. Eunice had fun playing with the babies. Ang bilis lumaki ng triplets! Ang bibigat na din kahit wala pang isang taon.

"Mommy Eunice, when are you going to have a baby, again?" Cyla curiously asked. "Papa wants to have a baby—"

"Cyla," biglang tawag dito ni Frances. Ang tono ay parang nananaway. "You give your Mommy Eunice some fresh buko juice. 'Yung ginawa natin kanina. Kuha ka na sa ref. Malamig na 'yon."

Tumayo ang bata. "Okay, Mama!"

"Pasensya ka na kay Cyla, ha?" ani Frances.

Binuhat ni Eunice ang isang baby boy. "Bakit ka naman nag-so-sorry? It's okay. Bata pa naman si Cyla at hindi naman sensitive sa'kin ang topic."

"Ah, hindi naman sa sensitive. Alam mo naman tayong mga babae, nakaka-pressure kapag natatanong ng ganoon."

Hindi naman siya nakaka-feel ng pressure. "Ang usapan namin ni Terrence, pagkatapos kong mag-serve sa Paris, two years from now, susubukan namin ulit. I'm just twenty-four, anyway. Wala rin naman kaming hinahabol."

"That's good to hear! At least, you still want to have a baby."

"Oo naman!" nakangiti niyang sabi. "Ayoko na nga mag-exercise at gusto kong kumain nang maraming-marami. But I really need to watch out for my health and regulate my PCOS. Para sa susunod na baby, handang-handa na talaga ako. Maybe after two years, my body already adjusted na."

"Paano kung mabuntis ka ngayon o mas maaga kaysa sa inaasahan? Uuwi ka na dito sa Pilipinas for good?"

Tumango siya. "But I think hindi pa kami makaka-conceive ngayon ni Terrence. Hindi ako madaling mabuntis because of my condition."

Napatango-tango ito. "Anyway, you're glowing. Halatang masayang-masaya ka, Eunice. Kaya alam mo, masaya din akong makita that Terrence ended up with a woman like you. He's a low-key hopeless romantic ever since. Pangarap niya talaga na mapakasalan ang babae na para sa kanya. No doubt, ikaw 'yon."

"Buko juice is here!" Cyla announced while carrying a tray. She gave her a cold glass. "Here's for you, Mommy."

"Thank you, sweetie."

"Here's for you, Mama." Inabutan din nito si Frances. "And here's mine!"

"Ang bilis lumaki ni Cyla," ani Eunice. She looked at her stepdaughter's brown eyes. "Can I ask a question, Frances?"

"Sure," anito habang inilalagay nito ang isang triplet sa loob ng sang crib.

"Nung nasa relationship ba kayo ni Terrence noon, ganito din siya katulad ngayon?" Bigla lang naging curious si Eunice kaya natanong niya kay Frances. "Malambing? Attentive? Snob sa ibang babae?"

Natawa ito. "Medyo! Kaso praning-praning ako kaya lagi ko siyang inaaway."

Nagkatawanan sila.

"Hindi lang talaga glorifying kay Lord ang relationship namin. Hindi din Christ-centered. Pero ever since, todo-bigay talaga si Terrence magmahal. Motto yata niya, 'love and love until you die.'"

Nagkatawanan na naman sila.

"Madaming nagsasabi na he's too ideal."

"Ayaw mo ba niyon? Terrence serving the standard!"

Napangiti siya. "I know." Proud naman siya sa asawa.

"Madami man siyang minahal bago ka, Eunice, pero ikaw lang ang pinakasalan."

Naikot niya ang mga mata. "Wala naman siyang choice noon."

"Hindi, ano! Puwede siyang tumakbo bago ang kasal. Kung totoong galit siya sa'yo, puwede siyang hindi sumipot at hayaan kang mapahiya. Kapag ayaw niya, ayaw niya. Eh, gusto ka niya? Indenial lang. Kasi he feels bad for Rachelle before."

"Minahal din talaga niya si Rachelle."

"Minahal din naman niya 'ko at si Minnah. But his love for you will always be greater kahit pagsama-samahin mo 'yung naging pagmamahal niya sa'ming tatlo." Nameywang ito. "If Terrence believed that I was the one for him, he could have waited for me to come back. But he chose to move on. Si Matthew lang talaga naghintay sa'kin." Napakurap-kurap si Frances na parang may na-realize.

Napangiti si Eunice. "Are you going to forgive Matthew na?"

Napanguso ito. "May mga naiwan pa sa online cart ko na pang-Christmas gift. Si Matthew pa kailangang magbayad ng lahat ng iyon."

"Mommy, Mama, look! It's not hot outside. We can have a swim!" Cyla excitedly squealed.

"Oo nga! Eunice, mauna na kayo ni Cyla sa pagligo. Magsasampay lang ako."

"You don't need help with the triplets?"

"Kaya ko na 'to! Go on and enjoy."

Nang nasa dagat na sila ni Cyla at nagpaulit-ulit ang mga sinabi ni Frances sa isip ni Eunice. Iyon ang unang beses na napag-usapan nila si Terrence.

Before, it seems kind of awkward. Frances is still the mother of Terrence's first child. But now, it felt like natural. Parang wala lang. It felt good that they are all Christians now and the issues of the past can never bother them anymore.

Mas marami pa siyang nalaman. Mas minahal niya pa lalo si Terrence.

"Mommy, look! I can float!" Cyla proudly said. Nag-float ang buong katawan nito sa tubig.

Napangiti siya at lumapit dito. Cyla linked them all together. The Lord really gave Cyla to Terrence and Frances for a reason... such as this. Eunice learned to love and be comfortable around kids. It felt like a training. Para pagdating ng susunod nilang anak ni Terrence, she's ready and equipped!

Niyakap niya si Cyla. "What do you want to be when you grow up, sweetie?" malambing niyang tanong dito.

"I want to be like you, Mommy! You make beautiful clothes. I want that, too. Mama said I can be like you, she supports me."

"Aww! That's so sweet of you and your Mama."

Yumakap sa leeg niya si Cyla. "I love you, Mommy. I'm really happy I have two mamas and two papas. And the triplets, and our baby angel, and you're going to have babies with Papa, too."

Tumango siya. "I would love some babies, too. Pero baka matagal pa. You can wait naman, right?"

Humagikgik ito. "I will pray. Gusto ko, now!"

Natawa si Eunice at kiniliti ito sa ilalim ng tubig. Bumalot ang mga tawa nito sa buong dalampasigan.

"I will always pray, Mommy. I will make kulit to Jesus. Papa said he wants you to have babies now. So, you will not be far, far away."

Napahinto si Eunice. "W-What? When did your Papa said that?"

Nilapit nito ang bibig sa tainga niya. Bumulong ng mahinang mahina. "I heard Papa and Daddy Matt talking before. Papa's crying one night because he misses you. He wants you to go home. Paris is very, very far, Mommy. I don't like you to be that far away, too. But Papa said you're serving Jesus, that's okay."

T-Totoo ba ang sinasabi nito? Wala namang sinasabi sa kanya si Terrence! Ang alam niya ay wala namang problema? They have addressed the long-distance relationship before, and they have settled the issue.

Or siya lang ang settled? Hindi si Terrence?

Hindi alam ni Eunice kung paano sasagot sa "trivia" nito. Eksaktong lumapit sa kanila si Frances at naki-tampisaw. Nasa tatlong baby neck-floaters ang triplets na mukhang hindi takot sa tubig. Kumakawag-kawag pa ang mga binti't braso ng mga baby.

Lumipat ng yakap si Cyla kay Frances. Eunice just assisted the babies. She set aside what Cyla said for a while. Nagbukas ng ibang topic si Frances, or nag-rant na naman ito tungkol kay Matthew kaya naman naiba na din ang focus niya.

Isang oras bago bumaba ang araw ay nagpaalam na si Eunice sa mag-iina. She promised to visit again tomorrow. Nag-text na rin si Terrence na pauwi na daw ito.

Mabilis siyang nakasakay ng tricycle at jeep. Medyo maliwanag pa nang ibinaba siya sa mismong tapat ng burol kung nasaan ang safe house.

Napatingin siya sa dala niyang hamburger at fries na ginawa nila ni Frances kanina pagkatapos mag-swimming. Mainit pa iyon at baka puwede niyang ialok kay Minnah?

Without second doubts, her foot stepped forward. Nakita niya ang dalawang pulis na nagbabantay kay Minnah at bumati siya. Bumati rin pabalik ang mga ito at hinayaan lang siya sa pag-akyat.

Pagdating niya sa taas ay nakaupo si Minnah sa kung saan ito madalas umupo. Nakatitig lang ito sa kawalan. Tahimik at siguro ay nag-iisip.

"Hi, Minnah," bati niya sa babae.

Napalingon ito sa kanya pero parang hindi na nagulat. "Nandito ka na naman..."

Mas lumapit siya dito. "May dala akong pagkain. Kain tayo?"

Tumayo ito. "Hindi mo kailangang mag-abala."

"Hindi naman ako naabala. This is an apology gift also. I think Terrence was too masungit last time."

Nagkibit-balikat ito. Napatingin sa dala niyang pagkain. Suminghot ito na tila naamoy kung ano ang nasa loob. "A-Ano iyan?"

Binuksan niya ang container. "Mini hamburgers and fries."

Napakurap ito. Parang may kislap sa mga mata pero agad na itinago. Tumikhim ito at inilayo ang tingin. "S-Salamat... Pero huwag ka masyadong mabait sa'kin. Kriminal pa rin ako."

"Kung gusto mo 'kong saktan, noon mo pa sana ginawa. Kaya, kain na tayo?" Umupo siya sa inuupuan nito kung saan naaabot ng paningin ang ilang magagandang tanawin. "It's nice in here! Kaya pala lagi kang nandito. Nakakawala ng stress ang tanawin!"

Umupo ito sa kabilang dulo ng mahabang bangko. Inilagay niya sa gitna nila ang pagkain. Eunice picked some French fries and pushed the food closer to Minnah's side.

"Pasensya ka na pala sa 'sermon' namin ni Terrence noong isang araw. Sabi niya, dati ka namang Christian kaya dapat daw na diretsang sinasabi sa'yo ang mga sinabi namin. Sorry if it we were too pushy or harsh."

Umiling si Minnah. "Matagal na rin akong hindi nakakarinig ng ganoong 'sermon'." Kumuha ito ng dalawang mini-burgers. "I was reminded kahit papaano... Ang tagal na rin nang huli akong makarinig ng salita ng Diyos. Masakit, pero 'yon ang kailangan ko."

Eunice looked inside her bag and grabbed her pocket Bible. "Here. Sa'yo na lang para may mabasa ka dito. For sure, you have accepted Jesus again in your life. And you're thirsty for His words."

Natigil ito sa pagkagat ng burger at napatingin sa inaabot niyang pocket Bible. Umangat ang kamay nito at kinuha 'yon. "S-Salamat..." Her eyes sparked again, but Minnah's good at hiding it.

Lihim na napangiti na lang si Eunice at binalik ang paningin sa tanawin.

"Bakit mo 'to ginagawa?" tanong ni Minnah sa kanya. "Alam kong mabuti kang tao, Eunice, pero hindi mo naman ikakasama kung pababayaan mo lang ako."

Napalingon siya dito.

Minnah looked confused while looking down at the Bible she gave her. "Alam kong hindi ka din naman inutusan ni Terrence na gawin 'to."

"Kailangan ba may rason para kumustahin ang isang kapatid sa pananampalataya?" Napangiti siya. "Wow, I said that straight Tagalog. Not conyo!"

Umangat ang gilid ng labi nito, pero pilit pinigilan. Minnah blinked. "Terrence did end up with a Godly woman. Alam kong pangarap niya 'yon."

"I was not even a Christian when we got married," Eunice admitted. "Kung isusulat ko ang kabuuan ng mga pinagdaanan namin bago kami makarating dito, baka kailangan ng book one at book two," she chuckled.

Napatingala siya sa langit. Naalala niya si Rachelle at kung gaano kabuti ang puso nito. "Malayo ako sa pinapangarap ni Terrence. Si Rachelle dapat ang kasama niya. Pero sumingit lang ako."

Eunice ended up telling her story to Minnah. Napansin niyang mataman itong nakikinig habang tuloy-tuloy ang pagkain ng burger at fries.

"Look at that road," turo niya sa hindi kalayuang daan mula sa Pook Estrella. "Doon kami na-aksidente ni Terrence before. He was in coma because of that. And while he's in deep sleep, I surrendered my life to Christ. Hinintay kong magising si Terrence. Praise God, he woke up! Doon natapos ang trial namin sa love."

"And you lived happily ever after?" Minnah asked. Mukhang nakuha niya ang interes nito.

"Hindi. May book 2 pa." Eunice laughed at her own joke. "Trial naman sa faith!"

Parang gustong makitawa ni Minnah pero pinipigilan nito. Parang ayaw nitong ipakita sa kanya ang pagka-aliw nito sa kuwento niya.

"Mukhang nalagpasan niyo din. Dahil ang solid niyo ngayon," Minnah commented.

"Yeah..." Napangiti si Eunice at pinanood ang magandang sunset. "Feeling ko ngayon, may trial naman ng hope."

"Hope?"

Tumango siya. "Hope para sa mga taong nasa paligid namin... Kung hanggang saan ang hope namin sa mga taong kailangang bumalik sa Diyos." Sabay baling niya dito. "You're one of them, Minnah. We really hope that you did not turn your back completely from the Lord. Sa tingin ko gusto naman ni Terrence na share-an ka ulit ng gospel. Kaya hinahayaan niya lang ako pumunta dito dahil alam niyang iyon din ang gagawin ko."

Napayuko si Minnah.

"Siguro may mga pansariling rason din ako." Now that Eunice realized it... "I have two best friends in Paris. I really wanted to share Jesus to them. But things happen and I missed some chances. Puwede ko pa rin namang gawin pagbalik ko sa Paris. Sa tingin ko lang, nasayang ko ang oras. Madaming missed opportunities.

"And now, that I have the opportunity to talk about God to someone, I don't want to miss it. Kaya ko siguro ginagawa 'to, Minnah."

Napabuntong-hininga ito. "I'm not your friend."

Nagkibit balikat siya. "Perhaps we share something in common."

"Parehas tayong mahilig sa brown eyes?"

"Dapat pala kasama natin si Frances!"

Natawa si Eunice. Minnah chuckled. Little by little, she's opening up. She can feel it.

"Anong pinaka-pinagdadasal mo ngayon?" Eunice gently asked.

Tumanaw sa malayo si Minnah. "Gusto kong makasama ang anak ko ngayong Pasko. Kahit isang buong linggo lang. Dahil alam kong hindi ko siya makakasama araw-araw kapag nakulong din ako."

"Ilang taon na ang anak mo?"

"Jericho's already four." Napangiti ito. Tila inaalala ang anak nito. "Kaya ako nagpakasal kay Tristan sa ibang bansa dahil nabuntis ako. Hindi ko naman alam na gang leader pala siya dito sa Pilipinas. When I wanted to run away, it's too late. Nilayo sa'kin ni Tristan si Jericho. And the only way for me to see my son and for Tristan not to hurt him, was to blindly follow my husband's evil deeds. Nawalan din ako ng isa pang baby dahil pinilit ipina-abort ng asawa ko. Sagabal daw ang pagbubuntis ko sa mga plano ng grupo."

Napasinghap si Eunice at tumayo ang balahibo sa katawan. But Minnah didn't even cry nor her voice cracked. Tila manhid na ito sa mga nangyari sa buhay nito.

"Doon na ako huminto magdasal, Eunice. I lost hope that God can rescue me from my husband. Hindi ko ma-ipaglaban si Jericho, hindi ko na-protektahan ang pangalawa kong baby."

"Kaya 'yung alam ng mga dati kong kakilala na buhay ko? Na masaya akong may pamilya, may dalawang anak sa States? Iyon ang pinaniwala ko sa kanila dahil iyon sana ang buhay ko kung hindi lang mas mahal ng asawa ko ang pera. Ang tanging mahalaga lang sa kanya ay ang yumaman at maging makapangyarihan...

"Bakit ako napunta sa ganoong tao, Eunice? I served the Lord with all my heart when I was younger... Pumunta ako sa ibang bansa to have a better life and share Him... But why did God allowed me to end up with my evil husband?"

Napayuko si Eunice. Kahit diretso ang boses ni Minnah at walang emosyon, siya naman ang nasasaktan. Sumisikip ang dibdib niya at nagtutubig ang gilid ng mga mata niya....

"Pero tapos na. Huminto na 'ko sa pagtatanong, Eunice. Gusto kong makita at makasama si Jericho. I pray that God would let me be with my s-son now..." That's when Minnah's voice cracked. "Kahit ngayong P-Pasko lang. I really miss my son. Isang taon ko na siyang hindi nakikita at nayayakap. Anak ko lang ang rason bakit hindi ako tuluyang nagpasakop sa dilim."

"Minnah..."

Tumingala ito at pumikit. "Lord, ibigay mo na sa'kin 'to, please? Please! Let me be with my s-son, Lord. Gustong-gusto ko na po siyang makita. Gustong-gusto ko na po siyang m-makasama." Pumiyok ito. Her tears flowing down from her eyes. "Lord, please! Gusto ko pong makasama ang anak ko. Please! Lord, please listen to me."

Lumapit si Eunice kay Minnah at hinawakan ito sa balikat. She remained quiet as Minnah desperately prayed and cried to be with her child.

Eunice silently prayed that God would hear Minnah's cry and give her more strength as she waits for His answers.

Minnah and Eunice really have something in common.

They have the same prayer.

♥♥♥

SA SUMUNOD na mga araw, mas madalas nang nakikita ni Eunice si Minnah na ngumingiti. Hindi na ulit nila napag-usapan ang tungkol sa anak nito. But Eunice was able to share the word of God to her. Ang ilan ay alam na din naman nito. Dinadalhan niya rin ito ng french fries at binigyan niya ito ng ingredients para makagawa ng burger. Mukha kasing paborito nito iyon.

"Bakit parang mas marami kang time kay Minnah kaysa sa'kin?" tanong ni Terrence habang nagbabalat siya ng patatas para gawing mojos.

Lumabi si Eunice. "Hindi kaya. I just visit her for two hours. We have some bible study. Gusto mo bang sumama?"

Umiling si Terrence at hinawi ang buong buhok niya sa isang side ng balikat niya.

"I'm just keeping her company habang may time pa. Kasi Christmas na next week, sunod-sunod na ang handaan at kainan sa mga kamag-anak mo. Busy na tayo. Pagkatapos naman ng Pasko, ibabalik na siya sa Manila para sa hearing ng kaso. Sana magawan ni Matthew ng paraan para magkita si Minnah at ang anak niya bago iyon."

"We can keep on praying about it. Hindi lang makapangako si Matthew dahil nasa ibang bansa ang bata."

Napapikit siya. "Lord, please, Lord." Pinagsalikop niya ang mga kamay. "Please let Minnah see her son for Christmas."

Pagdilat niya ay nakatitig sa kanya ang asawa.

"Why?" she asked.

Umiling lang ito at ngumiti. Tumulong ito sa pagbabalat niya ng patatas.

Biglang pumasok sa isip niya ang mga sinabi ni Cyla noong isang araw.

"Terrence..."

"Hmm?"

"Sa tingin ko may dapat tayong pag-usapan. Hindi ko lang pinapansin no'ng una, pero parang hindi natin puwede iwasan."

Napatingin ito sa kanya mula sa pagbabalat. "About what?"

"I think we have to resolve—"

Tumunog ang cellphone ni Eunice. Nakabukas pala ang Wi-Fi kaya may pumasok na email at nag-notify. Hindi niya sana papansin pero nanlaki ang mata niya nang makita kung sino ang nag-email.

"It's Addie!" bulalas niya. Kumabog ng malakas ang puso niya. "Terrence, Addie finally replied!"

Mukhang na-excite din ang asawa para sa kanya. His eyes widened. Alam nito kung gaano niya ipinagdadasal iyon. "What did she say?"

Huminga muna nang malalim si Eunice. Hinanda niya ang sarili sa kung ano man ang mababasa.

Sana hindi na galit sa kanya si Addie...

She opened the email.

She read it, hoping it contains a message of reconciliation...

However, as she read until the end of the message, her smiles faded.

Nanghina ang mga tuhod niya at bumuway siya sa pagkakatayo. Napahigpit ang hawak niya sa phone.

"Eunice!" Agad siyang naalalayan ni Terrence. "Baby, what's wrong?"

Is it possible to hear your heart reaping apart?

Eunice, nakausap ko si Lucien no'ng isang araw. I saw him at a bar and casino. Lasing na lasing. Nadulas siyang sabihin sa'kin na nalaman niyang... si Soleil ang naninira sa'yo. He collected enough evidences.

Soleil's the one behind the email and pictures that circulated around GHC, Eunice. But Lucien does not know how to say it. He does not want you to get hurt.

As for me, you deserve to know it. I might hate your guts now, pero hindi kita sasaksakin patalikod kahit kailan. I hate people like that.

Soleil is not a friend, Eunice. She's a traitor!

At her second read, she can't think straight. Umikot ang paningin niya, sumama ang sikmura sa nabasa.

Kinuha ni Terrence ang cellphone mula sa kanya. Binasa nito ang email at napatiim-bagang.

"Eunice..."

She wanted to cry, but... it's just... too... Paanong nagawa ni Soleil sa kanya iyon? She's her... best friend...

Umikot ulit ang paligid niya.

Hindi niya na alam kung anong sumunod na nangyari.

Nagising na lang siya na may babaeng doktor ang nakatunghay sa kanya, base sa suot nitong doctor's coat.

Nasa kuwarto siya ng ancestral house, nakahiga sa gitna ng kama nila ni Terrence.

"You're awake! Ang tagal mo ding nawalan ng malay."

Nang maalala niya kung bakit siya nawalan ng malay, sumakit na naman ang dibdib niya.

"D-Did my husband called you, Doc? I'm sorry for the bother..."

"Wala iyon. He can't wake you up. Kaya nataranta na siya at tumawag sa health center malapit. How are you feeling now?"

"I think I just need to rest." Napahawak siya sa noo. "May nalaman lang po akong m-masamang... b-balita."

Nanghihina na naman ang pakiramdam ni Eunice.

Totoo ba ang sinasabi ni Addie? O gusto lang nitong pagsirain sila ni Soleil? Pero hindi naman gawain ni Addie ang ganoon.

Paano niya kakausapin si Soleil ngayon? Kapag nagtanong ba siya ng diretso ay aamin ito?

Kaya ba hindi na siya nito pinapansin mula nang umuwi siya ng Pilipinas? Pagkatapos ng lahat ng tulong at dasal na ibinigay niya...

Paano nitong nagawa sa kanya iyon? Mula ba umpisa si Eunice lang naniniwalang kaibigan niya si Soleil?

Siya lang ba ang tumuring na kaibigan pero ito ay hindi naman talaga kaibigan ang tingin sa kanya?

Napailing-iling siya.

Lord God, I can't process...

"Maybe good news can counter the bad news." May inilabas ito mula sa bag. "I felt something in your pulse. Hindi ko pa lang sinasabi sa asawa mo. I just want to confirm first."

Pagkuwa'y inabutan siya nito ng dalawang pregnancy test kit!

Nanlaki ang mga mata ni Eunice at napatingala sa doktora. Lalo siyang walang ma-proseso!

"W-What...?"

Ngumiti ang doktor. "Posibleng nagdadalang-tao ka, Mrs. Aranzamendez."

Oh, no. 

She wanted to pass out, again.


***

Let's get connected!

Official FB Pages: FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

488K 4.4K 130
This book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible vers...
28.6K 2K 28
Masaya namumuhay si Deina Roberta Lincoln bilang Manager ng isang Crestview Enterprise Company isang kilalang malaking Kompanya sa buong mundo. Hindi...
3.2M 88.2K 21
Ang fangirl na si Pamela, paanong makikipag-agawan ng lupa sa car racer idol niyang si River Avilla? Ipaglalaban niya ba ang karapatan ng pamilya nil...
24.1K 1.1K 21
Midnight tripping na hindi dapat pinapatulan lalo na kung hindi pa midnight. ♥♥♥ 11/15/2022