ASSASSINATION SCHOOL: School...

By lythe_btst

598K 19K 1.8K

Everything was fine...Not until this woman came to their life. She's known as an arrogant, doesn't respect he... More

SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
EPILOGUE
💌
💌

Kabanata 6

13.4K 437 24
By lythe_btst

Agad akong napa upo nang magising ako. Napahiga din ako bigla dahil nakalimutan kong may sugat nga pala ako sa t'yan. Ang sakit.

Pero nag taka ako, nasaan ba ako? Nasa hospital ba'ko?

"Blythe? Okay ka lang ba? mabuti na ba ang pakiramdam mo? 'wag ka muna tumayo." napalingon naman ako sa nag salita.

Si Eurich na kadadating lang. May dala din s'yang prutas at ipinatong ito sa lamesa.

"Bakit ako nandito?" takang tanong ko at napa daing pa nang kaunti dahil sa kirot ng sugat ko.

"Nahiwaan ka ng espada kaya ka nandito." sagot naman agad niya.

Sa bagay, bakit kopa kase tinanong kung ba't ako nandito?

Pero sino nga ulit nag dala sa'kin dito?

"No, I mean who brought me here?" paglilinaw linawan ko nalang.

"Hindi ko alam." sagot agad niya. Medyo napaisip ako. Binuhat ako ni Aisler kagabi kaya 'di imposibleng s'ya ang nag dala sa'kin dito.

Pero bakit n'ya ginawa 'yon?

"Blythe, alam mo ba? nanalo ang school natin gawa mo. Mas lamang kase ang napatay ng school natin kaysa sa napatay ng A.G ng Blood University, eh ikaw ang MVP sa laban kaya malaki din ang pasasalamat namin sa'yo. Kaya may dalawang araw daw tayo para maka labas." tuwang tuwa n'yang saad.

Halatang gusto na talaga niya makalabas. Nanalo pa pala ang school namin. Sa bagay, lumabag sa rules ang Blood University, kaya 'di malabong matalo sila.

"Masakit pa ba ang sugat mo? baka hindi ka makalabas n'yan bukas sayang ang 2 days." napalingon ulit ako kay Eurich.

"No, kaya ko." sabi kolang. Kailangan ko kaseng umalis bukas. Pupunta ako ng palace para kamustahin si Mom and Dad. Matagal na din nang huli akong naka-apak sa palasyo.

"Blythe? wait lang, ba-banyo lang ako." pagpapaalam ni Eurich. Hindi ko nalang s'ya sinagot at umalis rin naman s'ya agad.

Napatingin ako sa katawan ko, puro pasa. Ngayon ko lang 'to naranasan.

May nag bukas ulit ng pinto at awtomatiko akong napatingin kay Aisler na kadadating lang.

At bakit s'ya nandito?

"Are you feeling well?" tanong agad niya at lakas loob na lumapit sa akin at tumayo sa harap ko.

Namulsa ito at seryoso lamang ang mukha n'ya habang nakatingin sa katawan kong puro pasa at sugat.

"Bakit mo ginawa 'yon?" tanong ko kaagad.

"Shouldn't I be the one asking that?" balik niyang tanong kaya medyo napaiwas ako ng tingin.

Hindi ata niya kasama ang alagad n'ya ngayon. Pero okay lang, inis rin ako kay Lexus.

"Tungkol saan?" takang tanong ko nalang.

"Bakit hinayaan mong gawin n'ya 'yon?" seryoso nitong tanong habang nakatingin sa akin nang deretso.

"'Yung ano? at sino?" taka-takahan ko lang.

"'Yung queen of all, at 'yung ginawa n'ya sa'yo." sagot nito.

"Kase nga reyna s'ya." sagot ko lang dahil wala akong maisip na sasabihin. Medyo naba-blanko kase ako ngayon dahil medyo nang hihina din ako.

"I know, hindi ba't palaban ka?" medyo may pag didiin sa tono niya na medyo parang disappointed s'ya.

"What do you mean?" taka-takahan ko ulit.

"Sinadya mo 'yun, right? yung hayaan mong saktan ka n'ya?"

bakit ba naiinis s'ya?

"No." sagot ko na lang dahil medyo kinakabahan ako sa mga tanong n'ya.

"I'm not stupid, I know you mean it."
pag didiin n'ya kaya sinungitan kona s'ya.

"Yes! and so?" inis kong sagot at tinignan s'ya nang masama.

"Ayaw mo maging queen?" medyo humina ang boses n'ya at naupo sa upuan at hinintay ang sagot ko.

"Yes." sagot ko. Medyo nag tataka lang ako dahil sobrang curious n'ya kung bakit hindi ko pinalagan 'yung nag papanggap na reyna kagabi.

Gusto ba n'ya ako maging bagong reyna kaya ang dami n'yang tanong at tila parang disappointed s'ya?

"And why?" tanong ulit nito.

"Bakit ba ang dami mong tanong?" inis konang sabi at sinungitan s'ya.

"Hindi ko din alam." napaiwas agad s'ya ng tingin. Ang weird n'ya, bakit ba ganiyan s'ya umasta?

"You know? I lost my mind because of you." napatingin ako nang deretso sa kan'ya dahil sa sinabi n'ya.

"At bakit?" taas kilay kong tanong at umayos naman s'ya ng tingin.

Medyo nag bago ang awra n'ya, naninibago ako. Para s'yang inosenteng bata.

Ang lumanay at ang bait kase ng awra n'ya ngayon hindi katulad noong mga nakaraang araw.

"Because of that. Ikaw lang ang nakakagawa n'yan sa'kin." napatigil naman ako sa isinagot niya.

Siguro nga ay masyado na akong marahas sa kan'ya. Kung iisiping isa lamang akong estudyante dito, para ngang ang bastos ko masyado sa kan'ya. Eh, ano namang magagawa ko? hindi ko din macontrol ang sarili ko dahil sa galit na dinadala ko. Ang tagal konang nang huhula kung sino ang pumatay sa kapatid ko kaya naman may galit ako sa kanilang lahat.

"Ikaw lang ang sumasagot nang gan'yan sa'kin, ikaw pa lang ang nakakahawak sa'kin, at ikaw lang ang nag lakas loob na gantuhin ako!" dagdag pa niya na ikinatahimik ko saglit.

"Sorry?" hindi ko siguradong pagkakasabi at napaiwas ng tingin nang sabihin ko 'yan.

"How did you do that?" he asked me again.

"Hindi ko alam. And don't worry, it will not be repeated, I'm sorry." hindi ako makatingin sa kan'ya habang sinasabi ko 'yan.

"What?" hindi niya makapaniwalang tanong kaya medyo napairap ako.

Kainis naman, gusto ba n'yang malinaw kopang sabihin sa kan'ya ang salitang Sorry ?

"I said, I'm sorry." mabait kong pag uulit.

Hindi s'ya sumagot, napatitig lamang s'ya sa'kin na tila 'di makapaniwala.

Natahimik sa paligid at medyo awkward na kaya nag tanong ako sa kan'ya.

Nakatitig lang kase s'ya sa mukha ko kaya ako na 'yung nahihiya para sa kan'ya.

Pinag nanasaan ba n'ya ako?

"Bakit mo 'ko binuhat kagabi para dalhin dito? gusto mo ba'ko mabuhay? 'di ba inis ka sa'kin?" takang tanong ko at medyo inabot pa nang limang segundo bago s'ya sumagot.

"Thaddeus tried to kill you." sabi n'ya na ikinasalubong ng kilay ko.

Bakit naman ako gusto patayin ni Thaddeus? I mean, alam ko naman na nang gigigil rin sa akin ang lalaking 'yon kase sabi n'ya noong isang araw papatayin raw n'ya ako. Pero kung sinubukan n'ya ako patayin kahapon, bakit doon pa sa harap ng madaming tao? Baliw ba s'ya?

"At bakit naman n'ya 'ko gusto patayin?" medyo inis kong tanong.

"After he killed the queen of all, he intend to kill you next that night... but I immediately carry you because I already know his plan. "

Natahimik ako sa sinabi n'ya at medyo hindi makapaniwala.

Ibig sabihin ay niligtas ako nitong lalaking 'to? Si Aisler? ililigtas ako?

"B-bakit mo naman ako niligtas? " medyo hindi ko makapaniwalang tanong.

Pero hindi n'ya nasagot dahil biglang dating ni Eurich. Napalingon na lamang kaming dalawa sa kan'ya na kada-dating lang, ta's bigla namang alis ni Aisler.

"Anyare dun?" tanong agad ni Eurich.

Hindi ko siya sinagot. Nag takip na lang ako ng kumot. Sakit pa ng t'yan ko, ang hapdi.

Pero habang nakahiga at nakatakip ng kumot ay naging palaisipan sa akin ang mga sinabi ni Aisler.

***

Kinabukasan, nandito pa din ako. Hindi ko alam kung makakalabas ako dahil medyo kumikirot pa ang sugat ko.

Si Eurich sobrang saya at naka ready na ang dadalhin niya pauwi sa kanila. Doon muna daw s'ya sa kanila tapos uuwi s'ya bukas.

7 AM pa lamang ngayon, iniisip ko kung aalis rin ba ako.

"Blythe? Paano 'yan? Aalis na ako. Wala kabang balak kumilos? wala ka din bang pupuntahan?" malungkot niyang tanong.

"Wala." maikli kong sagot.

"Sayang ang 2 days, Blythe. Sa bagay, mahihirapan ka kumilos gawa ng sugat mo." napatingin ako sa kan'ya bigla at peke siyang nginitian.

"Kailan mo balak umalis?"

"Sungit mo nanaman, eto na nga aalis na ako. Mag pagaling ka dito, ah."

Hindi ko s'ya sinagot. Umalis na lang rin s'ya.

Pagkalabas niya, umupo muna ako nang dahan-dahan mula sa pagka-kahiga dahil medyo masakit pa ang sugat ko. Tumayo din ako at dahan-dahan umalis para bumalik sa sarili kong kwarto.

At nang makarating,

Dito ako nag madaling mag bihis at umalis rin ako agad. Hindi na'ko nag dala ng gamit.

Nang makalabas ako ng school, ang daming estudyante. Ang sasaya ng mga mukha nila kaya medyo natuwa ako.

***

Pag ka-uwi ko sa palasyo, yumuko ako upang mag bigay galang sa magulang ko.

Yayakapin ko sana sila ang kaso umiwas agad sila na ikinadismaya ko.

"Lucy? How long do you want to pretend as a normal student?" tanong agad ng aking Ina.

"Mom, I need to avenge my-" my Dad cutted me off.

"Your sister is dead, Lucy!" napa titig ako kay Dad sa sinabi n'ya. Parang babagsak ang luha ko.

Sabi sa inyo iba ako sa labas at sa loob ng school, eh. Ito naman talaga ako. Mababa ang luha, hindi naman ako kalakasan, hindi ako sobrang tapang, hindi din naman ako matigas.

"I know, pero hindi ako matatahimik hanggat hindi ko napapatay ang pumatay sa kan'ya." madiin kong pag kakasabi na tila may sama ng loob.

"Bakit ba gan'yan kayo? hindi ba dapat nag hihiganti din kayo? Mom? Dad? naturingan kayong mga nasa mataas na posisyon? Ano? hanggang d'yan na lang kayo?" dagdag kopa dahil sa inis ko.

"Ginusto 'yon ng kapatid mo, Lucy. Why don't you just accept that? Hindi mo alam kung gaano namin gustong patayin ang hari na pumatay sa kapatid mo pero hiniling ng kapatid mong huwag nating gawin 'yon kase ayaw n'yang may mangyaring masama sa taong gusto n'ya. "

Nag pipigil ang mga luha ko habang sinasabi n'ya iyan.

Isa sa mga hari ang naging kasintahan ng kapatid ko. Hindi ko alam kung sino sa kanilang tatlo iyon.

Mapag lihim ang kapatid ko kahit pa na close kami sa isa't isa. Wala s'yang nababanggit sa'kin tungkol sa buhay pag-ibig n'ya kaya wala talaga akong alam.

Namatay ang kapatid ko sa kamay ng mga Assassins. Ipinapatay DAW siya ng isang hari, at iyon ay ang kasintahan din DAW n'ya.

I need more evidence, I need to know everything. EVERYTHING.

Walang kakayahan si Luna sa pakikipag laban kaya hindi niya nagawang ipag tanggol ang sarili n'ya. At wala din ako that time para iligtas siya.

Kaya nga gusto kong gantihan ang hari na gumawa noon sa kan'ya.

Kapag nalaman ko talaga kung sino s'ya....

Tinitigan ko na lamang nang masama si Mom and Dad at nag lakad nalang ako papunta sa kwarto.

Nahiga ako sa kwarto ko at dito ibinuhos ang luha ko. Hindi kona kase mapigilan. Kapag ipinapamukha nila sa akin na patay na si Luna, sumisikip ang dibdib ko. Saglit ko pa ngalang siya nakakasama nawala na s'ya.

Nag takip na lamang ako ng kumot at tahimik na umiiyak.

Naramdaman kong may nag bukas ng pinto kaya napapunas agad ako ng luha.

"Lucy? Can I talk to you?" tanong ni Mom pero hindi ko s'ya pinansin.

"Lucy?" tawag ulit nito pero hindi ko s'ya nilingon. Naramdaman kong umupo s'ya sa kama ko at hinaplos nito ang ulo ko.

"Lucy? I'm sorry and I miss you. Let me talk to you." nilingon ko siya at dahan-dahan naman akong umupo.

"Ano po bang sasabihin n'yo?" walang gana kong tanong. Na-miss ko sila ni Dad nung nakaraan, pero ngayon hindi na.

"What happened to you? Bakit ang dami mong pasa?" nag aalalang tanong ni Mom.

"I'm fine." maikli kong sagot pero hindi ko siya tinitignan.

"How's your life with your school?" napalingon na ako sa tanong niya.

"I'm Good." malamig kong sagot. Ayokong sabihin sa kan'ya ang nangyayari sa'kin doon, baka kase hindi na niya ako pabalikin.

"Hanggang kailan mo ba balak mag panggap, Lucy? We're so worried about you." saad nito. Napahinga ako nang malalim bago ko s'ya sagutin.

"Mom? how many times do you want me to tell you that I'm fine?" medyo iritado konang sagot at nahiga na ulit. Hindi naman ako nag tataas ng boses, mahina lang pero may inis sa tono.

Kumirot nanaman ang t'yan ko kaya medyo napadaing ako.

"What's wrong? are you okay?" nag aalalang tanong ni Mommy nang mapadaing ako at napahawak sa t'yan ko.

Pero sa pag hawak ko nakaramdam ako ng basa. Punyeta! dumu-dugo yata ang sugat ko.

"What's that? why is there blood?" napatayo siya nang may makitang dugo sa kamay ko na galing sa t'yan ko.

Mukhang bumuka ang sugat ko. May dugo nadin sa damit na suot ko.

"Lucy? ayos kalang ba? I'll call your doctor."

Lumabas siya agad. Nakahiga lang ako at iniinda pa ang hapdi at kirot nito. Siguro kakikilos ko ng normal kanina kaya s'ya bumuka. 'Di kase ako nag iingat.

***

Maya-maya lamang ay dumating na ang doctor. Alalang-alala ang mukha ni Mom and Dad.

"Mom? Dad? Lumabas na po kayo, I'm okay. Just let my doctor treat my wound." nanghihina kong utos sa kanila.

"Are you sure you're okay?" nag aalalang tanong ni Dad at tumango lamang ako.

Sinunod naman nila ako. Hinayaan ko ang doctor na gamutin ako.

"Doc? Pakisabi po sa parents ko na sobrang okay lang ako. 'Wag mong sasabihin na malaki ang sugat, ah?" utos ko dito sa babaeng doctor.

Tumango naman siya. Tinurukan niya ako ng pampatulog para hindi ko maramdaman ang gagawin niya sa sugat ko.

***

Maya maya lamang. Nang magising rin ako, nasa harap ko ulit ang parents ko.

"Lucy? Are you okay?" tanong agad nila pagka mulat ko ng mata ko.

"I think you need to leave your school. Bumalik kana sa G.U, Lucy." saad ni Dad.

Paano ko magagawa yung plano ko kung babalik ako ng G.U.

Sayang ang sinimulan ko kung hindi ko tatapusin.

"No." sagot ko kaagad at nag takip ng kumot.

"Lucy? You know how much we love you. Ikaw na lang ang mayroon kami. Ingatan mo naman ang sarili mo, anak." rinig kong sabi ni Mommy pero 'di ko sila pinansin.

Wala talaga akong gana ngayon. Nanlalambot ako, at may nararamdaman pang sama ng loob.

"Luciana, hayaan na lang muna natin ang anak natin na gawin ang gusto n'ya. Kapag nagawa na niya ang plano niya, babalik naman siya sa atin." saad ni Dad.

"Okay fine. But Lucy? just promise me na iingatan mona ang sarili mo, baka magaya ka kay Luna, at hindi na kami papayag."

Inalis ko ang kumot na nakatakip sa'kin at tinignan si Mommy.

"Yes Mom." sagot ko lamang.

"By the way, dadating ang God of Dead and God of Love. Gusto ka sana nila makilala pero mukhang malabo pa gawa ng kalagayan mo." sabi ni Mom.

"Mag pahinga ka na lamang d'yan at magpa hilom ng sugat. Sabihin mo kaagad kapag may kailangan ka, ah." dugtong pa nito.

"Ano kaba, Luciana. Malaki na ang anak natin at alam na n'ya kung ano ang dapat n'yang gawin. Hayaan na lang muna natin s'ya makapag pahinga." usap naman ni Dad at napa ngiti naman ako.

"You really know me, Dad" nakangiti kong sabi at napangiti din naman si Dad.

"Okay, 'yan nanaman kayong dalawa. Mag pahinga kana d'yan." sabi nalang si Mom at tumayo na sila.

"Lalabas na kami, kapag may kailangan ka sabihin mo agad para maasikaso ka kaagad, okay?" tumango lamang ako at lumabas na din naman sila.

After 3 Hours...

Lumabas ako ng kwarto ko dahil medyo okay naman na ang t'yan ko. May kukunin sana ako sa baba.

Pababa palamang ako ng hagdan nang matanaw ko ang bisita namin.

Sa lawak kase ay kitang-kita agad sila.

Pero napatigil ako sa pagbaba dahil sa nakita ko. Napa balik ako sa taas at huminga nang malalim.

Sh*t! bakit naandito si Eurich? Mukhang wala talaga s'yang kaalam-alam sa akin.

[Eurich's Mother: Where's your daughter?]

[Lucy's Mother: Masama kase ang pakiramdam n'ya kaya kasalukuyan s'yang nag papahinga sa kwarto n'ya.]

[Eurich Father: Ah, ganoon ba. Sige't hayaan mo na muna s'yang mag pahinga, may ibang araw pa naman para makilala namin s'ya. By the way, she's my daughter, Eurich Lyn.]

[Lucy's Mother: She's a Princess, right?]

[Eurich Mother: Yeah, she will become a queen, soon.]

[Lucy's Father: Puwede siya maging kaibigan ng anak ko.]

[Eurich: Ano pong pangalan ng anak n'yo, kamahalan?]

[Lucy's Mother: She's Louisa Cyrine, but you can call her Lucy, she's kind and softhearted.]

Hindi ko alam kung anong pinag uusapan nila sa baba. Pero 'wag naman sana ako dahil baka maka kuha ng idea si Eurich sa'kin.

Hindi ko p'wedeng sabihin sa kan'ya ang nalaman ko ngayon tungkol sa kan'ya. Syempre mag tataka din s'ya kung bakit ako nandito at malalaman niyang ako ang anak ng gods and godess. Kaya itatahimik ko nalang ang bunganga ko.

Pero bakit s'ya nag papanggap katulad ko? Malamang may dahilan din siya.

Tatanungin ko s'ya minsan pero sa ibang paraan.

Pero sa ngayon, hindi muna ako bababa. Ayokong magpakita, masisira lahat ng plano ko kung may isang makakaalam ng tungkol sa'kin.

Mas okay nang si Xynon lang ang nakakaalam, at least 'yon hindi mambubunyag. Eh, si Eurich, hindi ko pa masyado kilala.

Kaya aasta na lamang ako na normal ang lahat.

Pero nagulat pa din ako sa nalaman ko. Hindi s'ya mukhang prinsesa. Hindi s'ya marunong makipag laban, hindi ba s'ya tinu-turuan?

Noong Princess pa lamang ako, tinuruan na ako sa lahat ng bagay. At sa aming dalawa ng kapatid ko, ako ang mas malakas sa paningin ng magulang ko.

Kaya nga nag focus sila kay Luna, ang kaso hindi interesado si Luna sa pakikipag laban kaya wala nang nagawa ang parents ko.

Sa ngayon, kailangan kong bumalik sa kwarto ko at mag pahinga na lamang muna.

Continue Reading

You'll Also Like

45.9K 1.2K 42
Rin Okumura's secret of being Satan's son came out and instantly, everyone changed their opinions on Rin. A single dream of a pink haired male seemed...
1.1M 26.2K 26
Kendall Keating doesn't care much for politics. Which is why she is hesitant to go to Castle Cahill for two months to help her Alpha father secure a...
174K 1.8K 6
❝ fate. a word meaning destiny. fate. a word meaning doom. ❞ [ a f4 thailand fic ] [ f4 x fem!oc ] [ a standalone ] © 𝐬𝐭𝐫𝐰𝐛𝐛𝐲𝐜𝐡𝐚𝐞𝐫
1.3K 44 10
Every people in the world is just thinking about how they can get up of life, get rich, build a happy family and be successful where they are happy...