The Unwanted Girlfriend (Unwa...

By Aimeesshh25

223K 3.6K 308

"Drain!" malakas na tawag ko sa gitna ng maraming tao. Hindi siya lumingon at dire-diretso ang lakad. Nakagat... More

The Unwanted Girlfriend
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGUE

CHAPTER 32

3.6K 74 14
By Aimeesshh25

Chapter 32

JERACE'S POV

"Ayos ka lang ba? Kanina ka pang tulala diyan?"

Bumuntong hininga ako at tumingin kay Chenny. Katabi ko siya dito sa isang lamesa.

"Ayos lang."

"Hay nako. Nag-aalala ka dahil wala pa rin si Drain no?"

Hindi ako sumagot. Pinagmasdan ko lamang si April na kumukuha ng pagkain habang pinandidilatan ng mga mata si Rej.

"Hindi ba, sabi niya? Pupunta naman raw siya."

Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri. "Nagtaka ka rin ba kung bakit nagbago ang trato ni Drain sa akin?"

Nagulat siya sa tanong ko. Kumunot ang noo niya.

"Oo, nung una. Pero noong naunawaan ko na kung bakit, alam kong hindi ka niya sasaktan." Napatingin ako sa kaniya. "Mahal ka niya, Jerace."

"Pero paano kung hindi naman pala totoo?" Mahinang ani ko.

"Jerace." Humarap siya sa akin. Ngayon ay nakatutok na talaga ang buong atensyon sa akin. "Anong nangyari? Hindi ka ganito kanina. Sobrang saya mo pa ah? May nangyari ba?"

Tiningnan ko siya ng ilang sandali. Sasabihin ko ba sa kaniya? Pero wala pa namang kasiguraduhan 'yon eh. Ayokong masira si Drain.

I shook my head." Wala naman. Naisip ko lang bigla."

She narrowed her eyes at me. I smiled.

"Sige. Hindi kita pipilitin." Huminga siya ng malalim. "Pero, huwag kang mag-iisip ng kung ano diyan ah? Alam ko pa naman ang takbo ng utak mo. Smile ka! Papunta na 'yon!"

Ngumiti na lamang ako. Ayoko namang maging pabigat sa kaniya ngayon. Nahagip ng paningin ko si Axel na may kausap na babae. Ito yata 'yong kasama niya kanina. Nagtatawanan sila at iba ang tingin ni Ax sa babaing 'to. May kakaiba.

Tumingin ako kay Chenny na nakatingin na pala sa kanila. Napansin niya ako kaya agad niya akong nilingon.

"Chenny.."

Umiling agad siya. "Ayos lang." Tumawa siya. "Alam ko naman kung saan ako lulugar." Mahinang aniya saka umiwas ng tingin sa akin.

Hindi ko alam kung anong meron sa kanila. Nagtaka nga ako na may ibang kasama si Axel nang salubungin namin kanina. Hindi sumama si Chenny at sinabi niyang may inuutos sa kaniya. Ngunit alam kong wala.

Napailing ako habang nakatingin kay Axel. Magpinsan nga talaga kayong dalawa.

Mga mapanakit.

"Teka lang ah." Tumayo si Chenny at mabilis na pumasok sa loob. Sa likod siya dumaan para hindi madaanan kung nasaan ang dalawa.

Bumuntong hininga ako. Kahit madaldal si Chenny ay malihim siya pagdating sa ganito.

"Ano ba, Reggie!"

Nabaling ang mga mata ko sa dalawang taong palapit sa table kung nasaan ako.

"Ang damot mo! Ang dami ng kinuha mo oh!" Si Reggie habang nakasimangot.

"Edi kumuha ka rin roon!" Lumakad si April at umupo sa tabi ko.

"Mauubos mo ba 'yan ah?" Si Reggie naman sa kabila ko. Tumingin siya sa akin. "Hi, Maj! Bakit hindi ka nakain?"

I smiled. "Busog pa ako eh."

"Yan! Mahiya ka sa may birthday!" Si April habang kumakain na ng ibat-ibang pastries.

Natawa si Rej. "Wow! Ikaw ang dapat mahiya." Hindi siya pinansin ni April at tinarayan lamang. "Tingnan mo, inaaway ako, Maj!" Sumbong niya sa akin.

Tumawa ako. "Para kayong mga bata."

Ngumiti si Rej at tumitig sa akin. Inayos niya pa muna ang plato sa harapan saka inusod ang upuan palapit sa akin.

Hindi ko alam kung kailan nawala ang pagkailang ko sa kaniya. Hindi naman siya umamin na may gusto sa akin talaga pero dahil sa mga kantyaw at sinasabi sa akin nila Chenny at April ay inisip ko na may gusto siya sa akin.

Dumistansya siya sa akin noong nalaman na may relasyon na kami ni Drain. Ngunit nanatili naman kaming magkaibigan. Sobrang swerte ko sa kaniya kung tutuusin.

"Anong problema?" Bulong niya ngunit nasa pagkain ang tingin.

Nangunot ang noo ko. Akala ko hindi ako ang kinakausap niya ngunit nang sumulyap siya at ngumiti ay napabuntong hininga ako.

"Wala naman."

Natawa siya at ibinaba ang hawak na tinidor. "Sa akin ka pa talaga magsisinungaling." Tiningnan niya saglit si April na hawak ang cellphone habang kumakain. "Maj. Papunta na rin 'yon. Miss mo na agad? Grabe."

Ngumuso ako. "H-Hindi ah."

Tumawa siya. "Tindi ng tanggi ah." Inusod niya ang plato sa akin. "Stop over thinking and eat it."

"Ayoko nga. Busog pa ako."

"Kailan ka nabusog? Kanina pa ako dito at hindi ka pa nakain."

"Kanina, kumain ako." Umiwas ako ng tingin.

"Liar." Tumawa na naman siya. "Dumilim na lamang, hindi mo pa natitikman ang handa mo."

Napatingin ako sa langit. Madilim na nga at wala pa rin siya. Pupunta pa kaya siya? Sinilip ko ang cellphone sa table at muling bumuntong hininga. Wala siyang text.

"Paano ka? Iyo 'yan eh." Tiningnan ko si Rej.

"Anong tingin mo sa akin? Hindi marunong kumuha?" Inayos niya ang plato sa harapan ko. "Kumain ka na. Kukuha lang ako. May gusto ka pa ba?"

Umiling ako at ngumiti. "Wala na. Ayos na 'to. Kumuha ka na."

Tumango siya at tumayo na para kumuha ulit ng pagkain. Sinimulan ko na naman na kainin ang bigay niya.

"Ayun! Pag sa'yo talaga. Walang salitang hindi."

Napatingin ako kay April na masama ang tingin sa nakatalikod na si Rej.

"Kupal talaga ang isang 'yon." Aniya pa.

Natawa ako. "Bunganga mo. Nasa harap tayo ng pagkain."

Suminghal lamang siya at tumitig sa akin. "Ayos ka lang?"

Napangiti ako. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko at napakaswerte ko sa kanila. Alam talaga nila kung kailan ako may problema. Nakikita ba 'yon o nararamdaman?

"Oo naman. Ayos lang ako." Ngumiti ako at pinagpatuloy ang pagkain.

Umirap siya. "Ang tagal naman kasi niyang bebe mo! Nasaan na raw ba? Dalawang oras na ako dito ah."

Ngumuso ako at uminom ng tubig. "P-Papunta na raw siya. 'Yon ang huling sabi niya."

"Ah talaga? Oh eh bakit nag-iinarte ka diyan?"

Inirapan ko siya. Ayaw kong sabihin ang nalaman ko kay Tita Erin. Alam ko ang ugali ni April. Mauuna pa 'yang manumbat kumpara sa akin.

"Hindi naman kasi siya nalelate ng ganito."

"Baka may pinuntahan."

Oo. Ang impaktang si Ash.

"Bakit ang tagal naman?"

"Baka may dinaanan? Malay mo may regalo sa'yo at natagalan sa pagbalot."

Napaismid ako sa sinabi niya.

"Edi dapat binigay niya na sa akin kanina? Magkasama kami eh." Sumimangot ako habang inaalala ang pangyayari kanina.

Sobrang saya ko na halos ayaw ko nang bumitaw sa yakap niya. Tapos sa loob ng ilang oras, ganito na agad ang nararamdaman ko. Ang unfair naman.

"Ang nega mo naman. Maghintay ka lang. Darating 'yon."

"Paano pag hindi?" Mahinang sinabi ko.

Rinig ko ang pagpalatak niya at inis na ibinaba ang hawak na kubyertos.

"Ay hala ka! Baka nambabae na 'yon. O kaya, may nakitang maganda sa daan at hindi nakadiretso dito dahil hindi ka na niya gusto! Pumangit ka na raw kasi! Kaya simulan mo ng umiyak ngayon."

Inis ko siyang tiningnan. "Epal ka talaga, April."

"Oh bakit? Pinapagaan na nga ang loob mo, ikaw naman 'tong kontra ng kontra! Kaya 'yan, umiyak ka diyan."

"Ang harsh mo! Kaibigan ba kita ah?"

"Eh ikaw? May tiwala ka ba talaga kay Drain ah?"

Natigilan ako. Hindi ako nakasagot. Parang sinampal ako ng sinabi niya. May tiwala ba ako sa kaniya?

Oo, may tiwala ako.

Pero bakit ganito ang iniisip ko? Pinag-iisipan ko siya ng iba. Dapat pakinggan ko muna siya. Dapat hintayin ko ang paliwanag niya.

'Yon raw ang nakakapagpatagal sa relasyon.

"Oh ano? Hindi ka nakaimik diyan?" Umiling si April sa akin. "Paano kayo magtatagal niyan, kung ngayon pa lang na ilang oras pa lamang siyang nawawala ay kung anu-ano na ang iniisip mo. Dapat may tiwala ka sa kaniya. " Kinuha niya ang baso na may lamang tubig.

Nagtaka ako nang isawsaw niya ang kutsara roon at haluhin.

"Balahura ka talaga."

"Teka lang! May ipapakita ako eh!" Tinarayan niya ako. "Oh eto!" Tinaas niya ang baso na medyo lumabo na dahil sa paghalo niya. "Kapag hinaluhan mo ng kung anu-ano 'yang isip mo ay talagang maguguluhan ka. Gaya nitong tubig na 'to. Manlalabo ang paningin mo sa mga bagay na malinaw sa'yo nung una." Binaba niya ang baso at tinitigan 'yon hanggang sa unti-unting bumalik 'yon sa normal. "Pero kapag pinanatili mo namang kalmado ang sarili at ang isip mo, hindi ka malilito sa nararamdaman sa'yo nung tao."

Napamaang ako habang nakatingin sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at sumubo na ulit sa pagkain niya.

Ang astig ah. Tumatalino na.

"Anong connect no'ng baso?"  Maang ko.

Bumuntong hininga siya at inirapan ako. "Ay baka wala! Panghampas ko 'yon sa ulo mo!"

"Bunganga mo!"

"Tsk. Diba? Mas may utak pa ako sa inyo. Imagine, ako 'tong single ah?" Mayabang na aniya.

Natawa na lamang ako. Panandalian kong nakalimutan ang iniisip dahil sa bunganga ni April na sinabayan na ni Chenny. Dumagdag na rin si Reggie na may kinausap pa pala kaya natagalan.  Pinagpasalamat ko na nandito sila. Nabaling sa iba ang isip ko.

Nagpaalam si Chenny na papasok lamang at may kukunin. Maya-maya pa ay nagulat ako nang makita si Axel na hawak ang cellphone at may kinakausap. Patungo siya sa labas.

Lumabas si Chenny na nag-aalala ang mukha. Lumapit siya sa akin at huminga ng malalim.

"Nandiyan na yata si Drain."

Kumalabog ang puso ko. Natigilan ang dalawang nag-aasaran sa tabi ko at napatingin rin kay Chenny.

"Paano mo nalaman? Wala siyang text sa akin." Takang ani ko.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Narinig ko si Axel. Nagmura pa siya at sinabing umalis na sila."

"What?" Naguluhan ako sa sinabi niya at agad na tumayo.

"Jerace." Tawag ni Rej sa akin. "Hintayin mo na lang na makapasok."

"Hindi. Kanina pa ako naghihintay, Rej." Mariing sambit ko at lumakad palabas ng garden.

Sinulyapan ko pa sila Mommy na hindi napansin ang nangyayari sa amin. Busy sila sa pag-uusap.

"Jerace! Wait!" Sumunod sa akin si Chenny, ganoon na rin si April.

"Bakit ganoon? Bakit hindi siya pumasok rito?" Kinakabahang sambit ko.

Hindi ko alam pero iba ang kutob ko. Nakita namin si Axel na parang lalabas pa lamang. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako.

"J-Jerace.." tawag niya. Mas lalo akong naghinala sa boses niya.

"Axel. Nasaan si Drain?"

Tumingin siya sa nasa likod ko at napapikit na lamang.

"W-Wala pa siya. Tara na muna sa loob."

Nangunot ang noo ko at sinilip ang gate namin. Lumapit sa akin si Axel at pilit akong niyakag sa loob.

"Bakit ba?! Anong tinatago niyo?" Naiinis na tanong ko.

"Jerace. Let's go inside."

"Bakit ah? Sabihin mo muna kung bakit, Axel!" Sigaw ko at mabilis siyang hinawi.

Tumakbo ako papunta sa gate at binuksan 'yon. Rinig ko ang pagmumura ni Axel na pinigilan na yata nila Rej.

Nang mabuksan ko ang gate ay nilibot ko agad ang paningin sa medyo madilim na kalsada.

Hinihingal ako dahil sa pagtakbo. Lalo akong lumabas at ginala ang buong paningin at roon may nahagip ang mga mata ko.

May isang kotse ang mabilis at basta nang pumarada sa likod ng kilala kong sasakyan.

Bumaba mula roon si Ash habang lumuluha. Inis niyang kinatok ang nasa unahang sasakyan.

Kinabahan ako. Pinilit kong kumalma. Hindi, please.

Bumaba si Drain at pagod na tumingin kay Ash. May sinasabi sila sa isat-isa ngunit hindi ko maintindihan. Sa nanghihinang mga paa ay sinubukan kong mas lumapit pa sa kanila. Nagtago ako sa ilang kotse na nakaparada roon.

"Ash, please. Stop this." Si Drain na tila pagod na.

"Why? Akala ko ba ako? Ako ang gusto mo noon, hindi ba?" Humikbi si Ash.

Nanlaki ang mga mata ko. Kahit nanghihina ay pilit niyang pinaghahampas ang dibdib ni Drain.

"I-I hate you! Sinabi mo sa akin noon! Sinabi mo na wala kang gusto sa kaniya!" Umiiyak na aniya.

"A-Ash.." tawag ni Drain. Sinangga niya ang mga hampas nito at hinayaan lamang ang babae. "I'm sorry."

Nangunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan. Bakit hinahayaan niyang saktan siya ng babaing 'yan?

Punong-puno ng luha na tumingin si Ash kay Drain. "Sinabi mo na kaibigan lang ang tingin m-mo? Bakit ganito? Hinintay kita, D-Drain. Kahit nakapa unfair sa akin ang nangyayari sa pagitan niyo! Tinanggap ko! Dahil sabi mo, kailangan mo lang siyang pakisamahan diba? A-Ano 'to?"

Unti-unti kong hinawakan ang dibdib ko at hinampas 'yon. Nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon. Ano bang meron sa kanila? Bakit ganito sila kung mag-usap? At ano ang sinabi ni Ash?

Pinakikisamahan lang ako ni Drain? Kaibigan lang ang tingin sa akin?

Lalo akong nasaktan. Namuo ang mga luha sa mga mata ko. So totoo ang sinabi ni Tita Erin.

Hindi niya talaga ako gusto.

Eh bakit sinabi niyang mahal niya rin ako?

Natawa ako. Siguro pampalubag loob kumbaga.

"N-Nasasaktan ako, Drain. Sana aware ka." Biglang sambit ni Ash na tumigil na sa paghampas ngunit nanatiling nanghihinang nakatingin sa kaniya.

Drain muttered some curses. At nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Mabilis niyang hinila ang braso ni Ash at niyakap siya ng mahigpit. Lalong humikbi ang babae at gumanti ng yakap kay Drain.

Halos hindi naman ako makahinga habang pinapanood sila. Walang tigil sa pagtibok ng malakas ang puso ko na para bang gustong kumawala.

At nang makita ko ang unti-unting pagpikit ni Drain na parang dinadama ang pagyakap. Doon pa lamang tumulo ang pinipigilan kong mga luha. Sobrang sakit. Ngayon ko lang 'to naramdaman. 

Tinakpan ko ang bibig ko at dahan-dahang umatras. Ayokong mahuli nila ako. Ayokong malaman nila na kanina pa ako rito.

Sa sunod na atras ko ay natama ako sa isang sasakyan. Napatalon ako sa gulat nang tumunog 'yon ng malakas.

"Shit!"

Napatingin ako sa kanila. Mabilis na tinulak ni Drain si Ash at tumingin sa gawi ko. Nanlaki ang mga mata niya nang nagtama ang paningin namin. Pinunasan ko ang mga luha at mabilis na tumakbo.

"Jerace!"

Hindi ko siya nilingon. Gulat na sumalubong sa akin ang mga kaibigan ko kasama na ang namumutlang si Axel. Napatingin siya sa akin at nagmura bago sa may likod ko. Tumakbo siya papunta sa may kalsada.

"Jerace.." tawag ni Chenny at nilapitan agad ako.

Hindi ako nagsalita at aalis na sana nang may may mahigpit na humawak sa braso ko.

"J-Jerace.."

Napapikit ako sa tawag niya. Bakit kahit nasasaktan ako? Mahal ko pa rin siya.

"P-Papasok na ako, D-Drain.." tinikom ko ang bibig dahil sa pagkapiyok.

Napamura siya. "L-Let me explain.."

"Anong nangyari?" Si April na masama na agad ang tingin kay Drain. Inawat siya nina Chenny.

"Halika na muna. Sa loob muna tayo." Nawala sila at sa isang iglap kami na lamang ni Drain ang natira sa malamig at may kadilimang kalsada.

Hindi ako humarap. Mabilis kong pinunasan ang mga luha.

"Jerace.."

"Tigilan mo ang pagtawag sa akin." Mariing sambit ko at inalis ang pagkakahawak niya. Dahan-dahan akong humarap at seryoso siyang tiningnan.

Nagulat siya at hindi agad nakapagsalita. Huminga siya ng malalim.

"I'm sorry.."

Hindi ako umimik. Pagod na akong marinig 'yan. Bakit pa nauso ang salitang 'yan, kung gagawa rin naman ng kasalanan.

"Mali ang nakita mo."

"Ah." Tumango ako. "So, duling ako? Kaya ang nakita ko, niyakap mo siya..kahit hindi naman?"

He sighed. "Jerace.."

"Tigilan mo ang katatawag sa pangalan ko!"

"Please. "Humina ang boses niya. "Pakinggan mo muna ako."

"I'm all ears, Drain. "

"Sinundo ko lang siya. Papunta na ako rito, pero tinawagan niya ako. Nakainom siya kaya gano'n. Walang ibig sabihin 'yong nakita mo."

"Bakit kailangan mo siyang sunduin? Dahil tinawagan ka niya?" Tinitigan ko siya. "Or dahil may nararamdaman ka sa kaniya?"

Napakurap-kurap siya at halata ang pangangapa ng sasabihin.

Natawa ako at huminga ng malalim."Tama ako diba? Hindi naman kasi ako ang gusto mo, una pa lang. Ako lang 'tong pilit nagsumiksik sa'yo. Ako 'tong parang linta na dikit ng dikit sa'yo. Kailan mo nga ba ako nagustuhan? Wala akong natatandaan."

Hindi siya nagsalita at hinayaan lamang ako. Ngunit kita ko ang pagkuyom ng palad niya.

"Nakakapagtaka nga na bigla kang bumait sa akin." Kinagat ko ang dila. "P-Pasensya ka na kay Mommy ah? Masyado siyang makulit. Pasensya na kung napilitan kang pakisamahan a-ako." Tumulo ang luha ko na mabilis ko ring pinalis.

His eyes widened. "Jerace, hindi. Hindi ako napilitan." Akma siyang lalapit ngunit umatras ako. Napatingin siya roon at napapikit ng mga mata.

"Hindi mo na naman kailangang gawin 'yon eh. Ayos na ako kahit sa simpleng usap mo lang. I'm okay with that, Drain. You don't need to pretend that you like me too. Kasi, ang sakit-sakit." Humikbi ako na agad ko ring pinigilan.

Namungay ang mga mata niya at gusto akong lapitan ngunit paulit-ulit akong umiling. Tumigil siya at binaba ang kamay niyang gustong humawak sa akin.

"T-Tama na." Bulong ko. "You don't need to do this. Stop doing this."

"W-What does that mean?" Malalim ang boses na aniya.

Matapang ko siyang tinitigan. Ito na rin yata ang huling beses na matitigan ko siya ng ganito kalapit. Dahil mula ngayon, didistansya na ako.

"Let's end this, Drain. Ayoko na." Tinatagan ko ang loob ko.

Hindi siya nagsalita at umiwas ng tingin sa akin. Huminga siya ng malalim. He licked his lower lip before looking at me again.

"Ganoon na lang 'yon?"

Tinaasan ko lamang siya ng kilay. Nagkukunwaring matapang at hindi nasasaktan.

"Hindi ako papayag."

"Drain. Bakit pa?" Inis na sambit ko. Hindi ko na alam kung hanggang kailan tatagal ang tapang ko.

"Jerace, hindi lang ikaw ang nasa relasyong 'to. Hindi lang ikaw ang kailangang magdesisyon!" Namula ang mga mata niya. " At desisyon ko ang manatili sa 'yo. Wag naman ganito, hm?"

Ramdam ko ang galit na namumuo sa akin. Gusto niya talagang nahihirapan ako.

"Paano kung ayaw ko na? Ayoko na, Drain! Akala mo ba porque mahal na mahal kita, ganoon na lang 'yon? Akala mo ba hindi ako nasasaktan? Feeling ko pinagkaisahan niyo ako! Kayong lahat!" Tumulo ang luha ko. Hindi ko na 'yon pinunasan pa. Hinayaan ko na. "I'm breaking up with you. And that's my decision. Please respect it."

Tumiim ang bagang niya at umiwas ng tingin sa akin. Tumalikod na ako nang hindi pa rin siya nagsasalita.

"A-Ayoko." Natigilan ako. "Baby, I don't want this.."

Sumikip ang paghinga ko at lalong bumuhos ang mga luha ko. Humikbi ako kaya mariin kong tinakpan ang bibig.

Bakit mo 'ko kailangang pahirapan ng ganito?

"I'm sorry. Ito ang gusto ko." Mariing sambit ko kahit durog na durog na ako.

Mabilis akong pumasok sa loob at hindi na siya nilingon kahit kailan. Iniyak ko ang lahat ng sakit na nararamdaman. I feel betrayed. Nasasaktan ako. Hindi ko akalaing masasaktan ako ng ganito.

_______
Thanks for reading!💚

Continue Reading

You'll Also Like

44.9K 3K 9
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
233K 13.3K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
26.1M 787K 48
Jesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her...
119K 4.1K 16
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...