Back to You

By JhayeBii

12.3K 474 111

How long would it take for you to finally say, LOVE DESERVES A SECOND CHANCE? It all started when a 16-year o... More

Back to You (Overview)
Prologue
Chapter 1: My Trip to Manila
Chapter 2: The Campus Bad Boy
Chapter 3: The First Time We Met
Chapter 4: Destiny? No, It's Coincidence!
Chapter 5: First Day of School
Chapter 6: The Cupid Heartthrobs
Chapter 7: His Sweetdreams and Her Nightmare
Chapter 8: 101%
Chapter 9: Getting To Know Her
Chapter 10: Lovers in Clinic
Chapter 11: The Basketball Issue (Part 1)
Chapter 12: The Basketball Issue (Part 2)
Chapter 13: The Clash Between Scyde and Jhayden
Chapter 14: Sincerity is in the Eyes
Chapter 15: I Won't Leave You
Chapter 16: The First Date (Part 1)
Chapter 18: The First Date (Part 3)
New Story!
Chapter 18: The First Date (Part 3)
Announcement

Chapter 17: The First Date (Part 2)

267 14 2
By JhayeBii

MEICAH

Halos naikot na namin ni Scyde ang buong Manila. Napuntahan na rin namin yung mga sikat na lugar dito at masasabi kong ang ganda talaga dito. Kaso meron pa daw kaming pupuntahan na dalawang lugar. Kapag naman tinatanong ko siya kung saan, ayaw niya naman sabihin sa akin. Surprise daw. Baliw talaga yung si Scyde.

Natupad na yung isa sa mga hiling ko sa buhay ko—yung makapasyal sa buong Manila. Pero bakit ganun? Parang feeling ko hindi pa rin ako masaya? Haaay. Ang hirap naman ng ganitong pakiramdam.

Naupo ako sa isa sa mga upuan dito sa Luneta Park habang kinakain ang ice cream na binili namin kanina, at nakatingin sa mga taong nasa park din na naglilibot. Ang saya-saya nila tingnang lahat. Sana masaya din ako katulad nila.

Naramdaman kong umupo si Scyde sa tabi ko kaya napalingon ako sa kanya. Gaya niya, sa mga ngiti niya ngayon ay masasabi mong masaya talaga siya.

"Bakit?" Tanong niya nang mapansin niyang nakatingin ako.

Muntik na akong mabulunan sa ice cream na kinakain ko. Paano ba naman kasi, ang dungis ng mukha ni Scyde. Para siyang bata kung kumain ng ice cream. Dahil dun, natawa ako bigla. Grabe talaga 'tong lalaking 'to. Kahit na malungkot ako, napapatawa niya pa rin ako.

"Oh? Anong nakakatawa diyan?" He asked curiously. Napatigil ako at napatingin uli sa kanya. Mukha nga siyang walang alam sa itsura niya.

"Kasi ang dungis mo!" Sabay tawa ko ulit. "Punasan mo nga yang bibig mo. Para kang clown."

Natawa na lang din siya sa sinabi ko. Kumuha siya ng tissue at ipinunas sa bibig niya.

"Wala na?" Tanong niya sa akin pertaining to his face. Umiling lang ako.

"E 'di yan, napangiti na din kita." Sabi niya ng may ngiti din sa mukha. "You seemed so lonely today which makes me bother. May problema ka ba?"

Napayuko na lang ako sa sinabi ni Scyde. Napansin niya din pala na tahimik at mukhang malungkot ako. Ewan ko ba pero, hindi ata maganda ang pakiramdam ko ngayon.

Lalo pa siyang lumapit sa akin. Halos magkatabing-magkatabi na kami.

"Tell me. What's the matter? Di mo ba nagustuhan 'tong ginawa ko sa'yo? Ayaw mo na ba akong kasama?" Nakasimangot na tanong niya sa akin. Nagdadrama na naman si timang.

"Grabe ka naman. Hindi sa ganun, Scyde." Reklamo ko sa kanya. "Naalala ko lang kasi yung nangyari nung nakaraan e. Yung nakulong ako sa loob ng madilim na room. Hindi pa kasi ako nakaka-recover sa nangyari. Kaya hanggang ngayon... natatakot pa rin ako." Paliwanag ko sa kanya.

Ang totoo niyan, ang sabi ng mga doktor sa gaya ko na may phobia, it takes time para makalimot sa mga pangyayaring nakapagpalala ng phobia namin. Yung iba months ang itinatagal, pero may mga case na weeks lang. At yung sa akin, hindi ko alam kung gaano tatagal. Pero sabi sa akin ng psychologist ko, agad akong makaka-recover kung may taong makakapagpasaya sa akin ng todo. Kaso parang ang hirap namang gawin yun. Siguro hintayin ko na lang na gumaling ako.

I heard him sigh. Haaay. Pati tuloy siya naaapektuhan sa akin.

"Meicah, I'm sorry." He apologized at hinawakan niya yung kamay ko na agad namang nagpabilis ng tibok ng puso ko. "Alam ko kasalanan ko yung nangyari sa'yo nung araw na yun. Dapat hindi kita iniwan e. Pero sana bigyan mo ako ng pagkakataong makabawi sa'yo. Bigyan mo ako ng pagkakataong pasayahin ka ngayon."

I looked straight on his eyes. Dun ko naramdaman na sincere talaga siya sa mga sinasabi niya. And that makes me confortable this time.

Ngumiti ako. "Talaga? Sige paano?" I challenged him.

Napaisip siya saglit. Halata mong seryoso. Maya-maya ay ngumiti siya sa akin ng makaisip na ng gagawin.

"Di ba sabi ko may dalawa pa tayong lugar na pupuntahan?" Tinanong siya sa akin. Tumango lang ako nang maalala ko.

"Tara! May surprise ako sa'yo." Sabay hila niya sa kamay ko.

Halos makaladkad na niya ako. Grabe naman kasi siya kung humila. Parang mapuputol na kamay ko!

"Sakay na." Sabi niya nang makarating kami sa motor na dala niya.

Napailing ako at napaatras bigla. Sa totoo lang, ayoko nang sumakay sa motor na yan dahil maaga akong mamamatay sa sobrang bilis niyang magpatakbo. Feeling ko para akong lilipad!

"Dali na sakay na." Sabay hila na naman niya sa kamay ko. Kaya wala na akong gumawa kung hindi sumakay na talaga. Waaaaa! Bahala na kung mamatay agad. Kasama ko naman siya.

"Humawak ka sa akin." Mabilis niyang sinabi. At dahil nga sa mabilis ay hindi ko naintindihan.

"Ha? Ano yun?" Pagpapaulit ko. Pero hindi niya ako sinagot and he just shrugged.

"Tsk. Ako na nga!"

Naramdaman ko na lang na bigla niyang hinila yung dalawa kong kamay na nasa gilid ko at iniyakap yun sa kanya. Sumubsob pa nga yung mukha ko sa likod niya.

Feeling ko bigla na naman akong nanigas. OMG. Am I right? Nakayakap ako sa kanya? Gosh! Feeling ko anytime pwede akong mag-collapse dito sa sobrang kakiligan!

At gaya nga ng kinatatakutan ko, hinarurot niya yung motor paalis ng Luneta Park. Halos hindi ako makahinga sa sobrang bilis nito at feeling ko malalaglag yung puso ko. Grabe, kaskasero talaga siya!

Sa sobrang bilis niyang magpatakbo ay mas napapayakap ako ng mas mahigpit sa kanya.

"You scared?" Tanong niya sa akin habang nasa gitna kami ng daan. "Ang higpit kasi ng yakap mo sa akin. Pati tuloy abs ko naiipit." Sabay tawa niya bigla.

Napadilat naman ako ng mata sa sinabi niya. Iniangat ko ang ulo ko mula sa pagkakahiga sa likod niya sabay titig sa kanya ng masama.

"Hoy ang yabang mo talaga!" Sigaw ko sa kanya. Ang hangin talaga nitong lalaking 'to. Pero in fairness, may abs nga siya. Nararamdaman ko dahil sa nakayakap ako sa tiyan niya. Yummmmy. Pahingi ngang kanin. LOL. Lande. :'3

Kailangan pa naming magsigawan kapag mag-uusap para magkarinigan dahil sobrang ingay ng mga kotse sa daan.

"Scyde bagalan mo lang! Wag mo akong papatayin agad! Marami pa akong pangarap sa buhay!"

Sa dami ng sinabi ko ang nagawa niya lang ay pagtawanan ako. Sira ulo talaga 'tong lalaking 'to.

"Syempre hindi kita hahayaang mamatay. Pakakasalan pa kaya kita." Sabay ngiti niya.

Actually hindi ko talaga naintindihan yung sinabi niya sa sobrang ingay ng paligid. Ang naramdaman ko lang ay yung biglang pagtibok ng puso ko sa sinabi niya.

"Ano nga ulit yun? Di ko naintindihan e." Pagpapaulit ko sa kanya.

"Wala! Sabi ko kapag namatay ka, pakape na lang ako. Haha!" Sabay tawa niya ulit. Hinampas ko naman siya sa braso. Ang sama talaga ng ugali niya! Pero parang hindi yun yung narinig kong sinabi niya e. Hay naku, kailangan ko nang maglinis ng tenga ko.

Dahil nga sa mabilis siya magpatakbo ng motor, nahuli tuloy kami ng pulis dahil overspeeding daw. Yan pasaway kasi!

"Lisensya mo?" Maangas na tanong nung pulis. Wala naman naging reaksiyon si Scyde at walang expression ang mukha niya habang kinukuha yung wallet niya. Bakit parang kalmado lang siya ngayon?

Iniabot ni Scyde yung lisensya niya sa pulis. Napansin kong parang nagulat yung pulis sa nakita niya.

"Ay, ikaw pala 'yan, Sir Ravelo. Pasensiya na po." Sabay kamot nito sa kalbo niyang ulo.

Napakunot ang noo ko. Wow ha. Biglang bumait si kuya nung nalamang Ravelo siya? Bakit kaya?

"Ang lakas mo sa Manila ha." Pang-aasar ko sa kanya.

"Syempre. Ako pa!" He smirked sabay harurot ng motor niya.

* * *

"Finally, we're here." Sabi niya ng may malaking ngiti sa mukha habang nakatingala.

Tumingin ako kung saan siya nakatingin at sumalubong sa mga mata ko ang isang napakalaking mall  na nasa aking harapan.

"A-ano 'to?" I asked, clueless on the situation.

"Probinsiyana ka talaga. This is what they call, Mall of Asia." Nanlaki ang mata ko bigla.

"Mall of Asia?!" Pagpapaulit ko.

"Yup. At dito natin itutuloy yung date nating dalawa." Ngumiti na naman siya. "Tara na!" Tapos bigla niya akong hinila papasok sa loob.

OMG. Yung term na 'date'? Mag-sink in ka na sa akin please.

Parang nag-O shape yung bibig ko nang makapasok kami. Namangha ako sa nakita ko. Ang laki ng mall at ito na ata ang pinakamalaking mall na napuntahan ko! Dati napapanuod ko lang siya sa mga balita pero eto, nakapasok na ako ngayon.

"Where are we going first?" Tanong ni Scyde habang nililibot ang mata sa paligid.

Nagtaas-balikat lang ako. Actually hindi ko din alam kung anong uunahin namin. Sa laki ba naman ng MOA di mo alam kung saan ka pupunta.

"Dun tayo!" Sabay turo naming dalawa sa magkaibang direksiyon. Nagkatinginan tuloy kami.

"Hindi, dun muna tayo. Maganda dun." Pagmamapilit niya tapos bigla niyang hinila yung kamay ko. Buti na lang, nabawi ko agad yun.

"Ayoko. Gusto ko dun tayo." Pagmamatigas ko. Para kaming mga bata na naghihilahan dito. Ang kulit niya kasi! Ayaw pumayag na dun nga kami!

"Sige, ganto na lang. Let's have a deal." Suggestion niya tapos may kinuha siya sa bulsa niya. Isang barya.

"Ano naman yan?" Pagmamataray na tanong ko habang naka-cross arms.

Itinaas niya yung baryang hawak niya.

"Toss coin tayo. Kapag tao, akin ka. Kapag ibon, sa'yo na ko." Sabay ngiti niya ng nakakaloko na naman.

[Plug time: read TOSS COIN by APOLJOY. Maganda po yan. :)]

"Ha?"

"Ay este—sabi ko kapag tao 'to, panalo ka. Pero kapag ibon 'to, susundin mo ako. Game?" Tumango lang ako. Bahala na kung anong lalabas.

Inihagis niya pataas yung barya. At nang mahulog ay sinalo niya yung gamit ang isang kamay.

Dahan-dahan niyang binuksan. At ang lumabas...

"I win." Kainis, talo ako.

Napasimangot ako. Wala naman akong nagawa, panalo siya e. Susunod na lang ako sa kanya.

And what do I expect kung saan niya ako dadalhin? Walang iba kung 'di sa... Timezone. Mga lalaki talaga, mahilig sa laro. Pero okay lang, cause you know I love the players, and he love the game.

Naglaro lang siya dun nang naglaro habang ako ay pinapanood naman siya. Mukha namang nag-e-enjoy siya kaya hinayaan ko na lang. Nang maubos na yung tokens niya ay nanahimik siya. Para siyang bata na bigla na lang naubusan ng barya.

"Isa na lang." Nakasimangot na sinabi niya sa akin habang hawak niya yung last token niya.

"Anong gagawin mo diyan?" Tanong ko.

Naghanap siya ng pwede pang laruin. While searching, something caught his eyes. Napatingin din ako kung saan siya nakalingon.

Basketball Game.

"Uy, sigurado kang maglalaro ka niyan?" Nag-aalala kong tanong. "Di pa magaling yang braso mo. Baka sumakit na naman."

Ngumiti lang siya sa akin.

"Don't worry. Kaya ko." Tapos umalis siya at pumwesto na dun. Hay naku, pasaway talaga siya kahit kelan.

Inihulog niya yung last token niya at nagsimula nang mag-shoot ng bola. Nung una, kinakabahan ko dahil baka hindi niya kaya. Pero nang tumagal, halos malaglag na ang panga ko dahil sa sobrang galing niya mag-shoot ng bola.

Effortless. Yun lang yung masasabi ko. Na-beat niya na rin yung record na nandun sa screen sa ilang minuto lang. Napapatingin na din yung mga tao sa paligid namin. Lahat sila sinasabi na ang galing daw ni Scyde mag-basketball. Grabe, siya na talaga.

Nagulat ako nang sa gitna ng paglalaro niya ay bigla siyang tumigil at napahawak sa kaliwang braso niya. Naalarma ako bigla.

"Bakit, Scyde?" Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya. "Okay ka lang ba ha? May masakit ba sa'yo?"

He shook his head.

"Don't worry, I'm okay. Nangawit lang ako, ayaw ata akong paalisin ng game na 'to." Sabay tawa niya.

"Ang galing mo kasi!" Pinuri ko pa siya. "Tama na nga yan. Baka kung ano pang mangyari sa'yo. Pinag-aalala mo pa ako."

"Hahaha! Sige na nga. Masusunod po, Ma'am!" Sabay saludo niya na parang sundalo. Abnormal talaga.

Nang matapos siya maglaro, lumabas na kung ilang points yung na-shoot niya sa screen.

3,720 points. Grabe, halimaw! Dahil sa score na yun halos iluwa na ng machine lahat ng tickets na nasa loob. Pati yung mga taong nakatingin nagulat din.

Ipinalit namin yung mga tickets. All in all, nakakuha si Scyde ng 2,500 tickets.

Habang busy si Scyde sa pagpili ng ipapalit, napatingin ako sa kaliwang side ko at nanlaki ang mata ko nang makakita ako ng isang napalaking stuffed toy na Domo!

Halos tumalon ako sa tuwa. Gusto ko yun kaso napasimangot ako nang makita ko na kailangan pa ng 10,000 tickets para makuha siya. Haaaay. Sayang naman.

"Uy, nakasimangot ka na naman?" Scyde said it while frowning at me. "Para sa'yo pala."

May inabot siya sa akin na isang dilaw na stuffed toy. Saka ko lang napansin kung ano yun nang tanggapin ko mula sa kamay niya. Isang Pikachu. Yun ata yung naipalit niya sa tickets niya.

"Ang cute niya noh? Parang ikaw." Sabi ni Scyde sabay hawak sa batok niya. Namula ako bigla.

"Hay naku. Yan ka na naman. Kaya ka matawag na basketball player kasi mambobola ka." Tinulak ko yung mukha niya. Natawa na lang siya sa sinabi ko. Hilig kasing mag-joke.

Pero aaminin ko. Kilig to the bones ako dun.

Matapos nun ay umalis na kami. Napalingon ulit ako sa Domo na stuffed toy habang papalayo. Uwaaa! Gusto ko talaga yun! Kung may magagawa lang sana ako. (T___T)

Naglibot-libot pa kami sa loob ng Timezone. Medyo mas malaki namang Timezone 'to kung ikukumpara sa ibang mall. Medyo nakakapagod din pala maglakad.

"Bakit ang tahimik mo?" He said, breaking the silence between us. Napatingin ako sa kanya at napansin kong parang galit na siya ngayon. "Kanina pa tayo magkasama pero ni hindi pa kita nakitang ngumiti ng sincere kahit isang beses."

Nagulat ako. Iba na yung tono ng boses niya ngayon.

"Hi-hindi, Scyde. Nagkakamali—"

"Kung ayaw mo yung ginagawa ko, sabihin mo lang. Mukha na kasi akong tanga dito na ginagawa ang lahat mapangiti ka lang pero ikaw, parang wala namang pakialam." After that, he walked away from me.

I was stuck in the moment when he said that. Feeling ko nanghina ako bigla sa sinabi niya. I felt guilty. He seemed so cheerful since this morning habang ako, eto, nagpapakalungkot sa nangyari nung nakaraan. Siya na nga 'tong nag-e-effort na pasayahin ako, habang ako naman parang hindi na-a-appreciate yung ginagawa niya.

I shook my head, leaving those bad memories of yesterday. Kailangan kong mag-sorry kay Scyde. Feeling ko sobrang importante ako sa kanya dahil sa mga ginagawa niya sa akin kaya dapat mapasaya ko din siya ngayong araw.

"Scyde!" I called him. Pero hindi siya lumingon at patuloy pa rin siya sa paglalakad. Shocks, mukhang galit talaga.

"Scyde, wait lang." I grabbed his hand. Napansin kong nakakunot na ang noo niya nang magkaharap kami.

I sighed first before looking straight on his eyes, penetrating those two-circle-brown eyes of him while saying,

"I'm sorry." Sincere kong sinabi saka yumuko. Wala na akong dapat i-explain. Alam na niya yun.

After a minute, naramdaman ko na lang na hinawakan niya yung kamay ko kaya naman napatingala ako sa kanya.

"Sige na.  Bati na tayo. Alam mo namang hindi kita matitiis e." Kinurot niya yung pisngi ko. Ako naman 'tong si baliw, kinilig na naman sa ginawa niya. "Ano bang gusto mong gawin ko para makita ko ulit yung matamis at sincere na ngiti mo? Kahit ano gagawin ko, just tell  me."

Napaisip ako. Wala naman siya kailangang gawin para ngumiti ako kasi makita ko lang siya napapangiti na ako. Sige bahala na nga!

Inilibot ko ang mga mata ko, kaliwa't-kanan. Maya-maya ay napangiti ako nang makuha ang atensiyon ko ng isang game sa Timezone.

X-Box.

"Sumayaw ka dun." Sabay turo ko sa X-Box. Napalingon naman siya.

"What the f:)ck!" He exhausted. "Like, seriously?"

"Yup!" Sagot ko ng mabilis. "Bakit? Siguro hindi mo kaya." Pang-aasar ko pa.

Napansin kong parang nag-iba yung mga tingin niya sa akin. Yung tingin bang parang na-cha-challenge siya.

"Ow. You dare me?"

"Yes, I dare you." Pagtataray ko.

"Well, watch me. At simulan mo nang magdasal ngayon dahil kapag nagawa ko 'to, may kiss ako sa'yo." He smirked then walked away again.

Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. Ano daw?! Kiss?! OMG. He's such a pervert! Anong kiss diyan? Kiskisin niya mukha niya. Pero don't worry Meicah, hindi niya magagawa yan. Si Scyde magsasayaw? Hahaha! Tawa much. XD na, LOL pa.

Pero dati naisip ko na din yun. Halos kasi lahat ng miyembro ng Cupid Heartthrobs ay talented. Si Rhenz magaling sa mga music instrument, si Paul model at indorser sa tv, si Jeronne magaling mag-drawing. Si Scyde? Ewan ko. Magaling silang apat na mag-basketball pero aside from that, ano pa kayang talent ni Scyde?

Nagbalik lang ang pag-iisip ko nang marinig kong may nagtitilian sa harap ng X-Box. Napalingon ako at nakita kong pinagkakaguluhan si Scyde habang tumutugtog ang intro ng sayaw na... Gentleman?!

Lumapit pa ako sa kanya para mas makita ko siya ng malapitan. Halos mahulog ang panga naming lahat nang simulan niyang gayahin yung steps sa screen. Ito lang ang masasabi ko: ang galing niya sumayaw!

Shocks, hindi ko alam na may hidden talent pala si Scyde! Dinaig niya pa ata si Enrique Gil sa pagsayaw ng Gentleman. At nung chorus na? Halos mahimatay lahat ng babae sa sobrang kakiligan. Yung iba vini-video pa siya. Grabe naman kasi, ang hot at ang sexy niya tingnan kapag sumasayaw. Yan tuloy, na-i-in love na naman ako. Anubeyen. (>/////

Sa totoo lang napangiti na niya ako ng todo ngayon. At yung effort niya, dinagdagan yung halaga niya sa puso ko.

Nang matapos na siyang sumayaw ay naglakad siya papunta sa direksiyon ko. Nagulat ako dahil sa harap ng maraming tao ay hinawakan niya yung dalawa kong pisngi at inilapit ang mukha ko sa mukha niya saka sinabing,

"Now, where's my kiss?"

At narinig ko na lang na nagtilian bigla yung mga tao sa paligid ko.

__________
END OF CHAPTER 17. :)

So there, I hope you're happy now, guys. Salamat sa mga patuloy na nagbabasa. ^^

I just wanna give some info guys. Di ko kasi alam kung ako o yung wattpad ang may problema. XD Minsan kasi may instances na nagkakadikit yung words sa story ko. Na-encounter niyo rin ba? So kailangan ko siyang i-edit kaya mapapansin niyo na parang laging nababago yung every chapters ng story. Gusto ko kasi na laging presentable yung work ko at hindi kayo mahirapan na magbasa. Hope you understand guys.

Good News! May ipinamimigay po kaming bag tags. Example na design ay yung picture na naka-attach sa chapter na 'to. May isa pang design kaso ginagawa pa po. Kung taga-Rizal o malapit kayo sa Rizal area pwede kayong humingi. Just visit the fb page of BTY and message the admins of it. Don't worry, mababait po sila.

So how's chapter 17? Let me know your reactions with the hashtag #BTYTheFirstDayPart2 and #BTYKiligOverload. Don't forget to vote and like our page. :)

Actually dapat hanggang Part 2 lang ang First Date. Kaso dahil sa may mga nag-request, may Part 3 na siya! Yey!

Thank you Backers! :*

- JB

Continue Reading

You'll Also Like

803K 38.3K 26
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
48M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...