Moonlight War (Gazellian Seri...

By VentreCanard

4.9M 341K 135K

Jewella Leticia is not just the Goddess of the Moon, but the new Queen of Parsua Sartorias. *** For Leticia... More

Moonlight War
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
New Story Alert: Incense of the Lotus Flower (Le'Vamuievos Series #1)

Chapter 48

77.4K 6.5K 2.4K
By VentreCanard

Chapter 48

Dagat at pintuan

Nang sandaling tumapak ako sa lupa, hindi ko agad naisip ang lahat ng nilalang na magiging parte ng pakikipagsapalaran ko. Ang tanging nasa isip ko noon ay ang mga lobo at bampira lamang at ang inaakala kong pinakamasakit na kwento sa pagitan nila. Ngunit sa paglalakbay kong ito, unti-unting naglilinaw sa akin ang lahat, na ang kwento'y hindi lang nakatuon lagi sa dalawang nilalang na nagmamahalan kundi pati na rin sa bawat nilalang na nakapaligid sa kanila.

Ang bawat pagmamahalan ay may sariling mga ugat, ugat na konektado hindi lang iilang mga nilalang. Dahil sa larangan ng pagmamahal, hindi lang sa dalawang nilalang umiikot ang lahat.

Ang inakala ng lahat na hidwaan sa pagitan ng mga lobo at bampira'y may mas malalim at masakit palang dahilan. Ang pinaniniwalaan ng lahat na siyang pinagsimulan ay isa na palang bunga.

Dumaan na kami sa mga lobo, sa mga sirena, ngayo'y isang klase na naman ng nilalang ang siyang masasaksihan namin.

Ito ba'y katulad rin ng mga lobo na handa akong tanggapin at salubungin? Ang mga demonyo ba'y katulad ng mga sirena na handang sumumpa ng katapatan o may sarili na rin silang pinaniniwalaan at pinaglalaban na taliwas sa aming lahat?

Naputol ang malalim kong pag-iisip habang nakatanaw sa kawalan ng madilim na kagubatan nang maring ko ang boses ni Claret.

"I've witnessed them in team, Leticia. Hinding-hindi nila ako pinabayaan noon." Tumabi na siya sa akin.

"Time really flies... buong akala ko ay hindi namin malalampasan ni Zen ang pagsubok na iyon."

Tipid akong sumulyap sa kanya. Humihiling ako na sana'y manatiling payapa ang ganoon niyang ekspresyon, hinihiling ko na sana'y hayaan na lang siya, si Zen at Divina na maging masaya... ngunit alam ko sa sarili kong hindi pa natatapos ang kanilang pagsubok. May paparating pa.

"Is this really a good idea? Kahit kailan ay hindi ko talaga nakitang nagkasundo ang apat na iyan." Naiiling na sabi ni Harper habang nakatanaw sa apat na itinakdang prinsipe na kasalukuyang nagkakaroon ng diskusyon.

"They know when to take things seriously, Harper. Alam mo 'yan." Sagot ni Kalla.

Nakahiwalay kaming mga babae sa grupo habang tinawag na rin ni Rosh ang atensyon nina Hua, Nikos at Lucas. Nais sana namin sumali sa kanila pero sinabi nilang mayroon silang dapat pag-usapan na dapat ay sa pagitan lamang nilang walo iikot.

"When it comes to tactics, magaling talaga sina Seth at Rosh. While in ambush, sina Zen at Caleb, si Blair kasi sumusunod lang sa utos nila, but he's a great help." Pagpapakilala ni Claret sa apat na itinakdang bampira.

"Blair is the softy in the group. Crush ko siya dati." Sabay tumaas ang kilay nina Claret at Kalla kay Harper.

Si Blair ay tipid na sumulyap sa posisyon namin na tila narinig aming pinag-uusapan. Nasamid si Claret at pinaypayan saglit ang sarili gamit ang kanang kamay.

"Tell it to your brother."

"You'll upset him! Mainit na nga ang mata niyon kay Tobias!" umiiling na sabi ni Claret.

"Let him be..." ngising sagot ni Harper.

Nang matapos mag-usap ang mga lalaki ay hinayaan na kami ni Rosh lumapit sa kanila. Si Seth ang unang nagsalita. "I can open a gate here."

"Right now? So... kahit saan at kailan maaari kang makatawid sa mundo nila?" tanong ni Harper.

"Yes. Pero depende rin sa pangangailangan. Kahit nagtataglay ako ng kanilang dugo, hindi ibig sabihin niyon ay magagawa kong malayang makapasok sa kanilang mundo. I am not a full-blooded demon. May patak lamang ako ng kanilang dugo. I still have restrictions." Paliwanag ni Seth.

Matapos niyang sabihin iyon ay isa-isa niyang sinalubong ang aming mga mata. "But we need to divide the group, hindi maaaring lahat tayo ay pumasok sa kanilang mundo. We need people outside to guard our way out."

Kahit hindi sabihin iyon ni Seth sa amin, magiging sagabal nga kung mananatiling marami ang bilang namin. Mas mabuti ngang hatiin namin ito sa dalawa.

"Paano kung bigla tayong mapalaban doon? We will go down in their world. Sa lugar kung saan higit silang mas malakas sa atin. If we divide the group, we'll become weaker." Sabi ni Zen na saglit na nakapagpatahimik sa lahat.

May punto ang prinsipe ng mga nyebe. Bakit nanaisin ng tadhana na dumami ng ganito ang grupong ngayo'y kasama ko sa paglalakbay? Isa lang ang pahiwatig nito, hindi basta ang susunod naming pagtawid sa ibang mundo.

Taliwas sa ibang nilalang, ang mga demonyo'y walang ipinangangalat na balita tungkol sa kanila, walang kahit sino sa labas ng mundo nila ang nakakaalam ng kanilang kasalukuyang estado.

"Pero hindi tayo pwedeng maipit..." usal ni Seth.

"What do mean by that?" tanong ni Caleb.

"We're still in the middle of the chase... may mga humahabol sa atin, may grupong hindi tayo nais magtagumpay. Kung hahayaan nating bukas ang lagusan at walang bantay, baka pumasok sila. What if in the middle of our negotiation with the demons they suddenly interrupt us? Mga bampira rin ang humahabol sa atin at sa sandaling gumawa sila ng hakbang na labag sa batas sa ibaba, pare-pareho na ang tingin nila sa atin." Mahabang paliwanag ni Seth.

"Can't you close it again? Saka mo na lang buksan ulit kapag uuwi na tayo." Sabi ni Caleb.

"It's not that easy, Caleb. Hindi ko pa kabisado ang pagbubukas at pagsasara ng lagusan sa mundo nila. Isa pa, lubos na kapangyarihan ang magagamit sa pagbubukas pa lamang... I can't do it twice in the same day."

Huminga nang malalim si Rosh at pinasadahan niya ng tingin ang buong grupo namin. "Then it's settled. We divide the group. We shouldn't push him too much. Nakasalalay sa kapangyarihan ni Seth kung magagawa pa nating makabalik sa mundong ito."

"Alright. It's just a suggestion." Sagot ni Caleb.

Hindi na sumagot sa kanya si Rosh at pinagpatuloy niya ang paggala ng kanyang mga mata sa aming lahat. "So... we are... thirteen. Pito sa loob at anim sa labas."

Lumapit sa akin si Claret ay may inabot siya sa aking maliit na tela. "Sa sandaling makaramdam ka nang matinding panghihina na hahantong sa pagsusuka ng sarili mong dugo, inumin mo ang nasa loob niyan."

"Paano ang aking---"

"You and the baby will be safe... but for a while. I am sorry. Iyan lang ang naabot ng aking kakayahan."

"Salamat, Claret..." Inabot ko na ang telang ibinibigay niya sa akin at mariin ko iyong hinawakan.

"I can't go inside their world. Mas kailangan ang kapangyarihan ko rito sa labas." Anunsyo niya sa lahat.

"Baby..."

"Zen, kailangan mong sumama sa kanila."

"I-I know..."

"Ang apat na itinakdang bampira'y kailangang bumaba, hindi ba?" tanong ni Kalla.

Tumango si Rosh.

"Kung ganoon lima na kayo kasama si Leticia, ibig sabihin ay isa na lang. Sino?" tanong ni Caleb.

"I think I can..." usal ni Kalla.

"Gusto ko rin sumama." Ani ni Hua.

"It's okay to add more. Narito naman ako sa labas. I can handle those chasers." Kumbinsidong sabi ni Caleb.

"I will stay outside. I will help him." Tumabi si Lucas kay Caleb.

"Kahit saan n'yo ako dalhin, susunod ako." Tipid na sabi ni Nikos.

"Lucas, Nikos, Claret, Caleb and Harper will remain outside. Leticia, the four of us, Kalla, Iris, and Hua will get down." Tumango ang lahat sa sinabi ni Rosh.

"Ngayon na nahati na natin ang grupo, paano bubuksan ang daan?" sa tanong na iyon ni Kalla lahat kami ay lumingon kay Seth.

Pinagkiskis niya ang kanyang dalawang palad. "Then, it's showtime."

Hiniling niya sa amin na bigyan siya ng distansya dahil napili niyang buksan ang lagusan sa mismong pwesto niya.

Tila nakagawa kami ng bilog nang kapwa kami humakbang paatras habang ang mga mata'y na kay Seth. Nang sandaling masiguro niya na may distansya na kami sa kanya, tipid niyang inangat ang kanang kamay niya at saglit siyang tumitig sa kanyang palad.

Ilang segundo lang siyang tumitig doon bago kami sabay-sabay na binulabog ng malakas na hangin, hindi dahil sa ihip ng kalikasan kundi sa biglang pagpagaspas ng kanyang itim na pakpak.

"Sana all nakakalipad, 'di ba?" biglang sabi ni Caleb.

"Shhh!" saway sa kanya ni Harper.

"Kaso ayaw ko ng sungay. Nagkakasungay rin yata iyang si Seth." Natatawang dagdag niya.

"Caleb!" saway sa kanya ng tatlong babae.

"I am sorry, girls. Nadadala ulit ako ng aking emosyon." Sabi niya na may kasama pang pagyuko na tila tunay ang paghingi niya ng paumanhin.

Habang patuloy sa pagpagaspas ang itim na pakpak ni Seth, tila ang lupang kanyang tinatapakan ay unti-unting nahuhubaran, ang alikabok, ang matigas na lupang kanyang tinatapakan ay dahan-dahang nabibitak. Bago pa man mabuwal si Seth sa kanyang kinatatayuan, ang kanyang sariling pakpak na mismo ang nag-angat sa kanya sa ere, ngunit ang kanyang mga paa'y gahibla lamang ang distansya sa nabibitak na lupa.

"Wow... just that part." Saglit na tinapik ni Caleb ang kanyang kanang paa sa lupa. "I can't feel any movement from this distance."

Habang patuloy sa pagkumento si Caleb, nanatiling na kay Seth ang atensyon naming lahat. Hanggang sa ang nabibitak na lupa'y tila bumigay na at nakagawa ng hindi kalakihang butas.

"It's not a portal of spell. A physical portal." Ani ni Kalla.

Ang mga mata ni Seth ay naroon na sa butas na nasa ibaba ng kanyang paa. "Maaari na kayong lumapit..."

Nang sabihin niya iyon, isa-isa na kaming humakbang, tipid, marahan at maingat sa pangambang baka bigla na lang bumigay ang lupa at kusa na kaming lamunin ng mundong hanggang ngayon ay wala pa kaming ideya.

Sina Zen, Rosh at Blair ang siyang unang dumungaw roon na agad ko ring sinundan.

"Stairs..." usal ni Blair.

"Ang dilim." Kumento ni Rosh.

"Ano ang ibaba niyan?" tanong ni Caleb.

"The underworld. Sa tuwing sinusubukan kong pumasok sa mundo nila, hindi nauulit ang lugar na nababagsakan ko. Hindi inuulit ng hagdanang iyan ang lugar na sasalubong sa 'yo. That is to avoid the familiarity, especially when it comes to outsiders. Gaya nga ng sabi ko, hindi pa rin ako tuluyang tanggap sa kanilang mundo..."

"So, no clues at all?" tanong ni Kalla, nahihimigan ko ang kaba sa kanyang boses.

"I am really sorry. All I could provide is the way..."

"Maraming salamat, Seth. Malaking tulong na ito, kung wala ka ay magiging imposible sa paglalakbay na ito na maabot ang relikyang hinahanap namin." Sagot ko.

"Shall we go now?" tanong ni Rosh.

Tumango ako. Bago ako tuluyang magpaalam, mahigpit akong niyakap nang sabay nina Claret at Harper.

"Come back, Our Queen..." bulong ni Claret.

"Hihintayin ka namin." Ngiting sabi sa akin ni Harper.

"Salamat..."

Sinulyapan ko rin sina Lucas, Caleb, at Nikos. Kapwa sila tumango sa akin bilang pamamaalam. At nang sandaling tumalikod na ako sa kanila, ang siyang sumalubong sa akin ay panibagong grupo na namanatang sasamahan ako hanggang sa huli.

Ang apat na itinakdang prinsipe, si Hua na kailanman ay hindi ako binigo, si Iris at Kalla.

Naglaho ang itim na pakpak ni Seth at siya ang naunang bumaba sa hagdan. Sinundan iyon ni Blair habang nanatiling nakatindig sina Rosh at Zen na hinihintay ako.

"Mas mabuting nasa gitna kayo..." ani ni Zen.

Si Iris ang sumunod na bumaba, pagkatapos ay si Kalla na siyang sinundan ko na rin, habang si Hua ay hindi ako hiniwalayan at piniling sa aking likuran manatili saka lamang sumunod si Rosh at huli si Zen na humalik muna kay Claret bilang pamamaalam.

Inilabas ko ang aking ilang punyal na siyang magsisilbing liwanag sa aming bawat hakbang. Nanatili kami sa ganoong sitwasyon sa loob ng halos isang oras, na ang tanging naririnig ay ang yabag ng aming mga paa at mabibigat na paghinga, dahil sa unti-unting pagnipis ng hangin.

"May katapusan ba ang hagdanang ito, Seth?" tanong ni Rosh.

"There is, Prince Rosh..."

Pinagpatuloy namin ang pagbaba sa hagdan, inakala ko na mas tatagal kami sa ganoon nang makaramdam ako ng pagyanig sa lupa.

"Naramdaman n'yo ba iyon?" tanong ni Kalla.

"Lumilindol?" sagot sa kanya ni Iris.

Ngunit wala nang nakasagot sa kanya dahil ang hagdanang siyang tinatapakan naming lahat ay nagbago. Mula sa bawat baitang, bigla itong natuwid dahilan kung bakit lahat kami ay nabuwal at mas bumulusok sa mas mabilis na paraan ang aming mga katawan.

"Fucking shit! Natapos na ang hagdan, Le'Vamuievos!" sigaw ni Zen mula sa likuran.

Hahayaan na sana namin ang mga sarili naming mas dumulas at dalhin sa dulo, ngunit nang maramdaman namin na tila unti-unting umiinit... nagsimula na kaming lahat maalarma.

"What the fuck?! Masusunog tayo ng buhay! Kapit! Zen! Rosh! May apoy sa baba!" sigaw ni Seth mula sa dulo.

"What the hell?!" usal ni Zen.

Agad kong naramdaman ang kapangyarihan ni Rosh, ang kanyang halamang ugat ay mabilis na gumapang sa aming lahat upang mapigil ang aming pagdulas ngunit masyadong malakas ang pwersa sa ibaba na tila mas hinihila kami.

Tumingin ako sa itaas, inilabas na rin ni Zen ang kanyang kapangyarihan, dalawang matutulis na yelo ang mariin niyang isinaksak sa dinadaanan namin habang pilit niyang pinipigilan ang aming pagdulas. Habang ang isang kamay ni Rosh ay nakahawak sa kaliwang binti niya bilang koneksyon.

Narinig kong suminghap si Kalla. "Sea of fire..."

Nang tumingin ako sa ibaba ay bumubula pa ang apoy dahil sa tindi ng init. Halos hindi na ako makahinga nang maayos at tila naliligo na ako sa sarili kong pawis.

Mas papalapit na kami... mas papalapit na ang katawan ni Seth sa apoy. Gumagalaw pa rin pababa ang yelo ni Zen.

"Natutunaw... shit." Usal ng Prinsipe ng mga nyebe.

Wala sa sariling nagpabalik-balik ang mga mata ko sa yelong hawak ni Zen sa itaas at sa apoy na naghihintay sa amin sa ibaba. Gumuhit sa alaala ko ang ikatlong linya ng bugtong.

Mata at puso'y magkasalungat sa likod ng itim na ulap...

Ang aking mga mata'y nakakasaksi ng dalawang makasalungat na elemento. Ngunit ang puso ko'y iba ang siyang nakikita...

Ang yelong unti-unting natutunaw ay nagiging maliit na butil ng tubig na tila luha, naglalandas iyon sa braso ni Zen na may kasamang kislap sa tuwing tumatama sa liwanag ng aking punyal.

Landas na nagsimula sa linaw, sa katapusa'y itim na dala'y hapdi...

Napaawang ang mga labi ko at natulala ako sa bumubulak na dagat ng apoy.

Ang pintuan ng kanilang mundo...

Ilang punyal ang ginamit ko upang tanggalin ang halamang nakatali sa akin.

"L-Leticia..." nangangambang tawag sa akin ni Rosh.

"Hayaan n'yong ako ang unang sumubok."

Huli na ang lahat nang pilit akong abutin ni Rosh gamit ang kapangyarihan niya, dahil buong puso akong tumalon sa dagat ng kumukulong apoy.

Sa katapusa'y itim na dala'y hapdi... patungo sa aninong may dalawang imahe...

Continue Reading

You'll Also Like

20.1M 839K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...
Falter By Nique

Short Story

5.1K 223 5
Kung saan ang lahat ay nabubuhay sa mundo na totoo ang Soulmates. Falter 1: Si Mia Romasanta ang overachiever na hindi mahilig mag under-deliver. Isa...
9.2M 452K 63
In fairy tale, the spinning wheel made the princess fall into her deep sleep, a sleep like death from which she will never awaken. But mine was a dif...
62.8K 1.3K 36
Luch - a free spirited young chef in a foreign land who's struggling to find acceptance, love and happiness was bound to make a change in her life. S...