ASSASSINATION SCHOOL: School...

By lythe_btst

598K 19K 1.8K

Everything was fine...Not until this woman came to their life. She's known as an arrogant, doesn't respect he... More

SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
15
16
17
18
19
20
21
22
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
EPILOGUE
πŸ’Œ
πŸ’Œ

23

9.9K 351 14
By lythe_btst

Balak namin sugudin ang leader ng grupo nila. Masyadong madaming bala ang lumalabas mula sa mga armas nila kaya naman hindi kami nag madali. Nag tago kami sandali sa pader habang hinihintay ang pag ubos ng mga bala nila.

Itinutok ko ang baril ko sa leader nila ang kaso hindi ko maiputok dahil napaka gulo n'ya at galaw s'ya nang galaw. Pinutok kodin ang bala ko at tumama naman ito sa bandang dibdib n'ya.

"Nice." rinig ko mula kay Thaddeus pero hindi ko iyon pinansin.

"Hindi kana dapat sumugod," rinig ko naman kay Aisler habang bumabaril din ito.

"Responsibilidad ko'to." mahina kong sagot pero sapat lang para marinig nila.

Balak lang namin pauntiin ang estudyante tsaka kami susugod nang harapan sa kanila.

Maya-maya lamang, nang ma-ubos ang bala ng mga hawak namin ay kinuha ko naman ang dalawang baril na nasa hita ko at kinasa ito.
Nag takip ako ng face mask tsaka ako sumenyas kela Aisler na sumugod na kami.

"Game!" ani Thaddeus at nag madali kaming sumugod at hawak ko ang dalawang baril at pinaputok iyon sa mga dumadaan na siyang nag babalak sumugod sa'min.

Puro putok ng baril ang maririnig ninyo at mga pasabog. Iniiwasan na lamang namin ang mga bala.

Sinugod namin ang maraming estudyante at tinadtad ng bala. Kaunti nalang naman sila kaya mabilis silang naubos. Wala na kaming mapag pilian dahil kung hindi ang estudyante nila ang papatayin namin, estudyante naman namin ang papatayin nila.

Tumayo kaming apat nila Aisler, Thaddeus, at Lexus sa tapat ng mga Assassins ng B.U. at sinamaan namin sila ng tingin na siyang ikina-atras nila.

"Alam n'yo ba kung anong ginagawa n'yo?," inis kong tanong habang naka tutok ang baril namin sa mga mukha nila.

"Inubos n'yo lang ang estudyante n'yo." dugtong kopa.

"We don't care, tho. And who are you to act like that?!" pasigang tanong nito kaya nginisian ko s'ya at agad pinaputukan ng bala sa dibdib na siyang ikinagulat ng marami.

"Go away and never come back again!" utos ni Thaddeus.

Kung titignan, madami pa naman sila pero tumigil lamang sila sa pamamaril nang makita kami.

"Who killed our queen?" inis na tanong ng isa.

"Si Thaddeus, s'ya ang pumatay kay Hershey." sagot ko na siyang ikinakunot ng noo nito.

"Of course I'm not. F*cking stupid!" rinig kong ani Thaddeus na ikinangisi ko nang marahan.

Dahan-dahan nila kaming nilapitan habang dala-dala ang mahahaba nilang espada.

Inilabas din nila Aisler ang espada nila at itinapat din ito sa kanila. Habang ako naman ay itinututok lang ang dalawa kong baril.

"Umalis kana." utos ni Lexus sa'kin. Tinignan din ako ni Aisler at tila gusto nadin akong paalisin.

"Teka lang!" sambit ko at pinaputukan ko muna ng bala ang mga kalaban bago tumakbo palayo at nag espadahan nadin sila Aisler nang iwan ko sila.

Kumuha lang ako ng espada sandali sa mga gamit ko at bumalik sa laban. 'Tulad ng sabi ko kanina, hindi ko kayang manood lamang at tumunganga.

Nakita ko namang nainis sila Lexus sa katigasan ng ulo ko pero hindi kona iyon pinansin at tinulungan nalang silang makipag laban.

Habang nakikipag laban ay
bigla namang sulpot ni Venus at tinulungan kaming makipag laban kaya nag taka ako.

Sinaksak ko ang sumugod sa'kin at agad din pinaputukan ng bala ang sumunod.

May sari-sarili kaming nilalabanan at halos magkakalayo nadin kami dahil malaki ang puwesto dito.

Habang nasa gitna ng pakikipag laban, inikot ko ang katawan ko dahil sa pakikipag espadahan at pagharap ko ay kay Venus na nakatapat ang espada ko na siyang ipinag taka ko.

Napatigil s'ya at tinitigan ako. Tinignan ko s'ya sa mata at napa tingin din ako sa leeg niyang may marka ng isang bulaklak.

Isa s'yang prinsesa.

"You're good at acting, huh?" sabi ko habang nakangisi. Naramdaman kong may pasugod sa'kin kaya pinaputukan ko muna ito ng bala habang naka tingin nang deretso kay Venus.

"Are you an asset?" pag didiin kong tanong pero nakatitig lamang s'ya sa'kin.

"No, I'm not." seryoso n'yang sagot. Tinanggal ko ang espada ko sa pagkakatapat sa leeg n'ya at nakipag laban nalang ulit dahil masyadong makukulit ang kalaban.

Maya-maya, nang matapos kami ay nagka lapit-lapit kami at puro pa kami talsik ng dugo sa mukha.

Sumuko na kasi ang mga estudyante ng B.U at umalis na dahil hindi na nila kaya at ubos na din sila halos. Ang dami pa nilang iniwan na kalat dito sa iskwelahan ko, ang kakapal ng mukha!

Mabuti na lamang at sumuko sila. Hindi pa kasi nila matanggap na wala ng pag-asa ang school nila. Matatanggal na ang school nila at gusto kong kausapin ang head master nila.

"I'm f*cking hungry." usap ni Venus kaya nabaling ang tingin ko sa kan'ya. Tinignan ko s'ya at tinapatan s'ya ng baril sa ulo na ikinagulat n'ya at nila Thaddeus.

"Blythe!" banggit ni Thaddeus sa pangalan ko na tila pinapatigil ako sa ginagawa ko.

"Admit it! You're an asset, right?" pilit ko habang nakatingin nang deretso sa mata n'ya.

"Ba't ba ang gulo mo?! sabi't hindi nga, eh!"

"I'm not stupid, Venus! Kapag nalaman kong asset ka ng B.U ay ipapatapon kita sa Bloody Game." pagbabanta ko at nag taka naman silang lahat.

"Kaya bang gawin ng isang normal na estudyante 'yon?" takang tanong ni Thaddeus. Bigla kong naisip ang sinabi ko at ibinaba ang baril na hawak ko.

"Assassin ka ba? paano ka natutong makipag laban?" pag iiba ko naman.

"No, because I'm a Princess."

Mabuti naman at inamin din n'ya. Pero sa tingin ko ay may ipinunta talaga s'ya dito.

"So, why are you here?" tanong na ni Aisler. Yumuko siya para mag bigay galang bago sumagot.

"Ayoko sa B.U, masyadong brutal ang mga estudyante doon, and I'm also here for someone." napairap naman ako. As if naman na maniwala ako sa isinagot n'ya.

"You're here for someone?" tanong ni Aisler pero hindi na ako nakinig sa pag uusap nila dahil tumalikod na ako at balak kona sanang umalis nang tawagin pa ako ni Lexus.

"Blythe,"

"Oh?"

Dahan-dahan siyang lumapit sa'kin at tinignan ang braso at mukha ko. "I told you to stay inside your room pero hindi ka nakinig. Look at yourself, you're full of blood and wounds." saad nito at iniangat pa ang kamay ko para ipakita sa'kin ang mga sugat ko.

Hindi naman sobrang sakit kaya okay pa naman ako. Kaso medyo malaki din s'ya kaya mahapdi kapag nahahanginan.

"Okay lang ako, Lexus. 'Wag kangang feeling concern just to prove that you like me. Nai-stress tuloy ako kaiisip kung anong plano." sabi ko at in-snob na s'ya pero hinawakan pa n'ya ako at iniharap sa kan'ya,

"I'll treat your wounds." sabi nito at s'ya ding lapit ni Aisler sa'kin. "No, ako nalang ang gagamot sa sugat n'ya."

Binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni Lexus, "Hindi na kailangan. Malaki na'ko at hindi kona kayo kailangan. " sabi kolang at tumalikod na para umalis.

Dumeretso ako sa taas kung nasaan ang mga assassins ko upang kamustahin sila.

Pinahilera ko silang lahat para kausapin. Naka ayos naman ang tayo nila at nakaharap sakin.

"Next time, we need to be prepared. Hindi natin alam kung kailan magkakaroon ng laban. We don't even know kung may school na nagagalit sa'tin nang palihim. We need to be prepared, everyone. Ayoko ng kung kailan oras na ng laban tsaka lang kayo kikilos. Ni kailangan pa kayong utusan para gawin ang nga trabaho n'yo. Kailangan n'yong mag kusa! Huwang n'yong hintayin na may mag utos pa. Okay? At tsaka mag iingat kayo sa pinapapasok n'yo, tignan n'yo nanakawan tayo." saad ko.

Nakayuko lang sila habang nakikinig at tumatango-tango lamang.

"P-pasensya napo Queen Lucy, puwede n'yo po akong palitan bilang isang leader kung gugustuhin ninyo." napakamot ako sa ulo ko dahil sa sinabi n'ya at nainis din ang mukha.

"No, I won't do that. Huwag ka din mag isip ng ganiyan dahil ikaw ang ginawa kong leader because I know you can do your job properly. I know na napressure kalang dahil biglaan ang nangyari. Just don't let this happen again, okay?" sabi ko at tumango naman s'ya at marahan na napangiti.

"Sige na, ipaligpit n'yo na ang kalat na iniwan dito ng mga 'yon at mag pahinga na kayo." sabi ko at nag yukuan naman sila upang mag bigay galang.

"Maraming salamat po, queen Lucy." sabi nila at matipid ko na lamang silang nginitian bago ako umalis.

***

Naging maayos naman ang lahat nang matapos ang laban. Maraming estudyante ang namatay mula sa B.U at sa tingin ko deserve naman nila 'yon para matauhan sila.

Nilinis ang buong school at inayos ulit ang mga nasira. Nilinis nadin ang mga bakas ng dugo.

Pumunta muna ako sa office ng head master para sana kausapin s'ya sandali.

Tinanggal ko ang face mask ko at humarap sa kan'ya. Medyo nagulat s'ya pero nag bigay galang din naman.

"Queen Lucy, hindi ko po alam na nandito kayo. Paano po kayo napunta dito kamahalan?" tanong n'ya pero 'di ko iyon sinagot.

"Ilang beses kona po kayong sinabihan na kapag may mga gan'to huwag kayong maging panaya." saad ko at iniharap na n'ya ang mukha n'ya sa'kin. Medyo matanda nadin itong lalaking 'to at ilang taon nadin s'yang namamahala ng school na'to.

"Patawad kamahalan, hindi naman po namin inasahan ang mga ganitong pangyayari dahil limang taon na ang nakakalipas noong huling may umatake sa'tin." sagot n'ya at napa buntong hininga naman ako.

"Can I barrow your phone? I just want to call my Dad." utos ko at nag madali naman siyang iabot sa'kin 'to.

Agad kong tinawagan si Dad at agad din niya itong sinagot.

"Dad? Pwede mo bang iharap sa'kin ang God and Goddess ng B.U? kakausapin kolang po." bungad ko kay Dad mula sa kabilang linya.

"Why? May problema ba?" napataray ako dahil sa sagot n'ya. Wala ba s'yang kaalam-alam sa mga nangyayari?

"Dad? alam mobang 300+ na estudyante ng Blood University ang namatay dahil sa ginawa nila? Sinugod nila ang G.U without any hesitation. Hindi nila inisip na malakas ang puwersa natin at mabuti nalang wala masyadong nadamay sa estudyante ng G.U."

"Really? I'm sorry about that sweetheart. Don't worry ihaharap ko kaagad sila sa'yo or kung gusto mo ako nalang mismo ang kakausap sa kanila. Okay? don't be so stress sweetheart, everything's gonna be alright, okay?" sambit n'ya. Ibinaba ko nalang ang phone at ipinatong sa lamesa tsaka dere-deretsong lumabas.

Dumeretso ako sa classroom at bumungad naman sa akin si Eurich at Venus. Kumunot ang noo ko at nag taka kung bakit sila magkasama.

Nag tatawanan pa sila at natigil din sa pag lalakad nang makita ako.

"Oh Blythe, nandiyan kana pala. Alam moba ang sarap kasama ni Venus. Napaka-" usap ni Eurich at hindi naituloy ang sasabihin nang mag tanong ako,

"Bakit mo kasama 'yan?"

"Bakit? okay naman s'ya ah? galit kaba sa kan'ya?" sagot nito na siyang ikina hinga ko nang malalim. Hindi ko nalamang pinansin si Eurich at dumeretso nalang ako ng pasok sa classroom.

Maya-maya lang, lumapit na sa'kin si Eurich pagkadating ng prof. namin.

"Huy! Nag tatampo kaba? ayie! nag tatampo s'ya."

Asa naman s'ya. Kay Venus ako naiinis, noh!

"Goodmorning students! I know some of you felt so sad and stress about what happened last time. Mabuti nga at tapos na ang nangyari at wala masyadong nadamay sa atin o sa inyong mga estudyante. Let's move on and just think positive things. So, can someone tell me what's our topic last meeting?" saad ni Prof. at tumaas naman ng kamay si Venus at sumagot.

***

Nang matapos ang klase, dumeretso ako sa Cafeteria. Medyo wala akong gana ngayon dahil sa pakiramdam ko. May lagnat pa yata ako kung kaya't ganito na lamang ang mood ko.

Nakita ko naman si Aisler at Lexus tsaka Thaddeus na mag kakasama dahil nag yuyukuan nanaman ang mga estudyante. Hindi ko sila pinansin at nilagpasan nalang.

"Goodmorning students! Maximus University students will leave tomorrow. Say what you want to say before they leave. Thanks!" saad ng nag lalahad. Um-order nalang ako ng pagkain.

Mabuti naman at babalik na kami bukas, nakakapagod din ang mag panggap dito.

Pagka kuha ko ng pagkain at pag harap ko nakita ko nanaman si Venus. But this time, kausap nya si Aisler. May ibinibigay s'yang pagkain kay Aisler.

"Blythe? Sama nanaman ng tingin mo kay Venus." biglang sulpot ni Eurich. Inis lang akong umupo sa lamesa at kumain. Sumunod naman s'ya.

"Mabait naman si Venus. Madali lang s'yang pakisamahan, 'yun ngalang isa siyang Princess. Pero kahit ganoon ay mabait siya." saad n'ya. Malamang mag kakasundo sila kase parehas silang Prinsesa. Ang pinagkaiba lang ay sinabi ni Venus 'yung kan'ya. E, si Eurich? Kailan kaya s'ya aamin sa'kin?

"I don't care about her tho. Alam mobang asset ang babaeng 'yan? ang ayoko sa lahat asset, Eurich." saad ko at napalunok naman s'ya tsaka napa-iwas ng tingin.

"Ahh h-hindi naman s'ya mukhang asset." sambit n'ya at napapunas ng pawis.

Nabaling nalang ulit ang tingin ko kay Venus at Aisler na nasa iisang lamesa na kasama si Thaddeus.

"Blythe? Wait lang." paalam ni Eurich at umupo sa tabi ni Thaddeus sa kabilang lamesa.

Hindi ko nalang sila pinansin.

"Are you okay?" biglang tanong ni Lexus at naupo sa tabi ko. Lumingon naman dito si Aisler.

"Why are you always wearing a face mask?" takang tanong ni Lexus pero hindi ko s'ya sinagot.

"Lexus? puwede bang maging masama ka nalang sa'kin? hindi ako sanay sa gan'yan mong asta." masungit kong sabi at napangisi naman s'ya.

"I'm just here to talk to you." sambit n'ya at hindi ako sumagot.

"Kamusta ang pakiramdam mo? Alam kong nilalagnat kapa"

tinignan ko s'ya bago ako sumagot, "Ano ba kasing plano mo?"

napangiti s'ya nang marahan dahil sa tanong ko, "My plan?"

Nakangiti nanaman s'ya. Napapatingin tuloy ang mga estudyante sa kan'ya at ganoon din sila Aisler. Dumadalas yata ang pag ngiti n'ya, ah. At palaging sa harap ko.

"Di he just smiled at her?"
"Ngumiti nga s'ya, I saw it"

rinig namin sa kanila at agad naman binago ni Lexus ang expression n'ya. Nahiya yata s'ya bigla.

Tinignan ko nalang s'ya at inulit ang tanong ko, "So, what's your plan?"

"My plan is to make him jealous so that he would kill you." sagot n'ya na ipinag taka ko. Hindi ko kasi alam kung sino ang tinutukoy n'ya at kung nag bibiro ba s'ya o ano.

"Ha? sino bang tinutukoy mo?" pagtataka ko at napatingin naman s'ya kay Aisler.

Medyo nag lo-loading ako. Pinaplano n'yang pag selosin si Aisler para patayin n'ya ako kaysa mapunta ako kay Lexus?

"He's not obsessed with me, Lexus." sabi ko at mas inilapit pa ni Lexus ang mukha n'ya sa tainga ko,

"He's obsessed with you." bulong n'ya at inilayo na ang mukha n'ya,

"I like your smell." sabi n'ya at medyo nagulat ako nang makaramdam ako ng malamig sa hita ko. Natapunan ako ni Venus ng juice.

"Oh, I'm sorry." medyo natatawa niyang sabi na siyang nakapag paangat sa dugo ko.

S'ya lang 'yung nakita kong nag so-sorry pero tumatawa. Halata naman na sinadya n'ya.

"Medyo dagdagan mopa, nakukulangan kasi ako sa acting mo." sarkastiko kong asta na ikinataas ng isa n'yang kilay.

"Hindi ako uma-acting, normal reaction and expression 'to."

"We? kaya pala hindi ko makita 'yung sincerity sa mukha mo. You say sorry habang tumatawa? normal expression and reaction?"

natahimik s'ya sa sinasabi ko at medyo nagulat din ako nang mag salita s'ya.

"And? Ano naman? You're just a normal student and I'm a princess. So, you don't have right to complain about my actions. Hindi ko naman sinadya 'yan ang arte-arte mo."

tumayo ako at peke siyang nginitian. Mag sasalita sana ako nang tumayo si Lexus at medyo nagulat naman ako sa ginawa n'ya,

Tinapunan n'ya si Venus sa uniforme nitong suot na siyang ikinagulat nito,

"What the f*ck did you just do? Ang lamig!" reklamo nito,

"And? Ano naman? You're just a princess and I'm a king. So, you don't have right to complain about my actions."

Nagulat kaming lahat sa iniasta ni Lexus. Natawa din ako at ganoon din sila Thaddeus.

Ginaya ba naman ni Lexus 'yung ginawa at sinabi ni Venus kanina. Nawala tuloy ang inis ko dahil sa ginawa niya. Kaasar, natatawa tuloy ako.

Hindi ko alam na may ganiyan pala s'yang side.

"Stop it, Venus! Don't mess with Blythe, you don't know her. And don't use your position para itolerate 'yang ugali mo."

Napalunok si Venus at inis na tumingin sa'kin. Medyo malakas din ang loob niyang sumagot kay Lexus kanina, eh hari ang kausap n'ya.

"Mag sorry ka sa kanya." usap naman ni Aisler at alam ko sa loob-loob ni Venus ay gigil na gigil na s'ya dahil ramdam n'ya ang pagkatalo n'ya.

May pa buhos-buhos pa kasi s'ya ng juice. Para s'yang bata kung umasta.

"And why would I do that? I don't need to say sorry. She's not even important. " sabi n'ya at inirapan ako at tila aalis na s'ya nang higitin ni Lexus ang kamay n'ya upang iharap sa'kin.

"You're not even important, Venus. Mag sorry ka sa kanya before I kill you. " pag babanta ni Lexus na ikinagulat ng tingin ko sa kanya.

"Hindi ko kailangan ng sorry n'ya. Hindi naman ako nasaktan kaya hayaan n'yo na s'ya." sabi ko pero ayaw patinag ni Lexus.

"No, I won't let anyone disrespect you. " sabi nito pero sabi ko wag na dahil kung mag so-sorry si Venus sa'kin dahil inutusan siya ni Lexus na gawin ito, ibig sabihin ay labag sa loob n'ya. Kaya wala din, sayang lang sa oras kung hindi ko naman makikita ang sincerity sa mukha n'ya.

Continue Reading

You'll Also Like

174K 1.8K 6
❝ fate. a word meaning destiny. fate. a word meaning doom. ❞ [ a f4 thailand fic ] [ f4 x fem!oc ] [ a standalone ] Β© π¬π­π«π°π›π›π²πœπ‘πšπžπ«
39.2K 2.8K 37
"You should meet this man, he's from a great family and you have met him",my grandfather said. "You say that about every other man",I said and he loo...
16.2K 723 23
✦ π™²πš˜πš–πš™πš•πšŽπšπšŽβœ¦ Chally is just an ordinary 14 years old girl, who is foul mouthed, pretty, funny, and most importantly stubborn. She was only tur...
11.8K 490 24
π— π—’π—‘π—’π— π—”π—‘π—œπ—”: Exaggerated or obsessive enthusiasm for or preoccupation with one thing. Moving back into the town you wanted to escape isn't eas...