Moonlight War (Gazellian Seri...

By VentreCanard

4.9M 341K 135K

Jewella Leticia is not just the Goddess of the Moon, but the new Queen of Parsua Sartorias. *** For Leticia... More

Moonlight War
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
New Story Alert: Incense of the Lotus Flower (Le'Vamuievos Series #1)

Epilogue

170K 10.5K 13.3K
By VentreCanard

Until now, I couldn't believe that I'd made this far. I thought to finish a story with numbers of readers would be impossible for me, to complete a story with too affected readers would be just a dream for me... I am not that good, perfect, and I only have my imagination. But your reactions, comments, your efforts to reach me just to inform me how all of you were moved with my words, plots, and scenes made me realize that little by little that I am already achieving my goal.

I am so happy. Maraming salamat po!

Try to listen to the song above while reading the chapter, you'll feel more about Dastan's thoughts.

#MWJourneyToTheThrone

Epilogue

How long will I pretend, Mother?" I asked the Queen as I continue to stare outside the window, where I could see the gloomy presence of my tree.

How could I possibly light it for them if I couldn't light it for myself?

Ngayong wala na siya sa piling ko.

Humihiling na sana'y muling maangkin ang kanyang mga labi, mahaplos ang kanyang mahabang buhok at makita ang kanyang naningning na mga mata.

Umihip ang banayad na hangin, sumayaw ang mga puno, humalina ang mga maliliit na dahon sa buong paligid... ngunit tila mahinhin niyang pagtawa ang siyang namamayani sa aking sistema.

Si Leticia at ang kanyang puting kasuotan na tila nag-iisang rosal sa gitna ng napakagandang hardin, ang mga kamay niyang kapwa nakahawak rito sa bawat mapaglarong pagtakbo niya mula sa akin, ang buhok niyang nakahahalina, ang kanyang mga yabag... at sandaling siya'y lumingong may ngiti sa kanyang mga labi kasabay ng kanyang kamay ay nakalahad sa akin.

"Dastan, mahal ko..."

"Leticia..."

Ngunit nang sandaling banggitin ko ang kanyang pangalan, naglaho ang kanyang imahe at inilahad sa akin ang katotohanan.

Ngayo'y tila kasiraan lamang ang aking punong simbolismo sa natitirang punong nakapalibot sa Parsua Sartorias. Katulad ko'y hindi na siguro ito makatitindig pa kung wala ang natitirang punong nakapaligid sa kanya upang magbigay sa kanya ng lakas.

Just like my siblings. I couldn't imagine myself without them, but still, there are times that they are interfering too much...

Mas pinaglaro ko ang kaunting dugo sa aking kopita habang hindi inaalis ang aking mga mata sa labas.

Tila nanunuya ang pagkakataon sa mga oras na ito, ang kalawakan ng madilim na kalangitan ay itinatago ang ganda ng buwan... buwan na simbolismo ng aking mahal.

Saglit lamang naglandas ang aking mga mata sa mga nagsabog na mga bituin. Sa sandaling sundan ko ang guhit na nais ipabatid ng mga ito, si Leticia kaya ang aking matatagpuan?

Will the stars guide me to her?

Napailing ako. Bakit kailangan kong tanungin ang sarili ko ng katanungang alam ko na ang kasagutan?

Hindi ako kailanman tutulungan ng mga bituin, dahil ibang hari ang nagmamay-ari sa kanila.

Kumuyom ang kamay ko sa kopita.

Those kings can have the stars, the seas, the land, the wind, the fire, or any kind of light, but the moon is mine. The goddess of the moon is mine. Every part of her.  

Walang kasaysayan, sakripisyo, posisyon, pangalan, at kapangyarihan ang hahadlang sa akin. Kung ang pagiging ugnay sa isang diyosa'y kapalit ay matinding paghihirap, handa akong harapin ang lahat ng iyon maging akin lamang si Leticia.

"Hindi kita pinipilit magpanggap, Dastan." Sagot ni Ina na nakapagpabalik ng atensyon ko sa kanya.

Tipid kong sinimsim ang natitirang dugo sa aking kopita bago ako tumalikod mula sa bintana at humarap sa kanya. 

"But it will ruin their plans. Those idiots. I will let them believe what they wanted, then."

My mother chuckled lightly. "They can never manipulate you, son."

"Kilala ko ang mga kapatid ko. Sa paanong paraan nila ako mamanipulahin? They maybe good actors, but I am better."

Simula nang imulat ako nina ama't ina sa responsibilidad na siyang kakaharapin ko sa sandaling ako'y maupo sa trono, natuto na akong magpanggap sa iba't ibang paraan.

Buong akala ng mga kapatid ko at kapareha nila'y nagawa nilang mapagtagumpayan ang pananatili ko sa palasyo upang huwag sundan si Leticia, ngunit ang pananatili ko rito'y sarili ko nang desisyon.

They didn't stop me. I stopped myself. Bagay na hindi ko akalaing magagawa ko.

Nang sandaling tumakbo si Leticia mula sa palasyo, wala na akong ibang inisip kundi paano siya susundan. Kung paano siya maibabalik sa palasyo at kung paanong muli ko siyang mayayakap sa paraang hindi na siya makalalayong muli sa akin.

Hindi miminsang hiniling kong sana'y manatili si Leticia sa kanyang nakamulatang pag-iisip. Ngayo'y mas naiintindihan ko na ang nararamdaman ng mga kapatid ko sa tuwing pinipilit ng mga babaeng minamahal nilang gumawa ng mga hakbang na ikapapahamak nila.

Natatakot ako. Kinakabahan... na ang tanging gustong makita ng aking mga mata'y siya. Ang nais marinig ay ang kanyang boses at wala nang ibang nais hawakan kundi siya.

Leticia, my innocent goddess with her pure heart. I want to lock her inside our room, and be my only queen. Reynang ako lamang ang paglilingkuran... reynang akin lamang luluhuran, at reynang ang mga kamay ay para lang sa akin.

But Leticia didn't go down in this world for me. She isn't a goddess for me. She has a throne not behind mine, but beside me.

Siya ang diyosang hindi dapat itinatago kundi dapat inihaharap sa lahat. She's a fighter, the moment I laid my eyes on her.

"Dastan, mahal ko..."

Tila lalong nanuyo ang lalamunan ko habang paulit-ulit naririnig ang tawag niya sa akin sa tuwing hinahabol ko siyang tumatakbo patungo sa sekreto naming lugar... sa lugar kung saan niya unang ipinagkaloob ang kanyang sarili sa akin.

Nakikita ko ang sarili kong repleksyon sa bintana. My eyes couldn't betray what I always felt for her.

Uhaw kong siyang tanging makakasagot.

"Are you mad at them?"

Tumaas ang kilay ko sa katanungan ni ina.

"Kailan ako nagalit sa mga kapatid ko, Inang Reyna? I spoil them too much."

Ngumiti si ina sa akin.

It could be Kalla or Claret who plotted the whole plan. Pinaniwala nila akong bukas na ang kweba at nakapasok na roon ang grupo ni Leticia, isang malaking dahilan upang hindi ko na magawang makasunod pa sa kanya.

Alam ng lahat na sa sandaling pumasok ako roon, mas magiging komplikado ang sitwasyon. Iba ang oras pagdating sa kweba, malaki ang posibilidad na mas matagal akong mawala at ang kawalan ng presensiya ko sa paparating na digmaan ay isang malaking kaguluhan.

Kaya gaano man kataas ang kagustuhan kong sundan si Leticia, wala na akong magagawa kundi bumalik sa palasyo, maghintay at manatiling nasa digmaan ang atensyon. 

I knew that it was just Finn's illusion. I knew that right at this moment, Leticia and her group is still in their journey to open the mysterious cave.

Kung sana'y hindi ako ang hari... sana'y ako ang kasama niya sa bawat paglalakbay na kinahaharap niya. But I am born tied with responsibilities, bagay na gusto ko man talikuran para sa kanya, ngunit sa sandaling gawin ko iyon, alam kong kailanman ay hindi na ako magiging buo pa.

Matapos ang halos isang araw kong pagkukulong sa likuran ng gintong pintuan ni Inang Reyna, nagawa kong linawin ang pag-iisip ko.

My siblings were too desperate to hold me inside this castle and keep me sane,  dahil alam nilang walang mangyayaring maganda sa akin kung pipilitin kong sundan si Leticia.

I even heard Zen suggested the underground, to hold me as their prisoner before I realize everything, while Finn will disguise as me in every vampire court's meeting.

Humantong na sa ganoong desisyon ang mga kapatid ko nang halos pagtulungan nila akong pigilan upang huwag sundan si Leticia ng araw na iyon.

Every decision and action would be irrational. Dahil sa sandaling lumabas na ako sa palasyo, si Leticia na lamang ang iisipin ko. I will kill myself while chasing her. Bagay na kinatatakutan nilang lahat mangyari.

Sa isang araw kong pananatili sa loob ng silid ni Inang Reyna, ang lahat nang nangyari simula nang saksakin ako ng babaeng mahal ko'y nagsimula nang rumehistro.

She did the stabbing because of manipulation. Someone wanted her to take the journey.

We're both tied up with our responsibilities. Gusto ko man siyang habulin, sabihin sa kanya na wala akong nararamdamang galit sa kanya at ang nais ko lamang ay hagkan at yakapin siya'y hindi ko magawa. Maging ang koneksyon ng aming mga isipan ay tila nawala.

All I could do is to stand inside this damn room and stare outside the window. Pitiful.

But that breakdown was enough. Tulad ng sabi ni ama, hindi ko dapat hayaan ang sarili kong lamunin ng aking emosyon. It will kill me. It will kill the woman I loved the most. It will kill my family. It will kill my empire. It will kill the future. It will kill my history.

"Alam mong para sa 'yo rin ang ginawa nila."

"I know..."

I smiled sarcastically. "Even Casper agreed with their plans... it's just that they're all foolish to believed that I wouldn't realize that the cave's opening is fake."

Malaki ang tiwala ko kay Leticia, hindi ko man labis na gusto ang ugali ng kapatid ni Tobias, pagdating sa mga misyon at paglalakbay ay hindi kami nito binibigo, ngunit hindi ganoon kadali ang pagbubukas ng kweba.

It will take weeks or even months.

I straightened the blood on my chalice, placed it on the small table, and I casually looked at my mother, regally sitting on her usual chair with her favorite book.

"It was you..."

She smiled at me innocently. I knew that she could clearly understand what I'd meant, but she's too used to play safely in this kind situation. Ano nga ba ang aasahan ko sa reynang nakatalo sa laro ng kinikilala ng lahat na pinakamatalinong hari?

She is my mother, my father's queen. Ang reynang ipinakikita sa lahat na tila wala siyang alam sa lahat ng nangyayari.

Pero katulad ng mga kapatid ko... kilala ko ang sarili kong ina.

Matapos niyang sabihin sa akin ang lahat, ang katotohanan sa likuran ng katauhan niya, ang dahilan ng kanyang pagbaba sa lupa at ang ilang pinagdaanan nilang magkasama ni ama, napaka-imposible ko nang isipin na wala siyang nalalaman sa bawat nangyayari hindi lang sa loob ng Parsua Sartorias, kundi sa kabuuan ng Nemetio Spiran.

Every goddess who went down in this world is involved. Konektado sa kani-kanilang paraan. Kung ang Diyosa ng Asul na apoy ay malayo sa responsibilidad ko, sisiguraduhin ko na ang mga natitirang tatlong diyosa bumaba na sakop ng panunungkulan ko'y bibigyan ko ng linaw.

The whole history from the seven high thrones, the powerful goddess, my father's journey with Danna, my mother's mission, and Leticia's fate with me are all connected.

Sisiguraduhin kong tatapusin ko na ang lahat ng mga katanungang umiikot sa mga ito. At magsisimula ako sa diyosang abot-kamay ko.

Sa aking ina.

Lumuhod ako sa kanyang harapan at marahan kong hinawakan ang dalawa niyang kamay. Yumuko siya sa akin upang magtama ang tingin namin sa isa't isa.

"Why did you manipulate her, Mother? It was you. Ikaw ang dahilan kung bakit nasaksak ako ni Leticia..."

Hindi ko inaasahan na magugulat siya sa sinabi ko. Sa halip ay binigyan niya lamang ako ng hindi mabasang ekspresyon. 

"Why everyone is trying to manipulate me? Us?"

"Dastan..."

"I thought it was father. Akala ko'y pinarurusahan niya ako sa lahat ng kasalanang ginawa ko."

Sinapo ni ina ang aking mga pisngi upang mas magtama ang aming mga mata. "Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na hindi ka kailanman parurusahan ng iyong ama? Thaddeus loves you so much, Dastan. That he sacrificed everything for you... for us... sa mga kapatid mo. Wala tayong lahat dito kung wala ang sakripisyo ni Thaddeus."

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. I will always admire my father. Ang pagmamahal niya sa aming walang humpay, ang katalinuhan niya at ang paggalang ng bawat nilalang sa kanya. Ngunit may ilang parte pa rin sa kanya na hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan.

Alam kong sa mga oras na ito'y nalalaman na ni Leticia ang kinatatakutan ko. That scene didn't happen to us without any reason...

"But she already knew..."

Tumango sa akin si Ina. Natatakot ako sa pwedeng isipin sa akin ni Leticia, ngayo'y alam niyang may nalalaman ako. Nadiskubre na niya ang lihim na pilit kong itinatago.

I am not the perfect king, son, or even brother. I am a mess. A traitor. 

Hinayaan kong mahirapan ang sarili kong kapatid. Sina Desmond at Danna na kapwa inosente'y sa lahat ay hinayaan kong harapin ang problemang hindi naman dapat sa kanila upang pagtakpan ang sarili kong ina. Nagbulag-bulagan ako sa mga lihim ni ama at nang sandaling inakala kong sumabog na si ina sa lahat ng mga iyon, pinili kong manahimik... pinili kong kumampi, pinili kong lamunin ng sarili kong galit. Pinili kong manimbang... kahit hindi ko alam ang buong istorya.

But my father's words continued to ring in my ears. I should always favor the queen. Hindi man ako sigurado kung kailan ko susundin ang mga salitang iyon, pilit ko iyong pinanghawakan nang makita mismo ng aking mga mata ang pagsaksak ni ina sa dibdib ni ama.

And until now... I couldn't remove the vivid scene inside my mind. My father's peaceful state, na parang natutulog lamang sa kabila ng punyal na nakatarak sa kanyang dibidb.

I admired my father so much... ngunit hindi ko nais maranasan ang naranasan niya. Hindi ko kakayanin kung si Leticia mismo'y magkaroon ng sariling kagustuhang kitilin ang aking buhay.

I will do everything for her to love me more... ayokong dumating sa punto na mas pipiliin niya akong kitilin upang tapusin ang isang problema. I love my parents so much... but I don't want to follow their track.

Iba ang pagmamahalan namin ni Leticia.

"You and Leticia will reign this empire, Dastan. Gawin mo ang tungkulin mo. Sabay n'yo tahakin ang daang para sa inyo, kayo ma'y magkalayo ngayon, nasisiguro kong magkakasama kayong muli dahil may iisa kayong misyon... responsibilidad at pagmamahal sa isa't isa."

Idinikit ni ina ang kanyang noo sa akin. "You are my firstborn. King Dastan Lancelot Gazellian. You and your Queen needs to grow... but for now... you need to grow individually..."

"But I still hate your ways... Leticia was so terrified. She did not deserve it..."

"It will make her tough, Dastan... she will grow. Her heart is still weak... at kailangan niya niyon upang higit siyang tumatag. Mas malala pa roon ang makakasalubong n'yong dalawa sa sandaling kapwa na kayo umupo sa trono."

Hindi ako nakasagot sa kanya ng ilang segundo. "I should at least try to communicate with her and tell her that I am safe. That I am still... madly... in love with her."

"Everything will be fine, Dastan..."

Hinalikan na ni ina ang aking noo na madalas niyang ginagawa upang pakalmahin kaming magkakapatid.

"But I will never ever be like father... I will never push Leticia's hatred on me, na hahantong sa mga kamay niyang kikitil sa akin. I will never use a goddess' jealousy. You shouldn't have let your emotions overcome you, Mother..."

"Then, don't be, my son. Choose a different path."

Ngunit ang mga sinumpaang salita ko sa harap ni ina'y kinain ko nang buong-buo nang makarating sa akin ang balita.

Ang balitang sana'y gagawin nilang lihim sa akin.

Kasalukuyan na akong nakasandal sa likuran ng aklatan. Madalas ay rito ko pinipiling magbasa ng aklat at hindi sa aking kilalang pwesto, saglit kong nakakalimutan na isa akong hari at may responsibilidad na hinaharap.

Katatapos ko lamang dumalo sa ika-siyam na pagpupulong. At siyam na pagdalong iyon, limang beses kaming tinangkang kitilin sa daan, nagkaroon ng labanan at walang katapusang patayan.

The enemies are all desperate to conquer the other empires. Mabibilis na rin ang kanilang kilos upang humanap ng mga kaalyansa.

Hinayaan kong bukas ang mga butones ng aking kasuotan upang makahinga ang aking mga sugat sa dibdib mula sa tama ng mga espada, mayroon din ako sa mga braso at maging sa binti. Simula nang umalis si Leticia'y ang paghihilom ng aking mga sugat ay hindi na ganoon kabilis.

Humihina ako habang patuloy siyang lumalayo sa akin.

Pilit man akong magpanggap na wala akong kapaguran, na wala akong kirot at sakit na nararamdaman, sa tuwing mag-iisa na ako'y tila nais ko nang ipikit ang aking mga mata at mahimbing na matulog.

But the king shouldn't let them see his weakness. Magtitiis ako. Magiging malakas ako, dahil alam kong ginagawa ni Leticia ang lahat para sa emperyo... sa aming dalawa.

My Queen is doing her best.

Mariin akong napapikit nang kumirot na naman ang malalim kong hiwa sa dibdib. Mabuti na lamang at naghilom na ang punyal na galing kay Leticia, dahil kung ito'y sariwa pa... hindi ko na alam kung paano pa ako magpapanggap sa harap ng mga kapatid ko.

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng aklat na maaaring makatulong sa akin, ngunit ang mga mata ko'y nais nang bumagsak. Ilang beses kong isinandal ang sarili ko sa lagayan ng mga aklat at pilit inumpog ang aking ulo upang ako'y magising, at nang sandaling maglinaw muli ang aking mga mata'y muli kong binuklat ang mga pahina.

Ngunit nasa kalahati pa lamang ako ng pahina'y patak ng dugo sa letra ang nakapagpatigil sa akin. Wala sa sarili kong hinawakan ang aking ilong.

Dumudugo.

Mariin akong muling napapikit, isinara ang aklat at nasapo ko na lamang ng aking mga palad ang aking noo. Bumibigay na ang katawan ko.

"Leticia..."

Habang kumukuha ako ng panyo sa loob ng kasuotan ko, ngayon ko lamang napansin ang pangangatal ng kamay ko. Pinilit ko iyong patigil ngunit maging iyon ay hindi na ako kayang sundin.

Paulit-ulit kong pinunasan ang nagdurugo kong ilong. "I should drink... yes... this is just a thirst."

Hahawak na sana ako sa aklatan upang alalayan ang sarili ko nang makarinig ako ng marahas na pagbagsak ng pintuan. Boses ni Evan ang siyang namayani sa loob ng silid-aklatan.

"Nagbibiro ka ba, Naha?" nahihimigan ko ang galit niya.

"Evan! I told you... kulang iyong nasa cabinet. Tandang-tanda ko ang bawat pwesto ng mga langis natin. Hindi ako pwedeng magkamali..."

"Nagkamali ka na nga! I told you to stop! Kung anu-ano pa ang sinasabi mo sa kanya. What if—oh goodness! Gazellian si Dastan... siguradong..."

Naagaw ang atensyon ko nang marinig ko ang aking pangalan.

"Are you really sure?" nangangatal na ang boses ni Evan. 

"Paulit-ulit ka na lang, Evan?! I said, yes! Yes! Mali ang naibigay kong langis kay Leticia! Ilang beses ko na bang sasabihin sa 'yo na pampadulas iyon! Iyon ang pinakamadulas na langis, Evan... ubos na."

"For Pete's sake, Nahara! Seryosong bagay ito!"

"Kanina mo pa akong sinisigawan, hon..."

"Of course! Naha naman, she can't be pregnant. Narinig mo ba ang sabi ni Claret? She can't. Magtatalo ang katawan niya at ang bata. They will kill—"

Naputol ang usapan nina Evan at Naha nang sa wakas ay maramdaman nila ang aking presensiya. Tulala akong nakatitig sa kanilang dalawa. Gimbal at takot ang rumehistro sa kanilang mga mukha.

Si Evan ay buong tapang na iniharang ang sariling katawan upang protektahan si Naha mula sa akin.

"D-Dastan... we can talk about this..."

Kitang-kita ko ang takot sa mga mata ni Evan. "Hindi sinasadya ni Naha... we could still fix this. We'll talk to Claret."

"S-She's pregnant." Mas kinumpirma ko ang sarili ko.

Sa halip na pakiharapan pa sina Evan at Naha nagdiretso ako sa lugar kung saan nakatindig ang pinaka-ugat ng aking puno. Ang sasagot sa aking katanungan at pangamba.

At doon na ako tuluyang natulala.

Noo'y inakala kong labis na tuwa ang aking mararamdaman sa sandaling makarinig ako ng tibok ng puso mula sa aking punong simbolismo, ngunit sa pagkakataong ito'y matinding takot ang bumabalot sa akin.

There's a heartbeat. We have a child, and it's killing her.

Hinahanap na ng aking puno ang presensiya ng bata.

"M-Mahal ko..."

Wala sa sarili akong lumapit sa parte ng ugat ng puno at hinaplos iyon ng aking mga kamay.

The baby is our gift, but I couldn't accept its existence if it is killing her.

Kusa kong isinandal ang noo ko sa puno. Hindi ko napigilan ang luhang naglandas mula sa aking mga mata.

"P-Patawad... anak..."

Hindi ko alam kung naririnig niya ako dahil kapwa sila malayo ni Leticia... ngunit alam kong sapat na ang tibok ng puso niyang konektado na sa aking puno upang marinig niya ang mensahe ko.

"But your father loves your mother so much... please forgive me..."

Nang sandaling tumalikod ako sa puno, isang destinasyon lang ang nasisiguro kong patutunguhan ng aking mga paa.

Sina Kalla at Claret ang siyang unang sumalubong sa akin.

"K-Kamahalan..."

"King Dastan..."

Ngunit wala akong sinagot sa kanila, sina Zen at Caleb ang sumunod na humarang sa akin.

"Saan ka patungo, Dastan?" tanong ni Zen.

"Dastan..."

Sabay ko lang silang tinitigan dahilan kung bakit tumilapon ang kanilang mga katawan malayo sa akin. Mabilis na takbo ng aking kabayo sa gitna ng malakas na ulan ang naglayo sa akin sa palasyo ng Parsua Sartorias.

Patungo sa kanya.

Sa babaeng pinangakuan ko ng kalayaan, sa babaeng pinagkalooban ako ng walang katumbas na pagmamahal ngunit kailaman ay hindi ko nagawang suklian.

Si Alanis.

Bago mas pumutok ang kaguluhan sa paparating na digmaan ay nagpaalam na siya sa amin na siyang nirespeto naming lahat. Kung maaari'y hindi nan ais mandamay pa ng iba at desisyon niya iyon.

Ngunit siya lang ang kilala kong makatutulong sa akin.

Muntik ko na siyang hindi abutan dahil sa mga kagamitan niyang tila nakaayos na. Hindi ko man itanong sa kanya kung saan siya patungo, alam kong sa lugar iyon na malayo na sa emperyong ito... o sa lugar na wala nang makakakilala sa kanya.

Halata sa kanya ang pagkabalisa.

"D-Dastan..."

Ngunit ang higit na nakapagpatulala sa akin ay nang may maramdaman akong kakaiba sa kanya. There is something else from her.

"Please, help me, Alanis..." ulit ko.

Ipinaliwanag ko sa kanya ang aking sitwasyon, namin ni Leticia. Kailangan ko ang presensiya niya, kailangan kong ipakita sa lahat na siya na ang aking kinikilalang reyna... kailangan kong ilayo ang atensyon mula kay Leticia.

Malakas na sampal ang isinagot niya sa akin habang nakaluhod akong nagmamakaawa sa kanya.

"D-Dastan... buntis ako. Dalawa kaming gagamitin mo. Gusto ko lang ay kalayaan at tahimik na buhay para sa aking anak. Ngunit ito at dinedemonyo mo na naman ako! Alam mong kahit kailan ay hindi kita kayang tanggihan..." lumuluhang sabi niya.

Tama ang hinala ko. Buntis siya.

"W-Who is the father?"

Ang mga Middelei ay walang kakayahang magbuntis, ngunit sino... anong nilalang ang nagawang putulin ang limitasyong iyon sa kanya?

Hindi niya sinagot ang katanungan ko.

"Hindi kita matutulungan sa pagkakataong ito, Dastan. Mahal kita, Dastan... mahal na mahal, ngunit ang anak ko... alam kong magagawa niyang suklian ang pagmamahal na ibibigay ko sa kanya. Pagmamahal na kahit katiting ay hindi mo ipinaramdam sa akin..."

"I did love you, Alanis..."

Tumawa siya ng pagak. "Sinasabi mo lang iyan dahil kailangan mo na naman ako!"

Handa na siyang iwan ako nang hagipin ko ang mga kamay niya. "I will do everything, Alanis... please... please save Leticia..."

"Then, save my child, Dastan."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Just like your goddess, may kahinaan din ako lalo na sa pagdadala ng buhay. This child might kill me, this child might attract..." umiling siya. "Sa sandaling dumating ang kabuwanan ko... at hindi ko kayanin... hindi ko magagawang protektahan ang anak ko. Then, protect him like he is yours..."

Ang kahilingan ko kay Alanis ay maglalagay sa buhay nilang mag-ina. Buhay ang siyang magiging sakripisyo sa sandaling siya'y ibalik ko sa palasyo.

The child is innocent in this cruel world. The child deserves love... na hindi ko naibigay sa ina niya.

"He will be a Gazellian. I will treat him as mine. I promise."

Kinalas niya ang kamay niya sa akin at mabilis niyang pinunasan ang luha sa kanyang mga mata.

"Tell me everything. I'll do what you want, King Dastan."

Malaking kaguluhan sa hapag ang sumalubong sa akin nang sabihin ko sa buong pamilya ko ang aking nabuong plano.

Sabay-sabay na tumayo sina Claret, Kalla at Naha habang mariing nakapatong ang mga palad sa lamesa. Hindi pa man sila bumubuga ng mga salita, ang kanilang mga mata'y nagsusumigaw na ng pagtutol.

"This is insane, King Dastan."

"A pregnant woman... an innocent child." Naiiling na sabi ni Kalla.

"There must be another way. Hindi ganito... buhay ang pinag-uusapan natin dito..."

Nanatiling tahimik si Alanis sa tabi ko at hinayaan niya akong sumagot sa katanungan ng lahat.

"With Alanis presence... iisipin ng lahat na sa kanya nanggagaling ang kapangyarihang nagsisimulang magparamdam sa mundong ito. It will divert them away from Leticia..."

"D-Dastan..." usal ni Lily.

"A-Alanis?" tawag ni Claret na tila kinukumbinsi si Alanis na magbago ang isip ngunit pinili lamang mag-iwas ng tingin ni Alanis mula sa kanya.

"Dastan, tama si Naha, baka may iba pang paraan..."

"I am here to protect Alanis and her child. We are here to make her safe. Ano ang kinababahala n'yo?"

Naiiling na si Zen habang nakatitig sa akin. "This isn't you... this is not the Dastan we—"

Mapait akong ngumiti kay Zen. "Sino ako sa tingin n'yo? I am not perfect."

Hindi pa nila nalalaman ang lahat ng tinatago kong sekreto, mga sekretong... alam kong tuluyan nang sisira sa magandang imaheng tinitingala nila sa akin.

I am a sinner.

Gazellian's greatest sinner.

"But this is unfair for her... kay Alanis... kay Leticia... may karapatan si Leticia na malaman na nagdadala siya ng buhay sa sinapupunan niya." Ani ni Zen.

"She might cough blood... na maaaring maging dahilan upang mag-isip siya ng..." hindi man iyon ituloy ni Claret, alam ko ang ibig sabihin niya.

"I tried to give her a message—" nangatal ang katawan ko sa narinig mula kay Finn.

Sa isang iglap ay hawak ko na ang leeg niya habang mariin ko siyang ipinipiit sa pader na may nagniningas na mga mata.

"What.Did.You.Tell.Her?!"

"DASTAN!"

Mabilis nakalapit sa amin sina Caleb, Zen, Evan at Casper upang awatin ako at pigilan akong mas saktan si Finn.

"ANO ANG SINABI MO SA KANYA?!" ulit ko.

Mas naging agresibo ang mga kapatid ko sa akin upang marahas itulak palayo kay Finn. Si Kalla ay agad niyakap ang kapatid ko na tila magagawa niya iyong protektahan mula sa akin.

"He's getting insane! Congratulations! Magkakapatid nga kayo! Nakakainggit naman! Ako rin! Ako rin! Excited na rin akong ikadena at mananakal din ako para pare-pareho na tayo!" sarkastikong sigaw ni Caleb sa aming lahat bago pinasadahan ng titig sina Zen, Finn at Evan na nasaksihan ko kung paano mabaliw sa mga babaeng ngayon ay halos sambahin nila.

"I will kill you." Nag-aapoy ang tingin ko kay Finn.

"Wala akong sinabing buntis siya! I failed to communicate with her! Someone is blocking me! Pero alam mo kung ano ang nakita ko? Ang kampong kalaban natin alam ang bawat galaw natin! And they are using Leticia's emotion to distract her! Alam na nilang gagamitin mo si Alanis para ilayo si Leticia sa mga kalaban... they are feeding her the wrong idea..."

"She will not forgive you. Hinahayaan mo siyang patayin ang sarili niyang anak. She will never ever forgive you, Dastan. Maling-mali ang paraan mo... anak n'yo ang batang pinag-uusapan natin. May idadamay ka pang inosente... wala ka bang naalala..." nanghihinang sabi ni Kalla.

Lumaglag ang balikat ko sa sinabing iyon ni Kalla.

"But she will choose the child... hindi ako ang pipiliin niya... she will sacrifice her life. Iiwan niya ako..."

Tumalikod ako sa mga kapatid ko. Kung hindi nila ako hahayaang gawin ang planong ito, isa lang ang natitirang paraan upang maprotektahan ko si Leticia...

Kusang lumabas ang sarili kong espada sa aking kamay.

I will cut it myself. Ang punong kikitil sa buhay ng babaeng mahal ko.

"Putangina nababaliw na talaga!" sigaw ni Caleb.

"Shit! Stop him!" sigaw ni Zen.

Nilabanan ko ang sarili kong mga kapatid, pinilit kong manalo sa kanila sa kabila ng mga sugat kong hindi pa naghihilom, sa katawan kong nanghihina at sa puso kong hindi na natapos sa pagkirot.

Ibinalot ako sa yelo, malakas na suntok ni Caleb, ilang kidlat mula kay Evan... ngunit pilit pa rin akong bumabangon.

Naririnig ko ang paghagulhol ng mga kababaihan habang pinanunuod kaming magkakapatid na halos magpatayan.

"H-Harper!" malakas na sigaw ni Lily.

Iyon ang hindi ko nagawang labanan. Ang awitin ng bunso kong kapatid na nakapagpamanhid sa akin. Bumigay ang katawan ko at pinanuod nilang bumagsak ang aking katawan.

"This will not stop me." Matigas na sabi ko sa kanila.

Dahil sa mga atake nila, hindi nagawang itago ng kasuotan ko ang inililihim ko sa kanila. They saw how miserable their king, emotionally... physically.

Walang dumalo sa akin, sa halip ay kapwa ako dinungaw ng mga kapatid ko na nakatayo at nakapalibot sa akin.

I saw different kind of emotions in their eyes.

"D-Dastan..." usal ni Lily.

"Ganyan ka na naman... " humahagulhol na sabi ni Harper.

Hindi makatingin ng diretso ang natitira kong mga kapatid. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, iniharang ko na lamang ang aking braso sa aking mga mata upang itago ang aking mga luha.

"I am tired... pagod na pagod na pagod na ako... sa lahat... gusto ko nang magpahinga... napapagod na ako..."

"D-Dastan..." si Lily ang una kong naramdamang dumalo sa akin.

"Help me to stop the pain. I just want her to be safe... I want her near me. Gusto ko na siyang makita... kill me...pagod na ako, Lily..."

Hindi na lang paghawak sa akin ang naramdaman kong ginawa ni Lily, niyakap na niya ako habang nakasubsob siya sa aking dibdib.

"Talk... just talk. Iyon lang naman ang kailangan namin... pero kailan kayo nagsasalita? Kapag sobrang sakit na? Kapag halos patayin n'yo na ang mga sarili n'yo? Ano ba naman kayo mga kapatid? Dastan... look at you..."

Hindi ko man nakikita, nasisiguro ko na kapwa hindi makatingin sina Finn, Evan at Zen kay Lily.

Nanatiling nakatago ang mga mata ko sa aking braso, ngunit ang mainit na kamay ni Lily ang nagtanggal niyon.

"You're an idiot, Dastan. Foolish!"

"I am... I am... Lily..."

Akala ko'y mura pa rin ang ibabato niya sa akin ngunit humalik siya sa ibabaw ng noo ko kasabay nang pagpatak ng luha niya sa akin.

"Pumapayag na kami..."

"L-Lily!" sabay-sabay na pagtutol ng lahat sa kanya.

Marahas lumingon si Lily sa kanilang lahat. "Pumapayag tayo." Mas madiing sabi niya.

Wala nang nakasagot sa kanya.

Sina Lily at Harper ang nag-alalay sa aking umupo. Lily cut her wrist and shoved it to my mouth, handa na akong tanggihan iyon pero sapilitan niyang isinubo iyon sa akin.

Habang nakaupo ako, nakaluhod si Lily sa may likuran ko habang marahan siyang nakayakap sa akin at hinayaan akong uminom sa kanya, si Harper ay nakasandal sa aking braso upang ipadama ang kanyang presensiya.

Ngunit ang higit kong ikinagulat ay ang pagharap nina Caleb, Zen, Finn, Evan at Casper sa harap ni Alanis.

"Even if it cost our lives, we will protect you and the child for helping our future King and Queen..." pormal na sabi ni Zen bago sila sabay-sabay na yumuko sa harap ni Alanis. Isang paraan upang bigyan ng diin ang kanilang pangako.

"L-Lily..." ramdam ko ang higpit ng yakap niya sa akin.

Ngunit ang higit na nakapagpanindig ng aking balahibo'y ang mga salitang binitawan ko sa kanya nang siya'y inilaban ko sa digmaan noon.

"Hinding-hindi kita isusuko, Kuya..."

Isinandal ko ang sarili ko sa kanya at marahan kong hinaplos ang buhok ni Harper na nasa tabi ko.

"What will happen to me without you, Lily?" humalik ako sa ibabaw ng ulo ni Harper. "And you..."

"Without me? Magpapakamatay kayong lahat kapag nawala ako."

Tipid akong ngumiti. "Yes..."

Kusa nang nagsara ang talukap ng mga mata ko.

***

Muli kong pinunasan ang ilong ko. Nagdurugo na naman. Naghilom man ang mga sugat ko dahil sa mga halamang gamot na gawa ni Claret, sa patuloy na sapilitang pagpapainom sa akin ni Lily ng dugo, nakakaramdam pa rin ako ng panghihina.

Iba pa rin ang presensiya at dugo ni Leticia.

Hinintay ko munang matapos ang pagdurugo ng aking ilong bago ko ipatawag si Alanis.

I need her tonight. Isasama ko siya sa pagpupulong. Kailangan ko siyang lubos na ipakilala sa bawat emperyong nais pakinggan ang panig namin. It will lead them away from my true queen.

Nang dumating siya'y nirespeto niya ang aking katahimikan at katulad ko'y pinili na lamang niyang pagmasdan ang mapang nasa lamesa ko.

Napamasahe na ako sa aking noo dahil sa tindi ng pagsakit nito.

"Dastan... mas mabuting ika'y magpahinga na. Maiwan na muna kita..." ani ni Alanis na parang hindi na nais malaman ang dahilan ng pagtawag ko sa kanya.

Aalis na sana si Alanis nang mag-angat ako ng tingin sa kanya. Hindi ko na sana siya nais abalahin ngayong gabi at bigyan siya ng oras upang magpahinga, ngunit kailangan ko ang presensiya niya sa susunod kong pagpupulong.

"A-Alanis... I need you tonight, again..."

Sasagot na sana si Alanis nang marahas nabuksan ang pintuan. Iniluwa niyon si Kalla na sa halip na sa akin humarap ay sa bintana lumipad ang mga mata.

Binitawan ko ang kamay ni Alanis. Alam kong hanggang ngayon ay hindi sang-ayon si Kalla sa paraan ko.

"K-Kamahalan, paumanhin ngunit nais kong makausap si Alanis."

Agad humarap si Alanis sa akin at pormal na yumuko. "Magpahinga ka na, Kamahalan..."

Muling sumulyap si Kalla sa may bintana bago niya hinintay unang makalabas si Alanis at sumunod sa kanya. Namayani ang katahimikan sa loob ng aking silid. Isasandal ko na sana ang aking sarili sa upuan nang naagaw ang atensyon ko sa ibong dumaan sa bintana.

Nagliwanag ang katawan ng ibon at sa isang iglap ay humantad ang kahubaran ng babaeng pinakamamahal ko. Kusa akong napatayo sa aking upuan kasabay nang unti-unting pagbabalik ng natural niyang puting kasuotan, saglit niyang hinawi ang kanyang mahabang buhok na tila hinipan ng hangin.

Matatalim ang mga mata niya sa akin. Mga matang akala ko'y hindi ko na muling makikita.

"L-Leticia... mahal ko..."

"Ayoko na, Dastan."

Para akong binuhusan ng tubig sa ilang salitang iyon. Nagmadali akong lumapit sa kanya at nang sandaling abot kamay ko, sunud-sunod na malalakas at mararahas na sampal ang isinalubong niya sa akin.

I deserved those slaps.

Nagtuluan ang mga luha niya sa harapan ko. I want to kiss her tears, I want to remove the pain, and I want her in my arms. Gusto ko nang matigil ang sakit na kapwa namin nararamdaman, ngunit hindi ganoon kadali.

Ang mga kagustuhan ko'y pinipigilan ng mga limitasyon... limitasyon na magiging sanhi ng mas paglalayo namin. Paglalayong hindi ko na siya muling makikita...mararamdaman o kaya'y makakapiling.

"Pagod na pagod na ako sa 'yo, Dastan! At sa lahat ng mga babaeng nauugnay sa 'yo!"

Hindi, mahal ko. It's not about those girls... matagal na akong tapos sa mga babaeng naugnay sa akin nang sandaling masilayan kita.

Everything I do is all about you... this empire...

"I-I can explain..." usal ko kahit hindi ko alam kung paano ko siya pipilitin na ako ang piliin niya.

Suminghap siya. "Katulad ng iyong ama?! Dahil may maganda kayong dahilan ay panatag kayong matatanggap namin kayo dahil alam n'yong mga alipin kaming mga diyosa sa pagmamahal namin sa inyo?"

Sinubukan ko siyang hawakan ngunit marahas siyang umatras.

"Huwag na huwag mo akong hahawakan ng kamay na iyan!"

"Buong akala ko'y maiintindihan mo, Leticia... this is all for you—" hindi ko natapos ang sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung bakit ko iyon nasabi.

How will she understand? I've been keeping it from her. Hindi ko gustong malaman niya dahil natatakot ako sa desisyon niya. I let her believed the wrong idea.

Tama lang ito sa akin... tama lang ang sampal... higit pa.

"Para sa akin?! Sa magiging anak natin?! Ganoon ba?! Ginawa mo dahil alam mong mapapatawad kita? Dahil mahal na mahal na mahal kita..." halos manlamig ako sa sinabi niyang anak.

Alam kong sinabi niya lang iyon dahil sa kinatatakutan niyang sitwasyong matutulad kina ama, ina at Danna.

Hindi niya pa rin alam na may anak kami. And she's... I'm sorry...

Sa huli'y lumapit din siya sa akin, ngunit sa halip na sampal ay hampas sa dibdib ang sunud-sunod kong natanggap.

"Saan ako nagkulang?! Saan nagkulang kaming mga diyosa? Bakit patuloy n'yo kaming sinasaktan?!"

"Leticia... ikaw lang ang mahal ko at kung anuman ang nangyari sa amin, para iyon sa 'yo..." tinakpan na niya ang kanyang tenga. 

"Kasinungalingan! Ayoko na, Dastan! Ayoko na!"

Marahas niyang ibinuka ang kanyang mga kamay at sabay-sabay nagbuksan ang lahat ng bintana sa silid, pumasok ang hangin na may dalang piraso ng maliliit na dahon.

"W-What are you doing?" naalarmang tanong ko.

Alam kong darating ang araw na ito at wala akong ginawa upang pigilan ito, dahil sa sandaling gawin ko iyon, alam ko ang magiging desisyon niya.

Masakit. Masakit na ang kinatatakutan ko'y harapan nang nagpaparamdam sa akin.

"Tapos na tayo, Dastan. Ayoko na." Sabi niya kasabay nang pagliliwanag ng kanyang mga mata.

Ang mga salitang iyon ay higit pa sa punyal na isinaksak niya sa aking dibdib.

I used Alanis to save you... to push you away from your choice. Sa pagpili sa bata higit sa akin. I want you to live... susuyuin ulit kita, magmamakaawa... huhulihin ang loob kahit alam kong imposible. Ngunit alam kong sa paraang ito'y buhay ka, lumayo ka man sa akin, alam kong tumitibok ang puso mo...

"Sa ngalan ng kapangyarihan ng buwan at sa nakikinig na asul na apoy... tinatawag ko ang sabay n'yong presensiya at bigyang diin ang aking kahilingan."

Mas naalarma ako habang binibigkas niya ang mga salitang iyon. Mabilis akong nakalapit sa kanya at pilit ko siyang niyakap. 

Hanggang sa tuluyan na akong lumuhod habang hawak ang mga kamay niyang nagmamakaawa.

Sabi ko sa sarili ko'y magagawa kong magtiis, tanggap ko nang mangyayari ito... ngunit ang harap-harapan akong ipagtulakan ni Leticia... gusto ko na lang mamatay.

"Makinig ka muna sa akin, Leticia... unawain mo muna ako, mahal ko... simula nang umalis ka halos mabaliw na ako, hindi ko na alam ang gagawin ko at si Alanis--"

"Itinatanggi na kita, Dastan... nais ko nang putulin ang ating koneksyon..."

Nang sandaling sambitin niya iyon, may enerhiyang naglayo sa aming mga katawan. Natulala ako ng ilang segundo ngunit pinilit ko pa rin lumapit sa kanya.

Ngunit huli na iyon. Nagbago na ang kanyang anyo at bumalik sa isang magandang ibon. At tuluyan na nga akong nilisang ng babaeng pinakamamahal ko.

"Malaya ka nang pumili ng bago mong reyna."

***

Malakas na ingay ng cadena ang siyang umalingawngaw sa ilalim ng palasyo. Pilit kong gustong kumawala.

"Kapag ako nabaliw. Kahit sa kama n'yo na lang ako i-cadena. This place is not comfortable." Ani ni Caleb.

"Shut up, Caleb!" sigaw sa akin ni Lily.

"Akala ko ay ako lamang ang ikukulong dito. Very nostalgic." Nakapamaywang na sabi ni Zen habang palingon-lingon sa paligid.

"Kamahalan..." hindi ko na sinasalubong ang mga mata ni Lily.

"Ikaw ang siyang may plano nito. You will wreck everything if you follow Leticia..."

"Wala na siyang naririnig, Lily. Trust me. Nakakabingi kapag naka-cadena na." Kumento ni Zen.

"We can't just let Finn pretend as him! We're in the middle of the war! Ano ba kayo?! Please be serious!" napahilamos na sa kanyang sarili si Lily.

"What's the plan, then? Sa sandaling nagkulang tayo rito sa palasyo, siguradong makakatakas si Dastan. Walang maaaring lumayo sa atin." Sabi ni Evan.

"Agree..." tumango si Casper.

"Convince the king, then. Nakailang usap na tayo sa kanya. He's not even talking! Dastan, nabingi lang ako rito pero hindi ako napipi."

"Shut up, Zen!" sigaw muli ni Lily.

"Kamahalan..." si Harper naman ang tumawag sa akin.

"Claret has a plan. Halos hindi na siya magpahinga upang gawin ang gamot na iyon. It might save Leticia and your baby, Dastan. Please trust Claret. Tatanggalin namin ang cadena mo, ipangako mo lang sa amin na mananatili ka rito sa palasyo. The girls will help you to explain everything... kung hindi nais makinig sa 'yo ni Leticia. Just not this... hindi nakakatulong ito."

"Pffrrt..."

"Fucking Caleb!" sigaw muli ni Lily.

"I am sorry. It's just too ironic. Galing sa 'yo, Zen? Nagwala ka rin diyan sa pwesto ni kamahalan. Hindi ka rin naman nakikinig."

"I learned my lesson."

"Of course. Dalawang beses na ikinadena. Kapag hindi kapa natuto..."

Marahas itinuro ni Lily si Caleb. "PLEASE! Someone! Drag this idiot away from me!"

"We can always trust Claret's ability..." ani ni Evan.

"Please... trust us this time, Dastan. Gumagalaw na kami... kasi may ideya na kami sa nangyayari. Let us help you..."

I planned to betray them. Sa sandaling tanggalan nila ako ng cadena, maghihintay lang ako ng tamang oras upang tumakas mula sa kanila. I acted the way they wanted.

But it was me who they betrayed.

Ang hindi inaasahang pagbabalik ni Leticia sa palasyo dala ang matindi niyang galit sa akin ang tuluyang nagsiwalat sa lahat.

I told her my real reason due to desperation. "But I will always choose you... choose me... run. We don't need a baby... you will survive, you'll be my Queen in this war." 

Alam kong hindi niya ako mapapatawad ng mga simpleng salitang iyon, ngunit wala na akong maisip na paraan.

Hindi ko alam kung kaya pa ng sarili kong tanggapin ang paulit-ulit na pagtulak at pagtanggi niya sa akin. She's rejecting me again and again and again...

It's killing me...

Nang malaman niya ang dahilan, nakita ko sa mga mata niya ang kanyang desisyon na lubos kong ikinatakot. Nangako ako kay Lily na hindi na muling pagtatangkaan ang sarili kong buhay, ngunit hindi ko kakayaning pagmasdan ang sarili kong puno na inaagaw ang buhay ng babaeng mahal ko.

Buo na ang desisyon ko. Handa na akong tapusin ang lahat. Handa na akong ialay ang buhay sa kanya, ngunit hindi roon nais matapos ng mga kapatid ko ang aking buhay.

Sa pangalawang pagkakataon, pinagtulungan nila akong lahat. Ngunit nakapagtataka na sa halip na sakit at kamatayan ang nararamdaman ko, nag-uumapaw iyon sa pagmamahal.

They are fighting for me... they are saving me.

Tuluyan ko nang naintindihan ang planong matagal na nilang pinag-iisipan. Para mapanatag ang puso ko... gumawa sila ng dalawang grupo... dalawang grupo na handang gawin ang lahat hindi lang para sa akin kundi kay Leticia.

My siblings ran away from our castle, with my goddess vowed to come back to fight with me in the war. 

"Choose a different path..." usal ko sa aking sarili habang nakatanaw sa estatwa ni amang hari.

"Why did you choose your path, then? Bakit sa bagay na lubos kang masasaktan?" tanong ko sa kanya.

Mas lumapit ako sa estatwa ni ama at wala sa sarili kong hinawakan ang espadang nakasabit sa may bewang niya.

Ngunit nang sandaling hawakan ko iyon, biglang nag-init ang buong katawan ko, tila hinila ako sa ibang dimensyon hanggang sa matagpuan ko ang sarili ko sa isang pamilyar na palasyo.

I've seen this in our old books.

Tila may buhay ang sarili kong mga paa at tinahak ang mahabang pasilyo ng kastilyo. Hindi ko alam kung saan ako patungo, ngunit nasisiguro ko na may nais iparating ang gunitang ito.

Hanggang sa makarating ako sa isang itim na pintuan. Mas dumiin ang hawak ko sa espada ni ama habang dahan-dahan kong binubuksan ang pintuan.

Akala ko'y pangkaraniwang silid lamang ang aking masasaksihan, ngunit isa iyong kahindik-hindik na lugar na siyang nakita ko sa buong buhay ko.

Silid na napupuno ng sariling dugo ng iba't ibang klase ng hayop o maging nilalang, at sa gitna ng walang buhay na mga katawan ay pamilyar na anino ng isang lalaki.

Noong una'y akala ko'y kinakagat niya'y braso ng panibagong biktima niya, ngunit nang mas mapagmasdan ko'y sarili niya ang kanyang kinakagat.

Iniharap ko na ang dala kong espada at itinutok ko iyon sa kanya habang hawak ng dalawa kong kamay, maingat ang aking mga hakbang patungo sa kanya.

"L-Let me kill myself... stop... nagmamakaawa ako. I killed my own mate... I ruined the goddess... nasa inyo na ang buong Deeseyadah... palayain n'yo na ako. Kitilin n'yo na ako..."

Nabitawan ko ang espadang hawak ko at tuluyan nang naglinaw ang kaanyuan ng inakala kong halimaw sa dilim. Ang liwanag ng buwan na sumilip sa bintana'y itinambad ang imahe ng nilalang na kailanman ay hindi ko makikita sa ganitong sitwasyon.

King Andronicus Clamberge III.

Nemetio's Spiran greatest villain is the real victim.

Continue Reading

You'll Also Like

9.2M 452K 63
In fairy tale, the spinning wheel made the princess fall into her deep sleep, a sleep like death from which she will never awaken. But mine was a dif...
88K 2.8K 67
TRAVIS ZADEN CORDOVA ( VCS#1 ) Don't fall in love with the Superior. That's the only one forbidden Rule! If you don't want the contract to be void; ...
1.9M 87.3K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...
123K 1.9K 29
𝑫𝒆𝒍 π‘­π’–π’†π’ˆπ’ 𝑩𝒓𝒐𝒕𝒉𝒆𝒓𝒔 π‘Ίπ’†π’“π’Šπ’†π’” #02[LΙͺΙ΄α΄„α΄ΚŸΙ΄ Dα΄‡ΚŸ Fα΄œα΄‡Ι’α΄] Maaari nga bang matutunan ang pagmamahal? Maturuan ang puso na magmahal ng iba...