v. river styx

15K 536 51
                                    

v. river styx

; m e a n w h i l e ;

Hindi alam ni Night kung bakit hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya ngayon. Nakatingin lang siya sa kanina pa nagngingitiang sina Yda at Cato sa may 'di kalayuang corridor. Gusto niyang matuwa kasi nga nakangiti na ngayon si Yda pero hindi niya kaya. Gusto niya, siya ang dahilan ng pagngiti niyang 'yun. Ang selfish pakinggan at kung pwede nga lang hugutin sa utak niya ang ideyang 'yun eh kanina pa niya ginawa. 

Ang hirap talagang magkagusto sa taken na. Isip-isip ni Night. 

"Night, tatawag na ba 'ko ng ambulansya? Baka mag-collapse ka na lang dyan bigla dahil sa sobrang sakit sa puso?" Bigla-bigla namang sabi ni Dani na hindi niya namalayang nasa gilid na pala niya. Nilingon niya ito. Nakita niya ang nangiinis na ngiti ng matalik na kaibigan. "Sobra ka naman kasi makatingin dun sa dalawa. Tip lang ha, si Cato lang tunawin mo, itira mo si Yda para problem solved ka na kaagad," pabiro nitong sabi. Napailing-iling na lang si Night sa kanya.

Tumalikod na si Night sa magkasintahan atyaka na nagsimulang maglakad. Sinabayan naman agad siya ni Dani. Gusto sanang pagaanin ni Dani ang loob ng kaibigan pero hindi naman niya alam kung paano. 

Matagal na nagisip si Dani ng pwedeng sabihin kay Night hanggang sa magkaroon na ito ng ideya.

"Night-"

"Binisita ako ni Goddess Aphrodite kagabi," sabi kaagad ni Night. Nasayangan tuloy si Dani sa naisip niya pero mabilis siyang naka-recover nang bigla niyang marinig ang pangalan ng deity na least favorite niya. 

"Anong sabi?" Interesadong-interesadong pagkakatanong ng dalaga. 

Doon ay sinimulan ng ikwento ni Night ang lahat ng sinabi ng goddess sa kanya habang buong-buo naman ang atensyon ni Dani sa kanya. 

"Anong sinabi mo sa kanya? Tinanggap mo ba?" Tanong ni Dani pagkatapos magkwento ni Night.

"Syempre hindi," sagot kaagad ni Night. "Nung una hindi ko na sana siya sasagutin pero binalikan ko siya tapos sinabi ko hindi ko kailangan ng tulong niya.

"Omgs! Bakit hindi mo ako ginising?! Eh 'di sana nakita ko 'yung disappointment sa mukha niya nung tinanggihan mo siya!" Bulalas ni Dani na may kahalong panggigigil. 

Tuloy-tuloy pa ang pagdadaldal ni Dani hanggang sa makarating sila sa kanya-kanya nilang mga classroom. 

* * * * * * * * *

Demigoddess - Daughter of HadesWhere stories live. Discover now