Worthless (Published Under MP...

By jonaxx

95.9M 2.3M 1.4M

Maria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga b... More

Worthless
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Epilogue
Notes

Kabanata 56

1.2M 32.5K 19.9K
By jonaxx

Kabanata 56

Be My Wife

Ngumisi lang ng husto si Diva sa tanong ko. Mabilis ang pintig ng puso ko at nanginginig ang kamay ko habang binalik ang atensyon sa cellphone para ma-dial ang numero ni Noah. Napatingin ako kay Diva habang dinidinig sa aking cellphone ang pagri-ring ng kabilang linya.

"I've been Noah's friend for a quite long time, Meg. Kung gusto mong kumpirmahin ay pwede mo siyang tanungin." Aniya at bahagyang hinaplos ang aking upuan.

Hindi sumasagot si Noah kaya ni dial ko pa ulit ang kanyang numero. Come on, Noah! Pick it up!

"Sinasabi ko lang na pag isipan mong mabuti. Do you really know Noah Elizalde?" Nanliit ang mata ni Diva sa akin.

"I've known him and love him ever since, Diva. Kung iyan ang gusto mong malaman." Nanginig ang boses ko ngunit nagsikap akong magpakatatag.

Hindi parin sinagot ni Noah ang kanyang cellphone. Binaba ko ang aking cellphone at tiningnan para makapag text man lang. Sana ay mag reply na siya this time.

"I hope so... Make sure you're not his rebound. Make sure you're not his last resort. Make sure you know everything." Ani Diva bago niya hinawi ang kanyang buhok at tumalikod.

Napalunok ako habang tinitingnan siya palabas ng suite. No, Megan. No one can shake your faith. Nothing can...

Tiningnan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Inisip ko lahat lahat ng sakit na indinulot ko kay Noah at lahat ng sakit na idinulot niya rin sa akin. I need to forgive. He's forgiven me. Inisip kong sinabi ni Diva na bakit tsaka niya lang ako niligawan nong magpapakasal na si Coreen. Ganon ba kasakit na hindi niya kayang walang panakip butas? Pisikal na sakit ang naramdaman ko sa aking puso.

Ano nga ba ang nasa isip ni Noah?

"Miss Marfori, tara sa labas. Mag pi-pictorial muna tayo." Ngiti ng photographer habang nakakunot pa ang noo ko.

Huminga ako ng malalim at pumayag na.

Pilit na ngiti ang ibinalandra ko habang kinukuhanan nila ako ng picture. I feel so damn fucked up. Sa likod nitong maganda kong gown at mukha ay para akong bulkan na kaonting kalabit na lang ay maaari nang sumabog.

"Nice one, Megan!" Anang photographer habang ginagawa ko ang seryosong pose na kanyang dinirekta.

"The party's in five minutes. Wrap up na kayo." Sabi ni Hugo, pagkarating niya roon. Luminga pa siya na parang may hinahanap.

"Okay na. Sa pagbaba niya naman." Sabi ng photographer.

Nang nakawala ako sa kanila ay mabilis kong nilapitan si Hugo kahit na dalawang artist ang lumapit sa akin para ayusin ang make up ko at ang damit ko.

"Hugo, what's wrong? Anong problema kanina?" Tanong ko, natataranta.

Umirap siya. "Just an old picture, Meg. Old picture of Diva na kumalat sa internet. That's the problem with publicists. Minsan kahit ano na lang talaga-"

"Anong picture?" Luminga rin ako, hinahanap si Diva.

Hinawi ko pa ang kamay ng artist na patuloy na naglalagay ng blush sa akin. Medyo pinagpawisan kasi ako sa shoot na ginawa.

"Nong di pa siya sikat. It's in a bar. She's kissing someone." Nagkibit balikat siya at hindi makatingin sa akin.

Kumunot ang noo ko. Magtatanong pa sana ako ngunit naging abala siya a pagtatawag ng mga artist para dumiretso na sa backstage ng unang palapag kung saan gaganapin ang aking birthday.

Lumapit sa akin ang coordinator at inutusan niya akong bumaba na at nasa venue na ang guests. May ipinakita pa siyang listahan sa akin ng guests para alam ko kung sinu-sino na ang naroon.

Ysmael Aboitiz, Wade Rivas, Reina Rivas, Rozen Elizalde, Coreen Elizalde. Pati ang mga magulang ni Noah ay naroon na. Naroon na rin sina Stan, Everlyse, Carlos, Warren, Joey, ngunit wala akong Noah na nakita.

Kinuha ko ang cellphone ko at binigyan siya ng isang text na nagtatanong kung nasaan na siya at bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko.

"Megan, keep your phone or give it to me." Sabi ng coordinator kaya agad kong binaba ang kamay ko.

"Ayos lang. Sakin lang ito." Sabi ko.

Pagkapasok ko sa venue ay lumingon ang lahat sa akin. Sa gilid ko ang mga fountain na umalab sa bawat hakbang ko. Sinalubong ako ni Everlyse, Stan, Wella, at kung sinu-sino pang kaibigan na bumabati.

"Happy birthday!" Kindat ni Everlyse sa akin habang ilang camera ang nakatutok sa pagbebeso naming dalawa.

Hilung hilo ako sa mga taong naroon. Medyo sumakit ang ulo ko sa kakalingon sa mga bumati. Nginitian ko sila at nagpasalamat. Ni hindi ko pa napasadahan ng tingin ang lugar na punong puno ng bulaklak at halaman. Para kaming nasa gubat ng mga bulaklak sa ilalim ng madilim na gabi.

Mga kandila at lampara ang tanging ilaw roon. Ang puting lights sa itaas ay nagsilbing parang mga bituin. Ang bawat yakap sa mga kakilala ko at bawat bati nila ay nagpainit sa aking puso.

"Happy birthday, Meg!" Kitang kita ko sa ekspresyon ni Stan ang pagod. Hinawakan ko kaagad ang braso niya.

"I know what happened. Where's Noah?" Tanong ko.

"What? What do you mean?" Nagmaang maangan pa siya.

Ngumiwi ako. Gusto niyang pagtakpan ang lahat.

Huminga siya ng malalim at tinalikuran ako. Natabunan siya kaagad ng ilang kakilalang naroon din para bumati. Sa gilid ko ay sina Warren at Joey na halos hindi makatingin sa mga mata ko habang binabati ako.

"Joey!" Tawag ko nang tinalikuran nila ako pagkatapos ng ilang picture at bati.

Pagod niya akong nginitian.

"Ayos lang kayo?" Tanong ko.

Tumango siya. "Oo naman. Bakit hindi? Enjoy your night, Meg!" Sabi niya bago ako tinalikuran.

Fuck, how can I enjoy this night, really? Ilan pang artistang kilala at mga producers ang nagpapicture bago ako tuluyang nakahinga at napadpad sa unahang mga table kung nasaan si daddy at mommy kasama ang ilang business partners. Namataan ko si Ysmael sa kanilang mesa. Malamig ang titig niya sa akin at para bang iba ako sa kanya. Ngumiti ako ngunit masyado akong naging abala sa pag pasada ng tingin sa mga naroon imbes sa paghihintay sa kanyang ngiti pabalik.

"Happy birthday, Megan..." Medyo malamyang bati ni Coreen sa akin.

Humaplos ang kanyang tiyan sa akin. Natigilan ako. Napawi ang pilit kong ngiti nang hinarap ko siya. Sa kanyang likod ay kitang kita ko ang tingin ni Diva kasama ang iilang artistang nakakontrata sa aming kompanya.

"Happy birthday!" Ngisi ni Rozen na nasa tabi ni Coreen.

"Salamat." Yumuko ako at tumango, hindi maintindihan ang nararamdaman.

Nang inangat ko ang tingin ko sa kay Coreen ay kita ko parin ang ngiti niya ngunit nakakunot ang kanyang noo. Para bang pagod at pag aalala ang pag dungaw niya sa akin imbes na saya.

Ngumuso ako at nag iwas ng tingin. Tiningnan ko si daddy na naroon at kausap ang iilang investors. Naroon din si mommy na iniinterview ng taga media. Huminga ako ng malalim at hinawakan ng coordinator ang braso ko.

"You need to say a few words to the guests." Sabi niya sa akin.

Bumalik si Coreen at Rozen sa kanilang kinauupuan. Tumango ako sa coordinator at muling sinulyapan ang mesa kung nasaan umupo si Rozen at Coreen. Nakita kong ganong ekspresyon din ang tingin ng mommy at daddy nila sa akin. Ngumisi ako sa kanila at hindi ko naiwasan ang pag lapit.

"Happy birthday, Megan!" Sabi ng mommy ni Noah at hinalikan ako sa pisngi.

"S-Salamat po, tita." Sabi ko at napatingin kay tito na naroon sa kanyang tabi.

"Happy birthday," bati ni tito.

"Where is your son?" Nagulat ako sa boses na narinig ko sa likod. Iyon ay boses ni daddy. Lumapit siya roon at medyo kinabahan ako sa bigat ng kanyang tono.

"Dad!" Ngiti ko sabay lahat ng kamay sa kay Mr. and Mrs. Elizalde. "Pamilya po ito ni Noah. This is Coreen, Rozen, and his parents...-"

"I know, Meg." Sabi ni daddy at bumaling sa kay Mr. Elizalde.

"The media spreads wrong rumors, Rodolfo." Kibit balikat ni Mr. Elizalde. "For publicity." Tumayo siya at naglahad ng kamay kay daddy.

Tiningnan lamang ito ni daddy. Nagkatinginan kami ni Rozen at Coreen. Kung kabado ako kanina ay mas lalo lang akong kinabahan ngayon. Lumapit si mommy kay daddy at bahagya niya itong hinila palayo sa mesa ng mga Elizalde.

Binaba ni Mr. Elizalde ang kanyang kamay. Napalunok ako at napatingin sa mommy ni Noah na nag aalala.

"I hope this won't change your opinion about Noah, Meg." Aniya.

"Po? Bakit po?" Tanong ko, naguguluhan.

"Mom, don't start." Saway ni Rozen.

Tiningnan lamang ni Mrs. Elizalde si Rozen bago tumayo at inilahad ang cellphone sa akin. Nakita ko ang isang picture na madilim. Si Noah ay naroon at si Diva ay nasa kanyang gilid. Hindi naglapat ang mga labi ngunit kuha sa camera na kung hindi ito tumigil ay malamang nagkahalikan ang dalawa. Medyo payat pa roon si Diva at mahaba ang boots na suot hanggang tuhod. Si Noah ay naka itim leather jacket at maong. Nalaglag ang panga ko. Dinig na dinig ko ang singhap ni Rozen sa gilid.

"My brother is fucked." Bulong niya.

"A-Ano po 'yan? Ano 'yan, Rozen?" Tanong ko, lumilinga linga sa kanila, naguguluhan.

I want someone to lie to me. Gusto kong makarinig ng kasinungalingan sa ngayon. Halu halo ang emosyon ko. Sa picture. Okay, Megan, calm the fuck down. That was an old picture. Surely kumalat para sa publicity ng dalawang kampo. Kay Diva at para sa Zeus. But then, do I really know Noah? Sure, I've seen him kiss other girls. Sure, I've seen him kiss them at the bar. But then... nilingon ko si Coreen na kay Rozen lamang ang atensyon. Noah did court me right after she broke his heart. Ilang beses niya akong sinaktan at ilang beses niya akong itinaboy noon. Ano ang nasa isip niya sa mga panahong itinataboy niya ako?

Did he mean it? Gusto niya ba talaga akong mawala noon? At nong nawala ako ay bakit tsaka pa lang niya ako hinanap? Tsaka pa lang siya nangulila nang nawala na si Coreen sa kanya?

Slow motion sa akin ang lahat nang hinatak ako ng coordinator at pinagsabihang kailangan ko nang magsalita para masimulan ang konting programa at makapag salita na rin si mommy at daddy.

Tumango na lang ako ngunit halos wala akong marinig sa mga tanong sa utak ko. Nangingilid ang mga luha ko habang binibigay sa aking ang microphone.

"Good evening, everyone! Thank you so much for being here with me as I celebrate my 24th year in this world. Alam kong busy kayong mga tao, sa negosyo, at sa industriya, pero nagawa niyo paring pumunta. I a-appreciate it." Sinubukan kong huwag manginig ang boses ko. "Thank you so much and I hope you enjoy this night."

Hindi na ako makahinga nang ibigay ko iyon sa master of ceremonies. Tinawag si mommy na siyang nagbigay ng speech na patungkol sa kaarawan ko, sa mga kaibigan niya sa showbiz, at sa mga taong naroon.

Umupo ako sa gilid, tulala. Nakita ko ang pagtayo ni Everlyse at pagkunot ng kanyang noo. Tanaw kong patungo siya sa akin kaya lumingon ako sa video na pinapakita ngayon sa lahat ng tao habang naglalagay ang mga waiter ng pagkain.

"Hey, are you okay?" Umupo siya sa tabi ko, nag aalala.

"Yup." Sabi ko.

"Seryoso. Kanina pa kita napapansin. Ano ang nasa utak mo, Megan?" Tanong niya sa akin, seryoso.

Tiningnan kong mabuti ang itim at maiksi niyang dress. Ngumiti ako.

"I like your dress." Sabi ko.

Hindi siya nangiti sa sinabi ko. Huminga ako ng malalim. Nagkatinginan kaming dalawa. Hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko ngunit pinandigan ko iyon.

"Hindi ka pa ba nagugutom?" Pagkatanong ko non ay napansin ko kaagad ang pagiging tahimik ng kanina'y abalang mga bisita.

Napalingon ako sa kanila na ngayon ay may tinitingnan sa gitna. Hinawakan ni Everlyse ang kamay ko at napansin kong may isang lalaking naka itim na suit na naglalakad sa gitna ng red carpet mag isa. NIlingon ko si Everlyse at ngumiti siya sa akin.

Tumayo ako para tingnan o kumpirmahin kung sino iyon. Nang nakita ko si Noah, mag isa, ay gumuho ang mundo ko. Pinasadahan ko ng tingin ang mga taong naroon. Si Coreen ay abala sa pag vi-video habang si Rozen ay nakatingin ng diretso sa kanyang kapatid. Ang mommy at daddy niya ay nakatingin sa akin. Si mommy ay ngumunguso na nakatingin kay Noah at si Daddy ay kumain lamang at binalewala ang nangyari.

Kinuha ni Noah ang microphone at bumaling sa akin. Ang kanyang isang kamay ay nasa kanyang bulsa.

"First, Megan. I'd like to apologize. Alam kong bad timing ito. Hindi ko alam na magkakaganito. But hell, I am very, very sure about this so I'll push it. I'm sorry for that picture." Lumunok siya.

Titig na titig ako sa kanya, nangingilid ang aking luha. Marami ang naging pagbabago sa kanya simula nang una ko siyang minahal. Tumangkad siya lalo, medyo naging hitik ang katawan, mas gumwapo. He's my first love, my only love. I loved him since time immemorial. Iyong bata kong puso ay mahal na mahal siya at ang puso ko magpahanggang ngayon ay ganon parin.

But then... I have so many questions right now.

I want to know... I want to know so many things about him. Sa tagal naming nagkasakitan ay nakaligtaan yata naming magkaalaman. Nakaligtaan kong magtanong sa mga bagay. But is it really that important, Meg?

He'll give up his band for me. Right? Should I be happy about it? Masasaktan ko si Joey, si Warren, si Stan.

"Matagal na iyon. I have been so lost without you, Megan. For the past years, I thought I can do it without you. Nong iniwan mo ako noong high school pa lang tayo ay sinaktan kita. Dahil hindi ko matanggap na kaya mo akong iwan ng ganon ganon na lang. Kung ako ang nasa sitwasyon mo, hindi ako aalis ng bansa. Hindi kita iiwan. Yes, I am stubborn. I am that stubborn. At hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo iyon magagawa para sa akin. Inisip ko hindi mo ako ganon ka mahal."

Umiiling na ako sa ngayon at ang mga luha ko ay bumabagsak na sa aking pisngi.

"What I'm supposed to do with all this love I have for you? Hindi ko alam. So I waited. And your father can tell you all the details about my waiting. Hinintay kita pero nong nalaman kong nakahanap ka ng iba ay mas lalo akong nagalit sayo. Marami akong pagkakamali dahil sa galit ko sa'yo. Hindi ko alam kung paano ako magbabayad sa mga sakit na naidulot ko sayo. But then, I have an idea..." May kinuha siya sa kanyang bulsa na nagpasigaw sa ilang mga kilala namin.

"Noah!" Dinig ko si Stan. Hindi ko alam kung bakit niya ito tinatawag ngunit hindi man lang lumingon si Noah sa kanila.

"Please forgive me. I am sorry for all the hurts I've caused you, Miss. I am so sorry. I am so in love with you, intensely, fiercely, madly."

Hinahabol ko na ang hininga ko. Halos mag hyperventilate na ako habang ang mga luha ay patuloy sa pagbuhos. Panay ang bigay sa akin ni Everlyse ng tissue at tumutulong pa siya sa pagpupunas sa aking pisngi.

Parehong tumayo si mommy at daddy. Hindi ko alam kung lalapit ba sila sa akin.

"Pagbabayaran ko ang lahat ng sakit na naidulot ko sayo. Let me be your man, I will give you my world. Let me be your man, I'll be forever down on my knees and do all your biddings."

Lumapit siya sa akin at halos mapaatras ako. Kitang kita ko ang sakit sa kanyang mga mata sa ginawa kong pag atras ngunit hindi siya nagpapigil dito. Nang nasa harap ko na ay lumuhod siya at tiningala ako.

"Please be my wife, miss." Aniya at inilahad sa akin ang isang singsing na may malaking diamond sa gitna. Sa gilid nito ay tig tatatlong maliliit na diamond.

Abot abot ang hinga ko habang umiiling ako at humagulhol. Nalaglag ang panga ni Noah at napapapikit siya ng mariin.

Huminga ako ng malalim at hinawakan ang braso ni Everlyse. "Excuse me." Sabi ko at sinikop ang long gown ko para makaalis ng maayos sa venue nang hindi man lang sinulyapan si Noah.

Continue Reading

You'll Also Like

1K 282 23
Felize Jaelyn Villegas has a childhood boy best friend whom she lost after her parents encounter a car accident when she was still eight years old. S...
29.8M 1.2M 43
Crisanta Camila Alcazar is the baby girl of Altagracia. Bunsong anak ng may-ari ng isang malaking azucarera, she was pampered and always prim and pro...
4.3M 136K 46
(BOOK TWO OF WONDERLAND MAGICAL ACADEMY: TOUCH OF FIRE) (FINISHED) Xyra Buenafuerte thought it was already a happy ending but she was totally wrong...
419K 5.6K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...