Unbreak My Heart

By BhebeCheekay

42.1K 990 130

SYNOPSIS Bata pa lang si Scarlett ay pinagkaitan na siya ng pagmamahal ng tadhana. Walang sinuman ang gustong... More

S Y N O P S I S
E X C E R P T
A N O T H E R E X C E R P T
Chapter One
Chapter Two
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Epilogue
😅PROMOTION😅

Chapter Three

879 18 2
By BhebeCheekay

Dedicated to radzsata

Sadness

"Miss, are you okay?" Mula sa pagkakayuko ay mabilis na tiningala ni Scarlett ang pinanggalingan ng baritonong tinig ngunit bago niya mabistahan ng husto ang anyo nito ay iniabot na nito sa kanya ang isang panyo na agad na niyang tinanggap at ipinunas sa kanyang luhaang mukha.

"S-Salamat." Pasalamat niya sa garalgal na tinig habang patuloy sa pagpahid ng luha sa mukha.

Naramdaman niyang umupo ang lalaki sa duyan sa tabi niya. At kahit nananatili siyang nakayuko ay nararamdaman niya ang intensidad ng titig nito sa kanya.

Malamang na nakakaramdam ito ng awa sa kanya nang mga oras na iyon. She was really a pity, afterall. At sino bang hindi maaawa sa kanya sa pagkakataong iyon? Isang babae, umiiyak na mag-isa sa madilim na parke. Na halos parang literal na pasan-pasan ang mundo.

Narinig niya ang pagbuntong hininga ng lalaki.

"You can share with me things that bother you, Miss. Handa akong makinig." Panghihikayat ng lalaki sa kanya.

Bahagya niyang ikiniling ang ulo rito ngunit hindi ito lubusang tinignan. Pinasadahan niya ng tingin gamit ang peripheral vision niya ang nahagip niyang suot ng lalaki. Puting t-shirt, itim na pantalon at rubber shoes. Nakapatong sa hita nito ang isang denim jacket.

Kahit punumpuno ng kuryosidad sa hitsura ng lalaki ay hindi na niya ito tuluyang tinignan. Bagkus ay idineretso niya ang ulo saka bahagyang tumungo. Tagus-tagusan ang tingin niya sa panyong iniabot nito sa kanya. Wala rin naman siyang maisip na sabihin bukod sa nag-aalangan siyang banggitin dito ang pasanin. He is a stranger afterall.

"Other people said that it is easier to share problems with some stranger kasi wala ka daw aalalahanin na bad reactions mula sa kanila." Narinig niyang sabi ng lalaki na marahil ay nadama ang pag-aalinlangan mula sa kanya. "All what they are going to do is to listen and give some sort of advice based on what you told them. Some say that strangers are good at that. You know, telling people some unsolicited advices but at some point are very useful." Dagdag pa nitong panghihikayat sa kanya sa palakaibigang tinig.

Kakatwa ngunit wala man lang nararamdamang takot si Scarlett sa lalaki. Marahil ay hindi talaga ito masamang tao dahil kung isa man ito, malamang na kanina pa ito may ginawang hindi maganda sa kanya. Madali lang iyon para rito dahil base sa haba ng biyas nito ay masasabi niyang malaking tao ito. Idagdag pa ang katotohanang silang dalawa lang ang tao sa naturang parke, sa oras na iyon ng gabi. Magiging napakadali para rito ang gawan siya ng hindi maganda kung talaga ngang masama itong tao ngunit hindi iyon nararamdaman ni Scarlett.

But she has no intention of telling him her problems. Para sa kanya, kabaliwan ang magsabi ng problema sa isang estranghero dahil wala naman siyang mapapala na matino mula rito. How could a stranger give an advice to something they are not aware to? By using empathy?That's the least thing she would want others to feel towards her. Isa pa, magiging mahaba pang paliwanagan para rito ang sitwasyon niya. Mas maganda nang kakaunti lang ang nakakaalam ng pinagdadaanan niya.

Ang buhay niya simula pagkabata ay parang nakabukas na libro para sa mga taong nakakakilala sa kanya. Alam kung saan ang pinanggalingan niya at kung sino siya at walang ibang ginawa ang mga iyon kundi husgahan siya. And she's tired of being judge. Sawang-sawa na siyang naririnig ang mga patutsada ng iba na hindi naman talaga siya lubos na kilala.

And telling a stranger about her problem is quiet odd for her. Ayaw niya ng panibagong komplikasyon at kung anu-ano pang opinyon ng mga tao. She has her own life to manage and she wants to have a quiet and peaceful private life.

"S-Salamat na lang." Mahina niyang sabi. Simply declining his offer. And that's final.

Kahit papaano naman ay gumaan ang loob niya sa pag-iyak niya kanina. Isama pa ang presensya ng lalaking ito na nakatulong upang lalong gumaan ang pakiramdam niya. Pinaigting lang niyon ang paniniwala niyang may mga estranghero ang sadyang may mabubuting kalooban. Sapat na marahil na nakaramay niya sa maigsing sandali ang lalaking ito uoang panghawakan niya ang paniniwalang iyon.

Tumayo siya sa duyan at dahil sa biglaang pagtayo ay nawalan siya ng panimbang. Matutumba siyang pabalik sa upuan ng duyan at siguradong babaliktad iyon sa maling pagkakaupo niya ngunit bago iyon mangyari ay mabilis siyang nadaluhan ng lalaki at naalalayan sa kanyang beywang. At mabilis ding nakapangunyapit ang isa niyang kamay sa batok nito at ang isa ay sa braso nito.

Nanatili sila nang may ilang minuto sa ganoong posisyon at iyon ang naging pagkakataon nila upang matignan ang isa't-isa. At halos mapasinghap si Scarlett nang mabistahan ang mukha ng lalaki.

Kung bakit ay taglay nito ang napakaguwapong mukha na noon lang niya nasilayan. Salamat sa mga poste ng ilaw na nagbibigay liwanag sa kabuuan ng parke dahil malinaw niyang nakikita ang hitsura ng magandang lalaki. The man possesses a comely curly hair which length is under his jaw, a deep set of blue eyes, aristocratic nose and a thin sensual lips which made the man extra gorgeous. Not to even mention the perfectly trimmed beard on his face which gave an extra appeal on his handsome look.

Mabilis na bumitaw si Scarlett nang mapagtanto ang ginagawang pag-aanalisa sa lalaking kadikit.

"Careful." Sabi ng lalaki nang umatras siya na bahagya pa siyang inalalayan sa kanyang siko.

"T-Thank you." Aniya sa lalaki. "Let me pay for your hanky. It's the least that I can do kasi hindi ko na 'to mababalik sayo ng ganitong hitsura." Sabi niya habang nagkakalkal sa bag.

"Oh, no, no. Don't mention it. You can keep that hanky anyway." Tanggi ng lalaki.

At sa huling pagkakataon ay sinulyapan niya ang lalaki. She fondly looked at him.

"Thank you." Muli niyang pasalamat dito bago bumuntong hininga. "I appreciate your willingness to listen to my problems. But it's really nothing. It was just a bad day and I really had a hard time." Pinilit niyang ngumiti sa sinabing iyon. "I'll get going." Paalam niya at nang tumango ang lalaki ay tumalikod na siya at tinungo ang kanyang kotse.

At bago niya tuluyang patakbuhin ang sasakyan ay muli niyang sinulyapan ang gawi ng lalaki na nanatiling nakatayo at nakatanaw sa kanyang sasakyan. Bumusina siya bago pinatakbo ang kotse.

Kahit papaano ay may magandang bagay siyang maiuuwi sa araw na iyon. He met a caring guy at the park and had her thoughtfully consoled. And for the first time in forever, she felt something unsurreal towards her opposite sex. It was really her first time. Hangga't maaari ay hindi niya pinagtutuunan ng pansin ang kahit na sinumang lalaki na nagpaparamdam sa kanya. Kung kaya rin lang niya ay pipigilan niya muna ang sarili dahil wala siyang panahon sa kahit na anumang relasyon. Ayaw niya muna ng komplikasyon dahil abala pa siya sa pagpapalugod para sa ibang tao. Kapag naayos na niya ang lahat ng dapat niyang ayusin ay saka na niya aasikasuhin ang sariling kaligayan.

Ngunit nang makita niya ang lalaki kanina ay may pinukaw itong kakaibang damdamin sa kanya. Tila nagustuhan niya ang maalalahaning tingin na pinukol nito sa kanya kanina, ang mabining pag-alalay nito sa kanya at ang init na hatid ng katawan nito. Bago lahat sa kanya ngunit animo'y nagustuhan niya.

Iyon nga lang, duda siya kung makita niya pang muli ang lalaking iyon. Maybe there's only a ten per cent chance for them to meet again. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng panghihinayang na hindi man lang niya hinayaan ang sarili na magsabi sa lalaki ng kanyang problema. Disinsana'y nagkasama sila ng matagal-tagal at baka kung sakali ay nagkaroon ng magandang resulta ang pag-uusap nila.

Napailing si Scarlett sa sarili. Kailan pa siya nagbukas ng posibilidad para sa mga ganoong pagkakataon? It's not as if it was her first time to see a man. In fact, she used to date particular men but to no successful endings. At hindi pinukaw ng mga iyon ang kanyang atensyon sa pagbubukas ng bagong kaganapan sa kanyang buhay.

Only to this man. But she guess, not for a good lifetime. Mukhang malabong magkita pa silang muli. She might as well forget him now or be crazy thinking over him. Of course, that will be of no use.

Continue Reading

You'll Also Like

96.6K 1.8K 20
Rhino Niall Salazar is a well-known architect. He is very famous in both his chosen field and in entertainment industry. He is not a celebrity but ma...
5.4M 207K 56
Kia likes Leonardo Saavedra, but she is stuck with the dead body of his younger brother, Dipen, who died in an incident that involves her. Is she rea...
7.8M 228K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...