Win Back The Crown

By Brave_Lily

148K 5.8K 349

(COMPLETE) BOOK 1 She's Disha, a girl who loves partying, hanging out with friends. But in just a single acci... More

Prologue
Chapter 1: Unexpected Death
Chapter 2: The Emperor
Chapter 3: In The River
Chapter 4: She's The Headline
Chapter 5: It Was Her
Chapter 6: Hyun
Chapter 7: What's their real motive?
Chapter 8: Where's the Prince?
Chapter 9: Painful Night
Chapter 10: Weyla
Chapter 11: Xu'en
Chapter 12: Xu'en's Father
Chapter 13: Preparation
Chapter 15: Dream
Chapter 16: She's Back
Chapter 17: The Queen's Son
Chapter 18: Emperor Wei Jin Hang
Chapter 19: Haya
Chapter 20: The Man in the Mask
Chapter 21: Save Him
Chapter 22: Garden
Chapter 23: Outside The Palace
Chapter 24: The Thief
Chapter 25: King's Anger
Chapter 26: A Mother's Love
Chapter 27: General's Heart
Chapter 28: Lady Violet
Chapter 29: Lady Violet II
Chapter 30: The Plan
Chapter 31: Escape
Chapter 32: Ginoong Chiao Bei Kang
Chapter 33: Find Her
Chapter 34: Danger
Chapter 35: The Truth Must Reveal
Chapter 36: Hunt
Chapter 37: The Bandits
Chapter 38: The Shaman
Chapter 39: Tears and Pain
Chapter 40: The Queen's Comeback
Chapter 41: Betrayal
Chapter 42: The Beginning
Chapter 43: Goodbye
Chapter 44: The Night Of Judgment
Chapter 45: My Real Identity
LAST CHAPTER
Epilogue
ANNOUNCEMENT

Chapter 14: The Festival

3.2K 132 15
By Brave_Lily


Third Person's POV

Magsisimula na nga ang pagdiriwang pero wala pa rin ang Reyna. Siya na lamang ang hinihintay ng lahat. Hindi naman makapaniwala ang dalawang babae ng Hari na dadalo ang Reyna sa pagdiriwang na ito. Gusto man nilang mainis pero nandito ngayon ang Inang Reyna na kanina pa sila pinagmamasdan mula sa malayo.

"Kamahalan, magsisimula na po ba tayo?" tanong ng Punong Minsitro sa Inang Reyna at Hari.

"Sandali na lang, nais kong bigyan pa natin ng ilang oras ang mahal kong Reyna, Punong Ministro, maaari ba?" ngumiti na lamang ang Punong Ministro dahil sa tuwa. Maging siya'y masaya dahil sa unti-unting pagbabalik ng Reyna. Masaya siya para sa anak-anakan niya kung ituring, ang Hari.

"Sige po, Kamahalan." sagot niya.

Ilang minuto na ang lumipas at talagang magsisimula na nga sila. Sa pagtayo ng Inang Reyna ay siya namang pagdating ng pinakamamahal niyang Reyna.

Ang lahat ay nagsimulang magbulung-bulungan. Napuno ng pagkamangha at ang lahat ay nagulat sa pagdating ng Reyna. Bawat hakbang ay siya namang pagbulong ng lahat. Hindi nila inaasahang ganito ka fierce ang Reyna.

"Mahal na Reyna?" hindi nila makapaniwalang saad.

Nagbigay-pugay ang Reyna sa Inang Reyna at sa Hari bilang pagrespeto sa kanila. She bowed her head down as a greetings for them.

"Magandang umaga, mahal na Inang Reyna, paumanhin kung ako'y nahuli." saad ni Disha at nagtama ang paningin nilang dalawa ng Hari nang siya'y tumingin dito.

Those burning cold eyes, she smirked and that's made his highness' heart beats so fast. Sino ba namang hindi mamamangha sa ganda ng Reyna at sa maalindog nitong katawan? At isa pa, he still love the Queen. Hindi tuloy magawang tanggalin ng Hari ang kaniyang paningin sa Reyna.

"Ohh, mahal kong Reyna, halika at dito ka sa aking tabi maupo." bungad sa kaniya ng Inang Reyna. Isang matamis na ngiti lamang ang kaniyang sinagot at tumabi na sa Inang Reyna.

Puno pa rin ng ugong-ugong ang buong paligid dahil sa pagdating ng Reyna, kaya pinahinto na ito ng Inang Reyna para sa ikakabuti ng lahat lalo pa't kasalukuyan silang nagdiriwang ng kanilang pista.

Sa pangunguna ng Inang Reyna sinimulan na nga nito ang pagdiriwang para sa pista ng masiglang ani.  Ang lahat ay seryosong nakatuon sa Inang Reyna habang ang Hari naman ay nasa Reyna na nakatingin. Hindi tuloy maiwasang mapangisi ang Reyna dahil sa napapansin niyang pagsilip ng Hari sa kaniya.

Disha's POV

Umupo na ang lahat. Everyone is still keep on staring at me. Hindi naman maiiiwasan 'yan. Well, who wouldn't? Exposing your legs to His Highness? Haha, I bet naglalaway na ang ibang naririto sa hall. Malamang sa malamang, eh masyadong makinis at maputi ang kutis ng balat ng Reyna kaya walang sino man ang hindi maaakit.

Bunga lang ito ng paghihirap namin ng mga bata sa paggawa nito ng isang araw lang. Kulay gold and may red and black sa kasuotan ko. Buti na lang at marunong magtahi ang Reyna noon at naririto pa rin ang skills niya sa memorya niya kaya nagawa kong tapusin lahat.

Ang unang layer ng sout ko is color gold, sa second naman black, and then ang last layer ay color red. Medyo kita ang cleavage ko tapos idagdag pa natin ang ginawa kong slit kaya nakikita ang legs ko kapag nagko-crossed legs ako. Natatawa na lang ako minsan kapag mas lalo pang pinapakita ng Inang Reyna ang legs ko para mas lalong maakit ang Hari. Pfftt, di ko tuloy maiwasang matawa sa Hari.

"Inang Reyna, ayos lang po ba itong kasuotan ko?" tanong ko. Medyo natigilan siya kaya natahimik ako, pero agad din namang sinawalang-bahala ng Inang Reyna ito. Ngumiti na lamang siya sa akin sabay haplos sa aking buhok ng maharan.

"Mahal ko, lahat ng damit na suotin mo ay babagay at babagay sa iyo. Walang katumbas ang iyong ganda at busilak ng puso. Lagi mo sanang tatandaan na naririto lamang ako sa iyo nakasuporta." sagot niya. Na-touch ako sa sinabi niya. She's just like my Lola, super mapagmahal. Kung buhay pa ang Reyna baka ganito din ang mararamdaman niya.

"Maraming salamat, Kamahalan." sabi ko sabay ngiti ng matamis.

"Alam mo, kanina pa sayo nakatingin ang lahat. Hindi nila ata inaasahang ganito ang bubungad sa kanila. Ang laki ng ipinagbago mo noong iniwan kita dito. Sana hindi naman gano'n kasama ang pinagdaanan mo dito sa palasyo dahil umalis ako sa tabi mo." nalulungkot niyang saad. Napabuntong-hininga na lamang ako at tumingin sa kaniya ng nakangiti.

"Inang Reyna, wala po kayong dapat ikalungkot. Sa ilang taon kong pagtitiis dito natutunan kong mabuhay na dapat lumaban. Hindi na po ako yung dating Reyna na inaapi-api noon, kaya ko na pong ipagtanggol ang sarili ko sa kanila." sabi ko para guminhawa ang kalooban niya. Ngumiti na lamang siya.

Nakitingin lamang ako sa paligid. Maraming tao sa palasyo at lahat sila ay may matataas na katungkulan, meron namang dugong bughaw din na mula sa kabilang kaharian, at yung iba naman mga anak ng mga opisyales. Hindi ko na nakita ang mga batang pasaway na nanlait sa akin sa ilog lalo na yung kanang-kamay ng ministro na si Pinunong Kang.

"Kamahalan, maaari po ba akong maglakad-lakad lamang sa labas?" tanong ko.

"Bakit, hija?" tanong niya naman.

"Ahm...nais ko lamang magpahangin sa labas." sagot ko.

"Gano'n ba? Ahm, sige. Basta 'wag kang lalayo at baka maligaw ka naman tulad ng dati." sabi niya.

"Naku, hindi po 'yon. Kaya ko na po ang sarili ko. Mauna na po ako, Kamahalan." pagpapaalam ko. Ngumiti lamang siya.

"Sige, mag-iingat ka." bilin niya. Tumango na lamang ako at sabay alis ko ng hall kung saan ginaganap ang pagsasalo-salo ng lahat.

Tahimik lamang akong naglalakad. Masyadong maingay ang tawanan nila kaya nagpaalam ako sa Inang Reyna. Tsaka naiilang ako sa mga titig ng mga lalaki doon.

Umupo ako sa isang malaking bato malapit sa pond at nilibang ang sarili sa mga bulaklak sa mga tabi-tabi. Gusto ko ang lugar na ito, tahimik, presko ang hangin, may magandang araw, at maraming nagmamahal sa akin—ay mali, sa Reyna lang pala. Wala man akong lugar sa mundong ito pero at least naramdaman kong belong pa rin ako dito at salamat sa lahat kahit na marami akong nasasaktan at nilolokong tao para sa hustisiyang nararapat sa Reyna.

"Bakit ko ba 'to ginagawa? Para saan ba ito lahat?" bulong ko sa aking sarili. Hindi naman talaga ako ganito dati. Napasabunot lamang ako sa aking sarili.  Masyado ng dumarami ang nadadamay sa hustisyang ito. Marami na akong naloloko. Tapos dumagdag pa sa problema ko yung panaginip ko.

"Anong ginagawa mo dito, Kamahalan?" muntikan na akong mahulog sa pond dahil sa boses na narinig ko mula sa aking likuran.

"Ah-ahmm...paumanhin, Kamahalan. Hindi ko intensyong gulatin ka. Nagtataka lamang ako kung anong ginagawa ng isang magandang Reyna dito sa bakuran?" paliwanag niya. Tumayo ako at hinarap ang taong gumambala sa akin.

Muntikan ng malaglag ang panga ko—not literally. Napakurap-kurap pa akong napatingin sa kaniya. Uso ata talaga dito ang kabuteng gwapo.

"Ah-ahh... S-Sino ka?" pati pagsasalita ko naaapektuhan na.

Walang pasabi ay hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito bilang pagrespeto. Pagtapos ako nagpakilala siya sa akin.

"Ang pangalan ko ay Wei Jin Hang." pagpapakilala niya sabay lahad niya ng kaniyang kanang kamay sa akin. Tumango-tango lamang ako na parang nahihiya habang tinatanggap ko ang kaniyang kamay at sabay na nakipag-shake hands sa kaniya.

"Ahh, ako naman si Disha." pagpapakilala ko. Ngumingisi siya ng nakakaloko.

"Hmm, hindi ko inaasahang may iba pa palang ngalan ang Reyna. Iyon ba ang pangalan mong ginagamit sa labas?" pabiro niyang saad. Natigilan naman ako at inisip kung ano bang mali sa sinabi ko.

"Anong ibig mong sabihin?" hindi pa rin pumapasok sa isipan ko ang mga nangyayari.

"Ahahaha, sige, hindi ko ipagkakalat na Disha ang iyong ginagamit na ngalan. Maging ako ay may ngalan ding ginagamit, ang akin ay Byul." bulong niya sabay kindat sa akin. Okay, ngayon gets ko na. Akala niya ata hindi ko tunay na pangalan ang Disha.

"Ahh, oo, gano'n nga, haha... Ganda ng pangalan mo." sakay ko.

"Kamahalan, ano pala ang iyong ginagawa dito? Hindi ba dapat nagsasaya ka sa loob ng palasyo?" tanong niya.

"Wala lang, nais ko lamang mag-isip-isip. Tsaka masyadong maingay sa loob kaya dito na lamang muna ako." sagot ko.

"Ngayon ko lang nalaman na hindi mahilig ang Reyna sa ganitong okasyon. Sa susunod na may ganitong paghahanda pagsasabihan ko sila." sabi niya sabay kindat. Napangiwi na lang ako. Ako lang ba nakakapansin na feeling close ang lalaking 'to?

"Hindi naman sa gano'n, may bumabagabag lamang sa aking isipan kung kaya't lumabas ako dito upang magnilaynilay." paliwanag ko. Tumango-tango lamang siya.

"Gano'n ba? Maaari ba akong sumama sa iyo na magnilaynilay?" tanong niya sa akin.

"Ayos lang naman sa akin." sagot ko habang nakatuon ang atensyon ko sa pond. Uupo na sana siya sa tabi ko nang may kung sinong pumigil sa kaniya at kasabay no'n ay may humigit sa akin patayo. What the... Kunot-noo ko siyang tinignan habang hinihintay ang kaniyang gagawin. Anong problema ng isang 'to?

"Ohh, Emperor Lee, hindi ko inaasahang ganito ka pala? 'Wag kang mag-alala sinasamahan ko lamang siyang magnilaynilay kaso nga lang nahinto dahil sa iyong pagdating." saad niya ng pabiro. Hindi ako umimik at hinintay lamang siyang magsalita. Tumikhim siya.

"Paumanhin kung gano'n, Emperor Hang. Maaari bang maiwan ka muna namin saglit? May nais lamang akong sabihin sa aking Reyna." saad na may diin sa huli. Kinabahan tuloy ako lalo na rin no'ng tinawag niyang Emperor ang lalaking kaharap namin, nakakabigla. Hindi ko man lang namalayan na isa itong Hari dahil sa casual niya kung makipag-usap.

Hindi na niya hinintay na sagutin siya ni Emperor Hang at umalis na nga kami. Yumuko na lamang ako sa kaniya at nagpadala na lang sa agos ng paghila sa akin ng Hari palayo sa lalaking iyon. Nang makalayo-layo na kami ng Kamahalan ay agad niya rin akong binitawan. Napatingin ako sa lugar ng pinagdalhan niya sa akin habang hawak-hawak ko ang aking pulsuhan.

Mukhang nasa dulo kami ng kaharian malayo sa kinaroroon namin kanina. Kunot-noo kong tinignan ang Hari.

"What do you want? Hindi ba pwedeng idaan mo na lang sa matinong usapan? Kita mo namang nagpapahinga ako sa labas tapos hihilain mo ako dito? Ano bang kailangan mo?" tanong ko.

"Bakit ganito ka manamit? Alam mo bang pinagtitinginan ka ng mga lalaking naririto dahil d'yan sa suot mo? Alam mo ba kung anong ginawa mo? This celebration is important to me dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ng kaharian." sabi niya. Ano bang ikinagagalit niya? Dahil lang sa damit na 'to gagawa siya ng eksena?

"Don't you dare ruin this day. Do you think kilala mo na lahat ng nandirito dahil d'yan sa pakitang-tao mo? Those people are royal bloods at lahat sila ay kailangan ko para maging kaalyado ng kaharian. And let me remind you, you're still not welcome in my palace." sabi niya. Nagtama ang dalawa kong kilay at pinaningkitan ko siya ng masama.

"Hindi ba't masyado ka ng sumusobra? Alam kong hindi ako welcome dito pero ba't mo pa ako inimbitahan? It's your fault for being a stupid King. Don't underestimate me dahil hindi mo ako kilala. And also, let me remind you, I'm not your stupid Queen anymore. At baka magulat ka..." unti-unti akong lumapit sa kaniya kaya napa-atras siya nang dahan-dahan hanggang sa makulong ko siya sa aking mga braso. Kumuha pa ako ng patungan para maabot ko siya pero tangkad niya eh kaya nakatingkayad pa rin ako.

"…baka kainin kita dito sa harap nila." bulong ko sa kaniya na halatang kinatayo ng balahibo niya. Rinig na rinig ko din kung paano tumibok ng pagkalakas-lakas ang puso niya.

Pigil siyang napasinghap nang ilapit ko ang mukha ko sa may bandang leeg niya. Mapang-akit kong inamoy ang kaniyang leeg, dahan-dahan at binigyan ko siya ng pulang marka sa may Adam's apple niya. Kitang-kita ko kung paano siya nanabik sa aking ginawa. Lalo tuloy ako na i-excite.

"See? I'm not your old Queen anymore." bulong ko. Rinig kong napalunok siya. Napa-smirk ako sa kaniya.

Aalis na sana ako sa kaniya dahil ramdam kong baka magka-obligasyon pa ako sa kaniya, pero muli niya akong hinigit at nagkapalit na agad ang aming posisyon. Ako na ngayon ang nakulong.

Hinawakan niya magkabilaan ang aking mga kamay paitaas. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, parang may nagkakarerang mga kabayo. Nagtama ang aming mga mata at bumaba ang aking paningin sa may Adam's apple. Hindi ko inaakalang sobrang pula  pala ng markang binigay ko.

"Where are you going? Trying to escape your responsibility?" bulong niya na mas ikinakabog ng puso ko. Nagwawala na kaloob-looban ko. Hindi ko inaasahang ganito siya kadaling tablan. Pero hindi ako pwedeng magpaatinag lalo pa't mas magaling akong makipag-flirt kaysa sa kaniya. Beterana ata ako ano.

"Sa tingin mo? Sad to say, I'm not like what you think." huli kong saad at kasunod no'n ay naglapat na ang aming mga labi sa isa't isa. Nagulat siya sa hindi niya inaasahang pangunguna ko.

Hindi ko maiwasang mapangisi at kagat-kagatin ang ibabang labi nito dahil sa mga nangyayari. Nakita ko ang pag-alis ng dalawang froglet mula sa kanilang pinagtataguan. Napansin ko sila kanina kaya gumawa ako ng paraan at hindi ko naman inaasahang hahantong ako sa ganitong paraan.

Alam kong wala siyang balak na tumigil kaya nagpadala na lamang ako. I'm too weak to resist his damn lips. Damn you, King!

A/N:

Hope you enjoy! ^ω^

Continue Reading

You'll Also Like

18.5K 1K 86
Habang hinuhulma ang sarili bilang isang maharlika ay kumakalakip ang paghulma ng panibagong problema. Ang tinapos niya ay siya pa lang umpisa. Umpis...
2.5K 125 14
If Snow White has seven dwarfs, then our Anathea has Seven Princes'. Once a Princess has become a Concubine and a Queen. "Moving to a foreign land i...
M By Maxine Lat

Historical Fiction

6.6M 293K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...
1.7M 90.2K 71
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tul...