Life-Note | COMPLETED

By dustlesswriter

6.3K 826 35

"Write the name of the person who is dead and they will be brought to life" A group of college students playe... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
LIFE-NOTE TRAILER

CHAPTER 13

137 22 0
By dustlesswriter

CHAPTER 13

"SOMEONE WHO HAS DRAWN YOU CLOSE TO GOD"


THIRD PERSON'S POV

Paulit-ulit inalog ni DJ ang hawak na flashlight dahil kumikisap-kisap na ito. Mayamaya ay tuluyan na itong namatay. Halos mapamura naman siya dahil napakadilim. Kasama niya kanina si Brixx pero dahil kapwa nataranta, nagkalihis sila ng direksyon. Ngayon, mag-isa na lamang niyang tinatahak ang maputik na daan. Hindi niya alam  kung saan pupunta.

"Guys?" tawag niya pero umalingawngaw lamang ang boses niya sa paligid. Napayuko siya sa gulat nang lumipad ang isang uwak sa bandang ulo niya.

"Peste!" mura niya dahil sa gulat at tinapon ang pundido nang flashlight. Kinapa-kapa niya sa bulsa ng pantalon ang cellphone. Nakahinga siya ng maluwag nang malaman niyang may natitira pang 5 percent na battery. May magagamit pa siyang pangtanglaw hanggang makarating sa bukana ng sementeryo.

Napakislot siya dahil may naririnig na mga tunog. Parang may naghuhukay na naman. Imbes na manatili sa kinatatayuan ay  mas binilisan niya ang paglalakad.

"Anak ng!" sigaw niya nang makaapak sa malalim na parte ng lupa. Dire-diretso siyang nahulog sa hukay na tila kakatapos lamang tambakan. Pinilit niyang umahon hanggang sa tuluyan na siyang mapasigaw sa takot.

Isang maputik at nanlilimahid na kamay ang ngayon ay nakahawak ng mahigpit sa suot niyang hood. Buhay na buhay ito at pilit siyang hinihigit pailalim. Sa sobrang pagkataranta ay mura siya ng mura. Iwinawaksi niya ang kamay pero ayaw siyang bitawan nito.

"Pvtangina! Lubayan mo ako!" mura niya at mahigpit na hinawakan ang kamay ngunit kabilang kamay naman nito ang lumitaw. Tuluyan na siyang tumili na parang babae.

Sigaw pa rin siya ng sigaw dahil mahigpit siya nitong hinahatak na waring gusto rin siyang isama sa libingan. Pero natigil siya sa pagpapanic nang may mapansin na kakaiba. Sa kabilang pulso ng bangkay ay may suot itong relo na pamilyar para sa kanya.

"D-Debby?" nauutal niyang sambit at agad inalis ang lupang nakatambak sa mukha nito. Tumambad sa kanya ang maruming mukha ng dalaga, may bahid ng dugo at nakabusal pa ang bibig kaya hindi makasigaw.

"Tangina sino ang gumawa sa'yo nito?!"  Nagpakawala lamang ng ungol si Debby na hindi makasagot dahil mahigpit ang busal sa bibig. Sinamaan niya ng tingin ang binata. Otomatikong hinigit siya ni DJ paahon at tinanggal ang busal sa bibig.

Kapwa sila hingal na hingal habang nakasandal sa hukay na medyo malalim na rin. Habol ang hiningang tinanggal ni Debby ang suot niyang jacket. Ang dating puting T-shirt niya, ngayon ay halos magkulay brown na dahil sa putik. Napangiwi si DJ dahil sa hitsura ng dalaga.

"Bakit ganyan ang hitsura mo?" nandiriring tanong niya kay Debby na sinamaan ulit siya ng tingin.

"Ikaw ba naman ang ilibing ng buhay, ano kaya ang magiging hitsura mo noh?" sarkastikong sagot ni Debby sa kanya kaya napakamot siya sa ulo.

"I mean, who did this to you?" tanong pa niya muli.

"There's no time for explanation. Ang mahalaga, buhay pa ako," ani Debby at napahawak sa ulo na nadurugo pa dahil sa hampas ni Maye kanina. "That bullshit walking corpses, I will bury them back to their graves!"

"Ang ulo mo," nag-aalala niyang wika nang mapansin na parang nasasaktan si Debby habang hawak ang ulo.

"It's okay. It's just a mild crack."

"Mild crack amp! Seryoso ka ba?!"

"Let's get out of here. Bago pa tayo tuluyang ilibing ng buhay," aya ni Debby kay DJ at hinatak na ang binata paahon sa hukay na kinabagsakan. Napangiwi na lamang si DJ dahil maliksi na ulit ito na parang walang nangyari. Parang hindi nailibing ng ilang minuto kahit buhay pa.

"Nasaan ang iba? Ayos lang ba sila?" Hindi na mapigilang mag-usisa ni DJ patungkol sa mga kasamahan habang nakasunod lamang kay Debby na kumakapa rin sa dilim.

"That bitch Maye killed Ferry. Maureen and Cy probably reached the open road by this moment. And that fucking selfish idiots named Zach and Gian stole Cy's van! I don't know where are the others," mariing sambit ng dalaga na hindi nililingon si DJ.

"Nagkahiwa-hiwalay kami nina Brixx."

"Where's Stephanie and Trinity?" tanong ni Debby sa kanya.

"Hindi ko alam."

"DJ nasa iyo ba ang notebook?" Napakunot ang noo niya.

"Anong notebook?"

'The Life-Note!"

Bago pa siya makasagot ay lumitaw sa harapan nila ang isang lalaki na nasa edad na limampu. Kapansin-pansin rito ang suot na rosaryo gaya ng suot ni DJ at ang hawak nitong hindi kalakihan na krus.

Nahintakutang napaatras si Debby at napalingon sa nakatulala nang si DJ.

"You know him, don't you?"

"Father Jericho," ani ng maputlang si DJ at halos lumuwa ang mata nang makita ang pari na na buhay pa at humihinga. "I-Imposible," dagdag pa niya na naiiling.

Ngumiti ang pari at pinagsalikop ang mga palad.
"Kumusta, mga anak?" Imposible man ay hindi niya malilimutan ang pari na naglapit sa kanya sa Diyos. Ito ang dahilan kung bakit nagsisimba siya noon tuwing Linggo nang walang palya. Ngunit nang mamatay ito sa hindi malamang sakit, itinigil niya ang nakagawian. Kaya naman nang mabunot niya ang papel na nagsasabing "someone who has drawn you close to God", alam na niya kung kaninong pangalan ang isusulat. Hindi naman niya akalain na magkakatotoo ito.

"D-DJ?"

"Ano?"

"Pagbilang kong tatlo, tatakbo na tayo," sambit ni Debby at unti-unting umatras. Hindi pa siya nakakabilang hanggang dalawa nang hinatak na siya ni DJ pabalik sa dinaanan nila kanina.

"Buhay siya, Debby! Buhay si Father!"

"Shut up your fucking mouth and just run! He'll gonna kill us!" sigaw ni Debby at walang tigil sa pagtakbo.

Mayamaya ay natigil si DJ sa pagtakbo.

"What now, DJ? Magpapakamatay ka ba?" bulyaw rito ng dalaga ngunit alinlangan itong napalingon sa paparating na pari. Humahabol ito sa kanila ngayon.

"Paano kung matutulungan niya tayong makalabas rito?" inosenteng tanong ng tila napa-paranoid nang si DJ. Nasapo ni Debby ang pagmumukha.

"Nimrod! He's not good as what you think! Gaya rin siya ni Maye na pumapatay. Lahat ng sinulat nating pangalan sa Life Note, they're gonna kill us all!"

"Mabuting tao si Father, hindi niya tayo sasakt---"

"DJ sa likod mo!" tili ni Debby. Napatigil sa pagsasalita si DJ at nanlaki ang mga mata. Nanginginig na ibinaba niya ang tingin at nakita ang dulo ng krus sa mismong sikmura niya. Bumulwak ang  dugo mula sa kanyang bibig. Sa likuran niya ay ang nakangising pari habang pilit ibinabaon ang krus sa bandang likuran.

Napatingin siya kay Debby na ngayon ay hindi na makakilos habang nakatitig sa kanya. Bumuka ang bibig niya at sinenyasan ang dalaga.

"R-Run," bulong niya at napasinghap. Kumikirot na ang bandang sikmura niya kung saan nakatarak ang krus. "S-save y-yourself..."

"Run!" sigaw niya at tuloy-tuloy lamang ang paglabas ng dugo mula sa kanyang bibig. Alam niyang kahit tulungan pa siya ni Debby ay wala na rin siyang pag-asa pang mabuhay. Tila kinakalikot ng pari ang lahat ng laman-loob niya gamit ang krus nitong dala. Napangiwi siya sa sakit.

"I said run!"

"I'm sorry!" Agad napaatras si Debby at nagtatakbo palayo sa kaibigan na ngayon ay hawak na ng demonyong pari.

Nanlalabo na ang paningin ni DJ habang pinagmamasdan ang dalagang tumatakbo palayo sa kanya.

"Sabihin mo, nasaan ang iba mong kasama?" tanong ng nakangising pare at dinikit pa ang dila sa tenga ng kaawa-awang binata. Nakakakilabot at malamig ang boses nito na tila galing sa malalim na hukay.

Napaiyak ang binata.

Hindi pa nakontento ang pari at hinugot mula sa sikmura ni DJ ang krus. Itinarak niya ito ng paulit-ulit. Pumalahaw ang binata sa sakit.

Dilat na bumulagta ang katawan ni DJ sa maputik na lupa.

"Napakahangal mo talagang bata ka," ani ng matanda at hinugot muli ang krus. Pinagmasdan niya ang bagay na ito na nababalot na ng malapot na dugo ng binata.

"Nabahiran na ng marumi mong dugo ang sagradong bagay na ito. Tss," wika nito na naiiling.



***

Continue Reading

You'll Also Like

696K 48.3K 74
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...
20.2M 452K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...
8.2K 744 23
MHST Volume 3: ANG BALON - Sa mahabang panahon ng pangangasera ng isang pamilya sa siyudad, malaking surpresa ang pagdatal ng isang biyaya mula sa ka...
211K 13.2K 38
"Forgive me for what I could do . . . when I fall asleep"