Midnight Lover [RATED SPG / C...

By iamaivanreigh

9M 100K 4.7K

WARNING: This story is not suitable for young readers. If you are below 18 years old, please don't proceed wi... More

Author's Note
TEASER
Midnight Lover - 01
Midnight Lover - 02
Midnight Lover - 03
Midnight Lover - 04
Midnight Lover - 05
Midnight Lover - 06
Midnight Lover - 07
Midnight Lover - 08
Midnight Lover - 10
Midnight Lover - 11
Midnight Lover - 12
Midnight Lover - 13
Midnight Lover - 14
Midnight Lover - 15
Midnight Lover - 16
Midnight Lover - 17
Midnight Lover - 18
Midnight Lover - 19
Midnight Lover - 20
Midnight Lover - 21
Midnight Lover - 22
Midnight Lover - A
Midnight Lover - 23
Midnight Lover - 24
Midnight Lover - 25
Midnight Lover - 26
Midnight Lover - 27
Midnight Lover - 28
Midnight Lover - 29
Midnight Lover - 30
Midnight Lover - 31
Midnight Lover - 32
Midnight Lover - 33
Midnight Lover - 34
Midnight Lover - 35
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

Midnight Lover - 09

205K 2.2K 78
By iamaivanreigh

 

RAVEN

Hindi ko alam kung saan humuhugot ng laksa-laksang self-confidence itong si Asher at nagagawa niyang rumampa sa harap ng napakaraming tao na kakapiranggot na tela lang ang suot.

At kasabay ng tilian ng mga tao ay ang pagpipigil ko ng hininga. Halos hindi ko maalis ang mata ko kay Asher na ngayon ay cool na cool na rumarampa sa makeshift stage suot ang isang color green na underwear. At mas lalo pang naging wild ang mga manonood nang hawakan niya ang garter ng briefs na suot niya at hinila iyon pababa giving the audience a pretty sight of his perfect v-shaped cut in his lower torso.

And after the bikini wear is the Q and A portion where I think that Asher had the best answer of all the candidates. The night ended with him bagging most of the major awards and the title: Bikini King 2014.

Habang abala ang mga tao sa pagkuha ng picture sa mga nanalo ay bumalik na ako ng backstage para ayusin ang mga gamit namin ni Asher. At saktong kakalagay ko lang ng make-up set ko sa bag nang makita kong pumasok sa loob ng tent si Zeke—ang isa sa mga nag judge kanina.

Nagdadalawang isip pa ako kung lalapitan ko ba siya o hindi dahil kausap niya 'yong isa pang judge na ngayon ko lang napansing hawig sa artistang si Alex Gonzaga. At pati nga yata ugali ni Alex ay taglay rin naturang judge.

Lalabas na sana ako nang biglang napatingin sa direksiyong kinatatayuan ko si Zeke. And the moment his eyes found mine, bigla ay tila nagkaroon ng aparisyon sa pagitan ni Zeke at ng babaeng kumakausap sa kanya. Mabilis na nagpaalam si Zeke sa babaeng hawig kay Alex Gonzaga at saka lumapit sa akin.

Sa peripheral vision ko ay nakita kong sumimangot ang kalookalike ni Alex bago ngunguto-ngutong lumabas na ng tent.

“Hi!” bati sa akin ni Zeke nang ilang hakbang na lang ang pagitan niya sa 'kin. “Why do I have this feeling that this is not the first time na nagkita tayo?”

Napangiti ako kahit papaano ay naroon pa rin naman pala ang familiarity na naramdaman ko nang una ko siyang nakita kanina.

“Humanities class with Miss Mandy Viray. Madalas tayong tumambay sa Dya’s Café kung saan minsan tayong inabot ng madaling-araw dahil dinamayan natin ang isa’t isa noong mga panahong pareho tayong may problema,” pagpapaalala ko sa kanya.

At sa puntong 'yon ay ngumiti na si Zeke na tila may naalalang nakakatawa mula sa nakaraan. “Raven! Kumusta ka na? At paano ka nakarating dito?”

Nice question since hindi nga naman ako tagarito.

“I’m fine. Nagbabakasyon ako sa Javier ngayon. Ikaw, kumusta? Lalo kang gumwapo.”

I used to have a crush on him back when we were in college. Sa Humanities class lang kami magkaklase noon pero andami naming memories together lalo na at nadiskubre naming pareho kaming mahilig sa art. He was into painting while I love writing novellas during my spare time.

Back then, naalala kong gwapo na talaga si Zeke. He was tall, big and beautiful. Ninety percent yata ng girl population sa university namin noon ay kilala si Zeke at malamang ay may crush sa kanya. But during those days, sa iisang babae lang nakatuon ang pansin niya—kay Lian. The same girl na siyang dahilan kung bakit sinarili ko na lang yung paghangang nararamdaman ko para sa lalaking madalas kong nakakasama sa Dya’s Café.

At kung wala lang sigurong Lian sa buhay niya noon, I might have crossed the line from being his friend to being a girlfriend. Chos lang!

“Binola mo pa 'ko,” natatawang saad ni Zeke. So after here, uuwi ka na ba agad? Kung hindi pa naman, invite sana kitang mag-coffee somewhere so we can also catch up with each other’s lives. Ang tagal rin nating 'di nagkita kaya I’m sure marami kang kwento just like before.”

“Oo nga, eh. Five years na yata noong huli tayong magkita. And I’m sure marami ka ring baong kwento,” sabi ko sa kanya.

Naputol ang pag-uusap namin ni Zeke nang magsipasukan na ulit sa backstage ang mga nanalong candidates kasama na si Asher na bitbit ang isang malaking trophy.

“So? I’d just wait for you outside?” tanong ni Zeke sa akin bago pa man tuluyang makalapit sa amin Asher.

“Sure. Lalabas na rin naman kami mga after ten minutes.”

“Oks,” iyon lang at lumabas na si Zeke sa backstage habang si Asher naman ay isa-isang inaalis mga sash na nasa katawan niya.

“Ba’t mo kinakausap 'yon?” tanong niya sa tonong parang nagseselos. Pero ba’t naman siya magseselos?

“Magkakilala kami ni Zeke. Classmates kami sa isang subject noong college kami. At ini-invite niya akong mag-kape. Gusto mong sumama?”

Muling isinuot ni Asher ang mga damit na suot niya kanina habang papunta pa lang kami dito at saka muli akong hinarap na nakakunot ang noo.

“Crush mo 'yong Zeke na 'yon, noh?”

“Dati, oo,” pag-amin ko. “Pero—”

“Sus! Mas matangkad lang sa akin 'yon pero mas gwapo ako dun,” biglang putol ni Asher sa sinasabi ko. And I was like: okay, sabi mo, eh.

At hanggang sa makalabas kami ng tent ay nakakunot pa rin ang noo niya. Di kalayuan sa makeshift stage ay nakatayo naman si Zeke na parang hinihintay talaga ang paglabas ko.

And for formality’s sake, ipinakilala ko sila sa isa’t isa nang tuluyan kaming makalapit ni Asher kay Zeke.

“Do you mind kung sasama ako sa inyo?” tanong ni Asher kay Zeke habang papunta kami sa sasakyan ko. Wala palang dalang car si Zeke kaya sa amin na rin siya sasabay. Which I don’t really mind dahil malaki naman ang sasakyan ko.

“Okay lang, pre,” sagot naman ni Zeke.

Binuhay ko na ang makina ng kotse para kahit papaano ay mabawasan ang awkward feeling na nagsisimulang bumalot sa aming tatlo.

Matapos ang mahigit sampung minutong pagda-drive ay narating namin ang Visca campus. Pagbaba ko sa kotse ay namangha ako sa tanawing bumungad sa akin. Such a beautiful place. 

Continue Reading

You'll Also Like

9.7M 173K 60
College student Christie unwillingly returns to her hometown because of her parents. As the shy new girl of Osmium University, all she wants is a nor...
3.8M 79.4K 54
Isang Playgirl si Amber Tuazon, at isang di inaasahang tawag mula sa isang unknown number ang mas magpapainit ng bawat gabi niya. --- Matured po to...
1.2M 3.3K 5
Ever since Elaina Lain Cornell was a little girl she dreamt of becoming a princess. Living in a castle, loving and marrying an handsome prince. But i...
17.4M 193K 54
WARNING: This story is not suitable for young readers. If you are below 18 years old, please don't proceed with the Prologue because this story conta...