Ang Alamat ni Froggy at ni Ku...

By Lil_Sissy

25.8K 1.2K 297

A side story of Miko and Anya also known as the MINYA COUPLE, from the story of Clash of the Campus Royalties... More

Prologue
Chapter One: OFFICIALLY
Chapter three: TAWAGAN

Chapter two: A DATE

4.5K 266 28
By Lil_Sissy

Chapter 2: A DATE

Dinala ako ni Miko sa isang park. Masyadong makulay. Bukod kasi sa matingkad na green na kulay ng mga damo, nagkalat yung mga vendors sa paligid. May nagtitinda ng ice cream, cotton candy, lobo, laruan at napakarami pang iba.

“Seriously, ngayon lang ako nakapunta dito.” Sabi ko kay Miko. Magkahawak yung kanang kamay namin. As usual, naka-wheelchair ako at nasa likod siya para itulak ito. Minsan nga, naaawa ako kasi kapag magsasalita ako magbebend siya sakin para marinig ako ng maayos. Nakakangalay kaya yun.

“Oh talaga? So kamusta, nagustuhan mo ba?” Halata sa boses niya ang saya.

“Hindi.” Sabi ko and I mean it. Duh? Hindi naman kasi ako bata. Kung ten years ago, baka magtatalon pa ko sa tuwa kahit pilay ako.

“Bakit naman?” Tanong niya na parang natatawa pa. Akala ko mababadtrip siya sa sagot ko e.

“Ang boring. Masyadong pambata. Ang daming tao.” Sagot ko. Kanina pa ko naiirita sa mga taong nakatingin samin. Gusto pa yata nilang magpapicture, mygosh.

“Mameeeeeh! I want! Huhu! Click click na! Huhu! Please!” Nagulat ako nang may lumapit saking batang lalaki at tinuturo turo ako habang umiiyak. Gusto niya ako? Haha! Tinignan ko si Miko, natatawa siya.

Biglang lumapit yung isang babae sa kanya. Eto ata yung nanay nung bata.

“Nako, baby. Nakakahiya kila Ate. Tara na.. bili kita ice cream?” Alok ng mommy nito.

“Ayaw!” Sagot nung bata tsaka pilit na kumakandong sakin. “I WANT! CLICK CLICK!” Pumunta si Miko sa harap ko at ikinandong yung bata sakin. Gosh, I can’t believe this.

“Ay pasensya na kayo ha. Makulit kasi talaga yang anak ko, gusto yatang magpapicture sa inyo. Okay lang ba?” Tanong ng mommy nung bata. Aba, ang sarap na ho ng upo ng anak niyo sa hita ko. Makakatanggi pa ba ako?

“Sige po.” Sabay naming sagot ni Miko. Okay, nagsabay lang kami pero bat kinikilig ako?

“Okay, one… two… three… SMILE! *click*” Sabi ng mommy nung bata. Nagulat ako nung lumapit si Miko at binigay yung phone niya dun sa babae. Maya-maya bumalik siya sa likod ko.

“Baby… baba ka muna. Click click muna sila ate at kuya. Okay?” Sabi ng babae sa anak niya. Click click? Yun ang term nilang mag-ina sa pagpipicture? Weird.

Tinignan pa ako ng bata sa mata. Para ayaw niya pang bumaba at nagmamakaawa. Bakit nagpapacute ka sakin? Ugh.

“Uhm. Okay lang po, kahit kasama na siya.” Sabi ko. Ngumiti yung mommy niya tsaka kami pinicture-an slash Click Click. Haha!

Maya-maya lumapit na yung mommy niya para kunin siya sakin.

“Baby let’s go na. Babye ka na kila ate at kuya.”

“No. Siya, baba. Bye!” Sabi nung bata sabay turo sakin. OMG, pinapaalis niya ba ako sa wheelchair KO? Medyo hinahamon yata ng batang to ang sungit powers ko ha.

“Click click, baby! Broom broom! Alis!” Sabi nung bata sakin! Hala, may pagkamasungit din tong batang to ah!

“Hay nako, nakakahiya na kila ate. Bili na lang tayo balloons oh!” Medyo napapairap na ako ngayon. Like, we are having a date tapos eeksena tong bubwit na batang to. Grabe.

“Ano daw po ba gusto ng bata?” Tanong ni Miko sa nanay nung bata. Bingi ba siya? Gusto nga akong paalisin nung bata sa wheelchair.

“Gusto niyang magpapicture sa wheel chair e. Yung solo daw.” Napabuga ako ng hangin. Really, wala akong masabi sa batang to. Infairness, feel na feel niya yung upo sa lap ko.

“Ay ganun po ba? Osige po. Girlfriend, papicture daw yung bata sa wheel chair mo. Nainggit sayo. Haha!” What the---Kailangan ipagsigawan na girlfriend niya ako? Ayoko ng ganung tawagan.

“Nako, wag niyo nang pansinin tong anak ko. Masyado na kaming nakakaabala.” Sabi nung nanay nung bata. Hindi pa naman masyado. Medyo lang.

Maya-maya nagsimula nang umiyak yung bata. Hala, ansakit sa tenga! Pinilit na kasi siyang buhatin ng mommy niya. Sabay tingin sakin na parang nagmamakaawa. Ano ba yan!

“Boyfriend, lika dito. Tayo mo na nga ako, magpapapicture lang saglit yung bata.” Sabi ko kay Miko. Fudge, ang weird talagaaaa! Ayoko ng ganung tawagan. Masyadong weird! Huhu.

“Sure ka?” Tanong niya na parang nagaalala. Aba, kanina ikaw tong namimilit sakin.

“Oo.” Yun lang sagot ko. Halos maiyak naman sa hiya yung nanay ng bata.

“Pasensya na talaga. Hala bilis baby, sakay ka na sa broom broom. Click click na tayo.” Ngumiti yung bata saka nagmadaling sumakay sa wheelchair.

Kamusta naman kami ni Miko ngayon? Eto nakatayo, halos magkayakap na. PDA lang.

“Paalala mo nga sakin, paano kita napasagot?” Tanong niya sakin.

“Malamang, nanligaw ka. Baliw to.” Sagot ko sakanya.

“I mean, paano kita napa “OO””

“Nagbingi-bingihan ka. Ganon. Style mo eh. Style kuneho.”

“Ah talaga lang ah. Pero mahal mo talaga ako?”

“Oo nga Miko. Ayaw mo ba?” Tanong ko.

“Ayoko. Ayoko na may iba.” Sagot niya. Aba, medyo possessive.

“Ikaw lang. Ayoko ng iba.” Nangitian kaming dalawa tsaka sabay may sumigaw.

“KISS!” Nakita ko yung bata sa tapat naming dalawa.

“Pano ba yan? Pagbibigyan ko na to.” Sabi sakin ni Miko. Aangal pa ba ko? Tapos ayun. Hinalikan niya ako. Pangalawa na to, kasunod nung sa prom. Wag kayong magulo, gusto kong magbilang. Haha!

Umiyak nanaman yung bata. Isa pa, makakatikim na sakin to ah! Kanina ka pa!

“SAKIN! KISS SAKIN! WAAAAAH!” Sigaw niya. Hala, sorry! Siya pala yung nagpapakiss! OMG.

“Ay takte. Akala ko tayo. Hahahaha!” Natatawang sabi ni Miko.

Nahihiyang lumapit yung mommy niya samin. Parang medyo naiinis na sa kakulitan ng bata.

“Baby, uwi na tayo. Bad na. Bad!” Sabi ng nanay dun sa bata. Kawawa naman, lalong tuloy umiyak.

“Ay hindi ho. Gusto lang po magpakiss nung bata.” Sabi ko sa mommy niya bigla naman siyang tumahan.

“Kiss. Akin.” Sabi niya. Natawa yung nanay niya sa hiya rin siguro. Pero okay lang talaga samin. Kulit nga e.

Binuhat siya ng mommy niya at inilapit samin para i-kiss. Hinalikan namin ni Miko yung magkabilang cheeks ng bata.

After nun, kumalma na yung bata tsaka nagbabye na samin. Hay. Ang kulit!

Maya-maya binalik na ko ni Miko sa wheelchair.


“Uy, ang cute ng picture natin kanina oh.” Ngayon naman “UY” na lang tawagan namin? Ano baaaaa.

“Hoy, patingin!” Pagkakita ko sa phone niya, hindi ako makaimik. Bakit ganito yung nararamdaman ko? Bakit feeling ko si Miko na talaga? Bakit nakikita ko yung future ko sakanya? Bakit sa picture na to ko narealize na napakaswerte ko pala sa isang tulad niya?

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...