Life-Note | COMPLETED

Von dustlesswriter

6.3K 826 35

"Write the name of the person who is dead and they will be brought to life" A group of college students playe... Mehr

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
LIFE-NOTE TRAILER

CHAPTER 25

128 22 0
Von dustlesswriter

CHAPTER 25



DEBBY'S POV





"Guys, sure ba kayo rito?" nag-aalinlangang tanong ni Cyrus at nakangiwi dahil sariwa pa ang sugat sa sikmura. Ngayon ay naglalakad kaming tatlo sa kahabaan ng madilim na highway ng Lyn Ville. Tanging yabag lang namin ang maririnig.

"Hindi ko alam. Pero kung mamatay ka, e'di mamatay ka," litanya ni Brixx habang bitbit ang isang shotgun. This time, hindi na ito laruan dahil totoo na itong baril.

"Siraulo!" mura ni Cy kay Brixx kaya ako na mismo ang sumagot.

"Listen Cy. We won't let them hurt you. Sobrang dami mo nang sugat na tinamo at hindi namin hahayaang madoblehan ka. Ang gagawin mo lang ay i-distract sila. We will shoot them in the head," paliwanag ko at kinasa ang baril na hawak ko.

Kakalabas lamang namin ng presinto upang magpuslit na naman ng armas. Mabuti na lamang at wala ang mga pulis kaya walang nakakaalam na illegal naming kinuha ang mga baril nila.

"Hide! Someone's coming!" Mabilis kaming nagtago sa gilid ng malaking basurahan at iniwan si Cyrus na natataranta sa gitna ng highway.

"Hoy!" sigaw niya sa amin pero hindi namin siya pinansin. In order to get a catch tonight, he'll be our sacrificial lamb.

"Hijo? Bakit narito ka? Kalagitnaan na ng gabi. Nako, dapat nasa loob ka na ng bahay hindi ba? Halika na, kanina pa kita hinahanap." Napakagat-labi ako nang makarinig ng malambing na boses. Pamilyar ang boses na iyon. Parang narinig ko rin iyon kanina noong nasa apartment kami.

"Hindi! Hindi ako sasama sa inyo!" sigaw ni Cyrus. Napatingin ako kay Brixx na siyang sumisilip ngayon sa kinaroroonan nina Cyrus at ng babae.

"Shoot her now," utos ko kaya mahigpit niyang hinawakan ang trigger. Isang putok ang umalingawngaw sa kadiliman ng gabi kaya napatakip ako ng tenga. Saka ako iminulat ang mga mata nang magsalita si Cyrus.

"Tangina!" mura nito hindi kalayuan sa pinagtataguan namin. Agad kaming lumabas at dinaluhan si Cy na nakangiwi habang sa paanan niya ay ang nakabulagtang babae. Nakasuot ito ng apron, may hawak na kitchen knife at ngayon ay basag na ang ulo.

"Nice! You hit her in the head," puri ko kay Brixx na nakatingin rin sa bangkay.

"Tingin mo babangon pa siya sa lagay na iyan?" Napangiwi ako sa naging tanong ni Brixx.

"I don't think so. Puntiryahin natin lagi ang ulo. Once we damage their brains, they will automatically die." Tiningnan ko sila isa-isa kaya napatango naman si Brixx.

"By the way, kilala mo ba ang babaeng ito?" tanong ulit ni Brixx sabay baling kay Cyrus.

"Nanang..." mahinang sambit ni Cyrus at pinakatitigan ang bangkay na nasa paanan namin.

"Let's get going. Once we reach the cemetery, I'll bury the notebook."

"Tingin mo gagana 'yon? E, may sa demonyo  nga ata ang Life Note na 'yan at hindi masunog-sunog!"

"Subukan pa rin natin. Let's go!"




Sa loob ng ilang minuto ng lakad-takbo, narating namin ang malalagong talahiban ng Lyn Ville kung saan kapag rito kami dumaan, mas mapapabilis ang pagpasok namin sa loob ng sementeryo.

"Sure ka bang dito kayo dumaan ni Maureen kanina?" paniniguro ni Brixx at itinutok sa talahiban ang dala niyang flashlight.

"Oo, sigurado ako." Agad ko ring pinasadahan ng tingin ang malalagong damo na ngayon ay wala nang bakas ng pagkahawi namin kanina. Napakunot ang noo ko. Paano nangyari iyon?

"Tangina, sure ka ba talaga? Wala namang daan rito e!"

"Tangina mo rin! Basta gumawa ka na lang ng daan at nang makarating agad tayo!" singhal ko sa kanila habang si Cyrus naman ay nagbabantay sa gilid ng konkretong kalsada.

"Guys, may paparating!" Sabay kaming napalingon dahil sa pagsigaw ni Cyrus. Umalingawngaw ang tunog ng motorsiklo at ang mga hiyawan ng dalawang lalaki.

"What's that? May karera ba ngayong gabi?" wala sa loob na tanong ko pero napailing si Brixx na namumutla na.

"That's my motorcycle!" ani Brixx nang makita niya ang pagharurot ng isang motor sa gilid namin.

"Cy!" Halos mapatid ang litid ko sa lalamunan kakasigaw nang hagipin ng dalawang rider ang nakapatdang katawan ni Cyrus sa tabi lamang ng kalsada. Kinaladkad nila ito habang nakasakay sila. Rinig ko ang palahaw ni Cy at ang tawanan ng mga lalaki.

Nanginginig ako sa galit at takot. Napapikit ako at natutop ang bibig. Nanghihina ako..

"Tara na, Debby. Wala na siya," aya sa akin ng natataranta na ring si Brixx at inalalayan akong makadaan sa malalagong talahib. Napatingin ako sa kanya na may luhaang mga mata.

"Can we just take a minute to check for Cy? B-baka humihinga pa siya," I asked him with pleading eyes but he refuse.

"Malabo na. Alam ko iyon dahil minsan na rin akong nadamay sa motor accident. Mamamatay talaga kapag walang helmet o protective gear. And worst, nakaladkad pa," aniya. Tuluyan na akong napahawak sa tuhod ko sa sobrang panlulumo. Tama naman siya. I don't think Cy would survive that motorcycle death. We lose him again.

Mayamaya ay nakarinig na ako ng mga ingay at tunog muli ng motor. Mukhang kami naman ang target nila ngayon.

"Shit! They're back! Let's go!" nahihintakutang sabi ni Brixx kaya kapwa kami nagtakbuhan sa gitna ng matataas na talahib.





Kahit habol ang hininga, nagawa naming makarating sa kabilang kalsada. Doon ko mismo nakita ang mataas at kalawanging gate ng Lyn Ville cemetery. The creepy vibes were still here. Mas nakakakilabot ngayon ang gabi knowing that we are now only two who's alive.

"Nasa iyo pa rin ba ang notebook?" I asked Brixx making sure that the Life Note was safe to be buried later. Tumango lamang siya. Akma na akong papasok sa sementeryo nang hawakan niya ng mahigpit ang palapulsuhan ko

"Can we just stick together? Sasama na lang ako sa'yo sa loob," he said while looking at me directly in the eyes. Napabuntong-hininga ako at marahang iwinakli ang kamay niyang nakahawak sa pulso ko. I volunteered to enter the cemetery alone and bury back this Life Note while he has to be here waiting for my signal. At isa pa, mas makakabuting ako ang gumawa nito kaysa pairalin lang  niya ang kabobohan niya at baka itapon lang ito kung saan. Hindi matatapos ang sumpa ng gabing ito kapag nagkataon.

"We have to stick with the original plan. Isa pa, sigurado akong wala sila ngayon sa loob. Nagpapagala-gala sila ngayon para hanapin tayo. You better stay here in case one of them found out that we're inside the cemetery. Kill them bago pa sila makapasok," sambit ko at marahas na binigay sa kanya ang hawak kong baril. Tiningnan naman niya ako na parang hindi makapaniwala.

"Ang tanga mo rin, no? Paano kung naroon pala sila sa loob? What if they're waiting for us? Tapos wala kang ipam-babaril man lang? Go, take this!" asar niyang sabi at pilit na binibigay sa akin ang armas. I just glared at him.

"I'm Debby," tipid at matapang kong sagot. Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko na duwag at walang utak. Gagawin ko ang lahat para makaligtas sa kung ano man ang naghihintay sa akin sa loob.

"So what kung si Debby ka? Babae ka pa rin at mahina." Napaiwas ako ng tingin. Pero hindi niya mababago ang desisyon ko. I have to lend him the gun. We have only left 5 remaining bullets at alam kong kulang iyon. That's why I offered my gun for the assurance. Sa ganoong paraan, marami siyang mapapatay.

"Brixx, wala nang oras. I have to go now. Just do me a little favor," wika ko at tinitigan siya sa mga mata. Kita ko ang pag-aalala niya at pagtataka sa mga inaasal ko.

"Ano 'yon?"

"In case something bad happens to me and everything turns back to normal, just tell my mom how much I love her," naluluha kong litanya at napatango. "Can you?"

"Debby plea---"

"Brixx, just say yes!"

"F-fine. I'll do it. Pero siguraduhin mong mabubuhay ka, tangina mo," pagpayag niya at napaiwas ng tingin.

"You're fucking concern, aren't you?" pang-aasar ko sa kanya kaya sinamaan na naman niya ako ng tingin gaya ng dati niyang ginagawa tuwing dini-defend niya ang sarili niya.

"Hindi, abnoy! Wala lang thrill kung ako lang ang makaka-survive sa ating sampu pagkatapos ng gabing 'to," giit niya kaya napangiwi ako.

"Gago, as if I will let myself die too."

"Kaya nga, keep safe."

"Thanks!" Napangiti naman ako at humugot ng malalim na buntong-hininga bago umapak papasok ng sementeryo.

Hindi ako sigurado kung anong naghihintay sa akin sa loob. But the goal was to bury the Life Note and cut off the curse to stop this endless night.

I take a deep breath and enter the dark cemetery alone.


***

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

38.7K 2.7K 46
Suddenly sold to slavery in a foreign, magical place she never knew existed, can Rose go back home before the approaching war comes or would she die...
20.2M 452K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...
9.3M 393K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...
29.3K 2.2K 32
Five years after knowing the secret about the game, another game emerged; it was a fun-thrilling game which brought happiness to the players. But as...