ASSASSINATION SCHOOL: School...

By lythe_btst

599K 19.1K 1.8K

Everything was fine...Not until this woman came to their life. She's known as an arrogant, doesn't respect he... More

SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
EPILOGUE
💌
💌

24

9.7K 343 39
By lythe_btst

Pumasok ako sa kwarto ko ngayon at naupo. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa inis.

Hays! nahihirapan na'ko. Ano bang nangyari sa plano ko? Bakit umabot sa gan'to? Napaka bagal ko kumilos.

Ang gagawin kolang naman ay aalamin kung sino ang ex-boyfriend ng kapatid ko tapos ayon gagantihan kolang s'ya at papahirapan tsaka papatayin. Pero 'yung mga plano ko umabot na sa kung saan. Ang dami ng nangyayari.

Umamin na sa'kin si Lexus at Aisler. Tapos parang naguguluhan ako sa nararamdaman ko kay Lexus. I don't even know what's his plan. Hindi ko alam kung anong balak n'ya.

Biglang nabaling ang tingin ko sa letrato ni Luna na nasa tapat ko. Miss na miss na miss kona si Luna.

Sobrang saya namin dati, lalo na't isip bata pa ang kapatid kong 'yan. Mas matanda ako sa kanya ng dalawang taon kaya bunso s'ya at responsibilidad kong protektahan s'ya pero hindi ko nagawa.

Sobra ang iyak at pighati ko noong namatay s'ya. Hindi ko makakalimutan lahat ng nangyari noong araw na'yon.

|FRASHBACK|

Nandito ako sa palasyo at kausap ang parents ko. Nasa iisang lamesa lang kami at tahimik na kumakain.

"Lucy? Nakamusta mo ba ang kapatid mo? Sabi ko naman sa'yo lumipat kana ng Maximus para mabantayan ang kapatid mo." saad ni Dad habang kumakain kami.

Naibaba ko naman ang basong hawak ko at lumunok bago s'ya sagutin.

"Ayoko sa Maximus." maikli kong sambit.

"And why? Maganda naman sa school na'yon at tahimik." saad ulit nito.

"You're not sure, Dad. The three kings are there and I don't want to meet them tho."

Ngumuya ako nang nag salita naman si Mom, "Hayaan mo na si Lucy, malaki na s'ya at sigurado naman ako na maayos ang kalagayan ni Luna sa school n'ya." sabi n'ya kay Dad at wala naman na itong nasabi.

"Our Majesty? Kamahalan?!" nag mamadaling lumapit dito ang taga hayag namin. Kinabahan naman kami dahil sa ikinikilos n'ya.

"Anong nangyari?!" nag aalala kong tanong at napapunas pa ito ng luha. Ilang segundo na ang nakakalipas pero hindi pa din s'ya nag salita kaya tumayo na ako.

"Ano? anong nangyari?!" pag uulit ko sa tanong ko at napaluhod naman ito sa harap namin.

Kinakabahan ako, pakiramdam ko ay may nakakagulat s'yang balita kaya naman ganito na lamang kalakas ang tibok ng puso ko.

"Kamahalan? S-si Q-Queen Luna po," umiiyak n'yang sambit at tila hindi maituloy ang sasabihin n'ya. Nag pipiit ang mga kamay ko habang hinihintay pa ang sasabihin n'ya,

"P-pinatay po si Q-Queen Luna!" nanlaki ang mata namin pare-parehas dahil sa gulat. Mabilis na tumulo ang luha ko.

Kumuha naman ako ng espada sa isang alipin dito at itinutok ito sa leeg ng taga hayag.

"Gusto mobang mamatay? Tama bang mag hayag ka ng ganiyang balita sa tapat namin mismo?" inis kong tanong. Hindi ko alam kung maniniwala ako o ano pero durog na durog na ang puso ko.

Kitang-kita ko ang katotohanan sa mga mata n'ya, na totoo ang sinasabi n'ya. Pero hindi ko alam kung anong mararamdaman, hindi ko alam kung paano kukumbinsihin ang sarili ko na hindi totoo ang sinasabi n'ya.

"K-kamahalan, patayin n'yo ko kung gusto n'yo pero totoo po ang sinasabi ko!" nabitawan ko ang espadang hawak ko at napaupo habang umiiyak.

"NASAAN SI LUNA?!" pasigaw konang tanong dahil sa galit. Si Mom and Dad naman hindi makapaniwala sa mga naririnig at natutulala. Napaupo rin ang mga ito at tila hindi alam kung ano ang gagawin.

"N-nasa h-hospital po!" sagot nito at nag madali naman akong tumakbo at hindi na napansin pa si Mom and Dad.

Sumunod naman sila sa'kin papunta sa hospital. Mas nauna akong mapunta sa hospital dahil ginamit ko ang kotse ko.

"Nasaan si Luna? Ipakita n'yo sa'kin si Luna!" halos natataranta na'ko dito.

Itinuro nila ang kwartong kinalalagyan ni Luna. Dahan dahan akong nag lakad papunta doon kasabay ng sunod-sunod na pag tulo ng luha ko.

Para akong babagsak habang papalapit nang papalapit sa pintuan na kinalalagyan n'ya. Hindi kopa nga s'ya nakikita pero nanghihina at nanlalambot na ako.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at napatakip naman ako ng bibig dahil sa sobrang sakit.

Kita ko ang naninilaw na itsura ng kapatid ko. Nakapikit, nakahiga, at wala ng buhay.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga oras na ito, para akong mawawalan ng malay.

Hindi kona napigilan ang sarili ko na mapasigaw dahil sa sakit. Durog na durog ang puso ko.

"LUNA!" napahagulgol ako ng iyak at napaupo dahil sa nakita ko.

"S-SINONG GUMAWA SA'YO NITO?!" sigaw ko mula dito. Punong-puno ng galit, lungkot at sakit Ang nararamdaman ko.

Napaka sakit, sobrang sakit. Hindi ko maipinta ang sakit na nararamdaman ko. Para akong aatakihin sa puso.

Dumating si Mom and Dad at napatakip din ng bibig dahil sa nakita at napaupo.

"LUNA!" sigaw ni Mom at agad nilapitan si Luna at niyakap at ganoon din si Dad.

"SINONG GUMAWA SA'YO NITO?!" umiiyak, humahagulgol at pasigaw kong tanong.

"HINDI! LUNAAA GUMISING KA D'YAN PAKIUSAP!" humahagulgol kong iyak at nilapitan s'ya. Agad ko s'yang niyakap habang umiiyak.

Kita ko naman ang saksak sa bandang dibdib n'ya kaya mas namuo ang galit sa dibdib ko.

Hindi ko alam ang gagawin, parang gusto kong patayin nalang din ang sarili ko dahil sa nararamdaman ko. Hindi ko alam, hindi kona alam.

"Luna! please! don't do this to me!" umiiyak na banggit ni Dad sa pangalan n'ya. Halos ayaw kona ding bumitaw sa pagkakayakap sa kan'ya.

"Luna! Sabihin mo kung sinong gumawa nito!" pilit kong pinapakalma ang boses ko.

Nahimatay naman si Mommy dahil hindi n'ya kinaya ang lagay ni Luna,

"Luciana!"

Agad siyang binuhat ni Dad at mabilis na inilabas.

"Luna? gumising ka d'yan pakiusap!" napaupo ako sa sahig at halos maubusan na ng hininga dahil sa iyak at galit.

May lalaki namang pumasok dito at si Xynon iyon. Agad akong tumayo at inilapit ang mukha n'ya sa'kin,

"SINONG PUMATAY SA KAPATID KO?!" galit na galit kong tanong habang nakahawak sa neck tie niya.

"H-hindi ko alam." maikli n'yang sagot at binitawan ko naman s'ya.

"Anong nangyari? bakit hinayaan mong mangyari sa kapatid ko'to?
Napaupo nanaman ako dahil sa galit, at sakit.

"Pinatay s'ya, someone killed her."

"Alam kong pinatay s'ya, Xynon! at hindi ako titigil hanggat hindi ko nakikita ang pumatay sa kapatid ko."

iyak at pighati ko. Napapahawak ako sa bandang puso ko dahil sa sakit ng nararamdaman nito.

"MAG BABAYAD SA'KIN ANG GUMAWA SA'YO NITO!" pagsigaw ko at napapikit ng madiin dahil sa galit at sakit.

Tuloy-tuloy ang pag tulo ng luha ko at niyayakap naman ako ni Xynon dahil sa sitwasyon ko.

|END OF FLASHBACK|

Hindi ko namalayang tumutulo na ang luha ko habang inaalala ang mga nangyari noon. Napahawak ako sa bandang dibdib ko dahil sa sakit.

"Miss na miss na kita, Luna." napayuko ako at naiyak nang sabihin ko 'yan.

Simula nang mawala si Luna, napaka daming nag bago sa buhay ko, sa personality ko, sa araw ko.

Palagi n'ya akong ginugulo sa kama dati tuwing umaga, palagi n'ya din akong niyayakap at hinahalikan sa pisnge tuwing nag lalambing s'ya.

"Ang sungit sungit mo, but that's make you look pretty, Ate. Love you!" mga salitang lagi n'yang sinasabi sa'kin at hanggang ngayon naririnig ko pa din ang boses n'ya.

Tapos minsan palihim s'yang pumapasok sa kwarto ko para lang makatabi at mayakap ako dahil natatakot daw s'ya mag isa sa kwarto n'ya. 17 years old s'ya that time, pero isip bata padin s'ya dahil masyadong in-spoiled ni Mom and Dad.

S'ya din ang namimili ng isusuot ko tuwing may okasyon. Minsan nga gusto n'ya parehas kami, sabi ko naman ayaw ko dahil baka mapagkamalan kaming kambal.

Lagi ko din s'yang pinapagalitan dati dahil sa ugali n'yang masyadong mabait. Hindi ako natutuwa tuwing inaabuso s'ya ng mga tao dahil sa kabaitan n'ya.

Tapos minsan, binibisita n'ya ako dito sa G.U para lang yakapin. Hindi ko alam pero sobra n'ya akong mahal na mahal pero syempre mas lalo ako kahit hindi ko masyado naipapakita iyon sa kan'ya. At isa iyan sa lahat ng pinag sisisihan ko, hindi ko naipakita sa kan'ya kung gaano ko s'ya kamahal o kung gaano namin s'ya kamahal.

Hindi ko alam kung bakit ba sinasabi ko'to. Pero miss na miss kona talaga si Luna. Kung pwede kong ibalik 'yung dati, gagawin ko talaga.

Malaman kolang kung sinong pumatay sa kapatid ko, hindi ko s'ya palalagpasin kahit sino pa s'ya.

Papatayin ko ang mahal na mahal sa buhay ng haring pumatay kay Luna. Mamimitas din ako sa pamilya n'ya, babayaran n'ya ang buhay na kinuha n'ya.

Nag punas ako ng luha at nag lakad palabas ng kwarto.

"Oh! Bakit namumula ang mata mo? Umiyak kaba?" bungad na tanong ni Eurich. In-snob kolang s'ya at hindi pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pag lakad pero naka sunod padin s'ya 'tulad ng palagi n'yang ginagawa.

Napatigil naman ako saglit nang dumaan si Lexus, Thaddeus at Aisler tsaka Venus.

Tinignan ko isa-isa ang hari at namilipit sa galit ang kamao ko.

"Are you still mad at her?" tanong ni Aisler habang nakapamulsa ito. Napansin yata n'ya na galit ako kaya napapikit ako nang madiin at umiwas ng tingin.

"Are you crying?" tanong n'ya at mukhang napansin ang pamumula ng pisnge at ilong ko.

"At bakit naman ako iiyak?"

"Sa bagay, mukhang hindi ka naman marunong umiyak." sabi n'ya at nginitian ako bago s'ya umalis.

Napatingin naman sa'kin si Lexus at ganoon din ako sa kan'ya pero umalis na din s'ya.

"Blythe? ayos kalang ba?" tanong na ni Eurich pero hindi ko s'ya pinansin at nag patuloy nalang ako sa pag lakad.

***

Pagdating namin sa barko, iniayos ko muna ulit ang mga gamit ko.

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa din ang nangyari sa G.U. Hindi namin alam na masusundan kami ng B.U doon at doon pa talaga sila nag kalat ng lagim.

Hays, kung bakit kasi may mga taong ayaw tumanggap ng pagkatalo.

Maya maya lamang, biglang pasok ni Eurich dito sa kwartong kinalalagyan ko kaya nainis nanaman ako. Hindi manlang s'ya kumatok.

"Blythe? Ayos kalang? Tara kain na tayo!" usap n'ya habang inaayos ko ang gamit ko.

"Busog pa'ko." maikli ko namang sagot at hinigit naman n'ya ang kamay ko palabas kaya wala akong napag pilian kung hindi ang sumama.

"Samahan mo na kasi ako, ang arte-arte mo naman, eh!"

Pinaupo n'ya ako sa lamesa at kinuha ng pagkain tsaka ito inilapag sa harap ko.

"I think you're not okay. Hindi kona naman lalapitan si Venus dahil mukhang nag seselos ka. Sorry ah." saad n'ya na siyang ikinairap ko ng mata.

Hindi naman ako nag seselos sa kanilang dalawa. Mainit lang talaga ang dugo ko kay Venus dahil sa hindi malamang dahilan.

Nakita ko nanaman s'ya ngayon kasama si Lexus.

"Huy! Blythe! iwas-iwasan mo nanga ang pag tingin ng masama kay Venus, wala naman s'yang ginagawa sa'yo." usap ni Eurich.

"Hindi ka sigurado. Malakas ang kutob ko sa babaeng 'yan, alam kong may kinalaman s'ya sa laban na nangyari sa G.U."

Uminom naman si Eurich at muli akong tinignan, "Wala naman siguro, mukha naman kasi s'yang mabait."

Seryosong magkausap si Venus at Lexus dahil pinapanood ko sila. Tumatawa si Venus na tila may ikunekwento kay Lexus pero 'tong si Lexus seryoso lang ang mukha at tila nakikinig lang.

Hindi ko naman inasahan na close pala silang dalawa dahil sabay silang kumakain. Hindi kasi nila kasama si Aisler at Thaddeus ngayon.

Parang kahapon lang ay ipinag tatanggol ako ni Lexus sa kan'ya, pero ngayon magkasama na sila.

Kaya hindi talaga ako puwedeng magpa linlang d'yan kay Lexus dahil baka mamaya ay mag pinaplano s'yang hindi maganda sa'kin.

"Eurich? May gusto ba si Venus kay Lexus?" tanong kona at napatingin naman ito doon sa dalawa bago sumagot,

"Hindi ko alam pero sabi n'ya sa'kin isa daw sa mga hari ang ipinunta n'ya dito." sagot n'ya na ikinakunot ng noo ko.

"Ganoon naba kayo ka close para malaman mo 'yan?" takang tanong ko at uminom ng tubig.

"Ang daldal kaya ni Venus. Ang dami n'yang kuwento na hindi ko masyado maintindihan dahil ang likot n'ya mag salita. Kung baga pinapaikot-ikot n'ya 'yung kuwento kaya malilito ka." sagot n'ya.

Hindi na ako nag usap at napaisip nalang sa sinabi ni Eurich.

Sino naman kaya sa mga hari ang gusto n'ya at mukhang ang haring 'yon ang ipinunta n'ya dito.

***

Maya maya lamang, nang wala akong magawa ay naisipan kong lumabas upang mag pahangin.

Masarap naman ang hangin dito at malakas din. Habang naka tingin sa dagat ay napangiti naman ako nang makakita ako ng mga dolphin.

Ang ganda nila, ang sarap panoorin nakakaganda ng mood.

"Why are you here?"

Napalingon naman ako sa pating na nag salita, si Venus. Ano namang ginagawa n'ya dito?

Sinisira n'ya ang mood ko. Minsan nanga lang ngumiti nawala pa. Hindi ko nalang s'ya sinagot at tinignan ko nalang ulit ang mga dolphin kaso wala na sila pag lingon ko.

Hays, ang ganda pa naman nila. Saan kaya mga nag punta 'yon?

"Deaf?" inis na tanong ni Venus kaya naman nilingon ko ulit s'ya.

Napaka papansin naman n'ya kung pumunta s'ya dito para inisin lang ako.

"Ano bang iniiyak mo?" seryoso kong tanong.

Inis naman s'yang tumingin sa'kin, "Why are you so rude?".

Kung kailan gusto ko mag relax tsaka naman susulpot 'tong Venus na'to.

"Ano bang gusto mo't lumalapit kapa sa'kin?" inis kong sambit.

"I just wanna ask kung bakit hindi ko mapangiti si Lexus."

"Ha? ano namang pakaelam ko sa inyong dalawa." sabi ko at mag lalakad na sana nang mag salita pa s'ya,

"He smiled at you yesterday. Sabi ni Thaddeus at Aisler, that was the first time they saw him smile in their entire life."

Tumigil ako at tinignan s'ya bago mag salita, "He smiled at me because he likes me, Venus."

Ngumiti s'ya at medyo natawa dahil sa sinabi ko, "Ang corny naman ng joke mo, Blythe. But atleast natawa ako."

Napangisi ako sa sinabi n'ya at ngumiti bago mag salita, "Anong tinatawa mo d'yan hindi naman ako nag bibiro. Remember? kahapon, iginanti n'ya ako sa'yo, and he even told you to say sorry to me dahil ayaw n'ya nang ginaganon ako."

Nawala ang ngiti sa mga labi n'ya at napalitan ito ng inis.

"No! he did that on purpose. I swear! hindi ka n'ya magugustuhan. Hindi ka naman reyna, and you're not even a princess. Hindi ganito kababa ang standard ni Lexus para magkagusto sa'yo kaya 'wag kang assumera." asar n'ya na ikinangiti ko.

Na sa-satisfy talaga ako kapag nakikita kong naiinis s'ya. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ako sigurado kung gusto nga ako ni Lexus pero gagamitin kona 'yon para mas inisin pa s'ya.

"He asked me if he can court me." mapang asar kong usap.

"Sinungaling! hindi magagawa ni Lexus 'yon!" asar n'ya habang ako ay pangiti-ngiti lamang at inaasar s'ya.

"He already did." sabi ko at medyo nagulat naman ako nang nag madali s'yang lumapit sa'kin,

"F*cking b*tch!" inis n'ya at mabilis na hinigit ang buhok ko.

Hindi ko inexpect to. Hindi ko naman alam na ganoon n'ya kagusto si Lexus.

"Bitawan mo'ko!" utos ko at hinigit kodin ang buhok n'ya. Nag sabunutan kaming dalawa dito at naisip ko namang sipain s'ya palayo sa'kin na siyang ginawa ko.

Inayos ko ang buhok ko habang s'ya nakaupo sa sahig dahil sa pagkakasipa ko.

Mahilig pa naman ako manipa kaya mukhang napalakas ang puwersa ko dahil masyadong malayo ang agwat namin sa isa't-isa ngayon.

"Ano bang problema mo? gusto mo bang mamatay?" inis kong sabi at agad naman siyang napatayo.

Mabilis n'ya akong nilapitan kaya naman bago pa n'ya ako masaktan ay inunahan kona s'ya at agad inambahan ng suntok.

"Gusto mobang ihulog kita dito para naman mahimasmasan 'yang utak mo?" pang aasar kong tanong.

Nilapitan nanaman n'ya ako at sinipa kaya napasandal ako sa railings at muntik pang malaglag sa dagat.

Sinakal n'ya ang leeg ko habang nakasandal ako sa railings ng barko. Hinawakan ko naman ang buhok n'ya para mailayo s'ya sa'kin pero ang tatag ng gagang 'to.

Ipinalit ko nalang s'ya sa pwesto ko gamit ang malakas kong puwersa kaya s'ya naman ang naka sandal sa railings at ako naman ang nasa unahan n'ya habang sakal-sakal ko ang leeg n'ya.

"Hindi kaba marunong lumugar?" saad n'ya at nginisian ako. Nilakasan n'ya ang pwersa n'ya at itinulak ako sa barko.

Nang maramdaman kong malalaglag na ako ay idinamay ko din s'ya para parehas kaming malaglag.

Parehas kaming nalaglag sa tubig ngayon at ramdam na ramdam ko ang lamig ng tubig.

Sobrang lamig at sa sobrang lamig ay medyo nakakalimutan kona kung nasaan si Venus.

Umahon s'ya at agad ko naman s'yang nilapitan upang hawakan ang mga balikat n'ya at maiangat ang sarili ko mula sa tubig.

Pasensya s'ya dahil hindi ako marunong lumangoy.

Huminga ako nang malalim pagka angat ko habang si Venus nasa ilalim pa at hindi makaangat dahil sa'kin.

Gusto kona sana s'yang lunurin kaso may tumalon dito na dalawang lalaki. Si Lexus at Aisler.

May mga estudyante nadin sa taas ng barko habang pinapanood kami dito sa tubig.

Nilapitan ako ni Lexus at agad hinigit ang kamay ko papunta sa kanya. Si Aisler naman ay inangat si Venus kaya napayakap kaagad ito sa kanya tsaka huminga ng malalim.

"Teka lang, lulunudin kolang ang babaeng 'yan." sambit ko at hihigitin kopa sana ang buhok ni Venus nang iharang ni Aisler ang sarili n'ya dito.

"That's enough! para kayong mga bata!" suway n'ya na may halong inis.

Nainis din ako at napatingin pa kay Lexus.

"Are you okay?" tanong nito sa'kin pero hindi ko s'ya sinagot. Nakahawak s'ya sa bewang ko at nakayakap naman ako sa leeg niya.

Ang taas pala ng binagsakan namin ni Venus dahil lulang-lula ako sa barko dahil sa laki nito.

Mabuti at hindi ako namatay dahil medyo nakakaramdam ako ng pag sakit ng likod ko.

"Papatayin n'ya ako! she tried to kill me. Kung hindi pa kayo dumating baka patay na'ko because of that woman!" inis ni Venus pero mapang asar kolang s'yang nginingitian.

"Stop it, Venus!" suway sa kan'ya ni Aisler na s'yang ikinatahimik n'ya.

***

Nang makabalik kami ay agad kaming binigyan ng tuwalya. Hindi na ako nag paligoy-ligoy pa at nag lakad na'ko para sana bumalik sa kuwarto ko.

Habang nag lalakad naman ay may humawak sa braso ko at iniharap ako sa kan'ya.

"Ano nanaman ba 'yon, Lexus?" inis ko at tinignan naman n'ya ang kabuoan ng katawan ko na tila tinitignan kung okay lang ba ako.

"Are you okay? I mean, may masakit ba? or what? do you need something?" nag aalala nitong asta.

Napabuntong hininga ako bago ko s'ya sagutin, "Puwede ba Lexus?! Itigil mo na 'to! tumigil kana sa pag acting mo. Itigil mo na 'yang pag papanggap mo na gusto mo'ko, na nag aalala ka, na may pake ka sa'kin, na mahal mo'ko, na gusto mo'ko! itigil mona 'to Lexus!" naiinis kong saad at tinalikuran s'ya pero muli n'ya akong hinigit at iniharap sa kan'ya,

"I'm not acting, Blythe. Totoo lahat ng ipinapakita ko sa'yo. I really cared about you, I'm worried about you, and I really like you."

Hindi ako nakapag salita dahil sa sinabi n'ya. Hindi ko alam kung bakit biglang tumulo ang luho ko, eh wala namang nakakaiyak.

"Tama na, Lexus! Huwag monang dagdagan ang iniisip ko. Ni hindi ko alam kung anong nasa isip mo, hindi ko alam kung nag sasabi ka ng totoo. At gusto kong malaman mo na hindi tayo puwede kung sakali man na totoong gusto mo'ko," naluluha ako habang sinasabi 'yan at hindi maintindihan ang nararamdaman ko.

"Why? why can't we? bakit hindi puwede?"

Nag punas ako ng luha bago sumagot, "Hindi...hindi mo naiintindihan. Hindi puwede, Lexus...hindi puwede."

Tinalikuran ko s'ya at nag punas ng luha. Naramdaman ko naman ang pag yakap n'ya mula sa likod ko.

"Blythe, I like you...I don't even understand myself. I don't know why I liked you, I don't know how it happened. I also don't recognize myself every time I'm in front of you. Just like now, I'm not like this, but because of you I'm doing this."

Humarap ako sa kanya at inilayo s'ya sa akin nang kaunti.

"Hindi kita gusto, Lexus. Wala akong interes sa'yo o kahit sino sa inyong mga hari." saad ko pero hindi ako makatingin sa mga mata niya.

Dahil hindi puwede, hindi ako puwedeng umibig sa kahit na sino sa kanila lalo na't hindi ko alam kung sino ang dapat kong kamuhian sa kanila.

"Blythe, don't do this to me...nasasaktan ako."

Napatingin ako sa mga mata n'ya. Kita ko ang sincerity sa mukha n'ya at basang-basa ko sa mata n'ya na totoo ang mga sinasabi n'ya.

Bumibilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam ang susunod kong sasabihin.

"T-tama na, ayaw na kitang makita." saad ko at tinalikuran s'yang muli.

"Blythe..."

Tawag pa nito pero hindi kona s'ya nilingon pa at nag deretso na lamang ako sa pag lakad kahit ang bigat-bigat sa dibdib.

Continue Reading

You'll Also Like

264K 1K 3
Book 1: The Bad Boys' Section - Complete Book 2: Let Go My Solace - Complete Book 3: Hold Me Tight - Complete Note! If you intend to copy this story...
12K 494 24
𝗠𝗢𝗡𝗢𝗠𝗔𝗡𝗜𝗔: Exaggerated or obsessive enthusiasm for or preoccupation with one thing. Moving back into the town you wanted to escape isn't eas...
526K 5.6K 21
Lost, Lose (Loose Trilogy #1) She's a girl of hope, Lisianthus Yvonne Vezina. A teen-year-old girl who focused on her goal... to strive. But everyth...
39.3K 2.8K 37
"You should meet this man, he's from a great family and you have met him",my grandfather said. "You say that about every other man",I said and he loo...