Hurts so Good [✓]

By selimwarrior

40.6K 1.1K 249

📖 Read Jigsaw Hearts then Love Scars before reading this if you don't want to be spoiled 📖 [Labruska Twins'... More

SYNOPSIS
Author's Note
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
EPILOGUE
Author's Note

CHAPTER 35

846 24 0
By selimwarrior

Chapter 35

Hurts so Good

Selim Warrior

Savi.

It's been a week simula nang ikasal si Koko at Lux at nasa honeymoon sila ngayon sa Hawaii at dahil ako ang naiwan dito sa Pinas. Hinahayaan ako nila Mommy na i-manage ang kumpanya. Kaunti lang naman ang ginagawa ko. Kailangan ko lang araw-araw na ireport ang mga nababasa kong papers kay Lux.

He seems enjoying his time there.

"Mommy."

I closed my laptop as I stare at my girl. "Why? Do you need anything from Mommy, Tori?"

"When will Daddy come?"

Natigilan naman ako. "Where is Lev?" Balik kong tanong dahil madalas magkasama silang dalawa.

"He's sleeping."

"Where?"

"Floor." Aniya at ipinalig ang ulo nito. Inangatan ko naman siya ng kilay.

"What?" Tumayo ako at sumunod naman siya sa akin papunta sa kuwarto nilang dalawa ni Lev.

Pagdating ko doon ay naabutan ko nga si Lev na nasa sahig at natutulog habang hawak ang laruan nitong sasakyan. Napailing na lamang ako at yumuko para buhatin siya at dalhin sa kama.

"I'm hungry." Tori said as she pull the end of my dress.

"Why are you always hungry while Lev is always sleepy? You two are so weird."

Lumabi naman ito sa akin kaya hindi ko mapigilan na pisilin ang pisngi nito. "You are talking to me because your Dad isn't here."

Bumuntong-hininga ako at binuhat siya hanggang sa makarating kami sa kusina.

"What do you want to eat, baby?" I asked. Binuksan ko ang ref at pinakita sa kaniya ang laman.

Maya-maya pa ay tinuro niya ang isang box ng chocolate cake na inuwi kahapon ni Deus. Kinuha ko naman agad iyon at pinaupo siya nang maayos bago naghiwa ng isang maliit na parte at inilagay sa plato.

"Here."

Halos kumislap naman ang mata nito at agad na nilantakan ang pagkain na iyon. Nakangiti ko lamang siyang pinanood na kumain hanggang maubos niya.

Natigilan lamang kaming dalawa nang tumunog ang telepono ko.

"D-Daddy!" Excited na sabi niya pero inilingan ko siya nang mabasa ko ang pangalan ng tunatawag sa akin. Kinuha ko iyon at sinagot.

"Riex?"

"My-my!" Tawag sa akin ni Tori at pinakita ang ubos ng plato nito.

"Shhh, no more caked for you." Suway ko.

Narinig ko ang pagtikhim ni Riex sa kabilang linya.

"Are you busy?" Tanong niya bigla.

"Uhm, nah? Just taking care of Tori. Lev is already sleepy. What's with the sudden call?"

"Today is my birthday."

Natigilan naman ako at nanlaki ang mata ko. Hindi ko alam dahil sa totoo lang hindi ko naman talaga kinilala si Riex. I suddenly felt bad.

"Oh, sorry. Happy Birthday, Riex."

"I know you're not aware that today is my birthday. Are you free tonight?"

"Deus will come over to see the twins. I guess I am."

Mukhang nabuhayan naman ito. "See you later then. I'll be holding a celebration at Tita Chase's bar."

Buti in good terms pa rin si Tito Chase at si Riex kahit hindi na magkasundo iyong anak niya at si Riex. Siguro okay lang sa kaniya iyon at hindi na niya pinersonal.

"Savi?"

"Hmm?"

"You'll go right?" Umaasa na tanong niya.

"O-Oo naman." Tumawa pa ako nang mahina.

"Good to know. Take care on your way there."

"I will, Thank you."

Ibinaba niya na ang tawag kaya muli kong ibinaling ang tingin ko kay Tori na busy sa pagdila ng kutsara.

"Brush your teeth well later, Tori."

Pinalobo niya ang pisngi bago tumango sa akin. Mamula-mula ang kutis nito at namana nilang dalawa iyon ni Lev iyon sa akin. Ganon din kasi ang kutis ni Daddy. Kapag binilad mo sa araw, mamumula lang at hindi mangingitim.

Bandang hapon na nang dumating si Deus at agad na tumakbos si Tori papunta sa kaniya. Si Lev naman ay nakatingin lamang sa kaniya at hindi nagsasalita. Lev is quite silent. Natural lang siguro talaga iyon dahil lalake siya.

"Daddy!"

"Slow down. Tori. Baka madapa ka."

Agad na binuhat ni Deus si Tori na agad namang humalik sa pisngi nito. Tori is the sweetest when it comes to him. I'm glad Lev seems much adored to me than Deus. I sometimes get jealous because of him. Lalo na kapag nasa kaniya ang atensiyon ng kambal.

"Do you mind staying here for tonight?" Tanong ko.

Kumunot naman bahagya ang noo nito. "Is it alright?"

Tumango ako. "May mga extra clothes na iniwan si Luxury sa kuwarto niya. Kukunin ko na lang at ilalagay sa guest room."

"How about Tita and Tito?"

"Uuwi sila mamaya. Ikaw na muna bahala sa kambal."

Mas lalong lumalim ang pagkakaunot ng noo niya. "Aalis ka?"

"Birthday ni Riex. Ininvite niya lang ako."

Dumilim ang mukha niya dahil sa narinig. Hindi ko maiwasan ang sandaling kaba na dumaloy sa katawan ko nang magbago ang ekspresiyon nito. Kanina lang ay tuwang-tuwa ito nang mabungaran kaming tatlo pero nang ito na ang pinag-uusapan namin ay nag-iba na ang mood niya.

Ramdam ko na hindi siya sang-ayon sa pagpunta ko dahil malinaw sa pagitan naming dalawa ang kagustuhan niya na ayusin ang relasiyon namin para sa kambal.

"Can I say no?" He suddenly asked. Hindi na kasindilim katulad kanina ang mukha niya. Bahagyang lumiwanag na iyon ngunit mababakasan ko pa rin ang pagkadismayado niya.

"You can't." Mariing sagot ko naman.

Bumuntong-hininga siya. "Then go." Malamig niyang sagot bago tuluyang inilayo ang tingin sa akin at ibinaling na lang sa kambal.

Wala akong nagawa kundi umakyat na lang rin sa kuwarto at magbihis. Simpleng jeans at fitted shirt ang sinuot ko. Kinulot ko rin ang buhok ko at naglagay ng make-up sa mukha ako. Hapit na hapit ang damit sa katawan ko kaya naman makikita agad ang magandang hubog ng katawan ko.

More people said that my body right now is hotter than before. My breast got bigger same through with my buttocks.

Dinaanan ko sa kuwarto ni Lux ang mga ekstrang damit na sinasabi ko kanina kay Deus at ipinatong iyon sa kama ng guest room na tutulugan ni Deus ngayong gabi. I think he will be sleeping with Tori.

Paglabas ko ay nadatnan kong nakatanggal na ang suot nito at tanging white polo na lamang ang suot niya habang nakikipaglaro sa dalawa.

"Deus."

Tumingin siya sa akin at pinasadahan niya ng tingin ang damit ko.

"You should let Taylor come with you. Puro lalake doon, Savi at alam mong hindi mo naman gaanong kakilala iyong mga kaibigan ni Riex." Seryosong sabi niya.

"I think I'll be fine."

"Where is the venue?"

"At your Dad's bar."

Sandali itong natigilan. "Call me later. Susunduin kita."

"May sasakyan ako, nakalimutan mo na ba?"

Napailing na lamang siya. "Fine. Enjoy."

He said 'enjoy' but it seems like he didn't really mean it.

Hinalikan ko ang kambal at nagpaalam na babalik rin agad. Tango-tango lamang si Lev samantalang bibong-bibo naman na nagpaalam rin sa akin si Tori.

Lumabas na ako at sumakay sa pula kong sasakyan ata agad na nagtungo sa Bar kung saan gaganapin ang birthday celebration ni Riex.

Isinuot ko ang glasses at mask ko bago lumabas. I don't want to get involve with other people right now if it's not for Riex. Tsk.

Pinakita ko sa guwardiya ang VIP Card ko na binigay noon ni Tito Chase sa akin ng debut ko at yearly na nare-renew ang card ko dahil sa kaniya.

Pagkapasok ko ay nagtungo na agad ako sa VIP room na sinabi rin sa akin ni Riex. Kabisado ko ang pasikot-sikot sa bar na ito dahil madalas kami ni Taylor dito noong college. Madalas nga lang napapagalitan ni Lux noon. Ugh, memories.

Walang paa-paalam na binuksan ko ang nasabing pinto at bumungad sa akin ang dim lights. Nangunot ang noo ko dahil walang tao roon. Nagkamali ba ako ng pinasukan?

"Savi."

Hindi ko alam pero nanindig ang balahibo ko sa malalim ba boses na iyon. Agad kong nilungon si Riex na nakangiti sa akin.

"Nasaan iyong iba?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.

Hindi niya ako sinagot bagkus ipinasok niya ako sa kuwarto na iyon at inilocked ang pinto.

"R-Riex."

"They aren't here, Savi. I reserved this room just for the two of us." He said with a smirk.

Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba. Amoy ko ang alak na nagmumula kay Riex.

"Stop this, Riex. I'm going home."

Akmang itutulak ko na siya nang bigla niya akong hawakan sa palapulsuhan ko at ipinako sa pader. Lihim na lamang akong napamura dahil kahit sumigaw ako ay soundproof ang kuwartong ito.

"You are not going home with my ex-best friend, Savi." Mariin na sabi niya at inilapit niya ang mukha niya sa akin pero iniwas ko iyon.

"Riex, lasing ka na." Halos pumiyok na ang boses ko sa naghahalong takot at galit. Hindi ko alam bakit kailangang mangyari sa amin ni Riex ito. Ang planuhin niya na ilocked ako kasama siya sa kuwartong kaming dalawa lang.

Kahit kailan ay hindi ko siya nakita sa paraan na magugustuhan ko at mas lalo na ngayon.

Napasinghap ako nang bumaba ang labi niya sa leeg ko at sinipsip iyon at bahagyang inamoy.

"R-Riex..." Nanginig ako sa takot dahil sa ginawa niya.

"Savi, you smells good."

Fvck you.

Namalayan ko na lang na may likodo nang tumutulo sa mga mata ko at hindi ko na napigilan na mapahikbi. Natigilan si Riex at tila natauhan.

"Savi."

Unti-unti siyang bumitiw at umatras palayo sa akin. Para siyang binuhusan nang malamig na tubig nang makita akong umiiyak sa harapan niya.

Akmang hahawakan niya ako ngunit pinigilan ko siya.

"I don't want to see you anymore, Riex."

Continue Reading

You'll Also Like

9.1K 277 62
Kaizer Colton is the king of racing. He's ruling the racing world. He has the fame, the powerfull name, the perfect face and the wealthy life. But th...
108K 1.3K 54
Maria Samantha Fontanilla x Primo Alonzo Russo Young couple who made naive decisions and actions resulting into break up. Years after, they met again...
60.7K 2K 44
COSTA ESTRELLA SERIES # 1 Being the only heiress of their family's legacy, Thalia Soriano is promised to marry a man that she never met for the sake...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...