Unbreak My Heart

By BhebeCheekay

41.9K 990 130

SYNOPSIS Bata pa lang si Scarlett ay pinagkaitan na siya ng pagmamahal ng tadhana. Walang sinuman ang gustong... More

S Y N O P S I S
E X C E R P T
A N O T H E R E X C E R P T
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Epilogue
😅PROMOTION😅

Chapter One

1.5K 28 11
By BhebeCheekay

Dedicated to Noverdine

Unending Misery

"Scarlett," napatayo si Scarlett mula sa kanyang executive chair nang marinig ang malaking boses na iyon ni Frederick Sandoval --- ang Chief Executive Officer (CEO) ng Sandoval BioDrug Laboratories.

Ang Sandoval BioDrug Laboraties ay isa sa pinakamalaki at pinakakilalang pharmaceutical company sa Pilipinas at sa ibang bansa. At si Scarlett Santisima ay isa sa mga Chief Marketing Officer (CMO) na dito sa Pilipinas nakabase.

"Y-Yes, Sir?" Kinakabahang sinalubong niya ang tingin ng CEO ng kompanya.

"Anong nangyari sa bidding?" Galit na tanong nito saka ibinagsak ang folder na iniwan niya sa lamesa nito kanina.  "Bakit hindi natin nakuha ang distribution ng mga gamot sa Newlife Medicare Hospital?" Nagbaba-taas ang dibdib nito dahil sa galit.

"S-Sir, m-masyado hong mababa ang bidding ng kabilang company kaya sila ang nakakuha ng posisyon." Mababang paliwanag niya habang nakayuko.

"Masyadong mababa?" Sarkastikong sabi nito saka nameywang. "Eh, 'di sana, nagbaba ka rin!" Bulyaw nito sa kanya.

Takot na tinignan niya ito. Frederick was at the prime of his life pero nang mga sandaling iyon ay para itong tumanda dahil sa problemang nangyari.

"E-Eh, Sir, w-we cannot afford to set the bidding price too low. We are focus on the approval of heavy investment because of our branded drugs. Hindi po pwedeng---"

"Should you tell me things I know!" Galit na putol ni Frederick sa sinasabi niya. "Sa tingin mo ba hindi ko alam ang mga 'yan?" Sarkastikong tanong nito sa kanya. "In case you forgot, Scarlett, this is my company! Sandoval BioDrug Laboratories is mine long before you came here! You don't have to tell me things I know as if I am an idiot like you!" Nanggagalaiting sabi nito sa kanya.

Matalim ang mga mata nito na nakatingin sa kabuuan niya at namumula ang mukha sa galit. Siya naman ay hindi mapigilan ang sarili sa pangingilid ng luha. Na kahit noon niya pa dinadanas ang ganito ay hindi pa rin siya tuluyang nasasanay.

"You never failed to disappointment me, Scarlett!" Mababa ngunit matigas pa rin ang tinig ni Frederick. "I gave you job you don't even deserve and yet, you can't do anything in my favor!" Dagdag nito sa pang-iinsulto sa kanya.

Ilang beses na bang humantong doon ang pag-uusap nila? Ilang beses na bang napupunta sa pang-iinsulto ang kanilang mga usapan? Lagi namang ganito, hindi ba?

"Sir, I tried. I did my best. I gave hundred and one per cent of my effort just to win the distribution. Pero---"

"You did your best?" Nakangiwing tanong nito sa kanya. "Is that all you can give? Ito lang ba ang kaya mo? Your best is just like a piece of trash, wortless. Like you!" Anito saka pumunta sa direksyon ng pinto.

Ngunit bago pa ito makarating sa pinto ay bumukas na iyon at iniluwa niyon si Penelope Sandoval, ang nag-iisang anak ni Frederick Sandoval.

"Dad!" Masiglang bati nito sa ama saka ito hinalikan sa pisngi.

"Penelope, hija!" Masayang bati ng ginoo sa anak. "Bakit hindi ka nagpasabing darating ka ngayon?" Tanong nito sa anak.

Si Penelope Sandoval ay tapos ng kursong Business Management ngunit wala sa pagpapatakbo ng isang kompanya ang puso nito kundi nasa pagmomodelo. Kaya imbes na pamahalaan ang negosyo ng pamilya ay mas pinili nito ang mundo ng pagmomodelo at pinag-igi ang sarili para sa larangang iyon.

"Dad naman. Hindi ka na nasanay sa'kin!" Sagot ni Penelope saka bahaw na tumawa.

"Oh, hi there, Scarlett!" Bati ni Penelope sa kanya saka pinagalawa ang mga daliri sa ere. "Heard you've failed again. Sorry for you. Better luck next time." Malungkot ang mukha nito ngunit nang-uuyam ang tinig.

"Pinagsabihan ko na 'yan, Pen. Halika na!" Yakag ng ginoo saka humawak sa beywang ng anak at nilisan na ang opisina niya.

Nanggigipupos na umupo siya sa kanyang upuan at sinapo ang kanyang noo. Pilit niyang pinipigilan ang pagtulo ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Napakabigat ng kanyang dibdib dahil sa mabibigat na salitang binitawan sa kanya.

Inasahan na niyang mangyayari ang bagay na iyon sa mismong oras na hindi niya naipanalo ang bidding. Alam niyang isa na naman iyon sa magiging problema niya sa kompanya. Pinilit niyang kumbinsihin ang isa sa pinakamalaking ospital ng bansa upang sila ang kuhaning distributor ng mga gamot ngunit mababa ang presyo ng kabilang kompanya kaya nahirapan siyang ipanalo ang Sandoval.

At kahit anong pilit niyang gawin lahat ng makakaya niya ay hinding hindi iyon magiging sapat upang magustuhan man lang siya ni Frederick o ng kahit na sino sa pamilya nito.

Scarlett Santisima is Frederick Sandoval's adopted daughter. Limang taon siya nang iwan siya ng kanyang ina sa isang restawran kasama si Frederick. Noong magkita ang mga ito ay wala siyang lubos na naunawaan sa mga pinag-uusapan ng dalawa. Halos bulungan lang ang naririnig niya sa mga ito kahit na galit pa ang pagkakabigkas ng mga iyon.

Matinding paghahabol ang ginawa niya sa kanyang ina nang basta na lang siya nitong iwan ng walang paalam matapos kuhanin mula kay Frederick ang isang makapal na puting envelope. Iyak siya nang iyak ngunit walang Carlotta na bumalik sa restawran.

Hanggang sa buhatin siya ni Frederick sa kotse nito at doon patahanin.

"Scarlett, makinig ka sa'kin." Maawtoridad ang tinig nito na agad na naghatid ng takot sa kanya. "Simula ngayon, sa'kin ka na titira." Deklara nito. "Isasama kita ngayon din sa mansiyon at hindi mo na kailan pa makakasama ang iyong ina." Pilit nitong ipinaintindi sa kanya ang bagay na iyon.

At sa batang isip ay agad niyang naintindihan ang mga bagay-bagay. Ipinaampon siya ng kanyang ina kay Frederick. Ang kanyang ina na si Carlotta na walang ibang ginawa sa kanya kundi maltratuhin. Simula nang magkamuwang siya ay puro pasakit na lang ang ipinadama sa kanya ng babaeng nagluwal sa kanya. Lagi nitong sinasabi sa kanya na siya ang malas na dumating sa buhay nito. Na simula nang ipinanganak siya nito ay nagkandaletse-letse na ang buhay nito. Na wala siyang ipinagkaiba sa ama niya na isang hudas!

Kung ituring siya ng sarili niyang ina ay animo hindi siya nito anak. Masahol pa siya sa isang hayop na maswerte nang maalagaan kung may sakit ngunit kaakibat pa rin niyon ang pasakit at walang kabuluhang pag-aalaga. Balewala rito kung hindi siya makakain ng tatlong beses isang araw basta't makapaglaro ito ng sugal na mahjong.

Habang nagkakaisip ay lalong ipinapamukha sa kanya ng kanyang ina ang kawalan nito ng halaga sa kanya. Na para rito ay isa siyang sumpa at pasakit sa buhay na hindi dapat arugain. At hindi niya kailanman naramdaman ang pagmamahal nito sa kanya. Wala man lang ito ni katiting na amor sa kanya at animo'y isa siyang nakamamatay na sakit kung layuan nito.

Gayunpaman, balewala sa kanya ang lahat ng iyon. Naaalala niyang laging sinasabi sa kanya ng kanyang lola sa ina na mahal daw siya ni Carlotta. May pinagdadaanan lang daw na problema ang kanyang ina kaya sa kanya iyon naibubunton. Unawain na lang daw niya ang ina hanggang sa magbago na ang pakikitungo nito sa kanya.

At handa si Scarlett na hintayin ang araw na iyon kung saan mararamdaman niya ang pagmamahal sa kanya ng ina. Handa siyang danasin ang hirap hanggang sa magbago na ng pakikitungo si Carlotta sa kanya. Subalit bago pa mangyari iyon ay naipaampon na siya nito. Muli nitong naiparamdam sa kanya ang kawalan nito ng interes para sa kanya.

Kung sa ibang pagkakataon siguro ay matutuwa siya na makakawala na siya sa poder ng ina. At kung pagbabasehan ang sasakyan ng lalaking umampon sa kanya ay masasabi niyang mayaman ito. Na maaari siyang makaranas ng isang maganda at marangyang buhay. Ngunit naging taliwas iyon sa kanyang pagkakaalam.

Dahil sa oras na ipinakilala siya ni Frederick sa maybahay nito na si Paloma ay matinding pagkadisgusto na rin ang ipinaranas sa kanya ng ginang. Sinabi ni Frederick sa asawa na anak siya ng matalik nitong kaibigan sa probinsiya na pumanaw na at hindi na nakatanggi sa asawa nito dahil hikahos din sa buhay. Na wala ng nagawa pa si Frederick kundi tanggapin ang bata.

Hindi alam ni Scarlett kung ano ang totoo. Dahil sa kawalan ng muwang ay minabuti niyang manahimik na lang at itikom ang bibig. At naging mas masahol pa ang buhay niya sa mansiyon ng mga Sandoval. Dahil kung noon, ina niya lang ang umaalipusta sa kanya, ngayon ay nadagdagan pa.

May Paloma na ipinaalaga siya sa mayordoma ng mansiyon. May Penelope na habang lumalaki siya ay pilit siyang itinuturing na kaaway. At si Frederick na umano'y umampon sa kanya ay hindi naman siya kailanman itinuring kahit na anak-anakan man lang. Ipinirmi na siya nitong ipinaalaga sa kasambahay at nawalan na ng pakialam kung halos ituring na rin siyang katulong ng maybahay at anak nito.

Gayunman, dahil sa pagiging likas na matalino ni Scarlett ay hindi iyon pinalagpas ni Frederick. Pinag-aral siya nito ng kolehiyo at ginamit ang angking galing niya upang ihanda sa pagpasok niya sa Sandoval BioDrug Laboratories.

Napagtagumpayan niya ang lumipas na maraming taon ng buhay niya kahit na punumpuno iyon ng kapaitan, dalamhati, paghihirap at kalungkutan. Tiniis niya at kinaya niya sa pag-aakalang magbabago ang lahat. Ngunit nagkamali siya! Kahit yata gaano pa siya magsikap ay hinding hindi na magbabago pa ang turing sa kanya ng mga taong nasa paligid niya.

That she, Scarlett Santisima, will always be a piece of trash, completely worthless!

"Ano na namang ipinunta dito ng ama-amahan mo? Ininsulto ka naman?" Narinig niyang tanong ni Stacey, ang matagal na niyang sekretarya at hindi na itinuring pang iba.

Nag-angat siya ng ulo at sinalubong ang tingin nito. Ibinaba nito ang kape sa kanyang lamesa at mabilis siyang ngumiti at nagpasalamat dito. Naupo ito sa upuan sa harap ng lamesa niya.

"Bakit ba patuloy mong pinagtyatyagaan ang ugali ng mga Sandoval?" Kunot-noong tanong nito sa kanya. "In your status, you can do more. You can be more, Scarlett. Ikaw rin ang nagpapahirap sa sarili mo, eh." Sabi ni Stacey sa kanya.

"Alam mo namang malaki ang utang na loob ko sa mga Sandoval, 'di ba? Kung hindi dahil sa kanila, I will not be Scarlett. Wala sana ako sa kinatatayuan ko ngayon." Malumanay niyang paliwanag sa kaibigan.

Umiling-iling si Stacey. Ilang beses na ba siyang pinaalalahanan ng kaibigan niyang ito? Sigurado siyang sawang-sawa na itong pagsabihan siya ng paulit-ulit. Napupunta rin naman aa wala ang mga paalala nito sa kanya.

"Kung sa utang na loob lang, matagal ka ng bayad sa kanila. Aba, sa pang-iinsulto pa lang nila sa'yo, bayad na bayad ka na. 'Wag nang isama pa ang lahat ng pang-aalipusta at pagpapahirap nila sa'yo!" Anito saka ipinaikot ang mga mata.

Hindi lingid sa kaalaman nito ang lahat ng dinanas niya sa pamilyang Sandoval. Minsan niya itong nahingahan ng sama ng loob at simula noon ay nakagaanan na niya ito ng loob.

"Stacey, hayaan mo na. Kulang pa ang lahat ng ginagawa ko para makabawi sa kanila." Aniya bago humigop ng kape. Iyon ang lagi niyang isinasagot sa kaibigan upang tapusin ang kanilang pag-uusap.

Hinampas ni Stacey ang lamesa saka tumayo habang ang dalawang kamay ay nasa gilid ng mukha nito.

"Pwedeng-pwede mo ng palitan si Mother Theresa sa pagkamartir mo, 'te!" Nawiwindang na sabi nito saka lumabas na ng kanyang opisina.

Ngumiti lang siya saka umiling-iling bago muling binalikan ang ginagawa niya kanina.

Sa dami na ng pagkakataon na dinadatnan siya ni Stacey sa ganitong sitwasyon ay halos naging paulit-ulit ang diskusyon nila. At sanay na sanay na siya sa mga pasaring nito sa kanya.

Kung tutuusin ay talagang sukung-suko na siya. Gusto na niyang talikuran ang mundo. Gusto na niyang lisanin lahat ng negatibong mga tao at bagay sa buhay niya. Ngunit mayroon pa ring bahagi ng puso niya ang ayaw sumuko sa posibilidad na magbabago pa rin ang lahat. At gusto niyang maniwala sa posibilidad na iyon.

÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷×

Hello, mga bhebe ko!

Ito po ang bago kong story, ang "Unbreak My Heart". Sana po ay magustuhan niyo dahil kayo po ang inspirasyon ko habang isinusulat ito. Sana po, kagaya ng iba ko pang istorya ay suportahan niyo rin po ito. Magcomment po kayo ng inyong mga reaksyon at saloobin tungkol sa istorya. I-share niyo rin po sana sa iba para makakalap po tayo ng maraming reads sa ating story. At syempre po, wag niyo po kalimutan i-VOTE  ito pong story.

Promote ko na rin po 'yong iba ko pang story;

My Taken Girl

Loving You

Love Under Revenge

All I Ask

Mischievous Destiny...

Lahat po ng mga iyon ay pwedeng pwede na po mabasa.

With regards to this new story, drama po ulit ito. At gusto ko po, bawat eksena mabigat. Kaya po unang chapter pa lang, pinabigat ko na po para maiba lang din po kaysa sa mga nakasanayan. Sana po, magustuhan ninyo. Pasensya na sa napakatagal na update. Actually hanggang ngayon, wala pang nadadagdag sa kwentong ito but I'll be working on this one and will try to finish this as soon as possible. Salamat po sa pag-unawa at pasensya.

Enjoy reading and keep safe po. God bless.

Love lots,
Bhebe Cheekay
Date written: 07/10/20
Published: 8/21/20

Self: What took me so long?
Self: No available scene in mind

Continue Reading

You'll Also Like

41.9K 990 43
SYNOPSIS Bata pa lang si Scarlett ay pinagkaitan na siya ng pagmamahal ng tadhana. Walang sinuman ang gustong magparamdam sa kanya ng pagmamahal kahi...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
69.7K 1.5K 36
[ WHO ARE YOU SERIES #1 ] Ayrxton Wrecker Arktwood Date started: 3/30/20 Date ended: 7/16/20 Cover not mine, credits to the rightful owner. Krisha_de...
1.2M 15.7K 36
"Mahal ko ang asawa ko, kaya nga nagpapakatanga ako at nagbubulag-bulagang mahal niya rin ako... kahit na alam kong hindi."