Royals: Misfits

By _aubrstories

1.2K 32 6

Allison Carpio decided to lead a secret team of students in order to take down a group of rebellious teenager... More

author's note
...
chapter one
chapter two
chapter three
chapter four
chapter five
chapter six
chapter seven
chapter eight
chapter nine
chapter ten
chapter eleven
chapter twelve
chapter thirteen
chapter fourteen
chapter fifteen
chapter sixteen
chapter seventeen
chapter eighteen
chapter nineteen
chapter twenty
chapter twenty one
chapter twenty two
chapter twenty three
chapter twenty four
chapter twenty five
chapter twenty six
chapter twenty seven
chapter twenty eight
chapter twenty nine
chapter thirty
chapter thirty one
chapter thirty two
chapter thirty three
chapter thirty four
chapter thirty five
chapter thirty seven
epilogue
final notes + trivias

chapter thirty six

22 0 0
By _aubrstories

36: Owe Her My Loyalty

ALEXID

Swerte nga naman kung isipin na pagkatapos ng mga nangyari sa mansyon ng mga Mariano, ibinigay ni Leslie ang kanyang phone number to us if we needed help.

Ito pala ang nakapagligtas sa'min sa naturang insidente sa likod ng Junior High building. March and Aira were the ones that told Dean Mendez that a fight was happening. And while asking for help, kinuha na ni March ang sandaling 'yon para tawagan si Leslie. Fortunately, wala siyang pasok noong time na 'yon kaya agad siyang rumisponde.

Pero hindi ko alam bakit halos labindalawang minuto ko nang tinitigan ang numero ni Leslie mula sa contacts ko.

Siya lang ang tanging paraan para malaman namin kung na'san na ngayon si Allison.

Natapos ang pasko at new year ng walang balita sa kanya. Sumunod kami sa request ni Dean na hindi muna siya pansinin habang suspended kami. I mean, we also had to rest our minds. Well, hindi ko masasabing 'rest' talaga dahil may mga online activities pa rin kami from various subjects to catch up, which possibly means there's a higher chance na hindi kami ma-e-expell.

As expected, I got a lot of scolding from Papa after receiving the suspension letter. Instead of lashing out like I used to do, I listened to him quietly. Endured his words, telling me how disappointed he is to me. How I haven't had the time to be better.

I ended up thinking, that he just simply didn't have a daughter to cater to his needs for his name. He has a daughter who only wants to live and have fun.

Halatang nagulat siya sa kaibahan ko. Matapos kasi non, ay dumiretso lang ako sa kwarto. Hindi nagdabog. Walang isinigaw at sinisi.

There are lots and lots of people suffering worse than me. All I have to do was... change perspectives. Change what needs to change.

Fortunately, Mama was there as my comfort. She made an effort to cook soup for me dahil hindi ako makakain ng maayos. My knuckles still hurt and I had a bruised lip. Syempre, hindi rin naman nawala sa kanya ang pagtanong tungkol sa nangyari (and the scolding part), but the difference was, she praised me for it.

"Nakikita ko kung paano ka naging masaya kasama yang mga kaibigan mo. I'm thankful that you're with them, and you're doing this for them. Never regret that this happened to you kasi trust me when I say that it will be a memory that will always remind you how beautiful you are, Alex... inside and out."

Of course, I became emotional after that. I mean, sinong hindi?!

I still kept in touch with Royals- my friends. Tulad nila, natadtad rin sila ng mga salita sa mga magulang nila. I'm not exactly sure kung sino ang may pinaka-malalang experience sa'min. But I'm guessing it would be Enrico, March... and Allison.

The days went by, and everything went well... according to plan. The case was re-opened, and the hearing would happen days after new year. Finally, para bang nakikita na namin ang finish line sa gusto naming mangyari. Parang abot kamay na namin ang hinahanap na ginto.

Pero hindi kasali 'don si Alli. Lumapit nga ang tagumpay namin sa gamechangers, lumayo naman sa'min ang taong naging matapang sa royals, ang gumabay sa'min, ang kaibigan ko.

She deserves the space, pero hindi ko maiwasang bawat gabi na mag-alala kung kamusta siya. I've asked everyone kung may balita ba sila sa kanya, pero tulad ko, sila rin ay iwas kay Allison for her privacy.

Ang tanging naging option namin is to wait.

Mabilis na dumating ang January. It felt surreal to spend new years' eve with Royals. Dati kasi, what I do for the evening is text my former friends greetings and stuff. We would of course, also plan what to do after new year, maybe do a night out and drink.

But now, I was on my bedroom, waiting for Mama as she decided to cook the dishes for the occasion, habang si Papa naman ay nag-imbita ng iilang mga kamag-anak at collegues na kinakausap niya sa sala. Hawak-hawak ko naman ang phone ko, on the screen are five different faces.

Tumatawa kami, nagku-kwentuhan, talking about the christmas gifts we received from each other.

"Natanggap kaya ni Allison yung regalo ko sa kanya?" Enrico suddenly asked out of nowhere.

"Wait, you also gave Alli a gift?!" Daryll butted in. Pinigilan kong tumawa sa naging reaksyon niya.

"Dude, we all probably did."

"You're probably right, Rico. Well, 'di naman siguro offending kung yung regalo ko sa kanya e bagong hoodie, 'diba?" sabi ni March, which made us all laugh.

"Binigyan ko siya ng Art Set. Naghanap pa 'ko ng drawing book para complete." sabi ko naman.

"I gave her a Raspberry Pi 3 Model B+ starter pack." agad kong narinig ang mga daing ng mga kasama ko sa biglang sinabi ni Cosine. I mean, what the heck is a Raspberry Pie? Kung hindi ko lang sinearch 'yon, 'di ko malalaman na mga single board computers pala 'yon.

"Did you get her something then, Daryll?" tinanong ko siya.

"Of course."

Nakikita ko ang sarili ko ngayong naka-ngisi. Naalala kong wala pa pala silang alam sa nangyari sa kanila ni Allison, technically. "Ano?"

"A pair of sneakers."

"Weh?"

"Yeah, I did. I even have a picture of it." he groaned, returning a glare to the camera. Hindi ko napigilang matawa, ang sarap kasi pagtrip-an!

"Nakakausap mo ba siya though?"

"No. I tried texting her once just to ask how she is doing... but she didn't reply."

Pare-parehas kaming natahimik. It must've been really hard for Alli to go through all that. Wala naman kasi talaga kaming alam kung anong nangyayari sa kanya even during the attacks and pranks to gamechangers.

"Don't worry. We'll probably see her at January when we get back from school. I mean... we'll see her... kung hindi siya ma-e-expel." biglang sabi ni March.

What?! Expel her?!

"Girl, what?!" I was dumbfounded to even understand what she said. Rinig ko rin ang reklamo ni Enrico at Daryll sa background.

"Pagbalik kasi natin, may mangyayaring deliberation." pagtuloy ni March, clearing her throat, "Hindi lang naman siya. Lahat ng involved sa away kasali. Pero dahil sa nakita ni Dean Mendez, baka hindi na makagraduate-"

"No!" sumigaw si Daryll. "They can't do that to her! They know she has a condition! They should understand!"

"I know. Kaya nga buti na lang may deliberation, 'di naman agad magde-decide si Dean Mendez. Pag-uusapan pa nila 'yan. Tatanungin nila tayo isa-isa sa mga nangyari, so it would be best to tell the truth."

I couldn't believe how March was calm about this. Ano nang mangyayari sa'kin kapag na-expel ako? We were so close to finishing the so-called war against gamechangers and moving up, but now this has to come. Another obstacle on the way.

"So, there is a possibility na ma-expel rin si Dexter?" biglang tanong ni Aira.

"Of course!" I unconciously yelled. "He deserves it! Look, he almost killed Allison in there, ruined Evan and Thea's life, and probably some of Asplund's students!"

"Pero parang deserve rin namang niyang maka-move up siya ng junior high, Ate Alexid."

"Deserve?! After what he's done?! No, he doesn't!"

"I mean Ate Alexid, kung napansin mo, parang medyo ironic ang mangyayari sa kanya pagkatapos ng deliberation kung ma-e-expel siya."

"Ano..." My voice faltered. I was curious.

"Kung ma-e-expel si Dexter, parang tayo naman ang sumira ng buhay niya, 'diba?"

Bumuka ulit ang bibig ko, pero walang lumabas na tunog mula dito. I was speechless. Ang lahat ng sinabi niya'y prinoseso ko sa utak ko. Masyado akong galit para isipin ang mangyayari sa side nina Dexter kapag sila ang mapatawan ng expulsion.

I mean, kasama kami dito in the first place. Meron rin kaming ginawang mali.

***

Dumating ang araw ng pagbabalik namin sa Asplund matapos ang first week ng January. Kaba ang naramdaman ko sa pagpasok sa room, after months of being absent. Inulan ako ng mga tingin ng mga kaklase ko, hearing the obvious whispers about the group.

Alam na nga nila ang nangyari.

Apparently, the SSG officers that were on the scene with Dean Mendez couldn't keep their mouth shut at naikalat ang nangyari sa likod ng Junior High building. The weird thing about it is... they don't seem to be angry.

They were curious. At kapag nagkakataon, they would ask me questions like 'Kasali ka ba talaga sa Royals?!' and 'Kailan niyo pa naisip na magsimula?'.

Hindi ko muna sila masyadong in-entertain dahil ayoko nang lumaki pa ang isyu at ayoko rin nilang istorbohin si Allison dahil alam na nilang siya yung parang 'lider' sa grupo.

Na hindi rin pumasok sa araw na 'to.

Tulad ng sabi sa'min ni March, lahat kami ay nagstay sa harap na ng office after dismissal para hintayin ang pangalan na matawag doon. Today was the deliberation day. Paulit-ulit ko nang pinunasan ang palad ko sa mismong palda ko. I kept getting stares from Daryll beside me pero wala talaga akong pakealam dahil pinangungunahan ako ng kaba ko.

Napaigtad ako nang marinig ang biglang pagbukas ng pinto ng Dean's office. Iniluwal nito si Phoenix na walang nakaguhit na kahit anong ngiti sa labi, pero nang magtagpo ang tingin namin, kita ko ang pagbuo nito ng maliit na ngiti sa labi bago ako lagpasan paalis.

"Alexid, ikaw na."

Nagising ako sa diwa ng marinig ang pangalan ko mula kay March. Walang ano-ano pa't pinasok ko nga ang malamig na silid. Si Dean Mendez lang ang tannging tao sa loob (at ako) pero pakiramdam ko nga ay para bang maraming matang nakatingin sa'kin.

"Apparently, you gave the idea of forming the said group, am I right Ms. Medina?" saktong pagupo ko, agad na nga akong tinanong ng matanda.

"Opo."

"Bakit? Bakit mo ito naisip?"

I did not know what kind of fire was inside me, but somehow his question fueled this foreign feeling to me. It made my chest tight, and my mind replay memories of us covered in blood and wounds.

I did my best to answer as calmly as possible, remembering March's advice. "Dean, niligtas ako ni Allison. Niligtas niya 'ko kina Allan, doon sa girl's bathroom."

"Girl's bath- Kailan pa 'to nangyari?!"

"Last year, around July. Sumigaw ako ng sumigaw, humingi ng tulong pero walang tumulong, kung hindi siya, na hindi naman mahilig makisawsaw sa isyu ng iba. Nalaman ko na lang na may kasalanan pala sa kanya si Dexter."

"Ano naman ang kasalanan niya?" tanong nito na parang hindi alam na maraming ginagawang kalokohan si Dexter sa loob ng Asplund.

"Yung pagkamatay ni Evan. Nag-suicide siya, dahil hindi na niya kinayanan ang mga pagbabanta ng grupo nila." kwento ko naman, naalala ang kwento ni Alli sa'min tungkol sa kinuwento sa kanya ng misteryosong 'police officer'.

"Eh wala siyang masabihan, parang mababaliw na siya at anytime anywhere, baka bigla na lang siyang mawala." agad nagsitaasan ang balahibo ko ng banggitin ang huling salita na lumabas sa bibig ko.

Naglabas ng malakas na buntong-hininga si Dean Mendez, at sumandal sa swivel chair nito, pokus pa rin ang mga mata sa mukha ko.

"Bakit hindi ka nagsabi na ginagalaw ka pala ni Magallanes? Dapat nagsumbong ka..."

Suddenly, the inch of patience and calmness that I've been keeping snapped. Hindi ba niya narinig ang sinabi ko tungkol kay Evan?!

"Sumbong?! Pero may magagawa po ba kayo kapag si Dexter na ang kausap niyo?!"

Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa silid bago siya tumikhim. "There are rules-"

"Rules kapag kami ang kausap niyo, pero kapag sina Dexter, balewala lang ang school rules! Kaya kami na yung kumilos. Si Allison na ang kumilos, kahit pa alam niyang hindi maganda ang papasukan niyang gulo."

Minsan, napapatanong ako kung ano bang meron sa'kin at naawa sa'kin si Dean Mendez. Kilala kasi siya na strikto sa lahat (kahit sa sariling pamilya) kaya madalas, umiiwas ang lahat ng estudyante ng Asplund na magkaroon ng kaso. Back in my rebel days, hindi makukumpleto ang buong linggo kong pagbisita sa office niya.

Lagi ko siyang naaabutang nakasimangot, pero matatapos ang araw na hindi man lang ako napapatawan ng suspension o expulsion. Lagi lang niya akong pinapagawa ng community service, at ine-encourage pa akong kausapin siya whenever I feel uncomfortable.

Nararamdaman niyang alam niya mismo ang isyu ko sa mga lalaki, pero ni minsan hindi ko nalaman kung bakit hindi niya ako kinompronta tungkol dito, hanggang sa mahuli kami ni Daryll ng mga gamechangers/strikers.

"I can't believe how much you've changed, Alexid. I always knew how tough you were, but I've never expected the courage from you." his innocent smile rendered me speechless. Ano bang ibig sabihin niya?

"Alam ko, noong nakita ko ang pagbabago sa'yo noong Grade 9 ka, na may problema ka. You're a good student, but your fellow ones couldn't see it in you... not until Ms. Carpio happened." pagtuloy niya, naningkit ang mga mata ko sa dean.

"Ano po bang sinasabi niyo, Dean?"

"Hindi pumasok ngayon si Allison. Naniniwala akong nasa Arguello Mansion siya, as Leslie Arguello mentioned."

Arguello Mansion? Pero pa'no niya nalamang nandoon siya?!

"The staff and the stakeholders are giving her another chance to show up again, but I doubt that she would, not with .. Ms. Carpio is a nice kid. Very, very creative... unique indeed. I don't want to ruin her chance."

"Bakit niyo sinasabi-" agad akong natigil sa pagsasalita nang may ma-realize. Is this a sign that Dean is helping us? Is he really?!

Napako ulit ang tingin ko sa kanya. Nakaguhit na sa labi nito ang napakalaking ngiti niya. "Thank you, Dean." naisambit ko, bahagyang gumagaralgal ang boses.

"Wow, Ate Alexid, ba't parang ang bilis lang mo lang 'don?!" wika ni Aira ng makalabas ako ng office.

"Look, we have to call Leslie after nito. We have to know where's Alli at get her."

"Wait, what happened to her?" Daryll asked.

"I don't know. Sabi sa'kin ni Dean, nasa Arguello Mansion daw siya, e ano bang mansion ang napuntahan natin last time?"

"Mansyon nina Leslie." I nodded at March.

"Wala nang excuse at distractions. After nating ma-deliberate lahat, tatawagan natin si Leslie and get Allison."

***

Tulad ng napag-usapan, pagkatapos ng deliberation naming lahat, tinawagan ko si Leslie. Throughout our conversation, I am sure that her tone was hesitant. As if ayaw niya talagang sabihin kung na'san si Alli. Fortunately, tama ang sinabi ni Dean na nasa Arguello Mansion nga siya. However, hindi niya kami nirekomendang pumunta doon.

Pero pinilit ko siya, Pinilit kong sabihin na kailangan ni Allison ng tulong namin. Mula nang makita ko kung paano siya binaril ng isa sa mga 'kasama' ni Leslie, ay parang unti-unting nabuo ang mga tanong sa utak ko. Ang mga kilos niya. Kaya hindi niya ipinagkakalat na isa rin siyang Arguello.

Hinintay namin siya sa waiting shed sa labas ng school. Halos 5:30 na nang matanaw namin ang pamilyar na Jeep Commander na pumarada mismo sa harap namin. Bumaba ang bintana ng passenger seat, at nasilayan namin ang naturang babae.

"Lagay niyo na lang mga gamit niyo sa likod." utos niya. Nagtinginan muna kaming lahat bago napagdesisyuinang pumasok, at dahil ako ang malapit sa passenger seat, ako na ang umupo doon habang ang iba ay nagsiksikan sa likod.

Nang masiguradong nakasakay na ang lahat, sinimulan ulit ni Leslie ang pagmamaneho. 'Di tulad ng nakaraan, hindi siya maingay ngayon at mukha siyang nababahala. Tutok na tutok ang mga mata niya sa daan, habang ako, ay natutok sa mga litratong nakasabit sa rearview mirror niya.

There we're some people I'm familiar with, some we'ren't, but a certain picture caught my eye. Nakangiti si Leslie sa camera, at naka-akbay sa nakangiti ring si Allison, who was wearing the same dress on the night of the JS prom.

Ngayon ko masasabing they are really close.

"Kumusta si Allison?" I finally ask her.

Kung ang kaninang atmospera sa sasakyan ay malamig, may mas ilalamig pa yata nang tumigil ang bulungan sa likod ko.

Napansin ko ang paghigpit ng hawak ni Leslie sa manubela, pero walang naging pagbabago ang mukha nito.

"Sa totoo lang... hindi ko alam pa'no sasabihin."

"Is she okay, though?" Si Daryll naman ang nagtanong, and surprise is an understatement to my reaction dahil sa nag-aalalang tono nito sa boses.

"Yes, she is now." Hindi ko nagustuhan ang huling salita. "She's okay. Buhay, humihinga, pero dahil sa nangyari, nasira niya yung tiwala nila sa kanya."

I figured that she was talking about her relatives. The Arguello clan. From what I've known from researching habang nasa bahay (at suspended), they are a low-profile family na merong business related sa Agriculture at Technology sa Pilipinas... at Spain.

It was believed na nagmula pa ang mga Arguello sa mga royal family sa Spain. A 'so-called' prince from a royal family ran away to run his own royal household. His own clan. Kaya ganoon na lang karami ang connections nila.

Pero isa sila sa itinuturing na pinaka-mababait na pamilya. Halos kalahati ng charities, sila ang sponsors. Ang mga walang trabaho, binibigyan nila ng pagkakataong magkatrabaho. And in return, you'll give them your loyalty and kindness.

And Allison breaking her loyalty to them means a lot.

"Hindi nila kasi siya maintindihan...." pagpapatuloy ni Leslie nang matahimik kami. "I mean, she has two stab wounds for God's sake! She has no choice!"

Nakarating kami sa mansyon around 6:30 pm. Nasilayan ko mula sa bintana ang ganda ng Arguello Farms. Kahit pa sa gabi, ay masisilayan pa rin ang mga bulaklak at iilang mga halaman na naiilawan ng iilang mga lamp post sa daanan.

Imbes na sa garahe, ay pumara ang sasakyan sa mismong harap ng mansyon. Sumunod kami kay Leslie nang bumaba siya ng sasakyan at dire-diretsong tumungo sa loob ng mansyon. Gusto ko mang bigyan ng komento ang itsura ng loob dahil sa ganda nito sa gabi, ay hindi ko na nagawa ng maramdaman ang kakaibang kaba ng makita ang pamilya ni Leslie na kumpleto sa sala.

"Oh, nandito pala sila!" ang nanay ni Leslie ang unang nakapansin sa'min. Sumunod ang iilang mga matang napokus sa'min.

"'San po si Alli, Mama?" tanong ni Leslie sa ina.

"Kausap pa si Don Lorenzo." ang matandang lalaki na katabi ng nanay ni Leslie ang sumagot para sa kanya that I'm assuming, is her father (with his features).

"Si-"

Naputol ang sasabihin ni Leslie nang bumukas ang isang pinto ng kwarto nita. Iniluwa nito ang isang matipunong lalaking matanda. Kapansin-pansin sa lalaking ito ang suot nitong mala-sundalong uniporme, pero kulay maroon. Lumipat ang mga mata nito mula kay Leslie, at sa amin. Napaurong nga ako ng 'di namamalayan. Eto na nga siguro ang sinasabi nilang Don Lorenzo.

Kinilabutan ako ng 'di oras sa tindig niya.

"¿Quienes son estos personas?" malakas ngunit mababang tono ang lumabas mula sa bibig ng lalaki.

Sumagot si Leslie sa parehas na linguwahe. Nagpalitan sila ng mga salita, naririnig ko pa ang pangalan ni Alli sa sa sinabi nila. Hanggang sa may lumabas na tao mula sa kaninang kwarto kung na'san ang lalaki kanina.

"Recuerda tu promesa." nagsalita si Allison sa matanda. Agad lumipat ang mga mata ng lalaki kay Alli.

"Recuerda tu lealtad, Allison."

Tumalikod ang lalaki, at naglakad papalabas ng bahay, tanging ang mga yapak ng sapatos nito sa marbol na sahig ang umalingawngaw sa tahimik na sala. Sumunod sa matanda ang tatay ni Leslie.

Nakatalikod pa rin sa'min si Allison, siguro't hindi pa rin alam na nandoon kami, nang tawagin siya ni Daryll.

"Alli."

Mukhang natigilan ito, at lumingon sa likuran nito. I couldn't help but smile, finally seeing her face after months of suspension.

"Usap kayo sa labas." Ngayon, ay may ngiti na si Leslie sa labi, motioning us to go outside. Nagpauna na si Allison, tahimik kaming sumunod sa kanya hanggang sa tumigil kami sa tapat ng Jeep Commander ni Leslie. Sumandal siya rito, at itinuon ang tingin sa lupa.

Tama naman si Leslie nang mapansin kong wala na nga talagang bakas ng sugat o panghihina sa kanya, pero hindi ang mahabang, namumulang sugat sa kanang pisngi niya.

"Hindi ka na ba makakapasok, Alli?" March was the one to break the silence between us.

Matagal bago siya nakapagsalita. "Maybe."

Hindi ko alam kung maiiyak ba ako sa pinagbago ng boses niya. It was so calm, yet refrained. Mahina, parang bulong sa hangin. Takot, na parang bawal siyang magsalita. Her eyes were still on the floor.

"So that's it? You're just going to give yourself up after all what we've been through?" tanong ni Daryll sa kanya.

"I said what I said." doon pa lang inilipat ni Alli ang tingin kay Daryll. At that short moment, they we're staring at each other as if they're having a secret communication. "I can't risk it."

"Pero ginawa mo na. That's what we've been doing for the past few months." Enrico muttered behind me.

"Alli, what we're trying to say is importante ka rin sa'min." this time, lumipat ang mga mata nito sa'kin. "Hindi mo kailangang gawin lahat ng 'to mag-isa. You have to know that most people at Asplund has your back, trust me!"

Nang hindi siya magsalita, sinubukan kong lumapit ng kaunti sa kanya. "We accept you for who you are, at dahil tinanggap mo rin kami. Tinulungan mo kaming lahat, and it's time that we help you now."

Lumapit pa ulit ako ng kaunti, my feet only centimeters away from hers. "Believe it or not, we did it, Alli, and we all thank you for leading us. Maniwala ka sa'kin, na wala ka dapat na pangsisihang niligtas mo ako noon. Blessing ka para sa'kin. A true friend. I'll tell you, that one of the best things that happened to me for the past months was meeting you."

Nagkaroon ako ng lakas para mahawakan ko ang pares ng malamig niyang mga kamay. "We're really proud of you... and I'm sure Evan is so proud of you too."

Hindi inalis ni Alli ang tingin niya sa'kin habang nagsasalita ako. Hindi siya gumagalaw, pero sa tingin niya, ay parang ang dami ko nang nararamdamang emosyon mula sa kanya.

"So, papasok tayo ng school bukas. Lahat tayo, sama-samang pupunta sa office para sa deliberation mo, at maghihintay kami sa labas, okay?"

Silence. Sa pagkakataon na iyon ko lang nakuhang ngumiti. Dahil totoo lahat ang sinabi ko sa kanya. Hindi ko man kayang sabihin sa kanya 'yon, kaya ko namang iparamdam.

And its true. She's one of the best things that ever happened to me. Sure, I'll maybe say in the future that my future family would be, but her deed will be something special inside of my heart.

I owe her my life. I owe her my loyalty, because I want to, and she deserves it.

Nagsimulang mamula ang mga mata niya, na parang pinipigilan niyang umiyak, hindi ko malaman kung ano ang sinasabi ng mga labi nito, kung ngingiti ba siya o hindi. Pero ako, hindi ko na namalayang basa na rin ang mga pisngi. I gave her hands a little squeeze as assurance.

"Okay."

Noong marinig ko ang boses niya, awtomatiko akong yumakap sa kanya. Naramdaman ko agad ang pagbasa ng leeg ko, which made me cry even more. Narinig ko pa si Aira na sumisinghot na sa likod bago ko maramdaman ang yakap nilang lahat. I can't help but laugh, feeling so free.

Nang kumalas ako sa pagkakayakap, ang iba naman ang kumuha ng pagkakataon para yakapin siya. I couldn't help but feel happy and remember all the things that we've been through.

And it was all worth it.

Kahit pa ganoon ang sitwasyon, I can't help but smirk on how Daryll was basically hugging her tight, rubbing her back.

"Tsumansing ang p*ta!" agad humiwalay sa pagkakayakap si Daryll nang marinig nanaman ang pang-aasar ni Enrico. Walang ano-ano'y nagsimula nanaman sila ng bangayan. Wala kaming nagawa kung hindi manood na parang sanay na kami sa ganoong ginagawa nila.

Like were a family.

Continue Reading

You'll Also Like

702K 15.3K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
293K 20.7K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
167K 3.2K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...