Hurts so Good [βœ“]

By selimwarrior

40.6K 1.1K 249

πŸ“– Read Jigsaw Hearts then Love Scars before reading this if you don't want to be spoiled πŸ“– [Labruska Twins'... More

SYNOPSIS
Author's Note
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
EPILOGUE
Author's Note

CHAPTER 34

831 25 0
By selimwarrior

Chapter 34

Hurts so Good

Selim Warrior

Savi.

Sabay-sabay na nagpalakpakan ang lahat kasama na ako habang nakaangat pa ang kilay ko at nakangiti nang malawak. Ang dalawang ikinasal naman ay ngiting-ngiti habang nakatitig sa mata ng isa't isa.

"Congratulations, Mr. and Mrs. Labrusca." Sabi ng ministro na nagkasal sa kanila. Matapos niyon ay nagsimula na ang picture taking.

"Congrats, Lux." I walked closely towards him and gave him a hug. Naramdaman ko ang bahagyang pagtapik nito sa likuran ko.

"Masusundan na iyong kambal na apo nila Mommy." Natatawang biro niya sa akin. Narinig naman ni Koko at hinampas siya nang marahan sa braso.

"T-Tito." Dahan-dahan na naglakad si Lev na hawak-hawak ni Deus habang karga naman nito sa braso si Tori. Two years old na ang kambal at nakakapagsalita na rin at nagsisimula nang dumaldal pati si Tori.

Bahagyang yumuko naman si Lux at pinantayan ang lalakeng pamangkin. "Hey? You looked so handsome on that suit, Labrusca Jr."

Nakita ko naman na napatiim-bagang si Deus kaya napailing ako. "That's my son, Luxury. It should be Vergara Jr."

"Shut up, Vergara."

"You shut up, Labrusca. Anyway, congratulations. You can make your own version of Labrusca Jr. now."

Hindi ko mapigilan na mapangiti habang pinapakinggan silang magkapikunan dahil ganiyan din sila noong magkaibigan pa sila not until Deus ditched me on my debut. Napuno na si Lux ay tuluyan nang lumayo ang loob kay Deus.

"Mommy." Cute na tawag sa akin ni Tori. Nginitian ko lamang siya dahil hawak-hawak siya ni Deus. Siya na mismo nagpresinta na humawak sa kambal para daw hindi masira ang poise ko dahil masiyado daw maganda ang suot ko para lang magusot ng kambal habang buhat sila.

I know everyone thinks that everything is going well between me and Deus but it's not. Ganito lang kami at unti-unti nang nakokontento sa ganitong set-up.

"Do you want to come with me?" I asked her but she suddenly wrapped her arms in his father's neck. Pilya at maldita, gustong-gusto si Deus. Parang ako lang.

"Me, Mommy." Lev said and he extended his hands on me so I hold it.

"Thank you for arranging all of these, Savi." Koko said and hugged me.

"You're welcome, sis."

She chuckled. "Ang saya ng bagong tawag mo sa akin."

"You deserve it. Buti nga ikaw ang nakilala ni Lux eh. Kung ibang babae iyon baka selos na selos pa rin sa akin kahit na kakambal ako ng lalakeng iyon."

Naiiling na lamang niya akong nginitian. "I'm lucky to become part of your family."

Wala na akong masabi sa kanilang dalawa dahil iyong kasal nila ay nangyari naman dahil mahal nila ang isa't isa kaya wala na rin akong tutol. Masaya pa nga ako para sa kanila.

"Ako na bahala kay Lev." Paalam ko kay Deus bago nakipag-usap sa ilang bisita.

Binati ko rin si Tobio na kasama ang isang babae na mukhang mahiyain pa. The girl looks a little younger than him.

"You got a girlfriend?" I asked. He shrugged.

"I'm still courting her."

Namilog naman ang mata ko at ngumiti sa babae. Ngumiti naman siya pabalik sa akin. She's a Filipina. Morena ang kulay nito pero maganda siya.

"Still in college?" Tanong ko doon sa babae. Umiling naman siya.

"I'm already an English Teacher in Japan and also a Published Author."

Napaawang na lamang ang labi ko. Baby face kasi.

"Hindi mabait iyang si Tobio pero pwede na." Pagbibiro ko at napailing na lamang si Tobio sa sinabi ko.

Alam ko namang simpleng paghanga lang talaga iyong naramdaman ni Tobio sa akin kaya sobrang natutuwa ako na nakahanap naman siya ng matinong babae para sa kaniya.

"Hi, ija." Nakita ako ni Tita Misaki at nakibeso.

"Welcome in the Philippines, Tita Misaki." Bati ko at tumango naman siya at ngumiti.

"I won't be seeing Koko for a while but I trust Luxury."

"You should, Tita. Lux is a good man." Sinserong sabi ko sa kaniya. Naramdaman ko ang paghila ni Lev sa ibabang parte ng gown ko.

"So that was your son? He looks so adorable." Natutuwang sabi niya at binalingan si Lev. Bahagya pa nitong kinurot ang pisngi ni Lev ngunit nanatiling walang ekspresiyon ang bata.

Napailing na lamang ako.

"Thank you, Tita."

"Where is your husband?"

Natigilan naman ako. "Uhm---"

"Savi."

Nakita ko agad si Riex sa likuran ko. Nakita ko naman ang pagkislap ng mata ni Tita Misaki. Mukhang iba ang nasa isip nito.

"Tita Misaki..."

"I kindly excuse, Savi for a while Tita." Magalang na paalam nito.

"Go on. Make more kids as adorable as this kid." Aniya habang nakatingin pa kay Lev.

"Not my Daddy." Ani naman ni Lev na ikinatigil ni Tita Misaki.

"Oh? Where is your Dad then?" Tanong sa kaniya. Iginala naman ni Lev ang paningin niya at nang makita si Deus at itinuro niya iyon.

"With my twin sister."

Namilog naman ang mata ni Tita Misaki. "I'm sorry."

Naiilang akong ngumiti. "It's alright, Tita."

Paalis na sana kami nang makasalubong naman namin si Rion. This is super awkward. Hawak ko pa si Lev sa kanang kamay ko.

Ramdam ko kaagad ang tension na namuo sa pagitan pa lamang ni Riex at Rion nang magkatinginan sila.

"Savi, oras na ng pagpapakuha natin ng picture kasama si Taylor at Dylan."

Binalingan ko si Riex. "I'm sorry, Riex. I'll go with Rion."

Hindi naman siya nakasagot at napabuntong-hininga na lamang. "Later, Savi."

Tinanguan ko lamang siya. Talagang nauna ang friends bago ang kani-kaniyang pamilya sa picture taking. Pinahawak ko muna si Lev kay Mommy bago nagtungo sa mag-asawa.

Pumosisyon na kami. Magkatabi si Taylor at Dylan sa gilid ni Koko at kami naman ni Rion sa gilid ni Lux. Magkadikit ang balat namin ni Rion sa sobrang lapit namin sa isa't isa ngunit wala akong naramdaman na pagkailang.

"Nice. Halatang nasa showbiz industry itong mga ito kung pumorma." Natatawang sabi ni Koko nang matapos kaming kuhanan ng litrato.

Natawa na lamang kami at hindi nagkumento. Nakipagbeso rin si Taylor kay Koko at biniro naman ni Lux si Taylor na sumunod na rin.

"Are you okay with Riex, Savi?" Kunot-noong tanong ni Rion sa akin habang abala ang iba sa pagkakamustahan.

"Why?"

Bakas ang pag-aalala nito sa mukha niya. "I don't trust him."

Bumuntong-hininga naman ako at pilit na ngumiti. "But he's not doing anything to harm me. Kahit ako ay naiilang sa kaniya."

"Then just turn him down."

"I will talk to him, Rion."

Malungkot siyang ngumiti. "Savi, how about me?"

Bumagsak ang balikat ko sa tanong niya. "You already know the answer, Rion."

"Is it still him?" Mapaklang tanong niya sa akin.

"I rather not answer your question."

"It's him." Tila sigurado na niyang sagot.

"Don't make it hard for me, Rion. You're my guy best friend. I can only think of you as that kind of person person in my life. Nothing more, nothing less."

"I got turned down by you for how many times while that guys turned you down more than you do to me but it's still him." Natawa pa siya pero iyong tawang iyon ay ramdam ko ang lungkot.

"Rion, I won't say sorry anymore. I will always wish you to find someone better."

Ngumiti naman siya. Bigla ay kinabig niya ako para yakapin.

"It's you twin's wedding but you just rejected me again in this day." Pilit nitong pinasaya ang boses niya.

Tumawa naman ako ng pagak. "Wala kasing connect iyong confession mo sa kasal niya."

Humiwalay siya sa akin at ngumiti. "Huwag mo akong iinvite kapag kinasal ka. Hindi ako pupunta."

May lungkot na namuo sa dibdib ko sa sinabi niya. Sa totoo lang ay unti-unti nang lumalambot ang puso ko kay Deus kaso pinipigilan ko lang. Paanong hindi malulusaw ang galit ko sa kaniya kung puro mabubuti lang ang pinapakita niya sa akin at sa kambal?

"Savi."

Sabay kami ni Rion na napalingon kay Deus. Walang mababakas na ekspresiyon sa mukha nito. Naalala ko tuloy iyong sinabi niya noon. 'Let's continue the chase.' Alam ko ang ibig niyang sabihin pero hindi pa rin talaga ako handa sa ganong bagay. Gusto ko muna na tuluyan kong mahalin ang sarili ko para masabi kong kaya ko na ulit magmahal. Iyong pagmamahal na hindi na ako masisira ulit. Iyong pagmamahal na kaya kong ibigay ang buong puso ko nang hindi ako nawawalan ng pagmamahal para sa sarili ko.

"Family picture na raw tayo." Aniya sa akin.

Tumikhim naman si Rion. "Savi, you may go."

Huminga ako nang malalim bago sumunod kay Deus.

Nang pumuwesto kami sa gitna ay hawak ni Rion si Lev samantalang si Tori sa akin at nasa gitna naman si Lux at Koko.

Ilang shot pa lamang at natapos na rin kahit magulo si Tori at pasaway sa camera dahil ayaw nitong tumingin.

"Nakikita ko kay Tori si Savi noong bata pa." Natatawang sabi ni Daddy.

"Dad." Ngumuso ako sa kaniya.

Si Tori ay pumunta na rin kay Deus. She's really a Daddy's girl.

"Savi, I'm sure a man can wait. Forgiveness can wait and so the love."

Ngumiti naman ako kay Daddy. "I will look forward on that day."

"Tatahimik na ang bahay." Sabi naman ni Mommy at biglang nangilid ang luha.

"Mom... andito pa ako." Sabi ko naman.

"Gusto na rin kitang paalisin doon sa bahay." Biglang sabi niya naman sa akin at pinahid niya ang luha sa mata niya.

"Mom, naman eh." Lumabi ako sa kaniya.

"Ang lalaki niyo na. Samantalang kailan lang nang bumuo kami ng pamilya ni Vius. Ganiyan din iyang kambal mo, mabilis lang ang panahon kaya sulitin niyo na. Bigyan niyo sila ng magandang memorya."

Tumango naman ako. Naiintindihan ko. Alam ko. Gustong kong subukan pero hindi muna ngayon.

Nakita kong lumapit sa akin si Lev at nagpapakarga. Kinuha ko naman siya.

"Wuv you, Mommy." Malambing na sabi nito.

Napangiti na lamang ako at sakto namang nagtama ang paningin namin ni Deus habang karga nito si Tori.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 44.4K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
38.5K 970 58
Rakish Series #1 Addison Bartolomeu is a half filipina and half spanish lady that is really confident. She is indeed talkative and bubbly. Most of th...
40.9K 910 79
Francisco Jason Buenaventura ,Jr A.K.A Francis the killer is One of the Great Criminal dahil dito lahat ng tao masama ang tingin sa kanya and they ju...
3M 183K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...