epilogue

17.4K 720 224
                                    

note - thank you thank you sa mga nagbasa at nag-support nitong Demigoddess Trilogy hehehe yayyyy tapos na siya omg okay thank you thank you sa inyong lahat x

________________________________



epilogue

;; y d a ;;

"Mukhang namiss ka ng mga fans mo," sabi sa'kin ni Neon nang makita niya 'yung dino-drawing kong hinintuan ko muna para magcheck ng SNS. Kakarating ko lang sa bahay kahapon. Buong maghapon akong natulog kaya ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong makapag-internet ulit at mukha ngang tama si Neon sa sinabi niya sa mga taong naghihintay sa drawings ko.

"Halos magi-isang buwan na 'kong walang pino-post na bago pero 'yung mga followers ko mas dumami pa ata," nagtataka kong pagkakasabi habang nagi-scroll sa blog ko.

Lumapit si Neon sa akin at umupo sa tabi ko sa kama. Mula sa screen ng phone ko, tumingin ako sa kanya. Nakangiti siya sa'kin at mukhang masayang-masayang nandito na ulit ako. Nung unang dating ko nga rito kahit kakaligo lang niya 'tas ako eh amoy lupa niyakap niya pa rin ako. Tinanong niya nga ako kung patay na rin ba siya't bakit nakikita niya 'ko. Nagkatawanan pero angat pa rin 'yung mga luha dahil sa tuwa. Nagpasalamat din siya kay Cato atyaka pinaalis na niya kasi nga raw gusto niya akong masolo. Hinayaan ko na lang dahil syempre kailangan din ni Cato ng pahinga. Napagkasunduan naming three days kaming hindi makikipagkita sa isa't isa, walang texts or tawag, pahinga lang ng tatlong araw.

Hindi pa rin ako makapaniwalang nandito na ulit ako. Hindi ko inaasahang makakabalik pa rin ako rito sa land of the living. Akala ko forever na 'ko run sa realm ni Papa. Kaya sobrang nagpapasalamat ako kay Cato. Hindi ko nga rin inaasahang magagawa niya 'yun. Masaya ako pero nakonsensya rin. Paano kung hindi siya nagtagumpay sa pagbalik sa'kin dito? Paano kung napatay siya ni Lord Thanatos? Paano kung tuluyan siyang nahulog sa Tartarus? Ang dami-daming what ifs na nagswi-swimming sa utak ko. Habang iniisip ko 'yun, mas lalo lang akong kinikilabutan.

Speaking of 'swimming'... kumusta na kaya si Night? Alam ko hindi naging maganda 'yung huling pagkikita namin. Nung nasa Fields of Asphodel ako, nung mga panahong wala akong magawa kundi magisip, naisip kong may mali rin ako. Sinubukan kong ilagay 'yung sarili ko sa lugar ni Night. Sinubukan kong isipin kung ano bang gagawin ko kung sakaling makita ko 'yung taong mahal ko na nalulungkot at umiiyak. Magsasawalang bahala na lamang ba ako kahit na alam ko sa sarili ko na may magagawa ako? Hindi rin naman ganun kasama humingi ng tulong kay Goddess Aphrodite kahit papano 'di ba? After all, siya pa rin naman ang Goddess of Love. Atyaka hindi rin naman alam ni Night na gagawin ni Calamity 'yung ginawa niya kay Cato. Kung tutuusin dapat si Calamity 'yung dapat na sinisi ko nun eh. Kaso, si Night kasi 'yung nasa harapan ko nun at nung mga panahong 'yun kailangang-kailangan ko ng masisisi.

Kung hihingi kaya ako ng tawad kay Night... matatanggap niya kaya?

"Masayang-masaya talaga akong nandito ka na ulit." Nabalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ng kapatid ko. Nginitian ko siya.

"Thank you for not giving up on me," I told him. Lumapit pa siya sa akin at hinalikan ako sa noo.

Demigoddess - Daughter of HadesWhere stories live. Discover now