Almost Forever (Almost Trilog...

By YourBossPrincess

5.1K 1.3K 1.1K

[COMPLETED] MU. WALANG LABEL. GHOSTING? Gia Lavinya Alves-Arellano was surely unfamiliar to these words. Afte... More

Almost Forever
Simula - He's Back
Kabanata 1 - Investor
Kabanata 2 - Meeting
Kabanata 3 - Unaffected
Kabanata 4 - Hidden Agenda
Kabanata 6 - Coincidence
Kabanata 7 - Uncontrollable
Kabanata 8 - A Pest
Kabanata 9 - Unprofessional
Kabanata 10 - Apologies
Kabanata 11 - Time
Kabanata 12 - Chance
Kabanata 13 - Caught Red Handed
Kabanata 14 - Ditched
Kabanata 15 - Worries
Kabanata 16 - Room 205
Kabanata 17 - Losing Someone
Kabanata 18 - His Fiancee
Kabanata 19 - The Revelation
Kabanata 20 - Hanging
Kabanata 21 - She's Gone
Kabanata 22 - What About Us?
Kabanata 23 - Memory Loss
Kabanata 24 - His Side
Kabanata 25 - Looking For You
Kabanata 26 - I Love You So Much
Kabanata 27 - Free
Kabanata 28 - Everything's Normal
Kabanata 29 - My Serenity
Kabanata 30 - Eternity With You
Wakas - My Almost Forever
Ethan's Letter for Gia
Special Chapter - Almost
Mock-Up

Kabanata 5 - Emotional Breakdown

182 62 48
By YourBossPrincess

Kabanata 5

Emotional Breakdown


PAYAPA AT MABILIS kaming nakabalik sa parking lot ng restaurant.


Hindi ko na siya tinignang muli mula kanina matapos kong sabihing gusto ko ng umuwi. Tumango lang siya bilang pagsang ayon dito.


Parang pagod na pagod ako sa araw na ito. Physically, emotionally name it.


I looked at him ng hininto niya ang sasakyan.


"Ethan, you're not obliged to accept the deal. If you don't want it, drop it. And about earlier, I'm sorry. It's exhausting to hear it all from you. Kababalik mo lang, give me time to breathe. I'll go ahead." I said before going out in his car.


I sounded like an angel. Yung Gia na palaging matatag pag nakaharap sa mga tao. Nawala. I suddenly became soft and submissive.


Napailing na lamang ako sa isiping ito. The next time were meeting again, if there's ever a chance. Hindi na dapat ako ganito, I need to teach myself again.


Hindi ko siya matignan sa mata. Hindi na rin siya sumagot kaya I felt the need to leave. Nang makasakay ako sa sariling kotse, doon lang nagsink in lahat.


Doon lang ako naluha at natulala. Doon nalang din ako nagpakawala ng isang malalim at mahabang buntong hininga.


Lagi mo na lang akong pinahihirapan sa pag iisip, Ethan. Takot na akong magtiwalang muli sayo. Takot na takot na.


Napagpasyahan ko na lamang umuwi kahit na mabigat ang aking kalooban. I thought I'm done hurting, but here I am again.


Basta basta ko na lamang hinagis ang aking bag sa sofa na bubungad sa living room ng unit ko. Hinubad ko ang aking heels at dumiretso sa kusina upang kumuha ng beer. Gusto kong maglasing.


Ni hindi ko na naramdaman ang gutom, sinungaling ka talaga Ethan. Sabi mo kakain tayo, you're a stupid bastard! Iniisip ko ito habang humahagulgol.


I am on a diet pero hindi sobrang diet. No lunch. No dinner. Damn, wala akong balak patayin ang aking sarili. Damn Ethan for clouding up my mind kaya 'di ko na naisip pang kumain.


Nakakaisang tungga pa lamang ako sa bote ay narinig kong nagring ang aking cellphone. I immediately search it inside my bag. Tears fell in my eyes when I saw Adela's name on the caller.


"H-Hello." my voice broke.


"Buksan mo naman pinto mo, nakakangalay dito." maingay nitong sabi sa kabilang linya. Agad akong nabuhayan ng loob at mabilis na tinakbo ang pintuan ng aking condo.


Niluwa nito si Adela na may bitbit na iilang grocery bags. I checked the time and its already 9pm. I haven't even eaten my dinner, how thoughtful she is to come here, bring food even though I already cancelled our plan earlier.


Marahan lang itong ngumiti sa akin bago binaba ang mga hawak at agad akong niyakap.


"Kain ka muna. Tapos kwento mo sa akin." marahan nitong sabi. Ngunit biglang kumunot ang kanyang noo ng makita ang aking hawak.


"Seriously Gia? Beer agad? Hindi ka pa kumakain, pustahan?" naiinis nitong sabi bago pinulot ang mga grocery bags sa baba at dinala ito sa kusina.


"I'm sorry, I just want to freshen up. Wala na rin kasi ako gana kumain." I explained.


"So hindi mo kakainin yung dala ko?" taas kilay nitong tanong.


"Syempre kakainin ko, ano ka ba." pang aamo ko dito. Ang sungit, parang nanay.


"Oh edi simulan mo na aba." sabi nito ng may nanenermon na tono saka naghanda ng plato sa aking four seater na dining table.


Matamlay lang akong nakatingin sa kanya at pinagmamasdan ang pag aasikaso sa akin. I don't know what to do if I don't have you, Adela. Nasabi ko nalang sa aking isip.


Parehas kaming nakasalampak sa white fury carpet na nandito sa balcony ng aking kwarto. Ten bottles of beer are already down, taglima kami. We're both staring at the sky.


"Gia, bakit sa akin mo kinekwento ang lahat?" she suddenly asked.


I looked at her with a questioning reaction.


"Why not?" I just replied. Nahihilo na ako. Malakas ang tama sa akin ng beer, pakiramdam ko pa ay busog na busog ako at nasusuka.


"Dahil ba ako lang ang nandito para sayo?"


"Seriously Adelina, what kind of questions are you asking me?" hindi makapaniwala kong tanong sa kanya habang nilalaro ang kanyang buhok matapos niyang mahiga sa aking tiyan. Mas nasusuka tuloy ako.


"Gia Lavinya, kapag may problema ka wag kang mahihiya sa akin ha. Hindi ko palaging malalaman kung kailan mo ako kailangan." she snorted.


Natawa naman ako sa mga sinabi niya. Imposible. Kailan ba siya hindi na-informed kapag kailangan ko ng isang kaibigan.


Mas lalo akong natawa sa naisip ko. Eh siya lang naman ang kaibigan ko mula pa noon. Sino pa ba ang tatawagin ko.


Napaangat ako ng tingin dito ng bigla siyang bumangon at naupo ng naka-indian sit paharap sa akin.


"Mahal mo pa?" she impulsively asked.


My eyes widened at her sudden throw of question. Hindi ba uso ang pagdadahan dahan sa mga tao ngayon? Mahabaging diyos.


Seconds have passed and I'm still staring at her. Only the city sounds and a loud music from afar envelops the surroundings.


Bigla nalang itong mas dumikit sa akin saka marahang pinunasan ang pisngi kong kanina pa pala dinadaluyan ng mga luha. Ni hindi ko na naramdaman.


Muli ay niyakap niya ako ng mahigpit.


"Adi, bakit pa ba siya bumalik?" umiiyak kong tanong sa kaibigan. Halos humagulgol akong yumakap pabalik dito.


"Hindi ba niya alam na okay na ako? Ang tagal na tagal na non. Bakit nagpakita pa siya? At ang kapal ng mukha niya para umaktong ayos lang ang lahat. Ni hindi manlang ako binigyan ng oras, unang pagkikita namin matapos lang ng meeting ay binanggit na niya agad ang nakaraan. Ganon ba siya ka-unaffected? Bakit sa kanya ang dali?" humahagulgol kong sinabi.


People nowadays does not think of the possible outcomes and consequences of their actions. Baka nga isa pa ako doon.


Humans are selfish. We only satisfy ourselves not thinking that some of our actions can cause misery to others.


If I can have the opportunity to talk to those people who's expert in leaving the persons who only wants to love them dearly, I would tell them to stop. Because it fucking hurts.


Hindi ko alam kung lasing na ba ako, pero sigurado naman ako na alam ko ang mga sinasabi ko. At kahit lasing ako, nasasaktan pa din ako.


Hindi ko din alam kung ano bang rason niya para iwan ako noon, ng ganon ganon. Alam niyo yung parang bula? Bigla biglang nawala. Kumurap ka lang saglit, pagtingin mo wala na.


At kahit ano mang rason niya, hindi ko alam kung magiging valid ba ito sa akin. Hindi ko alam kung matatanggap ko pa. It's been eight fucking years. Sinong tanga ang hindi makapagmove-on ng ganyan katagal dahil lang sa isang taong walang label na relasyon? Ako lang naman yon.


I may be a spoiled brat, an only child who experienced luxury and such in life. I was raised being rational. My mother taught me to understand things. Why did this happen? What it has to teach me?


She told me that everything has its own reason. Lahat daw ng bagay ay may dahilan. Hindi lamang basta basta nangyayari. Lagi't lagi.


No matter how much I wanted to understand people who's good at leaving. I just couldn't. Laging mga naiiwan ang walang pagpipilian. Samantalang sila, marami. Yet they chose to hurt us. To leave. I sometimes wanted to consider leaving as bravery. But me experiencing it firsthand, I now think of it as cowardice.


Hindi ko na inisip kung may mali o kulang pa ba sa akin. I may be at fault for lacking at something, pero hindi yon rason para iwan mo ang isang tao. It will never ever be a valid reason.


But I already made up my decision. Ano man ang sabihin niyang rason sa akin. Hindi ko na matatanggap. I'm too wrecked to try again. Matagal na panahon kong kinulong ang sarili ko sa pag-asang babalik siya para magpaliwanag, pero huli na.


Ang sakit sa dibdib, ang sakit umiyak. At ang sakit narin ng mata ko. Pakiramdam ko anumang oras ay makakatulog na ako. Pero hindi mawala sa isip ko ang sakit. Ang sakit sakit magmahal ng totoo.


Hindi ako sigurado kung mahal ko pa siya, ngunit isang bagay lang ang sigurado ako ngayon. Unti unti ko nang nararamdaman ang pagbigat ng aking mga mata. Sigurado ako, mahal ko pa man o hindi. Huli na siya.


Huling huli na.

Continue Reading

You'll Also Like

41.8K 1.7K 46
Forced into a loveless marriage with a billionaire heir, Eva Alcaraz does everything she can to help her father's presidential campaign and save her...
47K 758 19
✅ COMPLETED but EDITING ✅ Vincent and Maria's story. Isa lang bang pagkakamali ang pagmamahal na naramdaman ni Maria para kay Vincent? Kelan nga ba n...
148K 9.1K 26
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
834K 11.7K 45
I'm his number one hater and who the hell says that 'the more you hate the more you love'? I hate him. Yes. I hate him so much. Yes, believe me.