Deceive me, Love (Buenavista...

By Eishstories

151K 1.9K 1.2K

First book of Buenavista Series Saint lost her trust in love when she caught her boyfriend cheating during Ma... More

Deceive me, Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 18

2.9K 43 40
By Eishstories

Chapter 18
Buenavista


"Congratulations, Saint!" sabay talon ni Willow habang yakap-yakap ako.

"Congratulations, Willow." I smiled when she pulled away.

Hanggang ngayon, hindi ko lubos maisip na natapos kami sa napakahirap na kursong 'to. Kay rami ko ring iniyak, puyat at pagod sa loob ng apat na taon. At ngayon na opisyal na kaming tapos, nakakalungkot isipin na bilang na lang ang araw ko kasama sila, ang mga batchmates ko. They've been my family somehow.

"Pero may review pa bukas," sumimangot niyang saad.

Natawa ako. "Oo. Ang importante ay umuusad tayo, hindi ba?"

Last year pa kami nagstart sa review. Plano ng faculty na ipagpatuloy ang rank one streak namin sa board exam. Nakakapresure lalo na't successful ang batch last year sa NLE.

At sa nagdaang mga buwan, hindi ko na namamalayang routine na ang buhay namin. Review, tulog at kain, iyon lang, walang pahi-pahinga.

It's worth it, I must say. In the end, we ranked first in NLE with fourteen of my batchmates in the top ten. At kami pa lang ang nakakagawa no'n sa buong CON kaya malaking karangalan para sa buong university.

Parang kailan lang ay umiiyak ako sa board exam. Pero ngayon na ganap na akong nurse at lisensiyado na, masasabi kong mas mahirap pa ang trabaho kaysa sa pag-aaral. This isn't what I imagine our job to be. It is... too demanding with little to no compensation whatsoever.

Malungkot akong tinignan ni Mama. She sighed tiredly. Pagod na siguro sa pagkumbinsi sa akin na samahan siya Canada.

"You need to hurry up and join us here. Malungkot kasi rito. Mabuti na lang at madalas ang pagbisita ni Willow sa akin."

I nodded. "Sa susunod na natin pag-uusapan, Ma. At pabisitahin mo lang si Willow kung nalulungkot-"

"Pero iba kung ikaw," pampahabag damdamin niya.

Mama migrated to Canada on my second year of nursing school. Binenta rin ang bahay kaya mag-isa ako sa condo na kinuha niya malapit sa QualiMed Hospital kung saan ako nagtatrabaho ngayon.

Suminghap siya ulit. "O siya, aalis pa kami ng Uncle mo. Sana sa susunod kong tawag ay may kongkreto ka nang plano?"

"Ingat kayo, Mama." I gave her a geniune smile and ended the call.

Tumatak sa akin ang gustong mangyari ni Mama. Siguro nga ay dapat na sumunod na ako sa kanila ni Willow sa Canada. But I still need to finish my contract with QualiMed, matatagalan pa.

"Uuwi ka, Saint? May meeting pa tayo at baka hanapin ka pa nila sa 'kin?" si Emma nang palabas na ako ng ward.

Si Emma lang ang ka-close kong nurse staff. Ang iba kasi naming kasamahan, lantadan ang inis sa akin, pinaparingan ako parati. They aren't shy to shove their hate down my throat, though, I often let it slide. Hinahayaan ko dahil pagod akong makipagtalo sa walang kuwentang mga bagay.

"Napagod kasi ako sa shift kanina, ang toxic ng bantay. I-cover mo na lang ako? Puwede?" malapad ang ngiti ko sa kanya.

Ngumuso siya bahagya. "Uh, sige? Basta paghinanap ka ni Doc, ikaw na mag-explain sa kaniya kung ba't wala ka?"

Tumango ako. "Oo. Ako ang bahala,"

When I signed up to study nursing, I really thought being a people person was all it takes to succeed, but hell, you need more than that. Kailangan ng mahabang pagpapasensiya sa lahat ng bagay. Kung wala kang pagpasensiya, ikaw lang ang talo, susubukin ka talaga ng kapalaran araw-araw.

Para akong lutang sa videocall namin ni Willow ngayon. Sana pala ay hindi ko na lang tinanggap ang tawag niya kung ganito ako ka haggard. Pupunain niya lang kasi 'yan panigurado.

"Natutulog ka na sa estado mong 'yan?" nakahalukipkip niyang tanong.

Wala akong oras matulog nang kay haba?

"I will apply for a leave soon, Willow." dinala ko ang laptop sa hita. "Ikaw, kumusta? Kumusta ang Canada? Malamig?"

Mabilis kong iniba ko topic. Mabuti at kinagat niya rin naman kaagad. Her face immediately light up when I mentioned my interest of Canada. Parehas lang sila ni Mama na minamadali akong magdesisyon.

She pouted. "Well, it's waiting for you already. Ikaw lang naman ang ayaw," sumimsim pa sa wine. "And by the way, nakarating na ang package na bigay ko, hindi ba? Ngayon mo na lang buksan para makita ko ang reaksyon mo."

Natigilan ako sa paraan nang pagngisi niya.

"Willow..." pagbanta ko sa nag-aamba niyang pang-aasar.

Humalakhak siya sabay baba ng wine flute sa gilid niya.

"Ilang taon na ang lumipas pero kung makareact ka sa akin dito ay parang kahapon lang nangyari? Hindi ba ay may Doc ka naman ngayon? Sige na, Saint. Buksan mo." pinanliitan ko siya nang tingin bago tumayo para kunin ang package na pinadala niya.

Saulado ko ang laman kaya nga ako nagrereklamo kanina. Hindi ko na rin alam kung ba't siya nag-aaksaya ng oras na padalhan ako ng mga magazine gayong hindi ko naman binabasa. She probably wants to draw a familiar reaction out of me.

Inilabas ko at ipinakita sa camera ang mga magazine niya. Humalakhak siya sa kabilang linya. Kinagat ko ang dila para huwag magreact sa cover ng hawak-hawak kong lifestyle magazine.

"Ano na?" atat kong giit, iritado na.

She laughed merrily. "Uh, wala lang? Ni hindi mo tinitignan ang cover o babasahin man lang?"

Pasimple kong tinignan ang mga covers bago inangat ang tingin sa screen.

"Yeah. What for?"

Willow shrugged. Nagwawalang bahala pa, eh, halata namang gusto niya lang akong asarin. Alam ko namang gusto niya lang hulihin na nagsisinungaling ako kapag sinasabi kong hindi na ako affected sa nangyari noon. Totoo namang... hindi na.

Umismid ako sa cover. I intentionally let her see the disgust in my expressions. However, she chose to laugh more.

"Ayaw ko ng ganitong katawan, may abs? Hindi ko na type 'to." sabay baba ko ng magazine sa sahig pero sa totoo lang, nanginginig ako.

"Kasal na kaya?" kaswal ang tono niya na tila ba totoong nagtatanong lang.

Matagumpay na niyang nahuli ang atensiyon ko sa wakas. Willow smirked on the screen when I suddenly paused. Ayaw ko namang aminin din sa kaniya na kuryoso rin ako sa sagot sa tanong niya.

Umikot ang tiyan ko sa posibilidad na oo, na matagal na iyong kasal kay Claudia. Ilang taon na ang lumipas kaya hindi iyan imposible. Pero ba't ako... biglang.

Nevermind.

"I couldn't care less, Willow."

"Talaga? Wala kang pakialam kung magkasalubong man kayo-"

Lumaki ang mata ko kaya mas tuminis ang halakhak niya sa kabilang linya. Bumalik na siya? I mean... that is what she is insinuating here!

"Relax. Sa huling balita ko, hindi pa iyon nakaka-uwi r'yan," mabuti naman at klinaro niya ang umaambang tanong sa isipan ko.

After that confrontational night, wala na akong naging koneksyon sa kanya, natural lang. That guy was guilty with everything Claudia has said. Although except the sugar baby bit, which 'til now, cringes me to death. Ikinahihiya ko ang sarili na pinagbintangan ko siyang ganoon, na nagpapabayad.

Natatangahan ako sa sarili na nagpapaniwala kaagad sa sabi-sabi ng iba. It was really embarrassing, and I could get myself to look at him after that. But what is done is done.

Hindi ko na maibabalik ang oras para bawiin pa ang kahihiyan ko sa kaniya. Kung bakit ako umabot sa konklusyong piniperahan niya si Claudia, malabo na sa isipan ko. Para ba akong nablack out na lang ng gabing iyon.

Last thing I heard, he went abroad after his graduation.

Marami man akong tanong sa isip, gaya na lang kung bakit nila akong ginawang pustahan o ba't niya tinago ang estado ng buhay, lahat iyon ay binaon ko sa limot nang gabing iyon. By forgetting they all exist, by not giving them emotions, I was able to save a bit of my pride.

Range played me well, really well. And that fact still eats me up to this day.

Nang akmang may idadagdag si Willow. Inunahan ko nang magsalita.

"May shift pa pala ako ngayon. Baka malate na ako," sadya kong pinakita sa kaniya ang pagtanaw ko ng relo sa palapulsuhan.

Animo'y nagmamadali, pero sa totoo lang, umiiwas ako sa usapan. Mamaya pa ang shift ko. She furrowed her eyebrows in confusion.

"Okay? Talk to you soon then. Take care, Saint." siya na mismo ang tumapos sa videocall.

Kumapit ako sa dibdib pagkatapos. Kahit anong deny ko, kahit anong iwas ko, naaapektuhan pa rin talaga ako kapag napag-uusapan siya. I wonder if the day comes where I can finally say his name without my heart flenching. Ngayon kasi, hindi ko pa kaya, tiklop pa.

Tumambay ako sa staff room habang nag-aantay ng endorsement mula sa morning shift. Mamaya pa kasi at maaga ako dahil sa pag-iwas ko kay Willow.

Bumukas ang swing door ng staff quarters at iniluwa roon si Emma. Pinasadahan niya ng tingin ang kuwarto at mukhang may hinahanap. Nang makita niya akong sa dulo, lumiwanag ang mukha niya. Lumapit siya at umupo sa tabi ko.

"Saint..." medyo may pag-aalala sa boses niya. "So, paano na 'yan?"

Siguro ay importante ang meeting na pinagpaliban ko kahapon o talagang hinanap ako ni Lucas sa kaniya at wala siyang naisagot. Either way, no good for me.

"Ang meeting ba kahapon? Importante?"

Tumango siya. "Ayaw mo pa naman sa outreach pero wala ka kasi kahapon kaya wala kang choice. Nalagay ka talaga sa listahan."

Sabi ko na nga ba na dapat nagpaiwan na lang ako kahapon para sa meeting eh. Hindi naman sa ayaw ko sa mga bata pero nakakapagod kasi ang outreach para sa akin. It is nothing but a dual burden for me.

"It's okay. Kasalanan ko naman na wala ako kahapon. Salamat sa pag-cover mo."

Umusog siya nang upo papalapit sa akin na animo'y may importante pang idadagdag.

"Si Olivia, wala rin iyon kahapon kaya nasama rin sa listahan. Nagpalista na lang din ako para may kasama ka. Tutal maganda naman ang napili nilang lugar ngayong taon. Malapit sa dagat."

"Talaga? Saan ba?"

"Wait..."' Emma twisted her lips, she must've forgotten where. "Uh, oo. Sa Buenavista pala tayo."

"In where, Emma?" pinaulit ko dahil baka mali ako sa narinig sa kaniya.

"Buenavista, Saint." maligaya niyang pag-ulit pero nanlalamig na ako.

Buenavista? At isang linggo roon?

Heck, no! Hindi dahil affected pa rin ako o takot na magkita kami. Pero ang lala naman na lumiban lang ako kahapon sa meeting ay ililista kaagad nila ako. I thought this was volunterism?

Nanlamig ang palad ko nang mas bumaon sa akin kung saan nga kami mag-o-outreach.

Oh, hell no!

Agresibong akong napatayo kaya umatras siya sa gulat. "Sasabihan ko si Lucas na 'wag na muna ako ngayong taon-"

Umiling si Emma sa ideya ko. "Siya kaya ang naglista sa iyo kahapon. Baka nga mag-date lang kayo o-"

Minasamaan ko siya ng tingin. Kinipot niya ang bibig lalo't may nakikinig sa gilid. Ayaw ko lang ng gulo sa ibang staff lalo't si Lucas ang kinaiinisan nila sa akin.

Lucas, a neurosurgeon, acts as the head of this hospital branch. Pinapatakbo sa kaniya ng magulang ang branch na 'to bilang training ground niya sa paghandle ng buong kompanya nila sa susunod na mga taon.

At dahil nanliligaw sa akin si Lucas, nagtataasan ang kilay ng ibang mga staff. Some of them think I am being treated nicely over them because of him. Na sadya ginagaanan ang trabaho ko kumpara sa kanila. Which is a literal bullshit, by the way. Magiging haggard kaya ako ng ganito kung magaan lang ang trabaho ko?

Pare-pareho lang kami pagod.

Minsan ay hinahayaan ko na ang mga parinig nila kahit lantadan pa minsan. Pinapawalang bahala ko na. Especially if it is Olivia. Galit na galit iyon sa akin nang malamang nanliligaw si Lucas. Hindi ko alam na gusto niya iyon mula pa ng college. Binubunggo rin ako minsan sa corridors kapag nakakasalubong ako.

Gaya ngayon. Nabitawan pa ang mga charts na dala ko sa lakas ang pagkakabunggo niya sa akin.

"Watch where you are going, Saint. Huwag ka nga'ng tatanga-tanga rito, puwede ba?" pagalit niyang sigaw sabay talikod sa akin.

And speaking of Olivia, una ko siyang naging kaibigan dito, marami kasi kaming pag-kakaparehas sa isa't-isa. Mabilis kaming nagclick, mabilis din nga lang natapos ang pagkakaibigan namin dahil kay Lucas. Napakababaw nga na rason, sa totoo lang.

And unfortunately, wala akong nagawa patungkol sa outreach. Guilty kasi talaga ako lalo't alam kong papayagan ako ni Lucas sa gusto, unfair iyon para sa lahat.

Labag man sa loob ko, wala nang magagawa lalo't nandito na kami at nakaapak na sa Buenavista.

"Ang ganda naman dito," si Emma.

Tumingkad ang mata namin nang marating itong magarang mansyon. Sila 'ata ang magbabahay sa amin sa loob ng isang linggo para sa outreach. This mansion is a bit too grand for me, not gonna lie. Mukhang suwerte nga kami ngayong taon sa sponsor.

The white Italian inspired mansion stood proudly in front of us. There are two grand staircases leading towards a two oak doors. May apat na pillars na sumusuporta sa malawak na balcony sa itaas. Itaylano ang arkitektura ng kabuuan ng masyon.

Imbis na makuryuso pa sa mansyon at paligid, yumuko na ako at nanahimik. Makikinig na lang sa nakakarinding tili nina Olivia.

Fifteen kaming staff na sumama sa outreach, eleven nurses and four resident doctors. At dahil sa likod kami ng grupo ni Emma, hindi namin nakikita ang nangyayari sa harapan o kung sino man ang sumasalubong sa amin ngayon.

"Naku, mukhang kukulangin yata tayo sa mga guest rooms ah? Madami rin kasi kaming bisita ngayon na maliban pa sa inyo," ani ng hindi pamilyar na boses, iyon na siguro ang may-ari ng mansyon.

Tumulak na ang iba. Yumuko ako para kunin na ang gamit na nakababa sa lupa.

"Saint?" a woman's voice called out my name.

Napapikit ako sa tumawag. Agad kong nabitawan ang bahage lalo't nagiging pamilyar na sa akin ang boses.

Don't fucking tell me...

"Ikaw nga!" Nanay Leticia embraced me as if I was her long lost child.

Nilamigan ang buo kong katawan sa higpit nang pagkakayakap niya sa akin. Sila pa talaga ang sponsor ng outreach namin?

Shit naman.

"Ganap ka na nga'ng nurse! Ako na 'to sa mga bagahe mo..." umamba siyang kukunin ang gamit ko pero nilayo ko kaagad mula sa kaniya.

"A-Ako na po,"

Nanginginig ang kamay ko sa pagbitbit ng gamit papasok ng mansyon. Hindi na alintana ang masamang tingin nina Olivia sa akin. Nagtataka sila marahil kung ba't ako kilala ni Nanay.

Fucking hell... I should've went with my gut instincts not to go! May kung anong bumubulong sa akin ngayon na umuwi na lang hangga't maaga pa, hangga't kaya ko pang umalis.

Saint, will you fucking calm down first?

Kakasabi mo lang na hindi ka na affected sa kaniya, ah? That piece of shit surely isn't here or if he is here. Ano naman? Ako ba ang may kasalanan? Ako ba ang nagsinungaling? Ako ba?

Sa pagkakaalala ko, hindi ba'y siya ang sinungaling? Kaya... ba't ako matatakot? Hindi ako takot!

Pinagbuksan ako ng pintuan ni Nanay. Napakalaki ng kuwartong pinili niya para sa akin. Nilapag ko ang mga maleta sa sahig at pilit pinapakalma ang nagkukumahog na dibdib. Nanginginig pa rin ako.

He is abroad, Saint. Wala iyon dito. Or at least, that is what I want my mind to think for now.

Pero sa prangkahan lang, malaki ang porsyentong 'andito siya. Iyon ang pinag-aalala ko nang husto kasi kahit anong sabi ko na wala lang sa akin, na hindi ako affected. Sa loob-loob ko, galit pa rin ako sa ginawa niya.

Pinasadahan ko ng tingin ang kuwarto, unang bumungad sa akin ang mga naka-ukit na anghel sa ceiling at maliit na chandelier sa gitna. Basically, the aesthetic of the room is that of French baroque.

"Hija, kumusta ka na?" nabalik ako sa ulirat sa tanong ni Nanay. "Maligaya ako na makita kang muli. Ilang taon na rin ang nakalipas nang huli tayong nagkausap."

"Ayos lang po ako," natawa ako, may halong kaba nga lang. "Ni wala ho akong ideya na-"

"Na rito kayo sa Casa Verde mamamalagi sa linggong 'to? Huwag ka naman sanang umuwi ng Iloilo, Saint. Madaming bata ang malulungkot kapag umuwi ka..." yumuko si Nanay sa lungkot.

Sa lungkot ng pagkakasabi niya'y para kinukumos nang mahigpit ang puso ko. Oo nga naman. Uunahin ko pa ba ang sarili kung may mga batang nangangailangan ng tulong ko? Para saan pa ang panunumpa ko sa serbisyo kung aalis ako at uunahin ang sarili?

So... ano na ngayon?

Dinidebate ko rin ang sarili kung tatanungin ko ba siya kung nandito ang magaling nilang amo. Pero hindi ko ginawa, hindi ko kayang magtanong ng ganoon kay Nanay. Aakalain niyang pinuproblema ko pa iyon.

Sa loob ng ilang taon, iwas na iwas talaga ako na pag-usapan o isipin man lang lahat ng patungkol kay Range or sa gabing iyon. I simply cannot wrap my head around his lies, or to why he has to hide his true identity afterall. Dismayado ako kay Range na nagawa niya akong paglaruan ng ganoon-ganoon na lang.

He played me well, didn't he?

Higit sa lahat, ako ang dapat sisihin dahil ang inignora ko lahat ng red flags sa umpisa pa lang ng relasyon namin. Umasa akong maitatama ko ang mga gusot na ako lang, hindi pala dapat ganoon, hindi mo pala dapat sosolohin ang problema. A relationship will only work if you two work together, and in our case, we obviously didn't.

Pinisil ni Nanay ang braso ko bago ako nginitian. "Handa na ang hapunan niyo sa baba. Huwag ka sanang umuwi muna, hija."

Pabalik-balik ako ng lakad sa kuwarto at nag-iisip nang gagawin. Pinaplano ko pa sa isip ang escape route ko. At nang wala akong naisip, bumaba na rin ako para makakain.

Pero kung aalis ba ako ngayon, masyado ba ako na magmumukhang affected?

On my way down, I kept repeating 'he is not here.' on my brain to calm my nerves somehow. Nangangatog ang tuhod ko nang marating ang mahabang lamesa rito sa likod ng mansyon. Tinaas ni Emma ang kamay at itinuro ang empty seat sa tabi niya. Doon ako dumiretso.

Malawak ang likuran, malaki rin ang garden area sa kanan namin. Nakikita ko mula sa posisyon ang bilugang conservatory sa gitna at ang maze na daan papunta roon.

I flinched. Emma's warm breaths hit my left ear as she crouched down to whisper.

"Ang gara, hindi ba? Sino ang magsasabing outreach ang pinuntahan natin dito? Bakasyon ka mo."

Tumikhim ako. "Oo. Bakasyon nga."

"Kumain ka na," sabay usog niya sa plato ko papalapit.

Imbis na kumain ako gaya ng utos ni Emma, inagaw ko mula sa kanya ang red wine. Inubos ko iyong bago inangat ang tingin kay Olivia na ngayon ay makislap na ang mga mata. Nakatanaw siya sa kung anong bagay sa likuran ko.

Nagsimula akong kumain kaya ngayon pa lang tumatak sa pandinig ko ang pagkabig ng mga kabayo papalapit. Hinigit ako ni Emma patalikod para tumingin.

Nabitin ang reklamo ko kay Emma sa nakikita ko ngayon.

Humigpit ang kapit ko sa hamba ng upuan. Surely... this isn't happening, right? Naghahallucinate ba ako at nag-i-imagine ng imposible? Nang mas dumiin sa sistema ko ang nakikita. Tuluyan na akong nalugutan nang paghinga.

For fuck's sake! Ba't 'to umuwi kung kailan...

Wala na ako sa tamang pag-iisip. Hindi ko na nabilang kung ilang silang sampa ng mga kabayo ang papalapit sa amin. Bumaon ang tingin ko sa lalaking sampa ng puting kabayo sa harapan.

Range is fucking here.

Continue Reading

You'll Also Like

7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
24.4K 769 80
Is he worthy of the second chance?
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
8K 254 48
Not your typical rich girl from Manila, Soleia Anniston Enriquez almost has it all. From riches, an heiress of their family's company, party-goer and...