Life-Note | COMPLETED

By dustlesswriter

6.3K 826 35

"Write the name of the person who is dead and they will be brought to life" A group of college students playe... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
LIFE-NOTE TRAILER

CHAPTER 16

131 20 2
By dustlesswriter

CHAPTER 16

"Ceasefire! Ceasefire!" paulit-ulit na sigaw ng nakablind-fold na si Brixx habang ang paa't kamay naman ay nakagapos. Nakaupo siya sa bangko at sa baba niya ay ang umaalingasaw na patay.

Napangiwi ako at napatakip ng ilong. Ganoon rin ang ginawa ni Maureen.

"Tangina! Ayaw ko na rito, mamatay na ako!" sigaw pa niya kaya binatukan ko siya ng pagkalakas-lakas para tumigil sa ginagawa. Tumahimik naman siya.

"Debby?" tanong niya kaya nagkatinginan kami ni Maureen.

"Paano tayo nakakasiguro na si Brixx pa iyan? Alalahanin mo, may mga patay na nagsasalita," bulong ni Maureen kaya nakakunot kong kinilatis si Brixx na ngayon ay pilit kaming sinisilip kahit naka-blind fold pa.

"Anak ng tokwa naman, oh. Bilisan n'yo at pakawalan n'yo na ako rito bago pa bumangon ulit 'tong bangkay na kasama ko!" bulyaw niya dahil sa pagkainis.

Tiningnan ko ang suot niya. Ganoon pa rin ang pajama niyang navy blue. Okay pa rin naman ang kulay ng balat niya at nakakainis pa rin ang hitsura niya.

"He's no dead," sabi ko at bago pa ako tuluyang pigilan ni Maureen ay tinanggal ko na ang blindfold ni Brixx. Tumambad ang takot na takot niyang mga mata at tiningnan kaming dalawa.

"Baka gusto n'yo munang tanggalin 'tong pagkakagapos ko kasi kanina pa ako rito kasama ang bangkay na 'yan!" asar na sambit niya kaya napataas ang kilay naming dalawa ni Maureen.

"Sabihin mo muna, salamat Shopee," asar ko pa at tinalikuran siya upang usisain ang buong bodega.

"Gago! Hindi ako nagbibiro," mura niya.

Pikon.

"Sinong nagkulong sa'yo rito?" tanong ko pa habang niluluwagan  ni Maureen ang gapos niya.

"Ang mga potanginang parak na 'yon. Dumiretso ako kanina rito para isumbong na hinahabol ako ng mga patay, pinagtawanan lang ako. Ang nakakabuwiset pa, pagkatapos silang atakehin ng mga zombies na habol ng habol, kinulong pa nila ako rito kasama ang bangkay na 'yan! Tangina nila, ibabaon ko sila sa hukay," tiim-bagang na pagkukwento ni Brixx kaya nilingon ko siya at tinutok ang flashlight sa bangkay na nasa paanan lamang niya.

"They're not zombies. They don't even eat brains," sagot ko.

"Ah, baka kasi wala kang utak kaya nilagpasan ka," sarkastikong pambabara niya kaya sinamaan ko siya ng titig.

"Brixx, Debby is serious. Hindi sila kumakain ng utak. They just want to stab us to death," paliwanag ni Maureen pagkatapos maalis ang lubid na nagtatali sa kamay at braso ng mokong. Hinamas-himas ni Brixx ang pulso na ngayon ay may sugat na sa sobrang higpit ng pagkakatali.

He should be thankful. Mga babae pa talaga ang sumagip sa hinayupak niyang buhay.

"Kung ganoon, anong tawag sa kanila?"

"We don't know either," sagot ko na lamang at namayani ang katahimikan sa pagitan naming tatlo.

"They tortured the person they're up to. Gaya ng nangyari kina DJ at Ferry," dagdag ko pa kaya hindi mapigilan ni Brixx na manlaki ang mata sa gulat.

"P-patay na si DJ?"

"His damn priest stab him with a cross."

"And you didn't even save him?!" bulyaw niya sa akin kaya napalingon ako.

"Bakit parang kasalanan ko pa? Siguro kung ikaw ang nasa katayuan ko, iisipin mo rin naman ang sarili mo. Makasarili ka rin di'ba?!"

"Tama na, guys! Pwede ba? Can you just control your temper? Hindi ito ang oras para mag-away!" suway sa amin ni Maureen kaya parehas kaming natahimik. Naihilamos na lamang ni Brixx ang palad sa kanyang mukha at napaupo muli. Alam kong masakit para sa kanya ang mawala si DJ dahil malapit niya itong kaibigan.

I can still remember it. He told me to save myself. He told me to run. That was the selfless DJ I have seen for the first and last time. Napaiwas ako ng tingin. May kasalanan rin naman ako. Wala man lang akong ginawa para tulungan siya. I'm so selfish and coward.

"Nasaan ang iba?" pagbasag ni Brixx sa katahimikan. Napatikhim si Maureen at napatingin sa akin.

"Hindi namin alam kung nasaan sila. They're still missing and we need to find them. Mas mabuting magkasama-sama tayo para maprotektahan ang isa't isa," sagot ko. I can't imagine the ten of us will be killed by those deads. Hindi ko rin alam kung ilan na lang kaming natitira. Ferry and DJ were dead. Trinity, Cyrus, Gian, Zach and Stephanie were still missing.

Ang tanging magagawa na lang namin ngayon ay hanapin ang iba pang natitirang buhay na kasamahan. Dati sinasabi nila na dapat katakutan ang mga buhay kaysa sa mga patay. Paano naman kung patay na kumikilos bilang mga buhay ngayon? Fuck. I can't die in the hand of those freaking corpses.

"What are we going to do now?" walang kaide-ideyang tanong sa amin ni Maureen kaya naigala ko ang paningin sa buong bodega.

"Gather weapons. We need to find the others, get the Life Note and burn it as soon as possible," paliwanag ko at siniyasat ang mga matitibay na bagay sa loob ng bodega na pwede naming magamit laban sa mga bangkay na iyon.

"Nababaliw ka ba? Nanganganib na nga ang buhay natin tapos hahanapin mo pa ang pesteng notebook na 'yon?" Asar akong napatingin kay Brixx dahil sa sinabi niya.

"No one told you to believe me. I will stand with my belief. That notebook has a curse and now we're all in trouble. If you don't want to deal with us, then go out with your ass alone and deal with that fucking deads. I don't care!"

Agad akong naglakad paakyat ng hagdan at akmang babalik na sa mismong opisina ng presinto nang magsalita siya kaya napatigil ako.

"Fine. Sasama ako sa inyo," mahinahon na niyang sambit kaya napabuntong-hininga ako at napasulyap kay Maureen. Sasama rin naman pala ang mokong.

"Pero bago 'yon, daan muna tayong convenience store. N-nagugutom na kasi ako," aniya at napaiwas ng tingin. Sa puntong iyon ay nakarinig na rin ako ng pagkulo ng tiyan nila at paghapdi naman ng sikmura ko.





"Walang tao? Nasaan ang cashier?" takang tanong ni Brixx at agad tinulak ang pinto ng 7/11. Tulad ng presinto ay tahimik rin ang convenience store na dati-rati'y puno pa ng costumer ng ganitong oras.

Pinasok namin ito at dire-diretso kami sa estante ng mga biscuits, crackers at bottled water. May ilang hanay roon na gulong-gulo na at parang hinalughog na naman. Parang may nagnakaw.

Pinulot ni Maureen ang mga nagkalaglag na crackers at inayos ulit ang hanay nito.

"Don't bother to arrange it, Maureen. No one cares about you being a good citizen of Lyn Ville now," ani ko kaya napakamot naman siya sa ulo.

Kahit walang nagbabantay ay agad na akong humablot ng isang bottled water at ibinuhos sa nanlalagkit kong katawan ang laman nito. Halos mapapikit ako dahil sa preskong dala nito pagkabuhos pa lamang.  Napangiwi naman si Maureen habang tinitingnan ako.

"Hindi kaya maaresto tayo ng guard dahil hindi tayo nagpapaalam?" tila kinakabahan niyang tanong sa akin na ang tinutukoy ay ang illegal kong pagbukas ng bottled water na hindi pa napa-punch ng cashier.

"Bakit pa tayo magpapaalam? Nawawala nga sila, eh. Tingnan mo, kahit saan wala kang makikitang normal na tao. Hindi mo sigurado kung buhay pa ba 'yong kaharap mo o bangkay lang na bumangon mula sa hukay. Tss!" Biglang lumitaw sa pagitan ng mga estante si Brixx na punong-puno na ang bibig habang kumakain. Yakap niya ang isang bote ng softdrinks habang sa kaliwang kamay ay ang malaking chips.

Tumalikod ako upang ibuhos nang tuluyan sa mukha ko ang natitirang laman ng bote. Naghilamos na rin ako dahil puno na ako ng tuyot na putik. Nakita ko naman si Maureen na lumapit sa isang vendo machine at kumuha mula roon ng softdrinks in can.

"Catch!" aniya at ibinato sa akin ang isa. Nasalo ko naman ito.

"Thanks!"

Mayamaya ay natigilan kami nang may marinig na kalabog. Agad akong napahawak sa bitbit kong baril habang sina Brixx naman ay pinakiramdaman ang paligid.

"Naririnig n'yo?"

Nagkatinginan kaming tatlo nang marinig ang isang pagsinghot at pagkahulog ng mga bote sa kabilang estante. Sinilip ako ang likurang bahaging iyon at nanlaki na lamang ang mga mata ko.

"Stephanie?"

"Steph? Oh my gash!" bulalas ni Maureen na sumunod pala sa akin.

Sa mismong pagsilip ko ay nakita ko si Stephanie na nakaupo sa maruming sahig habang abala sa pagkain. Puno pa ang bibig nito nang mapatingin sa akin. Tulad namin, marungis rin ang mukha niya at gulo-gulo ang buhok. Sa paanan niya ay ang Life Note na kanina pa namin hinahanap.



***

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 88.2K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
20.2M 452K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...
1.9M 103K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...
1.9M 106K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...