Love at its Greatest (Love Se...

FGirlWriter által

504K 17.6K 2.7K

Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig na kinakalimutan na ng mundo? Written ©️ 2020 Több

Le Début
Prologue: When is love the greatest?
Chapter 1: City of Love
Chapter 2: Changing Love
Chapter 3: Unacknowledged Love
Chapter 4: Persistent Love
Chapter 5: To be Loved, Love
Chapter 6: Returning Love
Chapter 7: Bruised Love
Chapter 8: Benevolent Love
Chapter 9: Tainted Love
Chapter 10: Beautiful Love
Chapter 11: Love and Intrigues
Chapter 12: Love and Secrets
Chapter 13: Love and Lies
Chapter 14: Love and Reputation
Chapter 15: Love and Revelations
Chapter 16: Love and Home
Chapter 18: Love and Exposition
Chapter 19: Love and Chances
Chapter 20: Love and Strength
Chapter 21: Your Love Restores Me
Chapter 22: My Love Trusts in You
Chapter 23: Your Love Chose Me
Chapter 24: My Love Begins With You
Chapter 25: Your Love Never Fails
Epilogue: Love at its Greatest

Chapter 17: Love and Doubts

12.1K 519 56
FGirlWriter által

Chapter 17: Love and Doubts

"I SUGGEST you open up this doubt with Matthew," marahang payo ni Eunice kay Frances.

Kanina pa umuwi ang mga ito pero sinabihan niyang tumawag ito sa kanya pagkauwi para mas mapag-usapan nila ang "kutob" nito.

"H-Hindi ko kaya, Eunice... Natatakot ako sa sagot niya," mahinang sabi ni Frances sa kabilang linya. "Paano kung magsinungaling lang siya?"

"Still, it's better to talk this issue with him. I honestly don't think na kayang gawin ni Matthew sa'yo iyon." Umupo siya sa tapat ng dresser. "Remember, he waited for you, Frances? He waited kahit walang kasiguraduhan na babalik ka noon? He waited kahit sa tingin niya imposibleng siya naman ang mahalin mo pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan mo?"

Napabuga ito nang malalim. "Please, pray for me. I... I'll think about it. Hindi naman ako takot magtanong, pero ewan ko. Nanghihina ako kapag kaharap ko na si M-Matthew..." her voice cracked. "Ayoko ng ganitong pakiramdam. Siguro, palilipasin ko na lang."

"If you'll talk with him now, things can be settled right away. Para din maitama ni Matthew 'yung mga kilos na ginagawa niya na nakaka-create ng doubts sa'yo."

Frances told her that Matthew would go home very late at night. Hindi na daw ito madalas tumatabi kay Frances at laging natutulog sa kuwarto ng kapatid nitong si Red. Kapag naglalambing daw si Frances, laging tinatanggihan ng asawa.

Added the fact that Frances is still overcoming her insecurities, hindi nakatulong ang mga ganoong actions ni Matthew. Ang excuse lang daw nito lagi, ang dami lang daw nitong iniisip na trabaho.

"I'll try, but I can't promise," sabi pa ni Frances. "I hate myself for thinking something like this against my own husband. Pero hindi ko mapigilan. Parang naiintindihan ko pa na baka may ibang nakakuha ng atensyon niya kasi ang pangit at taba-taba ko ngayon."

"Don't say that. Kilala naman natin ang pamilya nina Matthew at Terrence. Hindi sila ganyan kababaw magmahal, Frances."

Ang lalim at haba na naman ng buntong-hininga nito. "I just need to calm myself first. Baka nga wala namang ibang babae. Baka nasa akin lang talaga ang problema, Eunice. I need to fix my perspective."

"You can do that and still open the topic with Matthew. I think he'll listen and understand where your coming from. He knows your psychological needs. Mahal ka niya above everything. Sigurado ako. Pati si Terrence. Even Cyla!" she reassured her. "Isasama ko na rin si God."

"Nakaka-konsensya kapag sinasama si God."

She chuckled. "It's the Holy Spirit convicting us. Anyway, I'm just here. I'm not a marriage expert but Terrence and I have been practicing honest and open communication. Lahat sinasabi namin sa isa't isa. Kahit 'yung pinakamababaw na bagay. Kasi 'yung sa mababaw pa minsan kami nagkakaroon ng petty fights at tampuhan. Minsan nag-iinarte pa din ako, pero unti-unti, nababawasan ko na 'yung arte. At piliing mas maging straight to the point sa kanya."

"As in, lahat?"

Tumango siya. "Yup!" Inilipat niya sa kabilang tainga ang cellphone. "Kapag nagseselos ako, kahit hindi dapat, sinasabi ko. Kapag ayaw kong hindi siya nakatingin sa'kin kapag kausap ako, sinasabi ko. Kapag naiinis ako minsan sa mukha niya dahil lang sa unbalanced hormones ko, sinasabi ko pa din."

"A-Anong ginagawa ni Terrence?"

"Naiinis din," natatawang sabi niya. "Pero mas na-appreciate na lang niyang ganoon ako ka-open sa feelings ko. No matter how trivial and shallow, it should be discussed, para next time alam niyo na ang gagawin together kapag naulit."

"Parang ayoko na kasing isipin pa ni Matthew 'yung mga bagay na kaya ko namang solusyunan mag-isa. Katulad nang pag-o-overthink ko... May mas mahalaga pang bagay katulad ng trabaho niya..."

Lumingon si Eunice sa labas ng dresser. Tanaw niya si Terrence na nakaupo sa kama habang nagbabasa ng Bible nito.

"Kapag may tingin din akong kailangan kong masolusyunan mag-isa sa sarili ko, sinasabi ko pa rin sa kanya. Para alam ni Terrence how to treat, support, and pray for me while I'm going through my personal battle. We pray about it together and we celebrate together once I overcome my personal struggles.

"'Yung love sa'tin ng mga asawa natin, unconditional. Dapat unconditional. Katulad kay God na lahat ng aspect ng life, dapat fully surrendered sa Kanya. Hindi "some" aspect but "all". Pati problems, no matter how small it is. Dahil mahal tayo ng Diyos, hindi tayo kahit kailan pabigat sa Kanya.

"Ganoon din sa mga asawa natin. I think, Matthew will gladly share the burden with you because he loves you. Dagdag sa isipin niya, oo. Baka mabigat kasi tao din naman siya, but surely he won't mind. He will also surrender it to God, also. And I think that's more effective. Wala man siyang magawa physically, malaki ang matutulong niya, spiritually."

Lumingon sa kanya si Terrence. Ngumiti.

Ngumiti din siya pabalik sa asawa.

Binalik na nito ang tingin sa binabasa.

"Thank you, Eunice. Alam mo, nagdadasal talaga ako na may masabihan ako nito. Eksakto ang pag-uwi mo, kasi sa totoo lang nahihiya akong pinag-iisipan ko ng masama si Matthew."

"God's taking care of you, Frances. He's also improving your character, just trust the process. I hope you can talk with Matthew na. And I will pray that he will be honest with you, also."

Pagkatapos ng tawag ay narinig niyang mas gumaan na ang tono ni Frances. Mas may sigla. She put down her phone and prayed for the couple.

After that, she joined Terrence on the bed. Tapos na rin ito sa pagbabasa.

Under the sheets, they cuddled.

"Do you think Matthew can cheat?" she randomly asked him.

Nagbaba ito ng tingin sa kanya. Parang nagulat. "Si Matthew? I doubt it. Hindi pa siya Christian, may mataas na respeto na siya sa commitment. Paano pa kaya ngayon?"

"I thought so, too."

"Saan mo nakuha iyan? Kay Frances?" natatawang tanong nito.

Lumabi siya.

"Frances has that phase. She's an observer but an overthinker. Mas sanay siyang mag-rely sa kutob niya. Pinag-isipan niya rin akong nag-cheat noon dahil mas madalas kasama ko ang secretary ng student council no'ng naging President ako."

"But you never cheated, right?"

"You know me, baby." Mas humigpit ang pagyakap nito sa baywang niya. "Frances is a believer now. I hope she can hear and follow God's voice rather than her woman instincts. Hindi naman lahat ng kutob, tama. Hindi din siya galing sa Holy Spirit."

Parang gusto niyang ipagtanggol ang kapangyarihan ng women's instinct. But well, totoo din namang pinaka-powerful ang Spirit na nagde-dwell sa heart ng tao.

Okay, noted.

"Maybe Frances misunderstood Matthew's actions. Medyo kahina-hinala din kasi ang kilos ni Matthew. Alam ba ni Frances ang tungkol sa gang?"

Napaisip ito. "Now that you have mentioned it, hindi ko natanong kay Matthew. I'll ask him. But I already advised him to tell everything to Frances if he's accepting a mission. Whether dangerous or harmless."

Tumango na lang siya at saka napahikab.

"I told Frances to open up her doubts to Matthew. I really learned that from you, I can never doubt you because you always encourage me to tell even my tiniest doubts. Pati personal strugges ko. I know you're doing the same..." Napapikit siya at hinayaan ang sarili na pukawin ng antok.

"Y-Yeah..."

Eunice didn't hear the hesitation in Terrence's voice. Baka mali lang siya ng dinig. Wala naman sigurong rason para magtago si Terrence ng mga personal struggle nito sa kanya.

Buo ang tiwala niya sa asawa.

Kinabukasan, bumawi lang ng pahinga si Eunice buong araw. When dinner came, her Kuya Eugene came with Tanya and their children. Nagsalo-salo sila at nakapaglaro pa ng family games.

For the rest of the week, Eunice came back to what she usually does before she went back to Paris. Sa pangatlong araw niya, lumabas siya kasama ang high school bestfriends niya na sina Lorraine, Syrel, at Rizza. Nag-catch up sila dahil hindi rin madalas magkita ang tatlo dahil sa mga careers.

They talked about their spiritual lives, too. And Eunice was so happy to hear how her friends enjoy having a personal relationship with the Lord.

The rest of the week, she spent time with her family in Manila before she goes to Monte Amor for a vacation.

Sa umaga, gigising siya ng 4 AM for her quiet time. 5 AM naman ang devotion ni Terrence. By 6 AM they will have their morning jog together. After that, they'll prepare a breakfast. Cyla would usually wake up at 7 to prepare for school. By 8 AM, Terrence will go to work. Ihahatid niya naman si Cyla ng 9 AM. At pagkatapos, pupunta siya sa bahay ng Kuya niya at sasamahan si Tanya na mag-alaga kay baby Ezekiel.

So, for a whole week, ganoon ang naging routine niya. Wala pa siyang naririnig kay Soleil ulit kaya baka busy rin ito kasama ang pamilya.

Two days before her flight to Cebu, pumunta siya ng Sagittarius para bisitahin ang uncle niya. Sinabay niya na rin na dalhan si Terrence ng lunch.

When lunch time came, nagpaalam na siya sa uncle niya. Madami silang napag-usapan nito at hindi pa titigil kung hindi lang nag-alas dose. Nangako siyang babalik pagkatapos ng lunch break.

Kinuha niya ang hinandang lunch at binigyan ang uncle niya. Pagkatapos ay bumaba na siya sa opisina ni Terrence.

Mas papalapit na siya sa opisina nito nang makita ang bagong sekretarya nito—si Minnah.

Parang nagkaroon ng nostalgic feeling si Eunice. Ang dating ni Minnah ay parang kay Rachelle noong una niyang nakilala. Simple at maamo ang mukha.

Hmm, Terrence likes girls with gentle or soft features. Iyan ang napansin ni Eunice na common denominator sa kanila ni Frances, Rachelle, at ngayon ay kay Minnah.

Anyway, Minnah being the ex-girlfriend of her husband isn't the case here.

"Hi. Good noon," bati niya sa babae. "Is Engineer Aranzamendez available this time?"

Nag-angat ng tingin si Minnah sa kanya. Napakurap at bahagyang natigilan ito.

She kindly smiled at her. "Ibibigay ko lang sana 'tong lunch niya," aniya at saka itinaas ang dalang food bag.

Nang makabawi si Minnah ay tumayo ito at tipid ang ibinigay sa kanyang ngiti. "I'm sorry, Ma'am. May pinuntahan pong emergency meeting si Sir Terrence," pormal na pagkakasabi nito. May kaunting lambing sa tinig. "Baka mga 12:30 na siya makabalik para magtanghalian."

"Oh. I see."

"Hindi niya alam na darating ka?" Minnah's tone loosened a little bit from formal. "I checked his schedule today. Wala naman siyang ibinilin sa'kin. Pasensya na."

"Oh, it should be a surprise. Well, this is inevitable but it's okay. Hihintayin ko na lang siya sa loob."

"Sure, Ma'am. No problem." Iginiya siya nito sa opisina ng asawa at ito pa mismo ang nagbukas ng pinto para sa kanya.

"Eunice," aniya.

Napatingin ito sa kanya. "H-Huh?"

"Call me, 'Eunice'. I think masyadong formal ang 'Ma'am'." Inabot niya ang kamay dito. "I'm Eunice."

Atubili ang pag-abot nito sa kamay niya. "M-Minnah."

Malamig ang kamay nito. Siguro dala ng lamig ng air-conditioner. "Nice meeting you, Minnah. Kumusta naman ang trabaho mo? Thank you for helping out my husband's work. Kahit papaano nakaka-lighten ng load."

Kumuha siya ng isang tupperware sa loob ng food bag. "I also brought a lunch for you."

"Sa'kin t-talaga? Nako, n-nakakahiya naman, Eunice. May baon naman ako," anito. Nakayuko.

Tama bang naririnig niya ang "hiya" sa tono nito?

"I insist. This is really for you."

Inabot nito ang tupperware at tinignan iyon. Hindi niya mabasa ang ekspresyon sa mukha nito. Minnah lifted her look after a while. "Salamat, Eunice. Akin talaga 'to, ah?"

"Yes. Treat it as an appreciation gift. Narinig ko kay Terrence na efficient ka sa work kaya malaki ang nababawas sa trabaho niya." Totoo ang mga sinasabi ni Eunice. She can't discredit her work just because—

"Ahm, curious lang ako," biglang sambit ni Minnah, bahagyang nakangiti. "Nabanggit ba ni Terrence na mag-ex kami?"

Tumango si Eunice. Hindi nagulat sa tanong. "Yes, he did. Terrence is honest with these kinds of stuff. Nakuwento ka na rin niya sa'kin noon. I really like your relationship with him before. Pure, fun, and Christ-centered."

"And you're okay with him working with an ex?"

Nagkibit-balikat siya. "I don't want to deprive you of having a good paying job to support your children. I believe it is better to help someone get a job than to prioritize my personal feelings."

"You're too kind." Napailing si Minnah. "Nakakasama kapag masyadong mabait."

Ngumiti si Eunice. "I don't think I'm too kind. I just don't want to be selfish anymore. At base naman sa mga kuwento ni Terrence tungkol sa'yo, you're a woman with principles."

She chuckled. "Lahat yata talaga kinukuwento ni Terrence sa'yo. Actually, ganyan talaga siya sa kung sinong ka-relasyon niya. Todo lahat. Todo ang effort. Todo ang lambing. Todo ang pagbibigay ng time. Todo ang pagka-honest... minsan."

Hindi siya makasagot. Napakurap-kurap.

Minnah looked at her. Mabait pa rin ang mga ngiti nito pero may kakaiba sa uri ng pagtingin nito sa kanya. "Sometimes, we thought we really know a person, but you'll be surprised once you caught a glimpse of what's running inside their mind. Sa tingin natin, kabisado natin sila, pero baka iyon lang pinaniniwala ng tao sa'tin."

"I k-know Terrence well," Eunice ought to say it with confidence, but she found her voice a little bit... shaken?

"Lahat-lahat ng iniisip niya? Masyado naman kayong ideal couple niyan kung wala kayong tinatagong secrets sa isa't isa." Tinapik-tapik siya nito sa braso. "Oh, don't get me wrong, ha? I'm not saying that Terrence is hiding something from you. But consider the person we thought a hundred percent honest with us, still, has something in their minds that they can never say out loud. In my case, nag-divorce kami ng asawa ko dahil open naman ang communication namin, kaso kasinungalingan pala lahat ng sinasabi niya. Madami din pala siyang itinatago."

Eunice sighed. "Siguro iyon ang malinaw na pagkakaiba ng taong may personal na relasyon sa Diyos at doon sa wala."

"Maybe." Nagkibit-balikat si Minnah. Parang ang kaninang hiya nito ay tuluyan nang nawala. Parang ibang babae na ang nasa harap niya ngayon. Her eyes are sharper and her smile's taunting Eunice.

"Sabagay mabait talaga si Terrence. He loves to a fault, don't you think?"

To a fault...

"He's too ideal for a partner. Hindi ba mas nakakakaba iyon?"

Hindi agad siya nakasagot.

"Pero sabi mo nga, Terrence has Jesus," bawi naman nito bigla. "He must be the standard supposedly."

Itinaas ni Minnah ang lunch na bigay niya. "Salamat sa pagkain, Eunice. You're very thoughtful." Nginitian siya nito ng matamis at saka lumabas ng opisina ni Terrence.

Napaupo si Eunice nang makaramdam ng panghihina sa tuhod. Pagkalabas ni Minnah at pagkasara ng pinto ay saka lang niya napagtanto na parang mas lumuwag ang paghinga niya ng mawala ito.

Napayuko siya nang maalala ang mga sinabi nito. Pero mabilis din siyang napailing. If she'll entertain her words, she'll probabyly start to doubt.

"Eunice?"

Napaangat siya ng tingin. Nandyan na si Terrence!

"W-What are you doing here?" tila nasorpresa ito na makita siya.

Tumayo siya at ngumiti. "D-Dinalhan kita ng lunch. Surprise sana."

Sinara nito ang pinto at ni-lock. "I'm very surprise! Hindi sinabi sa'kin ni Minnah na nandito ka sa loob."

Ngumiti lang siya. "Kain na tayo."

Malambing siyang niyakap nito at hinalikan sa mga labi. "I miss this. 'Yung binibisita mo 'ko sa trabaho para makasabay ako sa pagkain," he confessed. "I badly miss this."

Napatingala siya dito. "Bakit ngayon mo lang sinabi? Kung alam ko lang, sana mula nang umuwi tayo from Paris, araw-araw kitang dinalhan ng lunch!"

"Don't worry, baby." Pumungay ang mga mata nito. "I want you to enjoy the company of your family and friends first."

"No, you could have told me. Para nag-make ako ng time to always have lunch with you here."

"Relax, baby." Hinilot nito ang pagkaka-kunot ng noo niya. "Bakit ka galit?" He chuckled.

"A-Ano pang nami-miss mong ginagawa ko? Bakit hindi mo sinasabi?"

"Huh?" Eto na ang nakakunot-noo. "Eunice, saka ko lang naman naiisip ang mga bagay when it suddenly came up. Katulad ngayon, may lunch kang dala. Pero okay lang din naman kung wala. I always have you at the end of the day. That's the most important thing to me." Ngumiti ito. His brown eyes sparkling in love.

Hinila siya nito at pinaupo sa executive chair nito. Inilabas nito ang packed lunch at binuksan isa-isa. Inumpisahan siya nitong pagsilbihan ng pagkain...

"He loves to a fault, don't you think?"

"He's too ideal for a partner. Hindi ba mas nakakakaba iyon?"

Umiling-iling si Eunice at inalis ang tinig ni Minnah sa isip niya. Looks like she's not totally harmless than she thought...

Hinawakan niya sleeves nito. "Terrence..."

"Hmm?"

Tiningala niya ito. "Please tell me everything, okay? Like even the tiniest and most ridiculous things in your mind."

"Lagi naman."

"Even your selfish thoughts?"

Napatingin ito sa kanya. "Selfish?"

"Mayroon ka niyon sigurado." Lumabi siya. "You're not perfect."

"I do have but... I counter those thoughts with faith. I don't usually entertain them anymore. Para hindi na lumaki at tumambay sa isip ko."

"Kahit na. Sasabihin mo lang naman. Saka sa'ting dalawa lang naman."

Napakamot ito ng kilay. "Sinasabi ko naman lahat."

"Everything?"

"I guess so." Napabuntong-hininga ito. "Look, I probably don't say everything. Pero wala akong intensyon na itago dahil lang ayaw kong malaman mo. There's a proper timing to tell things. You know that."

Right. And she got to respect her husband. Kung may hindi pa ito sinasabi, he's probably consulting with God first.

Kung kay Soleil nga na-respeto niya ang hindi nito pagsasabi ng tungkol sa relasyon nito kay Lucien, why won't she give that same respect to her husband?

Nakagat niya ang ibabang labi. There's no room for doubts now... Terrence is true to her.

Walang katotohanan sa mga sinabi ni Minnah kanina. Ginugulo lang nito ang utak niya.

♥♥♥

NAGTATAKA si Eunice nang hindi niya na ma-contact si Soleil. Kahit isang tawag or email mula sa kaibigan ay wala siyang natatanggap. She knew Sol's mending a broken heart, pero hindi lang talaga niya mapigilang mag-alala.

Oh well, she sent an email to Soleil. Even to Addie. Nakibalita na rin siya kay Madame Lilou tungkol sa nangyayari sa opisina. Pero wala pa siyang natatanggap na return email mula sa boss.

"Hi, Mommy Eunice!" Cyla greeted happily as she entered the car.

"Hello, sweetie. How's school?" Ibinaba na niya ang cellphone at ikinabit ng maayos ang seatbelt nito.

"Happy! It's vacation time. We're going to Monte Amor!"

"You miss that place, too?" Eunice started to drive home.

"Yes! We'll go there, right, Mommy?"

"We will."

"I think Mama and the triplets will come with us. Mama said she wanted to take a vacation away from here. That will be fun, Mommy!"

Napatango siya. Maganda nga din iyon. Para naman makapag-relax si Frances at hindi kung ano-ano ang iniisip nito.

Pagkadating nila sa bahay, sa labas ng gate pa lang ay natanaw na ni Eunice si Frances. Mukhang galing ito ng trabaho.

"That's Mama!" turo ni Cyla dito. Ibinaba nito ang car window. "Mama!"

Napalingon sa kanila si Frances.

"Ikaw lang mag-isa?" tanong niya rito. "I'll just park the car—"

Lumapit ito. "Eunice, you got to help me."

Napakurap-kurap siya. Parang maiiyak na ito pero pinipigilan lang.

"H-Huh? Why? W-What happened?"

Napatingin si Frances kay Cyla. Napalunok ito at saka napatingin ulit sa kanya. "Puwede bang iwan muna natin si Cyla sa pinsan mo? Hindi ba dito rin sila nakatira sa village na 'to?"

Tumango na lang si Eunice dahil napansin niya agad ang sense of urgency sa boses nito.

Pinasakay niya ito ng sasakyan. Pumunta sila sa ika-anim na street kung saan nakatira ang pinsan niya at ang asawa nito. Ibinilin muna nila sandali si Cyla kay Lana—ang asawa ng pinsan niya.

Lumipat si Frances sa front seat. Nang makalabas na sila ng village ay napansin niyang nagtatagis ang mga bagang nito. Patulo na ang luha sa gilid ng mata pero pilit pa rin pinipigilan.

"Frances, what happened? Did Matthew—"

"Pumunta tayo dito." May ipinakita ito sa kanyang address ng isang sikat na subdivision. Malapit-lapit lang.

"Anong mayroon diyan?"

"Please, Eunice. Just drive."

Nag-drive na lang si Eunice. Sinasabayan niya ng dasal kung saan man sila pupunta. Kinakabahan na din siya dahil hindi nagsasalita si Frances.

Maya-maya ay nakarating na sila sa subdivision kung saan may nakita silang simpleng putting bahay, two-storey, na nakatayo sa address na ipinakita nito. May pamilyar na sasakyan sa tapat niyon.

"Kotse iyan ni Matthew," mahinang sabi ni Frances. "Kabisado ko ang plate number kahit ilang beses pa baliktarin."

Inutusan siya ni Frances na mag-park sa hindi kalayuan. Pakiramdam ni Eunice ay para silang secret spies na hindi dapat mahuli.

Natanaw sila si Matthew na lumabas ng gate ng bahay.

Inilabas ni Frances ang phone nito at tinawagan ang asawa. She turned the speaker phone on. Matthew picked it up hastily.

"Frances."

"Nasaan ka?" mataray na tanong ni Frances sa asawa.

"Sa opisina, pauwi na," Matthew answered, straightly. No hesitations. "Ikaw, pauwi ka na?"

Nanlaki ang mga mata ni Eunice. Matthew just lied...

Akala niya ay sisigawan ito ni Frances. But to her surprise, Frances calmly said, "Okay. Pauwi na 'ko. You take care."

The call ended.

Tahimik silang pareho. Pinanood nila ang pagsakay ni Matthew sa sasakyan nito at ang pag-alis niyon sa tapat ng bahay.

"F-Frances..." She does not know what to say. Nakailang dasal na siya sa isip, pero wala siyang masabi!

She started the car and returned home. Wala lang imik si Frances hanggang sa maipasok niya ang sasakyan sa loob ng gate ng bahay nila.

Bumaba si Frances at hinugot ang cellphone nito. "Magbu-book na lang ako ng Grab pauwi, Eunice. Salamat sa pagsama sa'kin."

Bumaba na din siya at nilapitan ito. "Frances, baka may explanation si Matthew. Wala naman tayong nakita na may kasama siya—"

"Nagsinungaling siya, Eunice. He's capable of lying to me. Without hesitation. That's the issue here." Napayuko ito. "When I thought I know my husband well, hindi pala talaga..."

Napalunok siya. At naisip ang mga sinabi ni Minnah.

"I guess being a Christian does not guarantee anything..." sabi pa ni Frances. "Kung wala siyang tinatago, bakit kailangan niya magsinungaling?"

Wala nang masagot pa si Eunice. Nakikita niya kung gaano pinipigil ni Frances ang mga luha nito at pinipilit na magpakatagtag. She just prayed for her inside her head. Kahit gusto niyang magsalita, wala siyang masabi na tamang mga salita.

Pagkaalis nito ay nanatiling tahimik na lang si Eunice. That night, she just really prayed so hard for the two. She also prayed for her and Terrence. She prayed for all Christian marriages that trying their best to stay committed with Jesus.

Kinabukasan, ginawa lang niya ang usual morning routine. Nagluto din siya ng lunch dahil nangako siya kay Terrence na dadalhan niya ulit ito ngayon.

Bukas pupunta na sila ni Cyla ng Monte Amor para magbakasyon. Isang linggo pa bago makakasunod si Terrence dahil may kailangan pa itong asikasuhin.

Nang nasa opisina na sila ay nakita niya si Minnah. This time, mukhang alam na nito ang pagpunta niya.

"Hi, Minnah," Eunice greeted her. Nilabas niya ang isang plastic container. "I made another lunch for you."

"Thank you, Eunice." Her smiles looked genuine. "By the way, nag-bake ako ng cupcake. Gusto ko rin mag-'thank you' sa'yo kasi ang bait mo sa'kin." Inabutan siya nito ng isang box.

Hati ang nararamdaman ni Eunice. But she chose to smile and appreciate the gesture from her. "Thank you, Minnah."

"Pasensya na rin sa mga nasabi ko kahapon. Pero sana hindi mo i-over patronize si Terrence kahit asawa mo pa siya. Paalala lang ng isang babae sa kapwa niya babae." Umalis na ito sa puwesto nito bitbit ang lunch.

Napabuntong-hininga na lang si Eunice. She can't understand Minnah's energy. It's like a two-opposite side. She's both genuinely nice and a legitimate... bitch.

She should really go to Monte Amor and stay out of this.

Pumasok na siya ng opisina ng asawa at halatang excited si Terrence sa pagdating niya. Naka-set up ang isang lamesa at dalawang dining chair sa gitna ng silid na iyon.

Masaya silang nagsalo na mag-asawa. Umuwi din siya kaagad pagkatapos dahil kailangang pumunta ni Terrence sa site. Isinama nito si Minnah dahil kailangan daw nito ang sekretarya doon.

Nang nakauwi na siya ay naalala niya ang binigay sa kanya ni Minnah. Binuksan niya ang box at bigla siyang natakam.

Wala naman sigurong something masama sa pagkain...

Kumuha siya ng isang cupcake. Inamoy niya muna iyon. Napapikit siya dahil amoy pa lang ay masarap na!

She examined the cupcake. Hanggang sa nakita niyang may letter sa ilalim. Letter "E".

E?

May anim na cupcake doon. Tinignan niya isa-isa ang nasa ilalim. Akala niya magkakapareho ang letter sa bawat cupcake pero hindi...

E. E. M. L. H. P.

Napakurap-kurap si Eunice. Kumakabog ng mabilis ang dibdib niya at nanginig ang mga kamay. Could it be...

"Lord..." She tried to re-arrange the cupcakes.

H. E. L. P. M. E.


***

Let's get connected!

Official FB Pages: FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Olvasás folytatása

You'll Also Like

91.3K 204 30
"Hindi naman mahalaga kung mahina o malakas ka, ang importante ay ang kaya mong harapin ang iyong mga kahinaan, ang kaya mo itong baguhin upang sa ma...
54.3K 2.2K 32
Hello, Wattpadders! Muli na namang nagbabalik ang pinakamasayang party rito sa Wattpad! Heto na ang The Wattpad Filipino Block Party 2020! Halina't s...
64.2K 1.7K 18
| Stonehearts #9 | People see her as a rock of solid power and strength. She isn't easily wavered and never goes down without a fight. Elora Ysabelle...
2.7M 75K 82
"If tomorrow comes and I forget about this, and I forget about you, will you still love me?" Yesterday. Love. Nothing else matters to Lee Gabriel tha...