The Seductive Doctor (Savage...

By Maria_CarCat

9.1M 246K 56.5K

The Doctor is out. He's hiding something More

The Seductive Doctor
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
Sequel
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 30

132K 3.5K 525
By Maria_CarCat

Hindi ganon








Umagang umaga amputa! Dumiretso si Kenzo sa bathroom. Maybe he take a shower, the hell I care. Tamad akong lumabas ng aming kwarto matapos kong ayusin ang ilang tikas ng buhok kong tumatama sa aking mukha. Napanguso ako ng mapagtanto kong nakasuot lamang ako ng white spaghetti strap top at pajama. Fine! This, doesn't look seductive. Umagang umaga ang halay ng isip ng Doctor niyo!


Dumiretso ako sa may kitchen. Nagulat pa ako ng may nakita akong isang babae duon. Mid 40's ang edad niya kung hindi ako nagkakamali. Napahawak din ako sa aking dibdib sabay ngisi ng magkagulatan kami, nagulat din siya sa presencya ko.


"Good morning po. Ma'm Sera" magalang na bati niya sa akin. Napanguso ako, hindi ako sanay na tinatawag akong ma'm.


"Sera na lang po" magalang na sabi ko sa kanya. Tipid siyang ngumiti at tumango sa akin. Dumiretso ako sa ref para kumuha ng isang basong tubig. 1 glass of water to start the day. Always!


"Betty na lang po..." pagpapakilala niya sa akin kaya naman muli ko siyang nilingon habang umiinom ako ng tubig.


"Ate betty" pagtawag ko sa kanya kaya naman ngumiti siya ulit sa akin. Nakita kong naguumpisa na siyang maghanda ng breakfast.


Wala sa sarili akong lumapit sa kanya. "Oh,  heavy breakfast pa din" puna ko sa mga hinahanda niya. Ultimate pinoy breakfast, napangiwi ako. I'm not gonna eat rice. Simula ng bumalik ako dito sa pilipinas at namuhay na magisa sa condo ni Augustine ay hindi ko na ata naalala kung ilang beses lang akong nagkaroom ng pormal na breakfast. Karaniwan ay nagmamadali ako para sa trabaho, kaya naman simpleng kape lang ay ayos na ako.


"Opo, hindi po kasi umaalis si Doc ng hindi kumakain" sagot niya sa akin kaya naman napatango na lamang ako.


Bahagya akong humiwalay kay Ate Betty ng marinig ko ang pagsara at pagbukas ng pintuan sa aming kwarto. Bayolente din akong napalunok ng marinig ko ang mga yapak ng pababang si Kenzo. Damn it! Paano ko siya haharapin matapos ang paguusap naming dalawa kanina.


"Good morning po, Doc" bati ni Ate betty sa kanya. Ang kaninang mga mata kong nakatuon sa hawak kong baso ay inangat ko sa kanya. Nagtaas ako ng kilay ng makita kong matigas pa din ang ekspresyon ng kanyang mukha.

What the heck, hindi man lang ata napawi ng tubig ang init sa katawan ng gago. Mainit pa din ang ulo mo Kenzo? Saang ulo baby?


"Magshoshower lang ako..." paalam ko sa kanila. Kita ko sa gilid ng aking mga mata at pagsulyap niya sa akin.


"Make it fast Sera, marami tayong gagawin para sa araw na ito" matigas na sabi niya sa akin na kaagad kong tinanguan. Ok whatever.


Tsaka lamang ako nakahinga ng maluwag ng tuluyan na akong makapasok sa aming kwarto. Habol habop ko ang aking hinga. Damn it, unang araw pa lang ito matapos naming maikasal.


"You'll be dead. Sera" matigas na sambit ko sa aking sarili habang napapailing.


Dumiretso ako sa may walk in closet para kumuha ng susuotin ko. Napabuntong hininga din ako ng makita kong maayos na ang higaan namin. Ni hindi ko nga yun naisip na ayusin bago ako lumabas kanina.  Kayang kaya naman ni Kenzo ang magisa, bakit pa kaya siya nagpakasal sa akin? Kung tungkol naman iyon sa manufacturing, hindi ko naman siya tatakbuhan, pwede kaming gumawa ng contrata.


Siraulo.


Matapos kong maligo at makapagbihis ay bumaba na ulit ako. Simpleng loose shirt t shorts lang muna ang sinuot ko. Nakasimpleng tshirt lang din naman si Kenzo ay itim na broad shorts. Mukhang hindi pa naman kami aalis kaagad kung may plano man siyang lakad.


Naabutan ko siyang tahimik na nagbabasa ng diyaryo sa may dinning. Sumisimsim na  din siya ng kape ngunit hindi pa nagagalaw ang mga pagkaing nakahanda sa may lamesa.


"Hindi ka pa kumain? Hindi naman ako kakain" nagtatakang tanong ko sa kanya kaya naman kaagad niyang binaba ang newspaper na hawak niya. Napanguso ako habang tinitingnan siyang tinutupi iyon, kahit pagtutupi at kaunting galaw niya ay mapapatulala ka talaga. Tangina!


"Sinong di kakain?" matigas na tanong niya sa akin. Diretso ang tingin niya sa aking mga mata. Kumunot tuloy ang noo ko, don't tell pagaawayan pa namin ito. Bwiset.


"Ako, hindi naman talaga ako kumakain ng breakfast" laban ko sa kanya.


Tumaas ang isang kilay niya. Nagulat ako ng makita ko kung paano niya pasadahan ng tingin ang kabuuan ko. Nagtiim bagang siya ng matapos.


"My house, my rules. Seraphine" matigas na sabi niya. Nalaglag ang panga ko.


Hindi kaagad ako nakabawi kaya naman siya ang muling nagsalita. "Sit here. Wag matigas ang ulo..." masungit na sabi niya sa akin.


Naikuyom ko ang aking kamao at mariing napapikit. "Fine!" singhal ko sabay martsa papalapit sa kanya. Sirang sira na ang araw ko at ayoko ng dagdagan pa.


Tahimik akong kumain kasama si Kenzo. Hindi ako sanay kumain ng rice sa umaga dahil ayoko ng feeling na mabigat ang tiyan. Panay papak lang ako ng bacon, hotdog at egg. Nararamdam ko ang minsang pagtikhim niya dahil sa bagal ko.


"Si ate betty?" pagbasag ko sa katahimikan. Nagawa ko pang igala ang tingin ko sa buong condo niya.

"Umuwi na. Maglilinis at magluluto lang siya dito para sa breakfast" sagot niya sa akin habang ang kanyang mga mata ay nanatili sa kanyang plato.


"Eh sino ang magluluto sa Lunch at dinner?" tanong ko.


Bahagyang kumulo ang dugo ko ng tumaas ang isang sulok ng kanyang bibig. Tangina, manunuya ito, panigurado!


"Ikaw. Wag mo sabihing hindi ka marunong magluto" mapanuyang sabi niya sa akin kaya naman kaagad tumalim ang tingin ko sa kanya.


"Aba ang galing. Ginawa mo din akong katulong" asik ko sa kanya.


Sumimsim siya ng kape bago niya ako muling sinagot. "It's a wife duties, Sera. C'mon ang tanda mo na para hindi pa maging common sense sayo iyan" pagpapatuloy pa niya. Humigpit ang hawak ko sa tinidor na hawak ko. Tangina talaga neto, patandaan pala ang laban eh mas matanda naman siya!


Hindi na ako muling umimik pa. Ganuon din siya, salamat! At naririndi ako sa boses niyang kahit nagsasalita lang ay akala mong nangaakit.


"Maghugas ka ng plato. Maghahanda na ako para sa trabaho" utos niya sa akin. Mabilis siyang tumayo at umakyat sa itaas. Napairap na lamang ako sa kawalan. Ito talaga ang pinasok ko, really? Nagmakaawa ako sa kanya para dito?

Matapos maghugas ay inayos ko din ang dinning table. Napaunat unat pa ako ng makarating ako sa sala. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang mga regalo. Mukhang galing iyon sa mga bisita namin kahapon. Isa isa ko iyong tiningnan, gustong gusto ko pa namang magbukas ng mga ganito.


"Ikaw na ang bahalang magbukas niyan. Ikaw na din ang magayos" paepal na singit ni Kenzo.


Gusto ko siyang irapan pero hindi ko maiwasang punahin ang suot niya ngayon. It's a black long sleeve, nakatuck in sa medyo abuhing slacks. Gustong gusto ko siyang purihin sa utak ko pero pinigilan ko. Won't allow it! Him being in my thoughts is poison!


"May trabaho din ako" sabi ko sabay iwas ng tingin. Akala niya siya lang ang may trabaho! Balak pa ata akong gawing taga bantay ng condo niya.


Kita ko ang pagtigil niya. Lumapit siya sa akin at nagpameywang sa aking harapan. "Sa manufacturing niyo sa bulacan?" tanong niya na kaagad kong inilingan.


"May satelite office kami sa qc. Duon ako ang tratrabaho" tamad na sago ko sa kanya.


"I know" casual na sagot niya. Kumunot ang noo ko. This freak is a stalker!


"Mag ayos ka na kung ganuon. I'll wait for you. Ihahatid kita" seryosong sabi niya sa akin. Tumikhim ako. Tangina, magaalas atso pa lang! Hindi naman ako kailangang maaga duon.


"No thanks. Magtataxi na lang ako mamaya" pagtataray ko sa kanya.


"You think. I'll allow my wife to take a cab?" mapanuyang tanong niya sa akin kaya naman napabuntong hininga na lang ako.


"Ngayon lang ito dahil nasa gawaan pa ang sasakyan ko. Pwede ba, stop it. Malinaw sa ating dalawa kung bakit tayo pumasok sa kasal na ito. Stop acting like you really care about me" paliwanag ko sa kanya. Gustong gusto ko siyang tarayan habang sinasabi iyan pero naisip kong tama lang na huminahon na muna kami. Hindi lang magiging isang araw ito, damn hindi ko nga alam kung hanggang kailan ito.


"Ah, really Sera?" mapanuyang sabi niya sa akin. Nanatili ang titig ko sa kanya. Muli ko nanamang nakita ang pagusbong ng inis at galit sa kanyang mukha.


Matapos ang ilang pagtikhim ay umalis din ang gago. Ewan ko ba diyan, pwede namang maging kaswal lang kami sa isa't isa pero ganyan pa siya. Alam ko naman kung saan ako lulugar. Hindi niya kailangang kaawan ako or what.


"Good morning, Ma'm Sera" bati sa akin ni Dino isa sa mga detailman namin.


Isang floor sa mataas na building sa qc ang inuupahan namin para maging sitelite office ng aming manufacturing. Nasa bulacan pa din ang mainoffice namin ngunit, mas convinient kung meron din kami dito sa may metro.


"Kamusta yung production ng mga dextrose?" tanong ko kay Jenny.


"Ngayon po darating ang dalawang truck ma'm ididiretso na po sa hospitals" sagot niya sa akin na tinanguan ko.


Halos lahat ng hospital sa kalapit lugar ay kami ang nagsusupply ng dextrose, ampules at mga medical equipments. Meron din kaming ibang gamot kagaya ng vitamins at over the counter drugs. Kagaya ng sabi ni Mr. Alvarado, hindi kasing laki ng isang pharmaceuticals ang sa amin dahil more on naman kami sa equipments kesa sa mga active drugs.


Busy ako sa pagtrack ng mga delivery nitong nakaraang linggo ng makabasa ako ng text mula kay Abby.


Abby:

I need someone to talk to. Pwede ka?


Matapos kong magtipa ng ilang details sa computer ay pinindot ko na ang number niya para makatawag. Hindi ko kayang magtext ngayon dahil busy ako sa ginagawa. Nilagay ko iyon sa loudspeaker ng sagutin niya.


"Anong problema?" tanong ko kay Abby. Sandaling katahimikan ang bumalot sa aming dalawa bago ko narinig ang kanyang boses.

"Hindi ko din alam kung anong nangyayari sa akin. Parang kinakabahan ako, nagdadalawang isip" kwento niya sa akin kaya naman napanguso ako, nanatili pa din ang mata ko sa may computer.


"Gaga, hindi ka kinakabahan. Excited ka lang sa kasal niyo" sita ko sa kanya sabay ngisi.


"Hindi. Hindi ko talaga alam..." laban ni Abby. Nagulat ako ng bigla kong marinig ang mga hikbi niya.


"Ano bang nangyayari sayo?" seryosong tanong ko sa kanya. May nabasa akong mga ganito nuon, na habang papalapit ang kasal ay medyo magwoworry ka. Nga naman, panghabang buhay kang matatali sa tao. Kahit gaano mo pa iyon kamahal, hindi pa din maiiwasang magdalawang isip.


Tangina. Ikaw nga Sera biglaan din eh. Oo nga! Tangina.


"Nagkita kami ni Wilson" pagbasag niya sa katahimikan. Kumunot ang noo ko, medyo nairita pa sa pagdedelete ng mali mali kong pagtype.


"Wilson? Yung crush mong librarian. Sisipain kita Abby!" pananakot ko sa kanya. Ang rupok ng gaga.


"Hindi naman iyon sadya. Nagkita lang kami sa coffee shop malapit sa hospital na pinapasukan ni Apollo" labam niya sa akin. Hinampas ko ang keyboard ng mainis ako dahil wala talaga akong matype ng maayos dahil sa pagiisip.


Napatitig ako sa aking cellphone. "Eh anong problema ngayon? Crush mo lang iyon dati. Ikakasal ka na kay Apollo" paalala ko sa kanya. Ilang buntong hininga ang pinakawalan niya sa kabilang linya. Napasapo ako sa akong noo.


"Wag ganyan abby. Naguguluhan ka lang..." malumanay na sabi ko. Parang bigla din akong nakaramdam ng takot sa kung ano ang pwede niyang gawin. Siraulo pa naman ang isang ito, marupok pa ang gaga.


Matapos ang paguusap namin ni Abby ay bumalik ako sa trabho. Ibinakante ko ang buong hapon ko bukas para sa kanya. Kailangan niya ng makakausap at handa akong paliwanagan siya.


"Ma'm Sera. Dito po kayo maglulunch?" tanong ni Dino ng sumungaw siya sa may pintuan.


Umiling ako. "No. Bababa ako" sagot ko kaya naman nagpaalam na sila sa akin na mauuna ng maglunch.


Kaunti lang ang empleyado namin dito kumpara sa main office namin sa bulacan. Hindi ko na kailangan pang problemahin iyon dahil si Daddy naman ang batas sa mga iyon. Tatlong office girl, sina Jenny, Jessa at Angela at apat na detailman ang kasakasama ko sa office. Wala pa ang guard namin at dalawang janitor.


Nang mahusto ako ay nagpasya na akong bumaba. Nagaayos pa lamang ako ng aking gamit ng magulat ako ng makita ko si Apollo sa harapan ng aking pintuan.


"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya pero nagawa ko pa ding lunapit at humalik sa kanyang pisngi bilang pagbati. Tingnan ko pa lang ang mukha niya at ang pagkapoker face nito ay alam ko ng may problema.


"Ang kaibigan mo. Niloloko ako" seryosong sabi niya na ikinalaglag ng panga ko. Hearing about this with abby is something, at ngayong si Apollo naman ang nasaharapn ko ay iba na.


"Baka nagkakamali lang, naguguluhan lamang iyon..." paliwanag ko sa kanya. Napatikhim siya, napahilamos sa kanyang mukha bago siya suminghap.

Imbes na sa office kami magusap ay niyaya ko siyang maglunch na lang muna at duon pagusapan ang problema. Nagalok siyang sumakay ako sa kanyang sasakyan, siya na daw ang bahala sa lunch namin ngayon dahil siya ang may kailangan ng advice ko. I'm willing to help, ofcourse. Kaibigan ko silang pareho at ayokong mangyari sa kanila ito.


Huminto kami sa isang restaurant. Naiintindihan ko kung bakit kami nandito. Gusto niya ng tahimik na lugar para makapagusap kami ng maayos.


"Kilala mo iyon. Si wilson" sabo niya. Walang pagdadawang isip akonh tumango. Kilala ko naman kasi talaga.


"The freaking librarian" sambit ko hindi ko na napigilang panlakihan siya ng mata. Nanduon ako sa tuwing nababaliw si Abby sa librarian na iyon, sa tuwing nagskip siya ng meal para lamang makatambay duon. Nanduon ako.


Nakuha ng dumating na pagkain ang aking atensyon. Pero mas nakuha iyon ng tatlong lalaking kararating lamang ngayon sa restaurant. Bayolente akong napalunok ng makita kong si Kenzo ang isa sa mga iyon. Matalim na kaagad ang tingin niya sa akin na parang may ginagawa akong masama. Tangina neto, bawal mag lunch!?


Nakatalikod si Apollo sa kanyang gawi kaya naman hindi nito napansin ang pagdating ng aking butihing asawa. Nagiwas na lamang ako ng tingin sa table nila, kailangan kong mag concentrate sa pagbibigay ng advice kay apollo. Damn. Love guru amputa.


"Nagdadalawang isip siyang ituloy ang kasal" pagbasag ni Apollo kaya naman nanlaki ang aking mga mata.


"But, it's one week from now" giit ko kaya naman napatango siya at nagtiim bagang.


Nagiwas siya ng tingin. Napasinghap ako ng makita ko kung paano tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Tangina, may umiiyak nanamang lalaki sa harapan. The heck.


"Tangina, Sera. Mahal na mahal ko yang kaibigan mo" umiiyak na sabi niya. Hindi ko maiwasang maantig. Fuck abby! Wag mong ipagpapalit ang isang ito. Tatamaan ka sa akin.


"I'm always sure about her. She isn't with me" napakagat ako sa aking pangibabang labi. Hindi ko na din kinakaya ang emosyong ipinapakita niya sa akin. Awang awa ako kay Apollo.


"Ofcourse, she is sure about you Apollo" paninigurado ko sa kanya pero marahas siyang umiling.


Hindi ko na napigilang tumayo at lumapit sa kanya. Mabilis kong niyakap si Apollo para icomfort siya. Para ko na din silang kapatid na dalawa ni Abby. Ayokong ganito sila, nasasaktan ako para sa kanila.


Wala pang ilang segundo ang pagkakayakap ko ay napahiyaw na ako ng may kaagad na humigit sa aking braso.


"Ano ba, Kenzo!" suway ko sa kanya.


Galit na galit siya. Hindi ko alam kung para saan iyon pero naguumapaw ang galit niya. Ramdam ko iyon sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin.


"Anong ginagawa mo?" galit ba utas niya sa akin. Kayang kaya ko siyang sagutin ngunit walang ni isang salita ang lumabas sa aking bibig. Nanatili ang titig ko sa kanya at sa pangigigil niya.


"Kenzo. Pare..." tawag ni Apollo. Nagawa niya na ding tumayo para mapantayan kami.


Lumipat ang tingin niya sa akin patungo kay Apollo. "Iuuwi ko na ang asawa ko" matigas na sabi niya sabay hila sa akin. Nagulat ako, gusto ko pa sanang magprotesta ngunit hindi ko na nagawa. Tipid na tumango at nguniti sa akin si Apollo na para bang sinasabi niya sa akin na ayos lang siya at sumama na ako sa damuhong humihila sa akin ngayon.


"Abo ba Kenzo! Nasasaktan na ako" pagrereklamo ko sa kanya.


"Talagang masasaktan ka!" galit ba utas niya sa akin bago niya ako binitawan sa harapan ng kanyang sasakyan.


"Ano bang problema mo? Naguusap lang kami ni Apollo!" giit ko pero hindi pa din nagbabago ang ekspresyon niya. Matigas pa din iyon at galit.


"Usap na may yakap? Really?" mapanuyang sabi niya sa akin kaya naman napairap ako sa kawalan.


Nagulat ako ng ituro niya ang mukha ko. "Don't you dare roll your eyes on me again!" asik niya kaya naman halos mahigit ko ang aking hininga.


Natahimik ako at nagiwas ng tingin. "Pasok" asik niyang muli. Wala na akong nagawa kundi ang pumasok sa kanyang sasakyan. Ayoko din naman ng eskandalo dito.


Ramdam na ramdam ko ang gakot niya. Kahit maging sa magdridrive ay kita ko iyon, ilang beses nga akong humawak ng mahigpit sa seatbelt sa tuwing magoovertake siya. Tangina talaga.


"May trabaho pa ako sa office, hindi pa nga ako nagpapaalam sa mga..." hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng makita kong wala naman siyang balak na pakinggan ako. Pagkahinto ng sasakyan sa may parking space at nagdirediretso siya sa may elevator. Wala akong nagawa kundi ang humabol pasunod sa kanya.


"Ikakasal na yung tao sa kaibigan mo" seryosong sabi niya. Nanlaki ang aking mga mata, halos malaglag ang panga ko. Alam na alam ko kung anong klaseng tono ang ginamit niya sa akin ngayon.


Matapang ko siyang hinarap. "Inaakusahan mo ba akong nilalandi si Apollo!?" asik ko sa kanya. Galit na ako, tangina niya.


Kita ko ang pagkatensed ng muscles niya dahil sa pagkakakuyom. "Hindi ba!?" balik na asik niya sa akin.

Hindi ako nakapagrect kaagad. Para akong naubusan ng dugo sa buong mukha ko. "Hindi ganuon..." halos pabulong na sabi ko dahil sa panghihina. Galit ako, gusto kong ipagtanggol ang sarili ko pero at the same time, nanghihina din ako dahil sa mga ibinabato niya sa akin.


"You're still at it. Huh?" matigas na sambit niya bago ako tinalikuran para makalabas ng elevator.


Halos manlambot ang tuhod ko habang naglalakad ako kasunod sa kanya. Bumagsak ang ulo ko sa sahig. Masakit pa din pala, lalo at ganitong ipinapamukha niya ito sa akin. Tahimik akong pumasok sa kanyang condo. Nakita ko siyang pumihit papasok sa may kitchen kaya naman dumiretso na ako sa may kwarto.

Pagod akong umupo sa dulo ng kama. Inis kong pinunasan ang pagtulo ng aking mga luha. "Ayos lang yan, Sera" pagpapagaan ko sa dibdib ko kahit sobrang bigat.


Hindi ako nagangat ng tingin ng marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan sa aming kwarto. Hanggang sa magulat na lamang ako ng makita kong marahas na naghuhubad si Kenzo ng kanyang suot na itim na long sleeve. Diretso at matalim ang tingin niya sa akin. Saktong natanggal na niya ang lahat ng buttones ng humarap siya sa akin.


Bayolente akong napalunok ng higitin niya ang aking braso patayo. "Pagbibigyan kita at baka nabitin ka sa yakapin niyo ni Apollo" matigas na sabi niya sa akin bago niya ako siniil ng halik. Hindi kaagad ako nakagalaw. Gulat na gulat. Hanggang sa tumulo ang aking mga luha ng itulak niya ako pahiga sa kama at kaagad pinangibabawan.























(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

7.5M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
451K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
7M 227K 65
His Punishments can kill you
708K 25.1K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...