Deceive me, Love (Buenavista...

By Eishstories

151K 1.9K 1.2K

First book of Buenavista Series Saint lost her trust in love when she caught her boyfriend cheating during Ma... More

Deceive me, Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 10

3.6K 42 17
By Eishstories

Chapter 10
Oro Verde


"Grabe itong mga minors, mga feeling majors talaga. Kung makabigay ng projects wagas," reklamo ni Willow.

Nagising ako sa diwa ng pinitik niya ang daliri sa harapan ko.

I blinked twice out of surprise. "What? What were you saying?"

Kahit na sobrang hirap kanina ng exam ay tuliro pa rin ako at iba-iba ang iniisip. Last exam na rin naman iyon kanina kaya medyo magaan na para sa amin.

Willow clicked her tongue in disappointment. "Alam mo ikaw, Saint. Makailang beses na kitang nahuhuling tuliro nitong nagdaang mga araw. Ano ba? May problema ka?"

Tumikhim ako saka umiling sa tanong niya. I too have no idea of what's wrong with me. Pagkatapos kasi ng araw na nakita ko si Range na may kasamang ibang babae, hindi na iyon naulit pa. Dapat nga pasalamat ako pero kasi, hindi ako natatahimik hanggang ngayon, mas nangingibabaw pa rin sa akin ang pagdududa.

"Handa na ba kayo para bukas sa English? Magpractice pa kayo ng husto," pag-iba ko ng topic dahil ayaw kong sagutin ang tanong niya.

"Hindi pa nga maayos ang sa amin! Ang tamad kasi ng mga kasama ko," she rolled her eyes boredly.

Nakahinga ako. Mabuti naman at binitawan niya kaagad ang tanong kung may problema nga ba ako. Yes, pinanindigan ko talaga ang desisyon kong 'wag nang ipaalam pa sa kanya ang tungkol sa nakita kong babae ni Range tutal hindi rin naman ako sigurado.

Although, what has been bugging me for weeks now is what could their relationship possibly be. Friend, he said that. But Range is poor, so how can they he be friends with someone who drives a sports car, right? O ako lang talaga ang nag-iisip ng masama rito gayong wala naman dapat.

Kung tutuusin, ano ang problema kung magkaibigan ang isang mahirap at mayaman, hindi ba'y wala naman? So with this mindset of mine, nakakahiya ako. Clearly, they can be friends regardless of their social backgrounds.

Pagkatapos namin sa ng last requirement sa English kahapon, sumama si Willow sa bahay para mag-overnight. Sembreak na rin sa wakas at matutuloy ang pupunta ko sa Buenavista kasama si Range. This trip hopefully clears whatever haziness I have up on my head.

Sana naman talaga.

I mean... him bringing me to his hometown speaks great volume, right? Sa wakas ay natututo na siyang papasukin ako sa buhay niya. At alam ko namang may rason kung bakit siya mailap sa mga tao, kahit pa man sa akin minsan. Gusto ko na siya mismo ang magpapasok sa akin sa buhay niya nang hindi ko na pinipilit pa.

Siguro ay dapat tapangan ko lang ang sarili sa kanya. Umuurong kasi ako minsan kapag umaamba na akong magtatanong ng mas personal pa. Makailang ulit na akong sumubok, bigo lahat. So my approach this time is form him to let me in willingly to his life.

Nasa labas na kami ng bahay ni Willow ngayon para antayin si Range.

"Saint," mahinang tawag niya sa akin kaya ko siya nilingon.

Bumaba ang tingin ko sa maliit niyang paper bag. Nilahad niya iyon sa akin.

"Ano 'to?" kuryoso kong pagtanggap sa paper bag mula kay Willow.

Willow auspiciously smirked. "Para sa'yo 'yan at doon mo na buksan pagdating niyo na mismo sa kanila!" nataranta siya nang akmang bubuksan ko sana ang ibinigay niyang paper bag.

Nagbikit-balikat ako at napatingin sa bigla niyang pagturo sa kalsada.

"Oh, ayan na pala siya!" pagturo niya sa nakaparadang taxi sa harapan namin kung saan lumabas si Range.

"Hey,"

"Ready to go?" tanong ni Range sabay sa pagbukas niya ng pintuan ng sasakyan.

Tumango ako. "Uh, oo. Kanina pa kami nag-aantay sa'yo."

Umikot naman si Willow sa harapan para maupo sa front seat, kami na ni Range sa likod. Kanina pa rin ako naaasiwa sa patingin-tingin ni Willow sa salamin. Pasimple ko siyang pinandilatan ng mata.

Humagikhik siya nang mahinto ang taxi sa harapan ng bahay nila. Nang makalabas siya ay umikot pa sa banda ko saka sumungaw pababa sa bintana ko. She nudges my paperbag using her lips.

"I-secure mo, Saint. Baka mawala mo ah?"

"Ano ba 'to? Pagkain?" pagtaas ko ng bag pero agaran siyang umiling bago tumalikod papasok ng bahay nila.

"Stay safe, kids!" Willow pointed us both while closing her gates.

Binalingan ko si Range na ngayon ay nakangisi na rin. "What? Ba't ka nakangisi d'yan?"

Natawa siya. "Nothing. Ba't ba ang suplada mo bigla?"

Natahimik ako sa kabuuan ng biyahe sa taxi at sa bangka. Mas lalo na sa bangka dahil maalon at nasusuka ako. Nawala rin naman nang malanghap ko na ang sariwang hangin ng isla.

I glared at him. Range is still laughing at my sick face from the boat ride.

"Alam mo, ang lakas-lakas mong mang-asar pero kung ikaw naman ang aasarin, napipikon ka!"

"Hindi naman ah?" he chuckled more. "And where are you going? Dito tayo," paghawak niya sa palapulsuhan ko.

At saka niya ako hinila papunta sa nakahilerang mga tricyle sa kabilang dako ng kalsada. Nabitin ako sa reklamo ko sa kanya. Ni wala nga siyang sinabing instruction sa driver ng tricyle, agad na kaming pinasakay at hinatid. Siguro'y kilala siya at alam na kung saan ang bahay nila.

Ilang minuto pa ang biniyahe namin galing ng pantalan bago kami huminto sa ibaba nitong maliit na burol. Liblib ang lugar at malayo sa main road. Sa itaas naman ng burol, naaninag ko na ang maliit na bungalow house.

"Kayo lang ho?" tanong ng driver sa kanya nang makababa kaming dalawa.

Umiling si Range. "Opo. May trabaho pa po sina Papa eh. Makakauwi rin ang mga iyon sa susunod siguro,"

Lumayo ako at hindi na narinig pa ang usapan nila ng driver. Marahan ang paglakad ko papalapit sa bungalow house lalo't namamangha ako sa ganda ng lugar. Nagulat na lang sa bigla niyang pagsalikop ng kamay namin papasok ng bahay.

Inside, the interiors are very tropical. Halos lahat ng gamit ay gawa kahoy. Open plan din kaya napakaaliwalas tignan. Animo'y walang namamalagi rito sa linis ng mga gamit. And to point out, this isn't a bungalow house as what I initially thought, may second floor pa pala.

"Ang ganda rito. Sayang naman walang tao parati."

"Do you like it here?" tanong niya habang dinadantayan ko ng kamay ang console table.

Binalingan ko siya saka tumango.

"Saan pala ang plantation?" pag-iba ko sa usapan.

Biglang napanguso si Range sa pag-iba ko ng tanong. Hinuli niya ang baywang ko at pinirmi ako sa posisyon. Siguro'y malayo rito lalo't wala naman akong nakitang mga puno ng mangga nang papasok kami sa lugar.

"On the other side, Saint. Gusto mo na bang pumunta roon o gusto mong ipagpahapon na para hindi masyadong mainit sa'yo?

"Fine by me,"

At dahil kuryuso ako, hinayaan niya akong libutin pa ang bahag ng mas mabuti. Nasa kuwarto na niya kami ngayon sa ikalawang palapag nitong bahay. Kanina pa kinakati ang kamay ko kaya hindi ko na napigilan. In-open ko ang tukador niya pero tama nga talaga ako ng hinala, walang lamang gamit lahat dito.

I am extremely weirded out by that.

"Bakit wala ka masyadong gamit dito, Range?" hindi ko na napigilan ang sarili na magtanong sa kanya kung bakit nga ba.

Nasa loob siya ng toilet ngayon kaya sumungaw siya mula sa pintuan para masagot ako.

"Sana Iloilo lahat, Saint. Mahirap bumalik rito kapag may nakakaligtaan akong gamit kaya dinala ko na lahat doon. Bakit?" aniya palabas ng banyo, wala nang damit pantaas.

"Ah, ganoon ba?" tumikhim ako ang iniwas ang tingin sa saradong niyang binta. "At magdamit ka nga!"

Hinawi ko ang kurtina para makitang maigi ang bakuran. Napapalibutan ang bahay ng puting harang. And at the furthest back of their land, a barnhouse proudly stood.

Nilingon ko siya.

"Aalis ako saglit kaya magpahinga ka muna bago tayo bumisita sa plantasyon,"

"Sure. I'll just sleep,"

Nakatulog nga ako nang umalis si Range. Bandang hapon na ako nagising sa kabig ng mga kabayo sa bakuran. Sumungaw ako mula sa binta ng kuwarto ni Range at nakita kong may kasama na siyang 'di pamilyar na lalaki sa akin.

Siguro'y kaibigang lalaki.

Nagbihis ako ng damit bago tumulak sa baba para salubungin sila. Bumagal ng pagpapatakbo si Range sa kabayo nang maaninag akong papalapit. Nauna nang nakababa ang kasama niya at ngayon ay nakalapit na sa akin.

"Hi," maligaya niyang paglahad ng kamay na agad ko namang tinanggap.

Tumabi si Range sa akin nang makababa rin sa kabayo. "Saint, this is Marcus and he works in the plantation. Sasamahan niya tayong maglibot mamaya,"

Binaling ni Marcus ang pilyang tingin kay Range bago ibinalik sa akin.

"Nice to finally meet you, Saint." humiwalay rin sa pagkakahawak ng kamay ko. "Mabuti naman at napilit mo na bumisita kayo ni Range dito."

Tumikhim ako. "Oo nga. Ayaw niya pa sana-"

Humalakhak si Marcus kahit 'di ko pa tapos ang sinasabi. Kumunot ang noo ko dahil alam kong may laman ang paraan ng pagtawa niya ngayon. Napukaw tuloy ulit ang malikot kong pag-iisip. Ibig sabihin lang na hindi talaga umuuwi ang Range dito?

Marcus shook his head in disbelief. "Well... as expected-"

"Marcus..." mariing saway ni Range sa akmang idadagdag pa sana ni Marcus.

Nilingon ko si Range. Medyo naiirita siya. Naiirita sa ano? Importante ba ang sasabihin ni Marcus na parang ayaw niyang malaman ko?

"You want to go now? Let's go, then." suplado niyang pag-iba ng usapan.

Iritado na rin tuloy ako lalo't mas lumalabo ang kilos at galaw niya para sa akin. What the hell are you up to, Range? Ano ang ayaw mong sabihin sa akin?

Iminuwestra niya ang kabayo sa harapan ko kaya ako napaatras. Iritado ko siyang nilingon.

"Hindi ako marunong mangabayo. Hindi ba puwedeng lakarin na lang natin?" pagprotesta ko sa dalawa.

Malalim na humugot ng paghinga si Range bago umiling tila kinakalma pa ang sarili. "Puwedeng lakarin pero malayo, Saint. So please don't argue with me anymore. Sumampa ka na,"

Walang pasintabi niya akong binuhat na lang pasampa sa likod ng puti niyang kabayo dahil ayaw ko namang sumunod. Tumili ako ng medyo gumalaw ang kabayo pasulong. Kumapit ako sa lubid ng wala sa oras.

"Maximus," paghimas niya sa kabayo.

Mabilis siyang umakyat pasampa at sinalikop ako sa braso para hawakan ang lubid sa harapan ko. Sa taas nitong kabayo ay napapapikit ako bigla. And does he even know how to ride this horse safely?

"Do you even know how to ride this?" halata sa tono ko ang pakabahala.

"Of course, Saint." bulong siya saka pinatakbo na ang kabayo kaya balik ulit ako sa pagpikit.

Dumadampi sa pisngi ko ang ihip ng malamig na hangin. Hindi ko magawang buksan ang mga mata dahil sa takot. I felt him press me more on his chest. At nang maramdaman ko ang pagbagal ng takbo namin ay unti-unti na akong dumilat.

Sa wakas, napapalibutan na kami ng mga puno ng mangga. Mas bumagal ang takbo namin nang mas malapit na sa bukana ng plantasyon. Una siyang bumaba bago niya ako tinulungang makababa rin.

Agad nga lang akong lumapit sa granite stone kung saan nakaulit sa gitnong mga letra ang pangalan ng plantasyon.

"Oro Verde Mango Plantation..." I read the sign under my breath.

Nilingon ko si Range at Marcus na ngayon ay tinatali ang mga kabayo sa kalapit na puno. Inangat ni Range ang tingin sa akin saka pa ako lumapit sa tabi niya.

"Puwede ba tayong maglibot dito ngayon? Baka magalit ang may ari?" bulong ko kay Range, takot na baka bawal itong ginagawa namin.

He immediately shook his head to disagree. Was that no, we can roam around or no, the owners wouldn't mind? Anyway, I hope that Range meant the latter because I can't wait to roam around!

I excitedly hopped in towards the plantation. Sa gilid, may iilang trabahanteng abala sa pamimitas ng bunga. Nilingon kong muli si Range at Marcus dahil takot akong paalisin na lang kami rito lalo't bawal naman pala. Nakakadisturbo naman pala kami.

"Walang magagalit talaga kung maglibot man tayo?" si Marcus ang tinignan ko para tanungin.

Bahagya siyang natawa.

Marcus pouted. Bumaba ang tingin niya sa kamay namin ni Range na magkahawak. Umiling siya kalaunan.

"Hindi naman siguro lalo't wala ang mga may-ari rito. Hindi masyadong umuuwi rito eh. Well, umuuwi naman minsan lalo na kapag napipilitan." Marcus forcefully emphasised 'napipilitan' there.

Bago pa ako makasagot kay Marcus, agresibo akong hinila ni Range papalayo sa kanya. Umalingawngaw tuloy ang tawa ni Marcus nang mas makalayo kami. Nilayo ako ni Range kung sa'n walang mga trabahante. Siguro'y para hindi kami makadisturbo sa trabaho nila.

Binitawan niya ang palapulsuhan ko kaya malaya na akong makakagalaw. Inikot ko ang sarili bago huminto sa gitna.

"May hangganan ba ang lawak ng plantasyong 'to?"

"This is the biggest plantation on the island, so its size already speaks for itself," paliwanag niya. "And please get the fuck down that tree, Saint!"

Sigaw niya sa malayo nang sinubukan ko nang akyatin itong maliit na puno sa gilid. Mababa lang naman kaya nakaya kong akyatin mag-isa. Hirap man pero nagawa kong maupo sa sanga nito.

He glared at me while walking up to my side.

"Tss. Very stubborn,"

Kinulong niya ako gamit ang dalawang kamay. His right hand rested on my waist now. Iyon nga lang, hindi pa rin humuhupa ang pagkunot ng noo niya sa pagkairita.

"Oo nga pala," pagbalik ko sa usapang pinutol niya kay Marcus. "Nasaan ang may ari ng plantasyon? Marcus was about to tell me earlier, hinila mo lang ako paalis."

"Abroad." Range boredly answered, he almost didn't even want to answer.

Binaba ko kay Range ang tingin. Pinilig ko sa gilid ang ulo lalo't ang dami-dami kong gustong malaman sa buhay niya. Minsan ako na lang ang nahihirapan kung saan mag-uumpisang magtanong. Nahihirapan din ako sa kung paano ko ibabato ang tanong para hindi siya ma-o-offend.

I sighed. You don't trust me just yet, Range? Ganoon ba?

"Maganda rito kaya bakit ka hindi umuuwi parati?"

Ramdam ko ang pag-igting ng balikat niya sa pagbato ko ng panibagong tanong. He heaved too.

"No reason for me to be here at all, Saint."

"Dahil wala naman ang parents mo?"

Tumango siya. "Yes. Madalang lang sila kung umuwi rito kaya madalang lang din ang pagbisita ko."

Ngumuso ako at napatango sa huli. Fair enough. Ano naman kasi ang gagawin niya mag-isa rito? Well... he'd be alone here then if he decides to work in the plantation after his degree?

And before I could even ask few more questions, he carried me down from the tree. Hindi na ako nakareklamo nang agaran niya akong inatake ng halik na animo'y paraan niya iyon para maiwasan ang mga nagbabadya kong tanong.

Continue Reading

You'll Also Like

240K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
44.4K 1.8K 39
AGUSTIN SERIES #1 (COMPLETED) Priyanka Guevarra, a carefree and just the right amount of wild seventeen year old girl who had this huge crush on Lore...
83.9K 1.9K 43
𝙵𝚊𝚕𝚕𝚒𝚗𝚐 𝚂𝚎𝚛𝚒𝚎𝚜 #𝟺 𝙏𝙝𝙚 𝙇𝙖𝙬𝙮𝙚𝙧 Dennilah Kadynce Lexington is a brat, party girl, and a hidden artist, who's head over heels wit...
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...