Hurts so Good [✓]

By selimwarrior

40.6K 1.1K 249

📖 Read Jigsaw Hearts then Love Scars before reading this if you don't want to be spoiled 📖 [Labruska Twins'... More

SYNOPSIS
Author's Note
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
EPILOGUE
Author's Note

CHAPTER 24

887 24 3
By selimwarrior

Chapter 24

Hurts so Good

Selim Warrior

Savi.

"It's twins!" Masayang anunsiyo sa akin ng Ob-gyne ko.

Natulala ako at natahimik naman si Lux at Koko sa tabi ko. Sila ang sumama sa akin para sa check-up ko. Anim na buwan na akong buntis at ilang buwan na lamang ang hihintayin namin at manganganak na ako. Kapansin-pansin ang laki ng tiyan ko kaya naman naisipan na namin na magpa-ultrasound para malaman namin ang gender ng anak ko.

Tumikhim si Koko. "Are they both girls?" Pagbasag niya ng katahimikan.

Ngumiti lamang si Dra. Galvez. "Nope. You're lucky since it's a boy and girl."

Doon na umawang ang labi ko at nangilid ang luha sa mga mata ko. Magiging ina na talaga ako. Naramdaman ko ang marahan na pagpisil ni Lux sa balikat ko.

"Parang tayo lang." Bulong niya sa akin at nalaglag na nang tuluyan ang luha ko.

"Congrats, Savi." Malambing at sinserong sabi sa akin ni Koko.

"Pwede na nating isipan ng pangalan." Natatawang sabi ko sa pagitan ng pagluha ko. Napupuno ng saya ang dibdib ko. Kahit sa kabila ng mga nangyari, ang batang dinadala ko lang sa sinapupunan ko ang pinagkukunan ko ng lakas. Sinong mag-aakala na hindi lang pala isa kundi dalawang bata ang iniwan sa akin ni Deus?

"Mom and Dad will be happy to hear this. Sa lahi natin ang kambal eh."

Pinunasan ni Lux ang luha sa mga mata ko. "I'm excited to meet my niece and nephew."

Pagkauwi namin ay binalita agad namin ni Lux kay Mom and Dad ang magandang balita. Expected ko na talaga ang maraming handa na nakahain sa lamesa namin pagdating ng lunch para mag-celebrate.

"Oh my gosh! Congrats, Savi! Excited na talaga akong lumaki iyang mga anak mo. Kung another pair ba naman ng Lux at Savi, sinong hindi matutuwa?" Ani ni Taylor sa kabilang linya.

Tinawagan ko kaagad siya pagkatapos kumain ng buong pamilya namin. Hindi naman mawala ang ngiti sa labi ko habang nakikipag-usap sa kaniya.

"Sobrang natutuwa rin ako ngayon. Kinakabahan din ako."

"Sus, ang sabihin pala natin ang galing ng Ama nila! Grabe ang bilis ng mga alagad niya at dalawa ang nagsurvive."

Ngumiwi naman ako. Hindi ko rin maipagkakaila na may katotohanan ang sinabi niya dahil isang beses lang naman na may nangyari sa amin ni Deus pero twins agad ang binunga ng pangyayaring iyon.

"See you tomorrow." Pagpapaalam ko sa kaniya. Dadalaw rin naman siya dito sa bahay.

"Good night."

Pagkababa ko ng tawag ay ang saktong pagbukas ng pintuan at pagpasok nila Mom and Dad sa kuwarto ko.

"Mom, Dad." Tawag ko sa kanila. Umupo naman sila sa kama ko.

Bumuntong-hininga si Mommy. "So anong plano mo pagkatapos mong manganak?"

"Babalik ako sa trabaho, Mommy. Tiyaka kung may chance na maging actress ako sa isang movie, this time gagawin ko na talaga."

Napatango si Daddy sa akin. "Mabuti iyan. Isasama namin sa mga business trip iyong kambal mo."

"Hmmm? Baka hindi muna pala. Magiging hands-on muna ako sa kanila kahit isang taon lang tapos pwede ko na silang iwan-iwan sa inyo. I'm also planning to have my own business. Magiging single Mom ako at wala akong planong umasa na lamang habang-buhay sa career ko bilang isang modelo."

"Ayaw mong tulungan si Lux na mag-manage ng business natin?" Tanong ni Mommy. Matagal na nila akong kinukumbinse doon pero hindi talaga ako interesado.

Umiling ako. "Kay Lux na lang iyon, Mommy. Tiyaka masiyado ng mabait si Lux dahil kahit wala akong ambag sa kumpanya ay may pera akong natatanggap sa bangko."

Natawa naman nang mahina si Mommy at Daddy. Alam na alam nila kung gaano kaganda ang relasyon naming magkapatid. Bagama't madalas kaming mag-away noong bata pa kami ay alam naman nila na napaka-protective ni Lux sa akin. Kahit na mas matanda ako sa kaniya ng ilang minuto ay mas matured pa ito kaysa sa akin.

"Mahal na mahal ka ng kakambal mo. Sana ganon din ang magiging anak mo, lumaki rin sana silang may malasakit sa isa't isa."

Sana nga.

"Pinuntahan niyo lang ba ako dito para tanungin ang plano ko?"

"Gusto ka lang namin na tanungin at tiyaka hanggang ngayon talaga ay hindi pa rin ako makapaniwala na magkaka-apo na kami. Siguro parang anak lang namin iyang mga anak mo. Tingnan mo kung gaano kami kabatang tingnan ng Daddy mo."

Humilig pa si Mommy sa balikat ni Daddy at inakbayan naman siya nito.

"Noong bata ako, lagi kong sinasabi sa sarili ko na sana makahanap ako ng lalakeng katulad ni Daddy pero nagkamali ako. Sana pala hindi na lang ako naghanap, hinintay ko na lang sana." Dismayadong sabi ko.

"Marami ka pa namang makikilala." Sabi ni Daddy.

"Parang ayoko na, Dad eh." Nakangiting sabi ko pero alam ko sa sarili ko at napag-isaip-isip ko na okay lang sa akin na wala na akong mahanap pa.

Huminga nang malalim si Mommy. "Hmmm, sigurado ka ba diyan? May mga lalakeng ayos lang sa kanila iyong babae kahit may anak na. Tiyaka hindi lahat ng lalake kasing-gago ni Deus."

Mahina akong natawa sa itinawag ni Mommy kay Deus. Sa mahigit dalawang buwan na hindi kami nagkikita, narealize ko na may pagkukulang kami parehas. Mabuti nang hindi magtagpo muli ang landas namin dahil hindi talaga kami para sa isa't isa. Unti-unti ko ng natatatanggap ang bagay na iyon.

Tanging ang kambal na lamang ang nag-uugnay sa aming dalawa.

"Ayoko na ulit, Mom. Natatakot na ako eh."

"It's alright. Alam mo naman sa sarili mo kung kailan ka magiging handa ulit na pumasok sa isang relasiyon. Hindi ka naman namin pinipilit ng Daddy mo."

Tumango ako. "Sa ngayon, gusto ko na lang munang mag-focus sa kambal."

"Good luck, Princess." Sabi sa akin ni Daddy at bahagyang ginulo ang buhok ko bago inaya si Mommy na matulog na rin.

Hihiga na sana ako nang mag-vibrate ang cellphone ko.

Kinuha ko iyon at natigilan nang makita ko ang pangalan ni Riex sa caller ID. Huminga muna ako nang malalim bago sinagot ang tawag.

"What?"

"That's so cold, Savi."

"Anong kailangan mo sa akin, Riex? Matutulog na sana ako pero tumawag ka." Ayoko siyang makausap. Naiilang akong kausapin siya dahil kaibigan siya ni Deus.

"Deus is so stubborn. Simula nang umalis ka ay nagfocus na rin ito sa trabaho niya. Halos hindi na umuwi, nag-aalala na rin sila Tita. Gusto ka niyang kausapin pero bugbog aabutin niya sa kakambal mo."

"Ayaw ko rin naman siyang kausapin. Tapos na kami."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Riex. Pilit ko lang naman na pinapatatag ang sarili ko at ayoko na talagang ipagsiksikan pa ang sarili ko kay Deus. Hindi na ako ulit magmamakaawa sa kaniya.

"Anak niya pa rin ang dinadala mo."

"Tumawag ka ba para lang ma-stress ako? Kasi kung oo, ibaba ko na ang tawag na ito." Masungit na sagot ko sa kaniya. Ayoko ng makarinig pa ng mga bagay na maaring magtulak sa akin para makaramdam ng awa kay Deus.

"Hey, wait! Can you meet me some other time?"

Kumunot ang noo ko. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko mula sa kaniya.

"At bakit naman ako papayag na makipagkita sa'yo?"

"I'm hurt, Savi. Friends tayo pero ang cold ng treatment mo sa akin. That's unfair." Bakas ang pagpapaawa sa boses nito.

Bumuntong-hininga naman ako. Nagtitimpi ngunit malapit ng sumabog. Hindi ko maintindihan kung anong gusto niya sa akin at kinakausap niya ako ng ganito.

"Hindi ako pwedeng lumabas-labas ng bahay ng walang kasama. Maselas ang pagbubuntis ko pero kung magpupumilit kang makita ako, ikaw na mismo ang pumunta dito."

"Alright."

"Naiinis ako sa'yo, alam mo ba iyon?"

Natawa naman siya sa kabilang linya.

"Wala akong nakikitang mali. Kinakamusta lang kita. Ganon ka ba talaga ka-ilang na kausapin ako dahil lang sa kaibigan ako ni Deus?"

"Naiirita ako, tigilan mo na rin ang paulit-ulit na pagbanggit sa pangalan niya. Nag-uusap lang naman tayo dati dahil lang rin sa kaniya kaya hindi talaga kita totally na tinuturing na kaibigan."

"I know, tinulungan naman kita noon sa kaniya."

Wala akong nagawa kundi bumuntong-hininga ulit.

"Riex, ayoko na. Kung pwede lang burahin sa alaala ko si Deus ay ginawa ko na. Huwag mo na akong pahirapan pa."

Sandaling katahimikan ang dumaan sa pagitan namin.

"I'm really worried, Savi. Not to my bestfriend but to you." Sinserong sabi nito.

Bahagyang tumaas ang balahibo ko sa paraan ng pagkakasabi nito.

"Riex..."

"I'm serious. I just want to know that you are doing well without him. Feel my sincerity towards you, Savi. I'm good just by being friends with you so please, don't take it away from me." He begged.

The heck, Riex? Bakit iba ang nararamdaman ko sa mga sinasabi mo?

Continue Reading

You'll Also Like

40.9K 910 79
Francisco Jason Buenaventura ,Jr A.K.A Francis the killer is One of the Great Criminal dahil dito lahat ng tao masama ang tingin sa kanya and they ju...
3M 183K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
684K 14.4K 55
The untameable Kira Fuentes is vocal about her affection towards the young Cadmium Harris, an engineer. She tries to impress the guy with her wild an...
9.1K 277 62
Kaizer Colton is the king of racing. He's ruling the racing world. He has the fame, the powerfull name, the perfect face and the wealthy life. But th...