ASSASSINATION SCHOOL: School...

By lythe_btst

598K 19K 1.8K

Everything was fine...Not until this woman came to their life. She's known as an arrogant, doesn't respect he... More

SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
EPILOGUE
💌
💌

Kabanata 3

16.2K 520 21
By lythe_btst

6:00 AM

Nandito ako sa kwarto ko at nag iisip ng puwede kong gawin.

It's already 6 AM at maya-maya lamang ay papasok nanaman ako. Inihanda kona ang mga kanta na puwede kong pakinggan para hindi marinig ang mga bulungan nila mamaya. Ang sakit kasi sa tainga.

May biglang kumatok sa pintuan ng kwarto ko ngayon kaya medyo nag taka ako. Ngayon lang 'ata may kumatok sa kwarto ko kaya kumuha ako ng baseball bat para aware ako. Aba malay koba kung sino 'yan?

Pag bukas ko naman ay si Eurich ang bumungad kaya peke akong napangiti.

S'ya lang naman pala.

"Blythe, ang galing galing mo talaga!"

Akmang yayakapin pa n'ya ako nang umiwas agad ako. I really hate hugs! Ang awkward, at ang init pa.

"Kahit ang sungit mo, okay lang! Basta ang galing galing mo!" masaya n'yang pagkakasabi pero sineryosohan ko lamang s'ya ng tingin.

"Anong ginagawa mo dito?" I curiously asked her.

"Sabay na tayong pumasok, wala kasi akong kasama." sagot naman niya.

Napahinga na lamang ako nang malalim at hindi ko s'ya sinagot at ibinalik na lamang 'yung baseball bat sa lagayan nito.

As if naman kasi na may kumaibigan sa kan'ya, ingay kaya ng bunganga n'ya.

Naglakad ako patungo sa kama at pumasok naman s'ya sa pinakang loob ng kwarto ko.

"Wow! Ang ganda, ang linis, at ang unique ng kwarto mo. Puro black kaya ang creepy din, puro pa fake weapons." pag puna nito pero hindi ko pinansin ang sinabi n'ya.

Inilagay ko sa ulo ko ang hoodie ko at kinuha na ang bag ko.

Lumabas ako ng pinto at tinignan si Eurich nang seryoso. Senyales na lumabas na s'ya bago pa'ko mainis. Baka may masira pa s'ya sa gamit ko.

Nakangiti naman s'yang lumabas kaya isinara at nilock ko na ang pintuan ko.

"Blythe? member kana ng Assassination Group 'di ba? isali mo naman ako." napatigil ako sa sinabi n'ya habang nag lalakad kami sa hallway.

Bakit bigla n'yang naisip 'yan? At tsaka hindi naman 'yon basta-basta. Kailangan n'ya ng lakas, tapang, galing, at pwersa para doon.

Pero puwede ko naman malaman kung may kakayahan ba s'ya.

Agad kong hinila ang kamay n'ya ngayon at tsaka ito ipwinesto sa likod n'ya.

Tinitignan ko lang kung kaya n'yang depensahan ang sarili n'ya...pero mukhang mali ako,

"Aray ko Blythe! Ano bang ginagawa mo?!" daing nito kaya agad konang binitawan ang kamay n'ya. Medyo natawa pa nga ako, 'yung mukha kase n'ya halatang nainis at nasaktan sa ginawa ko.

"See? Ang bagal mo kumilos, hindi ka bagay doon." sabi ko at napayuko naman s'ya.

"Oo nga, sana katulad mo din ako. Ang hirap rin kaya maging mahina." biglang lumungkot ang mukha n'ya. Namulsa ako at tinitigan s'ya, ang sad girl ng mukha n'ya, nakakatawa.

"Hindi mo gugustuhin sumali sa Assassination Group dahil kaunting pagkakamali mo lang, puwede mo na ikamatay." pagpapaliwanag ko at iniangat naman n'ya ang ulo n'ya.

Hindi naman kase biro ang pakikipag patayan, hindi porket naisipan mo lang, gagawin mo na. Madami pang aaralin bago ka matuto. Syempre may proseso 'yan.

Halos bumagsak na kaya ang katawan ko dati ka eensayo matuto lamang. There's also times na umiyak ako, nahospital, at nawalan ng gana.

"Talaga? pero 'di ba member kana ng Assassination Group?" umiling agad ako sa sinabi n'ya.

"No, and I guess I wouldn't." sabi ko nalang at nag lakad na ulit.

***

Nang makapasok kami sa classroom, dumating din agad ang bagong teacher.

"Goodmorning students, I'm Ms. Granger. Your new teacher on this subject-"

hindi nito naituloy ang sasabihin nang may estudyanteng basta pumasok.

"Ms. Blythe? follow me!" seryosong pag kakasabi nito. Wala ba s'yang galang? hindi marunong mag excuse. Basta na lamang pumapasok at nag uusap.

Agad nalang akong tumayo at nag excuse muna sa teacher namin bago umalis.

Dinala ako nitong babae sa building ng mga Assassins. Building #33.

"Bakit mo'ko dinala dito?" taka kong tanong sa nag dala sa akin dito. Ang dami nila, 'yung iba nakaupo, at 'yung iba mga nag eespadahan. Nag pra-practice sila.

"At dahil bagong miyembro kana ng grupo nmain, kailangan mong pag daanan ang mga pag subok na ibibigay namin." sagot naman nito.

Seryoso lamang ang mukha ko't parang walang gana. Lahat kase ng iyan ay napag daanan ko na. Uulitin ko nanaman ba?

At tsaka sino may sabing gusto kong sumali sa kanila?

"I'm not interested." sabi ko lang.

Aalis na sana ako nang harangin nila ako. Ang kulit nila, gusto talaga nilang maging member ako ng group nila?

Inikutan nila ako at ako naman ay pinakikiramdaman bawat galaw nila.

Nang maramdaman kong may mag papaputok ng baril sa harap ko, halos mapa belding ako para lamang makaiwas doon sa bala. Agad akong umayos ng tayo at sinipa agad ang nag tangkang sumugod sa akin.

Nag sunod-sunod nanaman sila kaya napa buntong hininga ako bago sila labanan. Nakakainis naman! ang aga-aga ito agad ang bungad nila!

Sa tingin ko ay sinusubukan nila ang kakayahan ko at baka ito nadin 'yung paraan nila para mapapayag ako.

Pinalagan kona lamang sila, ang gugulo kase.

'Yung may mga hawak ng baril nakaupo lamang at pinapanood kami. 'Yung mga walang armas ang sumugod sa akin.

Kaunti lang naman sila kaya kayang-kaya na. 'Yung ibang Assassins daw kase nasa kabilang building.

Lumaban lamang ako sa kanila at binigay lahat ng energy ko para lamang patumbahin at pagudin sila.

Umatras sila saglit at ako naman, sinamaan ko lamang sila ng tingin. Nag taasan bigla ang mga shot gun na hawak nila at itinutok sa akin.

"ASSASSINATION GROUP!"

Natigil kami nang may sumigaw. Si Xynon, ang ex bestftiend ko. S'ya ang leader ng grupong ito kaya naman sumusunod sila sa kan'ya.

"That's enough!" suway nito at ibinaling ang tingin sa akin pero tinaasan ko lamang s'ya ng kilay tsaka ako namulsa.

Tinuro naman n'ya ako, "You! we need you!" 

Nagtaka ang mukha ko sa sinabi n'ya.

"Huh?" I'm confused.

"Kailangan namin ng malakas sa Assassination Group dahil may laban na magaganap." paliwanag ng isang member.

Wait, is this their way to invite me? And they really think that I will agree?

"Laban? between?" takang tanong ko.

"Schools." sagot naman nito. Umiling ako agad. Hindi ako pwede sumali doon dahil puwede ako makilala ng ilan. 

"Ayoko." sagot ko at mukhang na disappoint sila. Tss! hindi ko naman alam na ganoon kalakas ang tingin nila sa'kin.

"Ms. Blythe? please...we need you." halos may pakikiusap sa tono ni Xynon kaya napangisi ako.

"No, ayoko. And don't you dare to force me to join in this kind of sh*t dahil ayoko talaga." medyo may inis sa tono ko.

Nag lakad na lamang ako upang lumabas habang nakapamulsa. Sinusundan naman nila ako ng tingin sa pag lakad.

"Ms. Blythe." tawag pa ni Xynon at may pakikiusap sa tono. Nag tuloy-tuloy lang ako sa pag lakad, "Ayoko."

Kapag sumali ako doon, puwede akong makilala ng iba at hindi p'wedeng mangyari 'yon.

And now, habang naka pamulsang nag lalakad, nakasalubong ko ang tatlong hari dito sa hallway. Hindi ko na lamang sila pinansin at nag panggap na lamang ako na hindi sila nakita.

"Ms. Blythe?" napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Lexus.

Tinaasan ko s'ya ng kilay, "What? Sasampalin mo'ko?" badtrip kong tanong.

"Let's talk." sagot n'ya na ikinataka ko. Ano namang pag uusapan namin?

"About?" takang tanong ko.

"I need your approval." kumunot ang noo ko sa sagot n'ya dahil alam kong tungkol nanaman ito sa pag pilit nilang sumali ako sa Assassination Group.

Wala ba silang balak tigilan ako?

"Ayoko." sagot ko lang at tatalikod na sana nang mag salita pa si Thaddeus.

"Why are you treating us like that?"

Napa buntong hininga ako bago humarap sa kanila.

"Pasensya na po, hindi po kase ako puwedeng sumali doon, my majesty."

Peke akong ngumiti at yumuko sa harap nila na umaastang nag bibigay galang.

"And why?" tanong na ni Aisler kaya napaayos na ako ng tayo.

"I have my personal reasons." seryoso kong sagot pero mukhang hindi sila naniniwala.

"I think you're just afraid to die." matawa-tawang ani Thaddeus na ikinangisi ko.

"I will not going to transfer in this school kung takot akong mamatay, Thaddeus." huli kong sinabi at tinitigan pa silang tatlo bago ako nag lakad paalis.

***

Nang mag punta ako sa Cafeteria, natanaw ko si Eurich na may kausap na isang lalaki. 
Hinintay ko pa sila matapos mag usap bago ako mag lakad palapit dito. 

"Oh, nandiyan kana pala, Blythe." nakangiting sabi ni Eurich pagkaalis nung lalaki. Naupo naman ako sa tabi n'ya at pinag masdan s'ya.

"Anong sinabi n'ya?"

"Gusto n'yang makumbinse kitang sumali sa Assassination Group."

Again and again.

"Ano bang mayroon sa babaeng 'yan?"

"Ang kapal n'ya."

"Ininvite na s'ya ngayon, ano pang susunod?"

Kaunting bulungan sa paligid pero hindi ko na iyon pinansin. Sanay na sanay na naman ako sa mga 'yan..

"Oo nga pala, Blythe. Sumali kana sayang ang pagkakataon mo. Tsaka may reward naman 'yon."

"Hindi puwede." tanggi ko.

Hindi ako basta p'wede magpa dalos-dalos dahil may plano ako na ayaw kong masira.

"Kapag nanalo ang school natin, one week walang patayan tapos may dalawang araw tayo para mabisita ang pamilya natin. Alam moba kung gaano ka importante sa ating mga estudyante 'yon?"

Napatingin naman ako sa kan'ya dahil sa sinabi n'ya.

"Eh, kapag natalo?"

"Lahat ng estudyante palalabasin nang 6 PM tapos hindi p'wedeng pumasok ng kwarto. Hahayaan kang mamatay sa labas. Kung baga matira ang matibay. Kaya ang suswerte ng mga marunong makipag laban kase may chance na hindi sila mamatay. Eh, paano naman ang mga katulad ko?"

Lumungkot ang mukha niya. Ganoon ka brutal ang mangyayari kapag natalo ang school namin?

Napaisip tuloy ako. So, paano nanga ang ibang estudyanteng hindi marunong makipag laban? Basta na lamang sila mamamatay porket galing lamang sila sa ampunan at porket hindi pinapahalagahan ang buhay nila ng mga nakatataas rito?

"Seriously? At bakit madadamay ang mga estudyante kung Assassination Group naman ang may kasalanan kung matalo ang school natin?" inis kong tanong.

"Dahil wala ng saysay ang school na'to kapag natalo tayo kaya sobrang importante na manalo tayo. May mga nag volunteer na din na students para sumali sa laban para may dagdag puwersa tayo."

Napakunot ang noo ko at medyo hindi maintindihan kung bakit may mga ganito. Ngayon ko lamang nalaman 'to.

Kase ang eskwelahang hawak ko ay tahimik, mapayapa at hindi kailan man sumali sa gulo. At kung mai-involve kami sa laban, sinisiguro namin na hindi kami ang nauna.

Alam ko naman na ang school na ito ay para sa mga estudyante na gusto matuto makipag laban, maging matapang, disiplinado, magaling, at maging Assassins. Pero huwag naman sa ganoong paraan nila tuturuan.

"Sino naman ang walang puso na nag imbento ng ganiyan?" inis ko nanamang tanong.

"Ako."

Napalingon ako sa sumagot. Nag yukuan ang mga estudyante kaya mukhang alam kona kung sino ang nasa likod ko.

Si Lexus lang naman ang sumagot.

As I expected, ang mga hari talaga ang gumagawa ng hindi tamang batas dito.

Napatayo ako at humarap kay Lexus.

"Sumali kana." ani Thaddeus kaya napatingin naman ako sa kaniya. I think he tried to hypnotize me base sa pagkakatitig n'ya sa'kin. Pag harap ko kase tinignan n'ya agad ang mga mata ko.

Nag titigan pa kaming dalawa. Nag panggap ako na nahi-hypnotize n'ya kahit hindi naman talaga. Hindi n'ya ako mahihypnotize dahil tinuruan akong umiwas sa gan'yan.

"Ayoko!" halos nagka salubong ang kilay nila dahil sa isinagot ko.

"What?! Seriously?!" gulat nitong tanong. Kahit si Eurich ay nagulat.

Hinawakan ko nalang ang kamay ni Eurich dahil balak na namin umalis. Mag lalakad na sana kami paalis ang kaso hinigit ni Lexus ang kamay ko pabalik sa kaniya.

"Bitawan mo'ko!" madiin kong utos sa kan'ya pero hindi n'ya sinunod.

"Let's Go!" hinila n'ya ako kaya napilitan akong sipain ang paa n'ya habang hinihila ako.

"Ouch!" daing nito.

"Don't f*cking touch me again!" may pagbabanta sa tono ko na ikinangisi nito.

"Do you really want to die?" biglang tanong ni Thaddeus na ikinaayos ko ng tayo. Dahan-dahan ko siyang nilapitan at tinitigan pa s'ya sa mata.

"Just do if you can." seryoso kong sagot at mabilis na tumalikod.

"Sino kaba? kayang kaya kita patayin kahit kailan ko gusto, kaya naman namin nang wala ka." usap nanaman nito kaya napaharap ako sa kan'ya.

"Kaya n'yo naman pala nang wala ako, bakit kayo namimilit? you even tried to hypnotized me para ma convinced lang ako tapos ngayon sasabihin mo na kaya n'yo naman nang wala ako?" inis kong sagot na medyo natatawa.

"I don't care who the f*ck are you, I swear I will kill you. B*tch!"

"Shh, stop being brave, baka pagsisihan mo 'yan" ngiti kong sabi.

"Stop it, Thaddeus. We need her." usap ni Lexus bigla at sinundan naman ni Aisler. "We just need some time to convinced her. I swear, papayag din s'ya. " parang may pag babanta na pananakot sa boses ni Aisler kaya naitaas ko ang kilay ko. Mukhang may binabalak nanaman ang mga 'to.

"Eurich, tara na! " kinuha kona nang tuluyan ang kamay ni Eurich at lumayo na kami.

Natulala bigla sa akin si Eurich kaya nabitawan ko ang kamay niya.

"Blythe, alam mo ba na ngayon lang may kumalaban sa tatlong iyon? At ikaw 'yon! Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi dahil may kaibigan akong katulad mo pero hindi ba masyado nang sobra?"

"I'm not too much. They deserve what they've got." sabi ko nalang at napairap bago umalis.

Continue Reading

You'll Also Like

42.6K 1.2K 40
When the two leaders of the Gang meet. What will happen if the two leaders of the Gang meet? Enemies turn into lovers or lovers turn into enemies?
CONSUME By [ Mary ]

Mystery / Thriller

178K 5.7K 19
There's something odd about the town's most beloved police officer, he is utterly obsessed about a girl and will go to any lengths to have her.
102K 23.4K 88
Title - Dangerous Personality Author - Mu Gua Huang MC- Xie Lin x Chi Qing Chapter 161 + 2 extras ထူးဆန်းသည့် ပြန်ပေးဆွဲမှုတစ်ခုအပြီးတွင် ချီချင်းတစ်...
1.1M 26.2K 26
Kendall Keating doesn't care much for politics. Which is why she is hesitant to go to Castle Cahill for two months to help her Alpha father secure a...