Demigoddess - Daughter of Had...

Oleh erinedipity

283K 9.8K 2.4K

Demigoddess Trilogy - 3/3 ☠ Papa rules the Underworld. The only thing you need to know about that place? No w... Lebih Banyak

Demigoddess - Daughter of Hades
i. distraction
ii. big three
iii. fishing
v. river styx
vi. underwater
vii. party
viii. calamity
ix. touch
x. true strength
xi. love and death
xii. fields of asphodel
xiii. grief
xiv. conductor
xv. tattoo
epilogue

iv. helping hand

15.6K 585 345
Oleh erinedipity

iv. helping hand

"Pa, alam mo ang judgmental mo talaga," sabi ko kay Papa habang umiinom ng orange juice sa harapan niya. 

"I'm saying the truth, Adelyda." Komento ni Papa with his super bored tone. Wow, tinawag pa 'ko sa full name ko. Kung mukhang galit si Papa baka kumaripas na 'ko ng takbo paalis sa lungga niya pero mukhang wala lang talaga siya sa mood. 

Anong meron? Sad life ba kasi wala 'yung bebe girl niya? Hahaha! Hindi ko na kasi nakikita si Goddess Persephone dito, dapat nandito siya pero bakit wala? Nakakamiss 'yung mukha niya kapag nakikita niya 'ko eh. Alam mo 'yung hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon na nagawang maglandi ni Papa outside the Underworld? Hahaha! Hindi niya matanggap na nagkaroon ng iba si Papa. 

Anyway, nagpahatid ako kay Night sa sementeryo (kasi nga 'di ba may passage dito papuntang Underworld. Yes I know, ang saya-saya 'di ba? Si Stacy sa dagat tapos si Dani sa clouds pero ako nalusot sa mga kabaong grabe ang saya-saya talaga. I feel the love, Pa.) 

Ayon, mga forty-five minutes din kaming nagusap ni Cato sa phone. Nahiya pa nga ako kay Night kasi ang tagal niyang naghintay (ewan kung bakit pa siya naghintay) sa'kin. Panay 'yung sorry ko as in buong trip puro sorry lang lumabas sa bunganga ko. Narindi siguro si Night 'non? Haaay... anyway, nagtagal lang naman 'yung usapan namin ni Cato kasi panay ang hinto niya sa pagsasalita (nagsorry rin siya actually). Para bang hindi niya magawang masabi kasi nahihiya siya? Ang cute. Ares kid na nahihiya magsalita sa phone hihihi.

"You think that date will save your dying relationship?" Bored pa ring tanong ni Papa sa'kin at with full emphasis pa nung word na 'dying'. What a loving father indeed.

Yep, niyaya ako ni Cato sa isang date. Hindi niya binigay sa'kin 'yung full details basta ang sabi niya susunduin niya na lang daw ako mamaya. Kanina ko pa nga kinakalma 'yung sarili ko dahil sa excitement eh. Nawala bigla 'yung tampo ko sa kanya nung narinig ko 'yung boses niya. Nakakainis pero anong magagawa ko? Ganon talaga. Pag-ibig, friend. Pag-ibig. 

"Pustahan," panimula ni Papa atyaka umabante kaunti mula sa upuan niya na para bang interested na siya biglang makipagusap sa'kin. "Kapag nakakita siya ng mga nagrarambulan, makikisali 'yun tapos iiwanan ka na kahit kasagsagan pa ng date niyo," wika nito sa'kin sabay ngisi.

Nafe-feel niyo ba 'yun? Ang positive ni Papa 'no? Grabe. 

"Alam ko Pa, wala 'yung love of your life dito kaya ako pinagdidiskitahan mo," bwelta ko naman sa kanya para maalis na 'yung topic sa'kin since hindi naman siya nakakatulong.

"Nandito siya, ayaw ka lang talaga niyang makita," mabilis na sagot sa'kin ni Papa. 

"Well, pakisabi salamat kasi ayoko rin siyang makita," sagot ko naman sa kanya sabay execute ng sobrang lawak pero pekeng ngiti. "Alis na 'ko para makapaglampungan na kayo nung asawa mo," paalam ko sa kanya atyaka na nagsimulang tahakin 'yung daan palabas ng Underworld.

Binisita ko lang naman si Papa para gumaan 'yung pakiramdam ko ng unti (syempre hindi sapat 'yung nakausap ko si Cato syempre minsan namimiss ko rin si Papa). 'Yung ibang deities ayaw siyang nakikita kasi ang gloomy niya pati na rin 'yung atmosphere kapag nandyan siya (at nakakahawa raw 'yun) pero para sa'kin, there's a sense of familiarity to it. It's like we both have that 'gloomy aura' and it's somewhat comforting because you know you're not the only one. Si Papa lang nakakapagparamdam sa'kin nun kaya kahit papaano gumagaan 'yung pakiramdam ko 'pag nakikita at nakakausap ko siya.

Kahit palagi niya lang kinokontra 'yung relasyon namin ni Cato. Ewan ba run sa tatay kong 'yun. Ganon siguro talaga ang mga tatay, overprotective sa mga babaeng anak nila.

* * * * * * * * *

Pagkauwi ko ng bahay eh nadatnan ko sina Neon at Dani na magkadikit habang nanunood ng movie. Ewan kung nanunood ba talaga silang dalawa o ang isa't isa ang pinapanood nila. Panay kasi tinginan nila eh. Hindi na lang ako nagpahalata na dumating na 'ko para hindi ma-istorbo 'yung pagla-loving-loving nila. Pumunta ako agad sa kwarto as fast and as quiet as possible. 

Bubuksan ko na sana 'yung blog ko nang biglang may kumatok sa pinto ko. Agad naman akong nagtungo para buksan 'yun. Pagkabukas ko eh tumambad sa'kin 'yung magandang ngiti ni Dani. Grabe talaga si Neon, champion mamili eh 'no?

Nginitian ko rin siya pabalik bago magsalita.

"Hello," bati ko sa kanya.

"Uhmmm hi kamusta," mabilis na sabi ni Dani na parang hindi naman talaga siya interesado kung kamusta ako atyaka na nagsalita ulit. "Gusto ko lang sabihin na kung magkaron man kayo ng problema ni Cato or something... alam mo na kung nagbreak kayo ganon hihihihi," maingat na maingat na pagkakasabi nito sa'kin. "Kapag single ka na, ako una mong tawagan. May irereto ako agad sa'yo at sobrang yummy--este, bait niya," masayang-masayang sabi nito sa'kin.

Okay. Weird. 

Ano 'to powers niya na ring manghula? Alam niya na kaagad na magkakaproblema kami ni Cato kaya pinapangunahan na niya 'ko ganon? Ewan ko kung ano talagang motibo ni Dani sa pagsabi nito sa'kin pero sure akong hindi ko 'to kailangan ngayon at hindi kakailanganin kailanman. Oo, hindi ako sure kung hanggang kailan kami ni Cato pero sure akong siya na. Kung maghihiwalay man kami o kung ano man, wala na sigurong susunod pa.

"Okay? Thank you?" Patanong kong sabi sa kanya atyaka na siya nagpaalam sa'kin at bumalik sa sala.

Humiga ako sa kama atyaka na nagpahinga. 

* * * * * * * *

Late na 'ko nagising. Mga alas nuwebe na rin 'non. Nung una na-disappoint ako kasi hindi ko man lang narinig na nasa labas 'yung boyfriend ko pero pagkasilip ko sa bintana andun na siya sa labas at nakasandal sa isang lumang sasakyan.

Wow, wait. Bakit hindi man lang niya pinaalam na nandyan na pala siya? Hala, baka kanina pa 'to naghihintay? Omgs.

Mabilisan akong nagayos atyaka dali-daling lumabas ng bahay. Wala na run 'yung dalawang lovebirds (siguro hinatid na ni Neon si Dani) kaya mas binilisan ko pa 'yung takbo. Pagkalabas na pagkalabas ko eh inayos agad ni Cato 'yung tindig niya. Napansin ko agad na parang wala na siyang kahit anong sugat o pasa. Hindi ba siya nakipagaway (wow seryoso ba 'to napigilan niya?) or mabilis lang talagang gumaling? 

Ngumiti siya sa'kin. Nanatili lang kami rung nagtitinginan tyaka nagngingitian pero nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin. Akala ko makakaramdam ako ng sobrang sakit ng katawan pero wala ako ni isang sakit na naramdaman. Wala, as in zero. 

Bakit ganito? Anong nangyari? 'Di ba dapat...?

"I've always wanted to do this," bulong nito sa'kin atyaka pa hinigpitan 'yung pagkakayakap niya. 

Wow. 

Hindi ko inaakalang darating pa 'yung araw na 'to. I mean, nung pumasok ako sa ganitong relasyon expected ko na na walang hugs, kisses, holding hands... tanggap ko na na hanggang pangarap na lang lahat 'yun pero ito... hindi ko talaga inaasahan. Si Papa lang nakakayakap sa'kin. Huli pa niyang yakap eh nung ten years old ako. Ilang taon na 'ko ngayon? Seventeen. Kaya grabe, ngayon na lang ulit.

Hindi na ako nagisip ng kung ano pa't niyakap na lang din siya pabalik. Ewan ko kung tulog pa 'ko ngayon at panaginip lang lahat ng 'to pero at least 'di ba? Nasulit ko. 

Gods.

"How?"Ang tanging natanong ko lang sa kanya nung humiwalay na 'ko sa pagkakayakap sa kanya. Ayoko pero kailangan kasi talagang magtanong. Wala namang ibang gagawa nun kundi ako.

"Ambrosia," sagot nito sa'kin sabay ngiti. 

"How much did you take?" Alalang-alalang pagkakatanong ko sa kanya.

Okay naman 'yung ambrosia eh. Parang vitamins para sa mga demigods. Isang patak sa isang araw pero kapag nasobrahan mo? Patay ka--as in literal. May mga ibang demigods na naadik na run, seryoso. Lahat sila nasa Underworld na ngayon.

"Just enough to touch you," sagot nito sa'kin sabay hawak sa kanang pisngi ko. 

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Gusto ko siyang pagsabihan pero, ginawa niya 'yun para sa'kin. Think about it, he took the risk. Kapag nagkamali siya sa dami pwede siyang ma-deads pero ginawa niya pa rin. Para rito, para sa'kin.

Sobrang saya. Hindi ko man ma-explain ng maayos sa inyo, isipin niyo na lang nakita niyo 'yung pinaka-idol niyo sa buong universe tapos nginitian niya kayo tapos niyakap ganon... ewan pero sobrang saya talaga.

"Ano 'yan?" Tanong ko sa kanya sabay tingin dun sa sasakyan sa likod niya.

Luma na 'yun sasakyan. Vintage pero maganda. Maroon na car-truck hybrid na may mga bed sheets, kumot at unan sa pinakadulo ('yung dun sa mismong truck part ba basta run hihi). Iniisip ko pa lang si Cato na inaayos 'yan gusto ko na siyang yakapin ng sobrang higpit dahil sa tuwa ko sa kanya.

"Chevrolet El Camino," saad nito sabay tingin din sa sasakyan. "Tatlong beses akong nakipagbugbugan sa arena para mabili 'yan. Secondhand pero pwede na rin," paliwanag nito sa'kin. 

"What about those bed sheets?" Tanong ko ulit atyaka ko itinuro 'yung mga kumot at unan.

"I know you like stars and you love the moon so I thought we should go see them together," he explained and then took my hand. 

"Pero hindi ka masyadong mahilig sa stars," rason ko sa kanya.

"No. There's nothing special about them," dali-daling sagot nito. "But I got my real star right in front of me," atyaka niya 'ko hinila palapit sa kanya at niyakap ako ulit. Naramdaman ko 'yung labi niya sa noo ko kaya mas lalo akong napangiti.

Natutuwa ako sa inaasal ni Cato ngayon. Halatang-halatang bumabawi siya eh.

Kung ito man 'yung last day ko rito sa earth? Well, last day well spent hihihi.

* * * * * * * * *

; m e a n w h i l e ;

"You like her, Night. I'm your bestfriend, for crying out loud!" Pagpupumilit ni Dani habang nakapameywang sa harapan ng matalik niyang kaibigan. Patuloy naman ang pagiling ni Night na pilit pa ring itinatanggi ang katotohanan. "You look at her like she's a freaking goddess. And if Goddess Aphrodite wants to approach you, she has to look like Yda to capture your attention.

"I can't like her!" Sigaw ni Night sa kaibigan sabay tayo mula sa sofa.

Hindi niya sinasadyang sigawan si Dani pero wala na siyang ibang matagpuang ibang demigod o tao na makakaintindi sa pinagdadaanan niya kundi ang bestfriend niya mismo.

Dani knows him too well. At kung may puntos lang lahat ng sinabi niya kanina? Panalong-panalo na siya.

"Boyfriend pa lang niya 'yun atyaka nagkakaproblema sila ngayon kaya dapat sinasamantala mo 'yung pagkakataon!" Wika sa kanya ni Dani. 

Pagkauwi pa lang ni Dani mula sa bahay nila Neon eh nadatnan niya na kaagad sa labas si Night. Gustong-gusto niya na sanang magpahinga pero mas kailangan siya ng bestfriend niya ngayon kesa ng kwarto niya kaya andito siya ngayon at ginagawa ang lahat ng makakaya para matulungan ang kaibigan. 

"You know I'm not like that," mahinang sabi ni Night. "I'm sorry, Lightning. Pwede ka ng magpahinga," saad ng binata sabay labas ng bahay nila Dani.

Night felt sorry for his bestfriend. He knows she's tired but he still continued to wear her out. Hindi niya lang talaga kasi alam ang gagawin. Simula nung makita niya si Yda, hindi niya na ito makalimutan. He knows he has to have her. The problem is, she's already taken. Ganun pa man, hindi pa rin mapigilan ni Night ang lumalalim na pagtingin nito para sa kapwa demigod. 

Naglalakad siya habang naghihintay ng masasakyang taxi nang biglang sumulpot sa gilid niya't sinabayan siya sa paglalakad. Pagkatingin niya eh nagulat siya dahil nasa tabi niya ngayon ay ang babaeng gusto niya at prinoproblema. Yda Moran.

"Yda?" Hindi makapaniwalang tanong nito. 

"You are ruining my ego, son." Sagot nito sa kanya atyaka na biglang nagbago ang anyo nito't naging isang blonde na super gandang babae. "Gods, Dani's so right I hate her," maarteng pagkakasabi ng deity.

"Goddess Aphrodite," sabi ni Night. Gusto niyang kumaripas na lang ng takbo at iwanan ang deity na 'yun dahil alam niyang walang maidudulot na maganda ang pakikipagusap sa kanya pero naisip niyang wala ring saysay kung aalis siya dahil masusundan at masusundan din siya nito. 

"You like Yda but she has a boyfriend," agad-agad na sabi ni Goddess Aphrodite. "We both know I am very capable of making her yours the question is, would you accept my help?" Tanong sa kanya ng deity.

Hindi alam ni Night ang iisipin niya dahil sa sobrang bilis ng tanong ni Goddess Aphrodite. Matagal siyang hindi nakasagot pero hinintay pa rin siya ng deity. Nakakahilo kasi bigla-bigla na lang susulpot ang Goddess of Love and Beauty sa harapan mo at in-offer-an ka ng tulong. 

"Why would you help me?" Tanong sa kanya ni Night.

"Simple," panimula nito. "Her boyfriend is a spawn of my Ares."

Natawa naman si Night sa sagot niya. "Si Lord Ares hindi pwedeng magka-affair pero ikaw pwede?

"Why, of course! I'm the Goddess of Love!" Proud nitong sagot sa binata. 

Napailing-iling na lang si Night at nagpatuloy sa paglalakad. Ayaw niya na sanang isipin pero hindi maikakailang pinagiisipan niyang offer ng deity. 

"Think about it, handsome! I'll be waiting!" Sigaw ni Goddess Aphrodite sa kanya atyaka tumawa ng pagkalandi-landi. 

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

10.4M 479K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
176K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
1.1M 39.1K 71
Xin Allison is an assassin, but she is forced to attend school to complete her missions. Now studying and living with thirteen mysterious yet incredi...
12.4K 947 105
You can tell a lot about a person by how their stories were written and made. *** Si Iris Euphony Peregrin ang isa sa mga Romance writers na nanganga...